Lexie’s POVKasalukuyan akong nakaupo sa silya dito sa balcony ng kwarto ni Cedric, para akong tanga na nakatulala sa kawalan.Labis kasi akong naguguluhan sa nararamdaman ko, mahal ko na yata si Tanda.Malungkot akong tumingala at tumanaw sa bughaw na kalangitan, naguguluhan kasi ang isip ko kung ano ba dapat ang kailangan kong gawin.Ngayong natunton na ng mga kalaban ang kinaroroonan ko ay malaki ang posibilidad na madamay ang mga inosenteng tao na nasa paligid ko. Kilala ko ang karakas ng mga kasamahan ko, mga halang ang kanilang kaluluwa, kahit ang isang sanggol na walang muwang ay kaya nilang patayin.Bigla akong napabalikwas sa aking kinauupuan nang makarinig ako ng magkakasunod na putok.Mabilis akong lumapit sa rails ng veranda at sumilip sa ibaba ngunit bigla akong napaatras ng paulanan ako ng bala.Dumating na ang kinatatakutan ko dahil nandito na ngayon ang mga taong gustong pumatay sa akin.Biglang sumagi sa isip ko si Baby Ethan at si Martha kaya mabilis kong tinakbo an
Cedric’s POV Halos hindi gumagalaw sa kan’yang kinatatayuan si Chloe habang nakatitig ito sa aking mukha, halatang labis itong nagulat sa biglaang pagsulpot ko sa harapan nito.Mataman kong tinitigan ang kan’yang mukha at pakiramdam ko ay si Lexie ang nasa harapan ko, maging ang mga tauhan ko ay hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan ng makita ng mga ito si Chloe. Ngayon lang din nila napagtanto na hindi si Chloe ang nasa Mansion kung hindi ang Identical twin nitong si Lexie. Kasalukuyan ko pang pinaimbestigahan kung paanong nahiwalay sa pamilya niya si Lexie, basta ang importante ngayon ay ang tuluyan itong mapasa akin, at iyon ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon sa harap ni Chloe.Habang tumatagal ay nakikita ko ang pagkakaiba ng dalawa, light brown ang mga mata nito habang ang kay Lexie ay dark brown.Malambot ang awra ng mukha nito, samantalang ang kay Lexie ay laging may matigas na expression, kalmado ngunit sa talas ng dila nito ay siguradong mapipikon ka. Pinagma
Lexie’s POV May ilang oras na ako dito sa loob ng banyo, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kanina ay okay naman ang pakiramdam ko ngunit ngayon ay walang tigil ako sa pagduwal, kulang na nga lang pati bituka ko ay isuka ko na. Nanghihina na tumayo at tinungo ang beranda, naupo ako sa silya at itinaas ko ang aking mga paa saka niyakap ang sariling mga tuhod. Mula rito ay natatanaw ko ang magandang view ng Makati dahil nasa ika sampung palapag ako ng gusali. May kamahalan ang renta sa Condo na aking tinutuluyan ngunit ayon sa management at bayad na raw ang renta nito sa buong taon. Nawindang ako sa aking nalaman, lalo na ng sabihin nila na pati ang pagkain ko dito ay libre, lahat ay na settled na halatang pinaghandaan, kumbaga ako na lang ang kulang. Ang swerte ko naman at napakabait ni tatay Felix, malungkot na tumanaw sa malawak na Siyudad ng lungsod, hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa klima dito. Maging ang simoy ng hangin dahil mas nangingibaba
Lexie’s POV Kay bilis na lumipas ng panahon hindi ko sukat akalain na nagdadalang tao pala ako sa anak namin ni Cedric. Hindi ko alam na isang buwan na pala akong buntis ng lisanin ko ang Mansion ni Cedric. Sampung buwan na rin ang lumipas at ngayon ay isang buwan na ang anak ko, nagsilang ako ng isang malusog na sanggol na lalaki. Kung noon ay iniisip ko na tila patapon na ang buhay ko ngayon ay patuloy akong nangangarap na sana ay tuluyan ng magkaroon ng katahimikan ang buhay ko. Ang anak ko ang inspirasyon ko, dahil sa kan’ya ay naging positibo na ang pananaw ko sa buhay. At dahil din sa anak ko ay nagkaroon ako ng plano na magkaroon ng isang maayos na trabaho at normal na buhay. Alam ko na napakaimposible ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa alang-alang sa anak ko. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng puso ko ng makita ko ang nakangiting mukha ng aking anak. Ito pala ang pakiramdam bilang isang ina, masilayan mo lang ang mala anghel na mukha ng iyong anak ang lahat n
Cedric’s POV “Nasaan si Lexie?” Nanggigigil na tanong ko sa aking mga tauhan mula sa kabilang linya, binalot ng matinding takot ang puso ko ng malaman ko na natunton ng mga Terorista ang kinaroroonan nang aking mag-ina. Akala ko ay okay na ang lahat at ligtas na ang Montenegro mula sa mga kamay ng Terorista ngunit kasalukuyang nagtatago ang ilan sa kanila at napakahirap tukuyin ng mga ito. Dahil natuklasan namin na ang iba ay nagbabalat-kayo bilang sibilyan kaya pinalagyan ko ng checkpoint ang bawat sulok ng Montenegro. Sa kagustuhan kong makasama ang aking mag-ina ay pinadukot ko ang aming anak upang mapilitan na sumama sa akin si Lexie pabalik dito sa Montenegro. Hindi ko man lubos na kilala ang pagkatao ng babaeng mahal ko ay sapat na ang panahong nakasama ko ito upang malaman ko ang takbo ng utak nito. Alam ko na wala na siyang balak bumalik ng Montenegro lalo na ng isilang niya ang aming anak. Aksidente ko kasing nabasa ang maliit na notebook nito na kung saan ay nakas
Cedric’s POV Buong magdamag na hindi ako natulog habang patuloy na hinahanap ng mga tauhan ko si Lexie. Umaga na ngunit wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa aking mga tauhan. Nakayukyuk ang ulo sa ibabaw ng lamesa, habang nakapikit ay samu’t saring isipin ang naglalaro sa utak ko. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko na baka mamaya ay nakuha na ng mga terorista si Lexie at baka pinahihirapan na ito ngayon. Parang sinasakal ang dibdib ko sa mga masamang isipin na pumapasok sa utak ko. Bigla akong nag-angat ng ulo ng marinig ko na naring ang cellphone ko, maging si Mr. Ross ay napa-ayos ng upo habang naghihintay na sagutin ko ang tawag. “My Lord natagpuan na si Señorita at kasalukuyan itong sakay ng isang bagong sasakyan at sa tingin namin ay tinatahak nito ang daan patungo diyan sa mansion-“ kaagad kong pinutol ang tawag at mabilis na tumayo, nakahinga ako ng maluwag maging si Mr. Ross, at halos sabay pa kaming tumayo. Nagmamadaling tinungo ang pintuan upa
Lexie’s POV Sa pagmulat ng aking mga mata ay ang puting kisame ang una kong nasilayan, nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Pamilyar ang kwarto na kinaroroonan ko, sa loob ng isang taon na lumipas ay walang nabago dito ito pa rin ang kwartong iniwan ko noon. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang lahat ng nangyari at ang dahilan kung bakit ako naririto. Binuksan ko ang closet at namili ng damit na maaari kong isuot. Nang makita ko ang isang maong shorts at white t-shirt ay kaagad ko itong isinuot bago lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pababa ng hagdan ay yumuyukod sa akin ang bawat katulong na nasasalubong ko. “Come on, Jess hindi mo kailangang yumukod sa akin,” walang gana kong sabi kay Jess ng makilala ko ito, bigla siyang napangiti at kaagad na lumapit sa akin. Napansin ko na nagulat ang ibang katulong ng mahigpit akong yakapin nito, may kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko dahil sa totoo lang ay namiss ko rin ito. “Señorita, buti bumalik
Lexie’s POV Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng matapos kong pirmahan ang marriage contract sa harap ng Judge, napakabilis ng mga pangyayari hindi ko sulat akalain na ngayong araw mismo ay magaganap ang civil wedding sa pagitan naming dalawa ni Cedric. Hindi ko siya lubos na maunawaan kung bakit kailangan niyang madaliin ang lahat. Next month ay ikakasal naman kami sa simbahan, pakiramdam ko ay may itinatago sa akin ang lalaking ito. “Congratulations, Pare, sana ito na ang huling pagkakataon na ikakasal kita.” Narinig kong saad ng Judge kay Cedric na sinundan pa ng malakas na tawa habang si Tanda ay napapakamot sa ulo. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na sumingit sa usapan ng dalawa. “Excuse me po, ibig po ba ninyong sabihin, eh kayo rin ang nagkasal sa kanila ni Chloe?” Nagugulumihanan na tanong ko sa Judge. Hindi pa ito gaanong katandaan at sa tingin ko ay matanda lang ito ng mga limang taon kay Cedric na ngayon ay asawa ko na. Sabay na tumingin sa
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung tono.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugon. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, kaya inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at tuwid na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig sa aking mu
“Shit!” Pagkatapos magpa-kawala ng isang malutong na mura ay sinundan ito ng isang tunog ng hangin mula sa isang sipa na pinakawalan ng kalaban, “Swoop!” Gahibla na lang ang layo nito sa kanyang mukha. Mabuti na lang ay mabilis siyang napaatras ng isang hakbang, kung hindi ay siguradong nabangasan na ang maganda niyang mukha.Malakas na hiyawan ng mga manonood ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid. Ang kanilang mga mukha ay kababakasan ng matinding kasiyahan dahil sa magandang laban na ipinapakita ng dalawang manlalaro.Pagkatapos magpa-kawala ng isang malakas na sipa ay sinundan pa ito ng isa pang sipa ngunit hindi siya nagpa-sindak sa kalaban bagkus ay nakipagsabayan pa siya dito. Gamit ang pinatigas na kamao ay matapang na sinalubong ng isang suntok ang paparating na sipa ng kalaban.“Yeahh!” “Ahhhh!” Halos sabay na sigaw nilang dalawa, parehong pawisan at halata na ang matinding pagod sa kanilang mga mukha ngunit ni isa sa kanila ay walang nais magpatalo.“Aughhh…” ungol ng
Lexie’s POVNaalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking baywang, bukod pa doon ay may isang malaking hita na nakahambay sa aking mga hita habang sa tagiliran ko ay ramdam ko ang isang matigas na bagay na nakaipit sa pagitan ng aming mga katawan.Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa aking paningin ang balahibuhin na katawan ng aking asawa habang nakakulong ako sa mga bisig nito.Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit ng ulo at hapdi particular na sa pagitan ng aking mga hita. Saglit na natigilan ako at pilit na inaalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.Sinuri kong mabuti ang aming mga katawan at nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan naming mag-asawa kaya mabilis na lumingon sa kaliwang bahagi ko, kung saan ay payapang natutulog ang aking asawa.“Cedric.” Naiinis na tawag ko sa pangalan nito ngunit ang magaling na lalaki ay umungol lang bago kumilos ang kaliwang kamay nito at lumipat sa kanang dibdib ko, nag-init ang aking pa
Kararating lang ni Cedric galing trabaho, labis siyang nagtataka ng hindi man lang siya sinalubong ng asawa at tanging ang limang anak lang nila ang nadatnan niya sa sala’s. Pagpasok ni Cedric sa kwarto ay nadatnan niya ang asawa sa may veranda na nakatulala sa kawalan. Nakaupo ito sa silya habang nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. Nakasandal ito sa silya at mula sa veranda ng kwarto ay nakatanaw lang ito sa magandang tanawin. Mag tatakipsilim na kasi kaya kay sarap pagmasdan ang nagkukulay kahel na kalangitan.Napansin niya na malalim ang iniisip ng kanyang asawa dahil hindi man lang nito naramdaman ang kanyang presensya. Nakalapit na siya’t lahat sa likuran nito ay nanatili pa rin itong nakatulala sa hangin.Kinabahang bigla si Cedric dahil alam niya na sa oras na nasa ganoong posisyon ang asawa ay siguradong may pinagpa-planuhan itong gawin.Nagulat pa ito ng bigla niya itong halikan sa pisngi.“Honey, may problema ba? Kanina ka pa tulala d’yan? hindi mo man lang ako na
Lexie’s POVKay sarap pagmasdan ang naggagandahan na kasuotan ng mga kababaihan sa aking harapan, habang ang mga kalalakihan ay nagmukhang kagalang-galang mula sa suot nilang barong na kulay crema. Hindi mapaknit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at kababakasan mo ng matinding paghanga ang kanilang mga mukha habang nakatutok sa aking direksyon ang mata ng lahat.Napakaaliwalas ng panahon at ang kalangitan ay tila nangangako ng isang kapayapaan para sa okasyong ito. Napapalibutan ang buong paligid ng mga halamang hitik sa naggagandahang mga bulaklak dito sa hardin.Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng sariwang hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa pagmulat ng aking mga mata mula sa malayo ay natanaw ko ang isang makisig na Ginoo na matiyagang naghihintay sa dulong bahagi ng pulang carpet. Napakatikas ng tindig nito at nangingibabaw sa lahat ang katangiang taglay nito mula sa suot niyang itim na americana ay higit itong naging kagalang-galang. Kakaiba ang dating n
“Guillermo, laya ka na!” Hindi makapaniwala si Gaston ng marinig ang malakas na sigaw ng Pulis habang binubuksan ang pinto ng selda. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng pintuan. Tahimik na nakasunod lang ito sa likuran ng pulis habang naglalakad patungo sa table kung saan ay kailangan niyang pirmahan ang kanyang release paper.Maraming katanungan ang naglalaro sa kan’yang isipan kung paano siya nakalaya. Sa pag-angat ng kan’yang mukha ay ang nakangiting mukha ni Agatha ang bumungad sa kanyang paningin.Bakas sa mukha ng babae ang matinding kasiyahan ng makita nito si Gaston, namamangha na tumitig si Gaston sa mukha ni Agatha at hindi talaga niya lubos maisip kung paanong nahulog ang loob nito sa kanya pagkatapos ng mga paghihirap na naranasan nito sa piling niya.Sabik na nagyakap ang dalawa at halos maluha-luha si Gaston dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng dalaga.“Thank you, Sweetheart, thank you.” Madamdaming pasasalamat niya kay Agatha habang yakap ito ng mahigpit
Cedric’s POV“Huwag kang magkakamali na itusok sa akin ‘yan, kundi tatamaan ka sa akin!” Galit na sigaw ng aking asawa. Pilit pa itong lumalayo at ayaw magpahawak.“Honey naman, hindi naman ito masakit parang kagat lang ito ng langgam.” Ani ko na may halong pakiusap, bago sinubukan ko siyang yakapin.“Huwag mo akong hahawakan lumayo ka sa akin!” Nanggagalaiti niyang wika, hindi na maipinta ang mukha nito at kung minsan ay napapangiwi pa ang mukha nito halatang nakakaramdam na ng sakit.Matinding kabâ ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito ngunit wala akong magawa sa tapang nito.“Mrs. Hilton, sa karayom nga ng asawa mo hindi ka natakot, tapos, maliit na karayom lang takot na takot ka na?” Anya ng doctor habang hawak ang isang syringe, halatang nililibang lang nito si Lexie.“Ibang karayom naman ‘yun, pero sa inyo wala akong tiwala, kung gusto mo kay Tanda mo itusok ‘yan siya ang kuhaan mo ng dugo total siya naman ang may gusto n’yan!” Naiinis na saad nito. Napatingala na lang ako d
Agatha’s POVNaalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas na sinundan pa ng isang putok ng baril. Bigla akong napabalikwas ng bangon at nagmamadaling inayos ang aking damit saka nagmamadaling lumabas ng bahay.Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita kong nakadapa si Gaston sa lupa habang nilalagyan ng posas sa likod ang mga kamay nito.“Oh, my Ghod! Ang anak ko! Agatha!” Naghi-hysterical na sigaw ni Mommy, bago sinugod ako nito ng yakap. Humagulgol ito ng iyak bago sinuring mabuti ang aking kabuuan, matinding pagkahabag para sa akin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Naging mabagsik ang awra ng mukha nito at galit na humarap kay Gaston na ngayon ay nakatayo na ngunit nakaposas sa likod ang dalawang kamay nito habang hawak ng dalawang Police sa magkabilang braso nito.“Ikulong n’yo ang lalaki na ‘yan! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan dahil sa ginawa ko sa anak ko! Hindi kita mapapatawad!” Nanggagalaiti na sigaw ng aking ina, nataranta akong bigla at
Agatha’s POVBigla akong napalingon sa pintuan ng padabog itong bumukas at pumasok ang lasing na si Gaston. Sa loob ng walong buwan na lumipas ay laging na lang itong lasing, halatang may kinakaharap itong problema.Nagsimula lang ito dalawang buwan na ang nakalipas, nagmatured na ng husto ang mukha niya dahil sa mahaba nitong buhok at balbas.Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya hanggang sa naghubad ito sa aking harapan at ni isang saplot ay wala siyang itinira.Sa totoo lang ay halos mabingi na ako sa malakas na kabog ng dibdib ko dahil iba ang awra niya ngayon.Hinila niya ang isang silya saka umupo sa bangko, napalunok akong bigla habang nakatingin sa malaking alaga nito na nakabuyanyang sa aking harapan.Lumipat ang aking mga mata sa mukha nito kaya para akong nabato balani sa aking kinatatayuan habang magkahinang ang aming mga mata.Nauunawaan ko kung ano ang nais niyang mangyari, hindi ko alam kung bakit, ngunit paano niyang nagagawa na kontrolin ako sa pamamagitan lang ng mg