Challenge accepted daw kasi hahaha
"Are you still angry with me?" tanong ko kay Delgado matapos namin kumain ng agahan o mas tamang sabihing brunch na dahil mag-aalas diyes na ng umaga. Umorder lang siya ng kakainin namin dahil ayaw pa rin naman niya akong paalisin. Nakabihis na rin ako. Suot ko na ang bagong damit na binili niya dahil nga itinapon na niya kung saan ang suot ko kagabi. He smiled and shook his head. He walks closer than me. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama. Tumigil siya sa harapan ko. YUmuko siya at hinawakan ang baba ko para i-angat ang mukha ko. "No, because I am not angry with you. I never been angry to you,” masuyong saad nito. Napaismid ako sa sinabi niya. “But you keep on ignoring me. You gave me a silent treatment. Ano iyon trip mo lang? Pinaghanda kita ng makakain mo para sa breakfats at lunch pero palagi mong sinasabi kumain kana,” hindi ko maiwasang mag-rant sa kaniya. Gumising ako ng maaga tapos kapag ibibigay ko na ang niluto ko para sa kaniya sasabihin niyang nakakain na siya o k
Hindi na ako pumasok ng trabaho at dumiretso na kami ni Delgado papuntang Manila. Iyong kotse ko ay pinakuha ko na lang kay Mang Andoy sa bar ni Delgado dahil kagabi naman ay kay Delgadong sasakyan ako sumakay. Wala pa sa bahay si Love nang makarating kami. Mabilis na nag-imapke ako ng mga gamit niya dahil weekends tomorrow ay kay Delgado kami mag-i-stay ulit. Naabutan ko sa living room si Mama at Delgado na nag-uusap nang bumaba ako. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil huminto sila nang makita ako. “We are going to fetch, Love. We will stay with him for the whole weekend,” paalam ko kay mama. Malaki ang ngiti na tumango ito. “Sige-sige, enjoy your weekend," wika nito. I kissed her on her cheek before I went outside. I saw the shocked on her face because of what I did, but she eventually smile with happiness. Dumiretso kami sa school ni Love. Eksaktong nag-uuwian pa lang ng dumating kami. “Mommy? Daddy?!” masayang tili ng anak ko nang makita kami at nagtatakbong
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Delgado na prenteng nakaupo sa kama ko paglabas ko ng banyo. Matapos kasi naming manood ay nagpunta kami sa kaniya-kaniyang kwarto. Dahil nga may sariling kwarto ang anak ko dito ay hindi na ito sumama sa kwarto ko.Isa pa giit nito malaki na ito. Kaya na raw niyang mag-isa."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Delgado bago lumapit sa kama."I'll sleep here," sagot nito."This is my room.""I know.""Bakit hindi ka sa kwarto mo matulog?”Bumangon ito at naupo sa kama. “I want to sleep beside you.”Inirapan ko siya. “Sleep. Just sleep,” paalaala ko sa kaniya.Ngumisi ito sa akin. Hinawakan ito ang aking kamay at hinila ko palapit sa kanya hanggang sa mapaupo ako sa kandungan niya. “Yes, we will just sleep don't worry.”Pinakatitigan ko siya. Duda pa rin ako. Minsan kasi hindi maiiwasan ang pagiging pilyo niya tapos ako naman masyadong marupok pagdating sa kanya.Pero pagod na talaga ako gusto ko ng matulog. Hinila niya ako pahiga sa kama at m
Naging maayos ang mga sumunod na araw namin. Kahit busy kami palagi sa trabaho ay sinisiguro namin pareho na may time kami para sa anak namin. Kaya tuwing weekends ay talagang sinusulit namin ang araw na magkakasama.Masaya akong nabuo na ang pamilyang pinapangarap ko para sa anak ko. Natagalan man pero bumabawi naman kami pareho ni Delgado.Huwebes ngayon kaya bukas kahit hindi nasa Maynila si Delgado ay alam kong darating siya para sunduin ako. Dalawang araw lang siyang namalaki sa San Antonio. Noong Lunes at Martes pero kinagabihan ay bumalik siya ng Maynila dahil may problema yata sa isa niyang negosyo doon.Matapos ang uwian ay napagdesisyunan kong magtungo sa bahay ng aking ama. Ilang buwan matapos kong umalis sa poder niya ay hindi ko pa siya nakakausap. Tanging kay Mikoy lang ako may komunikasyon.Nabanggit ng kapatid ko noong nakaraan na may sakit ito pero hindi ko naman ito agad nagawang dalawin.Bumili muna ako ng mga prutas bago ako nag-drive papunta sa lugar kung saan ak
Umalis na ako nang walang paalam nang makita kong nag-uusap na ng maayos ang ama ko at si Marcela.Siguro babalik na lang ako sa ibang araw. Baka sa susunod na balik ko makakausap ko na sila ng maayos. Sana lang talaga magbago na si Marcela, nakakarindi rin ang bunganga niya minsan.Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok sa trabaho.Excited na akong matapos ang araw dahil mamaya ay makikita ko na naman ang anak ko at ang lalaking mahal ko.Habang nagmamaneho ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Delgado.Bakit tumatawag siya gayong nakausap ko naman na siya kanina. Kulang na nga lang ay ang tawag niya ang maging alarm ko sa araw-araw. Walang palya ang pagtawag niya palagi.Minsan ay nasa bahay siya kung nasaan ang anak namin at sabay nila akong tinatawagan bago kami matulog.Minsan nga naisip ko na siguro panahon na para mag-resign ako sa trabaho ko.Hindi naman sa ayaw ko sa trabaho ko pero lumalaki na kasi ang anak ko. Kailangan niya ng gabay ko at kapag nasa malayo ako
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Natapos nang gamutin ang mga galos ko sa kamay at meron din pala ako sa may hita na hindi ko na napansin dahil sa sobrang nerbyos at pag-aalala ko.Napatingin ako sa pintuan sa ikalawang palapag ng bahay kung saan pumasok sina Delgado. Hindi ko mapigilang kagat-kagatin ang kuko hangga't hindi sila lumalabas.Paano kung sinaktan na nila si Rebecca?Napatingin ako sa kambal nang lumapit sila sa akin."Ninang..." Ibinuka ko ang kamay ko at sabay silang lumapit sa akin para yumakap."Sorry, sorry if I did not protect your mom," umiiyak na hindi ko ng tawad sa kanila.Cupid looked at me at my face and wiped my tears using his small hands. "Don't cry, daddy said he will save mommy.""It's not your fault. Those people who kidnapped her were just bad guys, they even hurt you." Naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap sa akin ni Eros.Lalo akong naiyak sa sinabi nila. Dapat ako ang nagpapalakas ng loob nila pero sila ngayon ang nag-aalo sa akin.Napatingin
MARGARITA Nagising ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa buhok ko. Bigla akong napabangon nang makita ko si Delgado sa tabi ko. “What happened? Where is Reb?” “Don't worry. She's safe now.” Mabilis akong napayakap sa kaniya. “Oh my god, thank you!” naiiyak sa tuwang saad ko. Humiwalay ako sa kaniya. “Can I see her now?” “You can see her tomorrow. She was sent to the hospital after she lost her conciousness, but she was fine," saad nito. Umiling ako sa kaniya. "No, I want to see her now," giit ko. "Tigress, it's already three in the morning. Bawal pa dumalaw ng ganitong oras. Bukas na lang. Magpahinga ka na lang muna. I know you were stress because of what happened." Kinuha nito ang kamay ko na may benda. "Tsk, he deserve it," saad nito. "What do you mean?" Umiling ito. "Nothing. Just sleep again." "Let's go home," yaya ko sa kaniya at bumaba na sa kama ko. Medyo nakahinga na ako sa nalaman kong ligtas na si Rebecca mula sa mga dumukot sa kaniya. "Are you sure? We c
"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko kay Delgado nang maabutan ko na naman siya sa kwarto ko. Tulog na si Love ang akala ko naman ay tulog na rin ito dahil may pasok pa ito bukas hindi ko gaya na wala ng trabaho. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga katrabaho ko. Siguradong magtataka ang mga iyon. Sabay kaming hindi na papasok ni Conan sa opisina bukas. Well, madalang naman na ito pumasok pero siyempre, alam ng lahat siya pa rin ang pinakang head doon dati. "I will sleep here." "Conan, I want to sleep. I am tired," saad ko sa kaniya. Nanggaling kasi kami kaninang hapon sa bahay ni Mama at kinuha ang mga importanteng gamit ni Love. Nagpaalam na rin ako sa ina ko na dito na kami tutuloy. Mabilis naman itong pumayag dahil inaasahan na raw niya iyon. Nagulat pa ako nang malaman ko na matagal na palang sinabi sa kaniya ni Conan ang tungkol sa bagay na iyon. Ibig sabihin sa akin na lamang siya huling nagpaalam. Inayos ko pa ang mga gamit ng anak ko. Kaya medyo napagot