Bed Rest"Tama lang na gawin mo ang sina-suggest ng doctor mo, iha. Iyon naman ay para sa anak mo. Saka tama lang din ang sinabi ng asawa mo na dapat ka munang maglagi na muna sa bahay n'yo. Do it for your little one, okay? Just don't you worry, ‘pag okay ka na at ang baby mo sa sinapupunan mo, anytime pwede ka nang mag-report ulit dito sa trabaho mo," sang-ayon sa akin ng mabait na supervisor at Ninang namin ni Alex sa kasal."Thank you ho, Ninang. Pangako ho kapag okay na ako, magre-report agad ako dito sa office." magalang na tugon ko rito."Okay lang 'yon, hija. Isa pa, wala ka namang dapat na alalahanin dahil kahit magbuhay Reyna ka at hindi na magtrabaho ay hindi ka naman maghihirap. Kung sakaling mawalan ka rin ng trabaho dito, may kompanya naman ang asawa mo at pwede kang magtrabaho doon anytime and in any position." nakangiti pa nitong pahayag."Tama ho kayo, Ninang. Pero hindi naman ho ako ang mayaman eh, si Alex lang 'yon. Isa pa ho, nakasanayan ko na kasing magtrabaho dito
Lunch Date"Si Alex nandito? Oh my God. May usapan pala kaming susunduin niya ako ngayon after ng meeting niya," wika ko rito na biglang napatayo sa aking kinauupuan."Well, you should go now, Martelle. Baka mainip ang Alex mo. Ang hot pa naman ng asawa mo, baka pagkakaguluhan pa 'yon ng iba doon sa department ninyo. Go. Layas na." pagtataboy nito sa akin sa kanyang opisina.Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. "I don't care kung pagkakaguluhan siya. Kung makapalayas ka sa akin huh?" nakapamaywang kong harap rito.She laughs at me. "Sus, kunwari pa... Huwag mo nga akong artehan, Martelle! Kanina ko lang sinabi sa 'yo na basang-basa na kita. Do not keep what you really feel, okay? And I know, you are excited to see your husband right now, kaya layas na," pagtataboy muli nito sa akin."Buti ka pa alam ang nararamdaman ko. Ako kasi, hindi." nakairap kong wika rito.Malakas itong tumawa. "Kasi naman, Mart, ayaw mo pa kasing aminin sa sarili mo ang totoo. Masyado kang nagpapabebe sa asawa m
Photo AlbumWhen I said 'Yes' to Alex's invitation ay dumiretsyo agad kami sa isang restaurant para mananghalian. Pagkatapos ay dumiretsyo naman kami sa kompanya nito. Ayoko sana ngunit mapilit ito na isasama niya ako sa opisina niya. Tanghali pa naman at maiinip lang ako sa bahay. Isa pa, makakapagpahinga naman raw ako roon dahil sa may mini bedroom sa private office nito. I have no other alibi to say. So, pumayag na rin ako sa gusto nito.Habang nagda-drive si Alex ay nag-uusap lang kami ng kung anu-ano. Sinisikap ko na talagang hindi mailang rito at maging normal ang pakikipagharap at pakikitungo ko sa kanya."We're here, honey," anito matapos mag-park ng sasakyan sa parking lot.Umibis si Alex at umikot ito sa kabilang pinto ng kotse para pagbuksan ako. Inilahad nito ang kamay sa akin at nakangiti ko rin iyong tinanggap. I might say that I slowly used to his sweet gesture and lovely endearment to me."Thanks," I said.Ngumiti ito. "Come, and I'll show you my company and office." I
Andrea Calling"Honey," boses ni Alex ang siyang gumising sa pagitan ng aking malalim na iniisip."H-huh?" napaangat ang tingin ko rito."Are you okay? Why so serious?" nagtatakang tanong nito na bahagyang nakakunot ang noo."Ah, oo, okay lang ako. May sini-search lang ako sa Google." pagsisinungaling ko rito."Please, inform me if you are hungry, okay?""S-sure." Dahil siguro sa pagkataranta ng aking kamay ay na-click ko ang isang file nang hindi ko inaasahan.I gasped, and I was speechless with what I’d seen. Ni hindi ko maikurap ang aking mga mata at ang lakas lakas rin ng tibok ng aking puso. I think may isang bahagi ng puso ko ang nagprotesta at nanghihina dahil sa mga nakita ng dalawang mata ko— I have seen some of their random photos together. Actually, there are many photos of them in the file I accidentally opened.'That's it... Now, I know.'Kung kanina ay good mood ako, ngayon naman ay biglang akong nawalan ng gana. Tumayo ako pagka-shutdown ko ng laptop nito. Lumapit ako k
Take Home"Confirmed nga— Nasasaktan ka kasi nagmamahal ka na. At nagmamahal ka kaya ka apektado ngayon, Martelle," wika ni Cristel sa akin na nakangisi."Hindi ah! It can't be, Cris—" she then interrupts me from talking."Anong hindi? Iyan na nga ang resulta oh, klarong-klaro. Huwag mo ngang guluhin ang utak mo, Martelle. I know na may epekto na agad 'yang si Alex sa iyo, and you should accept it kasi iyon yung totoo." Cristel insisting."Okay, sabihin na nating ganoon na nga. Pero—""Pero ano?"Hindi ko masabi-sabi dito ang aking natuklasan. Nag-iisip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cristel ang tungkol doon o manahimik na lang ako since hindi pa naman maliwanag ang lahat."Ano?" kunot-noong tanong nito sa akin.I sighed. Nagdadalawang isip ako pero kilala ko si Cristel. Hindi niya ako titigilan hangga't wala akong sinasabi."He has... Um," papano ko ba ito sasabihin?"Ano nga? Sabihin mo na sa akin." pangungulit pa rin nito sa akin.Yumuko muna ako bago tuloyang sinabi rito ang buma
Good As Him"Saan ka nanggaling?" matigas agad nitong bungad sa akin. "Uwi ba ito ng isang babaeng may-asawa na?!" napayuko ako at napabuntong-hininga. "Damn! You answer me, Martelle!" sabi nito nang makalapit na ito sa akin at mariin akong hinawakan sa braso. "At bakit ka umaalis nang hindi nagpapaalam kung saan ka pupunta? And of all people, yung lalaking 'yon pa ang kasama mo at naghatid sa 'yo?" may diin pa rin nitong pagkakatanong sa akin."What's wrong? Hinatid lang niya ako. Si Cristel talaga ang kasama ko kanina---""At gusto mong maniwala ako sa 'yo?" mariin nitong singhal sa harapan ko sabay hawak sa braso ko."A-Alex... N-nasasaktan ako," bahagya kong hinihila ang braso ko rito.Mas lalo naman nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. "Tell me, Martelle! Matagal ba kayong natapos kaya ngayon ka lang umuwi?" galit nitong tanong tanong sa akin."What are you talking about?" nangunot ang noo ko at tiniis ang pagkakahawak nito ng mariin sa akin."What I am talking about i
Mrs. MontecilloLingid sa kaalaman ni Alex na bahagyang kumikirot ang puson ko, ngunit iyon ay paminsan-minsan ko lang nararamdaman kaya hindi ko na rito ipinaalam pa at para hindi na rin ito mag-alala sa akin. Noong minsan kasi ay nakita lang niyang sumama ang pakiramdam ko, that time ay sinamahan agad niya akong magpa check-up sa Ob-gyne ko. And after he talked to my Ob-gyne ay nagdesisyon na agad siyang magpahinga muna ako sa pagtatrabaho ko sa opisina.But even if I do not inform him what I feel ay hindi ko naman pinapabayaan ang aking nararamdaman. I decided to go to my Ob-gyne kahit hindi ko pa naman schedule sa check-up. Para na rin makasiguro ako sa kalagayan ng anak ko sa aking sinapupunan."Mrs. Montecillo, good morning," agad na bati ng doktora sa akin."Hello ho doktora, good morning." pagbati ko rin rito."How are you, Martelle? Kumusta na rin ang pakiramdam mo?""I'm okay, doc but sometimes I'm not okay." wika ko rito.Kumunot ang noo nito sa akin. "Hm? What do you mean?
MistakesNgumiti ako ng bahagya at tumango lang ako bilang tugon rito at sa iba pang bumati sa akin bago pa man ako makalabas ng tuloyan sa elevator."Excuse me, Mrs. Chavez. Papasok na ho ako sa loob," paalam ko dito ng nasa harap na kami ng table nito."Ma'am, wait," tawag nito sa akin.Lumingon ulit ako dito. "Yes?""Um—kasi may kausap pa si Sir sa ngayon," nagaatubili niyang saad sa akin.I smile at her. "It's okay, Mrs. Chavez. I know my husband and I'm sure hindi siya magagalit," nginitian ko ito at saka nagpatuloy na sa paglakad patungong pinto ng opisina ni Alex.I slowly opened the door, but I immediately frowned when I didn't see my husband in his swivel chair area. As I remember, Mrs. Chavez said that he was here in his office.'Nasaan si Alex?' I thought to myself.Kahit nagtataka ay tumuloy pa din ako, baka kasi nasa banyo lang nito si Alex."Oh, baby... I miss you so much..." Natigilan ako sa narinig ko na mahihinang tinig at ungol. "Alex, baby. I've been longing for you
Take Me"Ayoko na... Ayoko na, Alex... Maghiwalay na lang tayo. Please? Ayoko na!" sabi ko nang diretso at habang nakatitig sa mga mata nito.Ewan at kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lang masabi iyon sa harapan niya nang paulit-ulit.Nakita kong nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Bigla niya akong binitiwan at tumalikod ito sa akin. Kitang-kita ko ang sunod-sunod na buntong-hininga nito habang nakapamewang. Lumapit ito sa lamisita at kinuha nito ang isang bote ng alak saka iyon tinunga. Hindi nito tinigilan ang alak hanggang hindi niya naubos ang laman niyon.Muntik pa akong mapalundag sa gulat at nerbiyos nang itapon nito ang bote sa kung saan mang sulok ng silid na iyon. Basag na basag iyon at lumikha ng napakalakas na ingay sa loob ng silid.Napakagat labi ako nang bigla itong humarap sa akin na nagtatangis ang bagang.'What I've done?'"You really want to quit?!" seryoso ngunit may diing tanong nito sa akin.I bit my lips and I nodded. "Y-yes... I want an annulment, Al
QuitMasaya ako. Masayang-masaya sa natuklasan kong may pamilya pa pala ako sa mga katauhan nina Tita Lethicia at Kuya Reymond. Buong akala ko, wala na talaga akong pamilya at kaanak na matatakbuhan ko sa oras na kailangan ko.Dumaing ako ng pasasalamat sa Diyos pati na sa aking mga magulang at anak dahil hindi talaga nila ako pinabayaan nang tuluyan. Pati na rin sa Tito Roberto ko na ni minsan ay hindi ko nasilayan.Binuhay ko na ang aking cellphone nang nasa loob na ako ng taxi. Pinatay ko kasi iyon kahapon dahil sa tumatawag lagi si Alex. Itinext ko lang ito kahapon saka pagkatapos ay pinatay ko na. Ayaw kong maraming iniisip lalo pa at sariwa pa rin sa akin ang nangyari kahapon-ang kanyang pagsisinungaling sa akin.Nakauwi ako ng bahay ng hapon ding iyon. Laking pasasalamat ko't wala pa rin si Alex nang mga oras na iyon. Agad kong sinimulan ang gagawin kong pagliligpit ng mga damit ko sa malaking maleta. Nang matapos ako ay nilagay kong muli ang malaking maleta sa loob ng dressing
Martelle New FamilyKumawala akong bigla sa bisig ni Mrs. Gomez."K-Kayo ho ba ang may gawa sa pagpapaganda ng puntod ng mga magulang ko sa San Vicente?" tanong ko dito na natitigilan pa rin sa mga oras na iyon."Ako nga. Pinagandahan ko iyon, alang-alang sa pangako ko sa asawa ko. Nagpabalik-balik ako doon nang maraming beses, para naman sana mapag-abot tayo sa pagdalaw mo sa iyong mga magulang. Ngunit hindi ako pinalad na makatagpo ka doon. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Sinabi ko sa isip ko noon na mahahanap din kita. Sinubukan ko ring ipahanap ka sa isang private investigator, pero wala talagang lead kung nasaan ka na. Hanggang sa kusa na lang talaga tayong pinaglapit ng tadhana sa araw na ito."May mga ipinakita itong litrato sa akin. Ang asawa nitong si Don Roberto at ang mga magulang nito at ng aking ama. Pati na ang mga baby picture ng ama ko at litrato noong kabataan pa nito. Tinutukan ko talagang mabuti ang mga larawan ng ama ko. Mayaman nga
One Of Gomez"U-um..." Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas na rin ng kotse nito.Pagpasok namin sa loob ng bahay nito ay namangha ako dahil sa sobrang magara ang lahat ng mga kagamitan na nasa loob ng bahay na iyon."Good afternoon, Madam Lethicia." Nagbigay pugay agad ang mga naka-uniporme na kasambahay dito.I didn't expect that the Madam is very rich. At ibang-iba siya sa Nanay ni Alex na may pagkamatapobre ang dating."Good afternoon. Lusing. Pakihandaan naman kami ng pananghalian nitong magandang bisita ko," marahang utos nito sa mayordoma ng bahay na iyon."Masusunod, Madam Lethicia." Nagsialisan agad ang mga ito sa aming harapan."Hija, halika, doon tayo sa dining table nang makapananghalian na tayong pareho," tawag nito sa nakatulalang diwa ko."O-oho, Mrs. Gomez." Martelle hesitates, but still, she obediently follows the middle-aged woman.Sumabay na ako sa paglalakad ng ginang. Hindi ko pinapahalatang manghang-mangha ako sa bahay nito, lalo na dito, dahil ang bait-bait
Truth Hurts"U-um. O-okay lang ho ako, Ma'ma. H-hindi naman ho ako nabundol at wala hong masakit sa akin.""O sige. Kung walang masakit sa'yo, ihahatid ka na lang namin kung saan ang punta mo ngayon. Look, sobrang mainit kung maglalakad ka lang. Mahihirapan ka ring makasakay sa parteng lugar na ito." prisinta ng ginang na nakangiti pa rin sa akin.I nodded shyly. "S-salamat ho, Ma'am." At sinabi ko rin dito kung saan ako magpapahatid.Nang nasa harapan na kami ng isang sikat na restaurant ay agad akong nagpaalam sa ginang at muli ay nagpasalamat ako rito. Bumaba na ako ng kotse at walang lingon-lingong tumawid ako ng kalsada.Agad akong tumungo sa restaurant na sinadya ko. To check if it's true. And, the truth really hurts.Napapakurap ako sa aking nakikita. Napapalunok at napahawak ang aking palad sa may entrance frame door ng restaurant na iyon.Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatanaw kay Alex at sa kasama nitong babae. Ito rin ang babae na nakita niya sa mg
First Love “Hindi ako naniniwala sa'yo. Hindi, dahil ramdam ko na mahal niya ako. Minahal ako ng asawa ko!""Okay. If you don't believe me bahala ka, but I have something to show you para may ideya ka sa sinasabi ko sa'yo." Then she laughs like a crazy demon mother-in-law. May kinuha ito sa bulsa nito at pagkatapos ay ipinakita sa akin. "Alam mo naman siguro ang lugar na iyan, ‘di ba? You can go there now to check the whole place. Kung gusto mo lang naman na makasiguro. Look, my son is with another woman right now." wika nito na ipinagmamalaki pa sa akin.Tutok na tutok ang aking mga mata sa screen ng cellphone nito. It’s really him, my husband, Alex. Inisa-isa pa nito ang lahat na mga kuhang larawan. Tinutukan kong maigi ang damit nito. At iyon nga ang suot ni Alex kaninang umaga na magkasabay kami sa pagalis ng bahay. It was clear, it's really, Alex.May larawan na magka-holding hands, halik sa pisngi, yakapan, masayang nagtatawanan at marami pang iba. Sa nakikita ko, parang matagal
ChequeBigla akong napalingon sa umagaw ng aking pansin sa pagtitig sa mga larawan ni Alex. Nakita kong nasa huling baitang na pala ng hagdan ang ginang."Yeah, I am here. Now, ano ho ang kailangan mo sa akin?" diretsong tanong ko rito.Lumapit ito sa may direksyon ko. "Maupo ka."Agad din naman akong umupo pati na rin ito. Maya-maya ay may inilapag itong maliit na white envelope sa magarang lamisita nito."Hindi na ako magpapaligoy pa, Martelle. Buksan mo iyan." Ininguso nito ang envelope na naroon."A-Ano ho—""Don't ask me what's inside. Just open it!" mataray nitong putol sa pagtatanong ko.Napapalunok ako habang dinampot ko iyon at saka binuksan. Nanlaki agad ang aking mga mata sa nabasa ko roon. It is a cheque with a FIVE MILLION PESO, written on it. Napakurap-kurap ang mga mata ko.Nagtataka akong tumingin rito. "Para saan ho ito?""Para iyan sa'yo. At para na rin sa bagong sisimulan mong buhay," derekta nito.Tumigas ang aking anyo at tinitigan ulit ang tsekeng iyon. "Hindi ko
Isn't WorkingNatutulala pa rin ako habang nagtatrabaho sa mga oras na iyon. Hindi ko pa kasi makalimutan ang paggawad ng halik ni Alex sa akin. Kung hindi pa ako kinalabit ni Cristel kanina sa may parking area sa labas ng building ay hindi pa ako matitinag sa aking kinatatayuan habang tinatanaw ang papalayong kotse ng asawa ko.Gusto ko man ikaila sa sarili ko, pero hindi e. And yeah, may naramdaman akong pagnanais na yakapin siya.Naiiling na lang ako habang nagtrabaho. Sinubukan kong mag-focus sa aking mga ginagawa dahil sa daming nakatambak agad na trabaho sa aking pagbabalik opisina. Medyo naninibago ako ngunit pinilit ko pa rin na makatapos kahit ilang paperwork lang.Ayaw ko muna sanang pansinin ang tumutunog na cellphone dahil sa abala ako. Ngunit sadyang makulit talaga itong tumatawag sa akin. Kumunot ang aking noo nang isang hindi pamilyar sa akin ang numero ang tumatawag. Nagtataka man ay inabot ko pa rin iyon at sinagot"Hello, sino ho sila?"["Well, guess who this is, Mar
[ ALEX P.O.V. ]Pagkalabas na pagkalabas ni Martelle ay agad kong nilabas ang aking pinipigilang hininga.God! She's still so very hot. If I didn't stop myself, baka ikinulong ko na lang ito sa mga bisig ko at hindi ko na bibitawan pa.Nagpipigil lang talaga ako kanina sa aking sarili ng makita itong naka-roba lang at nakalantad pa ng kaunti ang kanyang dibdib. Hindi ako halos makagalaw sa aking kinatatayuan kanina. Titig na titig lang ako dito, lalo na noong dumaan ito sa aking harapan palabas ng dressing room.Kung hindi lang agad ako pumasok ng banyo, tiyak na makakabig ko talaga ito palapit sa aking katawan.I find myself speechless when I came out of the shower room. She is so lovely in front of the mirror. And again, nag-init na naman ang aking pakiramdam na nawala na sana sa pagbababad ko sa cold shower. Sa totoo lang, sabik na sabik na akong kausapin siya at yakapin sa tuwing gabi hanggang sa aming pagtulog.I want to go near her and pull her head against mine. But I have no s