CHAPTER SIXTEEN
"ANG ibig mong sabihin, nadisturbo ko kayo!?"
Pasigaw na tanong ni Flare pagkatapos marinig ang kinuwento ni El. She sighed deeply after seeing Flare's reaction, not getting the point of what she said.
"No, you didn't! Actually, you saved me from that situation! Hindi ko alam ang gagawin ko nung time na yun, it was so awkward, and my mind can't process anything." She explained with frustration in her voice. "I can't even reply to him properly."
Guilt clenched her heart. Napatulala na lamang sya ng maalala ang nangyari kanina.
Flashback...
"Oo, sinadya kong iwasan ka."
"I'm sorry if I made you worry."
"Pero kailangan kong gawin yun para makalimutan ang mga nararamdaman ko."
ANG bilis sumagot ng isip ni El pero hindi ito magawang bitawan ng mga labi nya. Kitang-kita nya ang halo-halong emosyon sa mukha ni Fourth Ycarius, habang sya nama'y naestatwa na lamang sa kinatatayuan nya.
She never felt so dumb her whole life not until this moment. Saan lumipad ang IQ nya?
Eleanor flinched in surprise when her phone suddenly rang. She looked at Fourth first, giving him the 'can I answer this' look. Marahang tumango si Fourth Ycarius bago tumalikod sakanya. She answered the call, awtomatikong bumungad ang boses ng kaibigan nyang si Flare.
"Flare? Wait, slow down." Aniya dito.
She can feel a pair of eyes is looking at her, she glanced at Fourth. Nakatingin nga ito sakanya, naghihintay na matapos ang tawag. Mabilis nyang naibalik ang atensyon sa kausap nya sa telepono.
"Just calm down and don't move too much, ok?...." She replied, "Oo papunta na ko."
Ibinaba nya ang tawag at humarap muli kay Fourth.
"What happened?" Lumalim ang boses nito.
"It's Flare, she needs my help." Sagot nya, also asking permission if she can go.
"I'll drive you th—"
"No!" She blurted out. Maging sya ay nagulat sa bigla nyang ginawa. "I-im s-sorry. I-i mean... I c-can go there alone. M-may taxi naman sa l-labas."
Kumunot ang noo ni Fourth, nagtataka. She felt so guilty once again. Pero kapag hindi nya ito tinanggihan ay baka sumabog nalang ang puso nya kapag nakasama nya ito sa byahe.
Silence covered them both. Nanatili silang nakatingin sa isa't-isa, hanggang sa bumaba ang tingin ni Fourth sa sahig. Bigla itong tumango sakanya bago muling nagsalita.
"I understand." Maikling wika nito. "Please be careful." He formally said.
"S-salamat." Diretsong ani El.
Mabilis ang pagtalikod nya para umalis na sana, nag-aalala sa kanyang kaibigan. But she stopped on her sixth step. Muli syang humarap sa direksyong pinanggalingan nya. Her eyes met Fourth's, she felt so sorry. Hindi nya kayang basta basta nalang umalis ng ganon. She wanted to say sorry again.
Lalong-lalo na pagkatapos makita ang mga mata ni Fourth na malungkot na nakasunod sakanya.
She walked towards him again. Inipon nya lahat ng lakas ng loob para gawin yun. Six steps back to him.
Kita nya ang pagbilog ng mga mata ni Fourth sa gulat. Eleanor held his arms to support her, then she tiptoed and gave him a kiss on his cheek.
"I'm sorry..." I really am, "I'll talk to you again." Ngumiti sya rito bago nagpaalam na aalis na.
Wala sa sariling napatango si Fourth sakanya.
End of Flashback...
"EDI nadisturbo ko nga kayo?" Flare defended.
Napa-facepalm na lang si El. Sabay silang napatingin sa labas ng bintana ng kwarto ni Flare. Unti-unti ng humihina ang kaninang malakas na ulan. Mabuti na lang kanina ay nakadating na sya sa bahay ni Flare bago pa bumuhos ang ulan. She found flare crawling herself to the sofa. Nahulog ito sa hagdan nila, kaagad syang pinigilan ni Flare ng plano nya na sanang dalhin ito sa ospital para epacheck. She insisted not to, kasi hindi naman daw nabagok ang ulo nya.
Tanging ang binti nya lang daw ang sumasakit. After she checked Flare she got assured that it wasn't that bad. Mabuti lang at hindi ganoon ka taas ang hagdan nila.
'Ayaw ko namang tawagan si Mama, seguradong magpa-panick kaagad yun. Kaya ikaw yung tinawagan ko.' Sabi nito kanina sakanya.
"I feel so guilty." Ani Eleanor.
"Ba't mo kasi sya iniwasan? Eh asawa mo yun."
Flare gasped and covered her mouth. May naconclude na naman ito.
"W-what?" Parang kinakabahan si El sa ekspresyon ni Flare.
"Wag mo sabihing iniwasan mo sya dahal nagkakagusto ka na talaga sakanya?!" She exclaimed.
"Hindi yun! I-i was busy!" Pagdedeny ni El.
Napahawak si Eleanor sa kanyang noo pagkatapos syang pitikin ni Flare. That hurt! Ang brutal talaga ng kaibigan nya.
"Nako! Wag ako Eleanor ha. Kitang kita sa mukha mo oh." Turo nito sa mukha ni El.
"Akala ko hindi nya mahahalata." She pouted.
"Tanga friend!" Panimula ng pagsesermon nito. "Unti-unti na kayong nagiging close sa isa't-isa, pagkatapos eh bigla ka nalang hindi magpaparamdam ng ilang araw?" Dagdag nito.
"Pagkatapos nyang maisip na baka busy ka lang ay magko-conclude yun na baka iniiwasan mo na sya!"
Walang nagawa si El kundi makinig sa mga sinasabi ng bestfriend nya.
"I thought my feelings would change if I did that." She opened up.
"Nagbago ba? Nawala ba?" Sunod-sunod na tanong nito.
Marahang pag-iling lamang ang naisagot ni El sa mga yun. She really made a wrong decision. At dahil doon ay nagkakaproblema sya ngayon. Gusto nalang nyang iuntog ang ulo nya sa pader. Mas madali pa para sakanya ang pakikipagbarilan at pakikipaghabulan sa mga kaaway ng Scarletti kesa sa sitwasyong 'to. Kesa sa nararamdaman nya.
"Alam mo friend, common talaga yan sa inyong mga first timer. Akala nila kung iiwasan nila yung taong gusto nila eh makakalimutan nila yun. Pero, sa mga araw na iniiwasan nila yung tao, mas naaalala lang nila ito at worst, mas namimiss nila ito, dahilan para mas lumala pa yung feelings nila." Salaysay nya. "Kaya hindi solution yun friend. Dapat harapin mo." Madiing saad sakanya ni Flare.
"Saan mo nakuha lahat ng yun? Eh hindi ka rin naman nagkajowa." Aniya.
Mapasinghap ulit si Flare habang nasa dibdib ang mga kamay na para bang nasasaktan. Natamaan ata ito sa sinabi ni Eleanor.
"Critical hit yon ha! Pero di mo sure kaibigan ko," she paused a bit. "Hindi lang ikaw ang may lovelife sa universe." Dagdag niya sabay pa hair flip.
El chuckled by her friends act. Napatawa rin si Flare sa sarili nyang ginawa. Her laugh was contagious, kaya hindi narin napigilan ni El na tumawa.
Her friend is a bright ray of sunshine.
Tama ito, walang kahit anong nabago sa nararamdaman nya para kay Fourth nang umiwas sya. At kahit patuloy man nyang iwasan ito sa mga susunod na araw ay seguradong mananatiling may gusto parin sya kay Fourth Ycarius.
Eleanor reflected on her own action. Because of what she did, she missed some classes, she made Fourth worry, and didn't solve anything. Worse, she created another problem for herself.
At dahil don, mas dumagdag pa ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Back to zero, sa tingin nya'y nasayang ang mga araw na unti-unti na silang nagkakalapit.
'Will things work out between us? Kahit arranged marriage lang ang namamagitan samin?' That thought of hers came out of the blue.
"Hindi ba sya naghihintay sayo don?" Biglang ani Flare, "You told him you'll talk to him again, baka naghihintay sayo yun!" She exclaimed.
Mula kay Flare, ay bumalik ang tingin nya sa labas ng bintana— checking the rain. Napaisip si El, she indeed told him that, hindi naman seguro yun maghihintay sakanya dahil don? Eh pano kung naghihintay nga?
Wala naman segurong mawawala kung echecheck nya.
"Eh pano ka? Wala kang kasama dito." Tukoy nya kay Flare.
"Pilay-pilay lang ako pero hindi na'ko bata. I can handle myself." She replied proudly. "Tsaka nandito narin naman si Mama mamaya, esusurprise ko si mother dear!" She laughed.
"Humanda ka sa palo ni Tita mamaya." Panunukso nya sa kaibigan. They chuckled, "Segurado ka na dyan ha? I'll go check, maybe he really waited there."
"Gora na friend! Ayaw kong makasira ng lovelife oy!" She exclaimed.
Dahil sa paghina ng ulan ay marami-rami ng taxing lumalabas ulit. Nang lumabas sya sa compound nina Flare ay doon sya nakapara ng taxi. Mailap ang pumapasok na mga taxi sa loob ng compound lalo na kapag umuulan. Itiniklop nya ang payong na pinahiram sakanya ni Flare bago isinara ang pinto ng taxi.
Wala syang ibang dala kanina maliban sa cellphone at wallet nya. Mabuti nalang at pumasok sa isip nyang kunin ang wallet sa loob ng kwarto nya bago umalis sa condo. Her mind was fully occupied by Fourth's confrontation earlier.
Inaamin nyang hindi purong si Flare ang dahilan kung bakit sya umalis kanina. She wasn't ready for such confrontation. Nakakastress palang magkagusto sa isang tao, lalong lalo na sa kagaya ni El na kakamulat pa lamang sa ganong feeling. Mas madali pa para sakanyang mag-defuse ng bomba na may iilang segundo nalang na natitira para sumabog.
"Nandito na po tayo, Ma'am." Natigil ang pag-iisip nya nang magsalita ang driver ng taxi.
"Salamat, Manong." Aniya pagkatapos iabot ang bayad nya.
She didn't bother to use to umbrella and just run towards the building. Total ay malapit na lang ito sa kung saan nag-park ang taxi.
Time seems slow for her. Parang ang bagal ng paggalaw ng elevator para sa kanya. She was never bothered by it before. Why now? She felt uneasy, nagmamadali.
Her heart tingled when the elevator door opened. Kaagad na gumalaw ang mga paa nya para tahakin ang daan papunta sa condo nya.
Her steps fastened. Diretso ang tingin nya, at wala syang ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng dibdib nya.
Ang mabilis nyang paglalakad ay napalitan ng pagka-estatwa nya. Her heart didn't beat loud because of excitement nor fear.
Instead, it panged with such emotion that she's unfamiliar of.
Fourth wasn't there.
Did she really expected that Fourth will be there waiting, because she said she'll talk to him again?
That thought gave a sting to her once more.
Lumapit sya sa pintuan ng condo ni Fourth. She knocked, once, twice, then thrice. She knocked for the last time. Ngunit ni mga apak ng paa mula sa loob ay wala syang narinig.
She clenched her fist, stoping her urge to punch the door.
The feeling of disappoinment hurts. Para bang may pumutol sa tali ng saranggola nyang matayong nang lumilipad.
Maybe Fourth got an urgent matter to deal with, kaya umalis ito pagkatapos nilang mag-usap kanina. He's a CEO after all.
El composed herself after giving up on continuing to knock on Fourth's door. Seguradong wala sya doon.
Tumalikod sya at dumiretso sa harap ng pintuan ng sarili nyang condo. Her heart keeps on clenching, but she endured and pretend that it's nothing.
Tama, tama. Mas masakit naman ang tamaan ka ng bala. Mas masakit nga ba yun?
"Sh*t, why are you like this?" She held her chest.
She stopped to sit on her couch. Ilang segundo pa syang tumitig sa puting kisame bago nya naisipang echeck ang oras sa cellphone nya.
It's four-thirteen in the afternoon.
Walang buhay syang magscroll sakanyang contacts para edial ang numero ni Cloud.
After a rang, he answered.
"Shopee delivery, nasa labas na po ang parcel nyo ma'am."
Napairap sya sa bungad na yun ni Cloud. But somehow, it made her mood lighter.
"Snap it out, Cloud Kristos."
"Si, si. Anong mapag-lilingkod ko sayo mahal na reyna?" He replied with full sarcasm.
"Can you check where Ycarius is." Walang ganang aniya.
She leaned her head on the couch and closed her eyes.
"Again, Healia Eleanor. You can just ask him you know." Anito, dinig nya ang pagtipa ng keyboard sa kabilang linya.
"It's not that easy, Cloud Kristos." Reply nya na may diin sa pagkakasabi ng pangalan nito.
She heard a sigh on the other line.
"Just like earlier, Empress. He's in a meeting."
Tama ang hula nya. Seguro nga'y importante ang meeting na yun. She sighed.
"Ang lalim non ha." Puna ni Cloud.
Hinilot nya ang kanyang sintido bago nagsalita ulit.
"Tell Sky to come and fetch me here in my condo after Thirty minutes." Aniya saka tumayo at naglakad papunta sa kusina.
"Noted, Empress." He replied.
Kinuha nya ang pitsel ng tubig saka nagsalin sa baso nya. After drinking it all, she talked to the person on the other line again.
"And Cloud.." tawag nya.
"Yes, El?"
"Prepare my training room, and make sure you'll be there when I arrived." She stated. May kasamang pangbabanta sa boses nya.
"Empress! I'm innocent!" He exclaimed on the other line.
Dinig ni El ang tunog ng pagtayo nya mula sa swivel chair nito. Before her childhood friend can say anything again, she ended the call.
She scrolled on her contacts again. Nang makita nya ang pangalan ni Flare ay pinindot nya ito at denial.
Unlike Cloud who answered immediately after a rang, it took a few rangs before Flare answered her call. Baka may ginagawa ito. She's worried for her friend.
'Natawagan na kaya nya si Tita?' knowing Flare, hindi nya kaagad ito sasabihin sa Ina nya. Her mother worries even about the little things, but maybe, it's normal, she's her mother after all.
El suddenly misses her Mom. Well palagi naman.
"Hello, El?"
Bagong gising ata ito, halata sa boses nya. Maybe she took a nap after Eleanor left. Nadisturbo kaya nya ito?
"Nagising ba kita?" Tanong nya.
"Ok lang yun..." she replied, "Teka, ano? Nagkita ba kayo? Nandyan ba sya? Kamusta? Nag-usap ba kayo? Parang ang bilis naman."
Napatawa sya. Mas excited pa yata ang kaibigan nya kesa sakanya.
But sadly,
"He's not here." Simpleng sagot nya sa mga tanong na yun. May pait sa boses nya.
"Hala, friend..." Malungkot na anito, "Teka pupunta ako dyan."
She chuckled on that remark.
"Gaga, gusto mo mamaga ng malala yang paa mo?"
"Ay gagi! Nakalimutan ko!"
Pareho silang napatawa.
"Punta ka nalang ulit dito, friend. Itatagay natin yan." Malukong alok ni Flare.
"Namamaga na nga't lahat-lahat yang paa mo, inom parin yang nasa-isip mo, isusumbong na talaga kita kay Tita!" Pananakot nya sa kaibigan.
"Walang ganyanan, oy! Aalisin kita sa group project natin segi ka!" She countered.
Pareho silang mahinang napatawa.
"Pero El, if you want company now, kung ayaw mong pumunta dito, ako ang pupunta dyan."
Her genuine friend. Kahit kailan talaga..
"Thank you very much, Flare. Ako ang pupunta dyan sa susunod, para libre mo ang pagkain." She chuckled.
"No problem! Uutangan kita ng pagkain kina Manang Miding!"
Napailing sya sa mga pinagsasabi nito. Muli syang naglakad para pumunta sa kanyang kwarto.
"Oo! Si El, Ma! Teka lang po nag-uusap pa kami!"
"It's ok, Flare. I'll hang up na, may pupuntahan din ako."
"Okies, segi. Puntahan ko muna si Mama. Bye bye, Friend!"
"Bye!"
Then they both hanged up.
She took a super quick bath, then change into her leggings and sports bra. Kinuha nya ang gray na hoodie nya saka isinuot ito. She grabbed a grey face mask and went out the condo.
When Sky arrived, they immediately drive off to Scarletti.
Walang Cloud na sumalubong sakanya. Paniguradong gaya ng utos nya kanina rito ay naroroon na yun sa personal nyang training room.
"I'm innocent, Empress! Please forgive me!" Cloud exclaimed while both of his hands signed surrender.
She removed her hoodie and throw it to Sky. Maluko itong nakangiti ng saluhin nya ang hoodie ni El. Tinutukso ang kakambal nya.
Dinampot ni El ang pinakamalit na riffle saka ito ikinasa. She pointed the gun to Cloud which made his eyes gone wide.
"Hey, hey! Kalma lang El!"
She silently pulled the trigger and the bullet came flying out of the gun fast. Umugong ang tunog nito sa buong training room.
Cloud opened his eyes, and checked himself. He sighed out of relief, he's still alive! Tumalikod sya para makita ang target na tinamaan ng balang nagmula sa baril ni El.
He felt love.
But when he faced front, it was too late for him to dodge Eleanor's fist.
Dinig ang malakas na tawa ni Sky. Cloud raised his middle finger to his twin brother. Tinawanan lang sya ulit nito.
"You and your husband needed to talk, El! I just did you a favor!" He reasoned out.
"Favor!?" She exclaimed.
Napalunok si Cloud ng sumigaw sya.
"I wasn't ready you!—" She stopped midway from cursing him.
She spend an hour having a spar with Cloud. When she finally got contented, they stopped. Puno ng suntok ang mukha ni Cloud habang sya ay hindi man lang natamaan. Cloud fought back, but he can't match Eleanor's skills. Kahit si Sky ay walang katapat sakanya. Lalo na kapag naiinis ito.
Nanatili sya sa Scarletti ng isa pang oras. At dahil may klase sya bukas ay bumalik kaagad sya sa condo pagkatapos magpahinga. Sky couldn't stop his laughs while looking at his twin. Kahit ng bumabyahe sila pabalik ng condo ni El ay tawang tawa parin ito.
"Hey, Empress. Do you want some advice?" Pahabol ni Cloud ng bumaba na sya sa kotse nito.
Kumunot ang noo ni El, "What?"
"Cook him dinner." Then he winked the drove his car.
Dinner?
CHAPTER SEVENTEEN'It tastes fine, right?'Unang pagkakaton na kinakabahan si Eleanor habang nagluluto. Her mother always tells her to be happy while cooking. Iyon daw ang isa sa magpapasarap ng niluluto nya. But damn, she can't even focus!Even her hands are slightly shaking while chopping. And funny thing is, she doesn't even know the exact reason why she's nervous.El cleaned everything after she was done cooking. Tulala sya pagkatapos ipatong sa mesa ang mga niluto nya. She cooked some Filipino dishes that she usually cooks.'Will he like it?' wala na syang ibang maisip na lutuin kanina. Come tothink of it, she doesn't know even a single food he likes.Alas syiete-trenta na ng gabi. Maybe it's not that late for a dinner.The foods' are ready, plates and utensils are already on their pl
SHE HAD a great night and a nice moment to start her day. Malaki ang expectation ni El na magiging maganda ang buong araw nya pagkatapos nilang magka-ayos ni Fourth. Pero kahit isang araw man lang ay hindi talaga sya lulubayan ng reyalidad nya. Tumalikod lang sya sandali ay bomba na ang tinapon sa likuran nya. And it wasn’t just a simple bombing. How did a bomb passed their security in the first place? Tuloy ang pagtipa ng mga daliri ni Eleanor sa mesa habang nakikinig sa mga paliwanag ni Sky. “The bomb was ours. Kaya naka-pasok ito sa main gate,” anito, “But after we investigated, we found out na hindi natin tauhan ang nagdrive ng mga supply ng bomba.” “He passed the main gate’s identity verification using one of our employee who’s in charge of driving that truck for supplies,” dugtong ni Cloud at may pinindot sa computer nito. A face of their employee then flashed on the screen, Raynan Abansado. After a click, the screen showed another image. Kuha ito ng CCTV sa main entrance
Chapter Nineteen"Our men has been dispatched to their positions, Empress." Ani Sly pagkalabas ni El sa elevator.Abala si Eleanor sa pagbabasa ng mga impormasyon tungkol sa mga miyembro ng grupong nangbomba sa Scarletti. Hindi nya inalis ang tingin sa hawak na tablet at tumango na lamang sa mga itinuran ni Sky.Ng matapos nyang basahin ang mga ito, bumalik sya sa profile ng babaeng pamilyar sakanya. "Madalas ka bang pumupunta sa University namin Sky?" Tanong nta habang patuloy silang naglalakad."I've gone there many times, for some... business." He replied.Napataas ang kilay nya sa sinagot ni Sky, knowing something behind his answer. Binalewala nya iyon at muling nagtanong."During those times, have you ever encountered this girl?" Inabot ni El ang tablet kay Sky, "She's the youngest member of their group, at palagi ko syang nakikita sa li—""Library," he mumbled as he remembered something, "the Principal and some school staffs toured me around your school last month. Nakita ko sy
Chapter TwentyAng kaninang maingay na mga daanan ng eskwelahan ay tumahimik na, tanda na nagsimula na ang mga klase. "They've reached the school gate, Empress." Pagbibigay alam ni Cloud.Patuloy sa paglalakad si Eleanor papunta sa kung saan naka-park ang isang motorsiklong gagamitin nya. Sinulyapan nya ang cellphone na nagpapakita ng direksyon kung saan sya papunta. May dalawang underground parking lot ang eskwelahan. Ang isa'y bagong paggawa, at ang isa nama'y sarado dahil sa renovations na gagawin dito. And she's heading to the old one. Tamang-tama ang lumang paradahan para sa misyong ito, dahil naka harap iyon sa direksyong dadaanan nya mamaya. Its inappropriate direction for the school is one of the reason why they built a new one. Nawala ang sariwang ihip ng hangin ng makapasok sya sa gusali na mayroong daanan papunta sa paradahan. Mayroon ding elevator doon kaso ay inaayos din. The smell of old rusty metal and dust made Eleanor winced. Magdadalawang taon naring hindi gin
Inabala ni Eleanor ang sarili sa pakikinig sa tunog ng windchime, gawa ng sunod sunod na pagpasok ng mga tao sa pastry house kung saan sila naroroon. Flare insisted on ordering their foods alone. Kaya sya na lamang ang naghanap ng mesang makakainan nila.Maagang natapos ang misyon niya sa Scarletti. With mo major casualties that are needed for her to handle, she was able to resume with her classes. Yun nga lang, patapos na ang nakascheduled nyang klase sa oras na yun kaya hindi sya nakapasok. She missed one class again. Sanay na syang palagi itong nangyayari, ang tangi nyang problema ay ang striktong pagcheck ng attendance na pinapatupad ng eskwelahan. She was once been called to the dean's office because of that matter. Seguradong ipapatawag na naman sya doon.Napabuntong hininga sya. She doesn't like to be called there, masyadong nakaka-attract ng atensyon. Ang kaso, she can't handle it with 'her way'. Since she's on the act of being a normal student, ang tangi nyang magagawa ay su
Chapter 22"Did she create any ruckus?" Inayos ni Eleanor ang kwelyo ng kanyang damit. Ng makarating sa Scarletti ay kaagad syang nagpalit ng bagong damit mula sa kanyang uniporme. "She came at peace." Sagot ni Sky, "She said she has something to tell you in exchange for her subordinates." dagdag pa niya."And what is it? Is it worth the bargain?" Muli nyang tanong."Ayaw nyang sabihin hanggat wala ka dito." Napataas ang kilay ni Eleanor. At paano naman na laman ng babaeng yun na wala sya sa Scarletti? "How did she know?" Tumaas ang balikat ni Sky Kristos, "That, we have no idea of. Kaya nga isinelda kaagad sya ni Twinnie ng sabihin nya iyon." He answered. Huminto sila ng marating ang kwarto ni Cloud. Pagkatapos ng ilang segundo ay kaagad na bumukas ang pintuan nito. They were greeted by the noises of Cloud's computers and keyboards. "I'll get her ready." Anunsyo ni Sky.Eleanor nodded at him before he stepped back and walked away. Kaagad namang pumasok si Eleanor sa kwarto ni
Chapter Twenty-Three‘Prevent yourself from expecting too much to avoid huge disappointment.’Tila nakalimutan ni Eleanor ang batas nyang iyon sa sarili ng makarating sa pribadong building ng condo units na kanyang tinutuluyan.Her bubble of expectation popped the second she found no one in front of her condo’s door. Hindi naman ganoon kalaki ang ekspektasyon nya. But the fact that she expected Fourth Ycarius to be waiting in front of her condo’s door like what he said, and saw no one, created a slight pang in her chest. She was taken aback and the small smile she unconsciously had on her face faded. She walked towards the direction of her place – acting normal. Pero hindi ma-deny ang matamlay na ekspresyon sa mukha ni Eleanor. She didn’t realize that her lips are pouting while looking at her message box. Nagsimula syang tumipa sa kaniyang cellphone. ‘I’m just gonna notify him that I’m here.’ Aniya sa isip. ‘We agreed to meet here, so texting him is normal.’ Dagdag pa nya, kinukumb
CHAPTER TWENTY-FOUR“So, did you guys kissed?” Kaagad na sinaway ni Eleanor si Flare dahil sa malakas nitong boses. She stated those words too loud with full curiosity and excitement for Eleanor’s continuation of her story. “Hinaan mo nga nag boses mo!” pabulong nyang sigaw.Binawi nya ang kamay na itinakip nya sa bibig ng kaibigan.“Ekwento mo na kasi!” muli nitong sigaw, “Hinalikan ka ba nya? Or wait… ikaw ba ang humalik kay Fourth!?” Kahit nasa loob sila ng kaniyang condo ay nakakahiya paring pakinggan ang tanong nito. Lalo na’t napakalakas talaga ng pagkatanong ng kaibigan niya.Pagkatapos niyon ay pinagpatuloy nya ang pagkukuwento habang inaalala ang bawat detalye ng mga nangyari kagabi, basi sakanyang perspektibo.“Are you… going to sleep already?” mahinanahong tanong ni Fourth Ycarius ng pigilan sya nitong lumayo.Ramdam ni Eleanor ang mabilis na pag-init ng kanyang pisngi. Fourth was innocently waiting for her to answer his question. Habang sya naman ay naka-awang parin ang
Chapter 33"There's no record about him in Scarletti, Empress." pagpapaalam ni Cloud pagkatapos nitong mag-imbestiga."How about the family register?" pahabol niya at lumapit dito, saka nagbasa na din aa mga impormasyong nakalagay sa monitor."None as well." iling ng lalaki. Both of them felt the frustration of finding nothing."Call Sky." mabilis niyang utos na siya namang sinunod kaagad ni Cloud.After two rings he answered. Iniabot naman ni Cloud ang cellphone sa kaniya."Twin?" bungad ni Sky."It's me, Sky." pagpapakilala niya, "Is he still there?" tukoy niya kay Roldan Scarletti."Yes, he's still here." sagor ng lalaki, "He's still convincing me to-" he stopped."To what, Sky?" takhang aniya, "What is he up to?" suspetya niya.Eleanor heard him sighed. Tila ayaw ni Sky na sabihin sa kaniya ang pakay ng nagsasabing kapatid ng ama niya."He wants to see you, El. And he's convincing me that we don't need to hide you from him. Dahil matagal ka na daw niyang kilala." he answered.Nat
Chapter 32After changing and fixing herself into some comfortable working clothes. Eleanor found herself sharing a dinner with Fourth Ycarius.Kanina ay nagtalo pa sila dahil gusto na talaga niyang magtrabaho. Scarletti's under attack for God's sake!Pero heto sya't naghahapunan dahil hindi siya makalabas sa penthouse niya.The mighty Cloud Kristos Collins locked her door from the control room!And exercising her authority would surely not work to the young Collin.Everything's in chaos and she is still being spoiled by them."Eat slower, Healia." paalala ni Fourth.She gave him a threatening glare. Nalayo naman nito ang katawan sa kaniya.Nakisama pa talaga ang lalaking ito sa plano ng kambal!"I didn't do anything, baby." paawa nito upang pansinin siya, "Please don't ignore me, I missed you.""Magkasama tayo kanina." mapakla niyang sabad at umiwas."You're so cute," he laughed inwardly, "But don't ignore me, Healia Eleanor." nguso naman niya.Pinaharap siya nito sa kaniya at ambang
Chapter 31"We accept your offer, Empress." Sylvia leaded.Sabay namang tumango ang mga ka-miyembro niya."May tiwala ako kay boss." hayag ni Henri.Lumapit naman si Eleanor sa kanila at isa-isa silang dinapuan ng banayad na tingin."Thank you." sinserong aniya, "But I need you to not only trust your previous boss' words. I need yoyr trust as well."Ang halaga ng salitang tiwala ay isa sa mga pangaral ni Tanda sa kanila. Na ngayon ay nasa panganib ang buhay. At ang tangi niyang magagawa ngayon ay gampanan at protektahan ang posisyong matagal ding prinotektahan ng matandang Collin.Eleanor hoped to see Scarletti's bright furure with her new generals. She will truat and guide these pwoplw like how Tanda guided her and the twins."And you need to trust us as well, Empress." nahihiyang lahad ng bunsong miyembro ng grupo.She nodded with a smile. "Of course," she replied.Eleanor suddenly felt a tug in her heart. She felt less lonely. Ngayon na hindi lang apat na tao ang tanging nakakakila
Chapter Thirty"You're not fully healed yet." paalala ni Syleria kay Henri.Kanina lang ay dumating sa harap nila si Cloud Kristos. Bearing a news that the Empress of Scarletti wants to meet them. Kung ano man ang dahilan ay wala pa silang ideya.Syleria is dying to know. Ano naman ang kailangan niya sa kanila?To be honest, wala pa siyang nabubuong plano kung paano makawala sa kuta ng Scarletti. This place is jammed pack with security!She only got lucky the first time she got out of here because she knocked the Collin out. Pero ngayon na bantay sarado ito sakanila, wala na siyang mabuong plano. They're waiting for their boss to contact them. Pero tila bigo din itong maabot sila dito."Ayos na ko, Syl." pagmamatigas ni Henri, "Hindi naman ganoon ka lala ang sugat ko. And I need to be there." ani pa nito."What are they gonna do with us?" nag-aalalang anang bunso nila."Stop with the talking and line up, now." This Collin was expressionless.Hindi gaya ng kakambal nito na una nilang n
Chapter 29"El! Can you hear me?!" Dumagungdong ang boses ni Sky sa tenga ni Eleanor. She couldn't find her voice to answer him. Napatango lamang siya habang hawak ang sumasakit na ulo. "S-sky, si Tanda." she muttered.Hindi nawala ang paningin niya sa matandang sugatan at walang-malay na nakahiga sa semento. We need to take him to the hospital!"I will take care of him." ani Sky at tinulungan siyang tumayo. "Get in." binuksan nito ang pinto ng kotse.Iwinaksi ni Eleanor ang kamay ng lalaki, "What are you doing, Sky Kristos?! We need to take Tanda to the hospital!" sigaw niya."I will." madiin nitong sagot, "But you need to get out of here first, Empress. We can't risk your safety. Get in the car and drive back to Scarletti." She looked at Tanda again, biting her lips to surpress the tears that are trying to escape from her eyes. Fuck! Bakit kahit sa ganitong sitwasyon kailangan niya paring maging makasarili at magtago? Tumakbo? She was reminded of all the past events that are ju
Maingat ang mga galaw ni Eleanor habang tinatahak ang back exit ng venue. She was making sure na walang makakakita or makakapansin sa kanya. And she was thankful that a performance from the Delgarde’s youngest daughter was happening on the center stage. Kaya naroroon ang atensyon ng lahat.Wala man siyang nakakasalubong na mga tao, o nararamdamang may mga kaaway, hindi na mawala sa sistema ni El ang pagiging alerto. As an unpopular guest, she was able to walk her way out of the busy party without anyone giving her any deep attention.Hindi gaya ni Sky Kristos na seguradong kung ano-anong paraan na ang sinusubukan para makawala sa mga kyuryosong atensyon ng lahat.‘I hope his patience last long.’ Kawawang Kristos, aniya sa isip.Memorizing the venue’s structure for this kind of mission is a must. Kaya hindi na siya nahirapang hanapin ang pwede niyang gamiting exit ng malaking bahay – mansion to be exact.“Elea-“She grabbed the wrist of the hand that landed on her shoulder. Mahigpit ni
Chapter Twenty-Seven “Enjoy the party everyone!” Mr. Delgarde exclaimed in delight. He ended his speech with a proud smile formed in his lips. Sinalubong nito ang ipinakilalang kaibigan at pumunta sa kanIyang pamilya. Eleanor was stunned. Nanatiling nakatitig ang mga mata nya sa lalaking pinalibutan ng mga Delgarde. She never expected to hear another person’s name with the same surname as hers. Especially in this party. She had thought about a lot of possible information she can get from the person who invited her to the party, and from the party itself. Pero hindi nya inaasahang may makikilala syang isang Scarletti sa okasyong dadaluhan nya ngayong gabi. Roland Scarletti. Are they related?The last Scarletti she knew was her father. At wala syang kakilalang ibang kamag-anak nito. She also doesn’t know anyone from her mother’s side. Which made her feel lonely at times. Dahil ang tanging alam nya lamang ay ang mga responsibilidad na kinalakihan nya. She’s Healia Eleanor Scarletti
CHAPTER TWENTY-SIX“An invitation arrived at my office this morning.” Bungad ni Sky Kristos ng makapasok ito sa meeting room.Nakalutang ang isipan ni Eleanor simula ng makarating sya sa Scarletti. They’re about to discuss the information Cloud had found about the party that Syleria’s boss invited her to. Pero ayaw tumuon ng atensyon ni Eleanor sa topikong iyon.“What invitation?” walang ekspresyong tanong ni Cloud sa kakambal habang abala sa kanyang laptop. “The same gold invitation that our Empress received.” Sagot nito, “I almost planned to gatecrash at their party you know?” nguso niya pa habang tinatapik-tapik ang invitation sa sariling palad. Tuloy-tuloy ang pag-uusap ng dalawa. Habang nanatiling nakatitig si Eleanor sa mga dokumentong nasa harapan nya. While she’s completely thinking of a different issue.“Let me see that.” Sky followed and handed the invitation to his twin brother.Where could she possibly misplaced her family picture?Ang natitirang souvenir sa pinakamasaya
Chapter Twenty-Five“I heard your cousin got back in the country with her child?”Eleanor asked, breaking the awkward silence surrounding them since the beginning of the movie they are currently watching. Hindi man sya nakatingin kay Fourth Ycarius na nasa kanyang tabi ay ramdam nya ang pagkagulat nito ng bitawan nya ang mga katagang iyon. She got curious with his sudden reaction, kaya napalingon sya sa lalaki. Sandaling nanlaki ang mga mata nito saka ibinuka ang mga labi – nagtatangkang magbigay ng pahayag sa sinimulan nyang konbersasyon. Maybe because it’s Eleanor’s first time asking something related to his personal life. Kaya ito nagulat. Simula ng pinalibutan sila ng katahimikan ay nag-iisip na si Eleanor ng puwede nilang pag-usapan. And the scene with her group mates earlier popped up in her mind. Kaya ito ang kaniyang naitanong. Plus, she’s also curious if it was indeed Fourth Ycarius that her group mates saw. “Y-yeah, we strolled around the city earlier.” Nautal na sagot