KATULAD nang napagkasunduan nila ay sa bahay nina Daniel siya kumain ng hapunan nang huling gabi bago ang pag-alis ni Danica patungo ng America. At katulad rin noon una ay naging masaya iyon. Isang bagay lang naman ang napansin niya, obvious sa mga mata ni Daniel ang lungkot dahil sa pag-alis na nga ng kapatid nito.
"Sana katulad ng ipinangako mo noon sa akin, palagi mong samahan si Daniel," si Danica iyon nang magkasama na sila sa entertainment room ng malaking bahay na iyon at nanonood ng TV.
Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Ara. "Oo naman, pangako hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari," totoo iyon sa loob niya.
Wala naman talaga siyang planong iwanan si Daniel. At kahit pa siguro dumating ang time na ipagtabuyan siya palayo ng binata ay patuloy parin niya itong susundan, dahil sa labis na pagmamahal na nararamdaman niya para rito.
Ngumiti si Danica. Makahulugan ang ngiti na iyon na pinukaw ng husto ang kaniyang curiosity. Pero kahit pa
KUNG saan kinuha ni Ara ang lakas ng loob niya para sabihin ang mga salitang iyon, hindi niya alam. At kung may bagay siyang tiyak nang mga sandaling iyon ay ang katotohanan ng sinabi niya sa binata.Gusto niya ng isang matagal at mas passionate na halik. At gusto niya na kay Daniel iyon manggaling. Kaya naman masaya siya na hiningi iyon sa kaniya ng binata. Dahil kahit papaano, siguro naramdaman rin nito na iyon ang hinahanap niya mula nang unang beses siyang nahalikan ng lalaki.Ngumiti si Daniel habang nangingislap ang mga mata.Alam niya na katulad nito ay masayang masaya rin ang binata."Are you sure? Hindi ka magagalit? Hindi mo ako sasamapalin katulad ng ginawa mo noong una?" tanong ni Daniel sa tonong tila ba humihingi ng katiyakan mula sa kaniya.Umiling siya ng magkakasunod.Kung pwede nga lang, gusto na niyang aminin sa binata na mahal na mahal niya ito.Na ito ang dahilan ng lahat ng matatamis niyang pagngiti.
SA simula ay naging marahan ang paraan ng paghalik sa kaniya ni Daniel. Tila ba binibigyan siya nito ng sapat na pagkakataon at panahon upang sanayin ang sarili niya kung papaano tutugunin ang ginagawa nito. Pero paano niya gagawin iyon kung pakiramdam niya ay naparalisa ang buong katawan niya dahil sa maiinit na labi ng binata na ngayon ay buong pagmamahal at humahaplos sa mga labi niya.Oo, nararamdaman niya sa mga halik nito kung gaano katotoo ang lahat ng sinabi ni Daniel sa kaniya kanina. Kung gaano siya kamahal ng binata. At hindi niya kayang itanggi o kahit pasinungalingan ang tungkol doon bukod pa sa katotohanan na wala siyang plano na gawin iyon.Ilang sandali lang ang nakalipas at pinakawalan na ni Daniel ang kaniyang mga labi. At sa pagkakataong iyon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na muling titigan ang napakagandang mga mata ng binata."Mahal na mahal kita," anas nito habang nakangiti.Nanatiling hawak ng dalawang kamay
"TALAGA? Wow, masaya ako para sa'yo!" si Jenny na masaya pa siyang niyakap kinabukasan nang ipaalam niya rito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel.Maganda ang pagkakangiting nagsalita si Ara. "Salamat, alam mo ang saya-saya ko nga eh. Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal ka rin ng taong lihim mong minamahal," aniyang nangalumbaba pa saka nagbuntong hininga."Talaga? Sana may chance din ako kay Jason ano?" sa tono ng pananalita ni Jenny ay naramdaman ni Ara ang kaseryosohan na sana nga ay pwedeng mangyari ang sinasabi nito."Oo naman, maganda ka at matalino, lahat nalang yata ng pwedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae na sayo na. Saka mabait si Jason sa'yo at maalaga, kaya hindi malayong mangyari na mangyari din sa'yo ang nangyari sa akin," aniyang tinapik pa ng mahina ang kamay ng kaibigan niya.Totoo naman ang lahat ng sinabi niyang iyon. Maalaga si Jason at napaka-protective kay Jenny. Kaya hindi siya naniniwala sa sinabi nito noon sa k
"NAGKAUSAP ba kayo ni Jason kanina?" katulad ng dati, pauwi na sila noon patungo sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ni Daniel.Tumango si Daniel. "Bakit?" tanong nito sa kaniya."Anong sabi sa'yo? Kasi hindi kami nagkaroon ng chance na makapag-usap ng matagal ngayong araw," sagot niya."Masaya siya, ganoon naman ang mga kaibigan hindi ba?""Parang si Jenny. Magkasabay nga silang kumain ng lunch kanina. Sana sila nalang ano? Para maging masaya rin ang kaibigan ko katulad ko," si Jenny ang tinutukoy ni Ara bago siya pumasok at naupo na sa passenger seat ng kotse."Talaga bang masaya ka kasama ako?" kunwari ay hindi kumbinsidong tanong sa kaniya ni Daniel.Noon ginagap ni Ara ang kamay ng binata saka inilagay sa tapat ng kaniyang puso. "Ano sa tingin mo?" tanong niyang ngiting-ngiti.Hindi sinagot ni Daniel ang tanong niyang iyon at sa halip ay niyuko siya nito at mapusok na hinalikan. Hindi iyon inasahan ni Ara kaya nama
MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Ara nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng mainit na kamay ni Daniel sa kaniyang kaliwang hita na pumailalim sa suot niyang palda. Dahil doon ay lalong nadagdagan ang tindi ng kuryenteng ibinibigay sa kaniya ng maiinit nitong mga labi.Hindi nagtagal at iniwan ng binata ang paghaplos sa kaniyang hita. Sa halip ay naging abala naman ang mga kamay nito sa pagkalas sa butones ng suot niyang blusa habang nanatiling angkin nito ang kaniyang mga labi.Pakiramdam ni Ara nang mga sandaling iyon ay nalulunod siya. At nilulunod siya ni Daniel dahil sa matinding init na dala ng mga labi at haplos nito.Sandali siyang nakaramdam ng panlalamig nang maramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kaniyang balat nang mapagtagumpayan ni Daniel na buksan ang suot niyang pang-itaas. Pero sandali lang iyon dahil malakas ang singhap na kumawala na ngayon sa kaniyang mga labi nang maramdaman niya ang mainit niton
KINABUKASAN ay pinilit ni Daniel na gawing normal ang takbo ng buhay niya. Sa susunod na linggo na ang dating ng Mama at kapatid niya galing ng New York. At katulad ng gustong mangyari ni Marielle, kukuha sila ng second opinion at sa pagkakataong ito ay kasama na ito at si Danica.Katulad ng normal niyang ginagawa noon, sinundo niya si Ara sa pagpasok sa eskwela. Maganda ang bukas ng mukha nito nang mabungaran niyang naghihintay sa terrace ng bahay.Sa ningning ng kislap ng mga mata ni Ara, alam niyang mahal na mahal siya nito. Walang duda iyon, ay iyon ang nagpapabigat ng husto sa dibdib niya. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit nang makasakay ito sa loob ng kotse.Ramdam ni Daniel ang tila malaking tinik na nakabara ngayon sa lalamunan niya dahil sa pagpipigil niyang mapaiyak. Pero kailangan niyang maging matatag. Kung hindi, mapipilitan siyang aminin rito ang totoong kun
SIGURO nga ang ginawa niyang paghalik kay Daniel ang nagbigay signal sa binata kaya tuluyang nawala ang anumang alalahanin sa isipan nito. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang biglang naging mapusok ang binata.Hinalikan siya nito at tinugon ang halik na sinimulan niya, pero iyon ay sa paraan na hindi na niya halos kinaya o hindi na niya alam kung papaanong sasabayan ang binata kaya naman sa huli ay kusa na lamang siyang nagpaubaya.Nagawa siyang ihiga ni Daniel sa kama nito nang hindi niya namamalayan. Napagtanto na lamang niya iyon nang maramdaman niya ang pagsayad ng malambot na higaan sa kaniyang likuran. Pero ganoon pa man ay hindi parin niya idinilat ang kaniyang mga mata. Pinanatili niya ang pagkakapikit niya dahil ang totoo parang hindi niya kayang bigyan pa ng pansin ang iba pang bagay maliban sa masarap na ginagawa sa kaniya ng binata.Masuyo pero mapusok.Banayad pero malalim
NAGING mabilis ang mga pangyayari pagkatapos niyon. Totoong nadala si Ara ng maiinit at mapupusok na paghalik sa kaniya ni Daniel. Kaya naman hindi na niya namalayan na nagawa na pala nitong kalasin ang pagkaka-hook ng suot niyang bra saka katulad ng ginawa nito sa mga damit niya kanina ay inihulog nito iyon sa gilid ng kama.Hinagod ng tingin ni Daniel ang magkabila niyang dibdib. Kitang-kita niya ang maliliit parin na apoy na parang nagpapaligsahan sa mga mata nito. Alam niya kung para saan ang mga iyon. At alam rin niya kung ano ang dahilan, bagay na lihim na ikinatuwa ng dalaga."They are gorgeous, tama nga ako about your body sweetheart, extremely a perfection beyond words," ang puno ng paghangang sambit ni Daniel saka nito hinawakan ang kanan niyang dibdib.Agad na napaigtad si Ara nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Daniel dahil sa pagdamping iyon ng kamay nito sa kaniyang balat. At lalo pang nagtumi
MABIBIGAT ang mga paa kong binagtas ang mabatong kalsada ng lugar na iyon. Hindi ako pamilyar at hindi ko alam kung saan iyon o sa madaling salita, kung nasaan ako. Pero masakit na ang mga paa ko at tinitiis ko nalang ang nararamdaman kong pagtusok sa talampakan ko ng maliliit at matutulis na bato. Sa kabila ng katotohanan na estranghero sa akin ang nasabing lugar ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hangaan iyon. Maganda kasi ang tanawin at mabango ang sariwang hangin na tila ba nahaluan ng amoy ng mga damo na nabasa ng hamog at talutlot ng mga ligaw na bulaklak. Napakaganda ng lugar na iyon at kahit kung tutuusin ay wala akong ideya kung nasaan talaga ako ay parang hindi narin naging importante ang kaisipang iyon sa akin. Hanggang sa kalaunan ay tila ba hindi ko narin alintana ang mabatong kalsada na tinatahak ko, dahil ang mas mahalaga sa akin nang mga sandaling iyon, ang masarap na pakiramdam na ibinibigay sa akin nang tila paraisong lugar na iyon. Kung tutuusin ay luma
Present Day... Mabilis na pinahid ni Bella ang mga luhang labis na bumasa sa kaniyang mukha. Hindi niya kilala si Daniel, pero sapat na ang lahat ng nabasa niya upang bigyan ng justification ang lahat ng nangyari. Muli niyang binuklat ang kasunod na pahina. At sa pagkakataong iyon hindi na ang karaniwang Dear Diary ang nabasa niyang nakasulat sa kaliwa at itaas na bahagi ng papel, kundi ang mga salitang Dearest Daniel. Oo, dito pala sinimulan nang sulatan ng kapatid niya ang yumao nitong asawa at iyon ang dumurog ng husto sa puso niya. Dearest Daniel, Nandito ako sa kwarto natin, at habang isinusulat ko ito ay yakap ko ang naka-frame na litrato mo. Napakagwapo mo talaga, alam mo ba? At para sa akin ikaw ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Totoo iyon. Miss na miss na kita. Kinabukasan nang gabi pagkatapos nating ma
"ANO bang sinasabi mo?" ang umiiyak kong sambit."Iyong totoo," aniyang tumawa pa ng mahina saka ako tinitigan. "Look at me," ilang sandali nang umiwas ako ng tingin sa asawa ko ay iyon ang narinig kong sinabi niya.Kahit ayoko ay kusa akong napasunod sa kaniya. Ganoon naman palagi si Daniel. Mayroon siyang sariling paraan kung papaano niya akong pahihinuhurin at hindi niya kailangang magtaas ng boses o maging awtorisado ang tono ng kaniyang pananalita para gawin iyon."Kapag wala na ako magmahal kang muli, ituloy mo parin ang buhay mo," mabilis akong nakaramdam ng matinding palalamig sa buo kong katawan dahil sa sinabing iyon ni Daniel.Magkakasunod akong napailing. "No, alam mong hindi ko magagawa iyan. Alam mo kung gaano kita kamahal at kapag ginawa ko iyon alam mo rin na kahit may ibang tao sa tabi ko ikaw parin ang hahanapin ko, ikaw parin ang makikita ko," umiiyak kong giit.
Dear Diary,NANG magsimula ang treatment ni Daniel ay pinuno ko ang puso ko ng pag-asa na gagaling ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya at gusto ko pa siyang makasama. Mahirap sa akin ang pakawalan siya dahil binuo ko na ang buhay ko kasama siya, at nagsimula iyon nang araw na sagutin ko siya at tanggapin siya sa buhay ko bilang aking nobyo. At hindi lang iyon nadoble nang araw na pumayag akong magpakasal kami.Pinipilit kong isipin na gagaling siya, dahil mahal na mahal ko siya.Gusto kong isipin na siya parin ang makakasama ko hanggang sa aking pagtanda. Pero iba ang sinasabi ng mga doktor. Iba narin ang sinasabi ni Daniel.Siguro ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Pipilitin mong kumapit kahit wala ka nang pwedeng kapitan. Kasi ayaw mo siyang pakawalan.Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Malaki ang ipinagbago ng itsura ng asawa ko. Sa
"HINDI ba makakasama sa iyo ang pinaggagagawa nating ito?" nang pareho na silang nakahiga ng asawa niya ay iyon ang naitanong ni Ara rito.Narinig ni Ara ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ni Daniel. "Sa tingin ko hindi naman," sagot nito saka siya kinabig at saka dinampian ng isang simpleng halik sa kaniyang noo."Kung ganoon pala eh samantalahin na natin ang pagkakataon," aniyang kumilos saka umibabaw sa asawa niya."Ara!" saway ni Daniel sa kaniya.Kinikilig na natawa lang siya ng mahina at saka sinimulan ang muling paghuhubad ng ngayon ay manipis na pantulog na kaniyang ng suot."Hindi mo naman kailangang bumangon, huwag kang mag-alala kasi ako ang magtatrabaho this time," aniya pang inihagis kung saan ang hinubad niyang damit saka isinunod ang suot niyang panloob na yari naman sa manipis na lace.Madilim ang kwarto nila nang mga sandaling iyo
KATULAD ng gustong mangyari ni Daniel, tinitigan niya ito. Kaya naman kitang-kita niya kung sa papaanong paraan nagbago ang damdamin sa maiitim nitong mga mata habang inaangkin siya.Pareho naman silang basang-basa ng umaagos na malamig na tubig mula sa shower kung saan sila nakatapat.Pero walang sinabi iyon sa init ng pakiramdam na ibinibigay sa kaniya ng paglalabas-masok ng pagkalalaki ng kaniyang asawa. At talagang hindi kayang hugasan kahit ng malamig na tubig na inilalabas ng dutsa."B-Baka mapagod ka, ohhhhh!" ang nasambit niya saka muling napapikit nang maramdaman niya ang isang malalim na ulos na nagmula kay Daniel."Kaya ko pa huwag kang mag-alala," ang asawa niyang umangat pa ang sulok ng labi bago siya hinalikan. "I love you," anas muli ni Daniel nang pakawalan nito ang kaniyang bibig saka siya binuhat upang iupo sa mahabang counter sa loob ng banyo nito.Lalong nagtumind
NAUNA na silang tinanong ni Marielle kung ano ang plano nila para sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Sa simula ay nagbiro si Daniel, gusto raw nito ng trip to Europe, pero dahil nga sa kalagayan nito ay pareho-pareho naman nilang alam na imposibleng mangyari iyon.Si Ara ang nag-suggest na sa mismong mansyon nalang sila mag-stay. Masaya na siyang kasal na sila ng lalaking pinakamamahal niya. Ngayon mas importante higit sa kahit ano pang pwedeng mabili at mabayaran ng salapi ay ang pagsisimula ng treatment nito."Bakit hindi ka pumayag nung nag-suggest si Mama na mag-check in tayo sa isang five-star hotel?" katulad ng napagkasunduan nila noon pa mang lumipat siya sa masyon ay sa kwarto na siya nito matutulog simula sa gabing iyon.Nasa veranda sila noon at nagpapahangin. Katatapos lang nilang kumain ng masarap na hapunan na si Aling Salyn at ang biyenan mismo niya ang naghanda. Bukod pa iyon sa masarap rin n
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Ara at ganoon narin ang kaniyang nobyo na si Daniel.Hindi iyon ang tipo ng kasal na pinangarap niya, kailangan niyang aminin iyon sa kaniyang sarili. Pero kahit na ganoon, kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pangarap niya noon pa mang bata siya ay wala siyang maramdaman na kahit katiting na kalungkutan o panghihinayang. Dahil ang totoo, napakasaya niya.Labis ang pagmamahal niya sa lalaking mapapangasawa niya at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. At iyon ang dahilan kaya punong-puno parin ng kaligayahan ang puso niya.Sa huling pagkakataon ay hinagod niya ng tingin ang kaniyang sarili sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kaniyang silid.Kahapon ng gabi, sa halip na si Daniel ay si Danica na ang kasama niyang bumili ng damit na iyon. Hindi naging madali para sa kanilang tatlo ang kumbinsihin ang binata na mag-stay
SA nakalipas na mga araw ay naging abala na nga ang magkasintahan katulong ang ina ni Daniel sa pag-aasikaso ng kasal nila na gagawin sa mismong opisina ni Judge Arcega. Ang hukom na kaibigan ng ama at ina ni Daniel na siyang magkakasal sa kanilang dalawa."Saan tayo pupunta?" tanong ni Ara isang araw bago ang kasal nila.Sabado iyon at walang pasok sa eskwela habang gaganapin naman kinabukasan ang kasal nila."Bibili tayo ng damit na isusuot mo para bukas. Gusto ko iyong maganda," ang binata pinakatitigan siya saka hinaplos ang kaniyang pisngi."Kaya mo pa bang mag-drive?" tanong niya sa nobyo sa nag-aalalang tono."Oo naman, sinasamantala ko nga ang pagkakataon na malakas pa ako kasi alam ko hindi magtatagal hindi ko na magagawa ang lahat ng ito lalo na kapag nag-start na ang treatment ko," ang binata sa kaniya nang palabas na sila ng garahe.