RIZ
ISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko nang dumating ang aking ama kasunod si Liberty, ang legal na asawa niya. Kasalukuyan akong nag-iisip kung paano sasabihin sa kaniya ang resulta ng checkup ko kahapon pero mukhang mas nauna niyang matuklasan ang sekreto ko.
“You’re pregnant?! Kailan mo balak sabihin sa ’kin ang tungkol dito, ha?!” sigaw niya sa akin. Pulang-pula sa galit ang aking ama.
Sa lakas ng sampal niya sa akin ay natulig ako. Nakaramdam din ako ng hilo. Mabuti na lamang at nakaupo ako sa patio dahil kung nakatayo ako ay baka bumagsak na ako sa tiled flooring. Nang malingunan ko si Liberty ay alam kong may kinalaman siya rito. Noon pa man ay galit na siya sa akin at palaging naghahanap ng ikagagalit ng aking ama sa akin. She doesn’t like me living with them. Kung hindi lang ako itinaboy ng aking ina para makasama si Daddy ay hindi ako titira sa kaniya.
My family is far from perfect. I’m a child out of wedlock. Siguro nga ay hindi nakatakda ang mga magulang ko para sa isa’t isa, and my mother played a big part on it. She cheated on him with another man while he was away, and that was the end of their relationship.
“Dad—”
“Arizona! You are only twenty-one! I expected more from you. Ito ba ang kapalit ng pagpapaaral ko sa ’yo? Hindi ka pa man nagtatrabaho ay buntis ka na. Sino ang ama ng anak mo? Iharap mo siya sa ’kin!” My father was so mad. Hurt and disappointment was written all over his face.
Wala akong ibang masabi at tinanggap na lang ang galit niya. Hindi rin naman siya makikinig sa kahit anong paliwanag ko.
“Sino ang ama ng anak mo? Tinatanong kita, sumagot ka!” Sa bawat segundong lumilipas ay lalo lang lumala ang galit niya sa akin. Halos atakihin siya sa galit.
“Si . . . Paul po.”
“Sinong Paul? Wala kang manliligaw, paanong nabuntis ka ng Paul na ’yon?!” Halos magdikit ang kilay niya at kitang-kita ko ang pagngalit ng bagang niya.
“Paul Gonzales po, Dad. N-Nagkakilala p-po kami sa . . . club noong minsan pong lumabas kami ng mga kaibigan ko.”
“Sa club?!” hiyaw ni Dad.
Umismid si Liberty. “Hon, I told you. Hindi ako nagkulang ng pagsasabi sa ’yo tungkol sa ugali ng anak mo. Ikaw lang naman itong tiwalang-tiwala sa kaniya. Hindi naman ’yan santa; magaling lang magtago ng kalandian niya. Tingnan mo nga’t nabuntis nang wala sa oras. Manang-mana sa ina niya.”
Naikuyom ko ang kamao ko pero hindi na ako sumagot dahil lalo lamang lalala ang sitwasyon. Hindi ito ang unang beses na ininsulto niya ako at sa tuwina ay hindi ako lumalaban. Para sa akin, legal siyang asawa at nagpapasalamat ako na tinanggap niya ako sa pamamahay niya. Kung nanatili ako sa poder ng aking ina, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral. Isa iyon sa kondisyon ng aking ama: pag-aaralin lamang niya ako kung titira ako sa kaniya.
Noong una ay nag-alinlangan ako dahil hindi ko alam ang ugali ng asawa niya lalo at wala silang anak, ’tapos ay doon ako titira kasama nila. It’s either she takes it as an insult or accept me with open arms.
“Lib, stay out of this,” saway ng aking ama sa kaniya.
She immediately shut up. Sanay na sanay siya sa mga patutsada pero kapag nasabihan ng aking ama ay wala rin naman siyang magawa. Carlos Consigna can be ruthless. Bagaman hindi mayaman ang pamilyang pinagmulan niya ay likas naman na matalino at masipag siya kaya mabilis siyang yumaman. He met Liberty during one of his trips and married her instantly. But over the years of their marriage, hindi sila biniyayaan ng anak. Itanggi man nang paulit-ulit pero ang alam ko ay nagkasakit siya kaya nawalan siya ng kakayahan na magkaanak.
And when my father learned that my mother married her boyfriend, nag-usap sila at kinuha niya ako. I was already six at the time. I saw him handing an envelope to my mother na kung hindi ako nagkakamali ay pera ang laman. After that, itinaboy ako ng aking ina at sinabing gusto akong makasama ng aking ama. Doon na raw ako titira. She didn’t even ask if I wanted to live with my father. Katulad noon, basta may desisyon silang dalawa ay palagi akong naiiwan sa gitna. Sunod-sunuran ako sa kung ano’ng naisin nila.
“Pack your things and see the father of your child. Tatanggapin lang kita sa bahay na ’to—sa buhay ko—kung pakakasalan ka niya at pananagutan niya ang ipinagbubuntis mo. If he doesn’t, then you are on your own. I don’t care kung bumalik ka sa poder ni Donnabelle o kung ano’ng gawin mo sa buhay mo. Hindi ako nagkulang sa ’yo. Ibinigay ko lahat, Arizona. Pero kung ito ang isusukli mo sa lahat ng kabutihan namin sa ’yo, makakaalis ka na.”
My father turned his back and left me by the pool area. Bago sumunod si Liberty ay binigyan niya ako ng isang makahulugang ngiti. Ngiting tagumpay. Isang ngiti na nagsasabing sa wakas ay mawawala na ako sa paningin niya. Sa wakas ay nagtagumpay siya sa mga plano niya.
Noong nag-aaral pa ako ay palagi niyang sinasabotahe ang mga project ko. Kapag natatapos ko ay palagi iyong nasisira o nawawala. After a couple of incidents, natuto akong gumawa ng backup dahil narinig ko siyang kausap ang isang amiga niya at ikinukuwento ang mga ginawa niya. She doesn’t want me here, simply because I remind her of what she is not capable of—to bear a child.
Gusto kong sabihin sa aking ama na hindi nga siya nagkulang sa materyal na bagay, pero ang atensiyon at oras niya para sa akin ay kulang na kulang. Tuwing may plano kaming lakad ay hinaharang ng kaniyang asawa. Naroong sumakit ang tiyan nito at mapipilitang mag-cancel si Dad, o kaya naman kapag may set na date kami ni Dad ay bigla siyang magpaplano ng isang out of town nila na hindi na puwedeng ma-refund.
Sa lahat ng pagkakataon, palagi siyang pinipili ni Dad. Palaging ako ang nag-a-adjust. Ganoon siguro kapag anak sa una at legal na asawa ang pagpipilian. Sa bagay, ganoon din naman kay Mama. Iyong asawa niya lang at anak nila ang mahalaga sa kaniya. At ako? Palaging hindi pinipili. Palaging itinataboy.
Walang halaga.
RIZI CAN’T feel my cheek, at nang makarating ako sa silid ko ay dumeretso ako sa banyo. Sa salamin ay nakita ko na nagsisimula na ang pamamaga ng pisngi ko bukod sa pamumula nito. Hindi ako galit sa aking ama. I’m just disappointed that he didn’t even let me explain.My tears were threatening to fall pero kaagad akong tumingin sa itaas para pigilan ang pagpatak nito. Mabilis akong naligo at nagbihis saka nag-umpisang mag-empake ng mga gamit ko. Hindi ko kayang dalhin ang lahat, and by the looks of my things, hindi ko rin madadala ang kotseng iniregalo sa akin ni Dad. Actually, I don’t want to take anything he gave me. May mga personal akong gamit na nabili ko mula sa baon ko.Hindi ako maluhong tao, at bagaman si Dad ang nagbibigay ng baon ko noon, nagtrabaho rin ako sa unibersidad bilang student assistant kaya ako nakaipon. Siguro naman, hindi ako kagagalitan ni Dad kung hiramin ko itong maliit na luggage para lagyan ng mga kailangan ko. Iniwan ko rin ang mga alahas na ibinigay niya
RIZTANGHALING-TAPAT at hindi pa ako kumakain pero hindi ako makaramdam ng gutom. Nang sapitin ko ang gate ay nagtanong ang may katandaan naming guard.“Ma’am Riz, saan po kayo pupunta? Hindi n’yo po ba dadalhin ang kotse?”Umiling ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. “Hindi na po, manong. Hindi ko po kasi alam kung kailan ako makakabalik kaya magko-commute na lang po ako.”“Sigurado ka ba?”Tumango ako at napabuntonghininga siya.“Sandali at itatawag kita ng taxi. Maghintay ka muna sandali, ha. Medyo malayo kasi tayo sa bukana, e.”Tumawag siya ng taxi at makaraan ang sampung minuto ay may pumasok sa village. Nagpasalamat ako sa kaniya at saka sumakay sa loob ng sasakyan. Ang driver ay inilagay sa trunk ang gamit ko.Tanging pangalan lang ni Paul ang alam ko. I don’t even remember how old he is. I had too much to drink that night, but I remember how good-looking he was. I was smitten at ang sunod ko na lang namalayan ay umaga na. Nasa kama kami at wala akong saplot. I felt tender a
RIZI FINISHED eating at nagtaka pa ako nang lumipat kami ng kalsada at naglakad patungo sa building na kanina lang ay pinuntahan ko. Hindi ba nga at ang sabi ng receptionist ay walang Paul Gonzales dito? Ano’ng gagawin namin dito?And then I thought, baka may dadaanan lang si Rowan. I put my mind at ease at hinayaan lang siya. Nilampasan namin ang lobby pero wala roon ang receptionist na kausap ko kanina. Maybe she went to the washroom.Tuloy-tuloy kami sa elevator at nang pindutin niya ang P ay napakunot ako.“I forgot to tell you that the penthouse is here. Dito mo na siya hihintayin and later on—”“I’m sorry to cut you off, Rowan. Dito ba siya nakatira?” maang na tanong ko sa kaniya.Usually, ang mga may-ari ng company ay may mga penthouse para sa mga mahahabang araw nila at pagod nang magbiyahe pauwi. I am assuming Calderon Holdings are owned by Calderons . . . not Gonzales. Baka naman driver ni Mr. Calderon si Paul!I hate the fact that I can’t remember much about that night. Ka
RIZTHIS is not happening. Paano ako haharap kay Dad kung ang lalaking ito ang ama ng anak ko? Mas mabuti pang huwag na lang niyang malaman pa ang tungkol dito at hindi na ako uuwi sa amin. My mind was running at 200 kms per hour. I need to plan fast and I am going to start by leaving this place.“Is there something wrong?” tanong niya sa akin.Nang mag-angat ako ng tingin ay malamig pa rin ang expression ng mukha niya. Paul doesn’t look happy or angry. Ang hirap niyang basahin. I wonder, how did I end up sleeping with him that night?Umiling ako at pilit na ngumiti sa kaniya. “Pasensiya ka na sa abala. I just . . . I just wanted to ask you something pero hindi na lang. Nasaan nga pala ang gamit ko?”“Your luggage is still in the living room. Why?” Kumunot ang noo niya.“Uuwi na ’ko sa ’min. Baka hinahanap na ’ko ng m-magulang ko. Salamat uli at pasensiya na.” That was a lie but I could not think of another excuse. What does he care? Hindi naman niya ako kilala. Paul doesn’t know anyt
JUSTIN “FUCK!” Hindi ko napigilan ang mapamura nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. It’s obvious she’s not well, and my first instinct was to bring her to the hospital. Binuhat ko siya at inilabas ng pinto saka dinala sa elevator. As the door closed, pinindot ko ang L para sa lobby. Nang makalabas kami ay nakita ako ng dalawang guards. “Sir! Ano po ang nangyari?” hindi magkandatuto niyang tanong. Bago pa ako nakasagot ay sinenyasan niya na ang kasama niya na tawagan ang driver ko. In times like this, they know what to do. Kasama iyon sa orientation nila. Malapit lang ang tinutuluyan na apartment ng driver ko rito sa office kaya makaraan ang ilang minuto ay dumating din siya. I sat at the back while still holding her. Sinabi ko kay Roger na dalhin kami sa General. Habang nasa biyahe kami ay kung ano-ano ang naiisip ko. I don’t even know why I asked Rowan to look for her. At hindi lang iyon, sinabi ko pa sa kaniyang dalhin sa akin para makausap ko. After my accident two mont
RIZHE doesn’t remember me, but why is he being nice to me? I’m not dense. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya sa akin at hindi ko siya masisi dahil hindi naman kami magkakilala. Ano lang ba iyong isang gabi? I can’t even remember it myself. Pero narito na ito at kung hindi niya ako paniniwalaan ay hindi ko na rin ipipilit. Susubukan kong bumalik sa aking ina, pero kahit maayos ang buhay niya ngayon, I doubt she would take me in.Nang ibigay niya sa akin ang gatas ay pinilit kong uminom. Hindi ako fan ng gatas, pero tama siya: kailangan ito ng baby ko.“Tell me exactly what happened today. Whatever you put on your face to hide your marks failed at hiding the swelling.” He got up again and went to the fridge. Nang magbalik siya ay may dala na siyang isang ice pack. “This will help.”Bigla tuloy akong napahawak sa pisngi ko. There were a lot of things that happened today at sa totoo lang ay nawaglit na sa isipan ko ang ginawang pagsampal sa akin ng aking ama. Hindi kaagad ako nakapagsali
RIZI WOKE UP late this morning. Noong una ay nahihiya akong nauna pang magising sa akin ang may-ari ng bahay. But then I thought, natural lang na magising siya nang maaga dahil may trabaho, samantalang ako ay wala pang detalyadong plano.‘Positive thoughts only.’ Iyon ang sinabi ko sa aking sarili nang magising ako kanina. Hinagip ko ang isang rubber band at ipinusod ng kung paano lang ang aking buhok. Pasado alas-otso na nang tumingin ako sa wall clock kaya siguradong nakapasok na sa opisina si Paul . . . or Justin, whatever his name is. Nakilala ko siyang Paul, but that can be changed kung Justin ang sadyang itinatawag sa kaniya ng mga tao sa paligid niya.Nang magtungo ako sa banyo ay kinuha ko ang roba at isinuot saka naghilamos at nag-toothbrush. Nakaramdam ako ng panunubig at hustong flush ko ng toilet ay nakarinig ako ng ilang katok sa pinto.“Ma’am Riz, ipinapatawag po kayo ni Sir para kumain. Hindi daw po magandang nalilipasan ng gutom ang buntis,” sabi ni Manang sa likod ng
JUSTINSA pagod niya kagabi ay alam kong tatanghaliin siya ng gising. Besides, when my mother was pregnant before, madalas siyang antukin at late na rin magising. I don’t remember much. Ang sabi ng stepfather ko noon, may mga mood swings din si Nanay na pinagpapasensiyahan niya. At dahil hindi ako makatulog kagabi, nag-order ako ng ilang pregnancy books online. While waiting, I purchased a few e-books too and started reading. Late na rin akong nakatulog pero sanay ang katawan kong gumising nang maaga, so I got up at six.Naging habit ko na ang tumakbo sa umaga at kapag nasa Batangas ako ay sa labas ko iyon ginagawa. None of these gym equipments can satisfy me. Iba pa rin ang fresh air at natural na init ng araw. But my life has changed when I took over the business at sa treadmill na lang ako madalas tumakbo. I think the last time I visited Batangas was over three years ago.“Cat got your tongue?” Riz could be passive-aggressive sometimes. Iyon ang napuna ko sa kaniya. There were time
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot
JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was
JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam
RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled