THREE HOURS AGO...Habang kumakain sina Shiela at Enzo ay dumating si Rolan."'Pa," anas ni Shiela saka mabilis na tumayo upang yakapin ang ama."Pasensya ka na at ngayon lang ako. Nagmadali talaga akong makabalik agad para sa'yo."Umiling sabay ngiti si Shiela. "Ayos lang po."Napatingin naman si Rolan kay Enzo at napakunot-noo. "Sino itong kasama mo, anak?"Pinakilala naman ni Shiela ang binata at gaya ng inimbento na kasinungalingan ay sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.Tumayo si Enzo at saka nakipagkamay habang nagpapakilala. Kaya napakunot-noo si Rolan. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak ka ni Michelle?""Tama ka po, Tito."Ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ni Rolan ay biglang naglaho saka tiningnan ang anak. "Ang sabi ni Evelyn ay may gusto ka raw sabihin sa'min?"Natigilan si Shiela at biglang kinabahan. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya na sabihin ang totoo ngayon naman na kaharap na niya ang Ama ay bigla siyang naduwag.Pero kung ipagpapaliban niya ang
Chapter 134NALUHA si Shiela nang masaksihan ang tagpong iyon saka humakbang palapit upang sugurin ang dalawa nang pigilan ni Enzo kaya tiningnan niya ito nang masama. “Bitawan mo ‘ko.”“At ano, susugurin mo sila? Ospital ‘to, Shiela, paniguradong magkakagulo kung gagawin mo ‘yan.”“Wala akong pakialam, kaya bitawan mo na ‘ko.” Saka nagpumiglas pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata. “Bitaw sabi!”Umiling lang si Enzo. Sa inis ni Shiela ay tinulak niya ito saka umalis sa lugar.“Sandali lang!” Habol pa ng binata.Samantalang si Chris naman na walang kaalam-alam na naroon ang asawa ay hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. “A-Anong ginagawa mo?!”Rumehistro ang pagkabigla at hiya ni Sheilla sa nagawa. “H-Hindi ko sinasadya!” Saka tumakbo palayo.Nasapo na lamang ni Chris ang sariling noo. Hindi niya akalaing ang pagmamagandang-loob sa empleyado ay ganoon ang maidudulot. Kailangan niyang linawin ang lahat bago pa lumala kaya sinundan niya ito.Sa labas ng ospital ay nahabol ni
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang mayabangan sa sinabi nito. Hindi rin niya gusto ang kakaiba nitong ngiti, halatang nang-iinis. “Anong kailangan mo sa asawa ko?”Napakunot-noo si Enzo na animo ay walang kaalam-alam sa tinutukoy nito. “What do you mean?”“Asawa ko ang sadya mo sa loob, si Shiela.”Nagtaas ng kilay si Enzo. “Really? Then, ba’t ko naman sasabihin sa’yo kung anong kailangan ko sa kanya.”“Kasi ako ang—”“Oh, come on! Wag na tayong maglokohan dito,” putol ni Enzo. “Matapos nang nakita namin sa ospital, nasasabi mo pa talaga ‘yan?”Naguluhan naman si Chris. “A-Anong ibig mong sabihin? N-Nasa ospital kayo ni Shiela kahapon?!”“Ano pa ba sa tingin mo?”Ang Guard na palipat-lipat ang tingin sa mga ito ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Kung pipigilan ba ang dalawa bago pa magkagulo o tatawag sa Moreno mansion upang kunin ang permiso upang makapasok si Enzo.“Mawalang-galang na mga, Sir. Sa oras na magkagulo kayo rito ay tatawag ako nang pulis. Maba-ban din kayo at hindi n
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. “Sorry talaga,” pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. “’Wag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.” Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Tara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isa’t isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.”Tumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. “Kaya ko na—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. “Nasa’n ka at pupuntahan kita ngayon.”Sinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. “Sa’n ka pupunta?”“May importante lang akong gagawin, ‘wag niyo na ‘kong hintayin,” tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. “Buksan niyo ang gate!” utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. “Anong ginagawa niya sa motel?”Kahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
LINGGO ng araw na iyon kaya walang pasok si Chris. Pero maaga siyang umalis ng bahay kasama ang anak at ang Nanny nito upang sunduin ang asawa dahil magsisimba sila.Pagdating ay pinapasok sila sa Moreno mansion. Agad kinarga ni Shiela ang anak at hinalik-halikan. “Ang bango naman ng Archie ko… Nasa taas si Lolo, iaakyat ko muna para makita niya ang bata.”Tumango lang si Chris at naghintay sa may salas kasama ng Nanny. Mayamaya pa ay may lumapit na katulong na may dalang inumin para sa kanilang bisita.Sa taas, sa mismong kwarto ng matanda ay kumatok si Shiela. “’Lo, gising na po kayo?”“Tuloy ka,” ani Mario.Binuksan ni Shiela ang pinto at nakangiting pumasok. “Kasama ko si Archie.”Nakatalikod ng mga sandaling iyon si Mario nang mapalingon at ngumiti. “Anong ginagawa mo rito?~” malambing na saad niya sa bata.Lumapit si Shiela. “Magmano ka kay Lolo, Archie.”Ang inosenteng bata ay sinunod naman ang utos ng Ina.Bakas sa mata ni Mario ang tuwa saka hinaplos-haplos ang buhok nito. “G
Chapter 139KAHIT abala ang mag-asawa sa pag-serve ng pagkain sa mga customer ay napansin pa rin nila ang isang babaeng papalapit kasama ng dalawang naka-unipormeng lalake.Sa suot pa lang ng babae at sa kasama nito ay walang duda na nagmula ito sa mayamang pamilya. “Kausapin mo at baka may kailangan,” ani Ernesto.At iyon naman ang ginawa ni Victoria. “Magandang araw, Miss. May kailangan po kayo o hinahanap?”Tumango si Shiela saka ngumiti. Natigilan si Victoria dahil sa malapitan ay kahawig nito ang anak lalo na nang ngumiti.“Hello po, itatanong ko lang kung may kilala kayong Sheilla?”Nagbago ang ekspresyon ni Victoria matapos nitong banggitin ang pangalan ng anak. “Bakit, anong kailangan mo sa kanya?”Nilahad naman ni Shiela ang kamay saka nagpakilala, “Ako nga po pala si Shiela, may kailangan lang ako sa kanya, nandiyan ba siya?”Mapanuri ang tingin ni Victoria pero kalaunan ay tumango. “Sandali at tatawagin ko. Tumuloy ka muna.”Ngumiti lang si Shiela. Hindi niya gustong makais
MATAAS na ang araw nang magising si Shiela. Hindi na masakit ang kanyang tiyan at maaliwalas na rin ang pakiramdam. Pagbangon ay pinagmasdan niya ang kama, wala roon si Chris.Hindi rin niya napansin kung nakatabi niya ba ito kagabi sa pagtulog. Pagbangon ay tiningnan niya kung nasa banyo ba pero wala roon ang asawa. “Maaga ba siyang nagising at lumabas?”Kinuha niya ang cellphone saka ito tinawagan. Sa una ay hindi nito sinagot kaya tumawag siyang muli hanggang sa nakatatlong attempt na at sa pagkakataong iyon ay lumabas na ng hotel room upang tingnan kung nasa labas ba ito.Pero ang sumunod na pangyayari ang nagpawasak ng kanyang mundo. Dahil sa katabing kwarto ay nakita niyang lumabas si Chris habang nagkukumahog na ayusin ang pagkakabutones ng polo. Halatang nagpalipas ito ng gabi sa ibang kwarto.“S-Shiela,” bakas ang kaba sa boses ni Chris ng sambitin ang pangalan ng asawa.“Anong ginagawa mo riyan?”Napalingon si Chris sa bukas na pinto saka muling binalik ang tingin sa asawa.
FEW MINUTES AGO…Umakyat sa ikalawang palapag ng mansion si Shiela na karga ang anak habang ang asawa naman ay dumiretso sa kusina para magpasuyo sa katulong na gawan sila ng inumin.Nasa taas na siya nang mapagtanto na hindi niya sigurado kung doon pa rin ba sa master’s bedroom nagkukuwarto si Chris. Mabuti na lamang at humabol ito sa kanila.“Ba’t hindi pa kayo pumapasok?”“Alin ba rito ang pwede namin gamitin na kwarto?” ani Shiela.“Katabing kwarto ng master’s bedroom.” Pagkatapos ay siya na rin ang kusang nagbukas ng pinto para sa dalawa. “Dito ko na piniling mag-stay at malaki ro’n sa kabila, ayokong pahirapan na maglinis ang mga katulong at sandali lang naman ako rito.”Napangiti si Shiela saka nilapag sa kama ang anak. “Hindi ka naman makalat.” Sabay bukas sa bag upang kumuha ng bimpo na ilalagay sa likod ng bata.“At ayoko naman maka-inconvenient sa ibang tao,” ani Chris saka lumapit sa balcony upang buksan ang glass door, pumasok ang sariwang hangin.Parehong hindi nakatingi
KASALUKUYANG nagmamaneho si Chris habang katabi ang asawa sa passenger seat, kandong nito ang anak nilang si Archie na nakatanaw sa labas ng kotse.Patungo sila ngayon sa mansion dahil doon gustong pumunta ni Shiela at pagkatapos ay mamamasiyal pa sa ibang lugar.“Naroon pa kaya si Cory?” hindi maiwasang itanong ni Shiela. Muling sumagi sa isip niya ang dating katrabaho na naging kaibigan na rin niya.“Alamin natin,” ani Chris.“Ngayong nandito ako ay ang dami kong gustong gawin. Gusto kong pumunta sa cemetery para mabisita si Henry at Diana,” tukoy niya sa kaibigan at asawa nito.“Sige, gawin natin ‘yan. No’ng nasa labas ka pala ng bansa ay dinala namin dito si Lucas para makilala naman niya ang magulang niya.”“Hindi naman ba siya nagtaka?”“Nagtaka siyempre, pero sinabi na lang namin na natutulog sila kaya hindi na ito nangulit. Mabuti na lang at likas na masunurin ang batang iyon kaya paborito ni Zia.”Napangiti si Shiela habang hinahaplos-haplos ang buhok ng anak. “Parang gusto k
TUMATAGOS na sa bintana ang sinag ng araw nang magising si Shiela. Una niyang kinapa ang kama, ngunit wala na siyang nahahawakan at doon lang siya nagmulat ng mata.“Archie?” sambit niya sa pangalan ng anak matapos ay bumangon na kung saan ay ramdam niya ang pamimigat ng talukap ng mata. Kaya tiningnan niya ang sarili sa salamin.Mugto ang mga mata niya at barado ang ilong. Natawa siya ng maalala na nag-iyakan sila ni Chris kagabi pero siya itong mas ngumawa nang husto.Pagkatapos, naghilamos na siya at nagmumog saka bumaba patungo sa dining area kung saan niya naabutan sina Evelyn, Aileen at kanyang mag-ama na kumakain.Unang napansin ni Chris ang asawa kaya agad siyang tumayo at pinaghila ito ng upuan. “Dito ka na maupo sa tabi ko.”Mataman itong tinitigan ni Shiela dahil maayos naman ang itsura nito. Parang hindi siya iniyakan kagabi.Si Archie naman ay gustong bumaba mula sa kandungan ng Nanny. “Mama~”Dumiretso si Shiela sa puwesto ng anak saka ito hinalikan sa noo. “Ba’t hindi m
NAPAKURAP si Shiela, naroon ang pinaghalong kaba at excitement kahit naguguluhan kung anong dapat gawin ng mga sandaling iyon.Naglalaban ang kanyang puso’t isip, ngunit isa lang ang mas matimbang. Hindi niya maiwasang mahipnotismo ng tingin ni Chris, nag-aanyayang gawin ang isang bagay na kahit mali ay hinding-hindi niya pagsisisihan. Kaya tuluyan na siyang nagpadala sa bugso ng damdamin.Pumikit siya at dinama ang labi nitong kay tagal niyang hindi natikman. Mas lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib sa puntong iyon na lamang ang kanyang naririnig. May kiliti na nararamdaman si Shiela paakyat sa kanyang mukha at walang dudang dahil iyon sa halik nito.Habang si Chris naman ay pigil na pigil ang paghinga. Umiigting ang panga niya sa pagpipigil na sunggaban ito, maging marahas dahil lang sa sabik na sabik siyang muli itong maramdaman, ang halik nito at katawan.Habang lumilipas ang bawat sandali ay mas lalo pang nagnanangis ang init na nararamdaman nila sa isa’t isa kaya—““Hmm…”
SA ISANG IGLAP ay naiharang ni Chris ang kamay sa bibig. Kaya sa halip na lumapat ang labi ng dalaga ay ang palad niya ang nahalikan nito.Pagkatapos ay nagmulat ng mata si Sarah, gulat na gulat sa ginawa nito. Makailang beses kumurap na tila nagtataka hanggang sa matauhan at mabilis na lumayo. “S-Sorry.”Napatiim-bagang lang si Chris saka nagmaneho na paalis sa lugar. Habang nasa daan ay tahimik lang silang dalawa sa loob ng sasakyan, wala ni isang nagtangkang magsalita.Hanggang sa marating nila ang apartment ni Sarah. Mabilis na inalis ni Chris ang seatbelt at lalabas na dapat ng magsalita ito, “S-Sa’n ka pupunta?”“Uuwi na ‘ko,” tipid lang na sagot ni Chris.“Pero… Ba’t hindi ka muna pumasok sa loob at—““Sarah,” putol pa ni Chris. “Iyong nangyari kanina, palalampasin ko ‘yun dahil kaibigan kita at may pinagsamahan tayo pero hinding-hindi na iyon mauulit. Never, kaya mas mabuti sigurong manatili na lang tayong mag-business partner dahil hindi na tama ang nangyayari.”Habang sinasa
PABALIK na sila sa kotse nang mapatingin si Chris sa suot nitong damit. “Dadaan ba muna tayo sa apartment mo bago pumunta sa club?”Medyo pormal kasi ang suot nitong damit, hindi babagay sa pupuntahan nila.“Hindi na,” ani Sarah saka ito nilingon habang may naglalarong ngiti sa labi.Napakunot noo man ay hindi na nagkomento si Chris at sinundan lang ito patungo sa kotse. Pagsakay sa passenger seat ay bigla siyang naubo, mabilis na umiwas ng tingin matapos itong makitang hinuhubad ang suot na palda habang nakaupo sa driver seat.“A-Anong ginagawa mo, Sarah?!” tanong ni Chris habang nakapaling ang tingin sa labas ng kotse.Natawa naman si Sarah at pagkatapos ay kinalabit ito. “Ano ka ba, tingnan mo nga may suot akong shorts, need ko lang magpalit ng skirt para bumagay sa pupuntahan natin.”“Nakapagpalit ka na?”“Yes, pwede ka ng tumingin.”Doon lang kumilos si Chris saka dahan-dahang tiningnan ang dalaga. Nakahinga siya nang maluwag matapos makitang maayos na ang itsura nito. “Hopefully
NAKANGITI si Chris nang palabas na sa restaurant kasama ng dalawang prospect investor na ngayon ay talagang nag-invest na sa negosyo. Dahil naging matagumpay ang proposal nilang dalawa ni Sarah, na ngayon ay parang wala na sa mood.Kanina niya pa kasi napapansin na tila tahimik ito kaysa sa masiyahin at friendly nitong pag-uugali.“I’m glad at excited na akong maging bahagi ng lumalago niyong negosyo,” saad pa ni Mr. Bautista.Habang si Ocampo naman ay tinapik naman sa balikat si Chris. “Masaya rin ako na gaya ni Mr. Bautista ay makakapag-invest na rin ako sa wakas.”Ngumiti naman si Chris. “Maraming salamat talaga, Mr. Ocampo at Mr. Bautista.”Tumango si Bautista habang nakangiti saka tiningnan ang suot na relo. “Oh, hindi ko na namalayan ang oras. Kailangan ko ng umalis at may importante pa akong pupuntahan.”“Aalis na rin ako,” ani Ocampo.Muling nagpasalamat si Chris at ganoon din si Sarah hanggang sa tuluyan ng umalis ang dalawa, sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.At ang naiwan na
SA TANONG ay nagtaas lang ng kilay si Chris saka tumayo nang maayos upang maharap ito. “Ano bang dapat kung marinig?”“So, nakikinig ka nga sa pinag-uusapan namin?” balik tanong ni Shiela.Napabuntong-hininga si Chris. “Wala akong narinig. Sa tingin mo ba ay may maririnig ako sa layo kong ‘to sa pinto? Sumandal lang ako rito dahil ang sabi kanina ng katulong ay magkasama raw kayo ni Tita na umakyat. Kaya inisip ko na narito kayo kaya naghintay akong may lumabas,” mahabang paliwanag ni Chris.Hindi man kumbinsido ay hindi na lamang nag-react si Shiela. “At ba’t mo naman kami hinihintay?”“Tulog na tulog na sa kwarto si Archie at kailangan ko na rin umalis.” Saka napakamot sa likod ng ulo, tila nahihiya sa sasabihin. “Ang totoo ay gusto ko lang magpaalam.”“Pwede ka namang umalis na lang o ‘di kaya ay magpasabi sa katulong.”Hindi napigilan ni Chris na magtaas ng kilay. “Ayoko ng gano’n. Iyong bigla na lang aalis ng walang pasabi. Napakawalang-galang ng gano’n, nakakabastos.”Napakurap
NASA labas na sila ng paliparan pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Archie. “Papa, sama ka sa’min~” saad pa ng bata na humihikbi-hikbi habang ang maliit na kamay ay mahigpit na nakahawak sa damit ng Ama.Napabuntong-hininga naman si Chris, na may munting ngiti sa labi saka napasulyap kay Shiela. “Anong gagawin natin?” bulong niya.Nagkibit-balikat si Shiela. “May gagawin ka ba ngayong araw?”“May pupuntahan akong meeting kasama si Sarah pero pwede naman i-postpone dahil mas importante si Archie.”Namewang si Shiela saka nag-isip nang paraan. Kahit pa sabihin nitong ayos lang ay ayaw niya naman makaabala. “Archie, anak. Tumahan ka na, sasama na sa’tin si Papa,” pang-uuto niya pa sa anak.Agad naman naniwala ang bata at unti-unting tumigil sa pag-iyak pero mahigpit pa rin ang hawak sa damit ng Ama.Ilang sandali pa ay nakahabol na rin sina Evelyn, Aileen at Sarah. Ang dalaga ay tuloy-tuloy sa nakaparadang kotse.“Chris, tara na,” tawag pa nito.“Susunod na lang ako,” untag naman