"Finally, some nice quiet time." "Wow! Sa tingin mo ba talaga ay magkakaroon tayo ng sinasabi mo na iyan na nice and quiet time?" Pabiro na tanong ni Chino kay Bogs habang tumutungga sa lata ng alak. "Basag trip ka rin talaga ano, Chino. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama-sama binabasag mo pa rin ang trip ko." At hindi naman din talaga nagsisinungaling si Bogs nang sabihin niya na ngayon na lamang talaga sila nagkita-kita na magkakaibigan. It had been roughly two weeks since they last saw each other because they need to be as discreet as possible, except for Zane and Jed, who are always together given that they need to look after Serenity. "Hindi ko binabasag ang trip mo, Bogs. Nagsasabi lamang ako ng totoo dahil ayaw ko lang din na lokohin mo ang sarilli mo." Naiiling na lamang sina Zane at Jed sa pinag-uusapan ng dalawa dahil sa totoo lamang din naman talaga ay lubhang naging seryoso ang buhay nila sa nakalipas na mga linggo. They are used to the mafia life, but what they are
Ilan araw matapos ang paghaharap nila nina Tristan at Aliya ay muli na naglipat-bahay ang mag-asawa, pero kaibahan sa mga nakalipas na paglilipat nila pakiramdam ni Serenity na pangmatagalan na ang pag-alis nila na ito ngayon. They boarded Zane’s private plane, and even though she wanted so much to ask questions, she is preventing herself from doing so. Masyadong marami siyang tanong sa kan'yang isipan at hindi niya alam kung handa ang asawa niya na sagutin ang lahat ng iyon, kaya imbis na madismaya lamang siya kung hindi sasagutin ni Zane ang lahat ay mas minabuti niya na tumahimik na lamang at magmatyag. Aaminin niya na hindi niya inakala na may ganitong kapasidad ang asawa niya. Her husband seems to be a billionaire in disguise; is this part of the Lardizabal's wealth or being a Bastardos leader? She even thought that Zane was not really that rich compared to her, but then again, her mind gave her the answer that she sought: her husband is part of a gang, so it is understandable w
"Serenity Enriquez? Anak nga ni Manolo Enriquez? Nababaliw ka na ba talaga? Kailan pa? Bakit? Ano ba ang pumasok sa isip mo at nagpakasal ka sa isang Enriquez?" "Ma, hindi ito ang oras para pag-usapan natin ito. Pagod kami sa biyahe kaya mamaya mo na ako bungangaan." "And how did you even get married without my knowledge? Alam mo naman na matagal kong hinintay na magdesisyon ka na magpakasal na tapos gagawin mo lamang iyon ng biglaan. Bakit mo ba patuloy na inilalayo ang sarili mo sa amin, Zane? Why do you keep doing this?" "Ma, alam mo na hindi iyan totoo." Ayaw ni Zane ng drama at iyon din ang pangunahing rason niya kung bakit pilit niya na ayaw na umuwi rito sa kan’yang ina. His mother can be too emotional without even a reason, and he doesn't have the strength or the inclination to keep explaining the decision he made. "Wala kang dapat na ikagalit sa pagpapakasal ko at wala kang dapat ikaiyak dahil nandito na ako." "Nandito ka na nga pero may kasama ka naman. Umuwi ka nga pero
"So you’re telling me that you’re already married, Zane?" Pagtaas at baba lamang ng ulo niya ang naging tugon ni Zane sa kapatid niya na si Ace. "As in, you are married for real?" "Yep. Married for real." tugon niya. Matapos ang hindi inaasahan na paghaharap nila kanina ay inihatid niya muna si Serene sa silid nila at saka binalikan ang kapatid para makapag-usap sila. Alam niya kasi na gaya ng ina ay marami rin katanungan si Ace para sa kan’ya at nais na niya na masagot iyon agad. "Well, that’s a surprise considering that you don’t want to be involved in a family." "Is that sarcasm I am hearing from you?" Nakaarko pa ang kilay niya ng magbalik-tanong sa kapatid. "You know so well that when you get married, it literally means you are starting a family, right?" Muli na nagtaas at baba ang ulo niya kasabay sa tugon niya sa kapatid. "Yes, I know." "Kailan pa nag-iba ang ihip ng hangin para sa’yo? Ano ang nangyari at biglang iba na ang naging plano mo sa buhay mo?" Dagdag na tanong
Kanina pa palakad-lakad si Serenity at hindi mapakali lalo nang iwan siya ng kan’yang asawa sa silid nila. She should be relieved that she is alone now, but she still can't. Mas lalo lamang ang kaba na nararamdaman niya dahil sigurado siya na siya ang pinag-uusapan sa labas ng silid na iyon. Hindi maikakaila na ayaw sa kan’ya ng ina ni Zane dahil narinig niya ang usapan ng dalawa kanina kaya naman hindi rin maalis sa isip niya ang maghinala sa kung ano ang pinag-uusapan ng asawa niya at ng kapatid nito. Maaari kasi na hindi rin niya makuha ang suporta ng kapatid ni Zane, pero mahalaga nga ba iyon sa kan'ya? She can only release an exhaustive sigh after realizing that Zane has a brother. Ngayon lamang niya talaga napagtatanto na marami pa siyang mga bagay na hindi alam patungkol sa asawa niya kaya hindi niya rin tuloy na maiwasan na tanungin ang sarili niya kung gano’n ba talaga siya katanga at kapusok. How can she even marry a man that she doesn't really know anything about? Pagmam
"I know, Jed, and I plan to tell her tonight." Kasabay sa kan’yang mga sagot ay ang sunod-sunod din na pagbubuntong-hininga na ginagawa ni Zane habang kausap sa telepono ang matalik na kaibigan niya. "Alam ko naman iyon kaya lang hindi nagiging madali ang lahat dahil sa tinotopak pa nga ang nanay ko. Nakausap ko na si Ace at hindi ko man makuha ang suporta ni Mama ay si Ace na muna ang bahala." "Sigurado ka ba na kaya mo na iwan ang asawa mo kahit na alam mo na may problema pa riyan? We don't have much time, Zane. Nagsisimula nang gumalaw ang mga galamay ng ama mo kaya kailangan na natin planuhin ng maigi ang mga susunod na hakbang natin." "Alam ko, Jed." "Kailangan mo nang makabalik bukas kaya kailangan mo nang kausapin ang asawa mo at sabihin sa kan’ya ang mga plano mo. Siya nga ang unang dapat na kinakausap mo tungkol sa bagay na ito kaysa sa nanay at kapatid mo." Pangungulit na naman ni Jed. Alam naman ni Zane ang pinaghuhugutan ng kaibigan niya sa patuloy na pangungulit na iy
"Bakit, Zane? Bakit nagdedesisyon ka para sa akin na hindi mo man lamang ako tinanong kung ayos lang ba?" "Serene, delikado ang sitwasyon. Hindi ko kaya na ilagay ka pa sa alanganin. Kasalanan ko na nga kung bakit ka nasali sa gulo kaya kailangan ko na ayusin ito. Babalik naman ako. Babalikan kita kapag maayos na ang lahat." And once again, Serenity is left in tears hearing about her husband’s plans. Pakiramdam niya ay muli na naman siya na niloko at pinaglihiman ni Zane. Wala talaga siyang plano na makinig sa usapan ng mag-ina pero nang madaanan niya ang pagtatalo ng dalawa at inakala niya na dahil na naman iyon sa kan’ya ay may sariling buhay ang katawan niya na nakinig sa usapan kahit na alam niya na mali iyon. And that’s when she heard him say it. "I will be leaving Serenity in your care, Ma." And more than him leaving her in his mother’s care, what struck her the most in that statement was when he said that he may or may not come back. Ano ba ang akala ni Zane sa kan'ya? Oo ng
"Senator, nakatanggap kami ng mga report na kasama nga ang grupo ng bastardo mo sa nakalaban ng grupo ni Manolo." "What?" "Bineberipika na namin ang report na iyon kung may katotohanan o inililigaw lamang tayo. Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyari pero wala pang inilalabas na report patungkol doon." "Hanggang kailan tayo maghihintay para magawa nila ang trabaho nila? Gumawa na kayo ng sarili ninyong imbestigasyon at huwag nang umasa pa sa mga palpak na kapulisan na iyan." "Masusunod, Senator Lardizabal." "Ano ang balita sa heredera? Where is she? Where is Manolo’s daughter? Wala pa rin ba kayong balita kung saan itinatago ni Manolo ang anak niya?" Umagang-umaga pa lamang ay nanggagaglaiti na agad si Jaime Lardizabal lalo na at wala pa rin saysay ang mga report na nakakarating sa kan'ya patungkol sa nangyari na engkuwentro. Hindi na nga nila mahanap si Manolo pati ang mga importante na tauhan pa nito ay hindi rin nila makita gaya na lamang ng abogado
Tapos na po ang story nina Zane at Serenity. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Pasensya na po kung natagalan ng sobra ang pagtatapos ng kuwento nila dahil naging sobrang busy po sa work. Again, thank you to all the readers. Sana po ay basahin ninyo rin ang iba ko pa na story sa GN. (Completed) The Invisible Love of Billionaire Married to the Runaway Bride Falling for the Replacement Mistress The Rise of the Fallen Ex-Wife My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) (On-going) In Love with His Brother's Woman (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress The Runaways' Second Chance Mate
"We’re home! Finally!" Patakbo pa na pumasok si Serenity sa mansyon ng mga Enriquez na animo batang excited na excited sa muling pagbabalik. Masayang-masaya rin niya na binabati ang mga kasambahay at tauhan nila na naroon para salubungin siya. After so many months away from home, she is finally back. They are finally back. "Welcome back, Mam Serenity." bati pa ng mga tauhan sa kan'ya. "Kamusta kayong lahat? Kamusta ang mansyon na wala na si Daddy?" tanong naman niya. "Ibang-iba, Mam Serenity, dahil parang laging may kulang." sagot ng mayordoma nila. "Miss na rin namin si Sir Manolo." "Ako rin naman, pero hindi niya gugustuhin na malungkot tayo. Let's enjoy that I am back for good now." Matagal-tagal din siya na nawala dahil halos kalahating taon din sila na namalagi sa ibang bansa at tumira sa magulang at kapatid ni Zane bago sila nagdesisyon na mag-asawa na magbalik na sa Pilipinas. Idagdag pa roon na bago pa mangyari ang mga kaguluhan ay hindi na rin siya madalas na umuuwi sa m
“Babe, I miss you.” Nakangiti na bati ni Zane sa asawa niya na kasalukuyan na nasa garden. Napangiti naman agad si Serenity pagkakita sa kan'ya kaya naman nang makalapit siya ay mabilis din na pumulupot ang mga braso niya sa beywang nito kasabay sa paghalik sa labi nito. "How was your day?" "I miss you." Sagot naman ni Serenity sabay ganti ng halik sa kan'ya at pagyapos din sa beywang niya. "Will you two stop with the PDA?" Pagrereklamo naman ni Ace na kasama ni Zane na dumating. "Kailangan ba talaga na lagi ninyo na gagawin iyan sa harapan ko?" Nagkatawanan lamang ang mag-asawa at nagpatuloy sa paglalambingan nila habang patuloy na binabalewala ang pagrereklamo ng kapatid ni Zane sa tabi nila. It has almost been four months since Zane made the decision to walk away from the people he considers his family, and life has been different for him. Does he regret doing so? Of course not, because he is living his life with the person he considers his salvation, but he can't deny the fact
"Tanga ka ba, Zane? Bakit umalis ka pa rin?" Hindi maiwasan ni Jed na mainis sa kaibigan nila matapos nito na ikuwento sa kan'ya ang panibagong problema na kinakaharap nito sa asawa nito na si Serenity. "Gago ka rin talaga. Binigyan ka na pala ng ulitmatum, umalis ka pa rin? Sigurado ka ba na kaya mo na harapin ang magiging desisyon ng asawa mo kung sakali? Ang lakas ng loob mo na makipagsabayan sa pagmamatigas niya pero sa huli ikaw naman ang maghahabol." "Ano ang gusto mo na gawin ko, Jed? Basta na lamang ako na umayon sa gusto niya?" tanong naman ni Zane pabalik sa kaibigan niya. "Tang-ina! My life is so messed up. Natapos ko nga ang problema natin sa tarantadong ama ko pero ito na naman at panibagong problema na naman ang kakaharapin ko. And what’s worst is that this time I don't think I can be able to solve this." "Why can't you? Madali lang naman ang problema na iyan, ibigay mo lang ang sagot na nais na marinig ng asawa mo at matatapos ang problema mo. It's as simple as that, s
It took him roughly a week to recuperate and be back on his toes, and all throughout it was his wife who was by his side. Hindi siya iniwan ni Serenity at lagi na nakaalalay ang asawa niya sa kan’ya sa lahat ng pgkakataon. Isang linggo matapos niya na magising ay nagdesisyon sila ng mga Bastardos na mangibang-bansa pansamantala at lumayo muna sa kaguluhan. Mainit pa ang usapin sa pulitika lalo na ang pagkakahuli sa ama niya. Oo, hindi siya ang nanaig na nag-iisang Lardizabal dahil gaya niya ay buhay pa rin ang ama niya. Napuruhan man niya si Jaime pero katulad niya ay nakaligtas din sa kamatayan ang ama niya. Tunay nga na ang dugong Lardizabal ay hindi basta-basta na namamatay, So has he failed the mission? No. Hindi man siya ang natirang nag-iisang Lardizabal sa laban nila ng ama niya ay napabagsak naman nila ang sindikato nito gaya ng plano nila. Kasalukuyan nang nakakulong ang senador habang hinihintay ang paglilitis sa patong-patong na kaso na kahaharapin nito. Nakabantay rin an
It was the same scenario that she is in. Parehong-pareho sa tagpo nila ng ama niya noon kung saan nakaratay si Manolo habang ang pagtunog lamang ng mga aparato na nakakabit sa pasyente ang maririnig ang kinakaharap niya na senaryo. Iyon na iyon din ang parehong sitwasyon niya habang nasa loob siya ng silid na kinaroroonan ng asawa niya na siya naman na nakaratay ngayon at nag-aagaw-buhay. It took her a lot of courage to be able to be here. She wanted to see Zane, but she was terrified of what she would see kaya naman nagpalakas muna siya ng loob niya. Mabuti na lamang din at nakapag-usap sila ni Jed kanina at iyon ang nakapagbigay lakas at kumpiyansa sa kan’ya na puntahan na ang asawa niya at kausapin. Umaasa siya na mag-iiba naman ang takbo ng kapalaran nila at kapag kinausap nga niya si Zane ay talagang lalaban ang asawa niya para mabuhay. She had tried the same tactic with her father before, but still, her father chose not to fight, and that is the reason why she is so scared to fa
"Zane is in a critical condition. He is almost dying." Ang mga salita na iyon ni Ace ang paulit-ulit na naririnig ni Serenity na parang echo sa kan’yang isipan. At sapat na ang mga salita na iyon para gumuho ang mundo niya. It is like history is repeating itself again for her. Ilan beses ba siya na pasasakitan ng tadhana at ilan beses ba nito na ipaparanas sa kan'ya ang mga tagpo na ayaw na sana niya na balikan pa? This is the same scenario as with her father, where things didn’t go well in the end kaya hindi niya ngayon alam kung paano haharapin ang tagpo na ito na ang sariling asawa na niya ang malaki ang posibilidad na mawala sa kan’ya. Hindi na nga niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas para mag-ayos at kahit maglakad man lamang pero ito na siya ngayon sa sasakyan patungo sa isang lugar kung saan naroon ang asawa niya. All through the flight, she was anxious and crying at alam niya na ganon din ang nararamdaman nina Ace at Amalia pero sa kabila noon ay mas inalala p
"Serene, baka gusto mo na sumama kay Ace na mamasyal. He can bring you to the mall; after all, Zane mentioned to me that you like shopping a lot. You might want to go out and enjoy yourself, even for a while." If it were the Serenity before, she would surely grab the opportunity and say yes right away to Zane’s mother, but she is a different Serene now, and going out is no longer a part of her favorite things to do. All she needed to be able to make her happy was to see her husband again. Si Zane lamang ang kailangan niya at wala nang iba pa. "Yes, Serenity, I can take you out and tour you around. You need to get out of here, or you’ll be bored to death here." Dagdag na pagyaya naman ni Ace sa kan’ya. "I am free the whole day, so I can spend time with you." Bahagya na lamang siya na umiling kasabay sa tipid na pagngiti niya sa mag-ina. Lubos siya na nagpapasalamat sa presensya ng ina at kapatid ni Zane na siyang nagiging sandigan niya sa ngayon habang wala ang kan'yang asawa, pero h
"What?! Baliw ka na ba talaga, Zane? Hindi puwede ang nais mo na mangyari. Alam mo na walang iwanan sa laban." "Nakapagdesisyon na ako, Chino." "Mamamatay ka sa kamay ng ama mo ng walang laban. Nakita mo ba kung gaano siya kagalit kanina nang malaman niya ang mga ginawa natin? Nakita mo ba ang paghihimagsik ng kalooban niya para sa'yo? Hindi maaari ang gusto mo dahil wala iyan sa plano natin." Hindi kaya ni Chino na iligtas ang kan'yang sarili habang si Zane ay magsasakripisyo alang-alang sa kaligtasan nila. Iisa lamang ang misyon nila at nangako rin siya kay Jed na hindi niya hahayaan na may mangyari na masama sa lider nila. Alam din niya kasi kung gaano isinasakripisyo ni Jed ang sarili nito sa bawat laban nila lalo na at si Zane ang lagi nito na kasama at handa rin siya na gawin iyon para sa kaibigan. "Wala rin sa plano natin ang maipit tayo rito. Wala na tayong ibang pagpipilian, Chino. Kailangan na makalabas kayo para makahingi kayo ng back-up, I will try to buy as much time a