Share

CHAPTER 7

Author: YNAH MENDOZA
last update Last Updated: 2024-06-19 16:08:36

CATHLYN

Sa tulong ng ilan kong kasamahan ay nakapagtanong ako kung saan ako puwedeng makakita ng kahit isang maliit na kuwarto na mauupahan. Kailangan ko ring magtipid para tumagal ang savings ko lalo na at hindi naman iyon ganon kalakihan. Kahit kailan ay hindi ako tumanggap ng pera mula sa mga magulang ko simula ng magtrabaho na ako at makatapos ng kolehiyo. I know, may kapalit ang lahat ng iyon. So, hindi ko na tinangkang tanggapin ang mga binibigay nila sa akin. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko mula sa kinikita ko sa trabaho.

Iyon nga lang ay hindi ko magawa ang gusto ko talagang gawin sa buhay, iyon ay ang magtayo ng sariling negosyo. Pero ngayon na may pagkakataon na ako para gawin ang lahat para magtagumpay ako ay hindi ko na ito palalagpasin pa.

Napadpad ako sa isang di kalakihang bahay na tinuro sa akin ni Ate Seles. Ito ang isa sa mga malalapit kong kasamahan sa agency maliban kay Maxine. Kakilala ni Ate Seles ang landlady ng bahay na ginawang paupahan para sa mga estudyante at nagtratrabaho na sa gabi lang umuuwi para magpahinga.

Okay na ako sa ganoong set up pansamantala, at least ay may matitirhan ako. Kung hindi lang sana mag-aalala si Maxine sa kalagayan ko ay sa kanya na lang ako makikitira, pero dahil nga sa may sarili nitong mga problema at hindi nito puwedeng malaman ang balak namin ni Sir Ezekiel na pagtatayo ng bagong negosyo ay talagang wala akong choice kung hindi ang maglihim sa kanya. Maiintindihan naman niya siguro ako.

"Ikaw ba ang kakilala ni Seles na naghahanap ng mauupuhang kuwarto?" tanong agad sa akin ng isang ale pagpasok ko pa lang sa entrada ng pinto ng bahay. Ang ilan sa mga nasa loob ng sala ay halatang mga estudyante pa lang dahil sa mga suot nitong uniporme.

Nakatingin sila lahat sa akin lalo na at bumaba ako sa isang kotse kanina.

"Ako nga po ang kakilala ni Ate Seles na naghahanap ng pansamantalang mauupahang kuwarto. Mga isang buwan lang po siguro ako mananatili dito hanggang sa makahanap ako ng mauupahang bahay na malapit sa trabaho ko."

"Ganun ba, mukha namang may kaya ka ah. Makinis ang balat mo, ang puti. At di kotse ka pa. Bakit sa isang tulad nito mo nagustuhang mangupahan?"

Kung alam ko lang na may interrogation pa pala bago ako makakuha ng kuwarto dito sa bahay na tinuro ni Ate Seles at pinag-isipan ko muna sana kung pupunta ba ko hindi? Alangan akong ngumiti sa harap nito sunod sa mga taong halatang naghihintay din ng sagot ko.

"Hindi po ako mayaman. At yung kotse po na gamit ko ay company service lang po iyon. At tungkol naman po sa kulay ng balat ko, gusto nyo po bang malaman kung anong brand ng sabon ang gamit ko? Mura lang iyon." Biro ko sa landlady na siya namang hindi maipinta ang mukha. Hindi ko alam kung nagulat ba sa sinabi ko o nagalit na ata?

"Ah-eh...okay na. Huwag munang sabihin, saka mo na lang ikuwento kung anong brand ng sabon ang gamit mo. Sige hala halika at ituturo ko sa iyo ang magiging kuwarto mo para makapag-ayus ka na ng mga gamit mo." Mayamaya ay yaya niya sa akin na kinatuwa ko naman.

"Okay po."

At sumunod nga ako sa kanya habang papaakyat ito ng pangalawang palapag ng bahay. Presko naman ang hitsura ng lugar. Ang kabuuan ng bahay ay pinagsamang kahoy na matitibay at halatang sinauna pang yari at makabagong mga desenyo ng bato naman para ilang parte ng bahay na ginamit sa pag renovate.

Nang tumapat sa isang hindi kalakihang pinto ang ale ay nagkaroon na ako ng idea na ito ang magiging kuwarto ko. At hindi nga ako nagkamali.

"Ito ang pinto ng magiging kuwarto mo. Bale tatlo kayong magkakasama dito. Wala pa nga lang silang dalawa at umuwi ng probinsiya kaya may isang lingo kang walang kasama dito. Okay lang ba?"

"O-opo, ayus lang po sa akin iyon."

"Tutal pala at sabi mo isang buwan ka lang dito mananatili, baka puwede mo ng ibigay ang one month mong bayad para lang, alam muna." Sunod nitong sabi na naintindihan ko naman.

Mula sa body bag na nakasabit sa katawan ko ay nilabas ko ang isa kong wallet at kumuha ng perang pambayad sa kanya. Gaya ng napag-usapan ay ibinigay ko na sa kanya ang perang pinag-usapan namin at pagkatapos nitong makuha ang pera ay iniwan na niya ako at binilinan na ayusin ko na raw ang ilan kong gamit kung gusto ko. Nginitian ko lang siya at sinabing ako na ang bahala sa mga gamit ko, tutal ay kaunti lang naman iyon. Hindi ko muna dinala ang lahat ng mga gamit ko mula sa bahay nila Mommy hanggang sa makahanap ako ng disenteng matutuluyan na kaya kong bayaran buwan-buwan.

Inayus ko agad ang mga gamit ko ng maipasok ko na ang bag na kinalalagyan ko ng ilang mga damit ko. Naisip kong huwag na munang tanggalin sa loob ng bag ang mga iyon para kung sakaling kailanganin ko rin umalis sa lugar na iyon ay mabibitbit ko agad ang mga gamit ko. Inilabas ko muna ang laptop ko mula sa lalagyan at kailangan kong asikasuhin ang proposal na dapat kong matapos ngayon araw para pagpasok ko sa opisina ay maipakita ko agad kay Sir Ezekiel ang mga iyon.

Una pa lang ay gusto ko nang magtayo ng isang company na puwedeng magproduce ng mga usual na ginagamit ng isang babae to maintain her beauty. Of course, related sa art pa rin ang gusto ko. Ang mga naiisip kong product na puwedeng imarket ng compony na uumpisahan namin ni Sir Ezekeil ay mga beauty soap with special scent and quality. Mga unique color of make-up na halos araw-araw na ginagamit ng mga kababaihan ngayon. Mahilig akong mag apply ng make-up because I believe it will help you boost your confidence while facing other people, and a way of hiding your sadness as well.

Nae-excite ako sa tuwing maiisip ko na may sarili na akong company that produces those products, ang saya sa pakiramdam at parang gusto kong magtatalon sa tuwa.

I need motivation so I can better plan the proposal I intended to do right now. Ang kumita ng sariling pera mula sa sariling negosyo mo. Ang makilala bilang isang magaling na negosyante hindi dahil sa mga magulang ko. Mabuhay na nakakapagdesisyon ako sa sarili ko na hindi kailangan na palaging nakadepende sa mga magulang ko ay isa sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy sa mga plano ko.

I will do all possible ways para hindi ako mabigo this time, not this time umalis na ako sa puder ng mga magulang ko.

Saktong alas kuwarto na ng hapon ng matapos ang ginawa kong business proposal. Matapos kong maisave ang ginawa ko ay napainat ako mula sa pagkakaupo ko sa kutsong nakapatong sa isang kahoy na papag.

Itinuro rin sa akin kanina ng landlady kung aling banyo ang puwede kong gamitin sa paliligo kaya naisipan ko na ring maligo pagkatapos kong magcomputer. Pagkakuha ko ng mga damit na pamalit ay sinadya kong ilock muna ang kuwartong inupahan ko for safety na rin dahil nandun lahat ang importante kong gamit.

Hindi na ako masyadong nagtagal na maligo dahil bago ako pumasok sa loob ng banyo ay may nakasunod na agad sa akin na gagamit nito.

Gamit ang isang maliit na electric fan na ginagamit siguro ng dalawang makakasama ko sa kuwartong iyon ay pinatuyo ko ang hanggang batok kong buhok. Naka tshirt at leggings lang ako at wala naman akong balak na puntahan. Pero ng maisip ko na kailangan ko ring kumain ng hapunan ay nagdesisyon na rin akong lumabas.

Isang pouch lang ang dala ko ng umalis ako ng bahay. Buti at may isang fastfood na naligaw malapit lang sa inuupahan ko kaya dun na lang ako nagdesisyon na umorder ng hapunan. May bakante pang space sa parking area kaya hindi naman ako nahirapang isingit ang sedan na gamit ko.

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong pinatunog ang lock ng mga pinto ng kotse ko at saka didiretso sa mismong entrance ng fastfood.

Wala namang masyadong umoorder kaya hindi ako nagtagal sa pagpila sa counter. Isang piece chicken joy, rice with fries and drinks ang inorder ko, at nagsama din ako ng isang mango pie. Bigla akong natakam sa amoy ng fries na nasa tray na dala ko kaya hindi ko agad napansin ang isang lalakeng nakajacket na muntik ko ng mabangga.

Buti na lang at ito na mismo ang umiwas para hindi matapon ang dala ko.

"S-sorry..."

"It's okay." Nakangiting sagot ng lalake sa akin. Para itong nahihiya na hindi mo malaman. Dapat nga at magalit ito sa akin dahil ako ang muntik ng makatapon ng softdrinks sa harapan nito.

Ito ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa at bumalik ito sa isang upuan na pinanggalingan nito. Tumayo lang siguro ito para magbanyo. Nagtaka naman ako ng mapansin ko na wala pa itong pagkain sa table nito. Malamang, baka hindi pa umoorder? Sagot ng isip ko. Hanggang sa makabalik ito sa kinauupuan ay hindi na ito nagtangka pang lingunin ako, nagkibit balikat na lang ako. Nagpatuloy ako sa paghanap ng bakanteng table para makakain na ako sa wakas.

Nang matapos kong kainin ang mga inorder kong pagkain ay para akong narecharge at nagkaroon ako ng panibagong lakas. Nakalimutan ko na rin kasing kumain ng tanghalian kakagawa ng business proposal na kailangan kong ipakita kay Sir Ezekiel.

Habang papunta ako sa parking area kung saan ko iniwan ang kotse ko ay parang may nahagip akong mga mata na nakatingin sa akin. Bigla akong naasiwa kaya walang ano-ano ay napalingon ako sa likod pero wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa isang traffic enforcer na nagtatawid ng mga tao sa kalsada.

Baka naman namamalikmata lang ako at pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin pero wala naman pala. Napailing na lang ako pagkatapos at sinaway ang sarili ko na mag-isip ng ibang bagay maliban sa gusto kong matulog ng maaga para may lakas ako kinabukasan sa pagharap sa trabaho at amo ko.  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 8

    EZEKIELHindi mawala ang inis ko habang tinitigan ko ang mga pictures ni Cathlyn na kinuhanan ng isang tao na inutusan ko para magbantay sa kanya. Simula ng maramdaman ko that I really want her in my life, that maybe I love her to the point that I want to see her every day ay pinabantayan ko na ang mga kilos niya.Gusto kong palaging makasiguro na ligtas siya at kahit hindi niya ako kasama ay alam ko ang mga nangyayari sa kanya. At ng malaman ko mula sa taong nagbabantay sa kanya na umalis ito sa bahay ng mga magulang nito at nangupahan sa isang maliit na kuwarto sa Quezon City ay talagang nagpuyos ang galit ko.Paano kung may mangyaring masama sa kanya dahil sa pag-alis nito sa poder ng mga magulang nito? Matigas talaga ang ulo ni Cathlyn, even her parents can't suppress her.Agad ko siyang pinatawag sa secretary ko para makausap. I need her out of that place. Kung kailangang pilitin ko siyang lumipat ng ibang lugar na matutuluyan ay gagawin ko huwag lang siyang magtagal sa lugar na

    Last Updated : 2024-06-19
  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 9

    CATHLYNNapapalingon ako sa gawi ni Sir Ezekiel sa tuwing hihinto ang kotse na sinasakyan namin dahil sa traffic. Hindi na ata ako masasanay sa ganitong pakiramdam na parang ang lakas palagi ng kabog ng dibdib ko kapag kausap o kasama ko siya. Hindi mapakali ang puso ko sa mga oras na alam kong malapit lang siya sa tabi ko. Natatakot na tuloy ako sa maaaring kahantungan ng mga nararamdaman kong ito.At doon biglang sumagi sa isip ko si Anthony. Hindi pa rin nga pala kami nakakapag-usap tungkol sa gustong mangyari ni Sir Ezekiel habang pinaplano namin ang negosyong napag-usapan naming kanina. Siguro ay tatawagan ko na lang siya mamaya para sabihin kung kailan kami puwedeng magkita at masabi ko sa kanya ang balak kong pakikipaghiwalay sa kanya.Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotseng sinasakyan namin sa Pasay. Nang lingunin ko ang paligid ay napaawang ang mga labi ko ng makita ko kung anong klaseng condo ang balak na kunin ni Sir Ezekiel sa akin. Oo at babayaran ko naman kun

    Last Updated : 2024-06-19
  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 10

    EZEKIELPagkatapos kong bayaran ang condo na titirhan ni Cathlyn temporary ay agad ko siyang niyayang kunin ang mga gamit niya sa kung saan ito natulog ng isang gabi. Temporarily ay sa condo ito titira dahil soon, I'll buy our own house to live in. Ganoon na ako kabaliw sa kanya na kahit hindi nito alam kung ano ang tunay kong nararamdaman sa kanya ay gusto ko ng planuhin ang future naming dalawa na magkasama.I see her as my wife, mother of our children and I'll make sure that she will forever be in my arms. Walang ibang lalakeng makakalapit sa kanya ngayon, lalo na at hawak ko na ang lahat ng magiging desisyon niya sa buhay. Kahit pa ang Anthony na boyfriend nito ngayon, na soon ay magiging ex-boyfriend na lang nito. Hindi ko hahayaang makalapit pa siya kay Cahtlyn, not now that I have her.Unti-unting sumasang-ayon ang mga plano ko para sa aming dalawa. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito kung saan makakasama ko na siya at makikita sa araw-araw. She's my moon and sun. At kun

    Last Updated : 2024-06-19
  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 11

    CATHLYNIlang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko sa habang nakatingin sa ceiling ng magandang kuwarto ko ngayon. Pilit kong binalikan ang mga nangyari sa akin ngayon maghapon hanggang gabi. Parang hinihigop ang lakas ko kapag naiisip ko kung paano ako nakarating ngayon sa lugar na ito, ang makipa-usap kay Athony para makipaghiwalay at ang pag-alis ko sa bahay na binayaran ko na ng isang buong buwan. Ang bilis ng mga pangyayari at parang hindi ako makapaniwala na magagawa kong sundin ang lahat ng mga inuutos ni Sir Ezekiel sa akin sa ngalan ng mga pinag-usapan naming dalawa.Wala na'tong atrasan pa at hindi ko na alam pa ang puwedeng mangyari kung hindi ko ipagpaptuloy ang lahat ng ito. My life is full of agony. I don't know how it will end up, but I still believe that everything happens for a reason. At kung bakit ako nandito sa sitwasyon na ito dahil ito ang dapat kong pagdaan so I can find myself and my purpose.Kakapit ako hanggang dulo na magiging maayos at matagumpay ang la

    Last Updated : 2024-06-19
  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 12

    Katulad ng usapan namin ni Maxine ay sabay kaming umuwi para bumili ng susuotin nitong damit sa party. Dinala ko rin ang makae-up kit ko para maayusan ko siya ng maganda. Kahit naman walang make-up ay talagang maganda si Maxine, at mas lalo pa itong gaganda kapag nilagyan ng kolorete ang mukha nito plus ang seksi pa nito kaya maraming lalake ang nagkakandarapa sa pangliligaw dito.Sa kasamaang palad ay wala namang itong balak mag entertain ng mga mangliligaw dahil sa ang priority nito ay ang daddy nito na may sakit sa La Union.Kasalukuyan kong inaayusan si Maxine ng madako na naman sa usapan personal ang tsismisan naming dalawa."Okay na'yan Cath. Baka naman sumobra na ang kapal ng make-up na inilagay mo sa mukha ko." Narinig kong reklamo ni Maxine sa akin. Sinipat pa nito ang maganda nitong mukha sa salamin."Huwag ka ngang OA! Ang ganda mo kaya oh." Sagot ko sa kanya at wala itong dapat na ika intimidate at talaga namang may taglay itong ganda na hindi pangkaraniwan sa lahat."Sala

    Last Updated : 2024-06-19
  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 13

    CathlynNapalingon ako sa likod kung saan ay nakasunod sa akin si Sir Ezekiel ng sa wakas ay nasa loob na kami ng condo.Nagtuloy ito sa paglalakad at nilagpasan niya ako para ipatong ang bag na dala ko sa isang glass center table sa sala. Titig na titig pa rin ako sa kanya na para bang may kakaiba itong ginawa samantalang inipalag lang naman nito ang bag na dala nito."Have you eaten your dinner?" Walang ano-ano ay bigla nitong tanong sa akin. Nagulat tuloy ako at napatikhim pa ako dahil sa kabiglaan."A-ammmm, to be honest hindi pa po sir." Pagtatapat ko sa kanya. Totoo naman na hindi pa ako kumakain ng hapunan at bigla na lang itong tumawag na susunduin nya ako kaya ang ending ay hindi ko rin nakain ang niluto kong pagkain sa apartment ni Maxine.Nakita ko ang pagbuntong hininga nito sa harap ko na parang hindi nagustuhan ang sinagot ko sa kanya. Ano ba ang problema nito? Nagtanong lang naman siya sa akin, at sinagot ko kaya bakit mas mukha pa itong problemado kaysa sa akin?Sunod

    Last Updated : 2024-06-19
  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 14

    Muntik pa akong mahulog sa kama ng bigla ay bumiling ako at antok na antok na kinapa ang alarm clock na nakatong sa side table.Kinapa ko pa ang gilid nito upang tuluyan itong pahimikin at kulang na lang ay mairita na ako sa tunog nito.Isa ata ito sa kahinaan ko sa buhay, ang gumising ng maaga. Bakit ba kasi halos madaling araw na ako nakatulog?Padabog kong hinagis ang isang unan na yakap-yakap ko buong magdamag. Hindi ko na napigilang isipin na naman ang mga katanungan na patuloy na bumabagabag sa akin sa tuwing nasa harapan ko si Sir Ezekiel.Ilang taon ko na siyang kasama pero ngayon ko lang naramdaman ng todo ang ganitong pakiramdam na parang gusto ko na palagi siyang makita. Ang makita ang guwapo nitong mukha, ang amuyin ang mabango nitong katawan. At bigla ay napailing na lang ako.Dati ay napapatingin lang ako saglit sa kanya sa tuwing makikita ko siya sa office pero ngayon, parang hindi ko na kayang basta titigan lang siya.At ngayon ko napatanto na malala na talaga ang mga

    Last Updated : 2024-06-19
  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 15

    CATHLYNHabang nasa biyahe kami ay tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana. Wala akong idea kung saan kami pupunta na eksaktong lugar. Pero base sa sinabi ni Sir Ezekiel ay mukhang kabisado na nito ang lugar kung saan gusto nitong itayo ang negosyong plano naming simulan.Buong akala ko ay ako mismo ang hahanap ng lugar na sinasabi niyang puwede naming bilhin para sa negosyong itatayo namin. Ito na pala mismo ang gumawa ng paraan para mapadali ang pagsasaayos ng lahat. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng biglang mag ring ang cellphone ko at mabilis ko itong kinuha sa loob ng bag ko.Pagkakita ko sa cellphone ko ay nakita kong nakarehistro ang pangalan ng kapatid ko, si Cristoff.Nag-alangan pa ako kung sasagutin ko ang tawag niya o hindi. Bago ko ako magdesisyon ay saglit kong sinulyapan si Sir Ezekiel na noon pala ay nakatingin na rin sa akin.Traffic naman ng mga oras na iyon kaya nagtagal ang titigan naming dalawa."Answer it." Untag sa akin ni Sir Ezekiel saka ko naalal

    Last Updated : 2024-06-19

Latest chapter

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   FINALE

    CATHLYNKagagaling lang namin sa doctor ngayon araw. Hindi pumayag si Ezekiel na hindi ako magpacheck-up pagkagaling namin sa Cavite kinabukasan. Gusto daw niyang malaman ang kalagayan ng baby namin.Natuwa naman ako dahil siya pa mismo ang nangungulit na magpunta kami sa doctor kahit na alam kong marami itong ginagawa sa trabaho.Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya.Natatakot daw kasi siyang isang kilos ko ay bigla akong mabuwal o mabunggo at mapahamak ako at ang anak namin.Akala ko ay hihiga na rin siya pagkatapos niya akong tulungan maging komportable sa kama na siyang una naming tinulugan ng tumungtong ako dito sa mansyon."Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng tangka siyang babaling paharap ng pinto.Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya. Ayoko namang maging possessive katulad niya pero mas ayokong makita at maramdaman na malayo siya sa akin kahit ilang minuto lang."I'll just take a call, love." Itinaas nito ang cellphone

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 50

    CATHLYNBantay sarado ako ni Ezekiel simula ng magkita kami sa hospital. Hindi niya ako hinahayaang kumilos na hindi ito nakaalalay sa akin. Kulang na lang ay buhatin niya ako sa tuwing pumupunta ako sa banyo huwag lang akong mahirapang maglakad.Ito ang pinangarap kong mga sandali kasama siya. Ang manatili ito sa tabi ko habangbuhay.Walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng sayang nararamdaman ko sa piling niya sa mga oras na ito.Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kinagisnan kong magulang kanina tungkol sa lahat ng pinagtapat ng totoo kong ama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.It's been twenty-six years since I believe in the truth that I am Cathlyn Agustin. Isang kasinungalingan na nagdala sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko lubos maisip kung paano ako nabuhay sa kasinungaliang iyon.Natuklasan ko mula sa mga bibig nila na totoo ang mga pinagtapat ng tunay kong ama. Humingi sila ng tawad pero sa akin pero sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 49

    CATHLYNNapahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ko.Ang takot na kanina ay naramdaman ko ang siyang unang rumihistro sa utak ko kaya agad kong inisip kung ano ang nangyari sa anak ko.Nang makasiguro akong hindi nawala ang pinakaiingatan kong sanggol sa sinapupunan ko ay tila parang isang tinik ang kusang nabunot sa dibdib ko at dahil dun ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko mula sa ilang oras na pagkakatulog.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doctor sa akin pagkatapos akong ipasok sa emergency room at maging sila Manong Cardo ay hindi ko na rin nakita pagkatapos.Nang tuluyang kong imulat ang mga mata ko ay unang hinanap ng paningin ko ang mga taong tumulong sa akin para makarating dito sa hospital at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang taong kinamumuhian ko.Madilim ang mga mata niya na tila nag-aapoy sa galit. Ang kilay niya ay halos mag-abot na ang dulo dahil sa pagkakakunot nito.Tinapatan ko ang bagsik ng tingin niya

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 48

    4 Months Later"Ate Cathlyn." Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. Tahimik akong nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy habang hawak ko ang nakaumbok kong tiyan.Hingal na hingal si Angeline ng makarating ito sa kinaroroonan ko."Kanina pa po kayo hinahanap ni papa, ate." Pagbabalita nito sa akin.Nang gabing makatakas ako sa mansyon ng mga Montalvo ay dito ako sa Laguna napadpad. Kasalukuyan kong pinapanuod ang mga isdang naglalangoy ng sabay-sabay sa isang sikat na park dito.Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil sa kagustuhan kong makatakas sa buhay na inakala kong maliwanag at masaya sa piling ni Ezekiel, pero hindi pala.Dito sa lugar na ito ako napadpad para magtago sa mga taong gusto kong makalimutan at hindi na maging parte ng buhay ko.Habang nag-iisip ako kung saan ako maaaring manatili para tuluyan akong makalayo kay Ezekiel ay naisipan kong dalawin si Mang Cardo na dating siyang una kong nakagisnan na driver sa bahay nila mommy at daddy.Na

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 47

    CATHLYNLumipas ang isang lingo at nagpatuloy akong nakatira sa bahay ng mga magulang ni Ezekiel. Hindi ko nakitang nag-iba ang tingin nila sa akin simula ng iuwi na ako ni Ezekiel sa mansyon.Palagi nila akong tinatanong kung ano ang gusto kong gawin sa araw-araw para naman hindi ako masyadong ma bored.Hindi ko naman naramdaman ang ganun pakiramdam dahil palagi akong nililibang ni Manang Fe at ng ibang mga katulong sa mansyon.Minsan ay naisipan ko ring tanungin si Ezekiel kung puwede na akong bumalik sa pag mamanage ng shop namin na dalawa na naiwan ko ng pumunta kami na Kalinga pero hindi pa niya ako pinayagan.Natatakot daw siya na baka maulit ang nangyari dati sa shop kung saan ay may pumasok na isang masamang lalake na kalauanan ay nalaman naming isa sa mga empleyado ng kumpanya nila daddy na nagtanim ng galit hanggang sa mamatay ito sa isang aksidente sa Kalinga na ito mismo ang may kagagawan.Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay natahimik ng kaunti ang takot ko pero nal

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 46

    CATHLYNGumising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na kaya unti-unti akong bumangon para silipin ang labas mula sa Sheer Curtains ng balcony ng kuwarto ni Ezekiel.Mataas na ang araw at sa palagay ko ay nasarap na naman ako ng matulog dahil sa pagod kagabi lalo na at hindi na naman tumigil si Ezekiel hanggang hindi nito nagagawa ang gusto.Napangiti ako ng maalala ko ang pinagsaluhan namin na mga sandali na talagang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya sa araw-araw simula ng magsama na kaming dalawa sa iisang bahay.Hindi ko napigilang mapaisip kung posible kayang may nabuo na sa pagniniig namin ng maraming beses? Parang may kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko pero nawala rin ito pagdaka ng maisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ezekiel kung sakaling magkakaanak na kami.Hinimas ko ang pipis kong tiyan na para bang iniimagine kong katulad ni Maxine ay mae-experience ko na rin na maging isang ina katulad nito.Mahilig ako sa mga bata ka

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 45

    CATHLYNKatulad ng sinabi ni Ezekiel sa mga magulang nito ay sa kuwarto niya ako mismo pinatuloy pagkatapos naming kumain ng sabay-sabay sa dining area. Sakto rin na kadarating lang ng inutusan ni Ezekiel na isa sa mga kasambahay ng mga ito para kunin ang mga gamit ko sa condo."Love," tawag ko sa kanya ng makita kong tinatanggal na nito ang mga gamit ko sa loob ng maleta habang ako ay prenteng nakaupo sa kama nito sa kuwarto."Yes, love?" saglit niya akong tinangnan pero patuloy pa rin ito sa ginagaawa."Sigurado ba na okay lang sa mga parents mo na dito ako sa kuwarto mo tumuloy? Baka kasi----" nag-aalala lang naman ako sa puwede nilang isipin sa akin, sa amin ni Ezekiel dahil sa padlos-dalos na desisyon ng anak nilang bunso.Oo at may nangyari na sa aming dalawa at huli na para mag inarte pa ako, nasa tamang gulang na rin kami para sa mga bagay-bagay. Kaya lang ay iba syempre ang mga paniniwala ng mga magulang pagdating sa ganitong issue lalo na at hindi pa alam ng mga magulang ko

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 44

    CATHLYNNagulat kami ni Ezekiel ng ilang minuto pagkatapos ng aksidente ay dumating sila Manong Lito sa lugar kung saan nahulog ang taong sumunod sa amin ng umalis kami sa village.Nag-alala daw si Manong Lito na baka may mangyaring masama sa amin hanggang hindi pa kami nakakababa ng kapatagan kaya sinundan nila kami kasama niya sila Sandro at ang isa pang lalake na may-ari ng sinakyan nilang owner pababa ng kapatagan.Hinayaan na nila kaming makaalis para hindi na kami madamay pa sa imbistigasyon. Sasabihin nilang aksidente ang lahat kaya nahulog ang lalakeng nakaharap ni Ezekiel kanina.Habang nasa biyahe kaming dalawa at nasa kabayanan na ay pareho kaming tahimik. Hindi ko naman siya magawang kausapin dahil parang ang lamin ng iniisip niya.Ang pagiging tahimik niya ay bunga na rin siguro ng sinabi ng lalakeng nahulog kanina sa bangin. Na kahit mamatay ito ay hindi pa rin matatahimik ang buhay naming dalawa at ng pamilya ko.Sunod kong narinig ang pagtunog ng cellphone ni Ezekiel a

  • Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)   CHAPTER 43

    CATHLYNKatulad ng naging plano namin ni Ezekiel ay maaga kaming gumayak ng sumunod na araw para makabalik na kami ng Manila sa lalong madaling panahon."Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn...salamat po sa pagbisita nyo dito sa lugar namin. Sana ay maisipan nyo pong bumalik uli dito." Sa una ay masayang sabi ni Manong Lito pero sa huli ay nalungkot din ito lalo na at sa ilang araw namin siyang nakasama. Naging mabait siya sa amin ni Ezekiel."Huwag kayong mag-alala Manong Lito, babalik kami ng asawa ko may aayusin lang kaming mahalagang bagay sa Manila." Paniniguro ni Ezekiel kay Manong Lito, ngumiti naman ito pagkatapos."Masaya kami ni Sandro na nakilala namin kayong dalawa Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn." Si Helen naman ang nagsalita na mangiyak ngiyak ang boses habang nagsasalita.Napangiti naman ako sa sinabi ni Helen at nilapitan siya."Ako rin Helen, masaya na makilala ko kayong lahat dito. At asahan mo na babalik ulit kami dito ni Ezekiel sa lugar nyo." Tumingin ako sa gawi ni Sandro na na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status