AIRISH NAPANUNOK nalang ako ng laway at napaiwas ng tingin nang tumingin ito sa 'kin. "Kumain ka na?" tanong nito.Tumango ako bilang tugon."Nakita ko na ang lola mo. Huwag kang mag-alala, nasa mabuting kamay siya ng nakapulot sa kanya," sabi nito."A-ahh... Gano'n ba? Buti naman," nauutal kong sabi habang hindi parin tumitingin sa kanya. Nagulat nalang ako nang itangad niya ang mukha ko nang hawakan niya ako sa may baba.Naiilang akong tingnan siya dahil sa nakakatakot niyang mukha."Bakit ganyan ka? May problema ka ba?" seryosong tanong nito."W-Wala... Sala. N-Natutuwa lang ako sa nabalitaan ko," sabi ko at napapanunok. Ngumiti ito sa 'kin at habang tinititigan ako sa mga mata, napatingin din siya sa labi ko."Natutuwa? Kita ko nga," sabi nito bago bitiwan ang kamay niyang nasa baba ko. Jusko."Ahh... G-Gusto kong lumabas. Nawiwiwi na 'ko," sabi ko at tumayo nang hawakan niya ang braso ko, dahilan at napatingin akong bigla sa kanya."Huwag kang tatakas, pinangako mo 'yan," seryos
AIRISH "ISA siya sa mga kinabubuwisitan ko. Ano? Okay na?" sabi nito sa 'kin."Totoo bang kaibigan mo si Eljoe?" bigla kong tanong dahilan at sumeryoso pa ang tingin nito sa 'kin."Hindi," mabilis niyang tugon."Dean. Pang-limang araw ko na sa lugar na 'to. At sa bawat araw ng pananatili ko rito, may naririnig, nararamdaman at nakikita akong hindi ko alam pero parang s-sign. Parang may dapat akong malaman," sabi ko. Kumunot bigla ang noo niya dahil sa sinabi ko at saka siya natawa ng tila nang-iinsulto."Ano 'yan? Magic?" Natatawang tanong nito."Dean, hindi ako nakikipag-biruan. Ikaw ang nakakaalam ng mga nangyayari kaya ako nagtatanong sa'yo. Gusto kong malaman ang buhay ni Eloisa," sabi ko."Hindi mo na kailangang malaman pa," sabi lang nito."Bakit ba ayaw mong sabi--""DAHIL WALA NA SIYA!" Tila nabuhusan ako ng semento sa buong katawan dahil bigla akong napahinto dahil sa sigaw niya. Para siyang hinihingal na ewan habang matalim na nakatitig sa 'kin.Inis siyang lumabas sa tent
AIRISH HINAWAKAN naman ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso at saka nila ako tinayo. "Dalhin niyo siya sa tent. Posasan niyo," sabi ni Dean bago sila umalis ng iba pa niyang kasama.Sinundan ko lang ito ng masamang tingin. Maya-maya pa, nagpupumilit na akong makakakalas mula sa kinalalagyan ko."Hmm!..." daing ko habang pilit na tinatanggal ang posas sa kamay ko.Ang isang kamay ko lang ang nakaposas habang ang isa ay malaya kong naigagalaw. Kaso, hindi naman ako makahanap o makakuha ng pwedeng pangtanggal sa posas na 'to."Tsk!" tanging sambit ko lang sa sarili at nakita pang nalaglag ang singsing mula sa bulsa. Dahil sa inis ko, kinuha ko 'yon at sinuot sa daliri ko. Lagi nalang nalalaglag, eh.Pero kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas dito. Kailangan kong makausap yung babae. Siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.HALOS humingi na 'ko ng tulong para kalagan na 'ko rito pero wala ni isa ang nakinig. Bakit nga ba sila makikinig? Sigurado akong sinabihan na si
AIRISH HINDI ba niya talaga ako pakakawalan dito?!Napapahimas nalang ako sa noo ko dahil para akong nahihilo na ewan. 'Di ko ba alam kung sa inis kay Dean o sa problema.Magtatanghali na at nandito parin ako sa lintek na tent na 'to."Dean! A-Aray!..." sigaw ko. Baka sakaling mapansin. Nagbilang pa ako ng mabagal mula isa hanggang sampu pero wala. "Aray ko..." sabi ko p at nagpaparinig. Napapairap nalang ako sa kawalan dahil hindi yata ako narinig."Sana mabingi na kayo," sabi ko sa sarili at pumirmi nalang sa pagkakaupo ko."Tawag mo 'ko?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa narinig kong boses ni Dean."Please, Dean. Kalagan mo na 'ko. H-Hindi na 'ko mangungulit," sabi ko kahit nasa labas siya, sa likod ng tent. Narinig ko ang pagngisi nito."Manahimik ka nalang d--""Sige na, please? Tsaka gusto ko ring malaman kung nasaan si lola ko. Kumusta na siya?" pagdadahilan ko."Tsk! 'Yon nga ba?" tanong nito habang ako ay tinatanggal ang singsing sa daliri ko at nilagay muli sa bulsa. A
AIRISH NAPATITIG ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Pati ba naman siya, Eloisa ang tawag sa 'kin?"Eloisa, b-buhay ka?" mahina niyang tanong at saka naluha ng tuloy-tuloy. Para akong nabuhusan ng semento sa katawan dahil hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko."H-Hindi ako si Eloisa. A-Ako si Airish," sabi ko naman. Kumunot ang noo nito."P-Paanong... P-Pwede ka bang tumangad?" tanong niya kaya ginawa ko. Nang humarap ulit ako sa kanya, napangiti lang ito ng tipid. "H-Hindi nga ikaw si Eloisa" sabi niya at natawa ito ng mahina."Kilala mo siya? K-Kaano-ano mo si Eloisa?" tanong ko. Tumingin siya sa magkabilang gilid bago nagkuwento."Si Eloisa at ako ay matalik na magkaibigan," sabi niya."A-Ano bang nangyari sa kanya? B-Bakit namatay siya? May kinalaman ka ba?" tanong ko. Tumingin naman ito sa 'kin ng masama."Kahit kailan, hindi ko magagawa sa kanya 'yon," sagot nito."B-Bakit nandito ka? Anong kailangan ni Dean sa'yo?" tanong ko."Hindi ko rin alam," sagot nito at naiyak nalang bi
AIRISH NAGISING nalang ako nang makarinig ako ng huni ng ibon. Mas lalong nagising ang diwa ko nang makita ko ang sarili ko na nakayakap at nakapatong ang ulo ko sa dibdib ni Dean. Wala itong damit pang-itaas at tanging pantalon lang, samantalang ako ay nakadamit parin.Kaagad akong umalis at nahiga sa sahig. Wala naman sigurong nangyari.Tumagilid ako ng pagkakahiga at humarap sa kabilang gilid. Biglang pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ng babae at maging ng sinabi ni Ortaleza.Hindi ba... Nagta-traydor si Ortaleza kay Dean?Balak ko sanang sabihin kay Dean ang narinig ko kaso... Kung gagawin ko naman 'yon, mananatili pa 'ko ng matagal dito sa gitna ng gubat na 'to. Ayoko naman 'yon.Hahayaan ko nalang ba sila sa binabalak nila?A-At ang sabi... D-Darating si Eljoe para iligtas ako. B-Buhay siya.Kinuha ko ang singsing sa bulsa ko at tinitigan 'yon."Makakabalik ka na ba, Eljoe? Buhay ka?" mahinang sabi ko sa sarili dahil baka--"Love."Kaagad kong nabitiwan ang singsing at
AIRISH "Amresel," tawag ni Ortaleza sa kanya kaya sabay kaming napalingon. Nag-sign siya na tila may tinuturo. Sumunod naman si Dean sa kanya matapos magpaalam sa 'kin. Para naman akong pipi na nakatingin lang sa kanya habang naglalakad palayo.Nagpalakad-lakad ako ng pabalik-balik dahil hindi ako mapakali. Kinakalikot ko rin ang singsing na nasa loob ng bulsa ko.Kung buhay si Eljoe... Bakit hindi niya pa ako iligtas? 'Yon ang sinabi ng babae sa 'kin noong gabi, hindi ba?Magkahalong tuwa at pag-iisip ang nararamdaman ko kapag naaalala ko si Eljoe.Pero ang tanong... Kailan nga ba niya ako ililigtas kay Dean?Maya-maya'y halos hindi ako makatingin sa babae nang ilabas sila mula sa kanilang tent. Tinali siya sa may gitna at tila parang gusto siyang pag-tripan ng mga kalalakihan. Mag-ga-gabi na at hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iinuman nila. Mukha silang masaya.Nakita ko si Ortaleza na nakatitig sa babae at tila iba ang ibig sabihin no'n. Gano'n ang nasa isip ko dahil sigur
NARRATOR KAAGAD umiwas si Dean sa pagkakadila ni Airish sa kanya."Bw*sit!" sabi nito at inihiga nalang si Airish sa sahig. Nang punasan niya ang kamay niyang nasukahan, may nakita naman siyang kumikinang sa sahig. Pinulot niya 'yon at tiningnang mabuti. Ang seryoso niyang pagkakatitig ay napalitan ng mapait na ala-ala nang mamukhaan niya ito.Napatingin siya kay Airish na tila wala sa sarili at saka muling napatingin sa hawak niyang bagay."Eloisa..." sabi niya sa sarii habang nakatitig sa singsing, maya-maya'y tumulong bigla ang kanyang mga luha.AIRISH NAPADAING nalang ako sa sarili dahilan at nagising ang diwa ko. Tiningnan ko muna ang paligid at nakitang makalat.Napaupo ako ng dahan-dahan at kinusot ang mga mata ko. Pagkalingon ko sa kanan, nakita ko si Dean na nakaupo habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa tuhod niya. Seryoso rin ang pagkakatitig niya sa 'kin. May problema ba?Palabas sana ako ng tent nang magsalita naman siya. "Huwag kang lumabas," seryosong sabi nito
EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka
After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da
NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.
NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi
AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho
AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan
AIRISH NAKITA ko ang pagpasok ni Dean at Ortaleza saka pumunta mismo sa unahan ni Dean."Tingnan mo nga naman ang g*go, oh? Buhay pa," natatawang tugon ni Eljoe dahilan at natawa rin si Ortaleza. Nakita ko rin ang pagtawa ni Dean."G*go ka talaga 'no?" tanong naman ni Dean sa kanya. Dahan-dahan naman akong naglakad paalis para makahanap ng pantawag at makausap si lola.Nasilayan ko pa si Dean bago ako umalis. Sinasagot-sagot niya sina Eljoe at Ortaleza para hindi nila ako mapansin. Muli, dumaan ako sa pinanggalingan ko kanina pero maingat ko 'yong ginagawa.Hindi naging madali ang pag-alis ko dahil panay ang tago ko dahil sa mga pumapalibot na mga kalalakihang nakaarmas. Napatakbo nalang ako palabas nang masigurado kong walang tauhang nakapaligid.Maraming oras ang naigugol ko sa pag-alis hanggang sa makalabas na ako. Ngayon, nagmakaawa pa 'ko sa mga driver ng trycicle bago ako pasakayin. Wala akong pera at sinabi ko na kailangang kailangan lang.Pinahatid ko ang trycicle sa ampunan
AIRISH SINILIP ko muna ang liwanag at nakita ko na may mga nakatambay na lalaki sa may 'di kalayuan. Mataas dahil nasa kisame ako at ang taas nito ay bato na--sahig sa may taas.Nagtago ako ng bahagya dahil nakita ko ang paglabas ni Eljoe kasama si Ortaleza."Ihanda niyo ang mga sasakyan para mamayang gabi. Kung hindi mamaya, baka madaling araw na natin magagawa," sabi ni Eljoe sa mga kalalakihan. Anong gagawin nila?"Hoy, kayo. Ilagay niyo na ang mga bagahe sa likod para kay g*gong Amresel," sabi naman ni Ortaleza. Nakita ko ang mga lalaki na may nilalagay na pa-square na kahoy sa may likuran ng truck habang may nilalagay naman sa likuran ng van ni Eljoe. Sigurado ako, pupunta siya kay Dean.Kaagad akong nag-isip ng paraan para makababa rito at para makasakay ako sa likuran ng van nang hindi nalalaman ni Eljoe.Inabangan ko ang pag-alis ng mga lalaki nang matapos sila sa paglalagay. Kaagad akong kumapit sa puwedeng makapitan sa gilid para makababa. Tumalon ako sa may banda pang gili
AIRISH "Ortaleza," sabi ni Eljoe kay Ortaleza dahilan at binuksan nito ang isang pintuang gawa sa bakal. Pagkapasok namin ni Eljoe, tumambad sa aming harapan si Dean. Halos mapatulala ako at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita siya.May mga bakas ng sugat, may dugo at pasa siya sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Halos lamunin na ng dugo ang kanyang mukha at nakakadena parin ang kanyang mga kamay habang nakatayo siya."Gisingin mo 'yang g*gong 'yan," sabi ni Eljoe dahilan at kumuha ang isang lalaki ng balde na may malamig na tubig at binuhos 'yon kay Dean. Nagising ang diwa ni Dean at tiningnan isa-isa ang mga kalalakihang nakapaligid sa kanya. Napahinto siya at napatitig sa 'kin nang makita ako. Gusto ko siyang tulungan dahil sa itsura niya ngayon."Look, Dean. Nandito lang naman kaming mga ginago mo noong araw," biglang sambit ni Eljoe. Nakatitig parin ako sa kanya at tinititigan ang itsura niya."E-Eloisa," Rinig kong sabi nito sa kanyang sarili habang nakat