NAKAMASID LANG SI WEVZ habang masayang nagsasabuyan ng tubig sa pool ang mag-aama.
"Iba talaga ang beauty mo bru!" Ani Gia na nasa tabi niya. "Ni minsan hindi ko nakita yang pinsan ko na nagkaroon ng ganyang bonding sa mga anak niya. Well, alam ko naman na mahal niya ang mga anak niya pero laging prim and proper yan kapag kaharap ang mga anak."
"Siguro na realize lang niya kailangan yan ng mga anak niya." Aniya sa kaibigan.
"Naku! Duda ako diyan! Tignan mo naman nakaka-tawa at dumadalas ang pag-ngiti naku! Ganda mo bru!" Tudyo nito.
"Tse! Tumigil ka nga diyan." Saad niya na natatawa.
"Asus! Pakunwari pa! Palagay ko ikaw ang gamot ng pinsan ko."
"Huwag ka ngang maingay diyan baka a
"GET READY. Tayo ang susundo sa mga bata ngayon."Wala sa sinabi ni Syke ang kanyang atensiyon. Kahapon pa niya iniisip ang huling sinabi nito kahapon sa may swimming pool bago siya tinalikuran nito."Mas bagay tayo." Paulit ulit iyon sa kanyang isipan. May ibig bang sabihin iyon? Gusto na ba siya ng lalaki? Ang gulo naman kase! Minsan ang sungit, minsan naman ang sweet. O baka naman kaya nawiwili itong halikan siya dahil nakikita nito ang pumanaw na asawa sa kanya. Ngunit sabi naman nito hinahalikan siya nito bilang siya. Nakakasakit ng ulo!"Hay! Ang gulo!" Wala sa sariling bulalas niya."Anong magulo?" Pormal na tanong nito."Bipolar ka ba?" Tanong niya rito na ikina-noot ng
NANG MAKITA NI WEVZ na nag-e-enjoy ang kambal sa mga kalarong bata ng mga ito at si Syke naman ay may mga iilang taong kausap, napagpasyahan niyang mag-ikot-ikot muna.Huminto siya nang may masilayang tila maliit na fountain sa kalagitnaan ng mga nag-gagandahang mga bulaklak. Lumapit siya roon at may ngiti sa mga labing pinagmasdan iyon."Maganda hindi ba?"Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakita niyang nakatayo sa di kalayuan si sister Miles."Opo napaka-ganda po." Aniya sa madre at muling itinuon ang pansin sa may fountain.Naramdaman niyang lumapit sa kanya ang madre. "Magka-mukha po ba kami ni.... M-Maridel?" Kusang lumabas ang tanong na iyon mula sa kanyang bibig.
"YEHEY! PERFECT!" Bulalas ni Gia matapos siya nitong tignan mula ulo hanggang paa.She's wearing a wine red lace panel off shoulder dress. Ang haba ay mataas ng isang pulgada mula sa kanyang mga binti. Lalong tumingkad ang maputi niyang balat sa kulay ng suot. Gia put a light make up on her face and manage to curl her silky hair.Maging siya ay napa-tunganga sa sarili ng makita ang sariling repleksiyon sa salamin. Hindi siya sanay dumalo sa mga ganitong kasiyahan. Well at least to her knowledge.Bigla tuloy siyang kinabahan. Parang ayaw na niyang sumama kay Syke. "Bru, huwag nalang kaya akong tumuloy?""Baliw! Hinihintay kana ni Syke sa ibaba, ang agang nagbihis samantalang dati halos ako lang pinapadalo ng lalaking iyan sa mga ganitong ball." Anito
NAPAKARAMING TAO at medyo naiilang siya dahil halos sa kanila yata nakatutok ang tingin ng lahat. Sa tingin niya ay pawang mga nasa alta sociedad ang mga tao roon. Napansin niyang bawat babaeng makasalubong nila ay napapalingon kay Syke."Huwag mong ngitian ang mga lalaking tumitingin sayo." Bahagya pa siyang napa-kislot ng ibulong iyon ni Syke malapit sa kanyang tenga."Anong lalaking tumitingin? Ikaw ang tinitingnan ng mga babaeng nakakasalubong natin." Sagot niya rito."Sa mga babaeng tumitingin sa akin aware ka, sa mga lalaking tumitingin sayo hindi ka aware." Anito na naiiling pa.Pagkuway huminto sila dahil may isang matandang lalaki na tumawag kay Syke."Mr. Fontanilla, it's good to see you here."
WALA SILANG IMIKAN ni Syke kanina sa sasakyan. Hindi rin niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Naka-tutok lang ang paningin nito sa kalsada at nang makarating ng bahay ay inalalayan siyang makababa ng sasakyan.At ngayon nga ay nasa tapat na sila ng kanyang silid. Hinarap niya ito, nakatingin lang ito sa kanya. Hindi pa rin niya mawari kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki."Goodnight." Aniya rito sabay talikod at akmang papasok na siya sa kanyang silid, nang bigla siyang hawakan ni Syke sa may pulsuhan.Maang na napa-tingin siya sa lalaki, ngunit hindi naman ito nagsalita at nag-simula itong maglakad patungo sa lugar na tanging ito lang ang nakaka-alam kung saan. Nagpatangay lang siya rito, hanggang marating nila ang silid nito, hindi iyon masyadong malayo mula sa kanyang silid.
NARARAMDAMAN NI WEVZ na mugto ang mga mata niya. Masakit ang mga iyon dahil buong gabi yata siyang umiiyak. Ayaw niyang aminin sa kanyang sarili ngunit totoong nahulog na nga ang kanyang loob kay Syke. Tanggap niya ito maging ang mga anak nito. Ngunit ano nga ba ang laban niya sa taong yumao na ngunit mahal pa rin ng lalaki?Nakahiga pa rin siya at tinatamad bumangon. Pakiramdam niya ay masakit ang buong katawan niya kahit ang totoo ay ang kalooban lang naman niya ang mabigat. Pagkuway narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone."Mom..." Aniya nang sagutin ang tawag ng ina."Baby, when are you coming home?" Napakagat siya ng labi sa tanong na iyon ng ina.Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin dito ang mga plano niya, tiyak na tututol ang kanyang mga magulang ngu
SADYANG INIWASAN NI WEVZ si Syke nitong mga nakalipas na araw. Kapag dumarating ito ay kung ano ano ang mga idinadahilan niya upang makaiwas dito.Alam niyang napapansin iyon ni Gia at ni tita Emz ngunit wala ni isa sa mga ito ang nang-ahas mag-tanong.Iniisip niyang magpalipas ng oras sa may gym ng mansyon ngayong araw. Ngunit nang matanaw si Syke na naroon ay dali dali siyang tumalikod at akmang aalis na nang marinig ito."Stay there." Utos nito.Saglit pa siyang nakipag-argumento sa sarili kung makikinig dito o tuluyan na itong tatalikuran. Ngunit hindi pa siya nakakapag-desisyon ay nasa harapan na niya ang lalaki.Lihim pa siyang napalunok nang makitang wala itong pang-itaas at may mga butil ng pawis sa mukha at matipunon
IBINABA NI WEVZ ang dalang pagkain sa mesa sa may lanai. Ngunit napatili siya nang pagkatapos ibaba ang pagkain ay may biglang yumakap sa kanya na napakalamig!Nakahanda siyang singhalan ang yumakap sa kanya nang pumihit siya paharap, ngunit natameme siya sa angking kagwapuhan nito, isama pa ang napaka-lawak na ngiti nito. Ay! Talaga namang wala na! Tapos na!"Morning, love" Ani Syke sabay halik sa kanyang mga labi."Oh! You are so wet!" Bulalas niya ng matapos siyang halikan nito. Galing ito sa swimming pool at tanging board-shorts lang ang suot! Habang naka-palupot pa rin sa kanyang baywang ang mga bisig nito."Am I? O baka naman ikaw." Anito. Sa una ay hindi niya maintindihan ang ibig ipakihulugan nito ngunit ng ngumisi ito ng nakakaloko ay marahan niya itong hinampas
PAKIRAMDAM NI WEVZ/MARIDEL ay napakaganda niya ng araw na iyon. Everybody is making her feel beautiful."Bru! This is it!" Tili ni Gia.Natatawang naiiling siya sa eksaheradang reaksiyon ng kaibigan."Naku! Naku! Grabe din naman ang universe sa inyo no? Sinong mag-aakalang ikakasal ka ulit sa asawa mo." Anito na tatawa tawa pa."Umayos kana nga diyan." Saway niya rito."Bru! Alam ko maganda ka ngayon, pero aminin mo, ako ang pinaka-magandang maid of honor sa buong universe diba?" Pangungulit nito."Oo na! Ikaw na!" Kunway napipilitang saad niya."I know right!" Anito at walang sabi sabing umalis na.
WALANG kapantay ang saya na nararamdaman ni Maridel/Wevz sa mga nakalipas na araw. Bagamat tutol si Syke, ay ipinilit pa rin niya na mag pa DNA upang makasiguro kung siya nga si Maridel. At iisa lang ang paraan para malaman iyon.Kaya naman kumpirmado ang lahat ng positibo ang resulta na anak niya ang kambal. Naipaliwanag na nila ng mabuti sa mga bata ang lahat. At katulad nila ay tuwang tuwa ang mga ito sa nalaman.Si Nathan, sa kabilang banda ay masaya ngunit alam niyang nitong mga nakaraang araw ay mukhang may nais itong sabihin na hindi kayang sabihin sa kanila ni Syke.Kaya nang araw na iyon ay ipinasya nilang puntahan ito sa silid nito at kausapin ng masinsinan."Tuloy po." Magalang na sagot nito nang kumatok sila mula sa labas ng pintuan ng silid nito.
LULAN SILA NG sasakyan ni Syke patungo sa bahay nito. Parehong walang namumutawing salita sa kanilang mga bibig.Nakatingin lang siya sa harapan, sa dinaraanan nilang kalsada. Nakikita niya mula sa sulok ng kanyang mata na panaka-nakang sumusulyap si Syke sa gawi niya. At panay ang buntong hininga nito.Pag-kuway itinabi nito ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Handa na siyang magtanong nang harapin niya ito ngunit ang pagtatanong niya ay naudlot nang iabot ni Syke sa kanya ang sing sing na hinahanap kanina. Huminga muna siya ng malalim at kinuha ang sing sing.Mas pinili niyang manahimik dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ilang saglit pa ay muling pinaandar ni Syke ang sasakyan.Kasalukuyan niyang sinisipat ang sing sing at maiging tinititigan ang mga
KASALUKUYANG NAG-IISIP si Syke. Nasa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan at nag-iisip kung paano niya malalaman kung nasaan si Wevz.Kung ang binanggit nito sa liham ay mag-uumpisa ito kung saan nangyari ang aksidente nito limang taon na ang nakakalipas. Malamang ay nasa airport ito.Dali dali niyang pinaandar ang sasakyan. Kailangan niyang makasiguro. He dialed the number of this one person that can help him and put his mobile on speaker.Ngunit naka-ilang ulit na siyang nag-redial ay walang sumasagot sa kabilang linya."Damn! It!" Inis na saad niya at pagkuway tinawagan ang isang taong alam niyang palaging kasama ng unang tinatawagan."You have reached Nygel, sorry can't talk right now, leave your message after the beep.
HINDI MASUKAT NI Wevz ang kaligayahan sa kanyang puso habang naka-tunghay sa tuwang tuwang sina Enzo at Thea. Kasalukuyang naka-sakay sila sa malaking Ferris Wheel na kung tawagin ay Wheel of Fate sa Enchanted Kingdom.Ganoon din ang nakikita niyang kasiyahan na mababakas sa mukha ni Nathan. Mas naging malapit na ito sa kanila ni Syke. Hindi na rin ito naiilang sa tuwing tinatawag siyang mommy nito at daddy naman si Syke.Natutuwa siya dahil nakikita niya ang natural na pagkalinga at pagmamahal nito sa mga kambal na itinuturing na ngayon nitong nakakabatang kapatid.Nakikita din niya kay Syke ang pantay pantay na pagtrato sa mga anak maging kay Nathan. Siguro kung hindi lang siya umuwi ng Canada ay wala na siyang mahihiling pa....Mabilis niyang iniwaglit sa isipan iyon.
PAGOD NA SUMANDAL si Syke sa may lamp post sa bungad ng hardin ng bahay. Nasisinagan siya ng malamlam na ilaw at wala sa sariling napatingala sa kalangitan. Bilog ang buwan at napapaligiran ito ng maraming bituwin. "Where are you Wevz..." Malungkot na usal niya. Halos kakatapos lang ng meeting niya sa presidente ng bansa at hanggang ngayon ay wala siyang tawag o kahit na mensahe man lang na natanggap mula sa kasintahan. Bukas ng hapon pa ang nakuhang flight ni Gia patungong Canada, kaya halos mabaliw na naman siya sa kakaisip ngayon kung nasaan ang kasintahan. Naka-pako pa rin ang kanyang tingin sa buwan, at tila ba may mga malalabong alaalang biglang bumalik mula sa nakaraan... 5 years ago... "Love, are you
PABAGSAK NA HUMIGA SI SYKE sa kama ng hotel na tinutuluyan niya. Oh! How he missed home. Miss na niya ang kanyang mga anak at higit sa lahat ay miss na niya si Wevz.And speaking of Wevz, he did not get any updates from her today. Naging abala siya sa buong mag-hapon kaya hindi niya napansin iyon kanina. Inabot niya ang kanyang cellphone at napa-kunot ang noo niya ng wala man lang mensahe o tawag mula sa kasintahan.Sa tantiya niya ay nakauwi na dapat ito ng bahay. Kaninang umaga ang flight nito pabalik ng Pilipinas. Siya naman ay bukas pa makakauwi.He was about to dial her number in the Philippines but he changed his mind. Malamang pagod ito mula sa mahabang biyahe. Sa ikalawang araw ng kasintahan sa Canada tiniyak nito na ngayon ang uwi nito. Kaya wala dapat siyang ika-bahala. Malamang ay pagod lang ito kaya hind
ANG LAHAT AY abala ngayon sa mansiyon ng mga Fontanilla. Ngayon ang araw na uuwi na sa mansiyon si Nathan. Isa na itong ganap na Fontanilla. At ang lahat ay napakasaya at masayang nag-aayos para sa welcome party nito.Isa lamang iyong maliit na salu-salo na silang nasa bahay lamang ang nagtipon tipon. Masayang pinagmasdan ni Wevz ang lahat. Nasasabik ang lahat sa pagdating ni Nathan. Lalo na ang kambal. Masayang masaya ang mga ito sa kaalaman na magkakaroon na sila ng kuya.Hinihintay nalamang nila si Syke. Kaninang tumawag ito ay pauwi na raw ang mga ito. Ito kase ang sumundo kay Nathan. Ang sabi nito kanina ay tila kinakabahan daw si Nathan. Malamang dahil hindi nito tiyak kung ano ang naghihintay na buhay dito simula ngayong araw na ito.Sa nakikita niya ay magiging masaya ito at ngayon palamang ay sisikapin niya
NANG ARAW na iyon ay niyaya siya ni Syke na lumabas. Mag-date daw sila. Pumayag naman siya at ngayon nga ay lulan na sila ng sasakyan nito at tanging ito lamang ang nakaka-alam kung saan sila tutungo.Nitong mga nakaraan na araw ay masasabi niyang okay naman sila ng kasintahan. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Ngunit hindi pa rin niya ito pinapayagan na hawakan siya at halikan siya. Ngayon ang ika isang linggo, simula ng mangyari iyon."It's been a week love." Anito habang nagmamaneho."Edi happy weeksary!" Aniya rito at tinawanan ito."Tsk! I'm serious." Tila frustrated na saad nito."I'm serious too." Aniya ngunit naka-ngiti pa rin."So, I'm allowed to kiss you now and touch you?