BAHAGYANG PINAGMASDAN ni Wevz ang kambal habang mahimbing pa rin na natutulog. Maging ang ama ng mga ito ay mukhang napaka-sarap pa ng tulog.
Tila may kung anong humaplos sa puso niya sa nakikita ngayon. Hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit mayroon siyang pangungulilang nararamdaman. Nang naramdaman niyang nag-uulap ang kanyang mga mata ay ilang beses siyang kumurap kurap upang pigilan ang mga luhang nagbabadya.
Napag-pasyahan niyang bumaba sa may kusina at mag-bake ng carrot cake. Nag-iwan siya ng note para kay Syke na tawagan nalamang siya nito kung sakaling kakailanganin nito ng aalalay dito. Sinabihan niya rin ito na nasa kusina lang siya.
Nadatnan niya sa kusina sina aling Bebeng at manang Fe. Mukhang naghahanda na ng almusal ang mga ito.
"Magandang umaga po."
HINDI ALAM ni Syke kung bakit bigla siyang nainis sa dalaga, nadamay pa tuloy ang mga anak niya. Mukhang gustong gustong tikman ng mga ito ang carrot cake na gawa ni Wevz. At sa dinami-dami naman kase ng pwedeng i-bake ng dalaga, bakit carrot cake pa ang napili nitong i-bake?Ang carrot cake ay nagdadala ng kakaibang ala-ala sa kanya. Kaya nga ayaw na niyang kumain ng cake na ito simula ng pumanaw ang kanyang asawa. Carrot cake is his favorite cake. And knowing that it is his favorite, Maridel took an effort to bake it with her own recipe. Pinag-aralan iyon ng kanyang asawa at hinding hindi niya makakalimutan ang kasiyahan sa mukha ng asawa ng sabihin niyang iyon ang pinaka-masarap na carrot cake na natikman niya."Talaga ba? Sigurado ka na ang carrot cake lang ang dahilan?" Tinig iyon mula sa kanyang isip.
NAKATUNGHAY PA rin si Syke sa kawalan. Iniisip niya kung ano ang nangyari? Siya dapat ang naiinis sa babaeng iyon at ito dapat ang humingi ng tawad sa kanya. Ngunit sa bilis nitong magsalita, ay tila naisahan na naman siya ng dalaga. Sa bandang huli ay ito pa ang tila na-agrabyado!Dapat lalo siyang mainis kay Wevz. Ngunit taliwas iyon sa nararamdaman niya ngayon. Napakamot siya sa kanyang ulo habang nangi-ngiti. Ibang klase talaga ang babaeng ito."Parang si Maridel?" Usig ng isip niya.Umiling siya. Hindi niya na dapat ikinu-kumpara ito sa yumao niyang asawa. Binuksan niya ang refrigerator at tila gusto niyang magsisi kung bakit niya pa naisipang buksan iyon.Nakita niya ang natirang isang slice ng carrot cake! Hindi niya
NANANAKIT ANG kanyang buong katawan nang mag-kamalay. Ngunit nang mahagip niya ng tingin ang sarili sa wasak na side mirror ng sasakyan ay hindi siya iyon! Ito ang magandang babae na nakikita niya sa kanyang panaginip. Duguan ito at tila nahihirapan. Tumingin ito sa babae na katabi. Sinikap nitong gisingin ang babae. Umungol ang babae at may ibinulong ngunit nanatili itong naka-pikit. Tila iniinda ang bawat sakit. Duguan din ang babae."Anak ko.... Anak ko..." Paulit ulit iyong sinasambit ng babae.Tila pilit pinapagana ng magandang babae ang isipan. Ginamit nito ang natitirang lakas upang buksan ang sasakyan."Halika, lumabas tayo." Nanghihinang saad nito sa babae."Iligtas mo na ang sarili mo. Ang anak ko... huwag mo sana siyang
HINDI ALAM ni Wevz kung paano niya haharapin si Syke, matapos ang nangyari kagabi. Nahirapan nga siyang maka-tulog dahil paulit ulit sa isipan niya ang halikan nila kagabi! At naiinis siya sa tuwing naaalala niya na kaya lang naman siya hinalikan nito dahil malamang nakita na naman nito ang asawa nito sa kanya!Bahagya siyang sumilip mula sa pintuan ng kanyang silid at nang makita niya si Syke mula sa malayo na tila abala sa kausap sa telepono ay dali dali niyang sinara ang pintuan.Nagpalipas siya ng dalawang minuto bago buksan ulit ang pintuan. Naka-hinga siya ng maluwang ng masigurong wala ng tao roon. Palinga linga siya sa paligid. Dinaig pa niya ang isang secret agent sa ikinikilos."Anong ginagawa mo?" Naka-hinga siya ng maluwang ng mapag-sino ang may-ari ng tinig na iyon.
NAKAMASID LANG SI WEVZ habang masayang nagsasabuyan ng tubig sa pool ang mag-aama."Iba talaga ang beauty mo bru!" Ani Gia na nasa tabi niya. "Ni minsan hindi ko nakita yang pinsan ko na nagkaroon ng ganyang bonding sa mga anak niya. Well, alam ko naman na mahal niya ang mga anak niya pero laging prim and proper yan kapag kaharap ang mga anak.""Siguro na realize lang niya kailangan yan ng mga anak niya." Aniya sa kaibigan."Naku! Duda ako diyan! Tignan mo naman nakaka-tawa at dumadalas ang pag-ngiti naku! Ganda mo bru!" Tudyo nito."Tse! Tumigil ka nga diyan." Saad niya na natatawa."Asus! Pakunwari pa! Palagay ko ikaw ang gamot ng pinsan ko.""Huwag ka ngang maingay diyan baka a
"GET READY. Tayo ang susundo sa mga bata ngayon."Wala sa sinabi ni Syke ang kanyang atensiyon. Kahapon pa niya iniisip ang huling sinabi nito kahapon sa may swimming pool bago siya tinalikuran nito."Mas bagay tayo." Paulit ulit iyon sa kanyang isipan. May ibig bang sabihin iyon? Gusto na ba siya ng lalaki? Ang gulo naman kase! Minsan ang sungit, minsan naman ang sweet. O baka naman kaya nawiwili itong halikan siya dahil nakikita nito ang pumanaw na asawa sa kanya. Ngunit sabi naman nito hinahalikan siya nito bilang siya. Nakakasakit ng ulo!"Hay! Ang gulo!" Wala sa sariling bulalas niya."Anong magulo?" Pormal na tanong nito."Bipolar ka ba?" Tanong niya rito na ikina-noot ng
NANG MAKITA NI WEVZ na nag-e-enjoy ang kambal sa mga kalarong bata ng mga ito at si Syke naman ay may mga iilang taong kausap, napagpasyahan niyang mag-ikot-ikot muna.Huminto siya nang may masilayang tila maliit na fountain sa kalagitnaan ng mga nag-gagandahang mga bulaklak. Lumapit siya roon at may ngiti sa mga labing pinagmasdan iyon."Maganda hindi ba?"Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakita niyang nakatayo sa di kalayuan si sister Miles."Opo napaka-ganda po." Aniya sa madre at muling itinuon ang pansin sa may fountain.Naramdaman niyang lumapit sa kanya ang madre. "Magka-mukha po ba kami ni.... M-Maridel?" Kusang lumabas ang tanong na iyon mula sa kanyang bibig.
"YEHEY! PERFECT!" Bulalas ni Gia matapos siya nitong tignan mula ulo hanggang paa.She's wearing a wine red lace panel off shoulder dress. Ang haba ay mataas ng isang pulgada mula sa kanyang mga binti. Lalong tumingkad ang maputi niyang balat sa kulay ng suot. Gia put a light make up on her face and manage to curl her silky hair.Maging siya ay napa-tunganga sa sarili ng makita ang sariling repleksiyon sa salamin. Hindi siya sanay dumalo sa mga ganitong kasiyahan. Well at least to her knowledge.Bigla tuloy siyang kinabahan. Parang ayaw na niyang sumama kay Syke. "Bru, huwag nalang kaya akong tumuloy?""Baliw! Hinihintay kana ni Syke sa ibaba, ang agang nagbihis samantalang dati halos ako lang pinapadalo ng lalaking iyan sa mga ganitong ball." Anito
PAKIRAMDAM NI WEVZ/MARIDEL ay napakaganda niya ng araw na iyon. Everybody is making her feel beautiful."Bru! This is it!" Tili ni Gia.Natatawang naiiling siya sa eksaheradang reaksiyon ng kaibigan."Naku! Naku! Grabe din naman ang universe sa inyo no? Sinong mag-aakalang ikakasal ka ulit sa asawa mo." Anito na tatawa tawa pa."Umayos kana nga diyan." Saway niya rito."Bru! Alam ko maganda ka ngayon, pero aminin mo, ako ang pinaka-magandang maid of honor sa buong universe diba?" Pangungulit nito."Oo na! Ikaw na!" Kunway napipilitang saad niya."I know right!" Anito at walang sabi sabing umalis na.
WALANG kapantay ang saya na nararamdaman ni Maridel/Wevz sa mga nakalipas na araw. Bagamat tutol si Syke, ay ipinilit pa rin niya na mag pa DNA upang makasiguro kung siya nga si Maridel. At iisa lang ang paraan para malaman iyon.Kaya naman kumpirmado ang lahat ng positibo ang resulta na anak niya ang kambal. Naipaliwanag na nila ng mabuti sa mga bata ang lahat. At katulad nila ay tuwang tuwa ang mga ito sa nalaman.Si Nathan, sa kabilang banda ay masaya ngunit alam niyang nitong mga nakaraang araw ay mukhang may nais itong sabihin na hindi kayang sabihin sa kanila ni Syke.Kaya nang araw na iyon ay ipinasya nilang puntahan ito sa silid nito at kausapin ng masinsinan."Tuloy po." Magalang na sagot nito nang kumatok sila mula sa labas ng pintuan ng silid nito.
LULAN SILA NG sasakyan ni Syke patungo sa bahay nito. Parehong walang namumutawing salita sa kanilang mga bibig.Nakatingin lang siya sa harapan, sa dinaraanan nilang kalsada. Nakikita niya mula sa sulok ng kanyang mata na panaka-nakang sumusulyap si Syke sa gawi niya. At panay ang buntong hininga nito.Pag-kuway itinabi nito ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Handa na siyang magtanong nang harapin niya ito ngunit ang pagtatanong niya ay naudlot nang iabot ni Syke sa kanya ang sing sing na hinahanap kanina. Huminga muna siya ng malalim at kinuha ang sing sing.Mas pinili niyang manahimik dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ilang saglit pa ay muling pinaandar ni Syke ang sasakyan.Kasalukuyan niyang sinisipat ang sing sing at maiging tinititigan ang mga
KASALUKUYANG NAG-IISIP si Syke. Nasa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan at nag-iisip kung paano niya malalaman kung nasaan si Wevz.Kung ang binanggit nito sa liham ay mag-uumpisa ito kung saan nangyari ang aksidente nito limang taon na ang nakakalipas. Malamang ay nasa airport ito.Dali dali niyang pinaandar ang sasakyan. Kailangan niyang makasiguro. He dialed the number of this one person that can help him and put his mobile on speaker.Ngunit naka-ilang ulit na siyang nag-redial ay walang sumasagot sa kabilang linya."Damn! It!" Inis na saad niya at pagkuway tinawagan ang isang taong alam niyang palaging kasama ng unang tinatawagan."You have reached Nygel, sorry can't talk right now, leave your message after the beep.
HINDI MASUKAT NI Wevz ang kaligayahan sa kanyang puso habang naka-tunghay sa tuwang tuwang sina Enzo at Thea. Kasalukuyang naka-sakay sila sa malaking Ferris Wheel na kung tawagin ay Wheel of Fate sa Enchanted Kingdom.Ganoon din ang nakikita niyang kasiyahan na mababakas sa mukha ni Nathan. Mas naging malapit na ito sa kanila ni Syke. Hindi na rin ito naiilang sa tuwing tinatawag siyang mommy nito at daddy naman si Syke.Natutuwa siya dahil nakikita niya ang natural na pagkalinga at pagmamahal nito sa mga kambal na itinuturing na ngayon nitong nakakabatang kapatid.Nakikita din niya kay Syke ang pantay pantay na pagtrato sa mga anak maging kay Nathan. Siguro kung hindi lang siya umuwi ng Canada ay wala na siyang mahihiling pa....Mabilis niyang iniwaglit sa isipan iyon.
PAGOD NA SUMANDAL si Syke sa may lamp post sa bungad ng hardin ng bahay. Nasisinagan siya ng malamlam na ilaw at wala sa sariling napatingala sa kalangitan. Bilog ang buwan at napapaligiran ito ng maraming bituwin. "Where are you Wevz..." Malungkot na usal niya. Halos kakatapos lang ng meeting niya sa presidente ng bansa at hanggang ngayon ay wala siyang tawag o kahit na mensahe man lang na natanggap mula sa kasintahan. Bukas ng hapon pa ang nakuhang flight ni Gia patungong Canada, kaya halos mabaliw na naman siya sa kakaisip ngayon kung nasaan ang kasintahan. Naka-pako pa rin ang kanyang tingin sa buwan, at tila ba may mga malalabong alaalang biglang bumalik mula sa nakaraan... 5 years ago... "Love, are you
PABAGSAK NA HUMIGA SI SYKE sa kama ng hotel na tinutuluyan niya. Oh! How he missed home. Miss na niya ang kanyang mga anak at higit sa lahat ay miss na niya si Wevz.And speaking of Wevz, he did not get any updates from her today. Naging abala siya sa buong mag-hapon kaya hindi niya napansin iyon kanina. Inabot niya ang kanyang cellphone at napa-kunot ang noo niya ng wala man lang mensahe o tawag mula sa kasintahan.Sa tantiya niya ay nakauwi na dapat ito ng bahay. Kaninang umaga ang flight nito pabalik ng Pilipinas. Siya naman ay bukas pa makakauwi.He was about to dial her number in the Philippines but he changed his mind. Malamang pagod ito mula sa mahabang biyahe. Sa ikalawang araw ng kasintahan sa Canada tiniyak nito na ngayon ang uwi nito. Kaya wala dapat siyang ika-bahala. Malamang ay pagod lang ito kaya hind
ANG LAHAT AY abala ngayon sa mansiyon ng mga Fontanilla. Ngayon ang araw na uuwi na sa mansiyon si Nathan. Isa na itong ganap na Fontanilla. At ang lahat ay napakasaya at masayang nag-aayos para sa welcome party nito.Isa lamang iyong maliit na salu-salo na silang nasa bahay lamang ang nagtipon tipon. Masayang pinagmasdan ni Wevz ang lahat. Nasasabik ang lahat sa pagdating ni Nathan. Lalo na ang kambal. Masayang masaya ang mga ito sa kaalaman na magkakaroon na sila ng kuya.Hinihintay nalamang nila si Syke. Kaninang tumawag ito ay pauwi na raw ang mga ito. Ito kase ang sumundo kay Nathan. Ang sabi nito kanina ay tila kinakabahan daw si Nathan. Malamang dahil hindi nito tiyak kung ano ang naghihintay na buhay dito simula ngayong araw na ito.Sa nakikita niya ay magiging masaya ito at ngayon palamang ay sisikapin niya
NANG ARAW na iyon ay niyaya siya ni Syke na lumabas. Mag-date daw sila. Pumayag naman siya at ngayon nga ay lulan na sila ng sasakyan nito at tanging ito lamang ang nakaka-alam kung saan sila tutungo.Nitong mga nakaraan na araw ay masasabi niyang okay naman sila ng kasintahan. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Ngunit hindi pa rin niya ito pinapayagan na hawakan siya at halikan siya. Ngayon ang ika isang linggo, simula ng mangyari iyon."It's been a week love." Anito habang nagmamaneho."Edi happy weeksary!" Aniya rito at tinawanan ito."Tsk! I'm serious." Tila frustrated na saad nito."I'm serious too." Aniya ngunit naka-ngiti pa rin."So, I'm allowed to kiss you now and touch you?