CATHLYNNagising ako na wala na si Sir Ezekiel sa condo unit ko. Wala man lang kong nakitang bakas na natulog ito sa sofa. Maayos na ang hitsura nito at pati ang ilan nitong gamit na iniwan nito katulad ng pinagpalitan nito ng damit ay maayos na nakatiklop at nakalagay sa paper bag.Sinadya kaya niya itong iwan o nakalimutan lang nitong dalin sa pag-alis? Okay lang naman sa akin na labhan ang mga damit niya, siguro naman ay hindi siya magagalit kapag ginawa ko iyon?Para naman akong na tempt na buklatin ang paper bag na kinalalagyan ng damit nito. Nakita kong nasa unahan ng bag ang tshirt na pinang tulog niya kaya naman walang paalam ko itong kinuha mula sa pagkakatiklop at saka inamoy ng dahan-dahan.Parang isang masarap na amoy sa umaga ang nanatili sa ilong ko mula sa mabangong amoy ng damit niya. Pinaghalong pabango at natural na amoy ng matapang na detergent soap ang amoy nito. Kahit ata dalawa o tatlong beses nitong isuot ang damit ay hindi pa rin mauubos ang amoy na mabango nit
CATHLYNDampi ng malamig na hangin mula sa mukha ko ang siyang nagpagising sa akin mula sa ilang oras na pagkakatulog.Sa sobrang antok ko ay hindi ko na napigilang makatulog sa haba ng naging biyahe namin ni Sir Ezekiel. Naramdaman ko na lang na kusang bumubukas ang mga mata ko mula sa pagkakapikit nito.Mabilis kong inangat ang likod ko mula sa pagkakasandal sa upuan at tiningnan ang paligid.Agad na hinanap ng mga mata ko si Sir Ezekiel na buong akala ko ay nasa tabi ko pa rin ng mga oras na iyo.Saan kaya nagpunta ang isa na'yun? Hindi naman siguro niya ako iiwan sa lugar na'to? Kinakabahan kong tanong sa sarili.Baka kaya may nangyari ng masama sa kanya? Dapat ay nandito lang siya at hinintay niya akong magising eh. Dagdag ko pang reklamo.Hindi na ako nakatiis at kahit na hindi pa ganoong kaliwanag ang paligid ay naglakas na ako ng loob para bumaba ng sasakyan at hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung nasaan na si Sir Ezekiel at bakit nito piniling iwan ako ng mag-is
CATHLYNKatulad ng sinabi ni Sir Ezekiel ay pinuntahan namin ang lugar kung saan maari kaming makakita ng mauupahang bahay na gawa sa kubo habang nandito kami sa lugar na ito.Wala na akong nagawa kung hindi ang suportahan ang mga plano nito. Kahit naman kasi awayin ko siya ay wala ring saysay.Mas kilala pa nito ang mga taong may planong masama sa pamilya ko kaysa sa akin kaya paanong hindi ako dedepende sa kanya?Binilinan lang niya akong manatili sa loob ng kotse habang kinakausap ang isang taong halatang isang katutubo dahil sa kulay ng balat at uri ng buhok nito.Mula sa bintana ng sasakyan ay tinanaw ko si Sir Ezekiel habang kausap ang lalakeng katutubo at tumagal lang ito ng ilang minuto bago ito bumalik sa loob ng kotseng gamit namin.Pag-upo nito sa driver's side ay agad niya akong binalingan ng tingin at nagsalita."I just paid the house that we'll use for the mean time while we're here. At pumayag din sila na tulungan tayo sa ibang bagay tulad ng makukuhanan ng pagkain, tub
CATHLYNTahimik kaming kumain ni Sir Ezekiel, walang kibuan...walang ingay. Nanibago ako bigla. Kahit ang tanungin niya ako sa mga gusto kong kainin ay hindi nito ginawa kaya ng magsalita ito sa tabi ko ay muntik pa akong mapapitlag sa gulat."Hindi mo ba nagustuhan ang mga pagkain?"Sinulyapan ko muli ang mga pagkain sa mesa. Kumain naman ako ng kaunting kanin at smoked longganisa pero ang ibang pagkain ay natakot akong tikman.Umiling ako saglit saka nagsalita. "Okay naman po sir ang mga pagkain." Sagot ko sa kanya."Why don't you try the other food? Kaunti lang ang kinain mo." Napansin pala nito ang kaunti kong kinain kahit na hindi ito nagsasalita habang kumakain kami."Okay na po ako sa mga kinain ko sir." Sagot ko muli sa kanya. Paano ba naman ako gaganahan nitong kumain kung alam kong may naiwan akong problema sa Manila habang nandito kaming dalawa, nagbabakasyon grande sa Kalinga.Nalaman ko na nasa Kalinga kami ng pasimple kong tanungin ang isang dalagitang kasama ni Manong L
CATHLYNNagulat ako ng hapitin ni Sir Ezekiel ang bewang ko papalapit dito. Hindi ako nakapagsalita sa ginawa nito at nakaramdam ako agad ng hiya ng mapansin kong nakatingin sa aming dalawa si sandro."What did you do?" sunod nitong tanong sa akin sabay tingin sa mga damit naming nakasambay na sa sampayan."Ummmm, naglaba ako ng mga damit natin para may maisuot tayo pag natuyo na." alangan kong sagot sa kanya. Hindi ko mapigilan na hindi kabahan sa tuwing katabi ko siya katulad ngayon, para niya akong itinali sa tagliran nito at ni katiting na distansya ay hindi ko maramdaman."Are you feeling tired? May pinaluto ako kay Helen na nilagang saging baka magustuhan mo, honey." Napatulala na naman ako sa tuwing naririnig ko ang endearment na tinatawag niya sa akin simula ng dumating kami dito sa lugar kung saan kami napadpad.Masaya sana sa pandinig at pakiramdam kung totoo ang tawag niyang iyon sa akin, kaso ay hindi. At ayokong paasahin ang sarili ko na isang araw ay magiging totoo ang b
CATHLYNNaalimpungatan ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin na bumabalot sa buo kong katawan. Mas malamig pa sa hangin na inilalabas ng aircon ang nararamdaman kong lamig ngayon.Sa kabila ng lamig na nararamdaman ko ay mas nangibabaw naman ang init na dulot ng katawan ni Sir Ezekiel na nakayakap sa akin.Hindi ko alam kung paano kami humantong na naman sa ganitong posisyon pero hindi naman talaga imposible na mangyari iyon at iisa lang na papag ang hinihigaan naming ngayon.Ang natatandaan ko ay may distansiya ang pagitan naming dalawa habang nakahiga. Pareho kaming tahimik na nakikiramdam sa paligid. Mas pinili kong tumagilid patalikod sa kanya dahil alam kong hindi ako dadalawin ng antok kapag nakikita at nararamdaman ko siya na malapit lang sa akin.Pinilit kong hanapin ang antok na kanina pa dapat naramdaman ng katawan ko pero hindi nangyari. Malamang ay dahil sa alam kong ang lalakeng gusto kong makasama habang buhay ay katabi ko pero malabong mangyari ang bagay na iyon da
CATHLYN"Careful." Narinig kong sabi ni Sir Ezekiel sa akin ng umaakyat na kami sa mataas na parte ng bundok. May isang hidden falls daw dito na puwede naming pasyalan. Pinagdala din kami ng pamalit na damit ni Hellen at baka daw gusto naming maligo.Hindi nakasama si Manong Lito sa pamamasyal namin dahil may importante daw itong lalakarin sa bayan at pati ang pamimili na rin ng mga pagkain ay isasabay na raw nito kaya si Sandro ang nakasama namin sa pamamasyal kasama si Hellen."Ma'am Cathlyn, okay lang po kayo?" nag-aalalang tanong ni Hellen sa akin ng medyo huminto ako at dahil nakaalalay sa akin si Sir Ezekiel ay kahit hindi naman ito pagod ay napahinto na rin para hintayin ako."Oo naman, okay lang ako." Sabay ngiti ko sa kanila ni Sandro."Drink some water." Alok ni Sir Ezekeil sa akin at saglit niya akong binitawan at binuksan ang bottled water na baon namin.Kinuha ko ito mula sa pagkakaabot nito sa akin at saka uminom ng tubig. Parang naginahawaan ang lalamunan ko na bahagyan
CATHLYNNawalan ako ng imik ng unti-unti ay lumapit ang mukha ni Sir Ezekiel sa akin partikular sa mga labi ko.Mabilis at tila may pananabik niyang inangkin ng aking mga labi na naging dahilan kung bakit napatiya ako ng tuluyan.Ang pagtutol na dapat ay gawin ko ay naglaho dahil sa kakaibang papanabik rin ng puso na napunan ng sa wakas ay maulit ang pag angkin niya sa aking mga labi.Dahil sa kabiglaan ay halos hindi ko na naramdaman ang pagpatong niya sa akin na ngayon ay nagdudulot ng bigat sa ibabaw ko.Saglit siyang huminto sa paghalik sa akin at tinitigan niya ng mariin ang mukha ko. Sunod ay ang paghaplos sa makinis kong mukha na parang isang malambot na bagay na ingat-ingat itong hawakan.Sinalubong ko ang kanyang mga titig at nakita ko sa mga mata niya ang isang katotohanang hindi ko nakikita sa tuwing kasama ko siya.Ang pakiramdam na mas mangingibabaw ang makasama ko siya ngayon gabi at makapiling ay ang siyang nasa isip at puso ko. Nag aalinlangan man ako sa maaaring mangy
CATHLYNKagagaling lang namin sa doctor ngayon araw. Hindi pumayag si Ezekiel na hindi ako magpacheck-up pagkagaling namin sa Cavite kinabukasan. Gusto daw niyang malaman ang kalagayan ng baby namin.Natuwa naman ako dahil siya pa mismo ang nangungulit na magpunta kami sa doctor kahit na alam kong marami itong ginagawa sa trabaho.Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya.Natatakot daw kasi siyang isang kilos ko ay bigla akong mabuwal o mabunggo at mapahamak ako at ang anak namin.Akala ko ay hihiga na rin siya pagkatapos niya akong tulungan maging komportable sa kama na siyang una naming tinulugan ng tumungtong ako dito sa mansyon."Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng tangka siyang babaling paharap ng pinto.Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya. Ayoko namang maging possessive katulad niya pero mas ayokong makita at maramdaman na malayo siya sa akin kahit ilang minuto lang."I'll just take a call, love." Itinaas nito ang cellphone
CATHLYNBantay sarado ako ni Ezekiel simula ng magkita kami sa hospital. Hindi niya ako hinahayaang kumilos na hindi ito nakaalalay sa akin. Kulang na lang ay buhatin niya ako sa tuwing pumupunta ako sa banyo huwag lang akong mahirapang maglakad.Ito ang pinangarap kong mga sandali kasama siya. Ang manatili ito sa tabi ko habangbuhay.Walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng sayang nararamdaman ko sa piling niya sa mga oras na ito.Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kinagisnan kong magulang kanina tungkol sa lahat ng pinagtapat ng totoo kong ama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.It's been twenty-six years since I believe in the truth that I am Cathlyn Agustin. Isang kasinungalingan na nagdala sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko lubos maisip kung paano ako nabuhay sa kasinungaliang iyon.Natuklasan ko mula sa mga bibig nila na totoo ang mga pinagtapat ng tunay kong ama. Humingi sila ng tawad pero sa akin pero sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon
CATHLYNNapahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ko.Ang takot na kanina ay naramdaman ko ang siyang unang rumihistro sa utak ko kaya agad kong inisip kung ano ang nangyari sa anak ko.Nang makasiguro akong hindi nawala ang pinakaiingatan kong sanggol sa sinapupunan ko ay tila parang isang tinik ang kusang nabunot sa dibdib ko at dahil dun ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko mula sa ilang oras na pagkakatulog.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doctor sa akin pagkatapos akong ipasok sa emergency room at maging sila Manong Cardo ay hindi ko na rin nakita pagkatapos.Nang tuluyang kong imulat ang mga mata ko ay unang hinanap ng paningin ko ang mga taong tumulong sa akin para makarating dito sa hospital at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang taong kinamumuhian ko.Madilim ang mga mata niya na tila nag-aapoy sa galit. Ang kilay niya ay halos mag-abot na ang dulo dahil sa pagkakakunot nito.Tinapatan ko ang bagsik ng tingin niya
4 Months Later"Ate Cathlyn." Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. Tahimik akong nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy habang hawak ko ang nakaumbok kong tiyan.Hingal na hingal si Angeline ng makarating ito sa kinaroroonan ko."Kanina pa po kayo hinahanap ni papa, ate." Pagbabalita nito sa akin.Nang gabing makatakas ako sa mansyon ng mga Montalvo ay dito ako sa Laguna napadpad. Kasalukuyan kong pinapanuod ang mga isdang naglalangoy ng sabay-sabay sa isang sikat na park dito.Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil sa kagustuhan kong makatakas sa buhay na inakala kong maliwanag at masaya sa piling ni Ezekiel, pero hindi pala.Dito sa lugar na ito ako napadpad para magtago sa mga taong gusto kong makalimutan at hindi na maging parte ng buhay ko.Habang nag-iisip ako kung saan ako maaaring manatili para tuluyan akong makalayo kay Ezekiel ay naisipan kong dalawin si Mang Cardo na dating siyang una kong nakagisnan na driver sa bahay nila mommy at daddy.Na
CATHLYNLumipas ang isang lingo at nagpatuloy akong nakatira sa bahay ng mga magulang ni Ezekiel. Hindi ko nakitang nag-iba ang tingin nila sa akin simula ng iuwi na ako ni Ezekiel sa mansyon.Palagi nila akong tinatanong kung ano ang gusto kong gawin sa araw-araw para naman hindi ako masyadong ma bored.Hindi ko naman naramdaman ang ganun pakiramdam dahil palagi akong nililibang ni Manang Fe at ng ibang mga katulong sa mansyon.Minsan ay naisipan ko ring tanungin si Ezekiel kung puwede na akong bumalik sa pag mamanage ng shop namin na dalawa na naiwan ko ng pumunta kami na Kalinga pero hindi pa niya ako pinayagan.Natatakot daw siya na baka maulit ang nangyari dati sa shop kung saan ay may pumasok na isang masamang lalake na kalauanan ay nalaman naming isa sa mga empleyado ng kumpanya nila daddy na nagtanim ng galit hanggang sa mamatay ito sa isang aksidente sa Kalinga na ito mismo ang may kagagawan.Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay natahimik ng kaunti ang takot ko pero nal
CATHLYNGumising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na kaya unti-unti akong bumangon para silipin ang labas mula sa Sheer Curtains ng balcony ng kuwarto ni Ezekiel.Mataas na ang araw at sa palagay ko ay nasarap na naman ako ng matulog dahil sa pagod kagabi lalo na at hindi na naman tumigil si Ezekiel hanggang hindi nito nagagawa ang gusto.Napangiti ako ng maalala ko ang pinagsaluhan namin na mga sandali na talagang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya sa araw-araw simula ng magsama na kaming dalawa sa iisang bahay.Hindi ko napigilang mapaisip kung posible kayang may nabuo na sa pagniniig namin ng maraming beses? Parang may kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko pero nawala rin ito pagdaka ng maisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ezekiel kung sakaling magkakaanak na kami.Hinimas ko ang pipis kong tiyan na para bang iniimagine kong katulad ni Maxine ay mae-experience ko na rin na maging isang ina katulad nito.Mahilig ako sa mga bata ka
CATHLYNKatulad ng sinabi ni Ezekiel sa mga magulang nito ay sa kuwarto niya ako mismo pinatuloy pagkatapos naming kumain ng sabay-sabay sa dining area. Sakto rin na kadarating lang ng inutusan ni Ezekiel na isa sa mga kasambahay ng mga ito para kunin ang mga gamit ko sa condo."Love," tawag ko sa kanya ng makita kong tinatanggal na nito ang mga gamit ko sa loob ng maleta habang ako ay prenteng nakaupo sa kama nito sa kuwarto."Yes, love?" saglit niya akong tinangnan pero patuloy pa rin ito sa ginagaawa."Sigurado ba na okay lang sa mga parents mo na dito ako sa kuwarto mo tumuloy? Baka kasi----" nag-aalala lang naman ako sa puwede nilang isipin sa akin, sa amin ni Ezekiel dahil sa padlos-dalos na desisyon ng anak nilang bunso.Oo at may nangyari na sa aming dalawa at huli na para mag inarte pa ako, nasa tamang gulang na rin kami para sa mga bagay-bagay. Kaya lang ay iba syempre ang mga paniniwala ng mga magulang pagdating sa ganitong issue lalo na at hindi pa alam ng mga magulang ko
CATHLYNNagulat kami ni Ezekiel ng ilang minuto pagkatapos ng aksidente ay dumating sila Manong Lito sa lugar kung saan nahulog ang taong sumunod sa amin ng umalis kami sa village.Nag-alala daw si Manong Lito na baka may mangyaring masama sa amin hanggang hindi pa kami nakakababa ng kapatagan kaya sinundan nila kami kasama niya sila Sandro at ang isa pang lalake na may-ari ng sinakyan nilang owner pababa ng kapatagan.Hinayaan na nila kaming makaalis para hindi na kami madamay pa sa imbistigasyon. Sasabihin nilang aksidente ang lahat kaya nahulog ang lalakeng nakaharap ni Ezekiel kanina.Habang nasa biyahe kaming dalawa at nasa kabayanan na ay pareho kaming tahimik. Hindi ko naman siya magawang kausapin dahil parang ang lamin ng iniisip niya.Ang pagiging tahimik niya ay bunga na rin siguro ng sinabi ng lalakeng nahulog kanina sa bangin. Na kahit mamatay ito ay hindi pa rin matatahimik ang buhay naming dalawa at ng pamilya ko.Sunod kong narinig ang pagtunog ng cellphone ni Ezekiel a
CATHLYNKatulad ng naging plano namin ni Ezekiel ay maaga kaming gumayak ng sumunod na araw para makabalik na kami ng Manila sa lalong madaling panahon."Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn...salamat po sa pagbisita nyo dito sa lugar namin. Sana ay maisipan nyo pong bumalik uli dito." Sa una ay masayang sabi ni Manong Lito pero sa huli ay nalungkot din ito lalo na at sa ilang araw namin siyang nakasama. Naging mabait siya sa amin ni Ezekiel."Huwag kayong mag-alala Manong Lito, babalik kami ng asawa ko may aayusin lang kaming mahalagang bagay sa Manila." Paniniguro ni Ezekiel kay Manong Lito, ngumiti naman ito pagkatapos."Masaya kami ni Sandro na nakilala namin kayong dalawa Sir Ezekiel, Ma'am Cathlyn." Si Helen naman ang nagsalita na mangiyak ngiyak ang boses habang nagsasalita.Napangiti naman ako sa sinabi ni Helen at nilapitan siya."Ako rin Helen, masaya na makilala ko kayong lahat dito. At asahan mo na babalik ulit kami dito ni Ezekiel sa lugar nyo." Tumingin ako sa gawi ni Sandro na na