Papikit-pikit pa si Ellaine habang bumababa sa hagdan. Napaaga ata ang gising niya ngayon. Dapat mamayang eight pa ang balak niyang gising pero it's only five am but she's up. Siguro nasanay na talaga ang katawan niya na maaga ang gising. Kasi naman sa dalawang buwan na niyang narito ay ganoon nalang lagi ang routine niya. Pumasok siya sa dining area. Nagulat siya dahil naroon ang mga babaeng kaibigan ni Mico."Ellaine, good morning!" Bati sakanya ng isa. Hindi na niya matandaan ang mga ito pwera nalang kay Colyn na sikat na designer at buntis nga ngayon. Nginitian nalang niya ang bumati sakanya. "Halika, join us." Sabi nung katabi ng bumati sakanya kanina. Hindi na siya nakatanggi ng hilahin siya nung petite girl paupo. "Ano gusto mo? Kumakain ka ba nh heavy breakfast?" Tanong nung humila sakanya. Nginitian niya ito ng alanganin. "Uhm.. I'm sorry ah. Pero ano nga ulit ang mga pangalan niyo? Si Colyn lang kasi iyong kilala ko." Akala niya ay magagalit ang mga ito pero tumawa la
Papasok na sana si Ellaine sa kanyang kwarto nang tawagin siya ni Erin. "Do you need anything?" Tanong niya kay Erin. Nakayuko ito sa harap niya at pinaglalaruan ang mga daliri."Ellaine, about sa nangyari kanina--""It's okay, Erin." Nakangiting sabi niya."Sorry talaga. Hindi ko naman alam." Hinging-paumanhin ulit nito. Tinapik niya ito ng mahina sa balikat. "Ano ka ba! I said it's okay. Sige ah, if you'll excuse me, it's my siesta time."Tumango naman ito at hinayaan siyang pumasok sa loob ng kwarto niya. Kaninang lunch nila, sobrang awkward siguro ng atmosphere kung hindi nagdadadaldal ang mga lalaki. Kasi siya, si Erin at si Mico ay tahimik lang. Inisip niya ang nangyari kanina, ang biglang pananahimik ni Mico matapos mabanggit ang mga patungkol sa ate niya. Sinubukan siya nitong kausapin kanina ng palihim pero hindi niya ito hinayaan. Kung may mga pagkakataong makakaiwas siya, iyon ang ginagawa niya. Ayaw niya marinig kung ano man ang sasabihin nito. Tama na muna, masyado
Napapitlag si Ellaine nang biglang bumukas ang pinto niya at iniluwa noon si Mico. "Ano'ng kailangan mo?" Tanong niya rito habang inaayos niya ang kanyang gamit. "I just want to say sorry sa nangyari kanina." Sabi ni Mico habang palapit sakanya. "Forget it." Simpleng sagot niya. "Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ni Mico sakanya. Tinignan niya ito saglit at ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng mga damit niya. "Hindi nga sabi eh. Huwag ka nang makulit." Naiinis nanaman niyang sabi. Binuka ni Mico ang kanyang bibig na animo'y may gusto pa sanang sabihin ngunit mabilis rin nitong isinara ang bibig. Sa huli'y bumuntong-hininga nalang ito at iniwan siya sa kanyang kwarto. Nang marinig niya ang pagsara sa pintuan niya, mabilis niyang binitawan ang hinahawakang damit at miski siya ay napabuntong-hininga nalang rin. Napapikit siya ng mariin. Masyado na ba siyang malupit kay Mico? Pero sa tingin niya dapat lang iyon. Iba na siya ngayon, hindi na siya tulad ng dati na mahina at madal
Ang sinabi ni Ellaine na magsasabi siya ng 'thank you' kay Mico ay naka-waiting parin. Paano ba naman? Kanina nang makasalubong niya ito ay ni hindi man lang siya tinapunan nito ng tingin. Tapos nung dinner, tuwing kinakausap niya ito ay hindi ito sumasagot, tapos kakausapin nalang bigla-bigla si Marco na nasa tabi nito. Tapos ngayon, nag-iinuman ang mga ito - minus the girls - sa may terrace ng hacienda. "Ellaine, okay ka lang?" Pukaw sakanya ni Adie na katabi niya. Nandito silang dalawa sa may mini sala sa may second floor kung saan malapit lang rin sa may terrace na kung saan naman nag-iinuman ang mga lalaki. Si Erin at Mitch ay nasa may kusina at gumagawa ng late snack nila habang si Colyn naman ay tulog na. "Yeah. Why?""You seemed spaced out. I don't know." Adie shrugged her shoulders. Napabuntong-hininga siya. Tinignan niya muli si Mico na nakikipagtawanan sa mga kaibigan at muling binalingan si Adie sa tabi niya. "Hindi ko kasi ma-gets si Mico. Bigla nalang naging maila
Sapo ni Ellaine ang kanyang ulo habang hirap na hirap na maupo sa kama niya. Grabe naman kasi si Erin kagabi, tila carousel kung magpaikot ng mga shots. Hindi na niya tuloy namalayan na napaparami na ang inom niya. At mas lalo niyang hindi akalain na sa isang lambanog lang siya tumumba! Ni Jack Daniels nga hindi siya nake-K.O eh.Naningkit ang mga mata niya nang tumama ang liwanag. Binigyan niya ang sarili ng ilang segundo para maayos ang paningin niya, at ganoon nalang ang pagkagulat niya nang malinaw na nakita niya na wala siya sa kwarto niya. Inikot niya ang paningin at siguradong-sigurado siya na hindi ito ang kwarto niya. The room scream testosterone!Pinilit niyang alalahanin kung paano siya napunta sa kwarto ni Mico? Napayuko siya nang kumirot ulit ang kanyang ulo pero tangina lang talaga! Bakit siya nakahubad? Wala siyang saplot! As in hubo't hubad siya!Mahigpit na ibinalot niya ang comforter sa katawan at pinilit na alalahanin ang mga nangyari kagabi. Napakagat siya sa k
Natatawa si Mico nang makita ang mukha ni Ellaine sa pagkainis sakanya kaya naman may naisip siyang lalong ikakainis nito. "Sweetie, sino ba ang walang saplot sa'ting dalawa?" Nakangising tanong niya rito. Mabilis niyang binitawan ito at mabilis na umalis sa ibabaw nito hanggang sa ginawa nilang playground ni Ellaine ang kanyang kwarto. "Mico! Halika rito at babatukan talaga kita sabay pilipit ng dila mo!" Sigaw ni Ellaine sa kanya na ikinatawa niya lang. This scene right now, reminds him the old days. Lagi niya talagang iniinis si Ellaine kahit na mga bata pa sila. Minsan trip niya lang talaga at walang magawa. But most of the times, he just wants to see Ellaine's 'pikon' look. Namumula kasi talaga ang buong mukha nito pati ang tenga kapag naiinis at napipikon. Katulad nalang ngayon. Kanina nang malapitan niya itong nasisilayan ang mukha ay kitang-kita niya parin ang batang Ellaine na lagi niyang kasama. Ganoon parin ang mata nito na bilog na may mumunting kislap. Ang medyo may
Tahimik na kumakain lang si Ellaine kasama si Mico at ang mga kaibigan nito ng hapunan. Pagkatapos mangyari iyong kahapon ay nagkulong lang siya sa kanyang kwarto buong araw. Nahihiya siya kay Mico at the same time naiinis sia sa sarili niya. Naiinis siya kasi sa kapabayaan niya.Pilit niyang iniiwasan si Mico. Hangga't maari, hindi niya ito titignan. Ayaw niyang mangyari iyon. Nahihiya siya. Kanina nga paglabas niya ng kwarto, ay saktong dadaan ito sa tapat niya kaya naman mabilis siyang kumaripas ng takbo pababa. Narinig niya pa ang tawag nito mula sa likuran pero hindi niya iyon pinansin. Tapos kanina, nung tanghalian ayaw niya sanang sumabay sa pagkain pero hinila na siya nina Colyn sa dining room kaya naman wala siyang nagawa kundi sumabay sa pagkain. Buti nalang katabi niya si Erin at nakipag-usap lang siya rito hanggang sa matapos ang pananghalian. Nung kinahapunan naman ay inaaya ulit siya nina Erin na sumama dahil ipapasyal daw sila ni Mico sa may batis. Pero tinanggihan
"Good morning!" Masiglang bati ni Ellaine sa mga kasambahay na naglilinis sa may sala. "Magandang umaga rin po, señorita." Magalang na sabi nila sakanya. Napansin niya sa mga mukha ng mga ito ang gulat. Nginitian niya lang ang mga ito at nagdire-diretso na sa kusina. Doon, naabutan niya sina Rona,Joan at Manang Ising na busy sa pagluluto. "Good morning!" Bati niya sa mga ito."Señorita! Ang aga naman ninyo magising." Sabi ni Manang Ising sakanya. Nalukot naman ang mukha niya sa tawag nito sakanya. "Manang, you're so makakalimutin na talaga. I told you 'di ba na Ellaine nalang ang itawag ninyo sa'kin?" Nakangusong sabi niya. Napakamot naman sa ulo si Manang Ising at naghagikgikan naman sa gilid sina Rona at Joan."Nasanay na kasi ako." Sabi ni Manang Ising.Napangiti nalang siya at inakbayan ito. Magaan talaga ang loob niya kay Manang Ising, para rin kasi ito si Yaya Mildred niya. "So, what are you guys cooking?" Usisa niya sa mga luto nito. "Arrozcaldo po. Sabi kasi ni Señ
Dear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico. Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito. Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya. Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito. Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico. "Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito. "Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit
"Ellaine! C'mon, sweetie. Talk to mePlease." habol ni Mico kay Ellaine na tuloy lang sa pagmartsa sa loob ng hacienda. Hindi na sila tumuloy sa falls dahil na-badtrip na si Ellaine sa nangyari. Hindi na ito makausap ni Mico dahil sa bawat tangka niyang kausapin ito ay hindi ito sumasagot ng matino. Lagi itong nakasimangot at singhal lang ang natatanggap niya. "Ellaine--!" Pero pinagbagsakan lang siya nito ng pinto sa mukha. Napabuntong-hininga nalang si Mico at hinayaan nalang si Ellaine. Hindi na niya muna ito pipilitin. Dumiretso nalang rin siya sa kanyang kwarto at humiga sa sariling kama hanggang sa maabutan na rin siya ng pagod kaya nakatulog na rin siya. ------Isang katok ang gumising sa mahimbing na tulog ni Mico. Sinipat niya ang orasan sa wall clock niya at nalamang alas-syete na pala ng gabi. Pupungas-pungas na bumangon siya at binuksan ang pinto. "O, manang? Bakit?" Tanong niya kay Manang Ising na kanina pa pala raw kumakatok. "Nag-aalala kasi si Señorita Ellaine,
"So, ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Mico kay Ellaine pagkaupo palang sa may sofa. Umupo si Ellaine sa tabi ni Mico at humarap rito ng patagilid. Huminga muna siya ng malalim bago magtanong. Hindi na siya pwedeng mahiya, miski siya ay gustong masagot ang mga katanungan sa isip niya. "Mico, ano ba 'to?"Bakas sa mukha ni Mico ang pagtataka. "Huh?" Isa pang buntong-hininga ang pinakawala niya. "Ano itong ginagawa natin?" "What do you mean, Ellaine?" Naguguluhang tanong nito sakanya. "I mean this! The kisses, the sweetness.. lahat! Ano iyon?" Frustrated na tanong niya. Natigilan si Mico sa biglaang tanong niya. Nakita niya na miski ito ay nalilito rin. Marahil ay nabigla sa tanong niya. "Ano, Mico? Kasi nabigla ata tayo. We need to settle this." Hinintay niyang magsalita si Mico, pero nanatili lang itong nakatitig sakanya. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kinabahan siya bigla. What if narealize nito na hindi dapat nila ginawa iyon?That wo
Pagkatapos maligo ni Ellaine ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Doon nakita niya na naghahanda na sina Mitch at Colyn ng lamesa habang nasa may kitchen counter naman sina Erin,Adie,Jeremie at Mico. "Oh, Hi Ellaine! Good Morning!" Bati sakanya ni Colyn. "Hello. Ano iyan? Ang bango ah." Tukoy niya sa dalang malaking mangkok nito. "Nagluto kami ng champorado. Alam mo na, para narin sa mga lasing para naman mainitan." Biro nito sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ni Colyn. Napansin nga niya kanina pagkababa niya na tulog parin nga ang tatlong lalaki sa may living room. "Ellaine! Tara dito!" Tawag sakanya ni Erin. Nilapitan naman niya ang mga ito sa may kitchen counter. Nagtama pa ang mga tingin nila ni Mico at nagkangitian sila. "Here. Dito ka." Sabi sakanya ni Mico sabay alalay sakanya paupo sa high stool. Pagkaayos niya ng upo ay lumapit lang sakanya si Mico at umakbay sa may sandalan ng high stool na kinauupuan niya. "Gusto mo ba makakita ng comedy?" Tanong sakanya ni