Mag-isang umuwi si Cathlyn ng araw na iyon at biglan sinundo si Maxine ni Jefferson. Ang pinsan ni Ezekiel at ng dalawa pa nitong mga kapatid.
"Ikaw naman ang naiwan Cathlyn, ang suwerte mo talaga." Kausap nito sa sarili ng biglang tumunog ang cellphone nito at biglang rehistro ang number ng boss nitong si Ezekiel. Bago buksan ni Cathlyn ang laman ng text na galing kay Ezekiel ay hinawakan muna nito ang kaliwang parte ng dibdib nito at dinama ang lakas ng kabang nararamdaman nito pagkakita pa lang sa pangalan ng amo nito na bigla-biglang nagtetext. Ibinigay nito ang personal number kay Cathlyn ng minsan nitong kinausap ng personal ang dalaga.
Nang buksan ni Cathlyn ang text ay nagulat pa ito sa nabasang laman nito.
Boss Ezekeil
Hintayin mo ako, sabay tayong umuwi.Bakit bigla na ganoon ang text nito sa kanya? Parang may mali. At hinintay nga ni Cathlyn ang boss nito na lumabas mula sa office. Madadaanan naman ang cubicle niya kapag lumabas ang amo ito ng oposina nito kaya hindi niya ito maaring hindi makita kapag papalabas na ito.
Nang makita niyang papalabas na ang kanyang boss ay bigla naman ang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya makita pa lang niya ang anino nito. Nakakaba!
Ilang segundo pa ay nasa harapan na niya ito. With his fitted khaki pants and partner with light blue long sleeve...mapapatingin ka talaga dito plus the hunk appeal na taglay nito.
Hawak nito sa isang kamay ang susi ng kotse nito habang ang isa namang kamay nito ay nakapamulsa sa pantalon nito. Para lang itong modelo na naglalakad papalapit sa kanya.
"Hey..," untag sa kanya ni Ezekiel.
"S-sir..."
"Pasensiya ka na if you waited a little longer, tinapos ko lang ang mga kailangan kong pirmahan."
"Ah, okay lang po Sir." Agap niyang sagot dito at saka niya kinapa ang bag niya na nasa ibabaw ng kanyang table.
"May kailangan po ba kayo sa akin Sir?"
"Yes, can we talk in some other place?" saglit na nag-isip si Cathlyn kung 'oo' ba siya o hindi sa paanyaya ng kanyang boss. Pero isa lang ang siguro, hindi siya puwedeng tumanggi dito lalo na at may pabor siyang hiningi dito.
"O-opo Sir. Saan po tayo mag-uusap? Susunod na lang po ako sir, may dala naman po akong kotse."
"Sa akin ka na sumabay, ipapahatid ko na lang ang kotse mo sa bahay nyo." Muli siyang nagulat sa sinabi ni Ezekiel at napatitig dito.
"S-sige po." Bantulot niyang sagot dito.
"Where's your key?" Hiningi nito ang susi ng kotse niya para maipauwi daw sa bahay nila. Ni hindi na nga nito hiningi pa ang address niya na ipinagtaka naman niya ng lubos.
"Let's go?" tanong nito sa kanya ng sa wakas ay maibilin na nito sa guwarya ng building na kapag dumating ang personal driver nito ay ihatid na lang kotse niya sa kanilang bahay.
Ipinag bukas pa siya ni Ezekiel ng pinto ng kotse nito at wala na siyang nagawa kung hindi ang tuluyang sumunod sa utos nito.
Tahimik lang sila habang nasa biyahe at hindi pa naman sila lumalayo sa ka Maynilaan base sa daang kanilang tinatahak.
Minsan-minsan ay nililingon niya ito habang nagmamaneho pero tutok lang mga mata nito sa daan. Ni wala itong pinahiwatig sa kung saan ang kanilang pag-uusapan until...
"Cath---" tawag sana nito sa pangalan ko kasabay ng pag ring ng cellphone ko. Napatingin muna ako sa gawi niya saka ko tiningnan kung sino ang tumatawag sa cellphone ko.Si Anthony!
Nag-alangan siya kung sasagutin ba niya ang tawag nito samantalang may sasabihin ata ang amo niya sa kanya. Kaya muli siyang napatingin dito.
"Go ahead. Sagutin mo muna ang tumatawag sayo," bigay permiso nito sa kanya.
Nahihiya niyang pinindot ang accept button ng cp niya at ilang segundo nga ay narinig na niyang nagsasalita si Anthony.
"Baby, where are you?" tanong nito sa kanya agad.
"A-h, pauwi na." Pagsisinungaling niya dito. Sa totoo lang ay palagi niyang iniiwasan kung maari si Anthony dahil alam niyang hindi ito naiiba sa kariniwang lalake na gusto ay may kasamang sex sa isang relasyon, na hindi naman niya ginawa kahit kailan.
Madalas pa siyang pinagbibintangan ng mga magulang niya na baka wala na raw ang puri niyang iniingatan dahil sa pakiki boyfriend niya na wala namang katotohanan. Kung alam lang ng mga ito na kaya niya nagagawa ang bagay na iyon ay dahil gusto niyang galitin lang ang mga ito dahil sa mga pangingielam na ginagawa ng mga ito sa kanyang buhay. Saglit kong nilingon si Sir Ezekeil sa driver's seat. Doon ko nakita ang pagkunot ng noo nito hababg nakahawak sa manubela ang isa nitong kamay at ang isa ay nakatungkod sa edge ng binata. Parang galit at naiinis ito.
Napatingin si Ezekiel sa gawing bintana ng kanyang kotse to avoid the unwanted feelings na bigla niyang naramdaman ng makita niya si Cathlyn na kausap sa cellphone nito ang boyfriend nito. That jerk! Napaismid siya pagkatapos at wala siyang pakielam kung makita siya ni Cathlyn sa ganung reaksyon niya.
"Tawagan na lang kita baby kung saan tayo mag celebrate." Narinig niyang sagot ni Cathlyn sa boyfriend nito na lalong nagpainis sa kanya.
"Okay bye." Huli nitong sabi sa kausap. Napindot pa niya ng malakas ang busina ng kanyang kotse sa nakatabi namang motorista dahil sa inis na biglang sumibol sa puso niya.
Halos mapapitlag siya ng biglang bumusina ng pagka lakas si Ezekeil na kung tutuusin ay hindi naman dapat nito ginawa. Nakatabi naman ang motoristang kasabayan nilang dumadaan sa kahabaan ng Edsa.
Ano ba ang problema ng lalakeng ito at bigla ay nag-iba ang mood? Hindi na niya nakausap ng maayos si Anthony at sinabi na lang niyang nagmamaneho siya kaya tatawagan na lang niya ito kung saan sila magcecelebrate ng birthday niya.
"Is that your boyfriend?" walang ano-ano ay tanong niya kay Cathlyn. Para siyang nakalubog sa mainit na tubig ng mga oras na iyon na hindi niya akalaing mararamdaman niya dahil lang sa simple niyang pagkarinig ng pag-uusap ni Cathlyn at ng boyfriend nito. Nakita kong tumango si Cathlyn at nahigpit ang hawak ko sa manubela na parang gusto ko itong palipitin sa galit.
Nakakaba naman ang nangyayari sa kanila ni Ezekiel sa loob ng kotse nito. Parang gusto na ata nitong manuntok ng mga oras na iyon base sa hitsura nito. Wala siyang idea kung bakit ganun bigla ang naging mood nito samantalang kinausap lang naman niya si Anthony sa cellphone. Hindi na lang niya ito tiningnan o sinulyapan man lang at baka sa kanya pa nito maibuhos ang galit nito. At muli ay muntik na siyang mapatili ng minsan pa ay bigla itong bumusina ng wala sa oras at halos maangat siya sa kinauupuan niya sa lakas ng ginawa nitong pag busina. Hay susme!
CATHLYNHindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman ko habang kasalukuyang nakasakay pa rin ako sa kotseng pagmamay-ari ni Sir Ezekiel. Doon ko muling naalala ang ginawa nitong pagbusina ng ilang beses kanina na wala namang dahilan.Kawawa tuloy ang mga motoristang binusinahan nito ng pagkalakas-lakas. Paminsan-minsan ay sunusulyapan ko ang gawi nito habang tahimik na nagmamaneho. Nakakunot ang dalawa nitong mga kilay ay halatang badtrip ito. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ako sa punto ng buhay ko na kakailanganin ko pang ibuwis ang buhay ko huwag lang akong magtrabaho sa kumpanya ng mga magulang ko.Buwis buhay ang pagsama ko kay Sir Ezekiel ngayon dahil una, hindi ko alam kung saan nga ba kami talaga pupunta para lang mag-usap? Pangalawa, hindi ko alam na ganito pala siya kapag nagdri-drive na kulang na lang ay ubusin nito ang sound ng busina nito sa lakas ng pagkakadiin nito sa horn button. At pangatlo, isipin ko pa lang ang sasabihin ng mga katrabaho namin lalo na
EZEKIELI can't stop my eyes but land them on those milky and soft skin of Cathlyn. Her small and beautiful face made me weak every time I saw her closely. Never in my entire life did I imagine myself being affected by a simple glimpse of a woman. And now, I was a victim of the truth that I need Cathlyn in my life more than anything. She's all I wanted in my life.Kaya naisipan ko siyang yayaing lumabas para makasamang kumain. It's the first time that we were together outside the office. Habang naglalakad kami sa papasok sa loob ng isang garden restaurant ay saglit kong nakalimutan ang inis at selos na naramdaman ko kanina lamang ng marinig kong katawagan ni Cathlyn ang boyfriend nito na isang modelo.I can't help but feel disgusted while listening to their conversation. I don't want to imagine her while in another man's arms. I should do something before it happens.I noticed that she was not comfortable while sitting beside me, so I asked her."Is there any problem, Cathlyn?" Ibinal
CATHLYNPabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama pagdating ko sa bahay namin. Agad akong dumertso sa kuwarto ko sa takot na ma interrogate na naman ng mga magulang ko kung bakit nauna pang umuwi ang kotse ko kaysa sa akin.Bukas ko na lang sila haharapin. Ang isip ko ngayon ay abala sa mga nangyari sa buong maghapon lalo na sa mga pinag-usapan namin kanina ni Sir Ezekiel.Nagulat ako ng sobra ng marinig ko sa mismong labi niya na handa siyang tulungan ako na makapagtayo ng isang negosyo na matagal ko ng gustong gawin pero ayoko lang lumapit sa mga magulang ko.Sinabi rin niya na hindi magiging problema ang pag absent ko sa trabaho habang pinaghahandaan namin ang itatayo naming negosyo na magkasama. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na makakaya niya akong tulungan sa problema ko. Kapag nagtagumpay kami sa mga binabalak naming negosyo na itayo ay baka sakaling maiba ang tingin ng mga magulang ko sa akin.Na isa rin akong tao na makakayang gawin ang mga bagay na akala nila ay hindi
CATHLYNSa tulong ng ilan kong kasamahan ay nakapagtanong ako kung saan ako puwedeng makakita ng kahit isang maliit na kuwarto na mauupahan. Kailangan ko ring magtipid para tumagal ang savings ko lalo na at hindi naman iyon ganon kalakihan. Kahit kailan ay hindi ako tumanggap ng pera mula sa mga magulang ko simula ng magtrabaho na ako at makatapos ng kolehiyo. I know, may kapalit ang lahat ng iyon. So, hindi ko na tinangkang tanggapin ang mga binibigay nila sa akin. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko mula sa kinikita ko sa trabaho.Iyon nga lang ay hindi ko magawa ang gusto ko talagang gawin sa buhay, iyon ay ang magtayo ng sariling negosyo. Pero ngayon na may pagkakataon na ako para gawin ang lahat para magtagumpay ako ay hindi ko na ito palalagpasin pa.Napadpad ako sa isang di kalakihang bahay na tinuro sa akin ni Ate Seles. Ito ang isa sa mga malalapit kong kasamahan sa agency maliban kay Maxine. Kakilala ni Ate Seles ang landlady ng bahay na ginawang paupahan para sa mga estudy
EZEKIELHindi mawala ang inis ko habang tinitigan ko ang mga pictures ni Cathlyn na kinuhanan ng isang tao na inutusan ko para magbantay sa kanya. Simula ng maramdaman ko that I really want her in my life, that maybe I love her to the point that I want to see her every day ay pinabantayan ko na ang mga kilos niya.Gusto kong palaging makasiguro na ligtas siya at kahit hindi niya ako kasama ay alam ko ang mga nangyayari sa kanya. At ng malaman ko mula sa taong nagbabantay sa kanya na umalis ito sa bahay ng mga magulang nito at nangupahan sa isang maliit na kuwarto sa Quezon City ay talagang nagpuyos ang galit ko.Paano kung may mangyaring masama sa kanya dahil sa pag-alis nito sa poder ng mga magulang nito? Matigas talaga ang ulo ni Cathlyn, even her parents can't suppress her.Agad ko siyang pinatawag sa secretary ko para makausap. I need her out of that place. Kung kailangang pilitin ko siyang lumipat ng ibang lugar na matutuluyan ay gagawin ko huwag lang siyang magtagal sa lugar na
CATHLYNNapapalingon ako sa gawi ni Sir Ezekiel sa tuwing hihinto ang kotse na sinasakyan namin dahil sa traffic. Hindi na ata ako masasanay sa ganitong pakiramdam na parang ang lakas palagi ng kabog ng dibdib ko kapag kausap o kasama ko siya. Hindi mapakali ang puso ko sa mga oras na alam kong malapit lang siya sa tabi ko. Natatakot na tuloy ako sa maaaring kahantungan ng mga nararamdaman kong ito.At doon biglang sumagi sa isip ko si Anthony. Hindi pa rin nga pala kami nakakapag-usap tungkol sa gustong mangyari ni Sir Ezekiel habang pinaplano namin ang negosyong napag-usapan naming kanina. Siguro ay tatawagan ko na lang siya mamaya para sabihin kung kailan kami puwedeng magkita at masabi ko sa kanya ang balak kong pakikipaghiwalay sa kanya.Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotseng sinasakyan namin sa Pasay. Nang lingunin ko ang paligid ay napaawang ang mga labi ko ng makita ko kung anong klaseng condo ang balak na kunin ni Sir Ezekiel sa akin. Oo at babayaran ko naman kun
EZEKIELPagkatapos kong bayaran ang condo na titirhan ni Cathlyn temporary ay agad ko siyang niyayang kunin ang mga gamit niya sa kung saan ito natulog ng isang gabi. Temporarily ay sa condo ito titira dahil soon, I'll buy our own house to live in. Ganoon na ako kabaliw sa kanya na kahit hindi nito alam kung ano ang tunay kong nararamdaman sa kanya ay gusto ko ng planuhin ang future naming dalawa na magkasama.I see her as my wife, mother of our children and I'll make sure that she will forever be in my arms. Walang ibang lalakeng makakalapit sa kanya ngayon, lalo na at hawak ko na ang lahat ng magiging desisyon niya sa buhay. Kahit pa ang Anthony na boyfriend nito ngayon, na soon ay magiging ex-boyfriend na lang nito. Hindi ko hahayaang makalapit pa siya kay Cahtlyn, not now that I have her.Unti-unting sumasang-ayon ang mga plano ko para sa aming dalawa. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito kung saan makakasama ko na siya at makikita sa araw-araw. She's my moon and sun. At kun
CATHLYNIlang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko sa habang nakatingin sa ceiling ng magandang kuwarto ko ngayon. Pilit kong binalikan ang mga nangyari sa akin ngayon maghapon hanggang gabi. Parang hinihigop ang lakas ko kapag naiisip ko kung paano ako nakarating ngayon sa lugar na ito, ang makipa-usap kay Athony para makipaghiwalay at ang pag-alis ko sa bahay na binayaran ko na ng isang buong buwan. Ang bilis ng mga pangyayari at parang hindi ako makapaniwala na magagawa kong sundin ang lahat ng mga inuutos ni Sir Ezekiel sa akin sa ngalan ng mga pinag-usapan naming dalawa.Wala na'tong atrasan pa at hindi ko na alam pa ang puwedeng mangyari kung hindi ko ipagpaptuloy ang lahat ng ito. My life is full of agony. I don't know how it will end up, but I still believe that everything happens for a reason. At kung bakit ako nandito sa sitwasyon na ito dahil ito ang dapat kong pagdaan so I can find myself and my purpose.Kakapit ako hanggang dulo na magiging maayos at matagumpay ang la
CATHLYNKagagaling lang namin sa doctor ngayon araw. Hindi pumayag si Ezekiel na hindi ako magpacheck-up pagkagaling namin sa Cavite kinabukasan. Gusto daw niyang malaman ang kalagayan ng baby namin.Natuwa naman ako dahil siya pa mismo ang nangungulit na magpunta kami sa doctor kahit na alam kong marami itong ginagawa sa trabaho.Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya.Natatakot daw kasi siyang isang kilos ko ay bigla akong mabuwal o mabunggo at mapahamak ako at ang anak namin.Akala ko ay hihiga na rin siya pagkatapos niya akong tulungan maging komportable sa kama na siyang una naming tinulugan ng tumungtong ako dito sa mansyon."Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng tangka siyang babaling paharap ng pinto.Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya. Ayoko namang maging possessive katulad niya pero mas ayokong makita at maramdaman na malayo siya sa akin kahit ilang minuto lang."I'll just take a call, love." Itinaas nito ang cellphone
CATHLYNBantay sarado ako ni Ezekiel simula ng magkita kami sa hospital. Hindi niya ako hinahayaang kumilos na hindi ito nakaalalay sa akin. Kulang na lang ay buhatin niya ako sa tuwing pumupunta ako sa banyo huwag lang akong mahirapang maglakad.Ito ang pinangarap kong mga sandali kasama siya. Ang manatili ito sa tabi ko habangbuhay.Walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng sayang nararamdaman ko sa piling niya sa mga oras na ito.Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kinagisnan kong magulang kanina tungkol sa lahat ng pinagtapat ng totoo kong ama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.It's been twenty-six years since I believe in the truth that I am Cathlyn Agustin. Isang kasinungalingan na nagdala sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko lubos maisip kung paano ako nabuhay sa kasinungaliang iyon.Natuklasan ko mula sa mga bibig nila na totoo ang mga pinagtapat ng tunay kong ama. Humingi sila ng tawad pero sa akin pero sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon
CATHLYNNapahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ko.Ang takot na kanina ay naramdaman ko ang siyang unang rumihistro sa utak ko kaya agad kong inisip kung ano ang nangyari sa anak ko.Nang makasiguro akong hindi nawala ang pinakaiingatan kong sanggol sa sinapupunan ko ay tila parang isang tinik ang kusang nabunot sa dibdib ko at dahil dun ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko mula sa ilang oras na pagkakatulog.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doctor sa akin pagkatapos akong ipasok sa emergency room at maging sila Manong Cardo ay hindi ko na rin nakita pagkatapos.Nang tuluyang kong imulat ang mga mata ko ay unang hinanap ng paningin ko ang mga taong tumulong sa akin para makarating dito sa hospital at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang taong kinamumuhian ko.Madilim ang mga mata niya na tila nag-aapoy sa galit. Ang kilay niya ay halos mag-abot na ang dulo dahil sa pagkakakunot nito.Tinapatan ko ang bagsik ng tingin niya
4 Months Later"Ate Cathlyn." Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. Tahimik akong nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy habang hawak ko ang nakaumbok kong tiyan.Hingal na hingal si Angeline ng makarating ito sa kinaroroonan ko."Kanina pa po kayo hinahanap ni papa, ate." Pagbabalita nito sa akin.Nang gabing makatakas ako sa mansyon ng mga Montalvo ay dito ako sa Laguna napadpad. Kasalukuyan kong pinapanuod ang mga isdang naglalangoy ng sabay-sabay sa isang sikat na park dito.Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil sa kagustuhan kong makatakas sa buhay na inakala kong maliwanag at masaya sa piling ni Ezekiel, pero hindi pala.Dito sa lugar na ito ako napadpad para magtago sa mga taong gusto kong makalimutan at hindi na maging parte ng buhay ko.Habang nag-iisip ako kung saan ako maaaring manatili para tuluyan akong makalayo kay Ezekiel ay naisipan kong dalawin si Mang Cardo na dating siyang una kong nakagisnan na driver sa bahay nila mommy at daddy.Na
CATHLYNLumipas ang isang lingo at nagpatuloy akong nakatira sa bahay ng mga magulang ni Ezekiel. Hindi ko nakitang nag-iba ang tingin nila sa akin simula ng iuwi na ako ni Ezekiel sa mansyon.Palagi nila akong tinatanong kung ano ang gusto kong gawin sa araw-araw para naman hindi ako masyadong ma bored.Hindi ko naman naramdaman ang ganun pakiramdam dahil palagi akong nililibang ni Manang Fe at ng ibang mga katulong sa mansyon.Minsan ay naisipan ko ring tanungin si Ezekiel kung puwede na akong bumalik sa pag mamanage ng shop namin na dalawa na naiwan ko ng pumunta kami na Kalinga pero hindi pa niya ako pinayagan.Natatakot daw siya na baka maulit ang nangyari dati sa shop kung saan ay may pumasok na isang masamang lalake na kalauanan ay nalaman naming isa sa mga empleyado ng kumpanya nila daddy na nagtanim ng galit hanggang sa mamatay ito sa isang aksidente sa Kalinga na ito mismo ang may kagagawan.Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay natahimik ng kaunti ang takot ko pero nal
CATHLYNGumising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na kaya unti-unti akong bumangon para silipin ang labas mula sa Sheer Curtains ng balcony ng kuwarto ni Ezekiel.Mataas na ang araw at sa palagay ko ay nasarap na naman ako ng matulog dahil sa pagod kagabi lalo na at hindi na naman tumigil si Ezekiel hanggang hindi nito nagagawa ang gusto.Napangiti ako ng maalala ko ang pinagsaluhan namin na mga sandali na talagang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya sa araw-araw simula ng magsama na kaming dalawa sa iisang bahay.Hindi ko napigilang mapaisip kung posible kayang may nabuo na sa pagniniig namin ng maraming beses? Parang may kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko pero nawala rin ito pagdaka ng maisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ezekiel kung sakaling magkakaanak na kami.Hinimas ko ang pipis kong tiyan na para bang iniimagine kong katulad ni Maxine ay mae-experience ko na rin na maging isang ina katulad nito.Mahilig ako sa mga bata ka
CATHLYNKatulad ng sinabi ni Ezekiel sa mga magulang nito ay sa kuwarto niya ako mismo pinatuloy pagkatapos naming kumain ng sabay-sabay sa dining area. Sakto rin na kadarating lang ng inutusan ni Ezekiel na isa sa mga kasambahay ng mga ito para kunin ang mga gamit ko sa condo."Love," tawag ko sa kanya ng makita kong tinatanggal na nito ang mga gamit ko sa loob ng maleta habang ako ay prenteng nakaupo sa kama nito sa kuwarto."Yes, love?" saglit niya akong tinangnan pero patuloy pa rin ito sa ginagaawa."Sigurado ba na okay lang sa mga parents mo na dito ako sa kuwarto mo tumuloy? Baka kasi----" nag-aalala lang naman ako sa puwede nilang isipin sa akin, sa amin ni Ezekiel dahil sa padlos-dalos na desisyon ng anak nilang bunso.Oo at may nangyari na sa aming dalawa at huli na para mag inarte pa ako, nasa tamang gulang na rin kami para sa mga bagay-bagay. Kaya lang ay iba syempre ang mga paniniwala ng mga magulang pagdating sa ganitong issue lalo na at hindi pa alam ng mga magulang ko
CATHLYNNagulat kami ni Ezekiel ng ilang minuto pagkatapos ng aksidente ay dumating sila Manong Lito sa lugar kung saan nahulog ang taong sumunod sa amin ng umalis kami sa village.Nag-alala daw si Manong Lito na baka may mangyaring masama sa amin hanggang hindi pa kami nakakababa ng kapatagan kaya sinundan nila kami kasama niya sila Sandro at ang isa pang lalake na may-ari ng sinakyan nilang owner pababa ng kapatagan.Hinayaan na nila kaming makaalis para hindi na kami madamay pa sa imbistigasyon. Sasabihin nilang aksidente ang lahat kaya nahulog ang lalakeng nakaharap ni Ezekiel kanina.Habang nasa biyahe kaming dalawa at nasa kabayanan na ay pareho kaming tahimik. Hindi ko naman siya magawang kausapin dahil parang ang lamin ng iniisip niya.Ang pagiging tahimik niya ay bunga na rin siguro ng sinabi ng lalakeng nahulog kanina sa bangin. Na kahit mamatay ito ay hindi pa rin matatahimik ang buhay naming dalawa at ng pamilya ko.Sunod kong narinig ang pagtunog ng cellphone ni Ezekiel a
CATHLYNKatulad ng naging plano namin ni Ezekiel ay maaga kaming gumayak ng sumunod na araw para makabalik na kami ng Manila sa lalong madaling panahon."Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn...salamat po sa pagbisita nyo dito sa lugar namin. Sana ay maisipan nyo pong bumalik uli dito." Sa una ay masayang sabi ni Manong Lito pero sa huli ay nalungkot din ito lalo na at sa ilang araw namin siyang nakasama. Naging mabait siya sa amin ni Ezekiel."Huwag kayong mag-alala Manong Lito, babalik kami ng asawa ko may aayusin lang kaming mahalagang bagay sa Manila." Paniniguro ni Ezekiel kay Manong Lito, ngumiti naman ito pagkatapos."Masaya kami ni Sandro na nakilala namin kayong dalawa Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn." Si Helen naman ang nagsalita na mangiyak ngiyak ang boses habang nagsasalita.Napangiti naman ako sa sinabi ni Helen at nilapitan siya."Ako rin Helen, masaya na makilala ko kayong lahat dito. At asahan mo na babalik ulit kami dito ni Ezekiel sa lugar nyo." Tumingin ako sa gawi ni Sandro na na