Lumubog ang araw, at unti-unting kumagat ang dilim. Nasa kuwarto siya, nakikiramdam at naghahanda. Ang pamilyang kasama niya ay nasa ligtas na silid at kagaya niya, nakikiramdam lang din at naghihintay na magkagulo. Mas matanda ang dalawang batang kasama nila kumpara kay Niccolò at Athalia. Walong taong gulang na ang lalaki, pito naman ang babae. Hindi sila kambal, pero dahil magkasingtangkad lang at halos pareho ang pangangatawan ay pwede nang mapagkamalang kambal. Mabuti na lamang, kahit na maglilimang taong gulang palang ang kaniyang mga anak, namana naman nila ang kaniyang genes. Kapwa matangkad si Niccolò at Athalia, kaya ang mga batang kasama niya ngayon ay hawig kahit paano sa kaniyang mga anak. Mayroong surveillance camera, siyam lahat. Dalawa sa likod, isa malapit sa kitchen door, at ang isa pa ay nasa sala. Dalawa sa harap, isa sa may garage at dalawa malapit sa malaking gate. Ang monitor ay nasa kaniyang kuwarto kaya nakikita niya kung may posibleng pumasok. Lumi
Bumukas ang pinto dahil sa malakas na pagkakasipa ng mga taong nasa labas. Patuloy pa rin ang putukan at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ysabela. Niyakap niya ang kaniyang mga anak na sumiksik naman sa kaniya.Tumama sa kaniyang mukha ang liwanag mula sa flashlight na dala ng mga tauhan.“We found them!” Sigaw ng isang garalgal na boses.“Mommy. I’m scared.” Iyak ni Athalia.Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa mga bata. Kahit siya, natatakot para sa kaligtasan nila.“Mommy’s here, don’t be afraid, Athy.” Bulong niya.Lumapit ang dalawang lalaki sa kanila. May dala silang flashlight at mahahabang baril. Ang isa ay hinawakan si Niccolò para ilayo sa kaniya, pero pinalis niya agad ang kamay ng lalaki.“Don’t touch them!” Sigaw niya.“You have to come with us. We are Señor Alhaj’s men.” Imporma nito.Mas lalong naghurumintado ang kaniyang puso.Totoo, pinuntahan talaga sila ni Alhaj kasama ang mga tauhan nito.“Where’s Daddy?” Si Niccolò na napukaw ang interes dahil sa sinabi
Samantalang hindi makapasok ang mga tauhan ni Greig, kahit sa sala lang dahil nakapwesto sa taas ang mga tauhan ni Alhaj. Nasa likod sila ng pinto, naghihintay na maubusan ng bala ang mga bumabaril sa taas nang makapasok na sila. Maraming patay na katawan ang nagkalat sa labas ng mansyon, at iilan na lamang ang tauhan ni Alhaj na buhay pa. Hula niya, nahati ang mga tauhan ni Alhaj, ang ilan ay dumiretso rito at ang ilan ay sa isa pang mansyon dahil may sumubok rin na pumasok sa kabilang mansyon. Tatlong lalaki lang, pero agad na napatumba ng kaniyang mga tauhan. “Sa likod kami dadaan.” Imporma ni Archie sa kaniyang tabi. “Don’t let them catch us. Kunin niyo lang ang atensyon nila, kami na ang papasok.” Saad ng lalaki. Tumango siya. Nakipagpalitan sila ng putok ng kaniyang mga kasama, samantalang ang ilang tauhan ay sumunod kay Archie para sa likod ng mansyon dumaan. There’s a fire exit in the back. Naalala niya. Pwede silang dumaan doon, at tumuloy sa kusina para masalisihan a
“Please, Alj, let Niccolò go.” Nanghihina niyang saad nang makitang natatakot ng husto ang batang lalaki. “I’ve done everything for you, Bella! Isinuko ko ang buhay ko sa Pilipinas. Iniwan ko lahat para makasama ka at ang mga anak mo! Pero ito ang isusukli mo sa’kin?” Umawang ang kaniyang bibig. Kahit siya nagulat nang marinig ang sinabi nito. He’s admitting it… isn't he? Mga anak ko? Ibigsabihin... Una palang, alam na ni Alhaj na si Athalia at Niccolò, ay hindi sa kaniya. Kung ganoon, totoo nga ang mga sinabi sa kaniya ni Greig. Pinagsamantalahan nga ni Alhaj ang kaniyang kawalan ng alaala. Kinagat niya ang ibabang labi at napahagulhol. Parang dinudurog ang kaniyang dibdib. “You lied to me! You lied.” Umiling siya. “Kaya ano pang gusto mo? I tried to love you, Alj. I really tried, but I couldn't trust you. Kahit hindi ko maalala, kahit wala akong maalala, alam ng puso ko.” Tinuro niya ang kaniyang dibdib at mas lalong napaiyak. “Na hindi ikaw ang nagmamay-ari nito.” Malungko
“Hindi mo na mababawi si Ysabela, Alhaj!” Frustrated na sigaw ni Natasha, matinding galit ang kaniyang nararamdaman.“We’re already outnumbered, wala na tayong magagawa kung hindi ang magtago nalang muna pansamantala.”“She will come to me, Natasha. Nasa akin si Niccolò.” Buong-puso niyang tiwala sa sarili.Bumaba ng sasakyan si Natasha, kaya sumunod siya. Samantalang nasa backseat pa rin si Niccolò kasama ang isang tauhan nila.“That’s your only chance to get her, Alhaj. Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon, sirang-sira na ang tiwala niya sa’yo! Napatunayan mo pa sa kaniya na hindi mo anak ang mga batang ‘yon! Why did you f*ck*ng admit it?”Ihinilamos ni Alhaj ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Pagod na pagod na siya, pero hindi na sila pwedeng bumalik sa mansyon nila Alessandra dahil mapahahamak ang pamilya nito kung doon pa sila tutuloy, kaya ngayon ay nasa byahe sila paalis ng Sicily.Nawala nila ang mga tauhan ni Greig at Archie. Mabuti na lamang at nakapag-emergency landing
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Siguro tama si Archie.” Tinitigan siya ni Greig, puno ng pangungulila.“My heart would always find you. Kahit saang lupalop ng mundo, mahahanap kita.”Umiling siya, hindi alam ang sasabihin.“Even after death, I would find you. I’d fight for my chance just… to be with you again. Dahil mahirap at masakit mabuhay, kung wala ka.”Pero mahirap at masakit din mabuhay para kay Ysabela kung nariyan siya.Mariin na pumikit si Ysabela, nawawalan ng lakas na sumagot pa. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay ni Greig sa loob ng limang taon nilang pagkawalay sa isa’t isa.Siguro naging mahirap para kay Greig dahil sinisi nito ang sarili sa nangyari sa kaniya, samantalang nabuhay naman siya ng payapa at malayo sa mga bagay na makakasakit sa kaniya.Kung iisipin niya ng mabuti, naging maayos ang buhay niya sa piling ni Alhaj. Naging payapa. Naging matiwasay.Pero hindi siya naging masaya.Parang may kulang. Parang may kahungkagan sa puso niya na hindi kayang punan ni Alhaj.Marahang idinampi n
“ I still have an effect on you.” Mahinang turan ni Greig.Dahan-dahang umawang ang labi ni Ysabela. Tinitigan niya ang seryosong mukha ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman na nangilid agad ang kaniyang mga luha.Bakit ganoon?Bakit hindi pa rin sapat ang limang taon para mabago ang epekto ni Greig sa kaniya? Sana… sana kaya niyang itanggi na hindi na siya apektado sa lalaki, pero hindi niya magawa dahil alam niyang totoo ang sinabi nito.Hanggang ngayon, si Greig lamang, at tanging si Greig lamang ang kayang magpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Ito lamang ang kayang kumuryente sa kaniyang sistema sa isang haplos lang. Ito lamang ang tanging lalaki na magagawang buhayin ang akala niya’y manhid na damdamin.Nang imulat niya ang mga mata, nakita niyang titig na titig sa kaniya si Greig. Bumuka ang kaniyang bibig.“How could you awaken the love that I have forgotten already?” Nasasaktan niyang tanong.Bumakas ang gulat sa mga mata ni Greig.“Ano?”Iniangat niya ang mga
Sa’yo ako.Sa’yo ako.Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ni Ysabela ang mga salitang iyon.Anong sa akin pa rin siya?Imposible.Nagtatagis ang kaniyang bagang sa tuwing nararamdaman na bumibilis ang ritmo ng kaniyang puso kapag naiisip ang sinabi ni Greig.Imposible.No'ng mawala ang kaniyang alaala, naniwala siyang si Alhaj nga ang lalaki sa buhay niya. Hindi niya naisip na kay Greig siya, dahil no’ng mga panahon na iyon hindi niya pa maalala ang lalaki.Isn’t it unfair? That he could just easily say those words to me?Kung sa simula palang akin siya. Bakit… bakit nagpakasal siya kay Natasha?Hindi ba siya nahulog kay Natasha? Hindi ba siya nakaramdam ng kahit na anong espesyal para kay Natasha? Matagal silang nagsama, imposibleng hindi man lang nadevelop ang feelings ni Greig kay Natasha.Maybe he is just making things up?Nakakainis.Nang sumunod na mga araw, madalas na si Greig ang nagdadala ng kaniyang pagkain sa kuwarto. Minsan ay ito pa ang nagluluto ng
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila. Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya. Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya. Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya? Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom. T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin. Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw. Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya