"A--ano ba talagang nangyayari Kiara?" naguguluhang tanong ni yaya Celly sa kanya.Umiiyak nan siyang sumagot. "Yaya wala siyang modong tao pinasok niya ako sa kwarto ko at binaboy niya ang katawan ko!" sigaw niyang umiiyak habang ini start ang sasakyan niya.Napahawak naman si yaya sa kanyang bibig at saka bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha. "Sige na hija umalis kana tawagan mo nalang ako kung may kailangan ha. Sige na Kiara takbo na!" taboy niya sa alaga habang lumuluha.Mabilis nakalabas si Kiara ng gate matapos buksan ni yaya at ng guard ng gate. Upang hindi naman makasunid si Marco ay ini-lock ni yaya ang gate at itinapon sa pool ng susi.Kitang kita ni Marco ang ginawa ng kasambahay nina Kiara kaya ng makalapit siya ay sinampal niya ang matanda at sinuntok ang guard bago pina sisid ang susi rito.Samantalang gulong gulo si Kiara kung saan siya tatakbo. Alam niyang hindi siya pwedeng pumunta kay Pauline ayaw na niyang madamay ito. Tumigil siya sa tabi ng kalsada at kinuha an
Nagulat pa si Aidan pagsakay niya ng sasakyan at inabutang nag aayos ng pera si Kiara."N-nag withdraw lang ako k-kasi baka ipahold ni Daddy yung accounts ko. Mahirap pag wala akong kahawak hawak." dahilan niya na patuloy sa pag aayos ng pera."May pera naman ako pwede la naman humingi sa'kin kung kailangan mo. By the way eto ang pinamili ko hindi ko alam kung magugustuhan mo sa U.S nalang siguro tayo mamili ng mga kailangan mo ang mahala lang ngayon ay makaalis tayo sa lalong madaling panahon." sabi naman nito habang ipinapasok ang ibang paper bags sa likod ng sasakyan. Iniabot pa nito ang isang paper bag sa kanya. "Isuot mo na yan para naman hindi ka takaw tingin pag akyat natin sa condo ko." "Thank you." matapos abutin ay agad niyang binuksan ang paper bag simpleng dress lang ang laman nuon at dahil tinted naman ang sasakyan ni Aidan nagmadali na lang siyng magpalit. Hindi naman siya nahirapan dahil naka robe lang naman siya. Matapos isuot ang dress ay sinuot niya muli ang coat ni
Walang imik silng dumulog sa hapagkainan. Nagpapakiramdaman hanggang sa matapos silng kumain. "A-ako na ang maglilinis nito." sabi niya sa lalaki na dinampot agad ng mga pinagkainan nilang dalawa.Agad namang hinawakan ni Aidan ng kamay ni Kiara at nagsalubong ang kanilang mga mata. "Ako na, alam kong pagod ka not physically but mentally and I know that you need a rest." "Pwede mo ba akong samahan mamaya?" tanong ni Kiara na nakatingin parin sa mga mata ng lalaki."Where?" tanong nito na binitawan na ang kamay niya at unti unting niligpit ang mesa."Sa mansion, tinawagan ko si yaya at pinalabaa ko yung mga papers ko na inihanda ko at mamayang 8pm ilalabas niya ang mga basura sabtabi daw nuon ay ilalagay niya ang kailangan ko." paliwanag niya na nanatiling nakapanuod sa bawat kilos ni Aidan."Okay it's already 6pm may time ka oang magpahinga. Gigisingin kita pag aalis na tayo, you can go back to your room." nakatalikod itong nagsalita habang hinuhugasan ang ilang kinainan nila."Than
"Kung may nais kang idagdag sabihin mo lang para maipaayos natin agad kay Atty. Baka naman sabihin mo ay unfair ako. You don't need to worry because everything in that contract is favorable to you. After our divorce magiging maayos ang buhay mo and I am willing to give you a cash para makapagsimula ka. Ang mahalaga lang sa akin sa ngayon ay ang makaganti kay Athena dahil iniisip niya na hindi ko siya kayang palitan. Aaminin ko sayo hanggang ngayon ay pinasusubaybayan ko parin si Athena at lagi niyang sinasabi sa mga kaibigan nya na hindi ako makakatagal na wala siya." magbuntong hininga pa ito bago mulingvtumingin sa kanya. "I still love her kahit sinaktan niya ako. At hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko ng maalis ang pagmamahal na ito. Gusto kong magalit dahil pakiramdam ko niloko ako ng lahat. Marami akong nalaman at masasakit masyado ang mga iyon kaya naman ayoko ng balikan. All I want is to revenge. Sige na magpahinga ka na at kung magutom ka may pagkain sa kitchen feel free da
Dumating si Lupe at tinulungan niya ito sa pag aayos ng mga pinamili nito sa grocery. Tinulungan rin niya itong magluto ng pananghalian dahil napaibig siya sa adobong baboy na may pinya. Sige ang kwentuhan nila ng biglang mag ring ang cellphone ni Kiara kaya naman nagmamadali siyang nag hugas at nagtuyo ng kamay at saka sinagot ito ng hindi natingin sa screen."Hello?" sabi pa niya habang ikinipit sa pagitan ng tainga at balikat ang ang kanyang cellphone habang ipinagpapatuloy ang paghalo sa nilulutong adobo."Kung inaakala mong matatakasan mo ako Kiara ay nagkakamali ka!" mula sa isang galit na galit na tinig na sinundan pa ng isang malutong na halakhak.Isang tinig na hindi niya makakalimutan ang nagmula sa kabilang linya. Kaya naman agad niyang nabitawan ang sandok at kinuha ang cellphone. Parang nag slow motion ang bawat kilos niya ng tingnan niya ang pangalan sa screen at nakita niya nagpangalan ng kanyang yaya Celly.Nangangatal ang kanyang mga kamay at biglang tumulo ang kanyan
Matapos kumain ay nakatanggap ng tawag si Aidan. Hindi ito nagpahalata kay Kiara ngunit mababakas mo ang biglang pagiging alerto nito."Kiara, prepare all your things at magbihis kana magpatulong kana kay Lupe at maghahanda narin ako." hindi pa nakakasagot si Kiara ay tinalikuran na niya agad ito at pumasok sa sariling silid. Tinawagan agad niya si Jeofrey. "Is everythings fine?" tanong niya rito habang nagmamadaling inilalagay sa maleta ang kanyang mga damit. Napansin niya ang isa pa niyang maletang maliit at naalalang walang bag si Kiara kaya mabilis niyang kinuha yun at inihatid sa silid nito ng walang imik at patuloy lamang na nakikinig sa kausap sa kabilang linya."Yes, don't worry everything is settled pagdating ninyo rito ay wala na kayong aalalahanin. Huwag ka ng mastress para saan pa ba at naririto ako." sagot naman ni Jeofrey kay Aidan."Okay Jeof, thank you so much. Sige na at maghahanda na kami salamat ulit." saka niya pinutol ang tawag na iyon at nagmamadaling naligo.Ga
Habang nasa himpapawid ang eroplanong sinasakyan nina Kiara at Aidan ay pinilit niyang makapagpahinga dahil pakiramdam niya ay latang lata sila sa pagkakatakas na iyon.Katabi ni Kiara si Aidan at nakapikit ang lalaki kaya naman malaya siyang napagmasdan ang mukha nito. 'Ang gwapo mo na nga eh maalalahanin pa at mabait. Bakit ba kasi ngayon lang kita nakilala edi sana pareho tayong hindi nasaktan ng mga maling taong minahal natin. Kung pwede lang turuan ang mga puso ay gagawin ko dahil ngayon palang masasabi ko ng napaka swerte ko at nakilala kita.' bulong ni Kiara sa sarili at saka ipinikit ang kanyang mga mata.Nagising si Aidan at bahagya pang nag unat unat saka sinulyapan ang natutulog na si Kiara. Pinagmasdan niya ang kabuuhan ngukha nito.Maganda at maliit ang hugis pusong mukha, matangos ang manipis na ilong, manipis at natural na mapupula ang mga labi, perpekto ang hugis ng mga mata na binagayan ng makapal at malalantik na pilik mata. Maganda rin ang kilay nito hindi makapal
Sa sinabi ni Kiara ay bahagyang tumibok ng malakas ang dibdib ni Aidan. Bagama't alam niyang biro iyon ng dalaga pero iba ang dating sa kanya.Dumulog sila sa hapagkainan kasabay sina Ace at David at isang lalaking di kilala ni Kiara."Kiara meet my cousin at the same time bestfriend, Jeofrey siya ng nag ayos ng mga kakailanganin natin para maikasal na tayo bukas. And this one is David and Ace, sila ang mga leader ng aking team." pakilala nito sa mga kasama sa hapag."Team?" nagtatakang tanong ni Kiara."Yeah. Ang mga bodyguards ko ay by team at sa lhat ng team na iyon silng dalawa ang humahawak." Paliwanag nito."Okay.. Hello sa inyo. Salamat ng marami ha malaking tulong ang nagagawa ninyo para sa akin." nakangiti naman pahayag ni Kiara sa tatlong lalaki."It's our pleasure ma'am." sagot ng tatlo na bahagya pang yumuko kay Kiara."Okay let's eat. Mamimili pa kami ng gamit walang masyadong dala si Kiara na mga damit dito sa U.S kaya kailangan namin mamili after lunch ay lalakad tayo p
Puting kurtina, puting kisame at puting pintura...Kinabahan si Kiara ng makita ang kulay puting kapaligiran ng magmulat siya ng mata."Nasan ako?" agad niyang tanong."Gising ka na anak!" luhaang salubong ng kanyang ina na lubha niyang ikinagulat."Aidan hijo, gising na ang asawa mo!" halos maisigaw maman ng kanyang ama kung kayat lalo siyang nagtaka at inilibot ang paningin. Hindi siya maaaring magkamali ang kanyang mommy at daddy nakaupo sa tabi ng kanyang kama at ang kanyang yaya Celly at si Lupe na may dalang baby ay pawang nakangiti sa kanya."M--mga anak ko....." agad namutawi sa labi niyang tuyong tuyo. Umiiyak naman lumapit ang kanyang asawa na si Aidan at yinakap siya. Hindi nagtagal ay nakumpleto ang mga tauhang pibagkakatiwalaan nila dahil parang kapatid na ang turingan nila sa isat isa.Tuwang tuwa siya ng ilapit sa kanya ang kambal isang babae at isang lalaki. Halos maluha luha siya ng masilayan ang dalawang mumunting nilalang na akala niya ay wala ng pag asang makita
"Ahhhhh!!!" sigaw ni Kiara ng makaramdam ng biglaang sakit ng kanyang tiyan. "Mga anak pakiusap huwag muna kayong lalabas, hindi maaari dito. Hindi pwede ngayon pakiusao mga anak huwag muna ngayon." lumuluha nang nakikiusap si Kiara habang hinihimas ang kanyang tiyan. Hindibnaman tumigilbsa kakahanap si Yaya Celly sa kanyang alaga at sa di inaasahan ay nakabanggaan pa niya si Lupe na umiiyak. "Manang! manang nasaan na po si Ma'am Kiara? Hindi ko po siya makita eh natatakot po akonpara sa kanya at sa mga kambal!" "Huwag kang mag alala at makikita din natin siya halika hanapin na natin agad bak natatakot na ang alaga ko." hawak kamay na nag hanap ang dalawa ngunit ilang minuto lamang ay nawaln ng ilawbkung saan sila nag hahanap. "Manang mahihirapan tayo maghanap pag ganitong madilim." wika ni Lupe."Humanap tayo ng paraan parang may nakita akong emergency lights na mga nakakapit sa malapit sa cr halika bilisan mo!" Samantalang naka tanggap ng tawag si Aidan mula sa kanyang tauhan a
Naiinis na si Athena sa pambabalewala sa kanya ni Aidan kaya naman ng malaman niyang nakauwi na ang mga ito ay agad niyang kinatok ang pintuan ng silid ng mga ito. Wala na siyang pakialam kung anong masabi ng mga ito.Bumangon si Aidan at nag tapis ng towel sa kanyang beywang saka ito lumapit sa pintuan upang silipin ang kumakatok ngunit ng bahagya pa lamang niyang nabubuksan ay itinulak na kaagad ito ni Athena."H--heyyy ano ba? ano sa palagay mo ang ginagawa mo???" galit na tanong nito."Ikaw? ano bang palagay mo sa akin ha? bato? na kahit ipinakikita mo na wala na ako sa puso mo eh okay lang. kaya nilalampas lampasan mo lang ako!" sigaw ni Athena na tumutulo na ang luha. at sa kakatulak nito kay Aidan ay napapunta na sila sa may kama kung saan nakasandal sa headboard si Kiara na walang tabing sa katawan kundi ang kulay kremang kumot. Bahagya pa nitong ikiniling ang ulo na tila ba sinisilip ang mukha ni Athena bago muling nahiga at ipinikit ang mga mata. "Hubby paalisin mo nga ang
Pumili ng makakain si Kiara at para sa kanila iyon ni Beverly nagutom talaga siya kaya naman masaya silang kumain na dalawa. Matapos nuon ay ipinahatid ni Kiara si Beverly sa kung saan niya ito sinundo at babalik na sana siya sa opisina ni Aidan ng bigla nalamang siyang hilahin ng kung sino kaya naman tiningala niya ito. "San kaba galing?" tanong ni Aidan sa asawa."Kumain nagutom ako eh." nakangiti niyang tugin saka nangunyapit sa braso ng asawa."Umuwi na tayo." anito na seryoso ang tinigbat agad ipinakuha ang mga gamit nila tila nagmamadali ito at halos makaladkad siya sa bilis nitong lumakad.Inaantay nila ang kotse nila na kinukuha ng tauhan ngunit laking pagtataka nila kung bakit napakatagal nitong dumating at hindi nga nagtagal ay may dumating na isang itim na van na tinutumbok ang kinaroroonan nila agad naman nagtakbuhan ang mga tauhan upang protektahan ang mag asawa. Agad silang naipasok sa loob ng building at saka ipinatawag ni Aidan ang lahat ng kanyang mga tauhan."Anong
Sa sinabi ni Kiara ay tila may kabang namuo sa dibdib ni Aidan. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong klaseng kaba o mas madaling sabihin na takot. Ayaw niyang isa isip iyon ngunit kusang umuukilkil sa kanyang isipan ang nararamdaman niya kung bakit ay hindi niya alam.Dumaan ang dalawang araw at lumabas na sa ospital si Athena saktong nasa sala ang mag-asawa nagbabasa ng libro si Aidan naka upo siya sa sofa at nakasandal habang naka unan sa kanyang mga hita si Kiara. Hindi inakala ni Athena na maykasama si Aidan dahil nakatalikod sa gawi ng pinang galingan niya ang kinaroroonan ng lalaki. Nagmamadali siyang lumapit sa likuran nito at niyakap ang leeg ng lalaki bago humalik sa pisngi."I'm home-----" bigla itong natigilang makitang kumibo ang nakahigang si Kiara tila nakatulog ito."Go to your room, tulog ang asawa ko kaya pakiusap huwag kang gumawa ng anumang ingay." makapangyarihan ang tinig nitong nag uutos."O--okay I'm sorry." nagmamadaling umalis si Athena sa kinaroroon ng m
"Anong nangyari???" muling tanong ni Kiara at isang buntong hininga lamang ang binitawan ni Jeofrey na nakapag pakaba sa kanya."M--mamaya n tayo mag usap Kiara may mga kailangan lamang akong unahin pasensya na." pagdadahilan nito ng biglang tapusin ang tawag naiyon. Lumabas naman ng cr si Aidan na nakapang bahay na suot lamang at saka lumapit kay Kiara. "Gusto ko sanang magpahinga, pero gusto ko katabi ka." bulong nito sa kanyang tainga at mula sa likuran niya ay niyakap siya nito.Marahang humarap si Kiara sa asawa at minasdan ang mukha nito. "Sige, tatabihan kita para makapagpahinga ka." aniya at saka inakay ang asawa pahiga sa malaking kama nila. Nahiga si Kiara sa bisig ng asawa at yumakap rito ng ubod ng higpit. Ganon rin naman ng ginawa ni Aidan hanggang sa nakatulog silang dalawa. Nagising si Kiara nang maramdamang kumukulo ang sikmura niya nagmamadali siyang bumangon at tumakbo sa CR duon ay nagduduwal siya hirap na hirap siya sa kanyang pagdadalang tao ngunit masaya pari
Bumalik si Max kina Jeofrey at Aidan, "Kumusta kayo? Wala bang nasaktan?" nag aalalang tanong niya na ang mata ay iniuuli sa paligid."Ace!!!!" "Ace!" Boses ng isa nilang kasamahan, kaya naman agad nilang hinanap si Ace at nahagip ito ng mga mata ni Jeofrey."Ace!!!" sigaw ni Jeofrey at tumakbo papalapit sa lalaki. Unti unti namang nagsisilabasan ang mga tao sa ospital upang mkaiusyoso. "Tumawag kayo ng tulong sa loob bilisan nyo!" sigaw ni Jeofrey na hindi na maintindihan ang gagawin dahil duguan si Ace at tila ba walang buhay na nakahiga sa tabi ng isang sasakyan.Agad namang lumabas ang ilang nurse at doktor, tinulungan sila ng mga ito, nangangatal ang mga kamay ni Aidan sa sobrang galit. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng suot na slacks. "Alamin mo kung sinong nagtangka sa buhay ko ngayon na." Agad niyang tinapos ang usapan at tumawag sa mansion. "Kahit anong mangyari huwag na huwag ninyong pababayaang umalis ang asawa ko ng bahay o kahit lumabas manlamang sa garden. Tawa
Dumating si Dra. Velasco at isang assistant nito agad naman silang sinalubong ni Aidan at ng mga tauhan nito. "Good day, dra. Velasco. Thank you for doing this, talagang ikaw lang po ang maasahan ko at mapagkakatiwalaan sa ganitong pagkakataon.""Para ito sa katahimikan ng isip ng pamangkin ko, nasan na ang babae mo at ng maumpisahan nanatin ang gagawin." Mataray na pagkakasabi nito kay Aidan."Nasa room po niya." mahinahon paring sagot ni Aidan."Sige, mag bibihis lang kami ng assistant ko at susunod na kami doon." sabi nito sabay lakad papalayo sa kinaroroonan nina Aidan."Wooooo.... grabe yun ah kinabahan ako ng sobra. Ang taray at ang lakas ng dating ni doc no..." singit ni Ace."Tara na masyado kang maingay." ani Max na binatukan pa si Ace bago inakbayan at sumunod sila sa daang tinahak ni Aidan.Nakahiga si Athena sa hospital bed ng dumating ang dalawang nurse na mag aassist sa kanya may kung ano anong tiningnan gaya ng temperature at blood pressure niya."S--sino kayo?" tanong
"Bakit ngayon kalang dumating? Hindi talaga kami importante sayo ng magiging baby natin, lagi nalamang si nKiara ang iniintindi mo ako itong buntis at delikado ang lagay pero siya parin ang inuuna mo." panunumbat sakanya ni Athena."Athena look buti nga at dinalaw pa kita rito gayong alam ko namang hindi totoo ang mga pangyayari kitang kita ko sa cctv footage ang ginawa mong pagkukunwaring nahimatay kaya naman huwag ka ng magpaka ipo*rita sa harapan ko dahil hindi na ako kasing b*bo ng inaakala mo. Ngayon din ay magpapa- paternity test tayo." "Nahihibang kanaba? Hindi ba't sinabi na ng doktor ko dati na delikado pa para sa baby ang nais nating mangyari. Ano ba talagang gusto mo? Ang mawala ang batang ito upang matahik kayo ng asawa mo at walang Athena na manghihimasok sa inyong dalawa." sigaw nito na galit na galit."Oo gusto ko ng matahimik kami ng asawa ko kaya nais na kitang dispatsahin kasama niyang anak mo!" inis na sigaw pabalik ni Aidan."Oh my God! para lamang sa babaeng iyo