Share

Chapter 28

Author: Cora Vargas
last update Last Updated: 2021-04-16 22:28:09

TILA nag isip naman si Hannah, feeling naman niya siya ang sadya ng panauhin.

"Ganun po ba, e sino po ba ang panauhin?"

Kumibit-balikat ang kaharap.

"Hindi ko natanong Ineng, pero maganda siya medyo may pagka masungit nga lang."

Maganda? ulit niya sa sarili, ibig lang sabihin babae ang panauhin. Wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon, pero hula niya na baka si Duwayne ang hanap nito.

Baka si Maricar? panghuhula niya ulit. Pero malabo naman mangyari iyon, ano naman ang gagawin nito sa probinsiya? At isa pa in relationship na ito sa dating nobyo niya at abala ito sa shooting ng upcoming movie na "Summer Love".

"No, no, no, no, no." Umiiling na bulong ni Hannah.

"Magandang hapon Iho," narinig niyang bati ni Aling Lilia kay Duwayne ng makalapit ito sa kanila.

"Anong meron?" tanong pa ng binata.

"Nabanggit ko lang kay Hannah na may dumating na panauhin. Babae at mukhang galing ng Maynila." Sagot naman ni ALing Lilia. "Maiwan ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Exchanged Heart   Chapter 29

    "Promise wala ka magiging problema sa pananatili ko dito. Gusto lang kita makasama, maiintindihan naman siguro ni Hannah iyon." Sabi pa ni Maricar."Okay, three days is enough." Sagot naman ni Duwayne.Lihim naman na nag diwang ang puso ni Maricar sa pagpayag ng binata sa pananatili niya sa bahay ng lola nito. Hindi niya sasayangin ang mga araw na makakasama niya si Duwayne.HINDI mapakali sa loob ng inuokopa niyang kuwarto si Hannah. Kanina pa ito nag palakad-lakad sa loob ng kuwarto, maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan ng dalaga."Haist!" nanlulumong pahigang ibinagsak ni Hannah ang pagal na katawan sa ibabaw ng kama.Ano nga kaya ang totoong dahilan ni Maricar, bakit ito naandito sa probinsiya?Ano nga kaya ang nangyari pagkatapos niyang ma-post ang live video niya na nakikipag-usap sa dating nobyo at kay Maricar?Sa pagkakatanda niya may relasyon na ang dalawa ng umalis siya sa condo unit ni Froilan. Tapus ngayon s

    Last Updated : 2021-04-17
  • Exchanged Heart   Chapter 30

    HINDI sumagot si Duwayne, pero binawi nito ang kamay na hawak ng dalaga. Walang namutawing salita sa binata ng talikuran nito ang luhaan ng si Maricar. Lumabas ito ng kuwartong iyon at pabalibag na isinara ang pinto.Napapitlag naman sa gulat si Maricar dahil sa lakas ng pagkakasara ng pinto. Gamit ang hintuturo na daliri, pinunasan nito ang luhaang mga mata. Inis na ibinalibag ni Maricar ang dalang luggage bag sa ibabaw ng kama.Masyado siyang naging kompiyansa sa sarili na hindi siya makakallimutan ni Duwayne. Naging sunod-sunuran sa kanya ang binata noong may relasyon pa sila, nagmumukha na nga itong aso kabubuntot sa kanya sa tuwing may shooting siya o kaya pictorial.Malaki ang naging pagkukulang niya sa dating nobyo dahil walang mas mahalaga sa kanya kundi ang career niya sa showbiz lalo na noong kasagsagan pa ng kasikatan niya. Mas pinili din niyang isekreto ang relasyon nilang dalawa dahil ayaw niyang maapektuhan ang career niya.Aminado siyang

    Last Updated : 2021-04-18
  • Exchanged Heart   Chapter 31

    HINDI na nagulat si Hannah nang makita niya si Maricar na nakadulog na sa hapag kainan. Inaasahan na niya iyon kahit hindi man iyon nabanggit ni Duwayne sa kanya. Sabagay, sino ba siya para ipaalam pa sa kanya ng binata na mananatili din sa hacienda ang dating nobya nito. Isa pa nakikitira lang din naman siya sa hacienda."Hi!" Bati sa kanya ni Maricar. Ngumiti pa ito sa kanya na sa tingin niya ay nang-uuyam. Nakaupo na ito sa isang silya na malimit upuan ni Duwayne."Hi!" ganti niyang bati at ngumiting pilit. Binati din niya ang Senyora na inaasikaso naman ni Aling Lilia. "Magandang gabi po La,""Maupo kana iha." Anang Senyora. Tumango-tango naman siya.Humugot ng isang silya si Hannah, naupo siya sa katapat ni Maricar. Iniiwasan niyang mag tama ang paningin nilang dalawa. Napapitlag pa siya sa gulat ng bigla niyang marinig ang boses ni Duwayne sa kanyang likuran. Hinugot nito ang katabi niyang silya at naupo ito.Kinuha ni Duwayne ang kany

    Last Updated : 2021-04-19
  • Exchanged Heart   Chapter 32

    UMAYOS ng upo si Hannah. Niluwagan niya ang pagkakayakap sa bewang ng binata, nagulat siya ng hawakan nito ng isang kamay ang kanyang mga braso na tila ba nag poprotesta dahil sa ginawa niyang iyon. Lihim siyang napangiti dahil sa ginawa nito, kaya muli niya itong niyakap sa bewang ng mahigpit. Parang lover's lang kung sila ay pagmamasdan."I'm sorry Duwayne," hinging paumanhin niya dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng dati nitong nobya."Forget it," sagot nito na inilingon ang ulo sa likuran kaya nagkatitigan sila ng mga mata. "Parte na lang siya ng aking nakaraan, kaya wala ka dapat ipagselos.""Uy, ha! hindi ako nagseselos," agad na sansala ni Hannah sa sinabi ng binata."Hindi daw," nanunudyong sabi ni Duwayne. Ibinalik nito ang paningin sa daan. "Akala mo siguro hindi ko nakita ang ginawa mo kanina."Napaingos siya ng hindi sinasadya. "Anong ginawa ang pinagsasabi mo diyan?""Parang gusto mo pagselosin si Maricar," prangkang sagot ni

    Last Updated : 2021-04-19
  • Exchanged Heart   Chapter 33

    "Pakiramdam ko bantay salakay ang babaeng iyan. Madalas ko kasing mahuli ang masamang tingin niya kay Hannah.""Naku, ako din. Kanina nga doon sa loob ng bus, nakita ko ang ginawa ng babaeng iyon kay Hannah. Tinulak niya si Hannah, para siya ang makatabi sa upuan ni Duwayne."Natigil lamang ang pag-uusap ng dalawang kasambahay ng matanaw nila ang babaeng pinag-uusapan na pabalik ng cottage. Nag kunwaring abala ang dalawa sa ginagawa ng makabalik sa cottage na iyon si Maricar."Where is my bag?" mataray na tanong ni Maricar sa dalawa."Ano po ba ang hitsura ng bag mo, ineng?" tanong dito ni Aling Lilia."Iyong shoulder bag na beige color, iyong mukhang mamahalin na bag.""Sandali lang ineng ha, hahapin ko lang." Si Aling Lilia ulit. Iyong ibang bag magkapatung-patong pa kaya inisa-isa iyon ni Aling Lilia."Hurry up!" naiiritang utos ni Maricar kay Aling Lilia. "I need my mobile phone, siguro naman may signal na dito.""Ito ba?" tanong n

    Last Updated : 2021-04-20
  • Exchanged Heart   Chapter 34

    MABILIS na pinigilan ni Duwayne sa magkabilang balikat ang dating nobya, nang akma siya nitong yayakapin."Ah, ah!" pilyang nakangiti pa si Maricar, kahit na nga bahagya itong naitulak ni Duwayne. Inilambitin pa nito ang mga bisig sa leeg ng binata. "Salita mo lang ang nag sasabing wala ka ng nararamdaman para saakin, pero hindi ang katawan mo Duwayne."Binaklas naman ni Duwayne ang mga bisig ng dalaga. "Can you please, stop."Napapansin ni Duwayne ang mga taong nag lalakad sa gilid ng beach na napapalingon sa kanilang dalawa ni Maricar."Stop, what?!" muling sinubukan ni Maricar na ilambitin ang mga bisig nito sa leeg ni Duwayne, pero naging maagap na ang binata."This!" pigil ang sariling tumaas ang tono ng boses na sagot ni Duwayne. Binitiwan niya ang mga kamay ng dating nobya."This?" ulit ni Maricar sa sinabi niya. "Mali ba na iparamdam saiyo na mahal pa din kita?"Napabuga ng hangin si Duwayne.

    Last Updated : 2021-04-20
  • Exchanged Heart   Chapter 35

    "EXCUSE ME!" Si Maricar naman ang inis na tumayo. "Huwag mo akong pinagbibintingan.""Totoo ba ang ibinibintang sa'yo ni Hannah?" Tanong ni Duwayne sa dating nobya."Don't tell me naniniwala ka sa sinasabi ng hilaw mo'ng girlfriend?" Balik tanong ni Maricar kay Duwayne. Ang sama ng tingin nito kay Hannah. Muli itong lumagok ng alak na hawak nito.Hindi agad naman nakasagot si Duwayne. Pakiramdam niya ay naiipit siya sa pagitan ng dalawang malalaking bato."Ang sabi ni lola, nag paalam ka daw na maliligo sa dagat." Sabi ni Duwayne kay Hannah. Sinenyasan ng binata si Aling Lilia na lumabas na muna ng cottage na agad naman na tumalima.Kinuwento ni Hannah sa binata ang nangyari sa kanya. Wala siyang nakita na anuman na reaksiyon sa mukha nito habang pinapakinggan siya. Nakaramdam siya ng panlulumo, mukhang hindi naman siya pinaniniwalaan ni Duwayne.Naalala niya ang nakuha niyang bracelet. Dinukot niya iyon sa buls

    Last Updated : 2021-04-21
  • Exchanged Heart   Chapter 36

    "KAPAG ako ang palagi mo kasama, hindi mo kailangan matakot. Dahil sisiguraduhin ko na lagi ka'ng safe sa tabi ko." Ani Duwayne. Bahagya nitong binagalan ang pagpapatakbo ng Jetski.Lihim naman na nakaramdam ng tuwa si Hannah sa sinabing iyon ng binata. Hindi man opisyal na may relasyon silang dalawa ni Duwayne, tila naman nag kakaunawaan ang kanilang mga puso.TIIM bagang pinapanood ni Maricar sina Duwayne at Hannah na sakay ng Jetski. Makikita sa mga mata nito ang samot-saring nadarama sa mga oras na iyon.Matinding panibugho, galit para sa babaeng umagaw sa puso ng lalaking minsan ay siya lang ang nag mamay-ari. Panghihinayang para sa lalaking ni minsan ay hindi niya nabigyan halaga, lalaking sobrang minahal siya. Pinagsisisihan na niya ang lahat ng mga panlolokong nagawa niya sa binata, kaya nga heto siya para upang bawiin ang lalaking pinakawalan niya.PAGKATAPOS nilang mag Jetski ni Duwayne ay napag pasiyahan naman nilang mag lakad-lakad sa tabi ng daga

    Last Updated : 2021-04-21

Latest chapter

  • Exchanged Heart   EPILOGO

    NAGING engrande ang kasal ng maganda Enchanted Girl at ng milyonaryong si Duwayne Fuentez na naging kapareha nito sa commercial ng Destiny Perfume. Maraming dumalo sa kasalang iyon, mga kilalang artista, ramp model, commercial model at mga empleyado ng Echanted Beauty Essensial, Inc.Naroon din sa selebrasyon ang buong angkan ng pamilya Fuentez. At maging pamilya ni Hannah Lindsey at mga kaibigan niya.Invited din si Maricar Asuncio na kanina pa umiiyak sa tabi ng kanyang talent manager. Sobrang nagsisisi ang actress dahil sa nagawa niyang panloloko kay Duwayne Fuentez na hinamak niya noon dahil sa kakarampot lang na kinikita nito, iyon pala isa itong milyonaryo. Pera na naging bato pa!SA halip na mag round the world ang mga bagong kasal, pinili ng mga bagong kasal na mag bakasyon sa probinsiya ng Samar. Kung saan nagsimulang mabuo ang pag-iibigan nilang mag-asawa.Nakalubog ang kalahati nilang katawan sa malamig na tubig ng Serpent Water, pinakikinggan nila

  • Exchanged Heart   Chapter 44

    BUMENTA ng napakalakas ang Destiny perfume sa market. Nagkaroon ng malaking victory party sa magarang mansyon ng mga Fuentez. Masaya ang lahat sa tagumpay ng bagong produkto.Naluluha naman si Senyora Candeda habang pinagmamasdan ang Mansyon na pinamana niya sa kanyang namayapang nag-iisang anak, ang ina ni Duwayne."Umiiyak kana naman, Senyora," puna ni Aling Tere habang akay ito sa isang braso."Naalala ko lang ang anak ko, Tere.""Huwag kana malungkot, Senyora, kung nasaan man ngayon ang ina ni Duwayne, sigurado akong masayang-masaya siya sa natamong tagumpay ng anak niya." Pagpapalubag loob ni Aling Tere. "Senyora, ang ganda ng Mansyon na pag-aari ng iyong apo, parang palasyo. Tapos ang dami pang bisita, parang mas madami pa sa mga naninirahan sa probinsya."Napangiti naman si Senyora Candeda sa pagiging inosente ni Aling Tere. Ngayon lang kasi ito nakarating sa Maynila.Masayang-masaya si Duwayne at siya mismo ang nag aasikaso sa kanilang bag

  • Exchanged Heart   Chapter 43

    DAHIL kukulangin na sila sa oras at para hindi maaksaya ang budget, pumayag na din si Duwayne. Pinalitan niya ang male commercial model. Nag palit siya ng kasuotan at nilagyan siya ng make-up.Ayaw man aminin ni Duwayne pero kinakabahan siya, hindi dahil sa gagawing pilot commercial kundi dahil sa muli nilang paghaharap ni Hannah ang babaeng iniibig niya.Ilang sandali, ready na ang shooting."Miss Lindsey, lumabas na po kayo sa tent, pinapatawag kana ng direktor at magsisimula na ang shooting." Narinig ni Hannah mula sa isang crew na nasa labas ng tent.Napabuga ng hangin si Hannah. Kailangan niyang mag pokus sa shooting na gagawin niya. Lumabas siya ng tent, nakita niyang handa na ang mga crew."Walang babaguhin sa eksena. This time, gawin mo ang best mo Hannah," sabi sa kanyan ni Steffie ng lapitan niya ito.Tumango siya.Nagsimulang maglakad si Hannah patungong ilog, ramdam niya ang malamig na tubig ng lumubog ang kalahati ng katawan niy

  • Exchanged Heart   Chapter 42

    THE shooting deadline arrived. The crews were also amazed at the beautiful view of that farm where the river and the waterfalls are located.Napangiti si Hannah. Muling sumariwa sa kanyang alaala ang araw na nakasama niya si Duwayne na namimingwit sa ilog. Ang waterfalls na peping saksi sa nakakatuksong tagpo sa pagitan nilang dalawa ng binata.Napasulyap siya sa male commercial model na makakapareha niya. Guwapo ito at attractive. Nahuli pa nga niya ito na pasimple siyang pinagmamasdan.Nakasuot ng simpleng baby pink na bestida si Hannah na hanggang sakong niya ang haba. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na kinulot ng make-up artist na kasama nila.Maliwanag ang instruction. Maglalakad si Hannah patungo sa ilog na nasa tapat ng waterfalls. Hanggang bewang lang ang lalim ng tubig. Mula sa ilalim ng waterfalls ay sasahudin ng mga kamay ni Hannah ang tubig na bumabagsak mula sa tuktok nito.Mula sa isang malaking puno ay lalabas naman ang male com

  • Exchanged Heart   Chapter 41

    "I'll do my best, Miss Carion," tugon ni Hannah."Tama. Kailangang gawin mo alang-alang sa career mo. Dahil sa ngayon, alam kong kailangan mo ng bagong trabaho."She nodded. "When will the shooting start?""Next week,""Hindi ko nabasa sa kontrata ang lugar kung saan gaganapin ang shooting,""Oh, i'm sorry about that. Ang shooting ay gaganapin sa probinsiya ng Samar. Mayroon isang magandang tanawin doon na nababagay sa commercial shoot. Ang water falls at sa serpent water,"Napahumindig siya."Sa samar?""Yes, is there a problem?"Naalala niya si Duwayne. Wala siyang balita sa binata mula nang bumalik siya sa Manila. Sa tinatawag niyang paraiso gaganapin ang commercial shooting, nakaramdam siya ng tuwa sa isipin na may posibilidad na magkita silang muli ni Duwayne. Ngunit naroon din ang agam-agam sa nalilito niyang puso. Alam niya na umiibig na siya kay Duwayne, ngunit saan siya dadalhin ng pag-ibig niya sa binata kung alam naman

  • Exchanged Heart   Chapter 40

    NAPAHINGA ng malalim si Hannah. Kinakabahan siya nang pumasok sa lobby ng Fantasy Tower kung saan naroon ang tanggapan ng Enchanted Beauty Essentials.Pinagmasdan niya ang silver gold na nasa may pintuan ng gusali.Humanga si Hannah ng makita ang magarang lobby ng gusali. Halatang mayaman ang may-ari ng kumpanya, may fountain sa gitna at elagante ang apperance nito, ang disenyo ng binabagsakan ng tubig ay kawangis ng Serpent Water na pinakita sa kanya ni Duwayne sa kuweba, sa probinsiya ng Samar.Malungkot na napangiti si Hannah ng maalala ang binata. Nasasabik na siyang muli itong makita at makausap.Tumingin siya sa suot niyang relong pambisig, maaga siya ng limang minuto sa takdang appointment time kaya may panahon pa siyang mag freshen up. Mabilis niyang tinungo ang lady's room at pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, nag pahid lang siya ng lipstick sa labi at lumabas na.Hindi naman siya nahirapan na makita ang elavator sa palapag kung saan naroo

  • Exchanged Heart   Chapter 39

    "Makakaalis kana Froi, at kahit kailan huwag ka ng magbabalik dahil paulit-ulit ko na isasagot saiyo na hindi na ako babalik sa pag-aartista." Pagtatapos ni Hannah sa usapan.INILISTA ni Hannah ang mga top promotion agencies sa Manila. Tinawagan niya ang mga ito at oo, gusto nila siyang mapabilang sa kanilang top commercial models sa kondisyong ayusin daw muna niya ang eskandalong kinasasangkutan niya kasama ang dating nobyo.Maaaring naugnay ang success niya sa dating nobyo niya, sa naging love team nila. Ngunit magkaiba naman ang pag momodelo sa paggiging artista. Ayaw na ni Hannah ipagpatuloy ang imahe na nilikha ng showbiz na kasama si Froilan.Medyo aburido na si Hannah nang tila wala siyang makitang promotion agency na kukuha sa kanya na hindi na kailangang ungkatin ang eskandalo nila ng dating nobyo.Madalas din niyang naiisip si Duwayne, ano nga kaya kung hindi siya umalis sa probinsiya ng Samar? Kung posibleng bumalik kaya siya doon,

  • Exchanged Heart   Chapter 38

    "Apo, ano ba ang ibig sabihin ng kaibigan mo?" Tukoy ng Senyora kay Maricar.Naupo si Duwayne sa tapat ng kanyang abuela. Hinawakan niya ang ugatin na nitong mga kamay."La," umpisa ni Duwayne. "Biglaan ang uwi ni Hannah kaya hindi na siya nakapagpaalam saiyo.""Apo, magsabi ka nga saakin ng totoo, ano mo nga ba si Hannah?"Hindi nakasagot si Duwayne."Noong araw na dumating dito sa Hacienda ang kaibigan mo na si Maricar, nakita ko kayo sa kuwarto na hinalikan ka niya. Walang magkaibigan ang gumagawa ng kalaswahan."Napahiya si Duwayne sa sinabi ng kanyang abuela. "La, Hannah is not my girlfriend. Si Hannah ang nobya nang lalaking kinamumuhian ko, ang lalaking umagaw sa nobya ko na si Maricar.""Si Maricar ang totoong nobya mo?" Kunot-noong tanong ng Senyora. "Pero bakit si Hannah ang isinama mo dito sa probinsiya at ang ipinakilala mo saakin na iyong nobya?""Mahabang kuwento La," sagot ni Duwayne."Ka

  • Exchanged Heart   Chapter 37

    NAPAHIGPIT ang yakap ni Hannah sa bewang ni Duwayne. Hindi niya maipaliwanag, pero hindi mawala ang gumuhit na kaba sa kanyang dibdib.Anong ginagawa niya dito?Sino nga kaya saamin dalawa ni Maricar ang sadya niya? Tanong ni Hannah sa kanyang isipan.MABILIS na bumaba ng kalesa si Maricar. Malalaki ang hakbang na nilapitan nito ang sport car no Froilan. Kinalampag nito ang car window."Lumabas ka diyan Froilan," humalukipkip si Maricar.Natigil naman sa pagsindi ng kanyang sigarilyo ang male actor ng makilala nito ang babae na nakita niya sa side mirror ng sasakyan.Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?Lumabas ng kanyang sasakyan si Froilan."Anong ginagawa mo dito?" Panabay na tanong ng dalawa."Sinusundan mo ba ako, ha?" Mahina, pero mariin na tanong ni Maricar sa kaharap."Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Hindi ko nga alam na narito ka pala sa probinsiya ng samar." Sagot ni Froilan.Hindi naman nakakibo si

DMCA.com Protection Status