HALOS magkulong na lang si Dewei sa loob ng kanyang kuwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak at balot ng dilim ang buong silid. Simula nang masampal niya si Marilyn, hindi na siya umuwi sa mansyon. Sa condo na siya nanatili. Pinagsisisihan niyang nanakit siya pisikal ng isang babae at ina pa ng anak niya. Ang isang linggong pag-iisa ay nauwi sa isang buwan. Gising sa umaga, alak agad ang hanap, ganoon din sa gabi. Halos hindi na makilala ang mukha niya sa balbas na unti-unting tumubo. Humahaba na rin ang buhok niya. Ni hindi na rin niya nagagawang maligo. Lahat ng taong malapit sa kanya ay iniiwasan niya. Pati kay Jai ay hindi na siya nagpapakita. Pinatay niya ang kanyang telepono para walang makakontak sa kanya. Tuluyan niyang ikinulong ang sarili, malayo sa lahat. Napabalikwas si Dewei sa malalakas na katok sa pintuan. Pupungas-pungas siya ng kanyang mga mata na tumayo mula sa sopa. Dahil madilim muntik pa siyang matumba nang may masipa siyang bote ng beer sa sahig. "F^ck!" Malaka
TINATAMASA ni Dwight ang tagumpay sa Solara Essence. Limang buwan na siyang nakaupo bilang CEO ng kompanya at lubos niyang ine-enjoy ang lahat ng magagandang pribilehiyo. Mula sa marangyang opisina hanggang sa mga fully-paid business trips, ramdam niya ang sarap ng buhay sa itaas. Hindi lang siya basta CEO ngayon, kilala na rin siya sa industriya. Madalas siyang ma-feature sa business magazines at naiimbitahan sa mga malalaking events bilang speaker. Sa social media, kaliwa’t kanan ang papuri. Marami ang humahanga sa kung paano niya napaangat ang Solara Essence sa loob lang ng maikling panahon. Kahit sa mga coffee shop at hotel lobby, may nakakakilala na sa kanya. Iba na talaga ang dating ng pangalan niya, si Dwight ang pinakabatang CEO na mabilis umakyat sa tuktok. At gusto niya 'yon. Gusto niya ang atensyon, ang paghanga, at ang pakiramdam na siya ang bagong mukha ng tagumpay. "Congratulations, Dwight. I'm so proud of you. Hindi ako nagkamali na italaga ka bilang CEO ng Solara Es
UNANG kaarawan ni Devor, ang anak ni Velora. Isang taon na rin ang bata, at halos dalawang taon na rin silang malayo kay Dewei. Napanindigan ni Velora ang kagustuhan ng ina ni Dewei, ang magpakalayo-layo. "Wala ka pa bang balak bumalik?" Seryosong tanong ni Aster. Napabaling si Velora sa kaibigan niya saka napalingon sa anak niyang nilalaro nina Vanna at Zander. "Meron. Pero natatakot pa ako para kay Devor. Paano kung malaman nila ang tungkol sa anak ko? Ako, kaya ko na ako ang masaktan. Kung ang anak ko ang sasaktan nila, hindi ko kakayanin." Hinawakan ni Aster ang mga kamay ni Velora. "Walang makakapanakit kay Devor. Hindi nila magagawang saktan ang inaanak ko. Andito tayo para protektahan siya." Marahang napatango si Velora at ngumiti ng bahagya. "Pag-iisipan ko ang mga sinabi mo," sabi pa niya. "Velora... Aster. Halina kayo at kumain na tayo," sabat na aya ni Len sa magkaibigan. Tumayo ang magkaibigan at lumapit kina Len. NAGBUKAS ng panibagong branch ng restaurant sina D
PARANG bombang sumabog sa pandinig ni Marilyn ang sinabi ni Dewei. Napaamang siya na tila 'di pa naintindihan ang sinabi nito. "A-Anong sinabi mo, Dewei?" Hindi pa rin maproseso sa utak niya iyon. "You want to know the whole truth?" tanong ni Dewei na mariing napatitig sa babaeng kaharap. 'Di malaman ni Marilyn kung anong isasagot sa tanong ni Dewei. Parang mayroon sa kanya na tila mawawasak sakaling marinig niya ang buong katotoohanan. "Isang taon kang umalis sa mansyon. Isang taon kang hindi man kami kinumusta ng anak mo. Pagkatapos kung ano-ano pa ang sasabihin mo. Kung hindi pa sinabi ng isang kakilala ko na nakita ka dito, hindi ko malalaman kung nasaan ka..." mga hinanakit ni Marilyn. "Ngayon gusto ko nang aminin sa'yo lahat, Marilyn. Humihingi ako ng kapatawaran sa'yo at sa anak natin. Hindi ko talaga kayang pakisamahan ka. Our marriage is fake. Legally, hindi tayo kasal dahil hindi ko pinaregister ang kasal natin. I can't marry you because I'm already married." Nat
NAPATAYO si Dwight. "Walang magagawa si Kuya Dewei sa 'tin. 'Wag mong ipakitang natatakot ka. Saka, sino bang may sabi na puntahan mo siya?" Namumutla pa rin ang labi ni Marilyn. Nasukol sila ni Dewei, at magiging malaking kahihiyan kung lalabas sa publiko ang relasyon nila ni Dwight. Lalo't alam ng lahat na kasal sila ni Dewei. "Dwight, natatakot talaga ako. Paano si Marizca?" tanong niya. Kumalma siya ng kaunti. "Matagal na siyang hindi nagpapakita, kaya noong may nagsabi sa akin kung nasaan siya. Pinuntahan ko siya para kumbinsihing bumalik dito sa mansyon. Saka, may inamin siya sa akin..." Napabaling si Dwight kay Marilyn. "Ano naman 'yon?" Curious niyang tanong "Hi-Hindi kami totoong mag-asawa." "What did you say? Anong hindi totoong mag-asawa?" Sunod-sunod na mga tanong ni Dwight. Marahang tumango si Marilyn at napayuko. “We're not really married. Hindi kami totoong mag-asawa. We had a church wedding, pero to be honest… we're not legally husband and wife. Iyon ang sabi niy
DUMATING si Jai, may dala itong regalo para sa kanyang inaanak. "How is my Devor? Happy birthday, handsome boy!" Masayang bati niya. Tuwang-tuwa naman ang batang lalaki na pilit nagpapakuha kay Jai. Habang lumalaki si Baby Devor, hindi maikakaila na anak nga ito ni Dewei Hughes. Kuhang-kuha nito ang mapupungay na abong mga mata ng ama, pati na rin ang mala-foreigner nitong itsura, matangos ang ilong, maputi ang balat, at may kakaibang karisma. Kaya imbes na makalimutan ni Velora ang dating nobyo ay 'di rin niya magawa. Dahil halos parang araw-araw niyang nakikita si Dewei sa kanyang anak. "Oh, bakit ngayon ka lang?" Esterehadang tanong ni Aster. "Ilang araw na ako dito, ah. Ngayon ka lang dumating." Napaismid si Velora, nanunukso ang kanyang ngiti sa kaibigan. "Anong mayroon sa inyong dalawa?" Nangingiting tanong niya habang ibinibigay si Baby Devor kay Jai. "W-Wala..." ang todo tangging sagot ni Aster. "Wala. E, bakit namumula ang mukha mo, Aster?" untag ni Velora saka napabal
DAHAN-DAHAN pa na lumalapit si Vanna sa Ate niya. Pilit na itinatago ang kanyang phone sa likuran. Nang makalapit sa kapatid ay inilapit ang mukha kay Baby Devor. Gumilid pa sa tabi ni Velora pagkatapos ay pumunta sa unahan. Pero hindi naman nagsasalita. Napakunot ang noo ni Velora nang mapansin si Vanna na tila hindi mapakali. "Anong problema mo, Vanna? Parang kang buntis na 'di mapaanak. Umupo ka nga!" Inis na saway niya. Napalunok si Vanna nang biglang tumaas ang boses ng Ate niya. Kinabahan siya bigla, 'di niya alam kung ano magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang gusto siyang makausap ng Papa nila. Hindi pa rin nagsalita ang nakakabatang kapatid. Napatitig siya sa kapatid at pinanonood lang ang bawat galaw nito. Napabuga ng hangin si Velora. "Ano ba, Vanna? May sasabihin ka ba?" Naiiritang tanong niya. Napayuko si Vanna, nahihiya talaga siyang ibukas ang usapin tungkol sa kanilang Papa. "Ate... ka-kakausapin ka raw ni Papa." Pauna niya na nauutal-utal pa. Nag-iba ang ti
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Velora? May ilang oras ka pa para magback-out," paniniguradong tanong ni Aster. Napabaling siya ng tingin kay Jai na busy sa kausap sa phone. Nasa airport na silang lahat. Sabay-sabay na sila pabalik ng bansa. "Kailan ko pa pupuntahan ang Papa ko? Matanda na siya at mahina na. Ito na rin ang pagkakataon ni Vanna na makilala ng personal ang Papa namin. Maliit pa siya noong umalis siya ng walang paalam," sagot ni Velora at napadako ang tingin sa anak niyang tulog, na nakahiga sa trolley. "Napatawad mo na ba Papa mo? Wala ka na bang galit sa kanya?" Usisa pang tanong ni Aster. "Mahal ko ang Papa ko. Siyempre, patatawarin ko na siya ngayon. Ayokong sayangin na maging masaya na buo kami, kasama namin si Papa." "E, pano kapag nakita kayo ni Dewei? Handa ka na bang harapin siya?" "Sa totoo lang pagdating kay Dewei, natatakot ako. Ayoko na magtagpo ang landas naming dalawa. Kailangan kong protektahan ang anak ko," tugon ni Velora. Inaalala ang kal
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa
NAGMAMADALI na pumasok sa loob ng bahay si Vanna. Napatigil siya nang makita si Dewei Hughes sa loob ng bahay nila at nakaupo sa sopa. "Ma-Magandang araw po, Ku-Kuya Dewei," bati niya na hindi pa rin sanay na tinatawag na Kuya ang binata. Ginantihan siya ng malawak na ngiti ni Dewei. "Oh, Vanna.. ang aga mong umuwi..." sabi ni Velora na naglalakad palapit sa kanila. Napatulog na niya si Baby Devor at nasa kuna nito. Napabaling ang tingin ni Vanna sa kapatid. "Si Papa... tumawag siya kanina sa akin sa school at pinapunta niya tayo sa kasal ng kapatid natin ngayon na. Kasal daw niya." Imporma niya. Nagulat si Velora. Tila parang nahigit niya ang kanyang paghinga. "P-Pinapupunta niya tayo doon?" "Oo, Ate. Sa katunayan nga ipinadala ni Papa ang address kung saan ang kasal." 'Di nakaimik si Velora. Tanggap na kaya sila ng haft sister niya? Parang ang hirap paniwalaan. Ang laki ng kasalanan ng Mama nila sa unang pamilya ng Papa niya at maiintindihan niya kung magalit ito sa kani
"KAYA pala hindi mo masabi sa amin kung sino ang Tatay ng anak mo? E, napakayaman pala niya. Velora, ang swerte mo. Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat. Isang Dewei Hughes ang naging karelasyon mo at ama ni Devor. Naku, sisikat ka na parang artista," bulalas ni Len habang naglalakad sila papunta sa palengke.'Di naman malayo sa tinitirhan nila ang palengke. Kaya puwedeng lakarin."Hindi swerte 'yun, Ate Len. Nagkataon lang na empleyada niya ako sa Solara Essence noon," sagot niya. Pilit itinatago ang totoong naging ugnayan nila ni Dewei noon."Aba'y hindi. Ang magkagusto sa'yo si Dewei, iba. May nakita siya sa'yo na 'di niya nakikita sa iba..."Walang espesyal sa kanya para magustuhan ng isang Dewei Hughes. Isa pa rin siyang simple at mataas ang pangarap na babae.Hindi na sumagot pa si Velora. Ayaw na niyang dugtungan ang pinag-uusapan nila. Baka kung saan pa mapunta iyon at masabi lang niya na hindi puwede dahil may asawa na si Dewei. May pamilya na ang tao, 'di na siya dapat pa pum
LUMABAS ng bahay si Velora para ilabas saglit si Devor. Pero nasira agad ang magandang araw niya nang masilayan si Dewei. "Good morning, Mrs. Hughes," matamis ang ngiting bati ng binata. Umusok agad ang ilong ni Velora sa narinig. "Anong maganda sa umaga kung ganyan na kaagad ang bati mo? Puwede ba, ha. Tigilan mo 'ko! 'Wag mong sirain ang araw ko!" Napalunok si Dewei. Naging mas naging tigre ata ang asawa niya ngayong umaga. "Flowers for you, Velora," sabi pa niya na nailahad ang bulalak. Tinitignan lang iyon at ni hindi tinanggap. Napapagod na ang kamay ni Dewei habang nakalahad ang bulaklak. Pero maya-maya ay kinuha rin iyon ni Velora. Napangiti siya ng lihim. "Hoy! Huwag kang magsaya. Hindi porket kinuha ko ang bulaklak ay okay na tayo." Pagsusungit pa rin ni Velora. Napakamot si Dewei sa kanyang ulo. "Ako na ang mag-aalaga kay Devor. Baka pagod ka na." Napatingin si Velora sa anak. Parang tuwang-tuwa pa itong nakikita si Dewei. Panay ang ngiti ng anak niya. Mag
KASAL nina Dwight at Marilyn mamaya. Walang preparasyon, walang mga bisita, at walang malaking handaan. Sila-sila lang, ang mag-asawang Donny at Solara, ang anak nina Marilyn at Dwight na si Marizca, at si Vener, ang ama ni Marilyn. Bago ayusan ang mag-inang sina Marilyn at Marizca ay nasa kuwarto lang sila at hindi lumalabas. Ang laki ng pagtataka sa mukha ng anak. 'Di niya alam paano sisimulan ipaliwanag kay Marizca ang lahat. Pero unti-unti ay pipilitin niyang ipaintindi sa anak ang lahat. Napadako ang tingin ni Marilyn sa simpleng damit na isusuot niya sa kasal nila ni Dwight. Isang white plain dress at terno silang mag-ina. Alam niyang malaking kahihiyan ang ginawa niya, na halos hindi na niya alam paano tumingin sa mata ng magulang nina Dwight at Dewei. "May okasyon po ba? Sino pong ikakasal?" takang tanong ni Marizca. Nginitian lang ni Marilyn ang anak. Parang pinapatay siya ng sarili niyang konsensiya habang ganito ang trato nila sa kanya. Hindi niya deserve ang gani
NAPATITIG si Dewei kay Velora, tila kinakabisa ang mukha ng kanyang asawa. Simple na ang ayos nito ngayon, mula nang dumating si baby Devor sa buhay nila. But she was still the Velora he loved—ang babaeng palaging may pulang lipstick sa labi. Kapag naiisip niya iyon, mabilis mag-react ang katawan niya… lalo na ang kaibigan niyang natatakpan lang ng boxer at pantalon. Parang ayaw pa atang maniwala ni Velora sa sinabi niya kanina. Pinag-iisipan tuloy ni Dewei kung paano niya ipapaalam kay Velora na matagal na silang kasal. Ngayon palang nakikita na niya kung gaano siya nito ipagtabuyan paalis sa buhay nila ng anak niya. "Payagan mo lang 'ko ipaliwanag sa'yo ang lahat. Tapos, aalis na ako. Puwede ba?" Nakikiusap ang mga tingin niya. Irap ang naging ni Velora. "Naiintindihan ko. Hindi mo na ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo pati na ng pamilya ko..." tumayo siya at nakayuko ang ulo na tumalikod kay Velora. Nasa isip ni Dewei na magbabago ang isip ng asawa at pakikinggan ang lahat n
GUMAGANTI na rin ng halik si Velora. Ipinagkakanulo siya ng sarili niyang katawan. Kahit anong pigil ng isip, gusto naman ng puso at ng katawan niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Baka sa pagpikit niya, bigla na lamang maglaho si Dewei. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip na ito. Nang sa pagitan ng halikan nila ay dumapo ang mga kamay ni Dewei sa dibdib niya. "Sh^t! Parang totoo na 'to, ah..." usal niya sa isip. Hindi ito isang panaginip. Si Dewei nga ang nasa ibabaw niya, humahalik sa labi niya. Napakunot ang kanyang noo. Napatiim si Velora ng kanyang labi at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata. Bumalikwas siya ng bangon. "Hoy! G^go ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto naming mag-ina?" Sunod-sunod na mga tanong niya. Napatilapon si Dewei at napaupo sa sahig. "Baby, naman. Masakit..." daing niya habang hawak ang piging nasaktan at dahan-dahan na tumatayo. "Talagang masasaktan ka! Anong ginagawa mo dito? Si
HUMALAKHAK ng malakas si Jai. "Velora, nagpaghahalata ka. Miss mo na si Dewei. Tama ako, 'no?" nanunukso niyang tanong. Doon natauhan si Velora. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Jai. Napatakip siya ng kanyang mukha. Hiyang-hiya sa kanyang kaibigan. Napagkamalan pang si Dewei ang kasama sa sala. Kinuha niya ang throw pillow at ibinato kay Jai. Mabilis na umiwaa ang binata, 'di siya natamaan. Kinuha niya ang unan na tatawa-tawa. Saka, nilapitan si Velora. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. Kumuha ng isang slice ng pizza saka kumagat at nginuya. Napabaling siya sa kanyang katabi. "Paano nga kaya kung biglang dumating si Dewei sa harapan mo? Anong gagawin mo?" Kaswal niyang tanong. Saglit na natigilan si Velora. Hindi siya naka-react agad sa tanong ni Jai. Napainom tuloy siya ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan. "Hi-Hindi ko alam..." napaiwas siya ng tingin kay Jai. May sumilay na nakakalokong ngiti ang binata. "Kinakabahan ka. Parang pupunta naman
"SAMAHAN mo 'ko, Jai. Gusto ko silang makita... kahit patago lang. Miss na miss ko na sila," mahina pero buo ang loob na sabi ni Dewei. Pinipilit niyang magpakatatag, pero ramdam ni Jai ang bigat sa boses nito. Sa kabila ng kagustuhang magpatawad, hindi mabura ni Dewei ang sakit, kung paanong winasak nina Dwight at Marilyn ang buhay niya. Ang tanging pag-asa na lang niya, kung sakaling makita niya ulit sina Velora at Devor, baka muling tumibay ang puso niyang pagod na sa pakikibaka. "Oo naman. Bakit hindi ka pa nagpapakita kay Velora? Bawiin mo na siya, Dewei. Sayang ‘yung pagmamahal n’yo. Ngayon ka pa ba aatras?" sagot ni Jai, may bahid ng paghihikayat sa boses. "Kailangan kong maging handa. May anak na kami ni Velora. Isa pa, gusto kong humingi ng tawad ang pamilya ko sa kanya. Umaasa ako... sana tanggapin na siya ngayon." "Sana nga," ani Jai. "Kilala mo naman sila. Mabilis manghusga lalo kung mahirap lang ang kausap. Hindi man lang nila sinubukang kilalanin si Velora bago