GABI na, mamatyag na naghihintay si Marilyn sa pag-uwi ni Dewei. "Mama, tulog na po tayo," aya ng anak niya na nakasalampak sa carpet at naglalaro ng kanyang mono blocks. "Gusto mo na bang matulog?" Untag niya na tinanguan ng anak. "Sabihin ko kay Ate Aida na samahan ka sa kuwarto." "Bakit hindi ka pa po matulog?" "Hintayin ko pa ang Papa mo. Sige na, mauna ka na matulog," nakangiting sagot ni Marilyn. "Okay po." Tumayo si Marilyn at pumunta sa kusina para tawagin ang kasambahay ng mga Hughes. Isang linggo na silang mag-ina nakatira sa mansyon. Ang Papa niyang si Vener ang naiwan sa condo. Inakay ng kasambahay si Marizca paakyat ng hagdanan habang naiwan si Marilyn na nakaupo sa sopa. Makalipas ang isang oras, dumating si Dewei na lasing at may kasamang babae. Nakaakbay siya rito habang ang babae naman ay humahagikhik at tila walang pakialam kahit nasa loob ng ibang bahay. Napatingin si Marilyn. Nanlaki ang mga mata niya, pero hindi siya kumibo. Hinintay niyang mapansin siya
"GET out of my room, Marilyn! I'm warning you!" Sigaw na babala ni Dewei. Bigla-bigla na lamang itong pumasok sa kuwarto niya. Umiling-iling si Marilyn habang nakangisi. "Hindi ako lalabas ng kuwarto mo hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko..." "What! You're insane and desperate!" Bulyaw ng binata. Nakainom siya ngayon pero matino pa naman ang utak niya. Hindi niya papatulan si Marilyn sa kahibangan nito. Pumunta sa kama si Marilyn at humiga naka-crossed legs. Tila inaakit si Dewei. Alam na alam niya ang kahinaan ng dating katipan. 'Di magtatagal ay bibigay din ito. "Huwag mo nang kontrolin ang sarili mo. Kailangan mo 'ko," sabi ni Marilyn sa malamyos na tinig. Para bang inaanyayahan ang binata. Natawa si Dewei habang napapailing. Kung si Velora ang nasa harapan niya ngayon at ganyan ang suot, mabilis pa sa alas kuwatro ay kinubabawan na niya ito sa kama. Pero hindi si Velora ang kaharap niya. "You're really crazy... do you really think mapapasunod mo ako sa gusto mo?" t
HAWAK ni Solara sa isang kamay ang apo. Kanina pa umiiyak si Marizca at hinahanap ang ina. "Nasaan ba ang Mama mo, apo?" tanong niya habang tumingin sa bata. "Sabi po kasi ni Mama kagabi, hihintayin niya si Papa na makauwi." Pinupunasan ni Marizca ang kanyang mga mata habang humihikbi. "Ha? Ibig sabihin, hindi mo siya kasama natulog kagabi?" tanong ni Solara, halatang nagtaka. "Opo, Grandma. Si Ate Aida po ang kasama ko sa room." Lalong naintriga si Solara. Bakit naman hindi natulog si Marilyn sa anak niya? At saan naman siya nagpunta kung gabi na rin siya naghihintay kay Dewei? Wala namang ibang puwedeng puntahan si Marilyn. Isa pa, nasa loob ng mansyon si Marizca, kaya imposibleng basta na lang iwan ng ina ang anak. "Let's go and ask your Papa. Baka alam niya kung nasaan ang Mama mo," aya ni Solara habang tinungo nila ang kuwarto ni Dewei. Pagdating sa tapat ng kuwarto ng anak, kumatok si Solara. "Dewei..." tawag niya sa panganay. Walang sumagot sa pagtawag niya. N
NAKAYUKO si Marilyn habang tahimik na nakaupo sa tabi ni Dewei. Halatang balisa ang binata, hindi maipinta ang mukha sa tindi ng paninibugho at pagkalito. “Now, I’ll let you explain everything, Dewei,” mahinahong wika ni Donny. “Ikaw naman ang lalaki. Hahayaan ka naming magsalita. Ako at ang Mommy mo ay makikinig sa lahat ng sasabihin mo." Katabi ni Donny ang kanyang asawa. Pareho silang seryoso, mabigat ang mga tingin. Napabuntong-hininga si Dewei. Tinapunan niya ng malamig na tingin si Marilyn. “I really don’t know what to say,” mahina niyang bungad. “Gusto ko sanang itanggi na may nangyari sa amin. But I’ll admit it—yes, she slept in my bed last night.” Gusto niyang itanggi. Gusto niyang baguhin ang nangyari. Pero paano? Huling-huli sila ng sariling ina, at si Marizca mismo ang nakakita sa kanila. Wala na siyang kawala at maitatago pa. Sa kabila ng katahimikan, sumilay ang isang lihim na ngiting tagumpay sa labi ni Marilyn. Hindi siya tumingin kahit kanino, pero sa loob
PARATING wala sa mood si Dewei. Laging salubong ang kilay at palaging nakakunot ang noo tuwing pumapasok sa Solara Essence. Kalat na rin sa buong kompanya ang balita tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Marilyn. Ipinamalita na ito ng kanyang ina sa buong Solara. Hinayaan na lang niya iyon kaysa makipagtalo pa. "Magenta, what is this? Mali lahat ng report na 'to! I want you to make it again and pass it to me. Huwag kang titigil hangga't hindi mo 'to nakukuha nang tama!" bulyaw ni Dewei sa kanyang sekretarya, habang nakatayo at madilim ang anyo ng mukha. Nakayuko lang si Magenta habang nakatayo, halatang kinukubli ang takot. Napagbubuntungan na naman siya ng galit at init ng ulo ni Dewei. "O-Okay po, S-Sir..." mahina niyang sagot, halos hindi makatingin. Nakatiim na inihagis ni Dewei ang mga papel. Nagulat si Magenta at napatitig sa mga nagkalat na report sa sahig. Hindi na niya napigilan ang luha. Kung noon ay masungit na si Dewei, mas tumindi pa ngayon ang ugali nitong, walang k
"I miss her, Jai. Anong balita sa private investigator na kinuha ko para hanapin si Velora?" malungkot na tanong ni Dewei. Marahang umiling si Jai. "Wala silang ibinabalita sa aking progress ng paghahanap nila. Maghintay lang tayo." "How long I will wait? Naiinip na ako." Napatingin si Dewei sa kawalan at napainom ng beer sa bote. Pinalis ang mga takas na luha sa mata niya. "Why don't you accept that you and Velora are not meant for each other? Ibaling mo na lang ang pagtingin mo kay Marilyn. Subukan mo lang naman," sabi ni Jai. "Ayoko. For me, tanging si Velora lang ang mahal ko. Wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi si Velora." Tugong hayag ni Dewei. Kakayanin pa niyang maghintay para kay Velora. Alam niya na babalik ito sa piling niya. Umaasa siyang sanay mayroong nabuo doon sa isang buwan nilang magkasama. Wala sa sariling, napangiti si Dewei nang sumagi sa isip niya ang pagkakaroon nila ng anak ni Velora. Sinabi niya sa asawa na gusto niyang mabuntis ito. "Paano kaya
DAHAN-DAHANG pinunasan ni Dewei ang gilid ng kanyang bibig habang nakangiti pa rin. "Isang suntok lang, Dad? I thought you’d do better than that," sarkastikong tugon niya. Tila nawala ang kanyang kalasingan. "Dewei, tama na!" singit ni Solara, mabilis na lumapit sa mag-ama. "Baka kung ano pa ang mangyari sa inyong mag-ama!" Ngunit hindi pa rin natinag si Donny. Nilapitan niyang muli si Dewei at mariing napatitig sa anak. "Kung hindi lang dahil kay Marilyn, matagal na kitang itinakwil." "Then do it," malamig na sagot ni Dewei. "Tinakwil mo na ako noon. You’ve been doing that anyway." Tahimik ang paligid. Ni si Jai ay hindi na makakilos. Damang-dama ang bigat ng hangin sa loob ng mansyon. Nagawa na siyang itakwil ng sarili niyang magulang nang lumabas ang eskandalo sa kanila ni Velora. Hindi na siya natatakot na mawalan dahil parang wala na ring natitira pa sa buhay niya. Lahat ay sira na. Lumapit si Solara kay Donny at hinawakan ito sa braso. "Please, enough. This is not the tim
NAKATAYO na nakasilip si Velora sa labas ng pintuan habang pinapanood ang kasal nina Dewei at Marilyn. Panay ang tulo ng mga luha niya, nasa likuran niya sina Aster at Jai. "Velora, halika na. Baka may makakita pa sa 'tin dito," aya ni Aster na nagpalinga-linga sa paligid at inabot ang panyo sa kaibigan. "O-Oo. Pero, isa pang sulyap..." tugon ni Velora na hindi pa rin mapigilan ang mga luha sa pagpatak. "Let's go, Velora. Hindi ka nila dapat makita dito. Alam mong napaka-delikado ng sitwasyon mo. Pinayagan kita na makita ang kasal nila, huwag mo nang pasakitan ang sarili mo. Ayoko lang na magtagal tayo dahil baka may mga matang nagmamatyag dito. Mahirap na," sabi naman ni Jai na todo ang paalala kay Velora. Marahang tumango si Velora. Napahawak siya sa kanyang tiyan saka dahan-dahang tumalikod. Alam nina Aster at Jai kung nasaan silang magkapatid. Hiniling niya mismo sa dalawa na itago iyon kay Dewei. Alam din nilang nagdadalang-tao siya at si Dewei ang ama. Nagpapasalamat nama
BUHAT ni Dwight ang asawang si Marilyn. Wala itong malay at duguan ang damit. Kasunod niya ang ama ng asawa, mga kapatid nito, at si Dewei. "Doktor! Doktor!" malakas na sigaw ni Dwight habang napatingin kay Marilyn. Mula sa isang kuwarto ay lumabas ang isang babaeng nurse at agad silang nilapitan. "Ano pong nangyari sa pasyente?" "She got hit by a speeding car," sagot ni Dwight. "Ipasok n'yo na po sa loob at ihiga niyo sa bed. Tatawagin ko lang po ang doktor." Utos ng babaeng nurse at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Sumunod si Dwight sa sinabi ng nurse at naiwan sina Velora sa labas na nakasilip lamang sa loob habang maingat na naihiga si Marilyn sa bed. Takot na takot sila habang ang kanilang mga mata ay nasa kapatid. Ilang minuto lamang ay bumabalik ang babaeng nurse, kasama na ang doktor. "Excuse me po..." sabi ng doktor at binigyan nila ng daan ang lalaking doktor para makapasok sa loob. Napatingin si Dewei kay Velora. Banaag na banaag sa mukha nito ang pag-aalala at so
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa
NAGMAMADALI na pumasok sa loob ng bahay si Vanna. Napatigil siya nang makita si Dewei Hughes sa loob ng bahay nila at nakaupo sa sopa. "Ma-Magandang araw po, Ku-Kuya Dewei," bati niya na hindi pa rin sanay na tinatawag na Kuya ang binata. Ginantihan siya ng malawak na ngiti ni Dewei. "Oh, Vanna.. ang aga mong umuwi..." sabi ni Velora na naglalakad palapit sa kanila. Napatulog na niya si Baby Devor at nasa kuna nito. Napabaling ang tingin ni Vanna sa kapatid. "Si Papa... tumawag siya kanina sa akin sa school at pinapunta niya tayo sa kasal ng kapatid natin ngayon na. Kasal daw niya." Imporma niya. Nagulat si Velora. Tila parang nahigit niya ang kanyang paghinga. "P-Pinapupunta niya tayo doon?" "Oo, Ate. Sa katunayan nga ipinadala ni Papa ang address kung saan ang kasal." 'Di nakaimik si Velora. Tanggap na kaya sila ng haft sister niya? Parang ang hirap paniwalaan. Ang laki ng kasalanan ng Mama nila sa unang pamilya ng Papa niya at maiintindihan niya kung magalit ito sa kani
"KAYA pala hindi mo masabi sa amin kung sino ang Tatay ng anak mo? E, napakayaman pala niya. Velora, ang swerte mo. Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat. Isang Dewei Hughes ang naging karelasyon mo at ama ni Devor. Naku, sisikat ka na parang artista," bulalas ni Len habang naglalakad sila papunta sa palengke.'Di naman malayo sa tinitirhan nila ang palengke. Kaya puwedeng lakarin."Hindi swerte 'yun, Ate Len. Nagkataon lang na empleyada niya ako sa Solara Essence noon," sagot niya. Pilit itinatago ang totoong naging ugnayan nila ni Dewei noon."Aba'y hindi. Ang magkagusto sa'yo si Dewei, iba. May nakita siya sa'yo na 'di niya nakikita sa iba..."Walang espesyal sa kanya para magustuhan ng isang Dewei Hughes. Isa pa rin siyang simple at mataas ang pangarap na babae.Hindi na sumagot pa si Velora. Ayaw na niyang dugtungan ang pinag-uusapan nila. Baka kung saan pa mapunta iyon at masabi lang niya na hindi puwede dahil may asawa na si Dewei. May pamilya na ang tao, 'di na siya dapat pa pum
LUMABAS ng bahay si Velora para ilabas saglit si Devor. Pero nasira agad ang magandang araw niya nang masilayan si Dewei. "Good morning, Mrs. Hughes," matamis ang ngiting bati ng binata. Umusok agad ang ilong ni Velora sa narinig. "Anong maganda sa umaga kung ganyan na kaagad ang bati mo? Puwede ba, ha. Tigilan mo 'ko! 'Wag mong sirain ang araw ko!" Napalunok si Dewei. Naging mas naging tigre ata ang asawa niya ngayong umaga. "Flowers for you, Velora," sabi pa niya na nailahad ang bulalak. Tinitignan lang iyon at ni hindi tinanggap. Napapagod na ang kamay ni Dewei habang nakalahad ang bulaklak. Pero maya-maya ay kinuha rin iyon ni Velora. Napangiti siya ng lihim. "Hoy! Huwag kang magsaya. Hindi porket kinuha ko ang bulaklak ay okay na tayo." Pagsusungit pa rin ni Velora. Napakamot si Dewei sa kanyang ulo. "Ako na ang mag-aalaga kay Devor. Baka pagod ka na." Napatingin si Velora sa anak. Parang tuwang-tuwa pa itong nakikita si Dewei. Panay ang ngiti ng anak niya. Mag
KASAL nina Dwight at Marilyn mamaya. Walang preparasyon, walang mga bisita, at walang malaking handaan. Sila-sila lang, ang mag-asawang Donny at Solara, ang anak nina Marilyn at Dwight na si Marizca, at si Vener, ang ama ni Marilyn. Bago ayusan ang mag-inang sina Marilyn at Marizca ay nasa kuwarto lang sila at hindi lumalabas. Ang laki ng pagtataka sa mukha ng anak. 'Di niya alam paano sisimulan ipaliwanag kay Marizca ang lahat. Pero unti-unti ay pipilitin niyang ipaintindi sa anak ang lahat. Napadako ang tingin ni Marilyn sa simpleng damit na isusuot niya sa kasal nila ni Dwight. Isang white plain dress at terno silang mag-ina. Alam niyang malaking kahihiyan ang ginawa niya, na halos hindi na niya alam paano tumingin sa mata ng magulang nina Dwight at Dewei. "May okasyon po ba? Sino pong ikakasal?" takang tanong ni Marizca. Nginitian lang ni Marilyn ang anak. Parang pinapatay siya ng sarili niyang konsensiya habang ganito ang trato nila sa kanya. Hindi niya deserve ang gani
NAPATITIG si Dewei kay Velora, tila kinakabisa ang mukha ng kanyang asawa. Simple na ang ayos nito ngayon, mula nang dumating si baby Devor sa buhay nila. But she was still the Velora he loved—ang babaeng palaging may pulang lipstick sa labi. Kapag naiisip niya iyon, mabilis mag-react ang katawan niya… lalo na ang kaibigan niyang natatakpan lang ng boxer at pantalon. Parang ayaw pa atang maniwala ni Velora sa sinabi niya kanina. Pinag-iisipan tuloy ni Dewei kung paano niya ipapaalam kay Velora na matagal na silang kasal. Ngayon palang nakikita na niya kung gaano siya nito ipagtabuyan paalis sa buhay nila ng anak niya. "Payagan mo lang 'ko ipaliwanag sa'yo ang lahat. Tapos, aalis na ako. Puwede ba?" Nakikiusap ang mga tingin niya. Irap ang naging ni Velora. "Naiintindihan ko. Hindi mo na ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo pati na ng pamilya ko..." tumayo siya at nakayuko ang ulo na tumalikod kay Velora. Nasa isip ni Dewei na magbabago ang isip ng asawa at pakikinggan ang lahat n
GUMAGANTI na rin ng halik si Velora. Ipinagkakanulo siya ng sarili niyang katawan. Kahit anong pigil ng isip, gusto naman ng puso at ng katawan niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Baka sa pagpikit niya, bigla na lamang maglaho si Dewei. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip na ito. Nang sa pagitan ng halikan nila ay dumapo ang mga kamay ni Dewei sa dibdib niya. "Sh^t! Parang totoo na 'to, ah..." usal niya sa isip. Hindi ito isang panaginip. Si Dewei nga ang nasa ibabaw niya, humahalik sa labi niya. Napakunot ang kanyang noo. Napatiim si Velora ng kanyang labi at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata. Bumalikwas siya ng bangon. "Hoy! G^go ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto naming mag-ina?" Sunod-sunod na mga tanong niya. Napatilapon si Dewei at napaupo sa sahig. "Baby, naman. Masakit..." daing niya habang hawak ang piging nasaktan at dahan-dahan na tumatayo. "Talagang masasaktan ka! Anong ginagawa mo dito? Si
HUMALAKHAK ng malakas si Jai. "Velora, nagpaghahalata ka. Miss mo na si Dewei. Tama ako, 'no?" nanunukso niyang tanong. Doon natauhan si Velora. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Jai. Napatakip siya ng kanyang mukha. Hiyang-hiya sa kanyang kaibigan. Napagkamalan pang si Dewei ang kasama sa sala. Kinuha niya ang throw pillow at ibinato kay Jai. Mabilis na umiwaa ang binata, 'di siya natamaan. Kinuha niya ang unan na tatawa-tawa. Saka, nilapitan si Velora. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. Kumuha ng isang slice ng pizza saka kumagat at nginuya. Napabaling siya sa kanyang katabi. "Paano nga kaya kung biglang dumating si Dewei sa harapan mo? Anong gagawin mo?" Kaswal niyang tanong. Saglit na natigilan si Velora. Hindi siya naka-react agad sa tanong ni Jai. Napainom tuloy siya ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan. "Hi-Hindi ko alam..." napaiwas siya ng tingin kay Jai. May sumilay na nakakalokong ngiti ang binata. "Kinakabahan ka. Parang pupunta naman