Nakatitig lang si Gray sa papaakyat na Sylvaine. Napangisi siya at nagawa pa nitong maglakad ng tuwid kahit pa alam niyang ngawit ang mga binti nito.Humithit siya sa sigarilyo at sinenyasan ang mga katulong na linisin ang kusina."Mr. Whitlock, masamang balita," ani Enzo matapos tingnan ang cellphone nito.Napataas ang kilay niya at agad na umigting ang panga. Kapag ganitong masamang balita ay hindi kayang ipagsawalang bahala."May nagtangka po muling tapusin na ang buhay ni Ma'am Lea," agad na dagdag nito.Tumalim ang tingin niya at gigil na tinapon sa sahig ang upos ng sigarilyo."Round table, Enzo," madiin niyang bigkas bago umakyat sa hagdan.Dumiretso sila sa third floor ng mansyon. Agad siyang umupo sa pabilog na mesa bago binuksan ang malaking screen sa harap upang makausap ang mga kaibigan niya."Freaking bad news. They are really trying to kill Lea," agad niyang balita.Nagsalubong ang mga kilay ni Gustavo, "Ayaw mo bang ilipat siya sa ospital ko kaysa paulit-ulit na nangyay
Hindi mapakali si Sylvaine noong magdilim na sa labas. Pabalik-balik ang lakad niya sa loob ng kanyang kwarto. Naisalba niya ang sarili kanina kay Gray at napilit niya pa na maging banayad ito sa kanya pero kinakabahan pa rin siya. Hindi niya alam kung ano'ng dadatnan sa kwarto nito. Baka mamaya ay huling gabi na pala niya.Napaigtad siya matapos bumukas ang pinto at sumilip mula roon si Enzo."Master's bedroom, Dr. Sylvaine," malamig nitong utos.Inirapan niya ito at agad na lumabas. Tinuro nito ang dulong kwarto bago siya iwanan. Parang gusto niyang magpahatid dito para mabawasan ang kaba niya kaya lang ay nakababa na ito ng hagdan."May lahi yata talaga silang ninja," bulong niya sa sarili. Lahat kasi ng tauhan ni Gray ay mabibilis kumilos.Huminga siya nang malalim bago dumiretso sa kwartong iyon. Kumatok pa siya ngunit nabitin sa ere ang katok niya noong bumukas iyon. Napakurap siya matapos makitang bagong ligo si Gray at tanging sweat pants ang suot."Come in. Are you ready?" se
Mahigpit na kumapit sa bedsheet si Sylvaine habang patuloy si Gray sa ginagawa sa pagitan ng mga hita niya. Hindi niya magawang pumikit lalo pa't kitang-kita niya ang ayos nila sa mga salaming nasa kisame. Hindi siya makapaniwalang dadagdag sa init na nararamdaman niya ang makitang nakasubsob sa ibaba niya si Gray."Ohhh!" hindi niya mapigilang d*ing matapos maramdaman ang dila nitong nanunukso.Napaliyad siya at nadiin ang mga paa sa kama. Hindi niya magawang maisara ang mga hita lalo pa't malaking lalaki si Gray. Kitang-kita niya ang bawat flex ng muscles nito sa braso at likod."Gosh, uh."Mabigat siyang huminga at mas kumapit sa bedsheet. Ramdam na niya ang tagaktak ng pawis sa buong katawan niya."Ohh, sh*t!" malakas niyang ungol matapos maramdaman ang panginginig ng hita niya.Ilang segundo pa ay hinahapo na siya matapos makarating sa r*rok. Ni hindi pa siya nakakahinga nang maluwag ay agad nang gumapang sa itaas niya si Gray."Love what you're seeing?" bulong na tanong nito, ti
Napangiwi siya noong muli nitong higpitan ang hawak sa kamay niya. Pilit niyang binabawi iyon ngunit mas malakas ito."Oo na! Mapanganib ka na!"Umigting lang ang panga nito. Akmang magsasalita kung wala lang kumatok sa pinto. Agad siya nitong binitiwan at bumangon sa kama."Cover your body," madiing utos nito bago nagsuot ng roba.Napairap siya ngunit nagtago rin sa ilalim ng kumot. Pumikit siya ngunit ang tainga niya ay nakikiramdam sa kung sino ang kumatok."Mr. Whitlock, may transaksyon si Mozzi. Smuggled guns, papunta na roon sina Sir Joachim at Sir Gustavo."Namilog ang mga mata niya sa narinig mula kay Enzo. Literal na kinabahan siya. Napasigaw pa siya noong hilahin ni Gray ang kumot."Get dressed. Sasama ka sa'kin."Hindi pa siya nakasasagot ay tinalikuran na siya nito at dumiretso sa banyo. Napamaang siya, bakit siya sasama? Ano tingin sa kanya nito, tiga-salo ng bala?Pumikit siya nang mariin upang maalis ang inis niya. Binalot niya ang sarili ng kumot. Paano siya lilipat sa
"Huwag mo siyang babarilin, Gray." Hinila niya ang t-shirt nito ngunit hindi ito natinag."Hindi mo yata kilala nang buo ang ex-boyfriend mo, Dr. Sylvaine," maanghang na bigkas ni Gray sa kanya.Napalunok siya. Paglingon niya kay Brylle ay galit na ang tingin nito at umiigting ang panga. Kung mati-trigger ito ay baka mauna pa itong bumaril kaysa kay Gray."I know him, so please don't pull the gun's trigger, Gray.""He's an enemy. Alam mong leader siya ng Ma—""Shut up, Whitlock!" mabagsik at gigil na putol ni Brylle sa sasabihin ni Gray, "Let her go. She's not supposed to be here. This is not what I want for her," pagdidiin nito.Muli na namang nag-init ang sulok ng mga mata niya sa narinig. Kapakanan pa rin niya ang iniisip ni Brylle kahit pa ito naman mismo ang bumasag sa puso niya noon."Why would I? You broke her heart before. At gaya ng sabi ko, pag-aari ko siya. Hindi sa'yo, kun'di sa akin!" malakas na sigaw ni Gray.Mas lalong umigting ang panga ni Brylle pagkaraan ay sumulyap
Humindi siya kay Gray. Himalang nirespeto nito ang desisyon niya at hinayaan siyang magpahinga sa araw na iyon. Kaya lang, hindi naman siya nakapagpahinga kakaisip kay Brylle. Pilit sumasagi sa isip niya na ikakasal na ito. Kahit mangarap siyang tumakbo ito sa kasal ay siya naman itong hindi makakawala kay Gray. Si Gray na ang gusto lang sa kanya ay anak.Bumagsak ang luha niya at hinaplos ang kanyang tiyan. Napangiti siya nang mapait. Kasabay ng pagkawala sa kanya ni Brylle ay siya ring pagkawala ng kakayahan niyang magbuntis. Dati, pangarap niyang bumuo ng malaking pamilya lalo pa't lumaki siyang mag-isa. Gusto niya ng pamilyang matatawag niyang kanya ngunit napaka-imposibleng mangyari pa iyon. Pati buhay niya ngayon, nakasangla na rin kay Gray kahit wala naman siyang pagkaka-utang dito.Ilang araw din siyang nagmukmok at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niyang hindi siya ginulo ni Gray. Ni hindi ito natulog sa sariling kwarto na pinagtataka niya. Hindi rin naman siya lumabas pa
Hindi agad nakakilos si Sylvaine sa nararamdamang kabog ng puso niya. Sobrang lakas ng tibok no'n at parang kakawala sa d*bdib niya. Ngayon lang siya nakaramdaman ng ganoon.Bumigat ang paghinga niya at ayaw ng lingunin pa muli si Gray. Para nitong hinihigop ang lakas niya."B-akit mo naman ako hahayaan na manatili sa comfort zone mo?""Because I want to," mabilis nitong sagot.Napapikit siya sa mainit nitong hininga na humaplos sa pisngi niya."Come on, stargazing is fun if we will lay on the bed, Dr. Sylvaine."Mabilis siyang napamulat ng mga mata matapos nitong lumayo at pahigang bumagsak sa kama. Dinipa nito ang isang braso sa kama at tinapik ang espasyo sa ibaba noon."You're free to use my arm as your pillow.... for tonight." Umangat ang gilid ng labi nito at muling tinapik ang espasyo sa kama.Nahigit niya ang hininga dahil pakiramdam niya ay kinikiliti ang sistema niya. Normal lang naman sigurong kiligin di ba? Masama bang matuwa kahit pa ang lalaking kasama niya ay ang mismon
Napalunok siya, "It's an invitation. Brylle Russo and Cassandra Mozzi's engagement party," nanghihina niyang bigkas matapos mabuksan ang invitation card."Tss, as if you didn't know that he is getting married," may halong inis na bulong ni Gray.Hindi siya nakakibo sa sinabi nito pero nagulat matapos nitong agawin ang card sa kamay niya."Ano'ng gagawin mo riyan?""Itatapon. This belongs in the trash." Naningkit bigla ang mga mata nito matapos makita ang nag-aalalang reaksyon niya, "Do not tell me you want to see him?" madiin nitong tanong.Napalunok siya muli at napalayo rito. Umiwas siya ng tingin dahil iyon ang naiisip niya. Akala niya ay okay na siya at wala ng pakialam kay Brylle pero sa totoo lang, gusto niya itong makita."Woman, ikaw mismo ang gumagawa ng ikakasakit mo," may talim ang boses nito.Napayuko siya ngunit hindi nagsalita. Totoo naman ang sinabi nito."Fine. Pupunta tayo ngayong gabi, but don't you dare cry, because I am not gonna wipe your tears."Hinagis nito muli
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali