Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2020-07-31 21:36:17

Less than ten minutes ago…

(Lola Salome)

     May tinatabas  siya na polo nang marinig niyang parang may tumatawag. Tumayo siya para tignan ito. Isang  matangkad na lalake ang nasa labas.  Sa likod nito, may nakaparadang magarang pulang kotse. Ngumiti ito ng makita siya. Hindi  niya maikakaila  na hindi ito mukhang pangkaraniwang tao. Sa tindig at dating nito, ubod ito ng yaman. May baritono itong boses na bumagay sa napaka guwapong mukha.

"Magandang hapon  po." bati nito.

"Magandang  hapon din. May hinahanap ka ba?" tanong niya.

Malakas ang pakiramdam niya 

na si Isabelle ang pakay ng binata. Bago  ito sumagot, may kinuha ito sa likod ng sasakyan. Isang malaking basket ng prutas at mga bulaklak. Lalong lumakas ang hinala niya

na aakyat ito ng ligaw sa apo niya.
Parang gusto niyang mailing dahil bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala para kay Isabelle.  May sinasabi silang woman's intuition.  Malaki ang magbabago sa buhay ng apo niya dahil sa lalaking ito. Yun ang alam niya at ramdam niya.

"Halika pumasok tayo." anyaya niya dito kahit mabigat sa loob niya. Agad naman itong sumunod sa kanya.

  Nakaupo na sila sa  maliit na sala na sila.

"Saan mo kamo nakilala ang apo ko?" tanong niya lola Salome.

Kahit sa loob-loob niya, gusto niyang iiwas ang apo niya sa saksakan ng guwapo at yaman na binatang ito pero hindi naman niya ugali ang mambastos. Tao itong nagpunta, kaya tao din niyang tatanggapin.

"Sa beach resort po sa San Fabian." magalang na sagot nito.

Tumango na lang

siya.  "Padating na ang apo ko. Kapag ganitong araw bago mag -alas singko andito na si Isabelle  kaya lang may pinabili ako kaya wala pa siya."

"Hihintayin ko na lang po kung okay lang po sa inyo." Luke said.

Bumunting-hininga siya. "Kahit may hinala na ako kung ano ang kailangan mo sa apo ko, tatanungin pa din kita. Bakit ang apo ko?" tanong niya kay Luke.

Walang kurap na sumagot naman ito.

"Dahil iba po siya lola." he said honestly.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo. Magkaiba talaga kayo. Napakalayo ng agwat ng estado niyo sa buhay. Sa tingin ko  naman,

madami ang mga babae na nagkakagusto sayo. Mga kagaya mo na mayaman. Hindi ba maari na huwag na lang si Isabelle? Ayaw kong masaktan ang apo ko." Pakiusap niya sa binata.

Tila nag-isip muna ito bago sumagot.

"Hindi ko po siya sasaktan."

Sabi nito.

May sasabihin pa sana siya dito nang tila may sasakyan ulit sa labas na tumigil sa harapan ng bahay nila.

              (Isabelle)

               "Tara na Issa." aya ni Brett pero tila ayaw  kumilos ng mga paa niya.

Parang ayaw niyang magkita ang dalawang lalake.  Pero nakakahiya naman kung hindi niya papapasukin si Brett.

"S-Sige.." sagot na lang niya.

Inalalayan

ulit nito ang siko niya. Ito din ang nagbibitbit ng mga binili niya na gagamiting tela ni lola Salome.  Nahigit niya ang hininga ng makita si Luke. Nakaupo ito katapat ng lola Salome niya. Ang guwapo-guwapo talaga nito kahit mukhang galit ang hitsura. Nag-ahit ito. She swallowed hard when she thought that maybe he shaved para ma-good shot sa lola niya. She can't deny the fact na bagay dito ang clean-shaven pero parang mas gusto niya itong may stubble. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa naisip. Galit siya dito so she shouldn't be thinking about things like that.

Tumayo ito ng makita sila.
His eyes went automatically to her elbow na hawak ni Brett.

"Brett, salamat hinatid mo si Isabelle." sabi ni lola Salome.

Nakakunot ang noo na lumapit ang  ito  sa matanda para magmano.

"Wala po yun lola. Kahit araw-araw okay lang po. Sabihin lang po  ni Issa kung gusto niya." nakangiting sabi nito at tumango lang ang lola niya. 

Siya naman, nasa bukana pa din  ng pintuan. She can’t seem to move. Napansin siguro ng lola niya na mukhang hindi siya mapalagay habang nakatingin lang sa kanya si Luke.

"Halos kakadating din ni Luke, apo."

Dinig niyang sabi ng lola niya sa kanya. She just nodded. Her eyes went from Luke to her grandmother.

"Issa, hindi mo ba ako ipapakilala?" tanong ni Brett.

Napalunok siya. She looked at Brett then slowly at Luke. Tila nagsusukatan ang dalawang lalake. Hindi maikakaila na mas malakas talaga ang dating ni Luke kahit guwapo din si Brett. Matangkad ito ng ilang pulgada sa manliligaw niya.

"Maiwan ko muna kayo. May kukunin ako kina Trining sandali." sabi ni lola Salome.

Ayaw sana nitong

iwanan ang apo kay Luke pero mas maganda na kapag wala na ito  kakausapin nit0 nan masinsinan ni Isabelle.

             

   The situation became more awkward pag-alis ng matanda.

"Brett, si  Mr.Luke Contrero. Nakilala namin ni Joyce sa resort." 

Napansin niya

na lalong sumeryoso ang mukha ni Luke. A muscle jerked in his left jaw.

"Mr.Contrero, si Brett Ledesma. Kapatid siya

ni Joyce." sabi na lang niya bago inialis ang mata sa mukha ng una.

She doesn't like to see him having a certain expression na hindi niya alam kung paano idedescribe. Tumahimik nang mahabang sandali hanggang sa magpaalam na  lang si Brett.  Tumango na lang siya nang sabihin nito na huwag na niya itong ihatid sa labas.

Ngayon sila na lang dalawa ni Luke at hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Masyadong maliit ang sala nila para sa presensiya nito. 

          

      "Can we sit down now my Isabelle?" he suddenly asked.

Tila naman napahiya siya.Nag-space out  yata siya talaga. She should really take hold of her emotions. Kahit kasi galit siya dito hindi naman niya maikakaila  ang kaguwapuhan nito na tila humihigop sa kanya.

"S-Sige." sabi niya sa mahinang boses  bago umupo sa pang-isahang upuan na gawa sa kahoy.

Luke

also sat down on the longer wooden sofa pagkaupo niya. She can't help but frown nang mapansin ang mga mamahaling prutas at magagandang bulaklak na nasa maliit na mesa. Tumingin din si Luke sa tinitignan niya.

"Nagustuhan mo ba?" he asked.

"Hindi ka na dapat nag-abala." sabi niya. She saw him clenched his jaw.

"I could give you much more, my Isabelle." he said tonelessly.

Mataman na nakatitig ito sa kanya which makes

her really uncomfortable.

"Alam ko na napakayaman  mo pero hindi ko kailangan ang kahit anong galing sayo." she said as a defiance.

Sumandal ito sa  wooden  sofa and put his arms on its back. Nabura ang bahagyang kunot nito sa noo. He looks cool and relaxed na kabaligtaran niya ng  nararamdaman niya.

"I want to give everything to you and no one can stop me." seryosong sabi nito.

She looked at him with sharp eyes. "At ano ang kapalit?!" tanong niya kahit alam naman niya ang isasagot nito. Maybe she wants to confirm what she thinks.

He smiled knowingly. She wants to throw something at his handsome face. He  then leaned forward . He rested his elbows above his knees then  he clasped his hands together.

"YOU." maiksing sagot nito as he eats her with his eyes. 

Napatuwid siya ng upo. Kahit alam na niya ang isasagot nito, the way he said it gave her goosebumps.

"Binabastos mo ba talaga ako?!" may galit sa tono niya.

His forehead creased. "What made you ask that?" he asked.

"Kung magsalita ka para mo akong binibili !" galit na tumayo siya.

Lalong kumunot ang noo ni Luke. Tumayo na din ito.

"I didn't mean it that way." malumanay na sabi nito.

"Umalis ka na Mr.Contrero." she said.

He came near her. Umatras naman siya palayo dito.

(Luke)

He stopped moving towards her. Halata naman na galit pa ito sa kanya dahil hinalikan niya ito kahapon. Before coming here, he  decided to change his tactics. Hindi karaniwang babae si Isabelle. He needs to make extra effort to get her. Sabi nga nila, mas masarap pag pinahirapan mo. Ganun din naman

ang paniniwala niya pagdating sa business. Pero ibang usapan na pagdating sa babae. Ngayon lang niya gagawin ang ganito. Kay Isabelle lang. It's something new for him na mukhang masisiyahan  din naman niyang  gawin.  He considers this as an adventure.

              
"Bago ako umalis I want to apologize sa nangyari kahapon. I am sorry. It won't happen again. Don't ever think that I am trying to buy you. I just want to give you whatever you fancy. Gusto kitang mapasaya in any way I can." he said sincerely.

Yun naman talaga kasi ang nararamdaman niya. Kahit ano, ibibigay niya sa dalaga.

"Sasaya ako kung lulubayan mo  ako." Isabelle said.

Pumormal ulit ang hitsura niya.

"I will do anything to make you happy except that. And sooner or later, you will admit to yourself that the feeling is mutual, my Isabelle." paninigurado niya  bago nagpaalam.

               He should give her a little time to adjust to him. Masyado na  niyang nabigla ito. He doesn't want her to run away from him again. He can make the adjustments this time. Sulit naman lahat kapag naging kanya na ito.

                                                                                                               ***



(Isabelle)

Nag-usap sila at ng lola niya pag-alis ni Luke ng gabi na 'yon. Sinabihan siya ni lola Salome na mag-iingat. Kahit sino daw babae makukuha nang lalaking 'yon  nang madalian kaya sana daw hindi siya magpabola dito.

"Hindi ang tipo ng lalaking yun ang hinihindian ng babae. Ayaw lang kitang masaktan apo." sabi ng lola niya.

                Hindi pa din niya makalimutan  ang paalala ng lola niya kahit nasa unibersidad  na siya. Kung bakit naman kasi siya pa ang napagtripan ni Luke Contrero. Ang dami naman kasing iba diyan. If other women  find it very flattering getting his attention and interest, not her. Madami pa siyang gustong gawin sa buhay niya.

               "UY!! Seryoso? Lalaki ba ang iniisip mo?" biro ni Joyce.

Nasa canteen sila. Hapon na

yun. Umupo ito sa tapat niya.

"Hindi. May sinabi  lang si lola kagabi. Naalala

ko lang." sagot niya.

"Hala! Ano naman kaya yun? Malamang kung paano mo iingatan ang puri mo. O kaya kung paano ibuburo ang sarili mo." natatawang sabi pa ng kaibigan.

"Ikaw talaga !" nakitawa na din siya.

Natigil ang pagtawa nila ng makitang padaan  si Carlo. Naka-sunglasses ito at medyo nakayuko habang naglalakad.

"Wow ha? Tirik na tirik ba ang araw?" joked Joyce.

Nakakapagtaka naman kung bakit naka-shades ito kasi madilim ang langit  at umaambon. Nang nag-angat ng ulo  ito and saw them, bigla itong dali-daling naglakad sa kabilang direksiyon.  Nagtinginan silang magkaibigan.

"Anong nangtyari? Dati-rati kapag nakikita ka ng kolokoy na 'yon, kulang na lang tumakbo papunta sayo." komento ni Joyce.

She just shrugged her shoulders bago tumayo na.

"Tara na. Baka ma-late pa tayo." sabi na lang niya.

                   (After a few hours)

         

     Palabas na siya ng university. Hindi niya kasabay si Joyce. Nagulat siya

at napatigil sa paglalakad ng makita na naman ang sports car ni Luke na nasa tapat ng gate. Lahat ng lumalabas na estudyante napapatingin dito. Medyo napaawang ang bibig niya ng bumukas  ang pintuan ng kotse.     The tall frame of the most good-looking man with the most delicious body she had ever seen, came out. She can sense that even the people around her

stopped moving and are also staring at him. 
Makalaglag puso ang ngiti nito habang naglalakad towards her.

"Hello, my Isabelle." he drawled.

Nakagat niya ang ibabang labi ng mapansin niya na nagbulungan ang nasa likod niyang mga babae.

"A-Anong ginagawa mo dito?" she asked.

Mas  lumapad ang ngiti nito na tila lalong nagpaguwapo dito. "Sinusundo ang future girlfriend ko." he said casually.

Natakpan niya ang bibig ng kamay  with what he said. She looked around her.

Lahat ng mata nakatutok sa kanila!

Parang gusto niyang himatayin. Hindi  lang siya sigurado kung dahil sa hiya or sa kilig!

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mjrb Gajetes
wala bang ma bibilhan nito? gusto kung bumili please I love this atory
goodnovel comment avatar
Lisa Nicosia
Exciting chapter
goodnovel comment avatar
Brenda Oliquino
i like the story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status