Walang tigil sa pagtakbo si Sylvaine kahit pa namamanhid ang mga binti at hita niya. Gusto niyang magpahinga pero hangga't nasa loob siya ng mansyon ni Gray, hindi siya makahihinga.Kun'di niya ginamit ang kumot at bedsheet para makababa sa bintana, malamang ay hindi siya makalalabas sa kwarto. Kaya lang, ang lawak ng mansyon nito, hihingalin na yata siya bago makarating sa pinaka-gate."Sh*t!" bulalas niya matapos mapansing nakasunod ang mga tauhan nito sa kanya.Pinilit niyang bilisan ang pagtakbo. Napaigik siya sa sakit. Imbis din na bumilis ay bumagal ang lakad niya.Kailangan niyang makatakas. Ayaw niyang mamatay sa kamay ni Gray.Nagka-pag-asa siya matapos matanaw na malapit na siya sa gate. Ngunit bigla rin siyang natumba at nadapa matapos may itim na sasakyang marahas na pumarada sa harap niya.Napangiwi siya at napasulyap sa kanyang tuhod. Nagdudugo na iyon at napuno ng gasgas."Tingin mo ba talaga makatatakas ka?" galit at malamig na tanong nito.Napaangat siya ng tingin. Na
"Seriously, Gray? Ni-lock mo sa kwarto?" natatawang tanong ni Joachim sa kanya mula sa video call kinabukasan. Kuminang pa ang ma-abo nitong mga mata.Tumikwas ang kilay niya, "Hindi siya ang gusto kong pag-usapan.""There must be something about her. Tinakot mo pa na kunwari pinatay mo ang tauhan mo, hindi naman," dagdag na pang-aasar ni Dimitri.Napirmi ang mga labi niya. Hindi siya papatay ng tauhan para lang kay Sylvaine. Magaling lang talagang uma-acting ang mga tauhan niya."Tapos ngayon hindi mo pakakainin pero pinagamot mo naman ang tuhod niyang may gasgas? Funny, I think you're whipped," nakangising komento ni Grego sa kanya.Tumalim ang tingin niya sa mga kaibigan. Kung hindi lang sila nagpa-plano para sa auction sa black market, hindi niya kakausapin ang mga ito."Mind your own business. I will bring her to the auction.""Baka mamaya siya bigla ang ibenta mo sa auction ah," pang-aasar ni Joachim."No one will buy her, and I don't sell my properties."Tumikwas ang kilay ni D
Mariing tinikom ni Sylvaine ang mga labi niya. Dumadagundong din ang puso niya. Ilang beses naman na siyang nakakita ng baril pero iba ngayong nasa hita niya iyon.Napalunok siya noong sumuot sa ilalim ng hita niya ang palad ni Gray. Kinuyom niya ang kamao ngunit napaawang ang mga labi matapos nitong maglagay ng itim na strap sa hitang hawak nito."This is for your protection. Kapag may nanutok ng baril sa'yo, barilin mo," madiing paalala nito."Ah? Ano? Hindi ko kailangan ng baril—""Giyera ang pupuntahan natin. Ayaw mo pa rin ng baril?"Mas lalo siyang napanganga. Naumid din ang dila niya at hindi makapagsalita. Hindi naman niya alam na ipapain siya nito agad sa kamatayan!Grabe ang kaba niya noong ilagay nito sa strap ang maliit na baril. Ito na lang kaya ang barilin niya para tapos na ang paghihirap niya? Hays!Bilang niya pa rin ang paghinga niya noong makarating sila sa venue. Nasilaw siya sa dami ng kumikinang na damit at wine glass."Humawak ka nang mabuti. Act normal, stay si
Nanlamig siya sa sagot ni Gray. Hindi siya makagalaw at mas nalito siya."B-akit ka niya tinawag na Hugo kung ganoon?"Hindi siya nito sinulyapan. Tinanguan lang nito ang waiter na naglapag ng cardboard sa mesa nila."Buy what you need only," paalala ng waiter bago umalis"So, may kambal ka?" dagdag na tanong niya rito.Ganoon pa rin. Nairita siya noong nasa stage pa rin ang tingin nito."Mr. Whitlock, I'm talking to you!"Nagtagis ang mga ngipin niya at hindi pinansin ang ilang taong napatingin sa mesa nila."Five hundred dollars!" imbis ay sigaw nito at tsaka tinaas ang cardboard.Doon niya narealize na nagsisimula na pala ang bidding."Five hundred dollars for a glass of wine. Going once, going twice," si Tim iyon na announcer pala."Five hundred dollars para sa glass of wine? Matino ka pa ba?" bulong bulong niya.Hindi siya makapaniwala na naglulustay ng ganoon kalaking halaga ang mga mayayaman para sa maliit na bagay."Miss Sylvaine, hindi kita dinala dito para makialam. Keep you
"Gagawin ko talaga 'to?" kinakabahang tanong niya kay Gray.Namilog ang mga mata niya matapos makitang binuksan nito ang butones ng sariling pants. Gusto niya biglang tumakbo pero ayaw kumilos ng mga binti niya. Hindi pa siya makatayo!"S-andali lang naman!" Tinaas niya ang mga kamay upang pigilan ang pagbaba nito sa zipper."What the h*ck are you shouting for? Parusa mo 'to sa muntikang pag-ubos ng pera ko sa pekeng bagay," maanghang na bigkas nito.Napalunok siya pero hindi niya pa rin gagawin!"Hindi naman natuloy di ba? Kasi nga peke—tsaka, naligo ka ba?"Nangunot ang noo nito, "Ano?""Uhm, baka kasi hindi naman naligo tapos ipapas*bo mo iyang ano mo." Nginuso niya pa ang bibig patungo sa umbok nito sa harapan."Seriously, woman?" hindi makapaniwalang bigkas."Naninigurado lang, Mr. Whitlock. Ako kasi hindi nakaligo. Aba naman, ang bilis lang kaya ng ten minutes na binigay—sabi ko nga mananahimik ako," agad niyang bawi matapos makitang hindi na maipinta ang mukha nito."All along,
"Mr. Whitlock, nagsubok pong tumakas," balita sa kanya ni Enzo mula sa kabilang linya.Umigting ang panga niya at kahit nasa kalagitnaan ng meeting at agad siyang tumayo."Meeting adjourned. Just send me the follow-up information for the progress of the oil company," malamig niyang utos sa mga naroon.Walang lingon siyang umalis sa conference room. Tinanguan niya ang isang tauhan upang i-handa na nito paalis ang eroplano niya."Where is she now, Enzo?""Nasa mansyon na po. Naka-double lock na po ang pinto.""Good. Buy me a lot of pregnancy test kits from different brands. Ready them tomorrow," huling utos niya bago pinatay ang tawag.Wala siyang sinayang na oras. Nanggigil siya na hindi marunong sumunod sa utos si Sylvaine. Sa biyahe pabalik ay halos lumalim ang gitla ng noo niya matapos makita sa bank statement niya ang lahat ng ginastos nito."Woman, you better pay for this all," gigil niyang bulong.Atat siyang makabalik sa mansyon at parusahan ang babaeng nagpapainit sa dugo at ul
Pakiramdam ni Sylvaine ay nawalan siya ng kulay ng mukha matapos tanggapin ang paperbag na naglalaman ng pregnancy test kit. Dinala niya iyon sa loob ng banyo at gustong dasalan na magpositibo ang resulta pero alam niyang malabo iyon."Wala pa nga akong isang buwan sa puder niya, gusto niya buntis agad?" bulong-bulong niya.Kanina pa siya nakikipagtitigan sa mga kit. Sa dami no'n mauubos ang ihi niya tapos negative din naman ang resulta. Bumuntong hininga siya at nagbukas ng limang kit, imbis na ihi ay tubig ang pinatak niya roon. Alam naman niya kasing negative iyon."Are you not yet done?" Nagtitimping kumatok si Gray mula sa pinto ng banyo.Binugso siya ng kaba, "S-andali lang! Limang minuto pa!"Hindi niya alam kung ano'ng gagawin nito sa kanya kapag nalamang hindi pa siya buntis. Hindi na nga siya natutuwa na agad itong umuwi dahil lang sa tumakas siya at gumastos ng malaki."F*ck, tatlumpung minuto ka na sa loob, hindi ka pa rin tapos?"Napairap siya kahit pa kinakabahan na. Ang
Nakatitig lang si Gray sa papaakyat na Sylvaine. Napangisi siya at nagawa pa nitong maglakad ng tuwid kahit pa alam niyang ngawit ang mga binti nito.Humithit siya sa sigarilyo at sinenyasan ang mga katulong na linisin ang kusina."Mr. Whitlock, masamang balita," ani Enzo matapos tingnan ang cellphone nito.Napataas ang kilay niya at agad na umigting ang panga. Kapag ganitong masamang balita ay hindi kayang ipagsawalang bahala."May nagtangka po muling tapusin na ang buhay ni Ma'am Lea," agad na dagdag nito.Tumalim ang tingin niya at gigil na tinapon sa sahig ang upos ng sigarilyo."Round table, Enzo," madiin niyang bigkas bago umakyat sa hagdan.Dumiretso sila sa third floor ng mansyon. Agad siyang umupo sa pabilog na mesa bago binuksan ang malaking screen sa harap upang makausap ang mga kaibigan niya."Freaking bad news. They are really trying to kill Lea," agad niyang balita.Nagsalubong ang mga kilay ni Gustavo, "Ayaw mo bang ilipat siya sa ospital ko kaysa paulit-ulit na nangyay
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali