When I go back to my current time I find that the virus is still spreading causing more and more infected people, and non-humans like them.Nasa lobby kami ng hospital ngayon para makapag-pahinga lang sandali tumulong ako sa kapwa kong doctor na busy sa ibang pasyente. Ang hospital na ito konektado sa kastilyo kung saan madalas namin nakakausap ang Elders at iba pang namumuno kalahi ng anak ko, nina Harold, David at iba pang nilalang may daanan sa ilalim kaya nang dalawin ko si Sheena sa dungeon mula sa hospital lumabas ako sa kastilyo.Nag-text ako sa anak ko nandito ako sa hospital para tulungan ang mga doctor. May misyon na inutos si Erika kasama nito si Drake at David mamaya maghahanap kami ng futuristic human tube makikipagkita kami sa isa sa kakilala nina Eireen at Heiley na scientist na gumagawa ng futuristic human tube. Nalaman ni Harold at ng anak ko kaya hahanapin namin nakatira ito sa siyudad ng Australia dahil natawagan ito ni Eireen noong nakaraang linggo.Si Harold ang s
Si Harold na ang kumatok sa pintuan nagtanong ako sa kanya kung anong klaseng nilalang ang kakausapin naming dalawa."Bakit kabado ka ba?" pagbibiro naman niya sa akin nailing na lang ako sa kanya."Hindi, baka mabigla ako sa makikita ko sanay na ako sa inyo at sa ibang nilalang pero sa kakausapin natin hindi," pag-amin ko na lang sa kanya at seryoso akong humarap sa kanya.Inakbayan na lang niya ako sa balikat na dahilan para itulak ko siya palayo ng bumukas ang pintuan bumungad sa akin ang may kahawig ni Amire at Heiley."Harold," tawag ng taong kaharap namin natigilan naman ako dahil para ako nakakita ng multo sa harapan ko."Krista," tawag pansin ni Harold kaya bumalik ako sa realidad ng banggitin ang pangalan ng kaharap namin."Kamusta?" tanong nito sa kasama ko na hindi tumitingin sa akin."Mabuti na hindi, Krista kailangan namin ng tulong mo." panimula ni Harold at nagbago ang mukha bago tumingin sa akin."Sino siya?" pagtatanong nito kay Harold at muling bumaling sa akin."Asaw
"Libre na 'yan, Harold ngayon lang 'to kapag naulit may bayad na sabihan nyo ako kapag may hindi magandang nangyari doon tutulong ako kahit hindi na ako bahagi ng association," banggit sa amin ni Krista walang nagsalita sa aming dalawa ni Harold may malasakit pa rin siya sa kanila."Concern ka pa rin sa amin kahit malayo ka," sagot ni Harold sa kanya nang balingan ko sila ng tingin."Hindi ako concern kundi, naranasan ko na ang sitwasyon na ito noon ayoko nang maulit ang nakaraan." bulalas ni Krista sa amin nagtanong ako kung paano namin dadalhin ang futuristic human tube nasa harapan namin."Ipapa-deliver ko sa Baguio gamit ang helicopter ng association tawagan nyo na ang piloto nyo bago dumilim makarating na ito sa association nyo kaagad hindi natin pwede ipa-deliver thru van," sabi ni Krista sa amin tumango na lang ako sa kanila.Kapag binyahe ang futuristic human tube gamit ang truck hindi posibleng sitahin ng mga pulis at enforcer ang driver at konduktor nito sa higway, dahil hind
Nagising ako nang makarinig ako ng kaluskos ang huling natatandaan ko buhat ako ni Papa at ginamot ang mga natamo kong sugat. Bumangon ako at hinawakan ang mga gasa nakadikit sa buong katawan ko si Papa ang nagpalit sa akin huminga na lang ako ng malalim.Pumilit akong bumangon at natumba ako sa sahig napangiwi ako sa kirot na dumaloy sa katawan ko natingin ako sa pintuan na bumukas bumungad sa paningin ko si David. Lumapit kaagad siya sa akin at inalalayan akong tumayo humawak ako sa braso niya para hindi ako matumba ulit."Igaganti ko ang sarili k—" putol na pagsasalita ko ng magsalita siya."Gaganti ka sa lagay na 'yan? Huminahon ka nga, Amire pwede kang gumanti kapag magaling na ang mga sugat mo, sa ngayon magpahinga ka muna." tugon niya at sinabi kong dalhin ako sa banyo nagulat naman ako sa ginawa niyang pag-buhat sa akin.Hindi na ako nag-reklamo dahil mahihirapan akong gumalaw nailang lang ako unang beses na may nag-buhat sa akin na ibang tao maliban sa grandparents ko. Sinabi
Nakikiramdam ako sa mga nag-babantay na agents sa dungeon kailangan kong makatakas at para mabawi ko si Leo sa babaeng 'yon. Naghanap ako ng pader na malambot na pwedeng masira kaagad. Hindi madaling malason ang isip ng mga agents na nandito sa dungeon hindi sila katulad ni Leo na isang tao."May nakita ka bang pader," bulong ko sa kasabwat ko na kaibigan ni David naka-sandal ito sa kabilang pader na katabi ng kulungan ko."Mamayang gabi ako maghahanap dahil mapapansin nila ang galaw natin," bulong nito sa akin lumingon ako sa mga agent na masama kung makatingin sa amin.May lumapit sa amin na agent na makatingin para kaming papatayin."Grabe kayong dalawa nakapanghihinayang ang powers nyo gagamitin nyo lang sa kasamaan at nasa mataas na posisyon pa kayo nangmula," sabi ng agent sa amin walang sumagot sa aming dalawa kaya tumalikod na ito.Kinausap ito ng kasamahang agent huminga na lang ako bago sumandal sa pader.Miss ko na si Leo para akong mababaliw nang hindi ko man lang siya maki
Nang makalayo kaming dalawa sa mga humahabol sa amin nag-sisigaw ako bigla."Yesss!!! Makikita ko na ulit si Leo my darling!" sigaw ko na lang nang hindi tumatayo sa carpet baka mahulog pa ako."Ang ingay mo! Imposibleng makita mo si doc Leo dahil alam na niya kung sino ka, Sheena inalis mo ang alaala niya para saan? Para mapa-sa'yo siya kahit hindi ka niya mahal at may sarili na siyang pamilya na dahil sa obsession mo sa kanya hindi mo naisip na may masisira kang pamilya." sigaw niya at inismiran na lang niya ako inirapan ko na lang siya ng matalim."Masama bang magmahal?" sigaw kong pabalik sa kanya humalukipkip na lang ako ng kamay."Hindi masamang magmahal pero pumili ka naman ng hindi pamilyado na nakasira ka ng pamilya at ayon oh...may anak na at saka nandito ang asawa." pahayag nito sa akin ng katabi karibal ko pa ang dumating.Inagaw ko na sa babaeng 'yon naagaw ulit niya sa akin aagawin ko na lang ulit doon at hindi na magiging kanya pa. Humiga na lang ako sa pwesto ko at ngu
Magkasama kami na nagpunta sa supermarket para bumili na stocks nang pagkain sa bahay namin bumalik na si David sa hospital ng ipatawag siya ni Erika. Sina Drake at Eireen naman may misyon na ginagawa na inutos sa kanila ni Maria Irene. Kumuha si Papa ng cart at basket bago siya lumapit sa akin tahimik ang buong mall para na itong haunted dahil wala na ang dating nakabukas na boutique at mga tao na namamasyal sa loob ng mall.Kakaunti na lang ang mga taong nakikita namin sa loob ng mall. Inakbayan ako ni Papa sa balikat habang tulak ko ang cart."Pa, pumayag si Erika na magpanggap ako ng dalawang katauhan." sabi ko hindi naman ako tumitingin sa kanya."Hindi ka ba mapapahamak?" tanong ni Papa sa akin."Mas priority ko ang katauhan ni Mama, Pa dahil sa kanya na-focus ang atensyon ng kalaban." bulong ko na lang may naramdaman akong presensiya ng kalaban sa paligid namin.Huminto kami sa may tapat ng mga pamlasa sa pagkain nang sabay kami lumingon sa nilalang nakatayo sa likuran namin."
Nang makita kong pinasok na sa loob ng hospital si Leo umalis kaagad ako para bumalik sa bahay na tinitirhan ko ngayon. Nag-kalat ang mga kalahi sa dinadaanan ko binabati ako kaya tumatango na lang ako ng sagot sa kanila.Kahit may anak ako hindi ko siya sa kasama sa bahay mula nang umanib siya sa association kasama ng iba ko pang kalahi wala na akong communication madalang kami mag-tagpo kapag may okasyon lang o pulong sa buong angkan. Ang Mama nito kasama ko pero may iba nang pamilya—mate ko siya pero hinayaan kong magkaroon ng ibang pamilya dahil hindi niya ako mate hinayaan niya akong buntisin ko siya dahil hindi pa niya natatagpuan noon ang talagang naka-tadhana sa kanya."Uuwi ang anak mo ngayon," bulalas ng dati kong mate nang lumapit sa akin lumingon naman ako nakita ko pa na kasama niya ang mga anak niya.Takot sa akin ang mga anak niya kahit wala akong ginagawa na kahit ano sa kanila. Hindi nila madalas makasama ang kanilang kapatid dahil hindi na nakatira dito ang anak ko.