"Ready?" Pagtango naman ang naging tugon ni Serene sa tanong na iyon ng asawa niya habang pababa sila ng sasakyan. As what her days has been, once again they have to transfer safe houses. Hindi niya masasabi na nasasanay na siya sa ganitong buhay pero maaari na kahit paano ay nakaka-adjust na rin siya. Alam na niya ang kahalagahan ng paglilipat nila ng lugar kada ilan araw at hindi man niya iyon gusto ay hindi na rin naman niya iyon tinututulan pa. Hawak-kamay sila ni Zane na pumasok sa safehouse habang kasunod nila si Jed. It has always been Jed who is with them all the time kaya sanay na rin siya sa presensya ng kaibigan ng asawa niya. But admittedly, things were never the same between them. Alam niya na kahit paano ay ilag na rin sa kan’ya ang mga kabarkada ni Zane at hindi naman niya rin iyon kukuwestiyunin pa. Maaari na nasaktan siya ng grupo pero hindi rin maikakaila na nasaktan niya ang mga lalaki na itinuring na rin niya na kaibigan niya. Pagkapasok pa lamang sa safehouse ay
Halos mabingi si Aliya sa sinabi na iyon ni Serenity sa kan’ya. Kung kanina ay malakas ang loob niya ngayon ay unti-unti na siyang pinanghihinaan ng loob. Si Tristan na lamang ang pinaghuhugutan niya ng lakas kaya hindi niya ngayon alam kung paano ang gagawin niya. Nagmamadali ang bawat hakbang niya at natataranta siya habang magkasabay sila ni Serenity na naglalakad. Nanginginig ang mga tuhod niya at naghahabol na siya ng hininga niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. She is slowly being consumed by the emotions that she is feeling. "Tristan!" Ang sigaw niya na iyon ang umalingawngaw pagbukas ng silid at iyon din ang nagpadilat sa nobyo niya na nakaupo habang nakagapos. Halata rin ang gulat ni Tristan na makita siya. "Ali." Nang makita ang nobyo ay nagmamadali na tinungo niya si Tristan at yumakap sa lalaki. Hindi man siya nito mayakap pabalik ay sapat nang nayayakap niya ang nobyo niya ulit. She almost thought that she had lost him. Nang sabihin kasi ni Serenity kanina na
"Finally, some nice quiet time." "Wow! Sa tingin mo ba talaga ay magkakaroon tayo ng sinasabi mo na iyan na nice and quiet time?" Pabiro na tanong ni Chino kay Bogs habang tumutungga sa lata ng alak. "Basag trip ka rin talaga ano, Chino. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama-sama binabasag mo pa rin ang trip ko." At hindi naman din talaga nagsisinungaling si Bogs nang sabihin niya na ngayon na lamang talaga sila nagkita-kita na magkakaibigan. It had been roughly two weeks since they last saw each other because they need to be as discreet as possible, except for Zane and Jed, who are always together given that they need to look after Serenity. "Hindi ko binabasag ang trip mo, Bogs. Nagsasabi lamang ako ng totoo dahil ayaw ko lang din na lokohin mo ang sarilli mo." Naiiling na lamang sina Zane at Jed sa pinag-uusapan ng dalawa dahil sa totoo lamang din naman talaga ay lubhang naging seryoso ang buhay nila sa nakalipas na mga linggo. They are used to the mafia life, but what they are
Ilan araw matapos ang paghaharap nila nina Tristan at Aliya ay muli na naglipat-bahay ang mag-asawa, pero kaibahan sa mga nakalipas na paglilipat nila pakiramdam ni Serenity na pangmatagalan na ang pag-alis nila na ito ngayon. They boarded Zane’s private plane, and even though she wanted so much to ask questions, she is preventing herself from doing so. Masyadong marami siyang tanong sa kan'yang isipan at hindi niya alam kung handa ang asawa niya na sagutin ang lahat ng iyon, kaya imbis na madismaya lamang siya kung hindi sasagutin ni Zane ang lahat ay mas minabuti niya na tumahimik na lamang at magmatyag. Aaminin niya na hindi niya inakala na may ganitong kapasidad ang asawa niya. Her husband seems to be a billionaire in disguise; is this part of the Lardizabal's wealth or being a Bastardos leader? She even thought that Zane was not really that rich compared to her, but then again, her mind gave her the answer that she sought: her husband is part of a gang, so it is understandable w
"Serenity Enriquez? Anak nga ni Manolo Enriquez? Nababaliw ka na ba talaga? Kailan pa? Bakit? Ano ba ang pumasok sa isip mo at nagpakasal ka sa isang Enriquez?" "Ma, hindi ito ang oras para pag-usapan natin ito. Pagod kami sa biyahe kaya mamaya mo na ako bungangaan." "And how did you even get married without my knowledge? Alam mo naman na matagal kong hinintay na magdesisyon ka na magpakasal na tapos gagawin mo lamang iyon ng biglaan. Bakit mo ba patuloy na inilalayo ang sarili mo sa amin, Zane? Why do you keep doing this?" "Ma, alam mo na hindi iyan totoo." Ayaw ni Zane ng drama at iyon din ang pangunahing rason niya kung bakit pilit niya na ayaw na umuwi rito sa kan’yang ina. His mother can be too emotional without even a reason, and he doesn't have the strength or the inclination to keep explaining the decision he made. "Wala kang dapat na ikagalit sa pagpapakasal ko at wala kang dapat ikaiyak dahil nandito na ako." "Nandito ka na nga pero may kasama ka naman. Umuwi ka nga pero
"So you’re telling me that you’re already married, Zane?" Pagtaas at baba lamang ng ulo niya ang naging tugon ni Zane sa kapatid niya na si Ace. "As in, you are married for real?" "Yep. Married for real." tugon niya. Matapos ang hindi inaasahan na paghaharap nila kanina ay inihatid niya muna si Serene sa silid nila at saka binalikan ang kapatid para makapag-usap sila. Alam niya kasi na gaya ng ina ay marami rin katanungan si Ace para sa kan’ya at nais na niya na masagot iyon agad. "Well, that’s a surprise considering that you don’t want to be involved in a family." "Is that sarcasm I am hearing from you?" Nakaarko pa ang kilay niya ng magbalik-tanong sa kapatid. "You know so well that when you get married, it literally means you are starting a family, right?" Muli na nagtaas at baba ang ulo niya kasabay sa tugon niya sa kapatid. "Yes, I know." "Kailan pa nag-iba ang ihip ng hangin para sa’yo? Ano ang nangyari at biglang iba na ang naging plano mo sa buhay mo?" Dagdag na tanong
Kanina pa palakad-lakad si Serenity at hindi mapakali lalo nang iwan siya ng kan’yang asawa sa silid nila. She should be relieved that she is alone now, but she still can't. Mas lalo lamang ang kaba na nararamdaman niya dahil sigurado siya na siya ang pinag-uusapan sa labas ng silid na iyon. Hindi maikakaila na ayaw sa kan’ya ng ina ni Zane dahil narinig niya ang usapan ng dalawa kanina kaya naman hindi rin maalis sa isip niya ang maghinala sa kung ano ang pinag-uusapan ng asawa niya at ng kapatid nito. Maaari kasi na hindi rin niya makuha ang suporta ng kapatid ni Zane, pero mahalaga nga ba iyon sa kan'ya? She can only release an exhaustive sigh after realizing that Zane has a brother. Ngayon lamang niya talaga napagtatanto na marami pa siyang mga bagay na hindi alam patungkol sa asawa niya kaya hindi niya rin tuloy na maiwasan na tanungin ang sarili niya kung gano’n ba talaga siya katanga at kapusok. How can she even marry a man that she doesn't really know anything about? Pagmam
"I know, Jed, and I plan to tell her tonight." Kasabay sa kan’yang mga sagot ay ang sunod-sunod din na pagbubuntong-hininga na ginagawa ni Zane habang kausap sa telepono ang matalik na kaibigan niya. "Alam ko naman iyon kaya lang hindi nagiging madali ang lahat dahil sa tinotopak pa nga ang nanay ko. Nakausap ko na si Ace at hindi ko man makuha ang suporta ni Mama ay si Ace na muna ang bahala." "Sigurado ka ba na kaya mo na iwan ang asawa mo kahit na alam mo na may problema pa riyan? We don't have much time, Zane. Nagsisimula nang gumalaw ang mga galamay ng ama mo kaya kailangan na natin planuhin ng maigi ang mga susunod na hakbang natin." "Alam ko, Jed." "Kailangan mo nang makabalik bukas kaya kailangan mo nang kausapin ang asawa mo at sabihin sa kan’ya ang mga plano mo. Siya nga ang unang dapat na kinakausap mo tungkol sa bagay na ito kaysa sa nanay at kapatid mo." Pangungulit na naman ni Jed. Alam naman ni Zane ang pinaghuhugutan ng kaibigan niya sa patuloy na pangungulit na iy