Share

Kabanata 22

Author: Rouzan Mei
last update Last Updated: 2023-02-03 10:30:42

AIRISH

HINDI na 'ko nakatali sa may puno, pero nakaposas naman ako rito sa loob ng tent.

Hindi na bumalik si Dean nang tawagin siya. Kinapa ko ang singsing nang maalala ko ito.

Hay salamat! Buti at nandito pa.

Wala akong magawa dahil puro nalang ako nakatali o nakakulong sa isang tabi. Para akong alipin kung makakulong siya sa 'kin.

Naghanap at nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakaalis mula sa posas na 'to. Hindi ko alam ang gagawin dahil wala rin naman akong maisip na solusyon.

"Ano ba? Wala na bang ibang paraan?" tanong ko sa sarili habang naghahanap ng pwedeng ipantanggal sa posas na 'to.

Wala rin akong nagawa kaya nakahiga lang ako hanggang sumapit ang hapon. Rinig ko ang mga tawanan ng mga kalalakihang nasa labas habang nagkukuwentuhan.

"Binibini," tawag ni Dean mula sa labas ng tent. Napapikit nalang ako dahil sa galit sa kanya. Naramdaman ko ang pagpasok niya sa tent kaya kaagad ko siyang tiningnan.

"Pwede ba, Dean? Iwan mo nalang ako rito? Tutal 'di rin naman ako makak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 23

    AIRISH NAPADILAT nalang ako bigla nang masilawan ako mula sa sinag ng liwanag. Napatingin ako sa kaharap ko.May matipunong katawan...Tinaas ko ang tingin ko at nakita ko si Dean na natutulog habang yakap ako at magkaharap kami ngayon.Kaagad kong tinanggal ang pagkakayakap niya at umurong palayo. Unti-unti naman siyang nagising dahil sa likot ko."Hmm..." Sabi niya at uminat. "Kumusta tulog?" tanong naman nito at nginitian ako."Pwede ba? Kung ikaw lang din ang makikita ko tuwing umaga, mas magandang do'n nalang ako sa may puno," sabi ko sa kanya."Oh? Ano na namang ginawa ko? takhang tanong nito."Bakit 'di mo itanong sa sarili mo 'yan?" tanong ko rin sa kanya.Teka... Naiihi ako.Lalabas sana ako ng tent nang hawakan niyang bigla ang kamay ko."Ano ba?!" tanong ko at pilit kinukuha ang kamay ko sa kanya."Saan ka pupunta?" tanong din nito. Binigyan ko siya ng masamang tingin."Naiihi ako. Pwede ba? Bitiwan mo 'ko kung ayaw mo pumanghe 'tong tent mo," sabi ko pero hindi niya parin

    Last Updated : 2023-02-03
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 24

    AIRISH NAGLAKAD kami pabalik sa puwesto ilang sandali matapos ang nangyari. Napatingin sa 'min ang mga kasamahan ni Dean na tila may halong pagtatakha nang makitang pareho kaming basa."Anong tinitingnan-tingnan niyo d'yan? Kilos!" sigaw ni Dean kaya kaagad nila 'yong ginawa. "Mas mabuti pa kung pumasok ka muna sa tent. Baka lamigin ka rito," sabi naman niya sa 'kin. 'Di ako sumagot at ginawa nalang ang sinabi niya.Pinunasan ko ang sarili ko ng telang binigay ni Dean sa 'kin. Wala naman akong pampalit dahil nasa gitna kami ng gubat.Hindi naman ako nakaposas at nananatili parin sa loob ng tent. Nakaupo ako habang yakap-yakap ko ang mga hita ko. Nilalamig parin ako kahit na may nakapatong na tela sa 'kin.Hinihingahan ko ang mga palad ko at idadampi sa balat ko para uminit dahil sa lamig.SUMAPIT muli ang tanghali ngunit naririto pa rin ako sa loob ng tent."Kumain ka," Napatingin naman ako sa nagsalita. Umiling lang ako bilang tugon. Pumasok naman ito at naupo sa tabi ko."Kumain ka

    Last Updated : 2023-02-03
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 25

    AIRISH NAGISING nalang ako at ramdam ko parin ang bigat ng katawan ko. Napatingin ako sa paligid. Nasa tent parin pala ako.Dahan-dahan akong napaupo at hinawakan ang ulo ko. Medyo masakit. Napatulala nalang ako ng tingin sa isang sulok nang may mapansin ako. Nag-iba ang suot ko.Paanong nag-iba? Nasa'n yung sinuot ko?Teka... Yung singsing!Kaagad kong hinanap kung naririto sa loob ng tent ang damit ko. Wala!Lumabas naman ako para hanapin si Dean. Siya lang ang nakasama ko rito kanina.Nang makita ko ang labas, hindi ko inakalang hapon na pala?Tiningnan ko ang paligid kung makikita ko si Dean pero puro kasamahan niya lang ang nakikita ko.Napangiti nalang ako nang makita ko ang nakasampay sa may puno sa may 'di kalayuan. Kaagad ko 'tong nilapitan at tiningnan kung damit ko ba ito. Ito nga.Kaagad kong kinapa ang mga bulsa ng short. Nang makapa ko ang singsing, kaagad ko naman 'tong kinuha."Bakit ka lumabas?" Napalingon nalang akong bigla sa nagsalita."Okay lang ak--""Hindi 'yan

    Last Updated : 2023-02-03
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 26

    AIRISH KAAGAD kaming umalis ni Dean at inalalayan ako nito. Iniwan naming nakaupo sa lupa si Ortaleza at nakita ko pa ang matalim na tingin nito sa 'min."Bakit ka lumalabas ng ganitong gabi? Hindi ba dapat natutulog ka na?" tanong ni Dean at masama ang tingin sa 'kin saka napahilamos sa mukha nito. Pinupunasan ko naman ang mga luha ko dahil sa pag-iyak ko kanina."Eh... Eh naihi lang naman ako, t-tapos hawak niya 'yon. 'D-Di ko naman alam na--na darating siya t-tapos--tapos..." hindi ko na natuloy ang utal-utal kong paliwanag dahil kusang bumubuhos ang mga luha ko. Nakaramdam nalang ako ng yakap mula sa kanya at hinimas-himas ang likod ko bilang pagtahan."Sshhh...huwag ka nang umiyak," bulong niya sa 'kin. Hinawakan niya ang makabilang balikat ko nang kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin."Huwag mo na siyang intindihin, ako na ang bahala sa kanya. Matulog na tayo, hmm?" sabi nito. Napatango nalang ako at pinunasan ang mga luha ko.Humiga ako ng patagilid at naramdaman ko ang pagkum

    Last Updated : 2023-02-03
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 27

    AIRISH NAPANGITI nalang ako ng palihim dahil sa katangahan niya. "Ano 'yan, binibini?" biglang tanong nito nang hindi lumilingon sa 'kin."A-anong ano 'yan?" tanong ko rin. Tumingin ito sa 'kin at tumingin sa bulsa ko."'Yan," sabi niya at tumingin sa 'kin."Wala," inis kong tugon at tinarayan siya. Tumango-tango muna ito bago nagpaalam na umalis.Pang-ilang araw ko na ba ngayon?Inisip ko yung unang gabi na narito ako at ang mga sunod-sunod na nangyari.Ahh...pang-apat ko na ngayon.Pero bakit feeling ko, ang tagal ko nang nandito."Amresel! Yung mga pinadala ni Roman, nandito na!" sigaw ni Ortaleza mula sa labas. Kaagad namang lumabas si Dean dahilan at napasilip naman ako. May mga grupo ng kalalakihan na naghihintay at may mga hawak silang armas.Kaagad namang pinuntahan ni Dean ang mga 'yon at nakipag-usap. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap. Napatingin-tingin din ako sa paligid. Tinitingnan ko ang mga puno at mga ibon na nakasampa sa mga sanga.Pero napansin ko sa 'd

    Last Updated : 2023-02-03
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 28

    AIRISH NAPANUNOK nalang ako ng laway at napaiwas ng tingin nang tumingin ito sa 'kin. "Kumain ka na?" tanong nito.Tumango ako bilang tugon."Nakita ko na ang lola mo. Huwag kang mag-alala, nasa mabuting kamay siya ng nakapulot sa kanya," sabi nito."A-ahh... Gano'n ba? Buti naman," nauutal kong sabi habang hindi parin tumitingin sa kanya. Nagulat nalang ako nang itangad niya ang mukha ko nang hawakan niya ako sa may baba.Naiilang akong tingnan siya dahil sa nakakatakot niyang mukha."Bakit ganyan ka? May problema ka ba?" seryosong tanong nito."W-Wala... Sala. N-Natutuwa lang ako sa nabalitaan ko," sabi ko at napapanunok. Ngumiti ito sa 'kin at habang tinititigan ako sa mga mata, napatingin din siya sa labi ko."Natutuwa? Kita ko nga," sabi nito bago bitiwan ang kamay niyang nasa baba ko. Jusko."Ahh... G-Gusto kong lumabas. Nawiwiwi na 'ko," sabi ko at tumayo nang hawakan niya ang braso ko, dahilan at napatingin akong bigla sa kanya."Huwag kang tatakas, pinangako mo 'yan," seryos

    Last Updated : 2023-02-03
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 29

    AIRISH "ISA siya sa mga kinabubuwisitan ko. Ano? Okay na?" sabi nito sa 'kin."Totoo bang kaibigan mo si Eljoe?" bigla kong tanong dahilan at sumeryoso pa ang tingin nito sa 'kin."Hindi," mabilis niyang tugon."Dean. Pang-limang araw ko na sa lugar na 'to. At sa bawat araw ng pananatili ko rito, may naririnig, nararamdaman at nakikita akong hindi ko alam pero parang s-sign. Parang may dapat akong malaman," sabi ko. Kumunot bigla ang noo niya dahil sa sinabi ko at saka siya natawa ng tila nang-iinsulto."Ano 'yan? Magic?" Natatawang tanong nito."Dean, hindi ako nakikipag-biruan. Ikaw ang nakakaalam ng mga nangyayari kaya ako nagtatanong sa'yo. Gusto kong malaman ang buhay ni Eloisa," sabi ko."Hindi mo na kailangang malaman pa," sabi lang nito."Bakit ba ayaw mong sabi--""DAHIL WALA NA SIYA!" Tila nabuhusan ako ng semento sa buong katawan dahil bigla akong napahinto dahil sa sigaw niya. Para siyang hinihingal na ewan habang matalim na nakatitig sa 'kin.Inis siyang lumabas sa tent

    Last Updated : 2023-02-03
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 30

    AIRISH HINAWAKAN naman ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso at saka nila ako tinayo. "Dalhin niyo siya sa tent. Posasan niyo," sabi ni Dean bago sila umalis ng iba pa niyang kasama.Sinundan ko lang ito ng masamang tingin. Maya-maya pa, nagpupumilit na akong makakakalas mula sa kinalalagyan ko."Hmm!..." daing ko habang pilit na tinatanggal ang posas sa kamay ko.Ang isang kamay ko lang ang nakaposas habang ang isa ay malaya kong naigagalaw. Kaso, hindi naman ako makahanap o makakuha ng pwedeng pangtanggal sa posas na 'to."Tsk!" tanging sambit ko lang sa sarili at nakita pang nalaglag ang singsing mula sa bulsa. Dahil sa inis ko, kinuha ko 'yon at sinuot sa daliri ko. Lagi nalang nalalaglag, eh.Pero kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas dito. Kailangan kong makausap yung babae. Siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.HALOS humingi na 'ko ng tulong para kalagan na 'ko rito pero wala ni isa ang nakinig. Bakit nga ba sila makikinig? Sigurado akong sinabihan na si

    Last Updated : 2023-02-03

Latest chapter

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Epilogue

    EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 46

    After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 45

    NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 44

    NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 43

    AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 42

    AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 41

    AIRISH NAKITA ko ang pagpasok ni Dean at Ortaleza saka pumunta mismo sa unahan ni Dean."Tingnan mo nga naman ang g*go, oh? Buhay pa," natatawang tugon ni Eljoe dahilan at natawa rin si Ortaleza. Nakita ko rin ang pagtawa ni Dean."G*go ka talaga 'no?" tanong naman ni Dean sa kanya. Dahan-dahan naman akong naglakad paalis para makahanap ng pantawag at makausap si lola.Nasilayan ko pa si Dean bago ako umalis. Sinasagot-sagot niya sina Eljoe at Ortaleza para hindi nila ako mapansin. Muli, dumaan ako sa pinanggalingan ko kanina pero maingat ko 'yong ginagawa.Hindi naging madali ang pag-alis ko dahil panay ang tago ko dahil sa mga pumapalibot na mga kalalakihang nakaarmas. Napatakbo nalang ako palabas nang masigurado kong walang tauhang nakapaligid.Maraming oras ang naigugol ko sa pag-alis hanggang sa makalabas na ako. Ngayon, nagmakaawa pa 'ko sa mga driver ng trycicle bago ako pasakayin. Wala akong pera at sinabi ko na kailangang kailangan lang.Pinahatid ko ang trycicle sa ampunan

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 40

    AIRISH SINILIP ko muna ang liwanag at nakita ko na may mga nakatambay na lalaki sa may 'di kalayuan. Mataas dahil nasa kisame ako at ang taas nito ay bato na--sahig sa may taas.Nagtago ako ng bahagya dahil nakita ko ang paglabas ni Eljoe kasama si Ortaleza."Ihanda niyo ang mga sasakyan para mamayang gabi. Kung hindi mamaya, baka madaling araw na natin magagawa," sabi ni Eljoe sa mga kalalakihan. Anong gagawin nila?"Hoy, kayo. Ilagay niyo na ang mga bagahe sa likod para kay g*gong Amresel," sabi naman ni Ortaleza. Nakita ko ang mga lalaki na may nilalagay na pa-square na kahoy sa may likuran ng truck habang may nilalagay naman sa likuran ng van ni Eljoe. Sigurado ako, pupunta siya kay Dean.Kaagad akong nag-isip ng paraan para makababa rito at para makasakay ako sa likuran ng van nang hindi nalalaman ni Eljoe.Inabangan ko ang pag-alis ng mga lalaki nang matapos sila sa paglalagay. Kaagad akong kumapit sa puwedeng makapitan sa gilid para makababa. Tumalon ako sa may banda pang gili

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 39

    AIRISH "Ortaleza," sabi ni Eljoe kay Ortaleza dahilan at binuksan nito ang isang pintuang gawa sa bakal. Pagkapasok namin ni Eljoe, tumambad sa aming harapan si Dean. Halos mapatulala ako at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita siya.May mga bakas ng sugat, may dugo at pasa siya sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Halos lamunin na ng dugo ang kanyang mukha at nakakadena parin ang kanyang mga kamay habang nakatayo siya."Gisingin mo 'yang g*gong 'yan," sabi ni Eljoe dahilan at kumuha ang isang lalaki ng balde na may malamig na tubig at binuhos 'yon kay Dean. Nagising ang diwa ni Dean at tiningnan isa-isa ang mga kalalakihang nakapaligid sa kanya. Napahinto siya at napatitig sa 'kin nang makita ako. Gusto ko siyang tulungan dahil sa itsura niya ngayon."Look, Dean. Nandito lang naman kaming mga ginago mo noong araw," biglang sambit ni Eljoe. Nakatitig parin ako sa kanya at tinititigan ang itsura niya."E-Eloisa," Rinig kong sabi nito sa kanyang sarili habang nakat

DMCA.com Protection Status