Lovely
“Class dismissed.”
Ang salitang iyon ng aming guro ang dahilan upang mabilis na magsikilos ang mga kaklase ko. Niligpit nila ang kaniya-kaniyang gamit. Nag-polbo, naglagay ng liptint at nagpabango pa.
Samantalang ako ay nagliligpit din ng aking mga gamit ngunit hindi nagpapaganda. Real beauty doesn't need artificials.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nauna na akong lumabas ng room. Pupunta pa akong Gravi-tea.
Ngunit kung minamalas ka nga naman. Sina Rich at Gabby, nasa may labas ng pinto ng room namin, halatang inaabangan ako.
Ngumisi si Rich. “Nagmamadali ka yata, Miss SA? Saan lakad natin?” Tanong niya; napalunok ako kasabay ng paghawak nang mahigpit sa libro ko.
Natawa si Gabby. “Wari ko'y takot si Arci, dude.” Pang-aasar niya.
“A-Ano bang kailangan niyo, ha?” Matatag ang tinig kong tanong. Nakakainis. Kapag ako nahuli sa unang araw ko sa trabaho, lagot ako!
May lumabas na kaklase kong babae kaya natuon sa kaniya ang mata at atensyon nila Rich at Gabby.
“Hi, babe! I missed you.” Bati ni Richel, kaklase ko, kay Rich at lumapit. May ibinulong itong hindi ko naintindihan sa kaniya, bagay na ikinangiti ni Rich.
“Later, babe.” Aniya, tumingin muli ss akin. “Hanggang sa susunod, Arci. Tara, Gab.” May himig pagpapahiwatig na dagdag pa niya.
Ilang segundo kong pinanood ang paglalakad nila ng kaibigan kasama si Richel. I rolled my eyes at them. “So gross,”
Kaya lang siguro napadaan ang mga iyon dito ay para sunduin si Richel. Girlfriend niya kasi ito at alam ni satanas kung paanong pagmamahalan ba ang mayroon sila.
Kaya rin siguro kung makabantay sa akin ng inam si Rich at Gab ay para hindi ako magsalita tungkol sa kanilang mga kabalikuan.
I breathed hardly. Kung sana kasi hindi kinain nila Eba at Adan ang mansanas na bigay ng ahas, wala sanang kasalanan ang mundo. Sana ay iniihaw na lang nila ang ahas!
Napangiwi ako sa aking isipin.
Malalaki ang hakbang kong naglakad papasok sa shop ni Sir Evans. Halos takbuhin ko naman ang hagdanan para lang makarating agad sa office ni Sir.
“26 minutes, 45 seconds and .28 milliseconds late, Aria Chantelle Yniguez.” Iyan ang bungad ni Sir Evans nang sandaling buksan ko ang pinto ng office niya.
Halos mapatulala ako sa itsura niya ngayon dahil mas pinatikas at pinagwapo siya ng kasuotan niyang puting polo sleeves, nakatupi ang dulo hanggang siko. Bukas ang tatlong butones.
Nakaupo sa swivel chair, nakapatong ang mga braso sa mesa. Medyo magulo ang buhok at basa ang mga labi, waring galing sa tubig na iniinom niya. Pero ang nakakuha ng aking atensyon ay ang kaniyang walang kasinlamig na at lalim na mga titig.
Napaayos ako ng tayo sa harapan nito. “P-Pasensya na po, Sir. Traffic po kasi at...at hinarang po ako kanina ng mga lalaking humahabol noong isang gabi sa akin.” Paliwanag ko.
Hindi ko kinakitaan ng anumang reaksyon ang mga mata niya. Ano pa bang aasahan ko? Ganiyan siya, e.
Just then, he stood up and approached the paperbag that happened to be placed on the couch. He handed it to me. “This is your uniform. Wear this and follow me in the kitchen.”
I accepted the paperbag. “Thank you, Sir.”
Nakapamulsa siyang nilampasan ako at naunang naglakad papalabas. The moment the door closed, I browse what was inside the paperbag.
Ihinarap ko sa akin ang waitress uniform. Kulay emerald green at white iyon. Above the knee length. May parang puti pang headband na isinusuot sa buhok.
Hinanap ko ang banyo ni Sir sa loob ng office. Hindi naman ako nahirapan dahil ilang hakbang lang ay nakita ko na. “Pati banyo, engrande. Yaman talaga.” Puna ko, isiusuot ang waitress uniform.
Bago lumabas ng kaniyang opisina, itinabi ko muna ang aking libro at bag sa sofa niya. Mamaya ko na babalikan kapag tapos na trabaho ko.
“This is our kitchen. Dito inihahanda ang mga pagkaing order mula sa mini restaurant, Arci. Kapag may bagong dating na mga customer, lalapitan agad at ia-assist. Tatanungin ang order at agad isusulat sa order pad.” Paliwanag ng Head Cook ni Sir Evans.
Tumango ako. “Opo.”
Pasimple kong tiningnan si Sir mula sa maliit na bintana ng kusinang ito na nakaupo roon sa isang coffee table kausap ang isang magandang babae. Maputi. May mahabang buhok. Mukhang modelo. Pero bakit parang inis siya kay Sir? Siya kaya 'yong Yash?
“Aria Chantelle?”
“Ay, manok—Ma'am?” Natutulirong tanong ko sa HC. Pinamewangan niya ako. Naitungo ko tuloy ang aking ulo. Hindi ko alam na natulala ako sa mga iyon. “P-Pasensya na po,”
She snarled. “So what I'm saying is when you are assigned in mini-restaurant, doon ka lang. Kapag dito sa baba, sa café, dito ka lang din. Understand?”
“Yes po.”
“Good.”
Matapos ng ilang instructions ni Ma'am Venelle, tinuruan niya naman ako kung paano ko dapat hawakan ang tray kapag nagsi-serve na para iwas disgrasya raw. Itinuro din nila kung paano ang basic mixing ng special milkshakes, coffees at pati na rin ang tamang paraan kapag nagsi-serve ng sliced cake.
Madali naman akong matuto. Kuha ko agad ang iba sa mga itinuro sa akin. Halos palakpakan ako ng limang waitress na kasama namin. Maliban sa isa.
“Just make sure na hindi ka papalpak sa trabaho mo, Arci. Kung hindi?” Naglakad palapit sa akin si Royal, waitress din, at ngumisi. “Goodbye ka agad.” Mahinang aniya, ako lang ang nakarinig.
“S-Sige,” sagot ko na lang. Ang sungit naman nito. Peke naman kilay.
Saktong may pumasok na couple customers. Sinenyasan ako ni Ma'am Venelle na asikasuhin bilang pang-unang trabaho.
Huminga muna ako nang malalim bago lumabas sa kusina na iyon at sinalubong ang customers. Napatingin sa akin si Sir at ang magandang babaeng kasama niya. Damn.
“Welcome to Gravi-tea, Sir and Ma'am! Food or coffee?” Nakangiting salubong ko sa kanila.
Pasimple kong tiningnan sa gilid ng mga mata ko ang table nila Sir. Dalawang table lang naman ang layo nila mula sa front door.
“Food.” Simpleng sagot ng babae.
“Babe, let's add coffee.” Boyfriend niya.
Ngumiti ang babae. "Sure, babe. So, Miss, saan kami pwede?”
“You can have your seat on the second floor and here, Miss. The second to the last table is free.” Sabi ko, itinuro ang bandang likuran ng coffee table iyong malapit sa bintana.
Puno na kasi ang lahat ng tables maging sa taas. Mabuti at may umalis na kaninang mga babaeng customers.
“Sure, sure. We'll go on the second floor, Miss.” Aniya.
Niyaya nito ang boyfriend paakyat. Sumunod naman ako dala ang order pad para kuhanin ang orders nilang dalawa.
Matapos makuha ang mga orders nila, bumaba ako at sinabi iyon sa kay Miss Venelle para sa pagkain. At dahil may kasamang dessert at coffee, kinailangan kong kausapin ang masungit na si Royal.
"Anong order?" Maarteng tanong niya sa akin.
“Two angel cake. One cappuccino. One americano. Huwag daw tapangan masiyado ang kape—"
“O, e 'di ikaw na maggawa." Pambabara niya sa akin.
"Royal! Be good to her." Suway ni Melanie, waitress din. "Such a brat. Pasensya na, Arci." Siya ang humingi ng paumangin imbes na ang Royal na ito.
Ngumiti ako ng tipid. "Ayos lang, Mel."
"Whatever." Sagot niya.
Ewan ko kung anong problema niya sa akin. Ano bang ikinagagalit mo, ha? Pasalamat ka at marunong pa akong kumilala ng mas nakakatanda sa akin.
Matapos mailagay ang orders sa tray ay dinala ko na ang mga iyon sa taas. “Here are your orders.” Sabi ko, inilalapag ang mga pagkain sa mesa nila. “Enjoy.”
"Thank you, Miss."
Ngiti lang ang itinugon ko sa kaniya bago bumabang muli. Inutusan ako ng iba na magsimulang linisin ang mga naiwang kalat sa mesa ng mga customers. Ang mga waiters naman ay sa mini-restaurant.
Hindi ko inaasahan na mapapadako ako sa likod na table na inu-okupa nila Sir Evans at babaeng kasama niya.
Sinadya kong bagalan ang pagkilos ko sa pagpupunas ng table. Gusto ko lang malaman kung girlfriend niya ba ang babae o ano.
“Excuse me, Mr. La Galliene? I just came here because you told me, too. Sabi mo ay may sasabihin ka, hindi ba?” Ang ganda ng boses ng babae nang nagtanong siya. Mala-diyosa.
Sir Evans scoffed. "Really, Miss Yashrie Millen Relavamonte? Why don't you tell me that you want to see Heimdall, huh?" He mocked.
Sinemplehan ko ng tingin si Yashrie Millen Relavamonte. So, siya nga si Yash? In fairness, ang ganda rin ng name. Mukhang hindi gagawa ng masama.
Pinaningkitan niya si Sir ng mata. "Stop it. Ano ba kasing sasabihin mo, ha? Bilis na at kailangan ko nang umuwi dahil gabi na."
Sir Evans chuckled. "Okay, okay. Don't worry, ihahatid kita."
Natigilan si Yash sa sinabi ni Sir Evans. Ang mga singkit na mga mata niya ay napatitig kay Sir Evans. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko sa mga mata ni Yash. He likes...Sir.
Tumayo bigla si Yash. "N-No, thanks. I can manage—"
Mabilis din na tumayo si Sir. Hinawakan niya ang kamay ni Yash bilang pagpigil rito. "I insist, Yash. Gabi na. Gusto kita...ihatid."
Napalunok si Yash dahil sa sinabing iyon ni Sir. Gayunpaman, nakuha niyang ngitian ito ng pilit. "K-Kaya ko na, Priam." Pagtatapos niya, dinampot ang Channel bag niya. "Sige. Una na ako,"
Pinanood namin siyang maglakad paalis ng shop. Dinig ko ang mura ni Sir bago mabilis na dinampot ang phone niya sa ibabaw ng mesa bago sundan si Yash na kalalabas lang.
"That's Yashrie Millen Relavamonte, Arci. She's a makeup artist ng mga kilala niya lang. Student din siya gaya mo. Ganda 'no?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Melanie mula sa aking tabi. Ni hindi ko napansin ang paggalaw niya.
“Oo nga..." Wala sa sariling sagot ko.
"Sa LPU rin siya nag-aaral gaya mo. Nasabi ni Sir kanina na doon ka nag-aaral, huwag ka na magtaka. Baka makasalubong mo siya sa campus, say hi. At! Kapatid siya ng ex ng asawa ng pinsan ni Sir Evans. Kapatid ni Kiel Yanzi Relavamonte. Mahihirapan manligaw si Sir 'pag nagkataon. May kuya, e."
"Ah, m-mukha nga. Maganda naman kasi si...Yash." Sabi ko. Ang dami niya namang alam. Stalker? Or bet na bet lang si Yash kay Sir?
Mahina siyang natawa. "Ang sabi-sabi rin, crush siya ni Sir Evans. Pero ang crush ni Yash ay si Sir Heimdall, pinsan ni Sir. Sayang at wala siya ngayon dito sa bansa." Kwento niya, may panghihinayang sa tinig.
Tiningnan ko siya. Daming kwento, Mel? "Na saan?" Tanong ko.
"Spain. Taga-roon naman kasi sila Sir pati mga pinsan niya, Arci. Baka may inaasikaso lang. Kapag nakita mo ang iba niyang pinsan, mapapasabi ka na lang na 'Gusto ko ng isang La Galliene.'" Sabi niya.
Sa rami nang sinabi niya, iisang salita lang ang nakakuha ng atensyon ko. "Spain..."
"Oo, girl. Sosyal 'no? Hays. Gusto ko rin sanang mamarkahan ng La Galliene kaya lang...wala naman silang gusto sa akin. Haha!" She wished jokingly.
Nginitian ko lang siya ng pilit. Ibinalik ko ang aking mga mata sa nilabasan nila Sir Evans, natutulala. Spain...
Iwinaksi ko sa aking isipan ang mga tumatakbong bagay na hindi ko gustong balikan pa. Masakit iyon. Walang sinuman ang makakapagpagaling sa bagay na 'yon.
Kahit pag-ibig pa.
"Trabaho hindi chismis, oy!" Biglang sulpot ni Royal. Tiningnan niya ako na may ngisi sa mga labi. "Kung inaakala mong magugustuhan ka ni Sir Evans, asa ka. Ang type niya sa mga babae—"
Ngisihan ko siya pabalik. "Gaya mo, gano'n?"
Kaagad nawala ang mapang-asar na ngisi sa labi niya. Napalitan ng gigil. Humakbang ito palapit sa akin. "Anong sabi mo?"
Pumagitna sa amin si Mel. "Girls, tumigil kayo. May mga customers. Malilintikan tayo kay Sir Evans." Pigil ang inis ni Mel.
Tinitigan ko nang malalim si. Royal. Gano'n din siya. Hindi ko papatulan ang ugali mo. Hindi ikaw ang trabaho ko. "Sa kusina na muna ako." Paalam ko, binitbit ang basahan bago naglakad paalis. Kainis.
Pigil ang inis kong hinugasan ang kamay ko sa lababo. Halos magtindigan ang balahibo ko nang biglang marinig ang tinig ni Sir Evans mula sa likod ko.
"Keep up the good work, Arci." Sabi niya.
Nilingon ko siya. "S-Sir..."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang sandaling bigkasin niya ang salitang naglukso sa dibdib ko matapos akong sipatin mula ulo hanggang paa.
"By the way, you look...lovely in your uniform." He complimented. "Very lovely."
FriendsSumilip-silip ako mula sa labas ng shop ni Priam. Ang alam ko ay nakabalik na si Dall mula sa Spain kahapon kaya gusto ko siyang makita.Tamang-tama, ang klase ko pa ay 10 am. Sisilay muna kay crush.I prevented myself from smiling so wide when I saw him walking past the customers and directed to one of the coffee tables with a coffee in his hand and sat there comfortably.He wears black shades, forest green polo sleeves and the first three button was opened. Likewise, his polo sleeves was folded up to his elbow.Busy siya sa kakatipa sa phone niya at hinihiling ko na hindi sana ibang babae ang ka-text o kausap via social media!Halos magbuhol-buhol ang aking ugat sa katawan nang marinig ang malamig na boses mula sa aking likuran."Why don't you come in, Miss Yashrie Millen Relavamonte? Dall is there." Si Priam!
Important“Baby, wake up.”Unti-unti kong iminulat ang aking mga antok pang mga mata nang marinig ang panggigising ng aking kuya. “H-Hmm?”He kissed my forehead. “Wake up, Yash. Baka ma-late ka sa klase mo.” He said in a soft voice.Kinusot ko ang aking mga mata, bumabangon. Nakanguso akong tumingin sa kaniya. “I'm still sleepy, Kuya Kiel.”He chuckled. “Hindi ganiyan ang magiging alagad ng batas, Officer Yashrie Millen Relavamonte. A police officer is always aware. Hindi patulog-tulog.” He mocked.I winced. Bawal ba matulog ang mga iyon, kung gano'n?“Bangon na. I'd cook your breakfast already.”Nginisihan ko siya. “Magte-thank you na ba ako ha, Kuya?” Asar ko sa kaniya.“A simple hug will do, baby. Come one, hug me.” He opened his arms. Lumapit ako rito bago yumakap nang mahigpit.
Worried“Hey, Aria! Come join us here.” Anyaya ko kay Aria nang mapatapat siya ng paglilinis sa katabi lang naming table ni Kuya Kiel.Inaya kasi ako ni Kuya Kiel na magpunta rito sa shop ni Priam dahil dito raw niya sinabi sa ka-meeting niya ang meet-up. Hindi pa lang dumarating.Sumama ako dahil gusto kong sumilay kay Dall. Kainis lang dahil nakita ko nga siya pero may kasama namang babae! Nasa mini-restaurant sila.“Ah, Yash. Hindi pwede, e. Naka-duty ako. Thank you na lang.” Nahihiyang sagot niya.Kuya Kiel intruded in our conversation. “Yes, Aria. Come and join us. I can talk to your boss.”Mabilis na umiling si Aria. “Hindi na po. Next time na lang, Yash. Salamat. Balik na muna ako sa kusina.” Paalam niya bigla.Nakanguso kong sinundan siya ng tingin hanggang sa tuluyang makapasok sa kusina. “I didn't know that you're friends with her, Yash. Since
Happy“Mom, dad?” I trailed off. We're in the middle of eating but I called them just to ask something.They stopped chewing their foods even Kuya Kiel who's wiping his lips using table napkin. They all looked at me innocently.“Yes, baby?” My dad asked after seconds.I breathe. “Dad? Can you give me part time job so I could earn money?” I hesitantly asked.I want to help Aria, this is why. In order to do that, I should be having my own money from my hardwork. Not the money that my parents gave me because I am their daughter. Not that way.Perplexed, “Why?” Dad asked.I smiled scarcely. I want to buy Aria clothes, books, foods and other stuffs. So she will not pick a peso from her salary. Instead, use them in her studies or other miscellaneous.“Yashrie Millen? Why?”I bit my lips when mom called my first and second name. “I w
SmileYawning, I get up on my bed with frowsy messed up hair. Walk straight towards the bathroom with half-eyed open. Geez. Ito ang problema kapag umaga, pahirapan bumangon at kumilos.I stared myself in front of the mirror. My eyes widen upon seeing...a cute person in it! I held my chest. “Ako lang pala!” Nagpa-cute ako sa salamin upang matanggal ang aking antok. I was laughing in my mind due to craziness. Geez.Nagbabad ako sa bathtub at doon nagpalipas ng ilang minuto upang punan ang natitira ko pang antok.Sabado ngayon, walang pasok. Kaya naman ang gising ko ay alas diyes na. Hindi naman din ako nakatulog agad dahil sa ginawa ni Priam bago siya umuwi kagabi.“Yash,” he called me softly.I looked innocently at him when I stand properly in front of him. “Why?”He then moved closer to me. Napalunok ako ng halos isang dangkal na
Goodnight“Yow, Yash. What are you doing here? Visiting Priam?” Bati ni Dall.Naupo siya ng ayos sa kaharap kong upuan at inilapag din ang hawak na Oreo Milkshake pati phone niya.Tinitigan ko siya. “Of course not.” Tugon ko, humigop sa in-order kong latte. Bakit ko naman bibisitahin ang taong 'yon, ha?He let out an audible smirk. “Aha! Akala mo ay hindi ko alam? Pft. My cousin is starting to court you, am I right?” He guessed.I arched my right brow, narrowing my eyes. “Paano mo naman nalaman agad 'yon, ha?” I asked. Sana ay hindi ako tunog defensive.He moved his face way closer to mine. I almost gasped when the tip of our nose touched! Veggie. My heart, oh no. He smiled. “I can sense it, Yash. You like him already, huh? Real quick.” He teased.My eyes widen in disbelief. I slightly distance my face away from him, gulping. “S-Sense? Do you
IgnoredBuong gabi akong hindi pinatulog ng konsensya ko sa magkasunod na gabi dahil hindi sinasadyang narinig ni Priam ang usapan namin ni Kuya Kiel. Hindi ko sigurado kung narinig niya ba lahat, sana ay hindi. Sana ay hindi sa bahagi na may binabanggit akong tao.The one that resembles like him.Dahil doon, pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas sapagkat napuyat ako. But that's not what matters. I need to apologize to Priam. I don't mean it, anyway. It just came out from my dirty mouth. Geez.“Mom, Dad, Kuya, I got to go.” I bid after wiping my lips using table napkin.Kuya looked meaningfully at me. “Keep safe, Yash.”“Honey, drive carefully.” Si Dad.“Yash, study well.” Si Mom.I showed them a thrift smile. “Yes po.” I said.Nilapitan ko silang tatlo upang bumeso bago tuluyang lumabas ng
Comfortable“Priam, sandali lang!”Sa ikalimang pagkakataon, muli ko na naman siyang tinawag. Ang bilis niya kasi maglakad at halos hindi na kami magpang-abot. Nagkandadapa-dapa na ako, wala pa ring pakialam.Itinali ko ng ayos ang sintas ng sapatos ko bago tinakbo ang distansiya namin. Walang pag-aalinlangang hinatak ko ang kamay nito, dahilan upang mapamura siya.“Fuck, Yash. Ano bang problema mo, ha?!” Inis na singhal niya. Geez. Galit na galit?“Kanina pa kita tinatawag at hinahabol pero hindi mo ako pinapansin, e! Sinabi ko na ngang wait, wait, wait! But you keep on walking, walking, walking and walking!” Inis ko ring singhal.He let out an amused sigh. “Who told you to run after me, huh? What do you need?” He hissed, pulling back his hand from my grip. “Goddammit, Yash.”Natigilan ako. Nakita ko lang naman siya na naglalakad sa Cam
PRIAM EVANS LA GALLIENELeaving someone you love is like drinking a poison. It kills.You don't want to leave yet but the world is making its way to eliminate you.I want to stay longer and spend the rest of my life with the woman I treasure the most. But how?Now that the poison I unconsciously drank is killing me.. Little by little.Right at this moment, memories suddenly appeared on my mind. Remembering the painful past.I closed my eyes in a half. Tears escaped."¿Qué estás haciendo, Phantom? ¿Qui&eacut
Anger"L-Love, please...Wake up. W- Wake up for me, please." Yash tried to wake Evans for nth time.But he wasn't even moving nor breathing. He's gone.Bumuhos ang luha nito nang sandaling takluban na ng nurse ang katawan nito gamit ang puting kumot, indikasyon na ito ay binawian na talaga ng buhay.All of them, they were so miserable and hopeless that day. And there's no one to blame for other than me.Pigil ang luha kong pinagmasdan ang puting kabaong at malaking litrato ni Evans na pinaglalamayan ng kaniyang mga pinsan at ilang malalapit na kaibigan.They're all mourning. Crying. Grieving.
PoisonedMataman kong pinagmamasdan ang aking mga bisitang nasa bubog na bilog na mesa at nakaupo katabi ang ilang mga kasama.Masaya silang nag-uusap at glamurosang tumatawa habang nanonood sa entablado, kung saan may mang-aawit na inaalayan sila ng kanta.Mula sa teresa ng mansyon, hinagilap ng aking mga mata sina Evans. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang matanaw sila sa dulong mesa kasama sina Yash, Dall, Elle at kung hindi ako nagkakamali ang pinsan niyang si Serzes La Galliene.Kapwa sila nanonood sa kumakanta sa entablado. Maliban kay Dall at Elle na gusto yatang pantayan ang Tom and Jerry kung mag-angilan.Sumimsim ako sa hawak kong wine. "It's my luck
FoolIsang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa mga palad ni Yash paglabas ko shop. Nabitawan ko ang mga gamit ko dahil sa lakas ng impact. Halos mawala rin ako sa balanse. Leche.Naghihimagsik ang kaniyang mga mata nang ako ay titigan. "Pasalamat ka, hindi pa ako nakabwelo. Kung hindi? Baka tumimbuwang ka na sa kinatatayuan mo, Aria." Gigil niyang sinabi.I know the reason why she's outrageous. Maybe Evans told her that we have kissed two days ago when we were in Zambales. Para solid ang galit, sinugod ako rito sa shop. Oh, hell. This is the last time that I'll be serving here anyway.Matapos ng nangyari roon sa kubo, iniwan ako ng police na 'yon doon. Sumuong siya sa malakas na ulan upang makalayo sa akin.
FeelingHindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang pinapanood si Sir Evans na nag-aayos ng sasakyan kalagitnaan ng malakas na pag-ulan. Kung hindi niya raw kasi aayusin iyon, baka mas matagalan kaming ma-stuck dito.I felt a bit worried upon looking at his soaked clothes. He might get sick.But something's telling me not to care because for all I know, he's the reason why I did suffer all my life.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at piniling panoorin na lamang ang pagbagsak ng ulan sa labas. I felt my body shiver when the cool air touched my skin brought by the rain.Gumagabi na... Mukhang may bagyo pa naman.Just then, Sir Evans gets in, wet.
Concern Boss"How are you feeling?" Was Sir Evans concern question the moment I open my eyes again.Kakapanggap na nahilo nga ako at nawalan ng malay, nakatulugan ko na rin. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang tulog ko. Nagising na lang ako dahil naamoy ko ang pabango ni Sir na malapit lang sa akin. Katabi ko na pala siya.Dahan-dahan akong bumangon sa higaan. I gasped when Sir Evans suddenly put his palm on my forehead. "Wala kang sakit. Why are you pale?"Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa salamin. But I heard Kate that I look pale. I'm wondering, too."M-Masama lang po ang lasa ko." Dahilan ko.
AgendaKung ang pag-ibig ang magiging dahilan upang kalimutan ko ang lahat ng plano at paghihiganti, ayokong umibig.They say love can buried hate and change fate. In my case, love is the total destruction for my hate. I don't want it. I don't want to lose my hate for that person.Nananalaytay sa dugo ko ang galit sa La Galliene na pumaslang sa aking ama.He killed my dad when I was fifteen. I witnessed it! With two eyes widely open! He didn't hesitate. He shoot my dad in front of many people!That gave me reason to ignite so much anger. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa aking ama. Gagantihan ko siya. Siya ang dahilan ng paghihirap ko. Siya ang dahilan ng u
PuzzleMagpapatawad at magpapatawad talaga tayo kapag mahal na mahal natin ang isang tao na nagkasala. Proven and tested.I have known where I'm lack; deeper understanding.Hindi ko muna inalam ang buong kwento bago ako nagalit, nagtanim ng sama ng loob at umiwas kay Priam. When in fact, on keener perspective, he should be mad at me because I have been part of the main reason why Phantom died.My pride drives me to selfishness and closed-minded. Hindi dapat gano'n.Human mind must have a tincture of prudence.I failed doing it. And I...regret not doing it.
New Year"Shit, Yash. Sorry." Agad lumusong si Priam sa putikan upang ako ay tulungang makaalis doon.Hindi na ako nag-inarte. Pigil ang inis kong tinanggal ang putik na kumapit sa aking damit at mukha. Ang kaninang malinis at puting-puting damit ko ngayon ay putikan na. Damn."Hija, ayos ka lang?!" Sigaw ni Tiya Lia mula sa dulo ng pilapil.Tinanggal ko ang putik sa bandang mata ko at tumango. Inabala kong muli ang sarili sa pagtatanggal ng putik sa damit."Yash, nagulat ka ba sa sigaw ko? I'm sorry, I didn't know. Let me help you-"I cut him off, sighing. "It's okay. I'm fine. U-Uuwi na lang ako upang li