Asper Reign Dahlia’s PovI am not really against any third gender. I don't have a problem with them, and I love to engage in a conversation with them because I know that they have so many things to say that I am sure will help me learn about them.Pero hindi naman siguro ako masisisi ni Mira kung halos ilang minuto din akong nakatulala matapos niyang sabihin na si Caspian Jyn pala ang lalaking iyon.Aba'y, ang dami niyang admirer. At kung tama ang nadidinig ko, kahit ang mga prinsesa ng Hexoria ay humahanap din ng pagkakataon para mapapayag itong pumasok sa isang arrange marriage pero bigo sila.Maliban pa doon ay hindi din ito nakikihalubilo sa mga babae.At ngayon ko napatunayan ang dahilan kung ano nga ba ang dahilan noon."He doesn't like women," mahina kong sabi. "He likes men!" Hinawakan ko ang balikat ni Mira. "The Caspian Jyn that every woman around the world adores is actually gay."Maging si Mira ay hindi din makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko.Nakatulala din siya sa
Asper Reign Dahlia’s PovHuminga ako ng malalim habang nasa harap ng gate ng kapitbahay ko. Medyo kinakabahan kasi ako ngayong alam ko nang si Caspian Jyn na pala ang nakaharap ko ng dalawang beses at sa isang awkward na sitwasyon pa.Baka mamaya ay pagbawalan na ako nitong makipag-bonding sa mga kasama niya dito at bawiin na niya ang susi na ibinigay nila sa akin.“Hanggang kailan ka tatayo diyan?”Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na iyon mula sa aking likuran kaya agad akong bumaling doon.And I was greeted by the enticing eyes of a Caspian Jyn. Those ocean blue eyes feel like drowning me even though he is looking at me with nothing but cold stares and to be honest, it is giving me chills.“Oh my god!” Napatakip na lang ako ng bibig. “I… I am sorry.” Agad akong tumabi upang hindi na siya maharangan sa gate.Hindi ko alam kung paano nga ba siya haharapin pagkatapos ng mga nauna naming pagkikita. Naguguluhan pa din kasi ako kung paano ba ako dapat kumilos sa harap n
Asper Reign Dahlia’s PovMatapos kong makaluto ay agad na inasikaso nila Rajiv ang dining table. Sila na ang naglagay ng mga plato, baso at ipa bang utensils.At dahil nga gusto nila iyong mala-homey kind of breakfast, inilagay ko na muna sa malaking lagayan ang bawat niluto ko at sa mesa na lang namin paghahatian ang mga iyon.Pagkatapos noon ay sila na ang nagdala at naglagay noon sa dining table. Plano ko pa ngang hugasan ang mga pinaglutuan ko bago kumain pero pinilit na ako ni Rajiv na sumabay na sa pagkain sa kanila.Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa dining room.At sa unang pagkakataon ay makakasabay kong kumain si Jyn dahil nakaupo na siya doon nang dumating ako.“Ahm, sorry if it was not that fancy,” sabi ko nang makaupo ako.“Don’t worry about it, Aspirin,” nakangiting sabi ni Schlain. “We preferred to have this kind of breakfast.”“Let’s eat.” sabi ni Jyn at siya na ang unang kumuha ng pagkain para maglagay sa plato niya.Hindi na nga muna ako nakisabay sa kanila
Asper Reign Dahlia’s PovAkala ko ay magiging madalas na ang pagkikita namin ni Jyn sa kanyang bahay kapag pumupunta ako doon para magluto at kumain.Hindi na kasi naulit iyong pagsabay niyang kumain sa amin.Lagi na lang siyang nagpapahatid ng pagkain kay Rajiv sa kanyang opisina sa second floor. At sinasabi nila na masyado itong maraming inaasikasong trabaho.Hindi naman daw kasi porket naka-laylow sila ay hindi na aasikasuhin ni Jyn ang kanyang mga kumpanya at restaurant.So, he is doing all of his work online.And to be honest, I was a bit disappointed dahil natutuwa ako kapag nakikita ko silang apat na nag-e-enjoy sa mga niluluto ko pero wala akong magagawa dahil trabaho naman niya iyon.Iba kasi sa pakiramdam iyong mas nagugustuhan ng iba ang luto ko kaysa sa mga pagkain sa mga restaurant kaya kahit bahagya akong nahirapan noong una dahil ina-adjust ko pa ang mga gawain ko ay nag-e-enjoy pa din ako sa ginagawa ko.Tatlong linggo na ang nakakalipas mula noon.At ngayon nga ay mag
Asper Reign Dahlia’s Pov“Asper…” Masaya akong sinalubong ni Misis Flerry nang dumating ako sa kanilang mansion kung saan ginaganap na ang event na siyang inorganisa niya. “You look so beautiful.”“Thank you.” Nakipagbeso ako sa kanya pagkuwa’y inabot ko sa assistant niya ang mga box ng cupcake na in-order nila sa akin.“Akala ko ay hindi na kayo darating,” sabi nito pagkatapos kawayan ni Miracle na siyang katulong ng mga waiter na siyang nagse-serve sa event para ibaba ang iba pang order ng ginang. “Nagsimula na kasi ang event.”“Well, sorry for being late, Misis Flerry,” sambit ko. “Medyo nahirapan po kasi kaming i-organize ang mga cupcake na order niyo dahil halos hindi magkasya sa kotse na una sana naming dadalhin.”Twenty box lang ang order niya sa akin. Pero kahapon ay nagpahabol pa siya ng additional thirty box dahil marami daw ang nag-confirm na darating sa mga bisita niya.Eh five seater lang naman ang kotse na ginagamit namin ni Miracle kaya hindi nagkasya doon ang fifty box
Asper Reign Dahlia’s PovHalos hindi ako tinigilan ni Misis Flerry. At sa buong event ay ako lang ang lagi niyang kinakausap.Wala nga akong naintindihan sa nangyayari sa event dahil nasa kanya lang ang atensyon ko. Ni hindi ko na din naasikaso si Miracle dahil abala ako sa kanya.Nawala lang yata ang atensyon sa akin ng ginang nang tawagin na siya sa stage para mag-present ng mga award at iyon ang pagkakataon ko para mapag-isa kahit sandali.Kaya pumuslit muna ako palayo sa event at tumambay sa garden kung saan hindi masyadong napupuntahan ng ibang guest.“You are here.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Jyn. Hindi ko napansin na nakaupo pala siya sa kabilang side ng fountain at mukhang kanina pa siya narito. “You finally had your break?”“Well, busy na siya sa itaas ng stage kaya nakalayo muna ako saglit sa event place.” Tumayo ako at lumipat sa side niya. “What about you?”“Mister Flerry was already busy when his son came,” sambit niya. “Dito na ako tumambay dahil mas tahimi
Rajiv Fleisko's PovJyn is not a nice man. He is definitely not a gentleman to any woman and he is only kind to the women in their family.And for the other people, he is known as the most ruthless man that people could ever meet.He is mean, cold, and merciless. He doesn't even care about other people who don't matter in his business. He never associates himself with anyone that will not benefit him or his business.Para sa kanya, nakikipaglapit lang siya sa mga taong alam niyang mayroong pakinabang sa kanya.He never trusts anyone that easily. Siya na nga ang pinakamaingat na taong nakilala ko sa pakikiharap sa iba. Ayaw na ayaw din niya na basta na lamang kaming nagpapapasok ng kahit sinong hindi naman kabilang pamilya namin.Kaya naman labis ang pagtataka ko sa mga nasasaksihan ko mula ng manatili kami sa syudad na ito.Asper Reign.Hindi ko alam kung anong mayroon sa babaeng iyon pero nakita ko ang malaking pagbabago kay Jyn mula nang magkaharap silang dalawa.I witness how he lo
Asper Reign Dahlia’s PovMarahas akong napabangon at agad na kumunot ang noo ko ng bumungad sa akin ay ang silid ko.Hala! Paanong napunta ako dito? Ang huling natatandaan ko ay nasa event pa ako na in-organize ni Misis Flerry. Kumain lang ako saglit ng pagkaing dinala ni Jyn, dumating si Miracle at kinukwento niya sa akin kung paano siya kinulit ng panganay na anak ni Misis Flerry.Bumaling ako sa table na nasa gilid ng kama ko at nakitang umaga na.Hindi kaya nakatulog ako kagabi habang nag-uusap kami ni Miracle at hindi na niya ako ginising pauwi dito?Though, I doubt she can lift me up on her own kaya paano niya kaya ako naiuwi dito?Napakamot ako ng ulo. Wala naman kasi akong sagot na makukuha kung puro sarili ko lang ang tatanungin ko.Tuluyan na akong tumayo sa kama. Ipinusod ko ang aking mahabang buhok at nagdesisyon nang lumakas ng kwarto, baka sakaling maalala ko kung ano ba ang nangyari kagabi.At nang makababa ako sa ground floor ay agad kong nakita si Miracle na abala sa
Caspian Jyn's Pov “Something is wrong,” iyan ang sambit ni Rajiv matapos ibaba ang kanyang cellphone pagkuwa’y tumingin sa akin. “They are acting weird.” “Who?” “Lucky and the rest of Asper’s bodyguards,” sagot niya. “What makes you think that they are weird?” I asked. “Asper changed, Jyn,” he said. “Sa isang taon natin siyang hindi nakita, malaki na ang pinagbago niya. At hindi na siya iyong tipong mananatili lang sa isang tabi, tatahimik at walang gagawin.” “Sa tingin mo ay pagtatakpan siya ng mga iyon kung mayroon man siyang ginagawa nang hindi natin nalalaman?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know how Asper thinks now. At alam ko kung gaano katakot ang mga iyon sayo, hindi pa din maalis sa isip ko na may ginagawa si Asper.” “Pull out the last batch of security details that we send there and just send Azure. Just make sure that she will not learn his identity at the group.” Ibinalik ko ang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. “Kahit gaano kalakas ang pinanghahawakan niy
Asper Reign Dahlia’s PovDad told me not to worry too much after I mentioned to him about what Hector said to me. Siniguro niya ako na nakahanda siya at si Aasiyah sa kung anuman ang maging hakbang ng palasyo.He already learned his lesson. Kaya wala na din siyang planong pangunahan pa si Aasiyah sa kung ano ang magiging desisyon nito kung sakali man na mag-propose ang palasyo ng kasal para kay Cloven.Well, kilala ko naman ang kapatid kong iyon. Kahit siya ang bunso at medyo sheltered ng buong pamilya ay hindi siya magpapakontrol sa mga taong nasa paligid niya.Tulad ko ay lalaban siya kung hindi niya gusto ang sitwasyon kaya alam kong hindi siya basta magpapadala sa mga iyon.At para makasigurado ay sinabihan ko na din si Miracle. At siniguro niya na gagawin ang lahat upang hindi maulit kay Aasiyah ang nangyaring pangha-harass sa akin ng mga nasa palasyo noon.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. At least, alam kong kahit wala ako doon ay mapoprotektahan si Aasiyah. Hindi ko k
Asper Reign Dahlia’s Pov“Ang sabi ko, ipinasa ko na nang tuluyan kay Aasiyah ang pamamahala sa foundation,” ulit ko. “Tapos nang asikasuhin ng mga lawyer namin ang pagta-transfer ng management noong isang taon pa at noong isang buwan iyon na-finalized.”Hindi pa din nawawala ang gulat sa mga mata niya matapos ang narinig. At maliban doon, bakas din ng matinding pangamba ang kanyang mukha na para bang isang maling pagkakamali ang ginawa ko.“Aware ka naman siguro na mula nang umalis ako, si Aasiyah na ang namamahala sa foundation,” dugtong ko. “At dahil nga sa nangyari sa akin at sa buhay na pinipili ko ngayon, nagdesisyon akong bitiwan ito. Nagprisinta si Aasiyah na akuin ang responsibilidad dahil nagustuhan niya din ang pagtatrabaho dito.”“You…” Napasapo siya ng noo at napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong problema niya pero para bang isang malaking balita ang narinig niya.Hindi naman mahalaga para sa foundation kung sino ang namamahala dito. As long as tuloy-tuloy ang mga
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sira ulo ka din talaga, noh?” natatawa na sabi ni Hector matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa ko sa mga tauhan ni Jyn na bodyguard ko ngayon. “Isinangkalang mo ang sarili mo para lang mapasunod ang mga iyon.”“That is all I have, okay?” sabi ko. “I can only take advantage of Jyn’s feelings for me to make them do what I want.”Napailing siya at itinuon ang atensyon sa pagpapaligo sa isang kabayo. “You like taking advantage of everything to make sure that every situation will side with you.”Nandito kami sa kwadra ng mga kabayo. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay nakaupo lang hindi kalayuan sa kanya.“Mas malala pa ang ginagawa mo noon, noh!” Inirapan ko siya. Kung makapagsalita ang lalaking ito, akala mo ay hindi niya inabuso ang posisyon niya bilang crown prince noon para makuha ang lahat ng gusto niya.“Kaya nga nagbabago na ako, hindi ba?” balik niya sa akin. “Eh ikaw? Parang lalo kang lumalala habang tumatagal.”“Well, sa mundo ng mafia na pinapasok
Asper Reign Dahlia’s PovPagdating sa farm ay agad akong sinalubong ni Hector. At agad niyang sinabi na ang trabahong napili niya ay ang pag-aalaga ng mga kabayo.Ang alam ko ay mahilig siyang mangabayo. May mga alaga sila sa palasyo at ilang beses na din siyang sumali sa mga horseback tournament kaya siguro iyon ang pinili niyang gawin habang nandito siya.Kaya kinausap ko agad si Layno, ang namamahala sa pag-aalaga sa lahat ng hayop dito sa farm, at sa kanya na ibinilin si Hector.Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako buong araw. Ginising lang ako ni Manang Judith para maghapunan at nang malalim na ang gabi ay tsaka ko tinipon ang lahat ng bodyguard na ibinigay sa akin ni Jyn.Nasa malawak na garden kami. Nakaupo ako sa ilang baitang ng hagdanan habang ang sampung miyembro ng security detail ko ay nakaupo sa damuhan.“So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo lang ba talaga ang pinadala ng boss niyo para bantayan ako?” Isa-isa ko silang tinitigan.“Yes, Miss Asper,” sagot ni Lucky. “Th
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sorry for that, Dad.” Iyan na lang ang nasabi ko kay Daddy na kausap ko ngayon sa cellphone habang nakatitig ako sa chopper niyang binabalot ng apoy na bumubulusok mula sa himpapawid. “I am still not sure about how much money I have right now but I will try to buy a new chopper for you.”Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy mula sa kabilang linya. “Don’t worry about that. Plano ko na namang ibigay na lang sa kuya mo iyan at bumili ng bago.”Napakamot ako ng ulo. “Then, nawalan pa tuloy si Kuya ng pinakamadaling transportation niya para makapagpabalik-balik siya ng Yain City nang hindi napapabayaan ang trabaho niya.”“But are you okay?” tanong ni Daddy. “Mabuti at agad niyong napansin na may problema ang chopper at nakababa agad kayo.”“Siguro ay dahil sa patuloy na pagte-training ko ay naging matalas na din ang pakiramdam ko kapag may panganib sa paligid ko.”“Are there any casualties?”“Wala naman,” sagot ko. “Sa dagat naman bumagsak ang chopper at wal
Asper Reign Dahlia’s PovMaayos na ang lahat ng kailangan ko para sa paglipat sa farm. Nandoon na din ang mga taong makakatulong sa akin sa panibagong yugto ng buhay na tatahakin ko.Though, alam ko naman na may mga pagkakataon na bibisita pa din ako dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit sobra naman yata kung makaiyak ang pamilya ko.“Seriously, guys?” Naiiling na lang ako sa kanila. Lalo na kay Kezia na sobra pa kung makayakap sa akin. “I am just three hours' drive away. Pwede kayong bumisita sa akin anytime. At bibisita pa din ako dito kapag may free time ako. You can also call me whenever you want. Hindi na ito tulad ng dati noong nasa Yain City ako na limitado lang ang communication natin.”“Iba pa rin ang nandito ka!” singhal sa akin ni Kezia. “Kung bakit ba naman kasi kailangan mo pang lumipat doon. You can manage the farm without staying there.”“I know.” Bumuntong hininga ako. “Pero ang farm ang primary source of income ko kaya kailangan kong tutukan iyon. Isa pa, kailang
Asper Reign Dahlia’s Pov“Give him time, Asper,” dagdag ni Miracle tsaka ibinagsak ang kanyang katawan sa kamang inuupuan. “He is not used to what is happening to him right now.”“I understand what is happening to him and I am trying my best not to become his burden while he is fixing everything around him,” paliwanag ko. “Kaya nga ako lalayo, hindi ba? Kaya ko pinili ang farm dahil doon, magagawa ko ang lahat ng paraan para protektahan ang sarili ko. Nang sa gayon, kapag ready na siyang balikan ako, hindi na siya mangangamba na muli akong mapapahamak.”“Ibig bang sabihin ba nito, kapag naayos na niya ang lahat at handa na siyang bumalik sayo, hindi ka magdadalawang-isip na tanggapin siya?”“Yup,” mabilis kong sagot na nagpabangon sa kanya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Moving on from him is not really part of my plan. I just want to give him space while he is working on his personal issue. And I am working on my life so I could live it the way I want without fearing for my safet
Asper Reign Dahlia’s PovPeople in the house were shocked by my decision to hire Hector and as I expected, Kuya Jasper and Kezia were against my decision. Though Dad didn’t say anything, I can see in his eyes that he is also on their side.Mom, Easter and Aasiyah were not really agreed but they respect what I want to do, just like what they kept doing for the past months.“He is changing,” giit ko sa kanila dahil paulit-ulit nilang sinasabi na hindi ko dapat pagkatiwalaan si Hector at alam ko naman kung ano ang ugali nito noon. “Why don’t you give him a chance.”“Do you really believe that he is changing?” tanong ni Kuya Jasper. “Paano pala kung nagpapanggap lang siya para makuha ang simpatya mo at kapag panatag na ang loob mo ay tsaka niya babawiin ang mga binitawan at muli kang pilitin na magpakasal?”Pinanliitan ko siyang mata. “Are you hearing yourself, right now? Hector is incapable of pretension. Iyan ang isang bagay na maganda sa kanya dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya