Lexie’s POV “Huminto sa gitna ng kwarto si Mr. Hilton at ang mga tauhan nito, pumasok naman ang dalawang lalaki na may bitbit na isang malaking bag.Pagkababa nila ng bag sa sahig ay kaagad na binuksan ito ng isa sa kanila. Tumambad sa aking paningin ang ilang magagandang klase ng baril at ang lahat ng iyon ay mga bago pa. “Mukhang hilig yata ni Gov ang mangoleksyon ng iba’t-ibang klase ng baril.” Anya sa aking isipan.Nakita ko na isa-isang sinuri nito ang mga baril bago ito inaabot sa kan’yang tauhan.Isinasabit naman ng tauhan nito ang mga baril sa pader kung saan ay may mga bakal na sabitan na nakalaan talaga para rito.Nang matapos maidisplay ang mga baril at lumabas na si Mr. Hilton ng kwarto habang sa likuran niya ay nakabuntot ang mga tauhan nito.Bigla akong naalarma ng napagtanto ko na maaari nilang ilock ang pintuan.Mabilis akong bumaba at lumapit sa pintuan, hindi nga ako nagkamali dahil nakalock na ito.“Shit, ano ang gagawin ko ngayon?” Naiinis na tanong sa ak
Lexie’s POVKasalukuyan akong nakaupo sa silya dito sa balcony ng kwarto ni Cedric, para akong tanga na nakatulala sa kawalan.Labis kasi akong naguguluhan sa nararamdaman ko, mahal ko na yata si Tanda.Malungkot akong tumingala at tumanaw sa bughaw na kalangitan, naguguluhan kasi ang isip ko kung ano ba dapat ang kailangan kong gawin.Ngayong natunton na ng mga kalaban ang kinaroroonan ko ay malaki ang posibilidad na madamay ang mga inosenteng tao na nasa paligid ko. Kilala ko ang karakas ng mga kasamahan ko, mga halang ang kanilang kaluluwa, kahit ang isang sanggol na walang muwang ay kaya nilang patayin.Bigla akong napabalikwas sa aking kinauupuan nang makarinig ako ng magkakasunod na putok.Mabilis akong lumapit sa rails ng veranda at sumilip sa ibaba ngunit bigla akong napaatras ng paulanan ako ng bala.Dumating na ang kinatatakutan ko dahil nandito na ngayon ang mga taong gustong pumatay sa akin.Biglang sumagi sa isip ko si Baby Ethan at si Martha kaya mabilis kong tinakbo an
Cedric’s POV Halos hindi gumagalaw sa kan’yang kinatatayuan si Chloe habang nakatitig ito sa aking mukha, halatang labis itong nagulat sa biglaang pagsulpot ko sa harapan nito.Mataman kong tinitigan ang kan’yang mukha at pakiramdam ko ay si Lexie ang nasa harapan ko, maging ang mga tauhan ko ay hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan ng makita ng mga ito si Chloe. Ngayon lang din nila napagtanto na hindi si Chloe ang nasa Mansion kung hindi ang Identical twin nitong si Lexie. Kasalukuyan ko pang pinaimbestigahan kung paanong nahiwalay sa pamilya niya si Lexie, basta ang importante ngayon ay ang tuluyan itong mapasa akin, at iyon ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon sa harap ni Chloe.Habang tumatagal ay nakikita ko ang pagkakaiba ng dalawa, light brown ang mga mata nito habang ang kay Lexie ay dark brown.Malambot ang awra ng mukha nito, samantalang ang kay Lexie ay laging may matigas na expression, kalmado ngunit sa talas ng dila nito ay siguradong mapipikon ka. Pinagma
Lexie’s POV May ilang oras na ako dito sa loob ng banyo, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kanina ay okay naman ang pakiramdam ko ngunit ngayon ay walang tigil ako sa pagduwal, kulang na nga lang pati bituka ko ay isuka ko na. Nanghihina na tumayo at tinungo ang beranda, naupo ako sa silya at itinaas ko ang aking mga paa saka niyakap ang sariling mga tuhod. Mula rito ay natatanaw ko ang magandang view ng Makati dahil nasa ika sampung palapag ako ng gusali. May kamahalan ang renta sa Condo na aking tinutuluyan ngunit ayon sa management at bayad na raw ang renta nito sa buong taon. Nawindang ako sa aking nalaman, lalo na ng sabihin nila na pati ang pagkain ko dito ay libre, lahat ay na settled na halatang pinaghandaan, kumbaga ako na lang ang kulang. Ang swerte ko naman at napakabait ni tatay Felix, malungkot na tumanaw sa malawak na Siyudad ng lungsod, hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa klima dito. Maging ang simoy ng hangin dahil mas nangingibaba
Lexie’s POV Kay bilis na lumipas ng panahon hindi ko sukat akalain na nagdadalang tao pala ako sa anak namin ni Cedric. Hindi ko alam na isang buwan na pala akong buntis ng lisanin ko ang Mansion ni Cedric. Sampung buwan na rin ang lumipas at ngayon ay isang buwan na ang anak ko, nagsilang ako ng isang malusog na sanggol na lalaki. Kung noon ay iniisip ko na tila patapon na ang buhay ko ngayon ay patuloy akong nangangarap na sana ay tuluyan ng magkaroon ng katahimikan ang buhay ko. Ang anak ko ang inspirasyon ko, dahil sa kan’ya ay naging positibo na ang pananaw ko sa buhay. At dahil din sa anak ko ay nagkaroon ako ng plano na magkaroon ng isang maayos na trabaho at normal na buhay. Alam ko na napakaimposible ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa alang-alang sa anak ko. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng puso ko ng makita ko ang nakangiting mukha ng aking anak. Ito pala ang pakiramdam bilang isang ina, masilayan mo lang ang mala anghel na mukha ng iyong anak ang lahat n
Cedric’s POV “Nasaan si Lexie?” Nanggigigil na tanong ko sa aking mga tauhan mula sa kabilang linya, binalot ng matinding takot ang puso ko ng malaman ko na natunton ng mga Terorista ang kinaroroonan nang aking mag-ina. Akala ko ay okay na ang lahat at ligtas na ang Montenegro mula sa mga kamay ng Terorista ngunit kasalukuyang nagtatago ang ilan sa kanila at napakahirap tukuyin ng mga ito. Dahil natuklasan namin na ang iba ay nagbabalat-kayo bilang sibilyan kaya pinalagyan ko ng checkpoint ang bawat sulok ng Montenegro. Sa kagustuhan kong makasama ang aking mag-ina ay pinadukot ko ang aming anak upang mapilitan na sumama sa akin si Lexie pabalik dito sa Montenegro. Hindi ko man lubos na kilala ang pagkatao ng babaeng mahal ko ay sapat na ang panahong nakasama ko ito upang malaman ko ang takbo ng utak nito. Alam ko na wala na siyang balak bumalik ng Montenegro lalo na ng isilang niya ang aming anak. Aksidente ko kasing nabasa ang maliit na notebook nito na kung saan ay nakas
Cedric’s POV Buong magdamag na hindi ako natulog habang patuloy na hinahanap ng mga tauhan ko si Lexie. Umaga na ngunit wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa aking mga tauhan. Nakayukyuk ang ulo sa ibabaw ng lamesa, habang nakapikit ay samu’t saring isipin ang naglalaro sa utak ko. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko na baka mamaya ay nakuha na ng mga terorista si Lexie at baka pinahihirapan na ito ngayon. Parang sinasakal ang dibdib ko sa mga masamang isipin na pumapasok sa utak ko. Bigla akong nag-angat ng ulo ng marinig ko na naring ang cellphone ko, maging si Mr. Ross ay napa-ayos ng upo habang naghihintay na sagutin ko ang tawag. “My Lord natagpuan na si Señorita at kasalukuyan itong sakay ng isang bagong sasakyan at sa tingin namin ay tinatahak nito ang daan patungo diyan sa mansion-“ kaagad kong pinutol ang tawag at mabilis na tumayo, nakahinga ako ng maluwag maging si Mr. Ross, at halos sabay pa kaming tumayo. Nagmamadaling tinungo ang pintuan upa
Lexie’s POV Sa pagmulat ng aking mga mata ay ang puting kisame ang una kong nasilayan, nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Pamilyar ang kwarto na kinaroroonan ko, sa loob ng isang taon na lumipas ay walang nabago dito ito pa rin ang kwartong iniwan ko noon. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang lahat ng nangyari at ang dahilan kung bakit ako naririto. Binuksan ko ang closet at namili ng damit na maaari kong isuot. Nang makita ko ang isang maong shorts at white t-shirt ay kaagad ko itong isinuot bago lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pababa ng hagdan ay yumuyukod sa akin ang bawat katulong na nasasalubong ko. “Come on, Jess hindi mo kailangang yumukod sa akin,” walang gana kong sabi kay Jess ng makilala ko ito, bigla siyang napangiti at kaagad na lumapit sa akin. Napansin ko na nagulat ang ibang katulong ng mahigpit akong yakapin nito, may kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko dahil sa totoo lang ay namiss ko rin ito. “Señorita, buti bumalik