JAEL'S POINT OF VIEWNag paalam muna ako kina Elkayne na mag papahinga dahil ubos na ubos yung social battery ko, pakiramdam ko kailangan ko muna mag recharge kaya naman nag hanap ako ng lugar kung saan ako pwede makapag pahinga kaso lahat ng gusto kong puntahan, may tao. Kahit yung garden at library sobrang dami nang tao hanggang sa napadpad ako sa music room. Sinilip ko muna kung may tao sa loob at napa ngiti ako nang wala akong makita. May kalayuan ang Music Room sa mga school building kaya siguro walang pumupunta rito at mukhang matagal na rin hindi napupuntahan at nalilinisan dahil medyo maalikabok. Humanap ako nang pwesto kung saan pwede ako maka idlip kahit sandali. May sitting couch malapit sa may piano kaya doon na ako punwesto, pinag tabi-tabi ko lang para maka higa ako ng maayos. Buti nalang may aircon kaya medyo malamig. Kinuha ko lang sa bulsa ko ang panyong hawak at ginamit pang takip sa mukha. Sinigurado ko munang walang tao bago ako pumikit. Bumibigat na ang talukap
JAEL'S POINT OF VIEW"What's happening outside?" Tumaas ang gilid ng labi ko kasabay ng pag irap dahil sa tanong ni Ross. "Lumabas ka kaya dito sa lungga mo para malaman mo," sagot ko sakanya at umupo sa sahig. Second Day na ng intrams at kaka-rating ko lang ng school pero agad akong dumeretso dito sa Emphemours. Akala ko wala pa rito si Ross dahil sobrang aga pa pero parang kanina pa sya nandito at, "Dito ka ba natutulog?" May mga naka kalat kase sa sahig na foam tapos naka pajamas pa sya."Sometimes, but these past few days, yeah." Niligpit nya ang mga kumot sa sahig at pinasok sa isang kwarto dito sa loob bago pumasok sa cr habang ako naman ay sumilip sa maliit na bintana para tingnan yung mga nasa labas. Alas otso palang ng umaga pero ang dami na agad nag kalat na estudyante. "Bakit nandito ka na naman?" Nilingon ko si Ross na kakalabas lang ng banyo habang pinupunasan ang basang buhok. "Bawal ba?""Oo," he answered. I rolled my eyes. "Why? Kayo lang ba pwede rito?" Tiningnan
JAEL'S POINT OF VIEW"Hoy, gaga ka. Bakit iba amoy mo?" Sininghot ni Ivy ang suot kong t-shirt. Inamoy ko rin. Halos mapa-mura ako dahil amoy na amoy sa t-shirt ko yung amoy ni Ross. Parang aso na naki amoy din si Cypress habang su Elkayne ay naka tingin saamin. Tinaasan ko sya ng kilay, baka pati sya maki amoy saakin 'no! "Parang familiar," umamoy na naman si Ivy. Bahagya akong lumayo sakanila para tigilan na nila ang kaka-amoy sakin, para kase akong isang bag na may dala-dalang droga sa katawan tapos sila yung asong kikilatis saakin para malaman kung may dala ba talaga ako kaya naman lumayo na ako bago pa nila malaman. "Amoy lalaki ka," bulong ni Elkayne. Ang galing talaga ng isang 'to. "Nag try ako ng perfume sa TVL Booth kanina 'no." sagot ko. Para akong tanga na pinapatunayan pa rin yung pag sisinungaling ko kahit alam ko namang hindi sya naniniwala. "Sakin ka pa talaga mag sisinungaling," napa buntong hininga si Elkayne at inakay ako sa may bleachers. Hindi na nya ako kinuli
JAEL'S POINH OF VIEW"Where can we buy?" Tinuro ko yung toy store sa loob ng mall. Nauna syang nag lakad habang naka sunod lang ako, first time ko maka punta sa ganitong store kaya pag pasok ko, manghang-mangha ako. Matutuwa sila Levi at Rhys kapag dinala ko sila sa mga ganito pero baka matagal pa 'yon, habang tinitingnan ko palang kase yung mga laruan ang mamahal na."This one? What do you think?" Tiningnan ko nang mabuti yung tinaas nyang teddy bear. Kulay brown ito tapos medyo malaki pa. Umiling ako, "Baka may better choices pa." Nag ikot-ikot lang kami sa buong toy store, ang hirap pumili ng laruan dahil hindi naman alam ni Ross yung mga tipo ng kapatid n'ya at wala rin syang idea, mahirap na at baka hindi pa magustuhan kaso baka naman appreciative yung bata."Kailan ba nung huli mo syang nakita at bakit wala kang alam?" Tanong ko habang nag titingin. "Five months ago," sagot niya. Napa buntong hininga na lamang ako. "Sino nag babantay sakanya? Sino kasama?""He's living with Da
JAEL'S POINT OF VIEWThe gymnasium was buzzing with excitement as my friends and I made our way from the gym to the front row seats to watch the men's basketball game between Azure College and their arch-rivals, Riverdale."Kakaladkarin talaga kita, Jael." Yamot na sabi ni Cypress. "Ayoko kase manood, ang daming tao. Nakikita ko palang sila, nauubos na social energy ko." Hindi nila pinansin ang sinabi ko. Wala na rin naman kaming magagawa dahil nandito na rin kami. Binigyan kaming tatlo ni Elkayne ng VIP ticket para panoorin s'ya. "Pota, kaya pala hindi ako nag almusal sa bahay, mabubusog pala ako dito." Ani ni Ivy habang naka tingin sa kabilang bleachers ng gym kung saan naka pwesto ang estudyante ng Riverdale. I scanned the gym and noticed that the seats were nearly all occupied. The speaker announced that there were only 10 minutes left until the game began. We hadn't seen the players yet, but the energy in the gym was palpable. Palong-palo yung hiyaw ng mga taga Riverdale pero h
JAEL'S POINT OF VIEW"Aray ko naman!" Kinuha ko kay Ross yung suklay. Nag presinta kase itong talian ako nang buhok pero mukang hindi tali ang nagagawa nya kundi buhol-buhol."Ang tigas ng buhok mo," aniya at inagaw saakin ang suklay. "Parang hindi naka conditioner." "Ang kapal ng mukha mo Ross, hindi ka lang marunong." Inirapan ko s'ya. Tumayo ako at lumapit sa may maliit na salamin para mag tali, "watch and learn." Sinuklay ko muna yung buhok ko at saka hinawakan para kunin yung tali bago ko ipusod. Tiningnan ko sya sa salamin, seryoso lamang ako nitong pinapanood, may pag kunot pa ng noo. "Bakit ganon, walang naiiwan na baby hair?" he asked."Dapat kase mahigpit hawak mo tapos make sure na nasama mo lahat ng hair. Pag may mga baby hair pa rin na natitira pwede na lagyan ng gel para tumigas tapos dumikit." "Ah," he nodded. "Okay. Tanggalin mo ulit tali mo, ako mag tatali." Tumaas ang kilay ko. "Ayoko, bahala ka dyan. Punta na akong room." Hindi ko na inantay ang sagot nito dahil
JAEL'S POINT OF VIEW"Oh, andito ka na naman." Umupo ako sa harap ni Ross na tumuntungga na naman ng beer. Ngumisi ito. "Bawal ba?" "Hindi naman." Tapos na yung mga gagawin ko sa loob ng store kaya naman napag desisyunan kong lumabas para damayan ang nag sesenti na si Ross. Kanina pa s'ya rito mga alas otso ng gabi, mag aala una na ay nandito pa rin sya. Nakaka tatlong beer na nga ito, hindi ko tuloy sigurado kung safe pa sya mag drive. "Kaya mo pa ba mag maneho?" Tanong ko habang ginigilid yung mga bote. Naki kuha na rin ako ng pulutan n'yang chichirya. "Yeah," he answered as he sipped from his beer. Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman ang lamig ng hangin, naka limutan kong mag dala ng jacket kaya naman halos manigas na ko sa lamig sa loob ng store. "Saan punta mo?" Tanong ko nang biglang tumayo si Ross. Hindi nya ako sinagot at dumeretso sa kanyang sasakyan na naka parada lang sa gilid namin, may kinuha ito aa likod ng sasakyan at bumalik dito sa pwesto nya kanina na ma
JAEL'S POINT OF VIEWPag gising, nag asikaso na agad ako. Nag luto ng almusal at plantsa ng uniporme ng mga kapatid ko para sa pag pasok. Dahil mas maaga ang pasok nila saakin, may oras pa ako mag asikaso sa sarili ko pag naka gayak na sila papuntang school."Ingat sa pag mamaneho, Kuya." Paalala ko kay manong driver na nag hahatid-sundo kina Levi at Rhys. Inantay ko munang mawala sila aa paningin ko bago pumasok sa loob ng bahay. Ako naman ang kumain at naligo. Maya't-maya ang silip ko sa telepono dahil mula kagabi, wala pa rin reply si Ross. Percival Ross:Take care.Jael:Salamat. Kaya mo ba talaga?Mag sabi ka if ever may kailangan kaIniwan ko kase kagabi si Ross dahil kailangan ko na umuwi, bago ako umuwi hindi naman sya mainit pero dahil hindi sya nag r-respond sa mga chat ko sakanya, namumuo ang pag alala ko.Hindi na ko nag ligpit ng bahay at umalis na kaagad, baka pag uwi ko nalang iyon gagawin. Nag madali akong sumakay ng jeep at kung minamalas nga naman, ang nasakyan ko