Asper Reign Dahlia’s Pov“Why do you really want to work in my shop?” Iyan ang bungad kong tanong kay Pruska nang siya na ang kakausapin ko para sa interview ng managerial applicant ng SweetHeart. “I know, it is not just because you wanted to have work experience so please don’t bother saying that.”Tumitig siya sa akin pagkuwa’y bumuntong hininga. “Well, wala naman talaga akong planong magsinungaling sayo kaya handa akong sabihin sayo ang totoong dahilan kung bakit dito ako nag-apply.”“So?”“It was your father’s fault,” she said.Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”Muli siyang bumuntong hininga tsaka sumandal sa kanyang kinauupuan. “On the second thought, hindi ko din talaga alam kung tatay mo ang dahilan kung bakit noong una ay binibigyan ako ng mga kumpanya na ina-applyan ko na makasama sa mga exam at interviews pero bigla na lang sa front door pa lang ng building ay hindi na ako pinapapasok.”“Then, bakit mo naisip na si Daddy ang may gawa noon sayo?” tanong ko. “As
Asper Reign Dahlia’s Pov“Jyn!” Dinamba ko ng yakap si Jyn mula sa kanyang likod nang makita ko siya sa labas ng kanyang mansyon at nagdidilig ng mga halaman nila dito sa garden.“A-Asper!” Agad niyang binitiwan ang hose at hinawakan ang kamay ko para alisin sa pagkakayakap. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”“Nako, wala namang malisya iyan.” Hinila ko ang mga kamay kong hawak niya at muling yumakap sa kanya.Hindi naman ito ang unang beses na niyakap ko ang lalaking ito. Siguro ay pang-apat na ito.Ang bango-bango niya kasi. Tapos ang lapad pa ng katawan niya na parang iyong malaking teddy bear na lagi kong katabi sa pagtulog kaya hindi ko maiwasan na yakapin siya ng paulit-ulit.Isa pa, wala namang malisya dahil nga bakla siya kaya kampante ako sa ginagawa kong ito.Huminga siya ng malalim at hinayaan na lamang akong nakayakap sa kanya. “Ano bang ginagawa mo dito?” tanong niya. “Akala ko ay magiging abala ka sa shop mo para sa maghapon na ito?”“Abala nga ako,” sabi ko. “Pero mabil
Asper Reign Dahlia’s Pov“You like it?” I asked Jyn as soon as he tasted the food that I just cooked. “Hindi ba masyadong maasim or maalat?”Ngumiti siya tsaka bumaling sa akin. “It is perfect.”“Great.” Nagsandok na din ako ng kanin para sa akin at binuhusan ito ng malapot-lapot na sabaw ng sinigang na niluto ko.“Why don’t you study at a culinary school?” tanong ni Jyn. “Well, not that you need to but it can still help you hone your cooking. Mas darami ang dish na pwede mong lutin at it will improve your skills at pastry.”“Actually, naisip ko na iyan noong nagsisimula pa lang ang SweetHeart,” sabi ko. “Kaso masyado akong abala dahil ako pa lang naman ang nagpe-prepare ng mga product namin.”“But you have time now, right?”Tumangu-tango ako. “I have but I am too old to go to school.”“It is not like a normal school, Asper,” he said. “It is more like a seminar or training. It will only take at least one to three months. Besides, there is no age limit to acquire education. Kahit anong
Miracle Raydale Azaria’s Pov“I am still talking to you!” Rajiv held my arm to stop me from leaving. “Bakit ba iniiwasan mo ako? Akala ko ba ay naka-move on ka na sa akin pero bakit hindi mo man lang ako matingnan ng diretso sa mga mata?”Inis kong ginulo ang buhok ko at bumaling sa kanya. “Ano ba kasi talaga ang kailangan mo sa akin? Sa pagkakaalam ko ay sinabi ko na sayo noong huli tayong magkita na wala na akong nararamdaman sayo at may asawa na ako!”“Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa bagay na iyon?” balik niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “You are a princess of this country, Miray. Imposible na hindi mabalita sa buong bansa na ikinasal ka.”Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Hindi mo nga nalaman ang totoong pagkatao ni Asper, hindi ba?”“Iyon ay dahil sa galing mong itago siya sa lahat,” aniya. “Anong laban ko kung ang ang unang prinsesa ng Hexoria ang nagsabi sa mga opisyal ng city hall, hanggang sa mga magazine, tv station, radio station at internet platform na huwag mag
Miracle Raydale Azaria’s Pov“Shit!” malutong na mura ni Raj nang kurutin ko ang tiyan niya. “Miray! Masakit iyan!”“At talagang masasaktan ka kapag hindi mo tinigilan ang kapilyuhan mo!” singhal ko sa kanya at binitiwan na siya. “Sinabi mong mag-uusap tayo kaya iyon ang gagawin natin. Hindi iyong bigla ka na lang manghahalik diyan pagkapasok na pagkapasok dito!”“Hindi mo naman ako masisisi noh!” singhal niya pabalik sa akin. “Ilang taon akong nagtiis na hindi ka mahawakan kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.”“At sino ang may kasalanan noon?” tanong ko sa kanya. “Pakipaalala nga kung sino ang nang-iwan sa ating dalawa! Baka nakakalimutan mo lang na ikaw iyon at pinamukha pa sa akin na hindi mo na ako mahal! Kaya huwag mo akong artehan diyan na para bang may pumilit sayo na gawin iyon.”Hindi siya sumagot at umayos na lamang sa kanyang kinauupuan.Mag-ex fiance kami nitong si Rajiv. Halos limang taon din ang tinagal ng relasyon namin at masaya naman kami.Kaso, tatlong taon na ang
Asper Reign Dahlia’s Pov“Mira!” Dinamba ko ng yakap si Miracle nang dumating siya sa bahay ko. “Kanina pa kita hinihintay. Bakit ngayon ka lang?”“M-may kinausap pa kasi ako pagka-out ko sa shop,” aniya.Kumalas ako ng yakap sa kanya at doon ko nakita na namumugto ang mga mata niya. “Mira? Anong nangyari sayo?”“H-huh?” Tumingin siya sa akin. “A-anong ibig mong sabihin?”“Namumugto ang mga mata mo!” singhal ko sa kanya. “Umiyak ka noh? Bakit? Anong dahilan? Sino ang nagpaiyak sayo?”Hindi siya sumagot at bigla na lang akong muling niyakap kaya napakunot ang noo ko.“Mira, ako lang ang hugger sa ating dalawa kaya kinikilabutan ako kapag ganito ka,” sambit ko. “Ano bang dahilan? Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin? Baka sakaling makatulong ako sayo.”Hindi pa din siya sumagot kaya naman hinaplos ko na lang ang likod niya. Baka sakaling maisip niya na hindi naman siya nag-iisa at lagi lang akong nandito sa tabi niya kahit na anong mangyari.Hindi pa man ganoon katagal ang pinagsamahan n
Asper Reign Dahlia’s PovNakapa-maywang akong humarap kay Mira kinaumagahan. Kagigising pa lang niiya at mukhang hindi pa din niya napapansin na mayroon siyang ibang katabi dahil nakakunot pa din ang noo niya habang nakatitig sa akin.“B-bakit ba masama ang tingin mo sa akin?” tanong niya. “Did I do something wrong last night?”“Sa pagkakaalam ko, hindi naman masama para sa akin ang matulog na may katabing lalaki,” sabi ko. “Lalo na kung may relasyon naman kayo.”Lalong kumunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin?”Hindi na ako sumagot at itinuro na lang si Rajiv na ngayon ay mahimbing pa din na natutulog.Agad siyang bumaling doon at nanlaki ang mga mata niya nang makita ito. “Shit! Anong ginagawa ng lalaking ito dito?”Napabuntong hininga na lang ako. “Gisingin mo na ang lalaking iyan, tapos pumunta na kayo sa bahay ni Jyn,” sambit ko. “Doon na ako nagluto ng almusal natin at sumabay na kayong dalawa.”Akma pa sanang magsasalita si Miracle pero tinalikuran ko na siya at lumabas n
Asper Reign Dahlia’s PovHindi maganda ang mood ni Jyn nang bumaba siya. At nakita kong may sugat sa labi si Rajiv na kasunod nito sa pagbaba.Kaya naman agad akong lumapit sa kanila. “Anong nangyari?”Hindi sumagot si Jyn. Tiningnan lang niya ako pagkuwa’y nilagpasan at dumeretso sa garden niya.Bumaling ako kay Rajiv at nagbabakasakali na sabihin niya sa akin.Bumuntong hininga siya. “I am sorry, Asper,” aniya. “It is not really my story to tell and I hope you can understand that.”Oh. Then, it must be super serious. Nagkasakitan kasi sila eh.“But I will just give you some advice that you might use in the future.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.“Always choose what your hearts want,” aniya na lalong nagpagulo sa akin. “Kung darating man ang panahon na kakailanganin mong mamili sa dalawang pinakamahalagang tao sa buhay mo, piliin mo ang taong higit na magpapasaya sayo.”Mabilis akong umiling. “Sorry, but I can’t do that.”Siya naman ang kumunot ang noo.“Well, first of all, hindi
Caspian Jyn's Pov “Something is wrong,” iyan ang sambit ni Rajiv matapos ibaba ang kanyang cellphone pagkuwa’y tumingin sa akin. “They are acting weird.” “Who?” “Lucky and the rest of Asper’s bodyguards,” sagot niya. “What makes you think that they are weird?” I asked. “Asper changed, Jyn,” he said. “Sa isang taon natin siyang hindi nakita, malaki na ang pinagbago niya. At hindi na siya iyong tipong mananatili lang sa isang tabi, tatahimik at walang gagawin.” “Sa tingin mo ay pagtatakpan siya ng mga iyon kung mayroon man siyang ginagawa nang hindi natin nalalaman?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know how Asper thinks now. At alam ko kung gaano katakot ang mga iyon sayo, hindi pa din maalis sa isip ko na may ginagawa si Asper.” “Pull out the last batch of security details that we send there and just send Azure. Just make sure that she will not learn his identity at the group.” Ibinalik ko ang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. “Kahit gaano kalakas ang pinanghahawakan niy
Asper Reign Dahlia’s PovDad told me not to worry too much after I mentioned to him about what Hector said to me. Siniguro niya ako na nakahanda siya at si Aasiyah sa kung anuman ang maging hakbang ng palasyo.He already learned his lesson. Kaya wala na din siyang planong pangunahan pa si Aasiyah sa kung ano ang magiging desisyon nito kung sakali man na mag-propose ang palasyo ng kasal para kay Cloven.Well, kilala ko naman ang kapatid kong iyon. Kahit siya ang bunso at medyo sheltered ng buong pamilya ay hindi siya magpapakontrol sa mga taong nasa paligid niya.Tulad ko ay lalaban siya kung hindi niya gusto ang sitwasyon kaya alam kong hindi siya basta magpapadala sa mga iyon.At para makasigurado ay sinabihan ko na din si Miracle. At siniguro niya na gagawin ang lahat upang hindi maulit kay Aasiyah ang nangyaring pangha-harass sa akin ng mga nasa palasyo noon.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. At least, alam kong kahit wala ako doon ay mapoprotektahan si Aasiyah. Hindi ko k
Asper Reign Dahlia’s Pov“Ang sabi ko, ipinasa ko na nang tuluyan kay Aasiyah ang pamamahala sa foundation,” ulit ko. “Tapos nang asikasuhin ng mga lawyer namin ang pagta-transfer ng management noong isang taon pa at noong isang buwan iyon na-finalized.”Hindi pa din nawawala ang gulat sa mga mata niya matapos ang narinig. At maliban doon, bakas din ng matinding pangamba ang kanyang mukha na para bang isang maling pagkakamali ang ginawa ko.“Aware ka naman siguro na mula nang umalis ako, si Aasiyah na ang namamahala sa foundation,” dugtong ko. “At dahil nga sa nangyari sa akin at sa buhay na pinipili ko ngayon, nagdesisyon akong bitiwan ito. Nagprisinta si Aasiyah na akuin ang responsibilidad dahil nagustuhan niya din ang pagtatrabaho dito.”“You…” Napasapo siya ng noo at napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong problema niya pero para bang isang malaking balita ang narinig niya.Hindi naman mahalaga para sa foundation kung sino ang namamahala dito. As long as tuloy-tuloy ang mga
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sira ulo ka din talaga, noh?” natatawa na sabi ni Hector matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa ko sa mga tauhan ni Jyn na bodyguard ko ngayon. “Isinangkalang mo ang sarili mo para lang mapasunod ang mga iyon.”“That is all I have, okay?” sabi ko. “I can only take advantage of Jyn’s feelings for me to make them do what I want.”Napailing siya at itinuon ang atensyon sa pagpapaligo sa isang kabayo. “You like taking advantage of everything to make sure that every situation will side with you.”Nandito kami sa kwadra ng mga kabayo. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay nakaupo lang hindi kalayuan sa kanya.“Mas malala pa ang ginagawa mo noon, noh!” Inirapan ko siya. Kung makapagsalita ang lalaking ito, akala mo ay hindi niya inabuso ang posisyon niya bilang crown prince noon para makuha ang lahat ng gusto niya.“Kaya nga nagbabago na ako, hindi ba?” balik niya sa akin. “Eh ikaw? Parang lalo kang lumalala habang tumatagal.”“Well, sa mundo ng mafia na pinapasok
Asper Reign Dahlia’s PovPagdating sa farm ay agad akong sinalubong ni Hector. At agad niyang sinabi na ang trabahong napili niya ay ang pag-aalaga ng mga kabayo.Ang alam ko ay mahilig siyang mangabayo. May mga alaga sila sa palasyo at ilang beses na din siyang sumali sa mga horseback tournament kaya siguro iyon ang pinili niyang gawin habang nandito siya.Kaya kinausap ko agad si Layno, ang namamahala sa pag-aalaga sa lahat ng hayop dito sa farm, at sa kanya na ibinilin si Hector.Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako buong araw. Ginising lang ako ni Manang Judith para maghapunan at nang malalim na ang gabi ay tsaka ko tinipon ang lahat ng bodyguard na ibinigay sa akin ni Jyn.Nasa malawak na garden kami. Nakaupo ako sa ilang baitang ng hagdanan habang ang sampung miyembro ng security detail ko ay nakaupo sa damuhan.“So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo lang ba talaga ang pinadala ng boss niyo para bantayan ako?” Isa-isa ko silang tinitigan.“Yes, Miss Asper,” sagot ni Lucky. “Th
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sorry for that, Dad.” Iyan na lang ang nasabi ko kay Daddy na kausap ko ngayon sa cellphone habang nakatitig ako sa chopper niyang binabalot ng apoy na bumubulusok mula sa himpapawid. “I am still not sure about how much money I have right now but I will try to buy a new chopper for you.”Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy mula sa kabilang linya. “Don’t worry about that. Plano ko na namang ibigay na lang sa kuya mo iyan at bumili ng bago.”Napakamot ako ng ulo. “Then, nawalan pa tuloy si Kuya ng pinakamadaling transportation niya para makapagpabalik-balik siya ng Yain City nang hindi napapabayaan ang trabaho niya.”“But are you okay?” tanong ni Daddy. “Mabuti at agad niyong napansin na may problema ang chopper at nakababa agad kayo.”“Siguro ay dahil sa patuloy na pagte-training ko ay naging matalas na din ang pakiramdam ko kapag may panganib sa paligid ko.”“Are there any casualties?”“Wala naman,” sagot ko. “Sa dagat naman bumagsak ang chopper at wal
Asper Reign Dahlia’s PovMaayos na ang lahat ng kailangan ko para sa paglipat sa farm. Nandoon na din ang mga taong makakatulong sa akin sa panibagong yugto ng buhay na tatahakin ko.Though, alam ko naman na may mga pagkakataon na bibisita pa din ako dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit sobra naman yata kung makaiyak ang pamilya ko.“Seriously, guys?” Naiiling na lang ako sa kanila. Lalo na kay Kezia na sobra pa kung makayakap sa akin. “I am just three hours' drive away. Pwede kayong bumisita sa akin anytime. At bibisita pa din ako dito kapag may free time ako. You can also call me whenever you want. Hindi na ito tulad ng dati noong nasa Yain City ako na limitado lang ang communication natin.”“Iba pa rin ang nandito ka!” singhal sa akin ni Kezia. “Kung bakit ba naman kasi kailangan mo pang lumipat doon. You can manage the farm without staying there.”“I know.” Bumuntong hininga ako. “Pero ang farm ang primary source of income ko kaya kailangan kong tutukan iyon. Isa pa, kailang
Asper Reign Dahlia’s Pov“Give him time, Asper,” dagdag ni Miracle tsaka ibinagsak ang kanyang katawan sa kamang inuupuan. “He is not used to what is happening to him right now.”“I understand what is happening to him and I am trying my best not to become his burden while he is fixing everything around him,” paliwanag ko. “Kaya nga ako lalayo, hindi ba? Kaya ko pinili ang farm dahil doon, magagawa ko ang lahat ng paraan para protektahan ang sarili ko. Nang sa gayon, kapag ready na siyang balikan ako, hindi na siya mangangamba na muli akong mapapahamak.”“Ibig bang sabihin ba nito, kapag naayos na niya ang lahat at handa na siyang bumalik sayo, hindi ka magdadalawang-isip na tanggapin siya?”“Yup,” mabilis kong sagot na nagpabangon sa kanya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Moving on from him is not really part of my plan. I just want to give him space while he is working on his personal issue. And I am working on my life so I could live it the way I want without fearing for my safet
Asper Reign Dahlia’s PovPeople in the house were shocked by my decision to hire Hector and as I expected, Kuya Jasper and Kezia were against my decision. Though Dad didn’t say anything, I can see in his eyes that he is also on their side.Mom, Easter and Aasiyah were not really agreed but they respect what I want to do, just like what they kept doing for the past months.“He is changing,” giit ko sa kanila dahil paulit-ulit nilang sinasabi na hindi ko dapat pagkatiwalaan si Hector at alam ko naman kung ano ang ugali nito noon. “Why don’t you give him a chance.”“Do you really believe that he is changing?” tanong ni Kuya Jasper. “Paano pala kung nagpapanggap lang siya para makuha ang simpatya mo at kapag panatag na ang loob mo ay tsaka niya babawiin ang mga binitawan at muli kang pilitin na magpakasal?”Pinanliitan ko siyang mata. “Are you hearing yourself, right now? Hector is incapable of pretension. Iyan ang isang bagay na maganda sa kanya dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya