CHAPTER SIX
THIRD PERSON's POINT OF VIEW
"Layuan mo nga ako! Bwesit!" pagtataboy ni Celine sa kasama niyang si Drake
"Babe, sorry na" pilit na pinipigilan ni Drake sa paglalakad ang kasintahan ngunit ayaw naman nitong magpapigil
"Ano ba!"
Itinabig ni Celine ang kamay na nakahawak sa kanya tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad.
"Binibiro lang kita, pero totoo yung sinabi ko kanina"
"Tsss" mas lalong binilisan ni Celine ang paglalakad, kaya't napabuntong hininga na lang and binata sa inasta nito.
F L A S H B A C K
"I love you. I really do" seryoso ang mga matang nakatingin sa kanya ang binata at halatang masaya ito basi sa expresyon na nakapaskil sa mukha nito
Tahimik lang si Celine at ramdam pa din nito ang pagtataka. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot sa mga pinagsasabi ni Drake lalo pa't hindi siya sigurado kung totoo ba o pambobola lang ang lumalabas galing sa bibig ng binata.
"Babe?" pukaw sa kanya ni Drake. Tulala pa din ito at parang ayaw mag-sink-in sa kanyang utak ang mga narinig
"Hmmm?" wala sa sariling tanong niya dito.
Titig na titig pa din siya sa mga mata ng binata na tila ine-examine kung seryoso ba ito o hindi. Wala pang isang buwan simula noong magkakilala sila, kaya pano siya makakasigurado?
"Ayos ka lang?" tanong ni Drake sabay tapik sa kanyang pisnge.
"H-Ha?"
Medyo nagising si Celine mula sa pagkatulala kaya napatingin ulit siya sa salamin at pinagpatuloy ang pagsusuklay.
"Biro lang yun babe, naniwala ka naman. Hahaha" sabi ng binata at sinabayan pa ng tawa
Napahinto si Celine sa kanyang ginagawa at matalim na tiningnan ang halos mamatay sa kakatawa na si Drake.
"Ha-ha-ha! Tatlong tawa para sayo. And by the way, Nice joke ha" sarkastikong sambit niya bago lumabas sa CR.
" Puro kamanyakan at kalokohan lang ang alam. Tsk"
E N D _ O F _ F L A S H B A C K
"Babe, may tournament kami sa basketball. Next week na yun" pag-iiba ni Drake sa topic
Nasa harap siya ng naglalakad na si Celine. Kaya't kailangan niya pang maglakad ng patalikod para lang makausap ito ng harapan.
"Paki ko? Umalis ka nga diyan!" iritableng sagot ng kausap niya tsaka nilagpasan ito
"Sorry na. Totoo nga lahat ng sinabi ko, hinaluan ko lang ng konting joke nang makita kitang tulala at walang reaksyon." paliwanag niya ulit ngunit bale-wala pa din ito kay Celine
"MR. FUENTES" tawag ng dalaga sa lalaking nasa hindi kalayuan mula sa direksyon nila.
Halos umakyat lahat ng dugo ni Drake nang makitang tumakbo si Celine papunta Kay ALEXANDER FUENTES
"K-Kilala mo 'ko?" tanong ng lalaki nang makalapit sa kanya ang dalaga dahilan para mapairap si Celine ng wala sa oras.
'Tsk. tatawagin ko ba Siya sa apelyedo niya, kung hindi ko lang din naman siya kilala?' Balak niya sanang sabihin yan, kaso pinangunahan na naman siya ng bait kaya nginitian niya na lang sabay pag-iiba sa usapan
"Saan ang punta----ANO BA!?" sigaw niya ng maramdamang hinablot ng kung sino man ang kanyang kanang braso
"first warning, Mr. Fuentes" banta ni Drake sa lalaki at sapilitang hinila si Celine palayo doon.
"Bitiwan mo nga ako!!" pilit na tinatanggal ng dalaga ang pagkakahawak sa kanya ni Drake, ngunit sa tuwing nagpupumilit siyang makawala ay siyang hinihigpitan naman ni Drake ang pagkakahawak.
"Argh!" Iritableng sabi nito.
Wala sa sariling nagpakaladkad na lang siya sa binata hanggang sa makarating sila sa cafeteria. Pagkapasok nila, automatikong napatahimik ang lahat ng mga estudyante maliban lang sa grupo ng magbabarkada na nasa isang mahabang lamesa.
"Sit!" utos sa kanya ni Drake.
“Anong akala mo sakin? Aso? Tsss” inirapan niya si Drake bago bumaling sa Black Phoenix na masayang nag-aasaran kasama ang mga kasintahan nito.
"Hi Celine" bati sa kanya ng isang babae na katabi ni Luis
"Hello" sabi niya sabay ngiti
Umalis si Drake para umorder ng kakainin nila pero bago siya umalis, sinigurado niya muna na umupo si Celine sa upuang pinareserba niya.
"By the way I'm Kathy, girlfriend ni Luis" sabi ni Kathy habang nakangiti
"And the girl sitting right next to Red is Yuri" tiningnan ni Celine ang babaeng itinuro ni Kathy, na katabi ni Red.
"Girlfriend yan ni Pula" dagdag pa nito
Actually she doesn't care kung anong relasyon ng dalawang babae sa tinaguriang mga fuccboi ng kanilang eskwelahan. She just wanted to be nice in front of them, kaya kunwari may patango-tango pa siya sa sinasabi ni Kathy na para bang naiintindihan nito.
"Ang dami mong binili. Akin na lang ang iba, dude" Austin
Napatingin si Celine kay Austin na takam na takam ang mga matang nakatingin sa bitbit ni Drake. Nakita niya sa kanyang peripheral vision ang pag-upo ni Drake sa kanyang gilid. Hindi umimik si Drake pero inilapit niya kay Celine ang tray na may lamang pagkain na inorder niya.
"Tsss" Ibinalik ni Celine kay Drake ang tray tsaka umiwas ng tingin.
"Kainin mo yan" utos sa kanya ni Drake at muling ibinigay ang tray
"Tsk" amok na naman ni Celine at ibinalik din sa binata ang tray
Masyado silang naka-agaw ng atensyon, kaya't ang kaninang maingay na table nila dahil sa pag-aasaran ng kanilang mga kasama ay bahagyang tumahimik at pareho ang mga reaksyong nakatingin sa kanila.
"Ano ba? Hindi pa ba obvious na ayokong kumain? Kung gusto mong kumain, Edi kumain ka mag-isa mo!" inis na lintaya ni Celine Kay Drake
"Ows! Nangangamoy LQ" pagpapansin ni Blake
Tatawa na sana si Blake ngunit bahagya siyang napahinto nang makitang lahat ng mga kaibigan niya ay matalim na nakatingin sa kanya
"Huwag mo akong piliting gawin ang mga bagay na ayokong gawin sayo " seryosong banta ni Drake sa kanya at nagsimula ng kumakain
"Tsk" napatayo na lang ni Celine sabay kuha sa kanyang bag tsaka naglakad palabas
"Don't turn me your back. I'm not yet done talking to you" napahinto si Celine sa paglalakad at humarap kay Drake na seryosong nakatingin sa kanya
"Anong magagawa ko? Mas feel ko ang mag-walk out instead of talking to a jerk" mataray nitong sagot.
Kung ang kaninang tahimik na cafeteria, ay mas lalong tumahimik dahil sa tensyon na nagaganap sa dalawa.
"I'm sorry. Okay?" Drake
Napairap na lang si Celine bilang sagot at muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi nakapagpigil si Drake, kaya agad nitong sinundan ang kanyang kasintahan na papalabas sa cafeteria.
Saktong pagkahawak niya sa kamay ng nakatalikod na si Celine ay siya din ang pagharap nito kaya't hindi nito naiwasan ang paglapat ng kanilang mga labi.
Automatikong napalaki ang mga mata ng dalaga dahil sa gulat. Pinaghalong gulat at hindi makapaniwala ang makikita sa mata ng mga estudyanteng nandito cafeteria.
"OH. MY. GHOD!"
Napuno ng sigawan ang buong cafeteria at pinamumunuan iyon ng mga kasamahan ni Drake.
Nang bumalik sa katinuan si Celine at malaman niyang ganun ang eksena nila. Pilit niyang tinulak si Drake, pero hindi niya gaanong magawa dahil nakahawak ang binata sa kanyang batok
Makalipas ang isang minutong magkalapat ang kanilang mga labi, napabitaw si Drake at habol ang hiningang napatingin sa kanya si Celine.
"Mukha lang akong g-go pero believed me, mas mahal kita higit pa sa inaakala mo" nakangiting sabi sa kanya ng binata at batid dito ang pagiging seryoso sa boses niya.
"How come na mahal mo kaagad ako?" diretsang tanong sa kanya ni Celine kahit na hingal na hingal pa din ito
"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sayo?"
"Pano kung sabihin kong OO? " nakataas ang kilay nitong tanong pero imbis na sagutin ito ay tinanong din siya ng binata.
"Anong sa tingin mo?"
Napa-shrug na lang ang dalaga sabay iling “Malay ko——”
"I love you and that love cannot be measured on how long I was in love with you" pagputol ni Drake sa balak nitong sabihin. Dahan-dahang lumapit sa kanya si Celine tsaka bumulong at unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi nito.
"D*MN! hindi ako marunong" tanggi ni Drake sa ibinulong niya
"Bye" nakangising sagot ni Celine at iniwang nakabusangot si Drake
Halos manlumo siya sa katagang ibinulong sa kanya ng dalaga. "Tssss, Ang daming alam" naiiling nitong sabi tsaka bumalik sa kanyang mga kaibigan.
CHAPTER SEVENTHIRD PERSON's POINT OF VIEW"WHOOO! TAGAY PA!!!" sigaw ni Jero sa mga kasamahan niyaNandito sila sa bar na pagmamay-ari ng magulang ni Austin para i-celebrate daw ang pagbabagong buhay ni Drake."Ipagdiwang ang muling pagkabuhay ng puso ni kababayan. Hahahaha" nakisabay din sa pagsigaw si Blake"CHEERS!"Habang nagsisiyahan ang lahat, hindi mapigilan ni Drake ang mapatulala dahil sa sobrang pag-iisip kung papano niya sisimulan ang sinabi sa kanya ni Celine."Austin! Pahiram ng laptop" utos ni Drake sa kaibigan niyang lumagok ng alak."H-Ha? Bakit?""G*go! Ang dami pang tanong, kunin mo na lang!"Hindi na umangal pa si Austin kaya't kinuha niya na lang ang iniutos sa kanya ng kaibigan."Isigaw sa kalawakan ang pagbabagong magaganap sa ka
CHAPTER EIGHTCELINE's POINT OF VIEW"Sup? Musta tulog mo?" bungad sakin ni Austin pagkarating ko sa parking lot ng condo ko."Oh? Ikaw pala Austin? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.Ang aga naman ata niyang napadpad dito sa parking lot"Inutusan ako ni Drake na sunduin ka" walang ganang sagot niyaBakit hindi na lang ang pervert na yun ang sumundo sakin? Diba nanliligaw naman siya?"Pumasok ka na, Celine" binuksan niya ang passenger seat kaya napa-shrug na lang ako at pumasok sa loob tsaka inayos ang seatbelt"Nasaan ba si Drake?" tanong ko nang makaupo na si Austin sa driver's seat.Tumingin siya saglit sakin tapos muling ibinaling ang tingin niya sa kanyang seatbelt na kasalukuyang inaayos niya ngayon"Nasa school" simpleng sagot niya
CHAPTER NINETHIRD PERSON's POINT OF VIEW"Let's call it a day, let's call it a wrap. Class dismiss"Nagsigawan ang lahat ng mga estudyante pagkatapos mag-dismiss ng kanilang professor"CLASS! DON'T FORGET ABOUT YOUR OUTPUT.. IT SHOULD BE SUBMITTED BEFORE MIDTERM" paalala sa kanila ng profNagsilabasan na ang iba pero busy pa din si Celine sa kakaligpit ng kanyang mga gamit nang biglang magsalita si Drake. "Anong gagawin natin babe?.. Vacant yung next 2 hours natin"Napa-irap siya sa kawalan dahil sa sinabi ng binata. Wala talaga siyang kawala, lalo pa't magka-block mate sila sa lahat ng subject."Uuwi at matutulog!" Walang ganang sagot niya at nauna nang umalis.Hinabol siya ni Drake sabay akbay sa kanyang balikat "May practice kami ngayon. Baka gusto mong manuod"Huminto saglit si Celine tsaka iwinaksi ang ka
CHAPTER TENCELINE's POINT OF VIEW"D-Drake?" Nauutal Kong sambitNagd-drive siya ngayon habang nakaupo naman ako sa passengers seat. Sinundo niya lang ako sa condo at yun na yun. Hindi man lang niya 'ko kinakausap.Siguro galit pa din siya, at naiinis ako sa kadahilanang yun."Saan sa tagaytay ang punta natin?"Sinubukan kong magtanong at nagbabakasakaling sumagot siya para kahit papano'y magkaroon ng ambiance dito sa loob ng kotse niya."Tsss"kung pwede lang Sana ipakain sa kanya ang salitang TSSSMalamang sa malamang.Kanina pa yan nabilaukan.Hays!Makatulog na nga lang dahil baka magmukhang baliw pa ko dito dahil sa katahimikan. TsssTHIRD PERSON's POINT of VIEW"Babe?"Tinapik-tapik ni Drak
CHAPTER ELEVENCELINE's POINT OF VIEW"Gumising ka na, babe"Napatalukbong ako sa comforter dahil nasisilaw ako sa sikat ng araw na nanggagaling sa labas ng sliding door."Tsk. Ten minutes more" sagot ko kay Drake nang bigla niyang hilain ang comforter pero hinila ko naman iyon pabalik sakin."Ayaw mong sumama?" tanong pa niyaBa't ba ang gulo nito? Inaantok pa 'ko tapos panay naman ang kausap niya sakin. Nananadya ba 'to?"Kayo na lang" tinatamad kong sagot kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang tinutukoy niya.Narinig ko ang paghakbang niya palabas ng kwarto kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko habang nakatalukbong pa din sakin ang comforter.Inis akong napabangon dahil hindi na ulit ako makatulog. Pumunta na lang ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Pagkatapos kong maghilamos at magsipi
CHAPTER TWELVECELINE's POINT OF VIEW"Nasaan na si Tyron?" tanong ko kina Kathy dahil hindi ko makita si Tyron pagkatapos kong maligo at makalabas sa kwarto."Umuwi na" maiksing sagot ni Yuri kaya lumapit ako sa kanya at nagtanong pa ulit."Kadarating niya lang, bakit naman siya umuwi kaagad?""Baka nagkaaberya kaya umuwi kaagad." sabat ni Meg kaya napatango na lang ako tsaka umupo sa katabing upuan ni Yuri.Nandito kami ngayon sa terrace dahil gustong magpahangin ng mga kasama ko habang 'yong mga boys naman ay hindi ko mahagilap kung nasaan."Mag-swimming kaya tayo?" napabaling ako kay Kathy dahil bigla siyang nagsalita."Nice idea, Kath" puri ni Yuri sabay tayo at nag-unat pa sa harap ko."Bet ko 'yang idea mo." sumunod na tumayo si Meg at sinundan din ni Kathy.Edi sil
CHAPTER THIRTEENCELINE's POINT OF VIEWIt's sunday morning at last day na din namin dito sa resthouse. Maaga akong nagising at napag-alaman na planong mag-swimming ng mga kaibigan ko bago kami umuwi."Hays! Ano ba'ng klaseng suot 'to?" reklamo ko habang inaayos 'tong suot ko.Kasalukuyan kong tinitingnan ang repleksyon ko sa full length mirror habang naka-suot ng two-piece na binigay sakin ni Yuri. Ayaw ko nga sanang sumabay sa kanila pero mapilit e, sinabihan pa nga akong killjoy. Psh.Bakit ba lagi na lang sila ang masusunod? Halos mamatay na nga ako sa kahihiyan kahapon dahil sa paghaharot ko kay Drake, tapos ngayon naman na pasuotin nila ako ng ganito? Hays.Kung tinatanong niyo kung anong nangyare kagabi pagkatapos akong iwan ni Drake. Syempre, wala. Nauna akong pumasok sa kanila sa bahay at natulog nang maaga."Good morning" napatingin ako sa la
CHAPTER FOURTEENCELINE's POINT of VIEW"Pumasok ka na," sabi sakin ni Drake at pilit na hinihila ako papasok sa kanilang napakalaking bahay.After naming makaalis sa tagaytay, nagulat na lang ako na dito siya dumiretso sa bahay nila at ipapakilala daw niya ako sa parents niya."Sinabi ko naman sayo na hindi pa ako handa." pilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya dahil hindi ko talaga gusto ang plano niya ngayon.Hindi man lang niya sinabi sakin na pupunta pala kami dito at balak niya akong ipakilala sa mga magulang niya, like duh! Kakakilala lang namin at hindi pa maayos 'tong suot ko."Hindi naman tayo pwedeng umalis na lang dahil masasayang yung byahe natin papunta dito." sabi pa niya pero patuloy pa din ako sa pag-iling.Ayoko po talaga dahil hindi ko pa nai-imagine ang mangyayari kung sakaling ma-meet ko ang parents niya. Wala pa sa pla
Chapter FortyCeline’s POV“Drake!” Napatingin ako kay Savanna ng bigla siyang kumaway. “I saved you a seat.” Nakangiti niyang sambit nang makalapit si Drake sa table namin.“Thanks.” Ngumiti pabalik sa kanya si Drake, kaya umiwas ako ng tingin.Required bang ngumiti ng ganyan katamis kahit na sekretarya lang ang kausap mo? Kung hindi ko pa nalaman na sekretarya niya ‘tong si Savanna, iisipin ko talaga na may namamagitan sa kanilang dalawa.Napagawi ang tingin ko sa katabi kong si Austin na biglang tumayo at naglakad papunta sa katabing upuan ni Savanna. Sunod namang umupo si Drake sa tabi ko dahilan para mapalitan ang nakangiting expresyon ni Savanna ng pagkadismaya.“What do you want to eat?” kaagad niyang tanong sakin.Luh? Siraulo ‘to. Hindi man lang ba niya na-appr
Chapter Thirty-nineCeline’s POV“Saan ka ba nanggaling?” salubong na tanong sakin ni Megan pagkabalik ko sa kwarto namin. Mukhang tapos na siya sa pag-aayos sa mga gamit niya dahil nasa harap na siya ngayon ng salamin at inaayos ang buhok niya.“Nagpahangin lang.” maikli kong sagot.“Are you okay? ‘coz looks like you’re not.” Muli niyang tanong habang nakatitig sa repleksyon ko na nasa salamin.“I’m fine. Very much fine.” Pabagsak akong nahiga sa kama at tinitigan ang kisame.I’m not. Gusto kong sabihin iyan sa kanya pero ayoko namang mag-alala siya. Aaminin kong medyo hindi naging maganda ang pakiramdam ko pagkatapos kong makipag-usap sa sekretarya ni Drake. Bigla tuloy akong nakaramdam na ang selfish ko. Sarili ko lang ang inisip ko dati at hindi ko man lang nagawang alalahan
Chapter Thirty-eightCELINE’s POINT of VIEWPumasok ako sa magiging kwarto naming dalawa ni Meg, while staying here at Palawan. They’ve already booked a room para sa isang linggo na pananatili namin dito. I also found out na kaya nila napagpasyahang pumunta dito sa Palawan ay dahil birthday na ni Drake sa susunod na linggo at dito sila magse-celebrate. Nadawit pa ako na wala man lang kamalay-malay sa mga nangayayari. Hindi ko nga alam kung makakapag-stay pa ba ako dito hanggang sa birthday ng lalaking ‘yon. Sigurado akong isang araw lang ang itatagal ko dito.“Here are your clothes. Drake bought that for you.” Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Meg na may dala-dalang bag sa magkabila niyang kamay.“Huh?” nagtataka kong kinuha sa kanya ang hindi kalakihang bag. Pagkabukas ko dito, medyo nagtaka pa ako nang buklatin ko ang isang damit na may tag pa. “Bagong bili ba ‘to?” tanong ko habang chini-check ang ilan pa.
Chapter Thirty-sevenCELINE’s POINT of VIEW“Sandali na lang, pababa na ako.” Natataranta kong sambit sa kabilang linya ng tawag at nagmamadaling kinuha ang slingbag ko. In-end ko kaagad ang tawag saka lakad-takbong nagtungo ako palabas ng bahay.Tinawagan ako kanina ni Megan na at nagyayaya siyang pumunta ng mall. Balak kasi nilang mag-shopping ni Yuri, and since nandito lang din naman ako, gusto nila akong isama. Para kahit papano’y maipasyal nila ako dito, dahil ilang taon din akong nawala dito.Syempre, na-excite ako bigla pagkasabi niya no’n. Ang dami kasing pinagbago dito sa
Chapter Thirty-sixCELINE's POINT of VIEWI wake up early in the morning and did ny usual morning routine. Ang ganda ng araw ko kahapon kay nai-excite tuloy ako kung ano ang mangyayari ngayon.Nakausap ko na din kagabi si Xander about mom's approval, and as expected, he's happy and can't wait personally talk to mom to show how thankful he is.After kong mag-ayos sa sarili ko, saka ko lang napagpasyahang lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko, sinalubong kaagad ako ng masarap na amoy ng pagkain na hula ko’y galing sa kusina. E? wala naman dito si Mom dahil kaninang madaling araw pa siya umalis para magbakasyon sa Cebu. S
Chapter Thirty-fiveCELINE's POINT of VIEW"Thanks for tonight," I said to Tyron while unbuckling my seatbelt.Pasado alas diyes na ng gabi at inihatid ako ni Tyron all the way dito sa bahay. Tumambay lang kami kanina after naming mag-dinner, tapos umuwi din kaagad dahil may trabaho pa siya bukas."Siyanga pala, birthday na ni Drake sa susunod na linggo. Anong plano mo?"I move my gaze to Tyron and slowly forming my perfectly shape brow into an arc. "Anong plano ko?" pag-uulit ko gamit ang pinakamataray kong boses.Kailangan pala dapat may plano para sa birthday ng lalaking 'yon? Bakit hindi man lang ako na-informed?"Huwag mong sabihing wala kang gagawin? Kahit sa birthday ka na lang niya bumawi, ayos na 'yon." tila nanunuyong usal niya sakin.Anong gusto niya? Magpapa-surprise party ako? Tapos magpapalagay ako ng maraming c
Chapter Thirty-fourCELINE’s POINT of VIEW“Sigurado ka bang hindi ka umiyak?”Makailang beses na tanong sa akin ni Tyron magmula noong sinundo niya ako sa bahay. Makailang beses naman akong tumanggi sa paratang niya, pero tila hindi pa din siya kumbinsido.“Sino ba ang nagpaiyak sa’yo? Namamaga ang mata mo,” usal niya, pero hindi na ako nag-abala pang sumagot at ipinagpatuloy na lang ang pagkain dahil ayokong mapunta pa sa kung saan ang usapan na’to.Wala naman sana sa plano ko ang sumama sa kanya ngayong gabi for dinner after ng nangyari kanina samin Mom. I just want to unwind myself, ayoko din na makita ngayon si Mom dahil baka maulit na naman ang sagutan namin kanina.“Ngiti naman diyan. Namamaga na nga ang mata mo, tapos nakabusangot ka pa.” natatawang sambit nito sabay pisil sa pisngi ko at inarko ito
Chapter Thirty-threeCELINE’s POINT of VIEWPadabog kong isinara ang pinto ng kwarto ko pagkarating ko dito sa bahay. Pabagsak akong humiga sa kama at isinubsob ang mukha ko sa kama. Masyado ako nas-stress dahil sa nakita ko na naman ang lalaking ‘yon. Kahapon pa ako naiinis sa tuwing naririnig ang pangalan niya, tapos pati ba naman ngayon? Umagang-umaga, pero sirang-sira na kaagad ang araw ko.“Sweetie? Nakauwi ka na ba?” dinig kong sambit ni Mom sa labas ng kwarto habang makailang kumakakatok sa pintuan. “How was your Aunt Donna?” sunod niyang tanong.“I’m not on my greatest mood para kausapin ka,” sagot ko saka napadapa at kinuha ang unan at isinalampak ito sa aking mukha.Ayoko lan
CHAPTER THIRTY-twoCELINE's POINT of VIEWNapabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang magkasunod na katok sa pinto ng kwarto ko.Argh! iritable kong usal at padabog na dumiretso sa pinto."Sweetie, may ipapakuha nga pala sana ako sayo." Nakangiting bungad ni Mom sakin pagkabukas ko ng pinto.I looked at her using my bored-look but I still manage to answer her with full of respect. "Ano po 'yon?"Kung hindi ko lang to nanay, malamang kanina pa ako nag-aalburuto dito sa galit dahil sa paggising sakin kahit na inaantok pa ko."Gusto ko sanang ipakuha sayo ang hiningi kong bulaklak sa mommy ni Drake." Nakangiti pa din siya na para bang daig pa ang taong nanalo sa lotto sa sobrang lapad ng ngiti niya.Seryoso ba siya? At talagang hindi man lang niya tinanong kung papayag ba ako o hindi sa pabor niya.