Isang guwapo at matipuno na lalaki ang nasa opisina ni Manolo Enriquez. May katangkaran at medyo moreno. Hapit na hapit ang suot nito na damit na pinatungan ng itim na leather jacket. Kahit nakaupo ay mahahalata ang maganda at matipuno nito na pangangatawan. Tahimik siya na nakaupo at naghihintay lamang sa mga tanong na ipupukol sa kan’ya ng matanda na kaharap niya.
Tahimik naman si Manolo na pinagmamasdan ang lalaki na kaharap niya. Maya’t-maya niya rin na binabalik-balikan ang hawak-hawak niya na papel na naglalaman ng kumpleto na detalye ng lalaki na nasa opisina niya ngayon.
Just like before, he was faced with another man that he needed to interview for a position that was never available in the first place. But he can’t really say no to his angel. He will always be at the beck of her desires and whims.
"Tristan Rances." Paninimula ni Manolo habang tinanguan siya ng kan’yang kausap upang kumpirmahin ang pangalan na kan’yang binanggit. "Start telling me about yourself and your skills."
"Tristan Rances, sir." sagot naman ng kan’yang kaharap. "Graduate of management, sir, but I realized that working in an office is not really my passion. I like action and being on the field, sir, and that is why I shifted to training in the special forces. Hindi lamang pumayag ang mga magulang ko na maging parte ako ng elite force kaya naging bodyguard na lang ako. But don’t get me wrong, hindi basta bodyguard lang ang trabaho na ito sa akin. This job is fulfilling, as it is my dream kaya naman-"
"Kaya naman, you are hired." Isang boses ng babae ang pareho na nagpalingon kina Manolo at Tristan sa may pintuan. At doon nakatayo ang ngiting-ngiti na magandang babae na sobra ang igsi ng suot na bestida. "Hi, Tristan!" Kinikilig-kilig pa nito na sabi habang lumakad papalapit sa kinauupuan ng aplikante na iniinterbyu.
"Angel, what are you doing here again?" Nakabusangot na tanong naman ni Manolo sa babae na walang pakundangan na pumasok sa kan’yang opisina habang iniinterbyu niya si Tristan. "You know so well that you are not supposed to be here when I’m talking to someone."
Hindi nawawala ang matamis na ngiti sa babae na umupo pa sa harapan ni Tristan at nag-cross leg pa, kaya naman lalo na tumaas ang suot-suot nito na maikli na bestida. Agad naman na ibinalik ni Tristan ang kan’yang atensyon sa lalaking kanina ay kausap niya. The woman is clearly seducing him, but he won't heed.
"Sweetie, Linda told me that Tristan is here. At alam na alam ko naman na kung ano-ano na naman ang mga walang basehan mo na itatanong sa kan’ya, so I am doing the honors of hiring him."
"What?" Napalakas ang boses ni Manolo kaya naman bahagya na napalunok si Tristan. Hindi naman nagpatinag ang babae at inarko pa ang kilay sa matandang lalaki.
Parehas na natigilan ang dalawa habang si Tristan ay palipat-lipat lamang ang tingin sa kanila. Umirap pa ang babae kay Manolo saka binalingan si Tristan. "You’re hired, Tristan. You’ll be my bodyguard." Kumindat pa ang babae sa kan'ya saka tumayo, nag-flying kiss kay Manolo at lumabas ng silid na iyon.
Napabuntong hininga na lamang si Manolo at muli na ibinalik ang atensyon sa lalaking kaharap. "As it is, you’re hired, Tristan Rances. You’ll be the bodyguard of my daughter, Serenity Enriquez."
—---
"Serene, alam mo na hindi maaari ang gusto mo. Malalagot ako sa tatay mo. I need this job, kaya please naman." Pakiusap ni Tristan kay Serenity habang ang babae ay nakakunyapit sa braso niya. "Serene, please."
Huminto si Serenity sa paglalakad at mataray na hinarap ang lalaki. Ipinagkrus pa niya ang mga braso sa kan’yang harapan saka inarko ang kilay. "Isang tanong, isang sagot, Tristan. Do you, or do you not?"
"Serenity, huwag ka na nga magtanong ng mga ganyan. Sabi ko naman sa’yo na hindi maaari ang gusto mo dahil matatanggal ako sa trabaho." Tristan is frustrated. He wanted to, and he wants to say yes, but he knows he can’t.
Napasimangot si Serenity at bumuntong hininga pa. "Huling tanong na ito, Tristan. Do you like me and want to be with me, or do you not want to? At siguraduhin mo na totoo ang isasagot mo sa akin."
Walang nagawa ang lalaki kung hindi ang mapahimas sa kan’yang batok. "I do." Sagot niya na ang mata ay nakatuon sa babae sa kan’yang harapan. "I like you, but I can’t. Kailangan ko ng trabaho at kapag nalaman ng tatay mo na tinalo ko ang anak niya ay siguradong malilintikan ako."
Ngiting-ngiti si Serenity sa naging tugon ni Tristan. "You like me, I like you, tapos ang usapan natin. This conversation is just between you and me. Walang Manolo Enriquez ako na binanggit. And believe me, you’ll stay in your job. Ako nga ang nagpa-hire sa’yo kahit na may bodyguard na ako, kaya hindi mo kailangan na mag-alala sa sasabihin ng daddy ko."
And that is enough assurance for Tristan to believe in Serenity’s words and start a relationship with her.
Serenity Enriquez, nag-iisang anak at heredera ni Manolo Enriquez. Lumaki at nag-aral sa ibang bansa sa pangangalaga ng tiyahin na kapatid ng kan’yang ina. Serene was so heartbroken when her mother died during her teenage years, and with her father busy running their media empire ay napagpasyahan na ipadala muna siya sa Amerika.
And everything is going smoothly until she graduates and starts working. Nang makapagtapos sa pag-aaral ay roon naman parang nakakawala si Serenity at kung ano-ano na kalokohan ang ginagawa. At isa lang ang rason niya sa mga kalokohan niya na iyon. She wanted her father's attention. And she aims to have it in whatever way she can.
Kaya naman nang malaman ng kan’yang ama ang maraming boyfriend nito at ang sakit ng ulo ng tiyahin niya dahil sa kung gaano siya kabilis na magbihis at mag-shopping ay ganoon din siya kabilis na magpalit ng boyfriend ay mabilis siya na pinauwi sa Pilipinas upang magtrabaho na lamang sa kumpanya nila kahit na wala iyon sa plano.
Pero gano'n pa man, kahit na napa-uwi na siya ng kan'yang ama ay para naman din na walang ipinagbago sa kan'ya. She still plays around and changes boyfriends on a weekly basis. And simply because hindi pa rin niya nakukuha ang atensyon na nais niya buhat sa kan'yanga ama. Madalas lamang na ibinibigay ni Manolo sa kan'ya ang mga hinihiling niya, but she wanted more than material things. She wanted to feel her father's presence in her life. But her father still can't.
Masyado na abala ang ama niya sa pagpapatakbo ng empire nila, kaya walang ibang paraan si Manolo kung hindi ibigay na lamang at sundin ang mga kapritso ng kan'yang anak para makabawi. At kadalasan ay lubha na rin na sumasakit ang ulo ng kan'yang ama na wala rin naman na magawa upang hindian ang mga bagay na hinihiling niya.
And that includes Tristan Rances. She doesn’t really need a bodyguard pero nang makita niya ang lalaki sa lobby ng building nila at naghahanap ng trabaho, she instantly fell in love with him. Kaya naman pinilit niya ang daddy niya na palitan ang dating bodyguard niya. Hindi naman tinanggal ang dating nagbabantay sa kan’ya kung hindi idinagdag na lamang sa bodyguard ng ama niya. And the rest is history now. Tristan Rances is her boyfriend, but just like everyone else, he will be no different from them dahil kapag nagsawa na siya sa relasyon nila, she simply has to say goodbye to him.
And that’s what happened to their so-called relationship after three months. Masuwerte pa nga si Tristan at umabot siya ng tatlong buwan kay Serenity na madalas ay isang buwan o linggo nga lang ang mga nagiging nobyo.
"I am sorry, Tristan. It’s not you; it’s just really me. I am the problem."
"Serene, pag-usapan natin ito. Bakit naman ang bilis mo na magbago?"
"I am sorry, Tristan. I need to find myself. I lost myself when I entered a relationship with you."
"Ano? How can you lose yourself when I was the one who lost my identity because of you?"
Napa-ismid si Serenity sa sagot na iyon. "Kaya nga, let’s end this. Pareho tayo na nawawala kaya paano pa tayo magtatagpo kung pareho pala na wala na tayo sa mga sarili natin? Tutal, baliw-baliwan lang ang peg natin, tapusin na natin ito."
"Serene, paano ang trabaho ko?" Tristan is actually not expecting anything from Serenity. Alam naman niya na ito ang mangyayari dahil ilan sa kasamahan na rin niya sa trabaho ang nagbabala sa kan'ya. Trabaho lamang naman talaga rin ang tangi na konsiderasyon niya rito, pero hindi naman maikakaila na nagustuhan na rin niya si Serenity. Ngunit hindi niya pipilitin ang babae na manatili sa piling niya kung ayaw na nito sa kan'ya. But he still needs his job, after all.
"Tristan, it’s okay. You can still have your job. Relasyon lang naman natin ang matatapos pero hindi ang pagiging mag-amo natin. You can still be my bodyguard." Serenity knew that more than their so-called relationship, it was the job that Tristan was actually considering.
Napangiti si Tristan, he badly needed the job, kaya kahit na ayaw niya na lumabas na kahiya-hiya sa dating nobya he needs to lower his pride and forget about his damn ego. "Thank you, Serene."
"Thank you, Tristan, for the three months." Iyon ang huling salita ni Serenity bago siya pumasok sa loob ng bar at iwan si Tristan sa labasan para hintayin ang pag-uwi niya.
The easiest breakup she ever had entails a night of pure fun! Kaya nagpakalasing-lasing siya dahil sa muli ay malaya na siya. Tatlong buwan rin siya na nakulong sa pagka-mahigpit ni Tristan, and she let him, para naman maramdaman ng lalaki ang pagiging nobyo nito sa kan'ya. But eventually, everything has to end. Tristan is okay, but still not the man that she wishes to marry. And someday, Serenity hopes to find that man who will change her life forever.
May kasabihan nga na "Be careful with what you wish for, because it just might come true." And that night, as Serenity made that wish, the heavens heard her, and she was entangled with a man that she never thought would change her life forever because of one drunken night.
It has been three months or more; they even lost track of it, but the search for the missing woman with the long, straight black hair remains futile. Nauubusan na rin ng mga paraan ang mga tauhan niya. Sinubukan na nila na mag-abang sa mga posible na pagtatambayan muli ng babae pero talagang wala silang makita na tutugma sa kaisa-isang deskripsyon na naaalala ni Zane. Kaya ano pa nga ba ang aasahan kung hindi ang init ng ulo na kakaharapin ng mga miyembro ng mga Bastardos buhat sa kanilang lider na si Zane Lardizabal. Ang Bastardos ang grupo ng mga kalalakihan ngayon na ang tangi na rason sa pagiging bahagi ng magulong mundo ng mafia ay para pasakitin at guluhin ang mga tahimik na buhay ng mga magulang nila. Mga magulang na nang-iwan at nagpabaya sa kanila. Life has never been easy for them, and they vow to get revenge in every possible way. Zane Lardizabal, anak sa pagkabinata ng senador na si Jaime Lardizabal. Ang pangako na kasal ng kan’yang ama sa kan’yang ina ay nabaon na lamang
"Perfect. I like this new style, Talens." Ito ang tangi na nasambit ni Serenity habang titig na titig siya sa kan’yang sarili buhat sa salamin. Serenity had just had her makeover. Sawa na siya sa wavy shoulder length hair niya kaya naman muli niya ito na pinaputulan into a bob cut chin length with the messy water wavy roll style. And from the burgundy reddish hair she used to have, she changed it to a brownish purple color. And she just so loved the effect it had on her. "Perfectly beautiful as always, Serene." Sagot naman ni Talens habang ngiting-ngiti rin na nakatingin kay Serenity. "I know, right. I have to go now, Tal. But once again, thank you for squeezing me into your busy schedule." Sambit pa niya habang isinusuot ang dark shades niya. "It is my pleasure. And anyway, no harm done, as it is also just about time for my next appointment." sagot pa ng kaibigan niya na hairdresser. "I’ll see you soon, Serene." "Yes, and I am promising to inform you ahead of time and make an ap
"Yes, Dad. I’ll go home on time tonight. And no, I won’t drop by the office today. Yes, kasama ko si Tristan at ang mga bodyguards. No, hindi ako lalabas mamayang gabi with my friends. Can we end the call now?" Nais nang tapusin ni Serenity ang tawag ng kan’yang ama. Ang aga-aga ay kung ano-ano na naman ang ibinibilin nito sa kan’ya na para siyang isang bata na paslit. Napaparolyo na lamang siya ng kan'yang mata habang naka-ipit ang telepono sa pagitan ng kan’yang balikat at tainga. Hawak-hawak niya ang kan’yang kape sa isang kamay habang ang isang kamay ay pilit naman na ipinapasok ang kan’yang wallet sa kan’yang bag. "Fuck it!" Nagulat si Serenity sa malakas na boses ng lalaki na bigla na nagsalita. "Are you blind?!" sigaw pa nito sa kan’ya. Naiinis man ay pinigilan niya ang kan'yang sarili. Mabilis niya na isinuksok ang wallet sa kan'yang bag at nag-angat siya ng kan'yang ulo. At doon nanlaki ang kan'yang mga mata nang makita ang pormal na pormal na damit na suot ng kaharap niya n
It was a normal day at EMG. Ang lahat ay nagmamadali na makapasok sa trabaho para sa panibago na araw nila na iyon. Everyone had smiles on their faces, except for one. And that is Serenity Enriquez. Ang aga-aga ay inis na inis na naman siya sa kan’yang ama na pinilit pa siya na pumunta sa opisina ngayon. She was not supposed to be here, but her father threatened to cut off all her credit cards if she didn't report to the office and start working every day. It was part of their agreement. Parte ng kanilang usapan pero hindi niya tinutupad. Nagtatrabaho naman nga siya sa Marketing department, pero kung kailan lamang niya nais na pumasok ay roon lamang din siya papasok. And her father has had enough of her. And with no other choice left, she is here with her father to report for work. Nagkagulo ang lahat sa maaga na pagdating ng CEO. Ang kanina na mga ngiti sa mga empleyado ay napalitan ng pagtataas ng kilay habang ang iba naman ay nag-umpisa nang magbulungan. She is here. The antagon
"Huwag ka na sumimangot diyan, Serene. May tsismis ako sa’yo at tiyak ko na matutuwa ka at magugustuhan mo na mamalagi sa Marketing." Naparolyo na lamang ng kanyang mga mata si Serenity. Ginawa pa siya na tsismosa ng serkretarya ng ama niya. "Linda, si Maritess ka ba talaga? Huwag mo nga ako na igaya sa’yo dahil ayaw ko ng tsismis." "Sigurado ako na magugustuhan mo ang tsismis ko. At puwede ka pa na mamili dahil dalawa iyon." "Wala akong oras para riyan, Linda. Mabuti pa sumunod ka na lang sa amo mo at bahala na lamang ako sa sarili ko na mag-isa." "Naku! Hindi puwede, Serene. Narinig mo ang utos ni CEO at malalagot ako kapag hindi tayo sumunod. Halika na at isasama kita sa opisina mo sa Marketing. May dalawang bagong guwapo na empleyado roon." "Wala akong paki, Linda. Kahit na sino pa na guwapo ang naroon, I don't care. Nakita ko na ang Mr. Right ko at kasalukuyan ko na siya na pinapahanap dahil magpapakasal na kami." "Nyek! Nakita mo na pero pinapahanap mo pa? Hindi connect ang
"I have to work. Unlike you, I have to do real work around here and not just rely on connections." Pareho na napasinghap ang dalawang babae sa sinagot na iyon ni Axel. And he knows so well that he is not supposed to say that. Hindi siya dapat na mawala sa karakter niya pero kapag kaharap niya ang kabit ni Manolo ay hindi niya maiwasan ang sobra na galit na nararamdaman niya para rito. Ipinagkrus ni Serenity ang kan’yang mga braso at taas kilay na hinarangan si Axel. Sumosobra na talaga ang future fiancé niya at namumuro na rin ang lalaki na ito sa kan’ya. "I work here." "You play around here. While everyone of us works, all you do is waste your precious time playing around." And this man always has an answer for every word that Serenity says. At mas lalo lamang na nagiging challenge si Axel para kay Serenity dahil doon. Axel was the first man who outright rejected her. "I do real work here, so excuse me, marami pa ako na kailangan na gawin." Nilagpasan siya ni Axel pero mabilis niya
"Ano ang sinabi mo, Zane? Ulitin mo nga? Tama ba ang narinig ko? Tama ba na sinabi mo na ang babae na maluwag ang turnilyo ay ang nag-iisa na anak ni Manolo Enriquez?" Hindi makapaniwala na tanong ni Jed sa kan’yang kaibigan habang nagtatanghalian sila sa isang restaurant sa labas ng kanilang opisina. Nagkita-kita silang apat na magkakaibigan upang mapag-usapan nila ang bagong impormasyon na nakuha ni Zane kani-kanina lamang. At iyon ay ang impormasyon na lubha na nakapagpagulo sa kanilang lahat: si Serenity ang heredera ni Manolo Enriquez. "You heard me, Jed. Huwag ninyo nang ipaulit sa akin ang mga bagay na narinig ninyo na." Asar na asar talaga si Zane na nagkamali ang impormante nila sa pagbibigay sa kanila ng mga impormasyon. "Tell your informant, Jed, that he is fucking stupid! Binabayaran natin siya para makakuha tayo ng tamang impormasyon at hindi ang hula-hula niya lang. Puta! Ang laki ng bayad sa kan'ya pero mali-mali ang mga sinabi niya. Akala ko ba ay nasa Amerika ang nag
Napalingon ang mga kababaihan sa dalawang lalaki na sabay na naglalakad papunta sa marketing department. Pareho na guwapo at matipuno, at sila ang madalas ngayon na inaabangan ng mga kababaihan na empleyado sa EMG. Ang mga bagong pasok na pareho na walang itulak kabigin sa kaguwapuhan at sa appeal. Ang isa ay mukhang masungit, pero ang isa naman ay palangiti. Gano’n pa man, pareho sila na may nakakahumaling na tindig at awra. They look so dangerously handsome kahit na parang pareho na tahimik at mabait. "Hi, Axel, and hi, Jed." Bati pa ng ilang sa mga empleyada na taga-departamento rin nila. Tipid na pagngiti at pagtango lamang ang isinagot ng dalawa dahil hindi sila maaari na madiskaril sa mga plano nila ngayon. They have a mission for today. And that mission is Aliya Valero. And they have to ensure that Aliya falls for Zane’s charms. Fall hard enough for her to disclose the information that they would need to fast-track their plan against Manolo Enriquez. But if Aliya won't work fo
Tapos na po ang story nina Zane at Serenity. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Pasensya na po kung natagalan ng sobra ang pagtatapos ng kuwento nila dahil naging sobrang busy po sa work. Again, thank you to all the readers. Sana po ay basahin ninyo rin ang iba ko pa na story sa GN. (Completed) The Invisible Love of Billionaire Married to the Runaway Bride Falling for the Replacement Mistress The Rise of the Fallen Ex-Wife My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) (On-going) In Love with His Brother's Woman (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress The Runaways' Second Chance Mate
"We’re home! Finally!" Patakbo pa na pumasok si Serenity sa mansyon ng mga Enriquez na animo batang excited na excited sa muling pagbabalik. Masayang-masaya rin niya na binabati ang mga kasambahay at tauhan nila na naroon para salubungin siya. After so many months away from home, she is finally back. They are finally back. "Welcome back, Mam Serenity." bati pa ng mga tauhan sa kan'ya. "Kamusta kayong lahat? Kamusta ang mansyon na wala na si Daddy?" tanong naman niya. "Ibang-iba, Mam Serenity, dahil parang laging may kulang." sagot ng mayordoma nila. "Miss na rin namin si Sir Manolo." "Ako rin naman, pero hindi niya gugustuhin na malungkot tayo. Let's enjoy that I am back for good now." Matagal-tagal din siya na nawala dahil halos kalahating taon din sila na namalagi sa ibang bansa at tumira sa magulang at kapatid ni Zane bago sila nagdesisyon na mag-asawa na magbalik na sa Pilipinas. Idagdag pa roon na bago pa mangyari ang mga kaguluhan ay hindi na rin siya madalas na umuuwi sa m
“Babe, I miss you.” Nakangiti na bati ni Zane sa asawa niya na kasalukuyan na nasa garden. Napangiti naman agad si Serenity pagkakita sa kan'ya kaya naman nang makalapit siya ay mabilis din na pumulupot ang mga braso niya sa beywang nito kasabay sa paghalik sa labi nito. "How was your day?" "I miss you." Sagot naman ni Serenity sabay ganti ng halik sa kan'ya at pagyapos din sa beywang niya. "Will you two stop with the PDA?" Pagrereklamo naman ni Ace na kasama ni Zane na dumating. "Kailangan ba talaga na lagi ninyo na gagawin iyan sa harapan ko?" Nagkatawanan lamang ang mag-asawa at nagpatuloy sa paglalambingan nila habang patuloy na binabalewala ang pagrereklamo ng kapatid ni Zane sa tabi nila. It has almost been four months since Zane made the decision to walk away from the people he considers his family, and life has been different for him. Does he regret doing so? Of course not, because he is living his life with the person he considers his salvation, but he can't deny the fact
"Tanga ka ba, Zane? Bakit umalis ka pa rin?" Hindi maiwasan ni Jed na mainis sa kaibigan nila matapos nito na ikuwento sa kan'ya ang panibagong problema na kinakaharap nito sa asawa nito na si Serenity. "Gago ka rin talaga. Binigyan ka na pala ng ulitmatum, umalis ka pa rin? Sigurado ka ba na kaya mo na harapin ang magiging desisyon ng asawa mo kung sakali? Ang lakas ng loob mo na makipagsabayan sa pagmamatigas niya pero sa huli ikaw naman ang maghahabol." "Ano ang gusto mo na gawin ko, Jed? Basta na lamang ako na umayon sa gusto niya?" tanong naman ni Zane pabalik sa kaibigan niya. "Tang-ina! My life is so messed up. Natapos ko nga ang problema natin sa tarantadong ama ko pero ito na naman at panibagong problema na naman ang kakaharapin ko. And what’s worst is that this time I don't think I can be able to solve this." "Why can't you? Madali lang naman ang problema na iyan, ibigay mo lang ang sagot na nais na marinig ng asawa mo at matatapos ang problema mo. It's as simple as that, s
It took him roughly a week to recuperate and be back on his toes, and all throughout it was his wife who was by his side. Hindi siya iniwan ni Serenity at lagi na nakaalalay ang asawa niya sa kan’ya sa lahat ng pgkakataon. Isang linggo matapos niya na magising ay nagdesisyon sila ng mga Bastardos na mangibang-bansa pansamantala at lumayo muna sa kaguluhan. Mainit pa ang usapin sa pulitika lalo na ang pagkakahuli sa ama niya. Oo, hindi siya ang nanaig na nag-iisang Lardizabal dahil gaya niya ay buhay pa rin ang ama niya. Napuruhan man niya si Jaime pero katulad niya ay nakaligtas din sa kamatayan ang ama niya. Tunay nga na ang dugong Lardizabal ay hindi basta-basta na namamatay, So has he failed the mission? No. Hindi man siya ang natirang nag-iisang Lardizabal sa laban nila ng ama niya ay napabagsak naman nila ang sindikato nito gaya ng plano nila. Kasalukuyan nang nakakulong ang senador habang hinihintay ang paglilitis sa patong-patong na kaso na kahaharapin nito. Nakabantay rin an
It was the same scenario that she is in. Parehong-pareho sa tagpo nila ng ama niya noon kung saan nakaratay si Manolo habang ang pagtunog lamang ng mga aparato na nakakabit sa pasyente ang maririnig ang kinakaharap niya na senaryo. Iyon na iyon din ang parehong sitwasyon niya habang nasa loob siya ng silid na kinaroroonan ng asawa niya na siya naman na nakaratay ngayon at nag-aagaw-buhay. It took her a lot of courage to be able to be here. She wanted to see Zane, but she was terrified of what she would see kaya naman nagpalakas muna siya ng loob niya. Mabuti na lamang din at nakapag-usap sila ni Jed kanina at iyon ang nakapagbigay lakas at kumpiyansa sa kan’ya na puntahan na ang asawa niya at kausapin. Umaasa siya na mag-iiba naman ang takbo ng kapalaran nila at kapag kinausap nga niya si Zane ay talagang lalaban ang asawa niya para mabuhay. She had tried the same tactic with her father before, but still, her father chose not to fight, and that is the reason why she is so scared to fa
"Zane is in a critical condition. He is almost dying." Ang mga salita na iyon ni Ace ang paulit-ulit na naririnig ni Serenity na parang echo sa kan’yang isipan. At sapat na ang mga salita na iyon para gumuho ang mundo niya. It is like history is repeating itself again for her. Ilan beses ba siya na pasasakitan ng tadhana at ilan beses ba nito na ipaparanas sa kan'ya ang mga tagpo na ayaw na sana niya na balikan pa? This is the same scenario as with her father, where things didn’t go well in the end kaya hindi niya ngayon alam kung paano haharapin ang tagpo na ito na ang sariling asawa na niya ang malaki ang posibilidad na mawala sa kan’ya. Hindi na nga niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas para mag-ayos at kahit maglakad man lamang pero ito na siya ngayon sa sasakyan patungo sa isang lugar kung saan naroon ang asawa niya. All through the flight, she was anxious and crying at alam niya na ganon din ang nararamdaman nina Ace at Amalia pero sa kabila noon ay mas inalala p
"Serene, baka gusto mo na sumama kay Ace na mamasyal. He can bring you to the mall; after all, Zane mentioned to me that you like shopping a lot. You might want to go out and enjoy yourself, even for a while." If it were the Serenity before, she would surely grab the opportunity and say yes right away to Zane’s mother, but she is a different Serene now, and going out is no longer a part of her favorite things to do. All she needed to be able to make her happy was to see her husband again. Si Zane lamang ang kailangan niya at wala nang iba pa. "Yes, Serenity, I can take you out and tour you around. You need to get out of here, or you’ll be bored to death here." Dagdag na pagyaya naman ni Ace sa kan’ya. "I am free the whole day, so I can spend time with you." Bahagya na lamang siya na umiling kasabay sa tipid na pagngiti niya sa mag-ina. Lubos siya na nagpapasalamat sa presensya ng ina at kapatid ni Zane na siyang nagiging sandigan niya sa ngayon habang wala ang kan'yang asawa, pero h
"What?! Baliw ka na ba talaga, Zane? Hindi puwede ang nais mo na mangyari. Alam mo na walang iwanan sa laban." "Nakapagdesisyon na ako, Chino." "Mamamatay ka sa kamay ng ama mo ng walang laban. Nakita mo ba kung gaano siya kagalit kanina nang malaman niya ang mga ginawa natin? Nakita mo ba ang paghihimagsik ng kalooban niya para sa'yo? Hindi maaari ang gusto mo dahil wala iyan sa plano natin." Hindi kaya ni Chino na iligtas ang kan'yang sarili habang si Zane ay magsasakripisyo alang-alang sa kaligtasan nila. Iisa lamang ang misyon nila at nangako rin siya kay Jed na hindi niya hahayaan na may mangyari na masama sa lider nila. Alam din niya kasi kung gaano isinasakripisyo ni Jed ang sarili nito sa bawat laban nila lalo na at si Zane ang lagi nito na kasama at handa rin siya na gawin iyon para sa kaibigan. "Wala rin sa plano natin ang maipit tayo rito. Wala na tayong ibang pagpipilian, Chino. Kailangan na makalabas kayo para makahingi kayo ng back-up, I will try to buy as much time a