Nagulat si Lalaine ng may magdoorbell. Napatayo siya ng humiga siyang muli after niya kumain at makipag-usap kay Shiela matagal din sila nag-usap. Bago pa man natapos ay muli siya nito sinabihan na hiwalayan na lang niya si Carlos. Pero mas pinili pa rin ang isagot sa kaibigan na ayaw niya. “Lalaine" nakita niya ang kaibigan ni Carlos. Bitbit nito ang asawa niya.“Anong nangyari?" tanong ni Lalaine.“Lasing, naglasing ito. Mag-usap kayo ahh!" manipis na nginitian siya nito. “He really like you, Lalaine. Sana kapwa niyo mahanap sa mga puso niyo ang sagot sa mga nararamdaman niyo. Magkaayos sana kayo, and please tell him iwasan na niya ang uminom at mang-istorbo. Wala pa iyan tulog mula ng tawagan ako para samahan siya uminom. He drank because of you. Dahil ang tanga…" napatawa ito. Magkabanggaan ang kilay ni Lalaine. Ang puso niya marami ang tumatakbo. Tumatakbo, tumatalon. Pero ang gusto ng puso niya sa bibig ni Carlos manggaling, hindi sa kaibigan nito. Pero, ano kung sa kaibigan ni
“Saan ka pupunta?" na-pabalik si Lalaine sa pagkakaupo sa kama ng naalimpungatan si Carlos at makita siya na tatayo para sana bumangon na muna siya upang gawin ang mga naiwan niyang trabaho sa ibaba. Kaya 'nga lang naunahan siya ni Carlos ng makita siya at bigla nitong hilahin siya ng mahawakan sa kanyang isang braso. Napabuntong-hininga si Lalaine, tumingin siya kay Carlos. “I'm going to clean the living room, the living room is still messy, the ones you scattered I haven't finished cleaning."“You're just here first," pakiusap na pahayag ni Carlos. Nagsalubong ang kilay ni Lalaine, hindi niya mahanap sa sarili kung tawanan niya ba si Carlos o hindi. Napabuntong-hininga muli siya sa panibago na Carlos na nakikita niya. Syempre, hindi niya expected ang lalaking madalas mang away, angalan siya at sigawan kasama na don ang pananakit sa kanya minsan. Pero hindi makapaniwala na magkakaganito si Carlos mababa lang ang tono nito habang nakiusap at sweet sa pandinig na may manipis at mali
“Saan ka pupunta?" tanong ni Carlos. Kinalingon ni Lalaine.“Papasok sa work," sagot ni Lalaine. Bumalik ang tingin sa salamin.“Wag ka na pumasok," utos ni Carlos. Hindi pakiusap. Nagstart na naman isip ni Carlos na magkikita na naman ang doctor na lalaki at si Lalaine. Umandar na naman ang selos sa kanya ng tumaas ang kanyang presyon at magpumilit sa gusto si Lalaine sa pagtatrabaho.Ayaw niya pumasok si Lalaine.Ayaw niya na makipagkita o magkita ulit si Lalaine at si Ethan. Subalit makulit si Lalaine. Mahal niya ang trabaho niya sa hospital at ayaw niya pabayaan yon para lang sa nakikita niya sa itsura ni Carlos sa hindi pakiusap nito na wag na siyang pumasok.Nakita ni Lalaine galit na naman ito at kinabahan baka masaktan siya once uminit ang ulo nito. Natakot na siya.“Hindi ako pwede na hindi papasok. Trabaho yon. Saka ikaw, may trabaho ka. Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Lalaine. Nakatalikod siya kay Carlos habang nakikipag-usap.Tinatapos niya lang na maayusan ang sarili
Kasalukuyan na nagluluto si Lalaine habang nasa kusina siya. Masarap ang niluluto niya na itinawag niya pa para makapagpaturo sa mommy Imy niya. Hindi niya alam kasi lalo na't hindi naman lahat ng mga lutuin ay alam niya. Basta, alam niya ay paborito ito ni Carlos. Dumaan pa siya ng supermarket para lang bumili ng mga ingredients. Makaraan ay tumawag na siya sa mommy Imy niya na natuwa pa ng malaman na ayos na sila ni Carlos.Kinukwento ni Lalaine na nagkaayos na sila at humingi na rin ito ng sorry sa mga nagawa nito na mali. Isa sa mga natuwa sa nangyari ay ang mga magulang ni Carlos. Masaya din at hindi iyon maikakaila ni Lalaine na masaya siya ng umamin sa kanya si Carlos na mahal din siya nito. Buong akala ni Lalaine siya nalang ang magmahal ng patago habang nagtitiis at tinitiis niya ang pagsasama nila at ugali ng kanyang asawa.Naaamoy na niya ang masarap niyang niluluto. Natakam tuloy siya at nais na mauna kumain habang hinihintay niyang magising si Carlos Nang dumating siy
“Lalaine," tawag ni Ethan. Napalingon si Lalaine.“Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Ethan, nagtataka. “Ano bang itsura ko?" balik nitong tanong.Pocker Face si Ethan saka nag-iisip ng kanyang isasagot. “Para kang nabitin." pabiro nito na sabi pero tumaas ang kilay ni Lalaine.“WTF!?" tingin sa kanya ni Lalaine. Tumawa si Ethan.“Wag ka nga tumingin ng ganyan. Na stress ako. Mas tumitiklop ito," pabiro pa rin itong nagsalita habang taas kilay si Lalaine.“Puro ka kasi biro. Ano bang nais mo?" tanong niya, inaayos yung mga gulo na gamit nila.Pagdating ni Lalaine sa hospital. Napansin niya na parang dinaanan ng bagyo ang nurse station. Napakagulo ng buong paligid.“Wag mo ng ayusin iyan. May paparating pang mga patients. Bakit kasi andito ka?" tanong ni Ethan. “P-parating?" Tumango si Ethan.“Hindi mo ba narinig na may aksidente dun sa may villa estrella street? Ilang sasakyan ang naaksidente don dahil sa truck na nawalan ng preno. Halika na, kailangan na tayo sa ER." Aya ni Eth
Ilang buwan na rin ang nakakalipas. Napapangiti si Lalaine habang hawak niya ang kanyang malaki-laking tiyan. Sobrang laki na nito. Ilang araw nalang ay manganganak na siya.Ipanganganak na rin ni Lalaine ang anak nila ni Carlos. Malungkot man isipin na aalis na siya sa hospital dahil sa kailangan niya din ang magfocus sa batang ipanganganak niya. Gusto niya maging hands on mom sa baby niya. Lalo na't nag-iisa lang ito. Nais niya matutukan ang bawat araw na magkasama sila. Habang lumalaki ito nais niya nasa tabi lang siya ng kanyang anak. Huminga si Lalaine ng malalim. Hinihimas niya at kinakausap ang anak nila ni Carlos. ”Babe, wag kang masyado magpahirap sa akin ahh, labas ka lang na parang normal." nangingisi na biro niya habang kinakausap ang kanyang anak. May bahagyang takot si Lalaine sa paglabas ng kanyang baby. Alam niya ang hirap at panganib ng isang Ina habang nagbubuntis at ipinanganganak ang kanilang mga baby. Hindi naman kasi lahat ng Ina na habang ipinagbubuntis ay
“Ready ka na? Ilang days nalang ang hihintayin mo." Tumango ang lalaki.“Alam ko, kaya nga pinagsikapan ko mailakad ng maayos itong mga binti ko." sagot nito.“Masaya ako para sayo, alam kong mas masaya siya sa oras makita ka na niya." sagot ng kausap nito. “Alam ko," nagbaba ito ng tingin. Kabado pa rin siya hanggang ngayon. “Wag kang kabahan. Parang ibang-iba na ngayon yung ikaw na noon. Hindi ka naman ganyan dati ahh, bakit ngayon para kang tinakbuhan ng mga buntot mo?" huminga ng malalim ang lalaki. “Hindi ko alam, pero parang pakiramdam ko... Ewan!" napabuga ang lalaki. Nag-angat siya muli ng tingin sa kausap niya.“Tingin mo matutuwa siyang makita ako?" balot ng pag-aalala tanong ng lalaki.“Bakit hindi?" manipis na ngiti ang bigay ng kausap niya, hinawakan nito ang balikat ng lalaki. Tinapik-tapik nito. “Wag kang mag-alala. Panigurado akong mas masaya siya sa oras na makita ka niya." sabi pang muli nito sa lalaki.*****Napabuga si Lalaine habang tinitingnan ang litrato sa k
“Okay na ba lahat?" “Oo maayos na, okay na din para mamaya sa party. Wag kang mawawala ahh, it's welcoming party ito para sa baby ni Lalaine. Siguro naman ay ready na din lahat diba sa part mo?"“Oo, ready na ang lahat." tugon ng kausap.“Sige, naayos na din namin ang sa amin. Ang need nalang ay madala siya sa tunay na event mamaya after natin magtungo sa bahay niya. Sa bahay muna niya tayo magstart and then, later saka tayo pupunta sa main party. Basta ikaw na bahala na mag-asikaso sa sinabi ko sayo ahh. Wag mong kalimutan ang pinagagawa ko sayo. Baka mabulilyaso tayo masira ang lahat."“Oo naman, wag kang mag-alala. Ayos na lahat sa part ko. Dadalhin ko mamaya sa bahay niya, mali. Ipapadeliver ko nalang pala para hindi masyado mahalata ang plans natin. Basta if kami ang mauna sa pagpunta sa bahay niya, bili ka nalang ng cake ahh. Para sure na hindi mapulyado ang plano. Kailangan natin palabasin na for baby Beverly talaga ito at hindi siya kasama. And then, pagconvice na natin siya,