"Welcome back, Zane. Kamusta sina Tita at Ace?" Bungad na tanong ni Chino sa kaibigan nila na kadarating lamang sa safehouse ay nagpatawag na agad ng meeting. "How’s your flight? Kamusta nga pala si Serenity?" "Everything is fine for now." Tugon ni Zane habang agad siya na umupo at nagsimula nang manghingi ng mga report sa mga kaibigan niya. "Ano na ang naging balita kay Jaime? Any reports about his whereabouts and plans? Kamusta ang abogado ni Manolo, nailipat na ba natin? Sigurado ako na may mga tauhan pa si Jaime na nakamanman sa atin, ano ang update?" As usual, he doesn't have time for greetings and pleasantries, and all he wanted was to get straight to the point of their meeting. "Hanep ka talaga, Zane, wala man lang kamustahan? Direktang tanong agad patungkol sa trabaho." Pagbibiro naman ni Bogs sa kan’ya habang pa-iling-iling pa. "Maayos ako; maayos kayo; then we focus on the mission." Wala naman din talaga siyang balak na magsayang pa ng oras sa pakikipagkamustahan sa mga
"I am not sure about this, but I am leaving it all up to you. I mean, we can give him a chance, after all ay nagkausap na rin naman sila ng asawa mo at nagkapaliwanagan, pero siyempre depende pa rin iyon sa magiging pasya mo." As expected, the leaders of the Bastardos are still convening regarding Tristan Rances. Pare-pareho nila na hindi inaasahan ang pakiusap na iyon galing pa mismo sa lalaki na itinuring nila na kalaban nila, pero nang makiusap si Tristan na iparating ang hiling niya kay Zane ay wala na lamang din nagawa si Chino kung hindi ang magpasya na ipaalam sa grupo nila ang lahat dahil naisip din niya na makakatulong sa kanila ang nalalaman ni Tristan. They will need all the help and backing that they need for their fight with Zane's father at bagama’t walang sapat na tauhan si Tristan ay mukhang marami na rin ang impormasyon na nakuha nito dahil sa kagustuhan nito na makaganti kay Manolo noon. Ang tanong na lamang ngayon ay kung mapagkakatiwalaan nga ba nila ang lalaki?
It had been days, and despite his attempts to talk and to see Manolo, everything was futile. Ilan beses nang nagtangka si Jaime Lardizabal na makausap ang matandang Enriquez pero lagi lamang na mensahe ang ipinapadala nito sa kan’ya na puno ng dahilan kung bakit hindi sila maaari na magkita sa ngayon. Magulo pa raw ang sitwasyon at kailangan nila na mag-lie low. At iyon ang rason kung bakit napupuno na rin siya ng mga pag-aagam-agam. Nais niya na paniwalaan na walang ginagawa si Manolo Enriquez na laban sa kan’ya pero hindi niya rin maiwasan na maghinala dahil sa biglaan na parang panlalamig nito na tulungan ang organisasyon niya sa mga transaksyon na dati nito na ginagawa. But at the same time, Jaime also can’t stop feeling that something might have happened to his ally. Ngunit kung ano iyon ay iyon ang hindi niya tuluyan na mabigyan ng paliwanag. Bantay-sarado niya at malimit niya na sinisigurado na hindi pag-iinitan ng gobyerno si Manolo at ang EMG kaya naman talagang hindi niya
"Have you tracked the number? Alam na ba ninyo kung sino ang tarantadong naglakas loob na mag-text sa akin para sabihin na hawak niya si Manolo? Dammit! I need answers right now." Kagaya na lamang ng aasahan ay mainit ang ulo ni Senator Jaime Lardizabal dahil sa natanggap niya na mensahe mula sa isang hindi kilalang numero at kahit na wala pa man kompirmasyon iyon dahil kasalukuyan pa na bineberika ng mga tauhan niya kung sino sa mga kaaway nila ang nanggugulo ay nagwawala na agad ang kalooban niya. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman kung sino ang kumakalaban sa kan'ya. "Hinihintay pa namin ang resulta ng mga imbestigasyon, Senator Lardizabal, but one thing is certain: the number is not from your son. Wala iyon sa mga numero na nakuha ng impormante natin na ginagamit ng anak mo at ng grupo niya kaya kung sino man ang may hawak kay Manolo ay isang bagong kaaway iyon." "Bullshit! Akala ko ba ang grupo ni Zane ang nakalaban nila Manolo, bakit ngayon ay sinasabi mo sa
"He passed the test, Zane. Nagawa niya ang mga pinapagawa mo sa kan’ya at mukhang nababahala ang ama mo sa mga mensahe na iyon. He just got another message that Jaime Lardizabal is open to making a deal in exchange for Manolo. Mukhang si Manolo talaga ang mahalaga sa ama mo sa ngayon dahil sa EMG." Ang report na iyon ni Jed ang kanina pa rin na hinihintay ni Zane dahil nais niya na malaman kung ano ang resulta ng utos nila. They had been doing phase one of their plan at iyon ay ang laruin ang ama niya sa pagbibigay ng mga maling impormasyon na makakapagpagulo sa sistema nito. Ang plano nila ay ang mailayo si Jaime hindi lamang kay Serenity kung hindi maging sa abogado ni Manolo kaya naman nagpadala sila ng mga mensahe na nasa poder nila si Manolo Enriquez at sapat na iyon upang agad sila na bigyan ng atensyon ng senador, pero siyempre hindi alam ng ama niya na sila ang nagpapadala ng mensahe na iyon. And phase one of their plan is also a test for someone who wanted so badly to join
"Senador Lardizabal, may bago tayong problema." Iyon pa lamang ang nasasabi ng tauhan ni Jaime sa kan’ya ay agad nang nagpanting ang tainga niya. Sa lahat ng ayaw niya na i-re-report sa kan’ya ay ang mga problema. Hindi pa nga siya tapos sa isa na alalahanin ngunit ito na naman at mukhang may nagbabadya na naman na panibagong suliranin para sa kan’ya na kailangan niya na solusyunan. Padabog niya na ibinaba ang dokumento na hawak at saka umalingawngaw ang malakas na boses niya sa silid. "Ano na naman ang problema?! Wala na ba kayong iba na i-re-report sa akin kung hindi panay problema na lamang? Sawang-sawa na ako sa paghahanap ng mga solusyon sa problema na sinasabi ninyo! Kayo dapat ang gumagawa noon dahil binabayaran ko kaya para solusyunan ang mga problema ko at hindi ang iasa sa akin ang lahat! Lintik!" Alam ng tauhan ng senador na magagalit ang amo niya lalo na at hindi lamang isang problema ang hatid niya na balita kung hindi dalawa ngunit mas lalo naman na hindi niya maaari na
"Kumpleto na ang lahat ng pinapaayos mo, Zane. Handa na rin ang lahat ng mga tauhan natin sa mga gagawin nila sa misyon." Pagbibigay impormasyon ni Bogs sa lider nila sa simula pa lamang ng meeting na ipinatawag nito para sa buong Bastardos. Makalipas ang ilan araw na pagplano ay nalalapit na sila sa pinakamabigat na laban na kakaharapin ng grupo nila kaya naman puspusan din ang ginawa nila na paghahanda para roon. And as expected, Zane’s plan went according to how they were expecting things to unfold. It was Jaime Lardizabal who initiated a talk with his son this time. Ang tatay na nang-iwan sa sariling anak niya kapalit ng pansarili na pangarap; ang ama na sadya na kinalimutan ang anak para sa personal na interes ang siya ngayon na mismo na lumalapit sa bastardong inabandona at kinalimutan niya upang makatulong na mabigyan ng kasagutan ang maraming problema na dumarating sa kan’ya. Mula noon hanggang ngayon ay hindi alintana ni Jaime Lardizabal ang pagiging makasarili niya at ang l
"Zane, handa na ang lahat. Maghihintay na lamang ng tawag natin ang contact natin sa EMG na ibinigay ni Aliya para masigurado na maipapasa natin ang mga impormasyon na manggagaling sa ama mo at siya mismong sisira sa sarili niya. Sinigurado rin niya sa atin na hindi tayo madadawit kung sakali dahil sila na ang bahala na magbigay ng impormasyon sa kalaban ng ama mo na noon pa rin naghihinala sa mga gawain nito." Pagbibigay impormasyon ni Bogs habang kasalukuyan sila na bumibiyahe patungo sa target location nila. This is the day that they have all been waiting for. Ang araw kung saan susubukan nila na buwagin ang isa sa mga pinakamalaking sindikato na pinangungunahan ni Senador Jaime Lardizabal. Walang kasiguraduhan ang bawat hakbang na gagawin nila sa araw na ito at ang lahat ay magdedepende kung paano nila mapapapaniwala ang ama ni Zane sa mga plano nila. Ang lahat ay dedepende sa lakas ng loob at tibay ng paninindigan nila. Hindi magiging madali ang lahat dahil sigurado sila na bago
Tapos na po ang story nina Zane at Serenity. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Pasensya na po kung natagalan ng sobra ang pagtatapos ng kuwento nila dahil naging sobrang busy po sa work. Again, thank you to all the readers. Sana po ay basahin ninyo rin ang iba ko pa na story sa GN. (Completed) The Invisible Love of Billionaire Married to the Runaway Bride Falling for the Replacement Mistress The Rise of the Fallen Ex-Wife My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) (On-going) In Love with His Brother's Woman (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress The Runaways' Second Chance Mate
"We’re home! Finally!" Patakbo pa na pumasok si Serenity sa mansyon ng mga Enriquez na animo batang excited na excited sa muling pagbabalik. Masayang-masaya rin niya na binabati ang mga kasambahay at tauhan nila na naroon para salubungin siya. After so many months away from home, she is finally back. They are finally back. "Welcome back, Mam Serenity." bati pa ng mga tauhan sa kan'ya. "Kamusta kayong lahat? Kamusta ang mansyon na wala na si Daddy?" tanong naman niya. "Ibang-iba, Mam Serenity, dahil parang laging may kulang." sagot ng mayordoma nila. "Miss na rin namin si Sir Manolo." "Ako rin naman, pero hindi niya gugustuhin na malungkot tayo. Let's enjoy that I am back for good now." Matagal-tagal din siya na nawala dahil halos kalahating taon din sila na namalagi sa ibang bansa at tumira sa magulang at kapatid ni Zane bago sila nagdesisyon na mag-asawa na magbalik na sa Pilipinas. Idagdag pa roon na bago pa mangyari ang mga kaguluhan ay hindi na rin siya madalas na umuuwi sa m
“Babe, I miss you.” Nakangiti na bati ni Zane sa asawa niya na kasalukuyan na nasa garden. Napangiti naman agad si Serenity pagkakita sa kan'ya kaya naman nang makalapit siya ay mabilis din na pumulupot ang mga braso niya sa beywang nito kasabay sa paghalik sa labi nito. "How was your day?" "I miss you." Sagot naman ni Serenity sabay ganti ng halik sa kan'ya at pagyapos din sa beywang niya. "Will you two stop with the PDA?" Pagrereklamo naman ni Ace na kasama ni Zane na dumating. "Kailangan ba talaga na lagi ninyo na gagawin iyan sa harapan ko?" Nagkatawanan lamang ang mag-asawa at nagpatuloy sa paglalambingan nila habang patuloy na binabalewala ang pagrereklamo ng kapatid ni Zane sa tabi nila. It has almost been four months since Zane made the decision to walk away from the people he considers his family, and life has been different for him. Does he regret doing so? Of course not, because he is living his life with the person he considers his salvation, but he can't deny the fact
"Tanga ka ba, Zane? Bakit umalis ka pa rin?" Hindi maiwasan ni Jed na mainis sa kaibigan nila matapos nito na ikuwento sa kan'ya ang panibagong problema na kinakaharap nito sa asawa nito na si Serenity. "Gago ka rin talaga. Binigyan ka na pala ng ulitmatum, umalis ka pa rin? Sigurado ka ba na kaya mo na harapin ang magiging desisyon ng asawa mo kung sakali? Ang lakas ng loob mo na makipagsabayan sa pagmamatigas niya pero sa huli ikaw naman ang maghahabol." "Ano ang gusto mo na gawin ko, Jed? Basta na lamang ako na umayon sa gusto niya?" tanong naman ni Zane pabalik sa kaibigan niya. "Tang-ina! My life is so messed up. Natapos ko nga ang problema natin sa tarantadong ama ko pero ito na naman at panibagong problema na naman ang kakaharapin ko. And what’s worst is that this time I don't think I can be able to solve this." "Why can't you? Madali lang naman ang problema na iyan, ibigay mo lang ang sagot na nais na marinig ng asawa mo at matatapos ang problema mo. It's as simple as that, s
It took him roughly a week to recuperate and be back on his toes, and all throughout it was his wife who was by his side. Hindi siya iniwan ni Serenity at lagi na nakaalalay ang asawa niya sa kan’ya sa lahat ng pgkakataon. Isang linggo matapos niya na magising ay nagdesisyon sila ng mga Bastardos na mangibang-bansa pansamantala at lumayo muna sa kaguluhan. Mainit pa ang usapin sa pulitika lalo na ang pagkakahuli sa ama niya. Oo, hindi siya ang nanaig na nag-iisang Lardizabal dahil gaya niya ay buhay pa rin ang ama niya. Napuruhan man niya si Jaime pero katulad niya ay nakaligtas din sa kamatayan ang ama niya. Tunay nga na ang dugong Lardizabal ay hindi basta-basta na namamatay, So has he failed the mission? No. Hindi man siya ang natirang nag-iisang Lardizabal sa laban nila ng ama niya ay napabagsak naman nila ang sindikato nito gaya ng plano nila. Kasalukuyan nang nakakulong ang senador habang hinihintay ang paglilitis sa patong-patong na kaso na kahaharapin nito. Nakabantay rin an
It was the same scenario that she is in. Parehong-pareho sa tagpo nila ng ama niya noon kung saan nakaratay si Manolo habang ang pagtunog lamang ng mga aparato na nakakabit sa pasyente ang maririnig ang kinakaharap niya na senaryo. Iyon na iyon din ang parehong sitwasyon niya habang nasa loob siya ng silid na kinaroroonan ng asawa niya na siya naman na nakaratay ngayon at nag-aagaw-buhay. It took her a lot of courage to be able to be here. She wanted to see Zane, but she was terrified of what she would see kaya naman nagpalakas muna siya ng loob niya. Mabuti na lamang din at nakapag-usap sila ni Jed kanina at iyon ang nakapagbigay lakas at kumpiyansa sa kan’ya na puntahan na ang asawa niya at kausapin. Umaasa siya na mag-iiba naman ang takbo ng kapalaran nila at kapag kinausap nga niya si Zane ay talagang lalaban ang asawa niya para mabuhay. She had tried the same tactic with her father before, but still, her father chose not to fight, and that is the reason why she is so scared to fa
"Zane is in a critical condition. He is almost dying." Ang mga salita na iyon ni Ace ang paulit-ulit na naririnig ni Serenity na parang echo sa kan’yang isipan. At sapat na ang mga salita na iyon para gumuho ang mundo niya. It is like history is repeating itself again for her. Ilan beses ba siya na pasasakitan ng tadhana at ilan beses ba nito na ipaparanas sa kan'ya ang mga tagpo na ayaw na sana niya na balikan pa? This is the same scenario as with her father, where things didn’t go well in the end kaya hindi niya ngayon alam kung paano haharapin ang tagpo na ito na ang sariling asawa na niya ang malaki ang posibilidad na mawala sa kan’ya. Hindi na nga niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas para mag-ayos at kahit maglakad man lamang pero ito na siya ngayon sa sasakyan patungo sa isang lugar kung saan naroon ang asawa niya. All through the flight, she was anxious and crying at alam niya na ganon din ang nararamdaman nina Ace at Amalia pero sa kabila noon ay mas inalala p
"Serene, baka gusto mo na sumama kay Ace na mamasyal. He can bring you to the mall; after all, Zane mentioned to me that you like shopping a lot. You might want to go out and enjoy yourself, even for a while." If it were the Serenity before, she would surely grab the opportunity and say yes right away to Zane’s mother, but she is a different Serene now, and going out is no longer a part of her favorite things to do. All she needed to be able to make her happy was to see her husband again. Si Zane lamang ang kailangan niya at wala nang iba pa. "Yes, Serenity, I can take you out and tour you around. You need to get out of here, or you’ll be bored to death here." Dagdag na pagyaya naman ni Ace sa kan’ya. "I am free the whole day, so I can spend time with you." Bahagya na lamang siya na umiling kasabay sa tipid na pagngiti niya sa mag-ina. Lubos siya na nagpapasalamat sa presensya ng ina at kapatid ni Zane na siyang nagiging sandigan niya sa ngayon habang wala ang kan'yang asawa, pero h
"What?! Baliw ka na ba talaga, Zane? Hindi puwede ang nais mo na mangyari. Alam mo na walang iwanan sa laban." "Nakapagdesisyon na ako, Chino." "Mamamatay ka sa kamay ng ama mo ng walang laban. Nakita mo ba kung gaano siya kagalit kanina nang malaman niya ang mga ginawa natin? Nakita mo ba ang paghihimagsik ng kalooban niya para sa'yo? Hindi maaari ang gusto mo dahil wala iyan sa plano natin." Hindi kaya ni Chino na iligtas ang kan'yang sarili habang si Zane ay magsasakripisyo alang-alang sa kaligtasan nila. Iisa lamang ang misyon nila at nangako rin siya kay Jed na hindi niya hahayaan na may mangyari na masama sa lider nila. Alam din niya kasi kung gaano isinasakripisyo ni Jed ang sarili nito sa bawat laban nila lalo na at si Zane ang lagi nito na kasama at handa rin siya na gawin iyon para sa kaibigan. "Wala rin sa plano natin ang maipit tayo rito. Wala na tayong ibang pagpipilian, Chino. Kailangan na makalabas kayo para makahingi kayo ng back-up, I will try to buy as much time a