Reign Guilleber, 28, Male, Valleyhill Crest Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang papel na naglalaman ng impormasyon ng mortal na magiging target ko. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang ang lalaking mahal ko ang unang magiging biktima ko. Dalawang buwan na ang patagong relasyon namin ni Reign at sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang kaming nahuhulog sa isa't isa. Masaya kami kahit tuwing gabi lang kami nagkikitang dalawa. Masaya kami sa kaunting oras namin sa tabing ilog. Nirerespesto n'ya ako at inaalagaan kaya naman napakaswerte kong babae dahil nobyo ko s'ya. Wala pa rin s'yang alam patungkol sa pagiging bampira ko. Mas gugustuhin ko pang itago 'yon sa kanya para lang masiguradong mananatili s'ya sa tabi ko pero iba ang sitwasyon ngayon. Hawak ko ang papel na s'yang magdedesisyon sa hinaharap namin ni Reiner. "Fanessa," untag sa akin ng kapatid kong si Flavia. "Sigurado akong maipapasa mo ang test ni Supremo." Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin
Reiner was my Reign. Huh? Sino nga ulit si Reign? Sumasakit lang ulo ko kakaalala sa mga nakita kong episodes habang nasa hibernation ako. Imposible namang panaginip 'yon dahil hindi naman nananaginip ang mga bampira. O baka naman parte talaga 'yon ng alaala ko...noon? Teka, nabaguk ba ang ulo ko nang hindi ko alam? Pagkagising ko kagabi ay namalayan ko na lang na basang-basa na ang pisngi ko. I was crying in my sleep. Pero nang subukan kong alalahanin ang dahilan ng pag-iyak ko ay wala naman akong maalala. It was confusing. Sobrang bigat ng dibdib ko nang mga oras na 'yon. Para bang gina-grinder ang dibdib ko nang paulit-ulit dahil sa sakit pero naglaho 'yon lahat nang makita ko si Reiner na mahimbing na natutulog sa sofa nang gabing 'yon. He made me calm, safe and eased the pain in my chest. "Fana," tawag sa akin ni Reiner mula sa labas ng kwarto ko. Paano ko mailalayo ang puso ko sa kanya kung nandito s'ya sa bahay ko? Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan s'ya. Gusto ko
RYDER"Zevathan Crimson Bancroft, she's Fanessa's father," sagot ni Toby nang ipakita ko sa kanya ang larawang hawak ko. Kilala ko sa pangalan ang pamilya ni Fana pero hindi ang itsura nila kaya hindi ko mapigilang magulat sa narinig ko."Sigurado ka ba?""Oo. He f*cking put me in this situation kaya may karapaan akong magalit sa kanya pero anong laban ko sa makapangyarihang bampirang 'to? "You know you can't win against him, Ryder.""Alam ko pero hindi ako makakapayag na mawala ng kalayaan ko. T*ngina! Ayoko nang magtago dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa at isa pa ayokong dumating ang araw na pati si Thana ay madamay sa gulong 'to.""Anong gagawin mo?""Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit nanggugulo s'ya rito. Sigurado akong hindi s'ya naparito para lang magliwaliw. Hindi kaya pumunta s'ya rito para kay Fana?"Ang Dead moon. Hindi kaya si Fana ang napili nila?"Paano kung malaman mong si Fana nga ang kailangan ni Zev? Magagawa mo ba s'yang isuko sa hal
Dialing Reiner..."That was so rude!" reklamo ko kay Reiner nang bigla n'ya akong patayan ng tawag. Hihingi s'ya sa akin ng advice tapos hindi naman pala s'ya makikinig. Effective naman talaga na maghubad sa harap ng babae kapag manunuyo ka sa kanila.Tried and tested ko na 'yon kay Thana."I warned you.""Tsk. Here's some advice. Matinong advice. Tell her what you feel about her.""She doesn't want to talk to me.""Corner her. Kung hindi madala sa matinong usapan, daanin mo sa santong paspasan. That's the most easiest and fastest way to get a girl," pahayag ko na nagpatahimik sa kanya sa kabilang linya. Mukhang pinag-iisipan n'yang mabuti ang sinabi ko. Sana lang ay magawa n'ya 'yon. Pareho lang nilang papahirapan ang isa't isa kung maglilihiman silang dalawa. Take that advice from me. Noong una ay hindi ko pa talaga maintindihan ang nararamdaman ko para kay Thana hanggang sa isang araw ay na-realize ko na lang na mahal ko na s'ya.I hesitate at first, pero umamin din kaa
"Sa'yo ang mansyong 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Thana sa kaibigan n'yang si Fana nang dalhin kami nito sa isang liblib na lugar sa Valleyhill kung saan nakatayo ang isang malaking mansyon na pansamantala naming titirhan."Ahm, oo.""This is huge. Hindi ko akalaing may gan'to ka kalaking property.""Y-Yeah," usal ni Fana. May kung ano sa reaksyon n'ya na para bang hindi s'ya komportable sa lugar na 'to. Sinulyapan ko si Reiner at mukhang nahalata n'ya rin ang pagkadisgusto ng nobya n'ya sa mansyon. "Pumasok na tayo."Mas lalo akong nalula nang makita ang loob nito. Bumungad sa amin ang double staircase ng mansyon at napakalaking crystal chandelier. Wala akong masabi. Para bang tirahan ito noon ng isang marhalikang pamilya. "Pumili na lang kayo kung saang kwarto n'yo gusto," pahayag ni Fana."Tara na?" baling ko kay Thana. Hahawakan ko na sana ang kamay ni Thana nang mabilis n'yang ilagay ang kamay n'ya sa likuran n'ya. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa n'ya."Kay F
FANAMalalim na ang gabi at tanging ingay na lang ng mga kuliglig ang maririnig. Paminsan-minsan rin ang malakas na pag-ihip ng hangin na mas lalong nagpapalamig sa kapaligiran. Nakatayo ako ngayon sa pinakamataas na cell site tower sa bayan ng Valleyhill habang pinapakiramdaman mabuti ang palibot ng lugar.Pangatlong gabi ko na itong ginagawa–ang hanapin si ama. Pangatlong gabi na rin ako pumupuslit sa mansyon para hindi malaman ng mga kasama ko ang ginagawa ko. Malakas ang pakiramdam namin sa kapwa naming bampira. Kailangan mo lang lakasan ang pangdama mo o ang pang-amoy mo para matunton mo ang eksaktong kinaroroonan nila pero sa kasamaang palad ay masyadong magaling si ama magtago ng mga bakas n'ya.Matapos sabihin sa akin ni Ryder ang hinala n'ya ay hindi ko na sinayang ang oras ko. Sinimulan ko nang gabing 'yon ang paghahanap sa ama ko para mabigyang linaw ang mga gumugulo sa isipan ko."Where na f*ck are you?" bulong ko sa hangin habang nakapikit ang mga mata ko. Nangingin
"I'm done being nice, Fana! Kung kailangan kitang itali sa kama para lang pansinin mo ako ay gagawin ko!" He's mad. I made him mad. "K-Kakausapin n-naman kita bukas," nauutal kong depensa sa kanya habang mahinang itinutulak ang dibdib n'ya.Ayoko namang gamitin ang lakas ko sa kanya dahil baka masaktan ko s'ya. Urrgh! This is frustrating! Sa sobrang lapit ng katawan namin ay parang gusto ko na lang magpatangay sa kanya ngayong gabing 'to. "No! Mag-usap tayo ngayon!" Pinal n'yang pahayag. Mas lalo s'yang nagiging attractive sa paningin ko kapag seryoso at maawtoridad s'ya. Haist. Mukhang talo na naman ako sa kanya."Mag-uusap lang ba talaga tayo?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata n'ya. Nakita ko ang biglang paglambot ng ekspresyon n'ya bago bumaba ang tingin n'ya sa labi ko. I miss him and... I f*cking want him to make love with me again."Kakalimutan ko munang may naging tampuhan tayong dalawa," I whispered before claiming his lips. Idinikit ko ang hubad kong k
“Hindiii!” Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at napasapo sa dibdib ko dahil sa nakita kong panaginip…panaginip? H-Hindi. Iyon ang mga alaala ko na nawala sa akin nang maraming taon. Hindi ako pupweding magkamali. Alaala ko 'yon ay hindi panaginip.“Fana.” Narinig kong pagtawag sa akin ni Reiner na nagising dahil sa bigla kong pagsigaw. Naramdaman ko ang kamay n’yang humahaplos sa likuran ko para pakalmahin ang nanginginig kong katawan.Napasapo ako sa ulo habang sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko. Nang mamatay si Hector ay nawalan na rin ako ng pag-asa na malalaman ko pa ang nakaraan ko pero nang maalala ko ang mga nakalimutan kong episodes habang nasa hibernation ako ay sinubukan ko ulit na patulugin ang sarili ko.Sobrang nakatulong sa akin na nasa tabi ko si Reiner dahil nagagawa n’yang pakalmahin at patulugin ang bampirang katulad ko. Ilang gabi kong sinubukan hanggang sa heto na nga, nakita ko na ang pira-piraso at masalimuot kong nakaraan. Hindi ko aka
So here's another cunning but not a vampire-ish story...***MANY YEARS LATERCHILDHOOD DAYS "Lumayo-layo ka sa akin kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mong h*nayupak ka," pagbabanta ni Flavia nang maramdaman ang presensya ni Toby nang tumabi ito sa bakanteng swing na katabi n'ya. Kahit hindi n'ya ito lingunin ay sigurado s'yang ito ang lalaking kinamumunghian n'ya ng maraming taon. His scent is still the same. Walang pinagbago ang lalaki sa maraming taong paghihiwalay nila. "Stalking those kids again?" "Shut up," madiing saad ni Flavia. "Balita ko ay break na kayo ng long time boyfriend mo." Mabilis na napalingon si Flavia kay Toby dahil sa naging pahayag nito. Nakangiti ito sa kanya ng pagkalawak-lawak kaya hindi n'ya mapigilang mairita pa lalo sa pagmumukha nito. "Huh! Mukhang maling chismiss ang nasagap mo. Hawk and I are getting married soon. Oo, break na kami sa pagiging mag-boyfriend at girlfriend dahil magiging mag-asawa na kami." Pagmamalaking ni Flavia na nagpa-igtin
5 YEARS LATER"Fanessa!" Natigil ako sa dapat na pagpindot ng doorbell mula sa kaharap kong gate nang muling marinig ang pangalan na 'yon matapos ang limang taon. May epekto pa rin pala sa akin ang pangalan ni Fana. Nagagawa pa rin nitong patibukin ng mabilis ang puso ko kahit maraming taon na s'yang wala sa tabi ko.5 years had passed, pero s'ya pa rin ang laman ng puso ko. I never move on. Nakita ko ang isang batang babae na lumabas sa kaharap kong bahay habang yakap-yakap ang isang...uwak? Tama! Isang uwak nga ang yakap n'ya. Hindi ba delekado para sa batang katulad n'ya ang gan'yang hayop?Natigil lang s'ya sa pagtakbo nang makita ako. "Hi po. Ikaw po ba ang sinasabi ni daddy ka na bisita n'ya today?" Inosenteng tanong n'ya sa akin. "O-Oo. Ako nga. I'm your tito ninong Reiner.""Tito ninong! Yehey! Kita na kita." Hagikgik n'ya. S'ya na mismo ang nagbukas ng gate. Binitawan n'ya ang hawak n'yang uwak saka n'ya hinawakan ang kamay ko. Hinila n'ya ako papasok pero kaaga
'You're stronger than you think, Reiner. Kahit wala ako sa tabi mo ay alam kong magagawa mong tumayo sa sarili mong mga paa. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal na mahal kita.' – Gustuhin ko man na sumunod sa kanya ay iyon naman ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko sa tuwing sinusubukan kong kitilin ang sarili kong buhay.Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay ko ngayong wala na s'ya sa tabi ko. "Naayos mo na ba ang mga gamit na dadalhin mo, anak?" tanong sa akin ni mama pagpasok n'ya sa kwarto ko."Opo," tipid kong sagot–walang kabuhay-buhay ang boses ko at walang emosyon ang mukha ko. "Kung ganun ay ibaba mo na ang mga maleta mo. Mayamaya lang ay nandito na 'yon si Ryder para ihatid tayo sa airport." Tumango lang ako kay mama bilang sagot.Limang buwan na ang lumipas nang mamatay si Fana pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa
REINER"Fana! Wait!" sigaw ko habang hinahabol ang papalayo n'yang bulto. Kanina pa ako tumatakbo papalapit sa kanya pero hindi ko s'ya magawang abutin. "Fana!" pagtawag ko ulit sa kanya. Nagbabakasakaling lingunin n'ya ako pero nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad palayo sa akin.She can't hear me.Napahawak ako sa magkabila kong tuhod habang hinahabol ang hininga ko dahil sa kapaguran. "Reiner."Mabilis akong napaangat nang tingin kay Fanessa ng tawagin n'ya ako. Nakaharap na s'ya ngayon sa akin pero dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha n'ya ay hindi ko gaanong makita ang maganda n'yang mukha pero alam kong nakangiti s'ya sa akin. I can feel it."F-Fana, come here." Binuksan ko ang mga braso ko, naghihintay na tumakbo s'ya papunta sa akin at yakapin ako pero bumagsak ang mga balikat ko nang dahan-dahan s'yang umiling. "Kailangan ko nang umalis. Take care of yourself, Reiner. Habang wala ako ay gusto kong alagain mong mabuti ang sarili mo. I won't forbid you to fall
Napadaing ako nang idiin pa lalo ng bantay ang sibat sa leeg ko. Hinawakan ko ang handle at pinilit na ilayo ang talim sa laman ko pero nanalo pa rin s'ya sa pagbaon nito pabalik sa sugat ko. "Hahaha! Iyan ang mga napapala ng traydor na katulad mo! Isusunod ko ang kapatid mo kapag napatay na kita!"Muli akong namilipit sa sakit. Hindi ko magawang pagalingin ang sarili ko dahil sa paulit-ulit n'yang pagsaksak sa akin. Kapag ipinagpatuloy n'ya pa ito ay siguradong tuluyang hihiwalay ang leeg ko sa katawan ko.Nakangising lumapit sa akin si Oslo saka n'ya hinawakan ang buhok ko at hinila 'yon."Ahhhhh!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya."Cut her throat–No. Cut her whole neck," utos n'ya sa bantay. Binunot ng bantay ang sibat sa leeg ko pero bago pa man 'yon muling dumikit sa balat ko ay mabilis nang nawala sa harap ko ang lalaki. Narinig ko na lang ang malakas na pagbitak ng mga pader sa dulo ng hallway kung saan nandoon ang bantay at nakahandusay.Bigla ring nawala si Oslo sa
"Fana!" tawag sa akin ni Thana nang makapasok ako sa kwartong pinagdalhan sa akin ni ama at Zel. Nasa loob si Fana, Ryder, Reiner at si ina na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating namin. "A-Anong ibigsabihin nito?" Naguguluhan kong tanong. Dapat ay kagabi pa sila umalis pero bakit nandito pa rin sila?"Sinalakay ng mga tauhan ni Supremo ang pinagtataguan nila kahapon. Mabuti na lang at nandoon din ako at si Zel kaya nagawa namin silang protektahan. Kung hindi siguro nag-cross ang landas namin ng apo ko ay baka nagawa na ni Supremo ang plano n'ya sa mga kaibigan mo," sagot ni ama.Mahigpit akong yinakap ni Thana nang makalapit s'ya sa akin. "Pinag-alala mo ako." Iyak n'ya kaya naman ginantihan ko rin s'ya nang mahigpit na yakap. "Thana, kakausapin ko lang muna sina ama." "S-Sige." Bumaling ulit ako kay ama at Zel nang bumalik si Thana kina Ryder. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si Reiner dahil ramdam ko ang masama ng n'yang tingin sa akin. "Ano nang manyayari ngay
"R-R-Reiner," utal kong tawag sa kanya nang tanggalin ko ang pangil ko sa leeg n'ya. Mabilis na bumagsak ang mga luha ko nang tuluyan kong mapagtanto kung ano ang ginawa ko sa kanya. Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang malamig n'yang pisngi saka ako sumigaw nang sumigaw."H-Hindi! P-Please wake up! Reiner! H-Hindi ko sinasadya!" Hagulgol ko. Mahigpit kong yinakap ang wala n'yang buhay na katawan at muling sumigaw dahil sa matinding lungkot at galit para sa sarili ko.I-I killed him. Naulit na naman ang mga nangyari noon. Namatay s'ya katulad nang ginawa kong pagpatay kay Reign at Rei.***MABIBIGAT ang mga talukap ng mga mata ko nang unti-unti ko iyong idilat. Natulog lang naman ako pero bakit pagod na pagod ang katawan ko? Muli akong pumikit para pakalmahin ang dibdib ko na puno ng kaba at takot.Alam kong panaginip lang ang mga nakita ko kanina na kagagawan ni Supremo pero bakit ang sakit-sakit? Para bang totoong-totoo ang mga nasaksihan at ginawa ko kay Reiner.Supremo
YEARS AGO "Bakit ka umaakyat sa puno?" puno ng pagtataka kong tanong kay Reign nang maabutan ko s'yang nag-aala unggoy."Mamimitas ako ng prutas," sagot n'ya sa akin. "Ako na lang gagawa nun. Baka mahulog ka. Mahihina pa naman ang mga buto n'yong mga mortal," pahayag ko na ikinatawa n'ya nang malakas kaya napasimangot ako. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman talagang mahihina ang mga buto nilang mga mortal. Ang bilis nilang mapilayan at masugatan hindi katulad saming mga bampira."Kung makapagsalita ka ay parang hindi ka mortal, binibini."Hindi naman kasi talaga ako mortal. Gusto ko 'yong sabihin sa kanya pero mas pinili kong itikom na lang ang bibig ko.Ipinagpatuloy n'ya ang pag-aktay sa puno. Hindi ko maiwasang mag-aalala dahil kitang-kita ko na nahihirapan s'yang abutin ang isang bunga. Isang maling galaw n'ya lang ay siguradong lalagapak s'ya sa lupa. Nag-abang ako sa ibaba para in case na mahulog s'ya ay ako na lang ang sasalo sa kanya."Mukhang hinog na
FANA"Where are they?" walang kabuhay-buhay kong tanong kay Toby habang nakatitig sa walang malay na katawan ni Reiner."Kasama nila ngayon si Flavia. Aalis sila mamayang hating-gabi kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala. Makakaalis sila sa lugar na 'to nang hindi nalalaman ni Supremo o ni Oslo." Paninigurado sa akin ni Toby."Salamat." Naglakad ako palayo at naupo sa kama patalikod sa kanila. Doon ako tahimik na umiyak. Sobrang bigat para sa akin ng desisyon kong ito pero para rin naman sa kapakanan nila kung bakit ko kailangang isakripisyo ang sarili ko. "Aalis na kami."Tumango ako. "Takecare of them.""Okay," sagot sa akin ni Toby. Isinampa n'ya sa balikat n'ya si Reiner bago tuluyang lumabas nang kwarto ko. Nang mawala sila sa paningin ko ay doon na ako napasalampak sa sahig at humagulgol nang iyak. Abot kamay ko na ulit s'ya pero mas pinili kong pakawalan si Reiner sa pangalawang pagkakataon. Katangahan ba ang ginawa kong pagbitaw sa kanya? Katangahan ba ang ginagaw