Share

CHAPTER 2

Author: Ara Kalliope
last update Last Updated: 2021-08-24 20:22:05

Matapos ang nakakapagod na araw sa opisina marami na ring mga empleyado ang umuuwi dahil lumalalim na rin ang gabi.

"Uhh babe may pupuntahan pa ako mauuna na ako sa'yo mag commute ka na lang may kailangan pa ako tapusin." paalam ni Lemuel sa kasintahan niyang si Lara.

"Sige babe ingat, dito muna ako I guess need ko mag over time para matapos ko na rin lahat ng paper works dito marami pang aasikasuhin para konti na lang gagawin ko bukas." tugon ni Lara habang busy sa pag aayos ng mga papel.

"Sige una na ako." hinalikan ni Lemuel ang kanyang nobya sa pisngi at saka umalis.

Maraming beses na nag papaalam si Lemuel sa kanyang kasintahan sa hindi masabing dahilan, ngunit hinahayaan lamang ito ni Lara sa inaakala niyang mahalaga naman ang pinupuntahan nito.

Nag paiwan si Lara sa opisina dahil napag isipan niya na tapusin ang mga natitirang paper works sa araw na ito. Bahagyang umunat siya ng may narinig siyang ingay sa gilid ng silid kung nasaan siya.

"Wala naman na akong kasama dito ano kaya yun? Baka gamit lang na nalaglag." nagkibit balikat lang si Lara at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Maya't maya narinig na naman niya na may kung anong gumagalaw sa labas ng kanyang opisina at napabalingkwas siya dahil doon.

"Alam ko wala ng tao dito teka anong oras na ba, It's already 9 pm na rin alam ko nakauwi na rin ang ibang empleyado." pagkukumbinsi niya sa sarili niya.

Patuloy lang siya sa paghahalungkat ng mga papel at ang tanging ilaw niya lamang ay lamp shade sa kanyang desk. 

Maya't maya may malakas na kalabog sa labas ng opisina at dali dali niya itong pinuntahan.

"Arayyy ang sakit!" giit ng janitor ng company.

"Jusko naman Manong Rio akala ko naman kung sino mag ingat po kayo at madulas ang sahig. Pwede na rin po kayong umuwi pagkatapos niyo diyan." Habol hininga na bulalas ni Lara dahil sa gulat.

"Sige po Ms. Lara Yves Cassidy salamat po." tugon ni Manong Rio.

"Nako manong Rio masyado naman po kayong formal. Diba ho sabi ko sa inyo Lara na lang itawag niyo sakin sa tinagal tagal mo na po dito tinuring na rin kitang parang pangalawang ama." sagot ni Lara ng may ngiti sa labi.

Kinabahan si Lara dahil akala niya kung ano na ito ang janitor lang pala ng company. Madalas ito nag o-over time para sa pamilya niya. Meron kasi siyang tatlong anak at ang dalawa ay nasa kolehiyo na. Sa sobrang tagal na ni Manong Rio sa company naging matapat ito na nagseserbisyo sa magkasintahan lalo na at maganda ang pasweldo lalong lalo na ang pasweldo nila dito.

Hindi nila hinahayaan na ma under pay ang empleyado nila kaya't lahat ay maganda ang trato sa magkasintahan.

Agad naman na bumalik si Lara sa kanyang kinauupuan at bumalik sa kanyang ginagawa. Nnag biglang tumunog ang cell phone niya at agad niya naman itong dinampot. Tumatawag ang kanyang kaibigan na si Kate.

"Hey, Kate anong meron bakit napatawag ka sa ganitong oras." nagtatakang tanong ni Lara.

"Kukumustahin lang sana kita. Miss na kita!" sagot ni Kate sa kaibigan niya.

"Nako parang may iba may nangyari no? Sabihin mo na kilala kita!" pasigaw na sagot ni Lara.

"Ah eh kasi si Charles nakipag break na sakin, nasaan ka ba shot naman tayo punta ka sa apartment ko." biglang nagbago ang tono ni Kate na halatang malungkot.

"Sige, I'll be there a half-hour." sagot ni Lara.

"Thank you besshieee sobrang maaasahan ka talaga!" sigaw ni Kate sa kabilang linya at ibinaba na ang tawag.

Inayos na ni Lara ang kanyang sarili pati ang kanyang mga gamit upang tumungo na sa apartment ni Kate.

Napansin ni Lara ang sobre na binasa niya kanina habang nag aayos siya ng mga gamit. Hindi niya maiwasan ang magtaka kung saan ito nang galing kaya itinabi niya na rin ito sa kanyang bag at tumungo sa elevator.

Habang nasa loob siya ng elevator inaayos niya ang kanyang sarili habang nag a-apply ng make up dahil haggard na siya sa tutuusin. 

Nakatingin siya sa salamin ng may nakita siyang katabi niya at nagulat siya dahil wala naman siyang kasama. Ibinaba niya ang salamin na hawak niya at dahan dahan niya ulit itong inangat upang silipin kung sino ang kasama niya sa elevator.

Pagkatingin niya nawala na ito, isang itim na anino ang nakita niya ngunit wala ng bakas nang binalikan niya na ito ng tingin. Patuloy niyang inayos ang sarili niya at nagulat siya ng biglang kumurap ang mga ilaw.

"Maayos naman ang mga ilaw kanina at lagi ito tinitignan ng mga empleyado namin bakit parang pundido na agad?" tanong niya sa sarili niya.

Nagulat siya ng biglang tumigil ang elevator at namatay ng tuluyan ang ilaw. Nagsisigaw siya sa loob ngunit wala namang nakakarinig sa kanya, kinapa niya ang emergency button ng elevator at kasalukuyang kinakapa niya ng may mahawakan siyang malamig na bagay. Bigla siyang napaatras dahil sa takot.

"S-s-sino ka? Anong kailangan mo sakin? Bakit ka nandito!" nauutal niyang sambit sa kawalan.

Hindi niya tiyak kung sino ang kasama niya sa elevator at iyon ang mas kinatakot niya. 

Biglang may narinig siyang mahinang tawa at mas labis niyang kinatakot.

"Kung sino ka man anong kailangan mo!" tanong niya sa narinig niyang boses.

"Ikaw..." malamig na tugon nito at ibinulong sa tenga ni Lara.

Tumaas lalo ang balahibo niya dahil sa malamig na tinig na iyon. Kinuha niya ang cell phone niya kahit nangangatog siya para makita lang kung sino ang kasama niya.

Pinipilit niyang buksan ang cell phone niya pero hindi ito mabuksan, ang pag kakaalam niya hindi ito low battery. Wala siyang magawa kung di kapain ang emergency button at agad niya naman itong nakapa.

Bigla niyang naramdaman ang malamig na bumabalot sa kanyang katawan at dahil doon tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Makalipas ng ilang oras nagising siya sa tunog ng cell phone niya tumatawag si Kate. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nakabukas na ang ilaw at nasisilaw siya sa sobrang liwanag. Parang wala man lang nangyari.

"Hello Lara nasaan ka na? Ayos ka lang ba?" tanong ni Kate sa kaibigan niya.

Ang pagkakaalam ni Lara ilang oras na siya nasa loob ng elevator pero nang tinignan niya ang oras sa cell phone niya 9:10 pm pa lang. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas doon siya nagtaka at kinilabutan lalo.

"P-p-papunta na ako." sagot ni Lara ramdam parin ang takot sa katawan niya.

Lumabas na siya ng elevator at tumungo sa sasakyan niya papunta kay Kate.

"Sana guni-guni lang ang lahat. Baka dahil sa pagod ito naka idlip ako sa elevator ng hindi ko namamalayan." banggit ni Lara sa sarili niya.

Inisip niya na sana hindi totoo ang naranasan niya sa elevator kanina dahil hindi niya ito makakalimutan. Kung panaginip man ang lahat ito ay masasabi niyang isang bangungot.

Related chapters

  • Drag me to Death   CHAPTER 3

    Habang nasa sasakyan si Lara malalim ang iniisip nito dahil sa nangyari kanina sa elevator. Kasalukuyan siyang papunta ngayon kay Kate.Nang makarating siya sa apartment ng kaibigan niya at nagpark agad ng kanyang sasakyan.Patungo na siya sa apartment ni Kate at akmang kakatok siya ng magbukas ang pinto."Oh nandiyan ka na pala lalabas sana ako para bumili ng pagkain." akmang lalabas na sana si Kate ng pinto pero bumungad si Lara sa harapan niya."Nako 'wag na may dala na akong pagkain para sa atin. Heto may dala akong graham cake na paborito mo." banggit ni Lara sabay na itinaas upang ipakita ang mga dala nitong pagkain."You know everything about me. You are the finest!" kita ang saya kay Kate dahil nagtatatalon ito sa tuwa."Hindi mo ba ako papapasukin?" taas kilay na tanong ni Lara sa kaibigan niya."Pasok mahal na reyna." umakto pa itong aalalayan si Lara sabay ngumisi.Pagkapasok agad na inayos ni

    Last Updated : 2021-08-25
  • Drag me to Death   CHAPTER 4

    Patungo na si Lara sa kanilang tahanan nag enjoy naman siya kausap si Kate lalo na at doon lang siya nakakapag labas ng sama ng loob.Narating niya ng maayos ang kanilang tirahan at agad na pumasok.Nakita niya ang kanyang kasintahan na nakaupo sa sofa habang nanood ng television."Oh bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay." Sigaw sa kanya ng kanyang kasintahan."Nasa apartment lang naman ako ni Kate." giit ni Lara kay Lemuel."Halika dito hilutin mo ang balikat ko nangangawit ang daming ginawa kanina." pautos na sabi ni Lemuel.Lumapit naman agad si Lara pagkatapos niya ayusin ang sarili niya. Kung tutuusin matipuno naman talaga ang katawan ni Lemuel, malapag ang balikat, may katangkaran, maputi, mabango at may maamong mukha.Hindi rin naman nagtataka si Lara at may nagpapapansin parin sa kanyang kasintahan dahil nga sa matipuno naman ito.Pumwesto na si Lara sa likuran ni Lemuel at nagsimula ng h

    Last Updated : 2021-08-25
  • Drag me to Death   CHAPTER 5

    Alas tres ng umaga nagising na lang si Lara dahil may naramdaman siyang gumalaw at sumagi sa kanyang balat sa pagkakaalam niya ay tela.Hindi niya maaninag kung sino ang nasa harapan niya pero may telang bumalot sa katawan niya, ramdam niya ang lamig at nainitan siya sa telang bumabalot sa kanya. Hinapis niya ang kumot na idinantay sa katawan niya alam niya na ang kasintahan niya ito kaya natulog na lang siya muli."Salamat." banggit ni Lara sabay pumikit muli.Makalipas ng ilang oras nagising si Lara sa araw na tumatama sa kanyang mukha. Pagkabangon niya nagulat siya dahil may nakahain na mga pagkain sa lamesa. Agad siya na tumayo upang tignan kung ano ang mga pagkain at tamang tama kumakalam na ang kanyang sikmura."Oh gising ka na pala maupo ka." nakangiting banggit ni Lemuel.Malaki ang pagtataka ni Lara dahil minsan lang maganda ang trato sa kanya ni Lemuel kaya agad agad siya na umupo sa hapag kainan at kumuha ng makakain.

    Last Updated : 2021-08-29
  • Drag me to Death   CHAPTER 6

    Habang patungo sila sa parke may batang lalaki na lumapit sa kanila."Daddy, Daddy bili mo ako ice cream." banggit ng bata habang hinahatak ang kamay ni Lemuel.Nagtaka si Lara dahil may batang lumapit dito hindi niya rin naman kilala ang batang ito. Inisip niya na lang na baka naligaw lang ang bata."H-h-hindi mo ako Daddy baka naligaw ka lang." biglang inagaw ni Lemuel ang kamay niya sa bata.Dali daling may lumapit na babae sa kanilang kinatatayuan. Kung pagmamasdan ito maganda,mahaba ang buhok at mestisa."I'm sorry about my son; he's been really mischievous, just ignore him. Let's go Ulrich." bago hilain ng babae ang bata tumingin muna ito kay Lemuel at saka umalis.Hinigit ni Lemuel si Lara at naglakad ng mabilis, nagtataka si Lara bakit ganon na lamang ang reaksyon ng kanyang kasintahan."Teka Lemuel sino yung batang yun at bakit galit na galit ka? Baka naligaw lang naman bakit uminit agad ang dugo mo." tanong ni

    Last Updated : 2021-08-31
  • Drag me to Death   CHAPTER 7

    Lara Yves's POV"Jusko naman akala ko kung sino!" bulalas ko at halos muntik na ako mahulog sa kinauupuan."Nandito ka rin pala! Alam ko hindi ka papahuli sa magandang palabas na The Excogitate Escape." sigaw ni Kate na tumatalon talon pa na parang bata.Kung ikukumpara para bang nakakita ako ng multo akala ko naman kasi kung sino ang kumakalabit sa akin si Kate lang pala. Hindi ko rin naman inaasahan na nandito rin si Kate sabagay laging updated si Kate sa mga magagandang pelikula katulad na lang ng the Excogitate Escape."Kasama ko si Lemuel wala pa siya kanina ko pa iniintay." sagot ko habang tumitingin tingin sa paligid nagbabakasaling makita ko si Lemuel."Ay nako magsisimula na ang palabas nasaan na ba yun at bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong bigla ni Kate."Wala ayos lang ako. May kinausap daw siya saglit kaya nag paalam." pagpapaliwanag ko."About saan naman? Company ba? Hindi pa ba naaayos ang problema niyo sa kum

    Last Updated : 2021-09-01
  • Drag me to Death   CHAPTER 8

    Lemuel's POVNandito na kami sa mall bibili na rin kami ng mga kailangan namin.I walked immediately when I recognized a suit boutique.Then I saw a set of peak lapels and I grabbed one."Sa tingin mo bagay sa akin 'to?" I asked her habang hawak ko ang set ng peak lapel at ipinakita ko ito kay Lara."Oo naman lahat naman bagay sa'yo sige isukat mo tignan natin." suhestiyon ni Lara at sabay itinuro sakin ang fitting room.Yan ang gusto ko kay Lara lagi niya akong nakikita as a diamond. I admire her when she compliments me that much.Habang sinusukat ko ang suit na napili ko naisipan kong ipaayos ang suit sa bandang likuran ko. Even in the fitting room, I would really like to look presentable.Kaya lumabas ako para ipakita ko kay Lara ang suit na naisukat ko."Am I look handsome babe?" tanong ko then I gave her a smirk."Bagay na bagay sayo!" papuri ni Lara sa suit na suot ko habang inaayos ito.Hindi k

    Last Updated : 2021-09-02
  • Drag me to Death   CHAPTER 9

    Lara Yves's POVKasalukuyan akong nasa CCTV room para tignan ang footage noong nakaraang araw."Manong Celio pwede bang makihiram muna ako saglit may hahanapin lang ako." pakiusap ko kay Manong Celio ang in-charge sa CCTV room."Ah sige po maam ako'y aalis muna maghahapunan." paalam niya sa akin."Sige po." tugon ko.Agad akong umupo sa harap ng CCTV monitor para masimulan ko na ang aking gagawin.Pinipilit kong alalahanin ang date para makita ko kaagad, hinalungkat ko ang mga files at sa wakas nakita ko na rin."Akala ko papahirapan mo pa ako eh hays." buntong hininga ko at pinunasan ang pawis na namumuo sa aking noo.I rush through the video to see what the CCTV captured at the time.Binusisi ko ang video hanggang sa may part na pumasok na ako ng elevator nagulat ako sa nakita ko.May itim na anino akong nakita ngunit ng nag glitch na ang video nung namatay na ang video."Bakit huminto? Nakakainis naman t

    Last Updated : 2021-09-03
  • Drag me to Death   CHAPTER 10

    Lara Yves's POVNagising ako sa alarm clock ko, so I decided to fix my bed and get dressed.Muntik ko na makalimutan it's our 11th anniversary. Anong oras kaya umuwi si Lemuel nakatulog na lang ako.Sa sobrang tagal na namin lahat ng bagay handa na akong harapin kasama siya. Lahat ng bagay gusto ko siya na ang makakasama ko hanggang sa ikasal kami."What a beautiful view."Nagulat ako dahil biglang may nagsalita, pagkatingin ko si Lemuel lang pala mula sa pintuan ng aking kwarto."Good morning babe, Did you slept so well?" biglang lumapit sa'kin si Lemuel at agad na hinapit ang bewang ko.Nararamdaman ko ang kanyang paghinga, pati ang kanyang mabango na aroma."Good morning, anong oras ka na pala nakauwi kagabi?" I face him and I take a glance over him."Almost 1 am, hindi na kita ginising kasi malalim na ang tulog mo." he answered softly while pinching my nose."Buti naman kumain ka na ba?" akmang aalis na sana a

    Last Updated : 2021-09-04

Latest chapter

  • Drag me to Death   EPILOGUE

    Lara Yves Cassidy "Parang kailan lang ang bilis ng panahon ikaw naman ang ikakasal ah!" pang aasar ko kay Kate. "Syempre ayoko ng pakawalan si Tristan kaya grab the opportunity na!" nasa wedding gown shop kami at kasalukuyang nagsusukat na ng gown si Kate. Almost 3 months na rin ang lumipas ng magising ako at makarecover sa comma, parang ang bilis lang ng araw. Marami akong mga nalaktawan na mga kaganapan sa buhay nila dahil nakaratay lang ako sa hospital ng matagal. "Lara! Tignan mo saktong sakto lang sa'kin!" nagsisisigaw si Kate at halos mabingi na ako. "Oo na ikaw na maganda!" inaayos ko ang mga lace sa paligid ng gown niya. Pinagmasdan ko lang siya at kitang kita sa kanyang mata kung gaano siya kasaya. "Ay naalala ko may ikukwento pala ako mamaya pagtapos natin dito punta tayo coffee shop." biglang singit niya habang inaayos ang buhok niya at nakaharap sa salamin. "Sure thing!" parang binigyan ako ng second

  • Drag me to Death   CHAPTER 6O FINALE

    Lara Yves CassidyMinulat ko ang mga mata ko sumasakit ang ulo ko. Nilibot ko ang tingin ko pero puro puti na lang ang nakikita ko.Hindi ko alam ang nangyari pero natatandaan ko lahat ng mga sinabi ni Lemuel, naaalala ko na lahat siya ang pumatay sa mag asawa maging kay Miguel.FLASHBACKSMay naririnig akong tinig na umaawit, dahan dahan kong minulat ang mata ko. Bumungad sa'kin ang napakaliwang na ilaw."ANAK! GISING KA NA LARA ANAK!" halos patakbong pumunta sa kinahihigaan ko si mama.Siya lang ang nakita ko."Teka tatawag lang ako ng nurse." pagkabanggit niya bigla ko siyang hinawakan."Ma, 'wag muna. Nasaan si Lemuel?" hindi niya parin ba ako dinadalaw sana kahit ngayon man lang dalawin niya ako."H-hindi na rin nakakausap

  • Drag me to Death   CHAPTER 59

    Tristan Gideon "Paano ba yan hindi ka rin maliligtas ng prince charming mo?" halos nanggagalaiti na ako sa galit dahil pati si Kate idadamay niya pa. "Fck! Who the fck are you!" bigla akong nagtaka dahil bigla siyang napasigaw, halos matumba pa siya sa pag atras niya. Tinapunan niya ako ng tingin baka sa mata niya ang pagkatakot. "D-diba si K-Kate 'to? Tama ako d-diba?" bakit siya nagtatanong kung si Kate yun? Wala naman ng ibang tao kundi kami kami lang. Hindi ko alam kung anong nakita ni Lemuel pero parang takot na takot siya kaya sinamantala ko na lang ang pagkakataon. "Bakit? Minumulto ka na ba ng nakaraan?" I gave him a smirk. "SHUT UP!" buong lakas siyang sumigaw, nagulat ako dahil biglang namatay lahat ng ilaw. "KATEEEE! HOLD ON!" sumisigaw na ako para lang malaman ni Kate na nandito pa ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. "What happened? Pinatay niyo ba ang mga ilaw? Sobrang d

  • Drag me to Death   CHAPTER 58

    Lemuel TorresFLASHBACKSNaalimpungatan ako dahil may kung sinong yumuyugyog sa'kin."Señorito! Señorito! Pinapagising po kayo ng papa niyo dahil may mahalaga raw po kayong pag uusapan." pupungas pungas kong hinarap si yaya dahil ang aga aga gigisingin nila ako."Hayss, sige susunod na lang ako." tinaklob ko ang unan sa ulo ko dahil sa inis. Sa kasagsagan ng pagtulog ko may istorbo pa.Bugnot akong tumayo dahil patuloy na kinakatok ni yaya ang pinto."Señoritooo! Bangon na hala magagalit ang iyong papa, dumiretso ka na lang sa meeting room niyo at ako'y mag hahanda na ng umagahan."OO ITO NA NGA!" agad akong nagbihis at na asikaso kapag ito hindi mahalaga maiinis lang ako.Agad akong pumun

  • Drag me to Death   CHAPTER 57

    Tristan GideonHalos hindi ko maigalaw ang katawan ko, may nararamdaman din akong hapdi sa bandang likuran ko.Pinilit kong igalaw ang mga daliri ko at dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.Nagulantang ko sa tumambad sa harapan ko, kung hindi ako nagkakamali para itong isang bodega at hindi ko rin maigalaw ang braso ko dahil nakagapos ako sa haligi gamit ang kadena.Naisip ko bigla si Kate hindi ko siya nakikita sa paligid kaya nag alala ako baka napaano na siya."KATEEEEE NASAAN KA!" halos maputol ang litid ko kakasigaw pero kahit anino hindi ko namataan."Oh gising ka na pala pakealamero." nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses at kung hindi ako nagkakamali namumukhaan ko, si Lemuel nga at papalapit siya sa pwesto ko."Nasaan si Kate ilabas mo siya! Ako lang naman ang kailangan mo diba?" umalingawngaw ang boses ko sa bawat sulok ng bodega halos maubos ang lakas ko pero hindi ko na inalintana dah

  • Drag me to Death   CHAPTER 56

    Lemuel Torres Kakarating ko lang ulit sa Pilipinas. Actually maayos naman na ang buhay ko sa France bumalik lang ulit ako dito para may ligpitin na kalat. Masaya na kami ni Marielle at ang anak namin. Hindi ko na naisip si Lara dahil alam ko naman na may sarili na akong pamilya. Marielle is a great wife and I won't regret na sumama ako sa kanya dahil mas naging maayos ang buhay ko. I have wealth, power gusto ko na lang baguhin ang sarili ko. Napilitan lang akong bumalik sa Pilipinas dahil may asungot na pakealamero. "Darell nandito na ako sunduin mo ako. Hurry up!" Darell is really a good friend. He's willing to do everything for his friend. I was sitting in a waiting area. Hihintayin ko lang si Darell na sunduin ako, I was kinda tired because of long flight. FLASHBACKS UGGHHH! FASTER BABE! I'M CUMMING Umaalingawngaw an

  • Drag me to Death   CHAPTER 55

    Tristan GideonKasalukuyan kong binubuksan ang kandado, nahihirapan lang ako dahil napakarami ng kandadong nakalagay dito kaya gumamit na ako ng iba't ibang susi pati martilyo at wrenches para mapadali.Dalawang dipa ang layo sa'kin ni Kate dahil baka matamaan siya ng mga bakal na kakalas sa kandado, hawak hawak niya ang flashlight at nakatuon lang sa direksyon ko.Habang paunti ng paunti ang kandado maging ang kadena na nakapaligid sa pinto lalong lumalalim ang paghinga ko. Hindi ko alam ang nasa likod ng pinto pero handa akong malaman ngayon.Hanggang sa isang kandado na lang ang kailangan sirain."Isa na lang ayos ka pa ba Kate?" sinisigurado ko lang na ayos lang siya sa kinatatayuan niya na baka nilalamig na siya."Ayos lang ako rito, ituloy mo lang yan." sagot niya ng pasigaw.Narinig ko ang pagbukas ng huling kandado kaya sumilay ang ngiti ko. Agad kong inilapag ang mga gamit na hawak ko at unti unti kong binubuksan ang pinto.

  • Drag me to Death   CHAPTER 54

    Tristan GideonNalilinawan na ako ng paunti unti sa mga nangyayari. Tumutugma ang lahat ng ebidensya na nakalap ko.Yung salamin tama! Doon sa tunnel ko nakita kailangan ko pumunta ngayon doon.Uuwi muna ako para sabihan si Kate na diretsyo na ako doon sa bahay ng mama ni Lara. Matatapos na rin ang kasong ito malapit na sigurado ako."Hon, anong nangyari? Bakit parang nagmamadali ka?" hinawakan ako ni Kate sa balikat kaya huminto muna ako saglit."Pupunta lang ako sa bahay ng mama ni Lara. May kailangan lang akong malaman." pumunta na ako sa kusina at hinanap ko ang mga susi, martilyo, grinder at kung ano pa na makakatulong sa pagbubukas ng pinto doon."Sasama ako." matabang niyang sagot."Huwag na dito ka lang masyado ng gabi. Magpahinga ka na dito." masyado na kasing madilim baka mahamugan pa siya."Hindi ka pupunta kapag hindi ako kasama." sabay humalukipkip siya."Okay fine. Let's go magdala ka ng flash

  • Drag me to Death   CHAPTER 53

    Miguel Vinn FerlinasPinagmamasdan ko lang si Lara na nakaratay sa kama. Panandalian lang siyang bumalik sa kanyang katawan dahil paunti unti ng bumabalik ang mga alaala niya at dumadami na rin ang nalalaman niya.Bumalik lang siya saglit sa katawan niya upang iparating sa mga mahal niya na lumalaban siya.Hanggang ngayon ang ganda niya parin at namamangha parin ako sa kakayahan niya. Hindi kukupas ang pagkagusto ko sa kanya, kaya malaking opportunity na ako ang gabay niya. Ayoko man na humantong siya sa gantong kalagayan pero wala akong nagawa.Kaya ginagawa ko ang lahat para gabayan siya, palagi ko siyang tinitignan kung saan siya magpunta at lalo na kapag malungkot siya.Nakakalungkot lang dahil hindi ko siya makakasama ng matagal dahil two weeks na lang ang nalalabi sa misyon namin. Masaya ako na makakabalik siya sa katawan niya pagkatapos ng misyon at ako naman ay makakausad na sa huling hantungan.Tinititigan ko lang siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status