Share

CHAPTER THREE

Author: Leeanna89
last update Huling Na-update: 2023-06-05 11:14:20

“Emergency couple chapter three”

Magulo ang kanyang isip at hindi niya malaman kung paanong ipapaliwanag sa ama ang tungkol sa peke niyang kasal. Bukod pa duon natatakot siyang may mangyaring masama dito sa oras na malaman nito ang buong katotohanan.

Hindi niya matanggap na sa pang apat na pag kakataon ay muli siyang tinanggihan ng isang lalaki ngunit sa puntong ito'y mas nasaktan siya dahil sa pagpapamukha nito na desperadang siyang babae. Kung tutuusin wala siyang karapatang masaktan dahil totoo ang mga sinabi nito tungkol sa kanya ngunit ayaw paawat ng kanyang mga luha. Naisip niyang tama ang binata at ito rin marahil ang dahilan kung bakit palagi siyang iniiwan ng mga lalaking kanyang minahal.

Halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman kaya't tulad ng dati muli siyang nagkulong sa kanyang silid para mag palipas ng sama ng loob.

Antok na antok siya habang sakay ng jeep napuyat kasi siya sa pagbabantay sa inang may sakit. Pabagsak na sana ang mga talukap ng kanyang mata ng bigla siyang kalabitin ng isang dalagitang pasahero.

“Kuya, Kuya.” Tawag pansin nito na may kasama pang kalabit sa braso niya

“Bakit?” Inis niyang linggon sa dalagitang nang istorbo sa kanyang pag idlip

“Ikaw po ba yung groom ni ate Samantha? kahawig na kahawig mo po kasi siya.” Tanong nitong titig na titig sa mukha niya

Naiinis siya tuwing maririnig ang pangalan ng babaeng gumulo sa tahimik niyang buhay. Madalas kasi siyang naabala sa pagtatanong ng ilang kakilala at mga taong nakakasalubong niya sa daan. Umay na umay at pikang pika narin siya sa paulit ulit na kakasagot at kakapaliwanag sa mga ito.

“Ano ba kasi ang maswerte sa pagiging asawa ng brat na iyon?!” Tanong niya sa sarili

“Kuya hindi mo po ba ako narinig?” Pukaw nito sa isip niyang malayo ang lipad

“A- ahh sorry pero hindi ako ang lalaking iyon. Sa totoo lang marami nga kayong nag sasabi na kahawig ko sya pero hindi ako yun. Hindi hamak namang mas gwapo ako duon diba?” Birong tanong niya sa dalagitang kaharap

May tinatanong pa sana ang dalagita ngunit hindi na niya ito nasagot dahil biglang nag ring ang kanyang phone.

“Hello babe? Bakit bigla kang napatawag may problema ba?” Tanong niya sa kasintahan 

“Hello babe, nasa ospital kami ni tita ngayon namilipit kasi siya sobrang sakit kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya please pumunta kana dito bilisan mo.”

“O- okay sige, Wag mo muna siyang iiwan hangga't wala pa ako okay? Hintayin mo ako papunta na ako.”

Halos mag kahulog siya sa pagmamadaling makababa ng jeep na sinasakyan at mabilis na sumakay ng taxi para makarating agad ng ospital.

Agad niyang tinungo ang counter para mag tanong ngunit narinig niya mula sa kanyang likuran ang pag tawag ng kanyang nobya kaya patakbo siyang lumapit dito.

“Kamusta si nanay? Anong sabi ng doktor?” Nag aalalang tanong niya sa kasintahan habang hawak ang kamay ng tulog na ina

“Ang sabi ng doktor may stage two liver cancer daw si tita kaya kailangan niyang ma admit sa ospital para ma- monitor siya ng mabuti. Sinabi din nilang kailangang mag undergo ni tita ng ibang pang examinatiom para malaman kung mayroon ng damage sa ibang organ.”

“Sinabi din ba ng doktor na kailangan niyang mag chemo?” Lutang niyang tanong sa nobya

“May two option daw tayo para sa sakit ni tita. Laser or chemo theraphy alin man daw ang piliin natin sa dalawang yon kinakailangan daw nating mag handa ng malaking halaga lalo pa't private ang hospital na ito.”

Naihilamos na lamang niya ang mga palad sa mukha dahil sa nalaman tungkol sa kalagayan ng ina. Madalas nitong indahin ang pagsakit ng kanyang tagiliran ngunit tutol itong magpadala sa ospital dahil wala raw silang perang pang pagamot.

Nalamukos na lamang niya sa sariling buhok ng maalala ang sinabi ng kanyang nobya na kailangan nilang mag handa ng malaking halaga bagay na napansin nito kaya't nag alok ito ng tulong.

“Kung wala kang mapag-kukunan pwede kitang pahiramin babe.” Ani Rhea

“Hindi na babe, kaya ko itong gawan ng paraan. Ayokong isipin ng pamilya mo na ginagawa kitang Atm na hugutan ng pera.” Tanggi niya sa alok nito

“Sige kung iyan talaga ang gusto mo pero tandaan mo sanang nandito lang ako na handang tumulong sayo.”

“Salamat babe pero this time gusto kong ipaubaya mo sakin ang problema ko. Ikaw muna sana ang kumausap sa kanila sabihin mong gawin nila ang lahat para gumaling si nanay kahit milyon pa ang maging halaga ng bill nya. Aalis muna ako para humanap ng pera ikaw na sana muna ang bahala dito.”

“Wag kanang masyadong mag alala ako munang bahala kay tita habang wala ka.” Sagot nito

“Maraming salamat.” Sagot niya bago tuluyang tinungo ang palabas ng ospital

Agad siyang umuwi ng bahay at nag mamadaling hinanap kung saan niya inipit ang isang papel na may number ni Elaine. Maswerteng nahanap niya rin ito kaagad kaya hindi na siya nag sayang pa ng oras agad niyang idinail ang numero.

“Hello? who's this?” Tanong ng babae sa kabilang linya

“Ms. Elaine si Jaycee ito. Mag so- sorry sana ako dahil sa pagiging rude ko sainyo ni Ms. Sam before.”

“It's okay Jaycee may dahilan naman kung bakit ka nagalit at naiintindihan ko ang side mo. Anyway gusto ko sanang itanong kung may nagbago ba sa disisyon mo?”

“A- actually iyon nga ang dahilan ng pag tawag ko sainyo. Kailangan ko ng malaking halaga at ito nalang ang naiisip kong paraan makuha ko iyon.”

“Good dicision Mr. Domingo. Pumunta ka sa guest house kung saan tayo nag usap nuon at dito natin pag usapan ng maayos ang mga detalye.” Iyon lang at ibinaba na nito ang linya

Habang nasa byahe ay hindi siya mapakali dahil sa kaba na kanyang nararamdaman. Natatakot siyang masangkot sa kalokohang idea ng mga ito dahil maimpluwensya si Don Emilio ngunit wala siyang choice kundi makipag kasundo sa mga ito kapalit ng  malaking halaga na kanyang hihilingin.

Nakadagdag pa sa kanyang isipin ang magiging reaksyon ng kanyang kasintahan kapag nalaman nitong siya ang son inlaw ng isang bilyonaryong si Don Emilio ngunit sa pagka-kataong ito higit na mahalaga sa kanya ang kalagayan ng ina.

Matapos ang mahabang byahe ay mabilis niyang nahanap ang guest house. Magaling siya sa pagtanda ng mga lugar na kanyang napupuntahan dahil narin sa pagiging lagalag niya nuon. Hindi na siya nag sayang pa ng oras kaya't agad niyang pinindot ang doorbell.

“May inaasahan kabang bisita?” Tanong niya sa kaibigan

“Oo si Jaycee kaya problem solve na tayo Sam.” Naka ngiting sagot nito

“What do you mean?”

“Finally pumayag na siya sa gusto nating mangyari. Dyan ka lang sasalubungin ko muna sya.” Excited nitong sagot

“Come in Jaycee.” Wika niyang kay lawak ng ngiti

“Thank you. A- ahh itatanong ko lang sana kung alam na ni Ms. Imperial ang tungkol sa pag payag ko?” Di mapigilan tanong ng binata

“Oo at masaya siya dahil pumayag kana. Tara na sa loob para makapag usap tayo ng maayos.” Aya niya sa binata na tila nahihiyang pumasok

“Jaycee masaya ako dahil nagbago ang disisyon mo.” Ani Sam

“Ms. Imperial pumayag ako sa gusto mong mangyari ngunit kapalit no'n ang malaking halaga.” Desperadong nitong sagot

“Name your price Jaycee.” Walang kagatol gatol niyang sagot

“I need five million Ms. Imperial.”

“Five million? Ano siya celebrity?” Bulong niya sa sarili

“Pwede ko bang malaman kung bakit mo kailangan ng ganon kalaking halaga?” Kunwaring tanong niya

“Nasa hospital ang nanay ko at stage two cancer patience siya. Sabi ng doctor kailangan niyang mag undergo ng iba't ibang examination pati na chemo kaya malaking halaga ang hinihingi ng ospital samin. Wala akong mapag kukunan no'n at ito lang ang naiisip kong paraan.” Malungkot nitong paglalahad

“Kaya kong ibigay ang halagang hinihingi mo pero dahil masyadong malaki ang halagang iyon may mababago sa pinag usapan natin. Deal?”

“Kahit ano gagawin ko sabihin mo lang.”

“Ibibigay ko sayo ang five million na hinihingi mo pero kapalit no'n ang totoong marriage nating dalawa.” Taas kilay nitong saad

“What? Hindi ba't nuong una gusto mo lang na magpanggap ako bilang asawa mo? Bakit ngayon gusto mong makasal tayo ng legal?”

“Haisst! Hindi mo nga pala ako maiintindihan dahil hindi ka nag mula sa mayaman angkan.”

“Pwede bang ipaliwanag mo nalang ang ibig mong sabihin ng hindi nanghahamak ng ibang tao?”

“Okay ipapaliwanag ko sayo kaya makinig ka! Kailangang maging totoo ang marriage natin dahil malakas ang koneksyon ng Dad ko at hindi mag tatagal malalaman niyang peke ang kasal nating dalawa.”

“Dahil lang duon kailangan nating makasal ng totoo? Tulad ng sinabi ko nuon may girlfriend ako kaya mahirap naman yata iyang gusto mo.”

“So ayaw mo? Bakit may mapagkukunan kaba ng perang kailangan mo para sa pangpa gamot ng nanay mo?”

Sandali siyang natahimik dahil sa sinabing iyon ng dalaga. Bukod kasi dito'y wala na siyang maisip na pwedeng lapitan kaya't wala siyang choice kundi ang pumayag sa gusto nito. Para sa kanyang ina nakahanda niyang gawin ang lahat kaya kapit sa patalim ang gagawin niyang disisyon.

“Grabe! Kung maka pag isip ka akala mo dehadong dehado ka ahh?! Don't worry dahil hindi kita type at para hindi masyadong nakakahiya sa kagwapuhan mo after 3 years at hindi ko parin na me- meet ang lalaking magpapakasal sakin ako mismo ang mag fifile ng annullment natin at malaya kana.”

“Sige Pumapayag na ako.” Lakas loob niyang sagot

“Okay, here's the 2.5 Million after ng wedding natin ibibigay ko ang another 2.5 Million for sure lang na hindi mo ako tatakbuhan.” Paninigurado nito

“Walang dudang anak nga siya ng Bussinessman manang mana sa ama ehh sigurista!” Bulong niya sa sarili

“Pag katapos mo nga palang ihatid ang pera kailangan mong bumalik kaagad. Alam kong may sakit ang mama mo pero may mga aasikasuhin pa kasi tayong ilang bagay para secret marriage natin. Bukod duon kailangan natin umalis ng bansa dahil ang alam ni Dad na out of the country tayo for honeymoon. ”

“Pero paano ang nanay ko? Kanino ko siya ihahabilin?” Kunot nuong tanong niya sa dalaga

“Don't worry mag papadala ako ng private nurse na mag babantay at mag aalaga sa kanya habang wala tayo dito.”

“Salamat kung ganon. Uuwi muna ako para ihatid ang pera at kukunin ko rin ang mga documents at ilang gamit ko.” Pagpapaalam niya

“Wait, Papasamahan kita kay Elaine Mahirap na baka takasan mo ako eh.”

Inis siyang lumabas ng bahay dahil sa sinabing iyon ng dalaga at tulad ng sinabi nito sumama nga ang kaibigan nitong si Elaine para bantayan siya. Habang nasa byahe nag iisip na siya ng idadahilan sa nobya kung saan niya nakuha ang pera at ang pag alis niya ng bansa.

“Babe kamusta si nanay?” Bungad niya sa nobya

“Gumising siya kanina pero maya maya lang naka tulog ulit. Sabi ng doktor epekto lang daw yan ng pain reliever na iniject nila kay tita kanina.

“Ganon ba? Ahh heto na nga pala ang perang kailangan para sa treatment ni nanay.”

“San ka kumuha ng malaking halaga babe?” Usisa nito

“Humingi ako ng tulong sa boss ko at pinahiraman nya naman ako yon nga lang bilang kapalit ipapadala nila ako abroad kailangan daw kasi ng masipag at gwapong employee duon.” Biro niya para kahit pano'y mabawasan ang kaba na kanyang nararamdaman

“Bakit ka naman bibigyan ng boss mo ng ganito kalaking halaga? Pwede bang sabihin mo sakin ang totoo Jaycee?” Dudang tanong nito sa kanya

“Rhea please mag tiwala ka sakin at wag ka sanang mag isip ng masam dahil hindi ko gawin iyon. May mga bagay lang sa ngayon na hindi ko pa pwedeng sabihin sayo pero sana mag tiwala ka sakin.”

Tumango naman ito bilang pag sang ayon sa hinihiling niya bagaman halata parin ang pagdududa at pag iisip nito kung saan niya nakuha ang ganun karaming pera.

“Rhea kung may matuklasan ka man tungkol sakin sana piliin mo parin na mag tiwala sakin.” Ani Jaycee

“Mahal kita Jaycee at kahit anong mangyari sayo lang ako maniniwala.”

“Salamat sa lahat lahat babe. Oo nga pala tawagan mo ako ano man ang kailangan o sabihin ng doktor tungkol sa sakit ni nanay.”

“Mami- miss kita babe. Mag iingat ka sa pupuntahan mo huh? Mag focus ka sa trabaho at wag mo kaming alalahinin ni tita dahil akong bahala sa kanya.”

“Maswerte ako sa pagka-karoon ng girlfriend na tulad mo.”

“Sus! aalis ka nalang nambola kapa.” Sagot nitong kinikilig

“Ano kaba totoo ang sinasabi ko. Ahh siya nga pala may private nurse akong kinuha para mag alalaga kay nanay habang wala ako kaya wag mo sanang masyadong pagurin ang sarili mo. Okay?”

“Yes Sir, tatandaan ko po ang mga bilin mo.” Biro nito at kunwaring sumaludo pa sa kanya

“Sige babe kailangan ko ng umalis siguradong hinihintay na ako ng boss ko. Mag iingat kayo parati dito.” Sagot niya at saka saglit na yumakap at humalik sa nobya bago tuluyang umalis

Hinatid nalang niya ng tanaw ang nobyo habang unti unti itong nawala sa kanyang paningin. Hindi man niya lubos na maintindihan ang mga nangyayari pinili parin niyang mag tiwala dahil malaki ang tiwala at pagmamahal niya para sa nobyo.

 

All Rights Reserved 2020

Copyrights © 2020 by LEEANNA89

_________________________________

A/N: Thank you for reading guys!

Ps. Please vote, comment and follow me💕

Kaugnay na kabanata

  • Emergency couple series 1   CHAPTER FOUR

    “Emergency couple chapter four”Habang inaasikaso ni Elaine ang mga kakailanganin sa pag alis nila ng bansa ay abala naman silang dalawa sa kanilang secret wedding. Sa titong judge ng kaibigang si Elaine sila humingi ng tulong para manatiling sekreto ang kanilang pangalawang kasal. “Sam okay na nga pala yung mga pinapaasikaso mo sakin. Tumawag na ako kina ate Yhannie at kuya Jin para ipaalam sa kanila na duon tayo mag sstay sa vacation house nila sa Gangman.”“Maasahan ka talaga nae-excite na tuloy ako sa flight natin.” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan“Talaga naeexcite ka? Parang bago yata yun sa pandinig ko ahh?” Tanong nitong napapangiti“ I mean naeexcite ako sa flight natin dahil kahit paano matatahimik ang buhay ko ng panandalian.” “Yeah i know, Alam ko naman na hindi ka nag tatravel sa korea dahil gusto mo duon kundi ginagawa mo itong taguan kapag naee- stress kana sa buhay mo dito sa pilipinas.”“Haha, Kilala mo talaga ako Elaine.”“Sus! Sa loob ba naman ng maraming taon t

    Huling Na-update : 2023-06-07
  • Emergency couple series 1   CHAPTER FIVE

    “Emergency couple chapter five”“Koreaaaa im here again!” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse“Hoy! Ano kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo nagkaka-ganyan ka hindi ka paba nag sasawa?” “Kailan man hindi ako mag sasawang mag travel dito dahil para sakin korea is life.” Nakangiti nitong sagot “Kung ganon bakit hindi ka nalang magpa petition kina kuya Jin at ate Yhannie?”“Hindi mo parin ba alam ang dahilan kung bakit hindi ko maiwan ang pilipinas?”“Teka hulaan ko ahh. Hmm si kuya Neil ba?”“Haha paano mo nalaman?” Di makapaniwala nitong tanong“Hoy! Obvious kayang crush mo ang kuya ko.”“Ganon ba talaga ka obvious? Haissst! Kung hindi lang dahil sa kuya mo susunod na talaga ako dito kina ate yhannie para updated ako sa mga oppa ko.”“Maganda at payapa ang bansang ito yon nga lang medyo mahirap makipag commiunicate, hindi naman kasi tayo marunong ng langguage nila.” “Ano kaba sabi nga nila kung gusto may paraan kaya kung hindi parin m

    Huling Na-update : 2023-06-08
  • Emergency couple series 1   Chapter six

    Warning! Mature content read at your own risk..“Emergency couple chapter six”Binalot siya ng matinding kaba nang madatnan niyang walang malay at nakahandusay sa sahig si Sam. Agad niya itong binuhat at marahang nilapag sa kama. Sinalat niya ang nuo nito at bahagya pa siyang nagulat nang maramdamang inaapoy ito ng lagnat kaya naman nag madali siyang maghanap ng gamot, palanggana, warm water at towel tsaka mabilis na bumalik sa kwarto. Maingat niya itong pinunasan nang basang towel upang kahit papaano'y bumaba ang body temperature nito. Nakaramdam tuloy siya ng awa para dito at hindi rin niya maiwasang sisihin ang kanyang sarili dahil alam niyang ipinahya niya ito kanina kaya't ganon nalang ang pamamaga ng mga mata nito. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit ito nagkasakit kaya para makabawi sa mga naging kasalanan niya dito, ay handa niyang itong alagaan hanggang sa bumuti ang pakiramdam nito.Mababa na ang temperatura nito ngunit hindi parin ito nagkakamalay. Hindi na mabilang kun

    Huling Na-update : 2023-06-09
  • Emergency couple series 1   CHAPTER SEVEN

    Warning: Mature content read at your own risk...“Emergency couple chapter seven”Kinabukasan.Hindi na siya nagulat pa nang magisingang katabi niya ang kanyang asawa. Bagaman kasi na nakainom siya kagabi ay nasa tamang pag iisip parin naman siya kaya naman malinaw na malinaw sa kanyang alaala ang namagitan sa kanila ni Sam kagabi. Rumehistro ang ngiti sa kanyang mukha ng makitang himbing na himbing itong natutulog habang nakaunan sa kanyang braso. Marahan niyang itong inilipat sa malabot na unan at saka nag tungo sa shower. Matapos maligo ay agad niyang tinungo ang kitchen para mag prepair ng kanilang agahan.Hindi niya mapigilang mapangiti sa isiping siya pala ang unang lalaki na pinag alayan nito ng kanyang pagkababae. Inakala niyang liberated ito dahil minsan na niyang napanuod ang kontrobersyal na balita tungkol sa mga lalaking naging karelasyon nito. Bukod pa duon ay nakukuha nito ang lahat ng magustuhan dahil kilala sa industriya at ma-impluwensya ang pamilya nito. Hindi niya m

    Huling Na-update : 2023-06-10
  • Emergency couple series 1   CHAPTER EIGHT

    “Emergency couple chapter eight”Naalimpungatan at pupungas pungas pa si Jaycee ng biglang mag vibrate ang cellphone ni Sam na nasa side table ngunit hindi nito makita ang caller dahil nakataob ang screen nito sa maliit mesa. Bahagya pa itong bumangon para malaman kung sino ang tumatawag na iyon ngunit kusa itong napahinto sa isiping maaring magalit ang kanyang asawa kaya ginising na lamang niya ito.“Sam may caller ka.” Panggigising nito “Hmmm?” Ungol nito ngunit hindi man lang nagmulat ng mata bagkus ay tumalikod pa ito sa gawi ng lalakiMuli sana nitong gigisingin ang asawa ngunit huminto na sa pag vibrate ang cellphone nito kaya bumalik nalang din siya sa paghiga. Patulog na sana si Jaycee nang muling mag vibrate ang cellphone ni Sam bagay na ikina inis nito.“Sam yung caller mo ayaw tumigil, sagutin mo na baka mamaya importante ang sasabihin nyan.” Muling pang gigising nito saka bahagyang niyugyog ang balikat ng asawa“Inaantok pa ako, paki sagot nalang baka si Elaine lang yan.”

    Huling Na-update : 2023-06-11
  • Emergency couple series 1   CHAPTER NINE

    “Emergency couple chapter nine”Pasadong alas dose na ng tanghali ng marating ni Eaine ang bahay kung saan naruon sina Jaycee at ang kaibigan nitong si Sam. Medyo nagtaka pa ito dahil wala mang lang sumalubong sa kanya kahit alam naman ng mga ito na ngayon ang kanyang uwi . Inilibot pa muna nito ang tingin sa salas at kusina ngunit wala ang mga ito duon. Nakapatay din ang ilang mga ilaw at tahimik din ang buong kabahayan.“Asan kaya sila? Alam nilang ngayon ang uwi ko pero hindi man lang nila ako sinalubong? Huh?! Grabe ang dalawang ito nakasundo lang nakalimutan na agad ako?” Himutok nito habang hinahap ang mag asawaDumiretso ito sa kwarto dahil iyon nalang din naman ang lugar kung saan pwede nitong hanapin o makita ang dalawa. At hindi nga ito nagkamali dahil agad na bumungad sa kanya ang nahihimbing at magkayap na sina Sam at Jaycee“Huwaaw! Ang sweet n'yo naman! Parang kahit langgam mauumay sa ka sweetan ninyo.” May panunudyong wika nitoTila nakakita naman ng multo ang kakagisi

    Huling Na-update : 2023-06-12
  • Emergency couple series 1   CHAPTER TEN

    “Emergency couple chapter ten"Alas kwatro na nuon ng hapon kaya sinimulan na nila ang paghahanda ng kanilang gagamitin sa celebration. Magkatulong nilang inayos ang lugar bagaman maganda na ito dahil sa mga halaman at bulaklak na naruon ay naisip pa nila itong palamutian ng mga christmas light upang mas lalong lumutang ang ganda ng lugar. Tulad ng nauna nilang silibrasyon ay sa garden din nila piniling pumwesto, sariwa kasi ang hangin duon kaya perpekto ang spot nayun para mag relax. Nakangiti nilang pinamasdan ang lugar matapos nila i prepairang ang lahat magsimula sa mga upuan, lamesa pati na ang mga pagkain, inumin at pulutan. "Ang ganda hindi ba?" Wika ni Sam habang kay lapad ng pagkakangiti"Oo. Sobrang ganda." Sagot naman ng pilyong si Jaycee na ngayon ay titig na titig sa kanya habang nakangitiPakiramdam niya ay matutunaw siya ano mang oras dahil sa paraan ng pag titig nito na tila tumatagos sa kanyang kaibuturan. Ilang dangkal lang no'n ang kanilang pagitan kaya naman nag

    Huling Na-update : 2023-06-13
  • Emergency couple series 1   CHAPTER ELEVEN

    “Emergency couple chapter elevenHalos magkabungguan pa sila ni Elaine na halatang kakagising lang din at dahil iyon sa magkakasunod na tunog ng doorbell ang umalingawngaw sa loob ng buong bahay."May inaasahan kabang bisita?" Kunot nuong tanong ni ElaineUmiling naman siya bilang sagot bagay na lalong nagpakunot sa nuo nito. Sabay pa silang napalingon ng iniluwa ng pinto si Jaycee na nagkukusot pa ng mata."May bisita yata kayo." Wika naman nito nang muling mag doorbell ang hindi inaasahang bisita sa labas Si Jaycee ang nagpati una sa pagbubukas ng gate habang sila naman ay nasa bandang likuran lang nito. Literal na nanlaki ang kanyang mga mata ng mabungaran ang hindi inaasahang lalaki na tila kanina pang nakatayo sa harap ng kanilang gate.“T- troy? Anong ginagawa mo dito?”Gulat niyang tanong sa lalaking kay lawak ng pagkakangiti“Nandito ako para ayusin ang ano mang gusot sa relasyon natin. Gusto kong bumawi sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali sayo kaya please, payagan mo akon

    Huling Na-update : 2023-06-14

Pinakabagong kabanata

  • Emergency couple series 1   FINAL CHAPTER

    “Emergency couple final chapter”Nangako siyang sa kanyang asawa na hindi na niya muling pipilitin ang sarili na maalala ang nakaraan ngunit hindi parin niya magawang hayaan nalang na tuluyang malimutan ang mga alaalang iyon dahil pakiramdam niya'y nawalan siya ng isang parte ng katawan kaya't kailangan niya itong mahanap“Honey! Gusto ka daw makita ni kuya Neil at Elaine halika muna dito.” Tawag ng Misis niyang medyo maumbok na ang tiyan“Okay, Wait lang hon mag bibihis lang ako.” Sagot niya habang nagmamadali na makapag suot ng damit pang itaas Matapos makapag bihis ay mabilis niyang tinungo ang garden kung saan nakikipag video call ang kanyang asawa sa kanyang brother inlaw“Jaycee long time no see kamusta kana? Mukhang okay na okay kana ahh.” Nakangiting bungad nito sa kanya“Medyo okay na nga ako kuya salamat. Kamusta naman kayo d'yan?” Balik tanong niya sa mga ito“Heto sinusulit ang bawat araw namin dito sa italy, Ilang days nalang kasi balik na namin ng pilipinas kaya pinupun

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY FOUR

    “Emergency couple chapter twenty four” Ilang araw na ang nakalipas mula ng ma discharge si Jaycee sa ospital kaya't sa bahay na ito tuluyang nagpapagaling. Bawat araw sinusubukan niyang gawin ang mga bagay na sa akala niya'y makakatulong para muli siyang maalala ng asawa.“A- anong bang ginagawa mo?” Gulat nitong tanong ng ma corner niya sa isang sulok“Hindi mo ba ito natatandaan? Ginawa mo ito sa akin nuon para maakit ako sayo.” Bulong niya sa tenga nito“Sorry pero wala talaga akong maalala ehh tsaka pwede bang medyo lumayo ka? H- hindi kasi ako komportable.” Sagot nitong paalis na sana ngunit mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang sarili dahilan para masandal ito sa wall kasabay ang pagpindot niya sa switch ng ilaw“Sinong nag switch off ng ilaw sa salas ang dilim wala akong makita.” Reklamo ni Don EmilioMabilis silang naglayo ng marinig ang boses ng ama at dali daling pinindot ang switch ng ilaw.“Ohh hija, anong ginagawa ninyo bakit nakapatay ang ilaw?” Usisa nito habang nagp

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY THREE

    "Emergency couple chapter twenty three"Mabilis na rumesponde ang mga police kaya't hindi nakaligtas sa mga ito si Troy. Agad nilang itong dinala sa police station para duon imbistegahan. Samantala mabilis namang nilang isinugod sa ospital ang duguang si Jaycee. Sinalubong naman sila ng ilang nurse at doktor at mabilis na dinala ng mga ito sa emergency room si jayceeHindi siya matahimik kaya't panay ang lakad niya habang naghihintay sa paglabas ng mga doctor na nagsagawa ng operasyon sa kanyang asawa. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa sobrang pag aalala na baka hindi ito maka survive at tuluyan silang iwan nito. “Sam hija, maupo ka muna at mag relax. Maaaring makasama sa baby mo ang labis na pag aalala kaya please maupo ka muna.” Nag aalalang wika ni Don Emilio“Dad, n- natatakot po ako. P- paano kung iwan n'ya kami ng anak ko?” Garalgal ang tinig niyang tanong sa ama“Hija, lakasan mo ang loob mo para sa magiging baby ninyo. Naniniwala akong makaka survive si Jaycee kaya plea

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY TWO

    “Emergency couple chapter twenty”One year later...“Hanggang ngayon nalulungkot parin ako para kay Tito Clark. Hindi parin ako makapaniwala ng humantong sa ganito ang lahat.” Baling niya kay Sam habang inaalis nito ang ilang tuyong bulaklak“Honey, nasa heaven na si Tito Clark ngayon kaya wag kang malungkot. Isa pa siguradong masaya na siya dahil okay na si Rhea ngayon.” Sagot naman nito na sinundan ng isang ngiti “Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot kapag naalala ko si Tito.” Muling sagot niya “Tama na ang pag e- emote mister. Pupuntahan pa natin si Rhea remember?” Paalala pa nito"Okay, okay. Hindi ko naman nakakalimutan iyon." Natatawang baling niya itoSumulyap pa muna siya sa puntod bago tuluyang tumalima sa asawa. Naisip nilang dalawin si Rhea dahil matagal narin ang huli nilang pagkikita. Naging busy sila at maging ito'y naging busy din sa pag bawi ng kumpanyang iniwan ng kanyang ama at nag tagumpay naman ito kaya ito na ngayon ang pinakabago at pinaka batang presidente

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY ONE

    Puno ng pagtataka ang mukha ni Jaycee ng ihinto niya ang kanilang kotse sa harap ng isang lumang bahay na animo'y walang nakatira kaya mukhang napabayan na ito. Hindi naman niya pinansin ang tila malaking question mark sa mukha nito at diretsong bumaba ng kanilang sasakyan. "Sino ang nakatira sa bahay na iyan at paano siyang makakatulong para makalaya si Rhea?" Hindi mapigilang tanong nito"Dito nakatira ang isa sa mga dumukot sa atin ng araw na iyon." Saot naman niya habang inililibot ang paningin sa kabahayan"Kung ganon hindi dapat tayo nandito na tayong dalawa lang. Delikado ang lugar na ito para sa atin." Nag aalalang wika nito"Wala na si Mr. Ignacio kaya ano pang saysay kung sasaktan nila tayo? Bukod duon nalaman ko din na hindi talaga masamang tao si mang Ben kundi napilitan lang itong sumama sa grupong dumukot sa atin dahil kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang bunsong anak." Sagot niya habang papalit sa pinto at saka kumatok sa naka awang na pinto "Si Ben ba

  • Emergency couple series 1   CHAPTER TWENTY

    “Emergency couple chapter twenty”Isang pamilyar na tunog ang narinig nilang umaalingawngaw mula sa labas ng gusali kaya't kahit nanlalambot pa ang kanyang mga tuhod dahil sa labis na takot ay pinilit parin niyang tumayo at iwan panandalian ang kanyang asawang si Sam upang salubungin ang mga rescuer. Agad naman niyang nabungaran ang mga rescuer at mga pulis na nagmamadaling umakyat sa gusali kaya tinawag niya ang pansin ng mga ito upang makita ang kinaroroonan nila. Dali- dali namang pumunta ang mga ito sa kinaroroonan nila at agad na dinaluhan ang dalawang taong duguan at nakahandusay sa lapag.“May pulse pa isang ito, mag mabilis kayo't isakay natin siya sa ambulansya.” Tawag pansin nito sa mga kasama Agad naman lumapit ang iba pang rescuer at mabilis ngang isinakay sa ambulansya ang may buhay pang si Rhea. Dinali din sila ng mga ito sa ospital para magamot ang ilang sugat sa katawan. Matapos silang lapatan ng first aid ay agad silang naghintay sa labas ng operating room para alami

  • Emergency couple series 1   CHAPTER NINETEEN

    “Emergency couple chapter nineteen”Puno ng takot ang kanyang dibdib habang binabagtas nila ang hindi pamilyar na daan. Idagdag pa duon ang mga malalagkit na pagtitig sa kanya ng ilang armadong lalaki habang wala parin malay ang asawa niyang si Jaycee. Nagkakatuwaan pa ang mga ito nang huminto ang sinasakyan nilang van. Muling siyang sinalakay ng matinding takot ng matanaw mula sa hindi kalayuan ang isang luma at abandunadong building. Marahas niyang ipinilig ang kanyang ulo upang tingnan ang kalagayan ng kanyang asawa ngunit mas lalo lamang nadagdagan ang takot sa kanyang dibdib ng makitang nakatutok sa ulo nito ang hawak na baril ng lalaking nasa pagitan nila.“Kakaladkarin ko nalang ba ang lalaking ito papasok?” Nakangising tanong ng isang lalaking armado“Bahala na kayo, basta't dalhin ninyo iyan sa loob!” Sabad ng isa pang lalaki na tila leader ng grupo“P- paki- usap wag po ninyong kaladkarin ang asawa ko.” Umiiyak na paki- usap niya sa mga ito“Paano ba iyan pre, nakiki- usap s

  • Emergency couple series 1   CHAPTER EIGHTEEN

    “Emergency couple chapter Eighteen”“Hija, wala ka parin bang balak patawarin ang asawa mo? Ilang araw na ang lumipas hindi parin ba nawawala ang galit mo sa kanya?” Di mapigilang tanong ni Don Emilio Hindi ito sumagot bagkus ay tinalikuran lamang siya nito at saka pumasok ng sarili nitong silid. Napailing na lamang siya sa pag mamatigas ng anak. Alam niyang miss narin nito si Jaycee ngunit pilit nitong pinapairal ang pride. Naisip niyang tawagan ang kanyang son inlaw para ibalita dito ang patuloy na pag mamatigas ng kanyang anak.“How are you hijo?” Bungad niya sa kabilang linya“Okay lang naman po ako Dad. Si Sam po kamusta na? Nag uusap na po ba kayo?” Tanong nito“Jusko Jaycee! Hindi man lang ako ininform ng asawa ko bago siya pumanaw na gawa pala sa adobe ang ulo ng anak namin.” Sagot niyang tila nawawalan na ng pag asa “Okay lang po ba na pumunta ako dyan at subukan siyang kausapin?” Muling tanong nito“Mas mabuti pa nga siguro. Please gawin mo ang lahat para maging okay na ka

  • Emergency couple series 1   CHAPTER SEVENTEEN

    “Emergency couple chapter seventeen”Malalim na ang gabi kaya siguradong tulog na ang lahat ng tao sa mansion. Tiyak din na walang makakapansin sa gagawin niyang pag alis kaya marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto ng kanyang silid at maingat na lumabas bitbit ang isang maleta. Naka off ang lahat ng ilaw kaya ingat na ingat siyang makalikha ng kahit anong ingay. Buong ingat niyang isinara ang pinto matapos lumabas ngunit nagulat at halos mapasigaw siya ng may mabunggo siyang isang bulto.“Hon? Bakit ka naglalakad ng naka off ang ilaw baka ma-Kusa itong napahinto sa mga nais pa nitong itanong sa kanya ng i- on nito ang ilaw at tumambad sa dito ang bitbit niyang maleta.“Aalis ka? Ganon ba talaga kalaki ang galit mo sakin para iwan mo ako?” Naluluhang nitong tanong“Oo ganon kalaki! Gusto ko sanang patawarin ka pero isang kasinungalingan na naman ang sumampal sa mukha ko kaya't hindi ko na kaya. Itigil na natin ito paki usap. Baka hindi ko na kayanin pa kung sakaling malaman kon

DMCA.com Protection Status