Sobrang sakit ng ulo ko dahil naparami yata akong inom ng alak. Inikot ko pa ng paningin ang kabuuan ng kwarto.
Nasaan ako?
May pumasok na babae sa kwarto at nag-abot sa akin ng kape.
“Miss yung kasama niyong lalaki ay pinapabigay ito sainyo at yung damit niyo po ay ilalagay ko na lang sa table,” paliwanag niya.
“Si—sino yun? Nasaan siya?”
Umiling siya bago sumagot. “Umalis na po siya kanina. Pinapalit niya ang damit mo kagabi at umalis. Bumalik lang siya kanina para tignan ang kalagayan mo,”
Sino kaya iyon? Ang sakit parin ng ulo ko. Tinignan ko yung orasan at 8:30am na. 11am pa ang start ng first class ko pero wala ako sa mood pumasok.
Sa hotel na ako naligo. Umuwi ako para kumuha ng uniform.
Nakasalubong ko si Elizana gumuguhit ng kung ano. Tinawag niya ako ngunit hindi ko na pinansin pa.
Pagdating ko ng school. Agad akong niyakap ni Ysa noong makita ako.
“Isabelle, anong nangyari sa’yo last night?” nag-aalala niyang tanong.
“I was drunk and---”
Pinutol niya ang sasabihin ko. “Magkasama ba kayo ni James kagabi?”
Kunot-noo ko naman siyang tinignan at nakita kong palapit na rin sina Katherine.
“I was drunk last night. Ang alam ko ay magkasama kami sa kotse then---”
“Si James naaksidente kagabi. Wala ka sa kotse,” dagdag pa ni Katherine.
“Magkasama kami noong mga oras na iyon dahil nawalan siya ng preno,” paliwanag ko.
“Sabi na eh magkasama kayo dahil may nakakita,” ani ni Vien noong makalapit.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa
kanila.“Si Ysa kasi parang may ibang nararamdaman,” dugtong ni Lorein.
Hindi ko sila masyado maintindihan.
“Nagising ako kanina na nasa hotel. May nagdala daw sa akin,” napapaisip kong sagot.
Lalo silang naguluhan. “Chineck ang mga CCTV, hindi ka nakitang lumabas ng kotse,”
Anong ibig nilang sabihin?
“Wag na kayong manakot. Tara na at baka mag-umpisa na ang klase,” aya ni Ysa.
Naunang pumasok si Katherine at Lorein. Hinawakan ako sa kamay ni Ysa at bumulong.
“Iba ang pakiramdam ko sa’yo Isabelle, mag-iingat ka,” tapos ay pumunta na rin siya ng room nila.
*****BREAKTIME*****
Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ysa. May biglang humarang na mga ulupong.
Wala ako sa mood makipag-usap sa
kanila pero hindi nila ako tinitigilan.“Wala ako sa mood so back off or you will die on my arms,” madiin kong sagot sa
kanila.Hindi sila nagpatinag kaya bibigyan ko sila ng isang laro. Cafeteria pa talaga ang naisip nilang lugar dahil alam nilang hindi ko sila gagantihan kapag maraming tao.
Hindi ako malinis maglaro. Nakikipaglaro lang ako sa mga patagong lugar kaya wala silang ebidensiya sa mga ginagawa ko.
Mukha silang seksyon C dahil nakikita ko sila madalas sa pilahan.
Unang sumugod sa akin ang mukhang leader sa
kanila. Iniiwasan ko lang ang mga kamay nila.Ang hirap magpigil lalo na at gigil na gigil ako sa mga mukha nilang puno ng kolorete.
Hinawakan ako ng dalawa niyang alalay sa kamay matapos ay sinampal ako.
Tinignan ko siya na puno ng pagbabanta. “Galitin mo na lahat huwag lang ang mas demonyo sa’yo,” bulong ko at marahang pumikit.
Hinihintay ko na lang na muling dumampi sa mukha ko ang palad niya ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay wala parin.
Pagmulat ko ay nakita kong hawak ang kamay niya ng isang lalaki.
“Kung mag-aaway kayo, huwag dito dahil hindi kayo magandang ehemplo sa iba,” sabi niya matapos ay tumalikod na.
Bago siya tuluyang makaalis ay muli siyang nagsalita. “Ms. Jaydon, go back to your next class,” matapos ay umalis na siya.
Paano niya ako nakilala? Sino siya?
Bumili na muna ako ng Nova at isang bottle ng mineral bago bumalik ng room.
Pagpasok ko ay nandito sa room yung lalaking nasa cafeteria.
Taka ko siyang tinignan at nakipagtitigan naman siya sa akin.
“Why are you looking me like that?” tanong niya na ikinailang ko.
“Ahm.. kayo ang bagong history professor namin?” tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.
After ng breaktime, muling nagsimula ang klase namin. Sa totoo lang, kakaiba ang nararamdaman ko sakaniya.
Is it love at first sight? He is totally perfect kumbaga ideal man.
Para siyang Hollywood star. Blue eyes at talagang perfectly sa mata ng mga babae.
“Btw. I am Franco Dominguez and you can call me Sir. Franco,” pagpapakilala nito.
“Isa akong half Spanish at half Filipino pero madalas ay pure monster kaya kapag hindi kayo sumunod, hindi niyo gugustuhin ang parusa,” pananakot niya na ikinatawa naman ng iba.
Yung tapang ko sa mga guro ay hindi ko mailabas sakaniya.
“Ms. Jaydon? Are you with us?” tanong niya at ang lahat ay tumingin sa akin.
“Ye-yes sir. I am listening,” sagot ko.
Kumunot naman ang noo ng mga tao sa room.
Hindi yata sila makapaniwala na hindi ako sumagot o namilosopo sa isang guro.
Well, sorry kasi inlove ako.
*****
After ng mahabang discussion ay nagpagawa siya ng summarize. As usual, hindi ako nakinig kaya wala rin akong naisulat. Ang lahat ay nagpasa na maliban sa akin.
Kami na lang ngayon yung nasa room. Tumayo na ako para magpasa at aalis na sana pero muli niya akong tinawag.
“Ito lang ang lahat ng naintindihan mo sa tinuro ko?” disaappointed ang boses niya.
Doon ay muli ako nakaramdam ng pagkapahiya. Mabuti nalang at kami lang ang tao dito.
“Yes Sir. Hindi naman siguro sukatan ang essay para masabing may natutunan ka,” sagot ko.
Tinitigan niya ako na parang binabasa ang nasa isip ko.
“Then tell me, ano pa mga naintindihan mo na hindi nasulat dito?” hamon niya.
Napalunok na lang ako. Bakit ba kasi mukha siyang anghel kaya ang hirap kalabanin.
“Araw-araw ay natututo tayo at hindi lang dito sa loob ng room kun’di sa nararanasan natin buong araw,” kumpiyansa kong sagot.
Wala pa mang minuto ay sumagot siya.
“Ano ang natutunan mo sa pakikipag-away?”
“Natutunan kong ilagay ang sarili ko sa kapahamakan para iligtas ang iba. At alam mo ba ang mas natutunan ko sir?” tanong ko sakaniya.
“Kahit anong gawin mong tama, mali parin ang tingin ng ibang tao sa’yo,” dagdag ko bago umalis.
Totoo naman talaga, kahit anong gawin ko ay puro mali lang ang naaalala nila dahil iyon ang nakikita ng kanilang mata sa akin.
Paglabas ko ng room, nakita ko yung mga nakaaway ko kanina sa cafeteria. Nakita nila ako at malakas pa ang loob na tumawa.
Nagdilim na ang paningin ko at sa
kanila naibuhos ang galit.Pagmulat ko ng mata, nakita ko na lang silang nakahiga na lang at bulagta na sa sahig.
Tahasan ko silang tinitigan at binalaang huwag na magsalita.
Naghanap ako ng sakayan ngunit wala naman dumaraan kahit pagabi pa lang.
Habang naglalakad ako, ramdam kong may sumusunod sa akin na hindi ko na lang pinansin pa. Nagpatugtog na lang ako sa earphone hanggang marating ang bahay namin.
“Ms. Isabelle, hinihintay kana nila mommy mo sa balcony,” sabi ng isa naming katulong.
“Sabihin mong masama ang pakiramdam ko,”
Sinara ko na ang pinto para hindi na siya mamilit pa. Maya-maya ay dinalaw na rin ako ng antok.
9:45PMNaalimpungatan ako dahil sa kumakatok. Pagbukas ko ng pinto ay si Eliza.“Ate pinagdalhan kita ng prutas, hindi kapa kasi kumakain,”malambing niyang sagot.Sa totoo lang hindi ako dapat magalit kay Eliza dahil hindi niya ginusto ang magkasakit pero hindi ko maiwasan ang mainggit dahil mahal siya ng lahat samantalang ako, namamalimos ng aten
Paikot-ikot ako ngayon sa higaan.Matapos naming kumain sa Florencia Restaurant ay nagpaalam na rin ako dahil ang daming missed calls ni mommy.Sure na sermon nanaman ako sa bahay dahil mahigpit sila sa akin at hindi ako nakapagpaalam na nagkaayayaan kumain.Pinag-higpitan nila ako dahil nalaman nilang sumasama ako ng mga gimik at banda.
KRINGGGGGGG!!Nakakarindi din talaga ang tunog ng alarm clock ko. Ang sakit ng ulo ko dahil sa kagabi.Bigla namang may kumakatok sa pinto, si Manang Cons
Nandito nanaman ako sa kwarto at nag-iisip ng kalokohan.Wala kaming pasok ngayon dahil sabado. Wala sila mommy dahil may meeting sa company.Naisipan kong lumabas ng bahay para naman magpahangin bagamat delubyo ang nakita ko dahil si Tyzon ang sumalubong sa pinto pa lang.“Hi Neighbor,”
Simula noong bata pa siEliza, likas na sakaniya ang pagiging sakitin.Pneumonia ang sabi ng Doctor ngunit may mga cells na rin sa katawan niya ang naapektuhan. Sa murang edad ay lumalaban parin siya para lang mabuhay.Hindi ko maiwasang isipin kung gaano ako kawalang kwentang anak at lalong wal
Bumalik ako sa sofa.“Sir Franco pwede ba ako humiram ng pera? Na-naiwan ko kasi yung wallet ko sa bahay. Gusto ko kasi ng ice cream,”pabebe kong tanong. Alam kong hindi sa akin bagay pero mas lalong hindi babagay kung kay Tyzon ko ito sasabihin.Nag-isip naman siya bago magsalita. “
FRANCO POVNakaupo ako ngayon sa bench habang pinagmamasdan ang mga bituin.“Hinihintay mo ba ang full moon?”pabirong tanong ni Tyzon.“Tulog na si Isabelle,”dagdag pa niya.
TYZON POVWhile we are looking at the stars. I wish, I could be the same as too.For the second time, I felt like I am falling in love again and I don’t like this feeling anymore.I don’t deserve Isabelle, we both have a different life. She is a human and I am a monster who can kill her anytime and it won’t change.Nagpaalam na ako kay kuya Franco para lumabas. I felt hungry. He can’t give what I want.Agad ko naghanap ng pwedeng gawing hapunan. Ang mga ba
Maaga nagising ang lahat, ako naman ay umaga na pero hindi pa natutulog. 6.30am na at karamihan ay naghahanda na sa gagawing pagsasanay.May kumakatok sa pinto at naisipan ko na lang na magkunwaring tulog.“Isabelle,” tawag sa akin ni Elijah, siya pala ang kumakatok.“Alam kong gising ka,”
ISABELLE POVMasaya kaming nagsabay-sabay kumain. Si Katherine ay wala parin ipinagbago sa pagiging madaldal. Matapos namin kumain ay pumunta kami sa garden kung saan ay nagsulat kami sa mga bato.Nandito parin at walang kupas ang ganda. Nag-asaran pa kami nina Ysa at Katherine, siguro ay namiss namin talaga ang isa’t-isa. Sana ganito na lang palagi, walang away at palaging masaya na lang.Namiss ko bigla
Binuksan ni Vien ang pinto at agad namang pumasok si Tyzon.Hinintay ko muna umalis si Tyzon at pumasok ako sa bahay ni Vien. Masaya rin niya akong pinagbuksan ng pinto.“Close pala kayo ni Tyzon,” bungad ko at lalo naman lumawak ang ngiti niya.“Tyzon is my first love,”
ISABELLE POVAlam na ni Tyzon na buhay ako?Dapat ba akong maging masaya o masaktan dahil alam na pala niya, nagagawa parin niyang magpaksaya sa mga babae?Akala ko ay ayos na. Akala ko kaya ko na ulit siyang harapin ngunit hindi pala.Sa huling segundo ng dwe
“Long time no see, Tyzon”bati ni Romana habang naglalagay ng romanee conti sa baso.“I just miss your sweetest smile darling”lambing ko sakaniya at halatang hindi naniwala.“Don’t makes me bother to the reason why you are here,”pailing-iling niyang sagot.
Matapos ng mahabang discussion ay nagring na rin ang bell para sa lunch break. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito ay para kausapin sina Katherine tungkol kay Isabelle ngunit madalas nilang kasama si Vien.Walang anumang ideya si Vien na si Katherine ang ikawalong salinlahi sa lahi ng witch. Ang tangi niyang alam ay ay pagkatao lang ni Ysa.Nahintay ako ng magandang pagkakataon para makausap sila.Nagbalikan na ang bawat estudyante sa room matapos ng lunch at nakita ko naman papasok
3 years LaterTatlong taon na ang lumipas. Ginamitan ko ng hypnostic compulsion ang mga magulang ni Isabelle upang hindi nila maramdaman ang pangungulila.Sana pwede rin sa akin ito gamitin, sana gano’n lang kadali para kalimutan lahat.Nagkaroon na rin ng kapayapaan sa mga lahi ng bampira, lobo, witch, at
3 years LaterTatlong taon na ang lumipas. Ginamitan ko ng hypnostic compulsion ang mga magulang ni Isabelle upang hindi nila maramdaman ang pangungulila.Sana pwede rin sa akin ito gamitin, sana gano’n lang kadali para kalimutan lahat.Nagkaroon na rin ng kapayapaan sa mga lahi ng bampira, lobo, witch, at
TYZON POVKatatapos lang ng 9th fullmoon at nag-alisan na rin sila Sean. Ako na lang ang natira habang patuloy na pinagmamasdan ang buwan.Alam kong hinintay din nila Isabelle ang fullmoon upang makita ang pangitaing magaganap sa labanan.Kahit papaano ay masaya akong hindi man kami magkasama, nagkakasalubong parin ang aming mga mata sa pamamagitan ng pagtanaw sa buwan.