Hala shuta ka, Leonariz napakalantod mo! hahahahahahhaha
"Anong nangyari, Ara?! How? I mean... p-paanong nandito si Leo? Don't tell me you kept it a secret from me na magkikita kayo dito, ha?!" Mabilis akong umiling sa mga sinabi na 'yon ni Reiz. Nakasakay na ang kuya sa race car nito, kaya kaming dalawa na lang ang naiwan dito. "Nagulat na nga lang rin ako na nandito siya. Nung saktong umalis ka ay siyang pagdating niya, saka yung pinag-uusapan kanina ng mga tao dito na sasakyan ay siya ang may dala." "Gosh. So, nakauwi na nga talaga siya, ano? What now? Pero grabe, Ara. To think na ngayon pa lang kayo nagkita pagkatapos ng mga nangyari, pakiramdam ko ang dami na agad naganap sa inyong dalawa. Biglang close na kayo!" Sa narinig ko ay namilog naman ang mga mata ko at napailing muli sa kaniya. "W-Wala. Anong naganap?" sagot ko, pilit na ikinakaila ang ibig niyang sabihin. Naalala ko tuloy yung bulong ni Leonariz kanina. Tinanong niya pa ako kung imahinasyon lang daw ba ang halikan na nangyari sa pagitan namin. Aba, inaasahan ba kasi niya
When the race was about to start, that was when I felt a wave of nervousness for Kuya Ariston. Sa kabila ng mga naganap simula nang dumating si Leonariz ay ito at binabagbag na naman ng kaba ang dibdib ko dahil ipinakita pa sa screen ang mga daraanan ng mga maglalaban.My eyes narrowed at the big screen at my left side. Napalunok ako at napangiwi nang makita ng malinaw ang daan. Bangin na talaga 'yong gilid... k-kaunting pagkakamali lang, pwede na silang mahulog.I bit my lower lip and looked at Reizzan.She's so chill! Nakangiti siya at nasa mukha niya pa ang excitement habang ako ay ito at nanlalamig ang mga kamay ko na magkasalikop. Talagang suportado niya ang kuya at halatang sanay na siya at nakailang panood na siya dito. "Are you guys ready? So who's your bet for tonight?" sigaw ng emcee na rinig na rinig sa buong paligid. Napangiwi ako, muntik ko pang takpan ang mga tainga ko dahil sa lakas ng boses nito. Isama pa ang tugtog na metal na naman, na lalo lang nagdagdag ng ingay a
I tried to ignore Leonariz’s teasing. Nasa likod ko lang siya at sobrang lapit talaga, kaya ramdam na ramdam ko siya. And even though I was distracted by him, sinubukan ko na mag-focus na lang sa harap dahil dumating na rin naman ngayon-ngayon lang ang kalaban ng kuya. Mas nag-ingay rin ang mga nanonood lalo nang lumabas na 'yung lalaki sa sasakyan nito. Sikat rin. Iyon ang pumasok sa isipan ko kasi ang lakas ng hiyawan, eh. Naririnig ko rin ang pangalan na binabanggit ng mga tao. Kiano? Kumaway ito sa mga nanonood, partikulay sa isang banda kung nasaan ang karamihan sa mga sumusuporta dito. At nang lumapit naman ang lalake sa kotse ng kuya at kinatok ang bintana non ay napatingin ako kay Reiz. "Hindi pa ba magsisimula ang laban? Bakit lumapit pa siya sa Kuya Ariston?" tanong ko. Nang makita ko naman ang ekspresyon sa mukha ni Reizzan, na halatang iritado ay mas nagtaka ako. "Baka magyayabang muna? Kilala rin kasi iyang si Kiano na pinoprovoke muna ang kalaban, eh. Alam mo
"Fck you! Mali ka ng binatos, Lozada! Tangina mo!"Leonariz was in rage, refusing to let go of the man as he kept punching him. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakakubabaw sa kalaban ng kuya at kahit na hindi na ito makaganti ay talagang patuloy pa rin niya itong sinusuntok. "M-Mr Jimenez!""Boss! Boss, wala nang malay!""Sht. Tumawag kayo ng ambulansya!""Huwag na, tama lang 'yan kay Kiano."apakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napatingin sa paligid. Some of the people nearby were calling for help, and some were worried, but no one really had the guts to get near. Even the security guards hesitated to stop Leonariz. Hindi naman ako makalapit; no matter how hard I tried to move closer to make him stop, my fear kept me rooted in my place.Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. A-And if the reason was because of what he heard earlier, kung ano ang sinabi ng Kiano na 'to sa akin ay hindi ko ma-imagine na paano pala kung nahawakan pa ako nito?"A-Ara..."And all
Pagkatapos ng nangyari ay hindi na rin kami nagtagal pa pero bago kami makaalis sa Batangas ay may dumating na rin na mga pulis. Kinabahan nga ako noon kaagad dahil sa isipan ko ay baka hulihin nila si Leonariz dahil talagang bugbog sarado yung Kiano at nawalan ng malay, pero kanina rin mismo ay nalaman ko na si Joey--ang secretary niya ang tumawag. Ikinagulat ko nga 'yon at si Reizzan ay hindi naman napigilan na matawa kasi nga, talagang ito pa ang tumawag ng pulis gayong ang amo niya ang halos makapatay!Kahit ngayon, naroon pa rin si Joey at inaasikaso ang nangyari. Sabi ko nga kay Kuya, hindi ba kako kami kakailanganin doon? Kasi siya naman ang nakaharap kay Kiano, at pwede naman siyang tumestigo na ito ang nagsimula at gumanti lang si Leonariz para sa akin.But then, Kuya Ariston told me that we don’t need to stay there to talk to the police. Kahit na daw si Kiano ang halos mamatay, alam niyang ito pa rin ang makukulong. He even looked at Leonariz, who was at my side that time, na
"Sure ka ba na okay lang iwan natin yung dalawa na magkasama sa baba?"Kapapasok lang namin ni Reizzan sa kwarto ko, dala naming dalawa ang pagkain na niluto nila ng kuya. Sabi ko, pwede naman na kumain rin kami ng sama-sama, pero sinamaan ako ng tingin ng Kuya Ariston at sinabi na umakyat na nga ako. Mukhang nainis siya kasi parang ayaw kong iwan sa kaniya si Leonariz.And when I looked at the latter, he was calm, and he only nodded at me. Parang sinasabi rin naman ng tingin niya sa akin na ayos lang siya. Kaso ako ay kinakabahan pa rin talaga dahil nga alam ko ang posibleng gawin ng kuya."Don't worry, Ara. Pinagsabihan ko naman si Ariston, alam mo rin naman ang takot non sa akin pag sinuway ako. Saka, ramdam ko naman na mag-uusap lang talaga sila ni Leo."Sana nga ay ganoon na lang, pero kung may gagawin ang kuya, tiwala rin naman ako kay Reizzan, kasi nakikinig talaga sa kaniya ang kapatid ko at isang salita at tingin lang nitong si Reiz ay napapatigil na ang kuya.Pagkababa ko ng
Hiyang-hiya talaga ako. Nung tinanong kasi ako ni Leonairz kung pwede niya akong halikan ay syempre sinabi ko na hindi kailangan niyang mag-behave muna dahil nandito siya sa amin. And because he was also near me, and I was holding his hand kasi nga ginagamot ko ang sugat sa kamay niya ay inaasar niya ako non. Nakakuha na nga siya non ng mabilis na halik!"Your face! Sobrang pula!" natatawang sambit naman sa akin ni Reiz habang napapailing siya. Tutop rin niya ang bibig at ako ay mas napanguso."Reiz naman, eh."Umiling siya sa akin at saka niya itinaas ang kamay niya. "But I do undertstand you, Ara. Siguro nga na-miss mo lang talaga si Leo? Kaso huwag mo lang kalimutan na dapat may liwanagan kayo sa mga nangyari, ha? Kahit hindi siya magtanong, you should tell him what really happeneed between you and Lander."Tumango ako sa kaniya. Wala rin naman akong balak na ilihim 'yon o patagalin dahil gusto ko na bago rin siya magsimula na manligaw ay alam niya ang mga nangyari pagkatapos niyang
Leonariz: Good morning, Arazella Fhatima.Napangiti ako nang mabasa ko ang bagong pasok na mensahe na 'yon.Hindi naman natuloy na sa amin matulog si Leonariz kagabi, at kung ako rin naman ang tatanungin niya ay hindi rin ako papayag—oo, hindi talaga! Naalala ko ang mga nangyari. Inasar pa nga ako ni Leonariz na sa kwarto na daw niya ako tutuloy pero alam kong hindi 'yon totoo. He even said that he's drunk but he wasn't! Saka halatang hindi siya lasing, eh, diretso pa yung pagsasalita niya at feeling ko ang kuya lang ang uminom ng uminom sa kanilang dalawa kagabi. Bagsak ang Kuya Ariston at habang inaalalayan ito ni Reiz kagabi paakyat ay minumura niya pa si Leonariz na ikinangi ko. But the latter was just smiiling while shaking his head. Sa isip ko non, mukhang naging maayos naman ang pag-uusap nila. Napatanong pa nga ako pero sinagot lang sa akin ni Leonariz ay kung ano man daw ang napag-usapan nila ng kuya, sa kanila na daw 'yon.Then after that, he left. Inihatid ko naman siya sa
Teka nga! Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin!“Basta, hindi ka pwedeng sumama bukas sa outreach. Balik tayo sa sinasabi ko,” pagtukoy ko sa birthday ni Lander, bago ako magsalita ulit ay napigilan ko pa na mapangiti ako dahil inilayo sandali ni Leonariz ang tingin, kumibot ang mga labi niya dahil sa pag-ayaw ko sa kagustuhan niya na sumama.“Let’s talk to your brother after his celebration. Please? Ayokong masira ang magiging masayang araw niya.”And he was fast to look back at me, parang hindi pa makapaniwala sa narinig, ‘yon ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya.“You… are still thinking about his happiness…” he said, and it was obvious he sounded so jealous! His reaction said it all!“Leonariz.”Huminga ako ng malalim at napahimas pa ako sa noo ko.“When Lander and I talked earlier, all he asked for was for me to attend his birthday. At nagdesisyon ako na pumunta. I wanted to give him that for the last time, and yes, I’m still thinking about his happiness. Kapatid mo pa r
Leonariz and I both apologize for what happened. Hindi na rin naman namin maibabalik pa ang dati. Sa ngayon, ang kailangan talaga namin ay harapin ang mga taong nasaktan namin.Thinking about Lander, I know this will hurt him even more, so I’m preparing myself for the moment when we face him together.And as for his birthday celebration a few days ago…I plan to attend–for the last time, I will give him what he wants. Hindi ko rin kasi siya nabati sa mismong kaarawan niya, which he didn’t mention when we talked.My mind was messed up pero ‘yon rin kasi ang mga araw na iniiwasan ko na siyang kausapin pa.Pero sasandali lang ako sa birthday niya, pagkatapos ay uuwi na rin agad. Saka palilipasin ko muna ang selebrasyon bago namin siya kausapin ni Leonariz.“What are you thinking?”I stepped away from Leonariz a little. Then, I tapped his shoulder and looked down. I guess he understood what I wanted, because he placed his hands on my waist and carefully put me down.When my feet touched t
“You two broke up already… that time?”Tumango ako, pinalis rin niya ang luha na nahulog sa magkabilang pisngi ko. Nang hindi siya nakuntento ay hinalikan niya pa ang mga ‘yon.“Hindi niya agad-agad tinanggap ang pakikipaghiwalay ko. Sumunod rin siya non sa La Union kahit na may usapan na kaming mag-uusap ulit pagbalik ko. And, when he arrived, I didn’t have the courage to correct him in front of you that we’re no longer together because in my mind, I caused him pain. I should let him take his time, or d-do what he wants. Sinisisi ko palagi ang sarili ko na nasaktan ko siya. Ayoko rin noon na mapahiya pa si Lander and if ever we could keep the broke up a secret, ‘yon ang mas ginusto ko non.”“I-I was so mad at myself back then, I rushed things too much, and ended up hurting someone. So even though I wanted to tell you at that time that Lander and I were done, I didn’t. B-Because I also wanted to forget about you, sabi ko sa sarili ko na tama na, na lalayuan ko kayong dalawa kahit m-ma
Leonariz was just staring at me, as if he couldn’t process what I had just told him. I knew he understood, especially with how many times I caught him swallowing hard, his eyes unblinking as he stared at me. Nababasa ko ngayon sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko, ganoon ang nakikita ko lalo pa at imbis na lumuwag ay mas humigpit ang kapit niya sa akin, mas dumiin.“You… are… saying yes to m-me?”Ikinangiti ko ang bagal ng pagsasalita niya tapos talagang nautal pa siya sa dulo!Nang tumango ako ay nailayo niya ang tingin at napapikit siya ng mariin, pero hindi lang ‘yon, mariin na mariin ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi.“Fck. Really? B-But, I haven’t even started yet courting you.”“Ayaw mo?” mabilis kong sagot, pero ganoon rin ang bilis ng pag-iling niya, as if he was afraid, I might change my mind.Katulad ng sinabi ko kanina, wala na rin namang saysay ang gusto ko sanang panliligaw niya dahil pareho na rin naman kami ng nararamdaman. It's funny ho
Nang mailagay na namin sa dining area ang mga pagkain na dinala niya ay bumalik kaming pareho sa kusina dahil naisipan ko na magtimpla ng juice. Sabi ko nga ay ako na lang pero para siyang buntot ko talaga. Cute pa rin! Pagkahalo ko ng juice sa isang baso ay inilagay ko na ‘yon sa pitcher. Nagsalin rin ako ng kaunti sa isa pang baso para malaman ko kung okay na ba ang lasa. When I tasted it, I nodded because of the right blend. Okay na ‘yong tamis at asim. “Okay na ‘to,” sabi ko sabay balin kay Leonariz, pero nang maisipan ko rin na ipatikim ay iniumang ko sa kaniya ang baso. Kinuha naman niya ‘yon at ininom rin. “How was it?” I asked after he placed the glass beside him. He even licked his lips. “A bit bland,” he looked at the glass, his eyes even narrowed to it. Huh? Napakunot tuloy ang noo ko at nagsalin ulit ako sa baso para tikman. “Sa akin, okay naman?” sagot ko, medyo nagtataka. I took another sip. “Hmm... Oh, it’s good.” Nang inilapat ni Leonariz ang kamay sa lamesa ay
Napapailing na lang ako habang nasa loob ako ng kwarto ko. Sinabihan ko muna si Leonariz na aakyat ako para kumuha ng damit na maisusuot niya, dahil nga itinapon niya sa basurahan ‘yong suot niya.Naisip ko sanang manghiram kay Kuya Ariston, pero baka nag-uusap sila ni Reiz ngayon, kaya nagdesisyon na lang ako na damit ko na mismo ang ipahiram.“Ang lakas rin talaga ng tama niya, eh.”Just because I told him I liked his natural scent more, he went and removed his shirt. Kinabahan talaga ako—what if mahuli kami nila Kuya o ni Reizzan tapos nakahubad siya? Syempre, ano na lang ang iisipin nila? Gosh! At dito pa sa bahay namin nila kami makikita, tapos nasa ganong sitwasyon kami ni Leonariz.Baka rin kung ano ang gawin ng kuya kay Leonariz at isipin na nagte-take advantage ito sa binigyan kong chance.“Buti na lang rin at may mga oversized shirt ako dito. Siguradong kasyang-kasya lang sa kaniya.”Pagkakuha ko sa kulay maroon na shirt ay dali-dali rin akong lumabas ng silid ko. I even sme
Napapikit ako ng mariin. I pressed my lips together and then turned my gaze to Leonariz, who was now with his arms crossed, leaning against the wall while his eyes pierced through me.Ilang hakbang ang layo ko sa kaniya pero sa tingin ay para niya akong hinahatak mismo palapit."W-Why are you staring at me like that?" tanong ko.Gosh! Hindi ko pa naiwasan na hindi mautal! Ganoon ako kakabado? It's not like I'm doing something bad behind his back!"Like what, Arazella Fhatima?" and he answered my question with a question!"Na parang may... ginawa akong mali!" I hissed. At mula sa seryosong tingin niya at nanunuring mga mata ay bigla naman siyang napayuko at unti-unting napangiti."Of course, I wasn't thinking like that, baby."Napasinghap ako sa naging sagot niya, and how his voice softly let out those words, as if he was trying to make me believe him without saying anything more. Otomatiko na nag-init ang buong mukha ko at napahinga ako ng malalim."Don't... call me b-baby, Leonariz.
"H-Ha? No, hindi sa akin 'to."Ngayon, habang nakatingin ako kay Leonariz ay nakita ko na unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya pagkasagot non ni Reiz sa kuya. Lalo na at sa gilid ng mga mata ko ay bumaling ang huli sa akin."Kay..."Doon ko naramdaman ang pagdaan ng malamig na pawis ko sa gilid ng ulo ko na kanina ay wala naman. Naikuyom ko rin ang isang kamay ko na parang nanlalamig na rin."Ara..."My heart was beating wildly! Iba yung kaba ko ngayon lalo na nang naningkit ang mga mata ni Leonariz sa bulaklak!"What? Kanino galing?" tanong ng kuya, kinuha niya ang bulaklak kay Reizzan, pero ganon na lang rin ang gulat ko nang hablutin 'yon ni Leonariz mula sa kaniya."L-Leo–" I was about to call him, pero bigla naman natabunan ang boses ko ng Kuya Ariston."Hoy! Tinitingnan ko pa!""Sino ang nagpadala?" tanong ni Leonariz, his jaw clenching while looking inside the bouquet, and when I noticed that he was probably looking for something to figure out who sent it, I immediatel
I sighed and leaned back in my chair. I also wiped my hands with a tissue after washing them, since I had just put the cupcakes back in the oven."Parang balak na naman niya akong kulitin. Ewan ko, ang hirap i-explain, eh. Mas lalo lang nagiging usapan ng ibang mga estudyante tungkol sa amin dahil ayaw niyang tumigil. All this time, I thought he hated being talked to, but he continues following me and telling other people that he plans to court me.""Baka kasi talagang tinamaan sa 'yo..."That's really hard to believe."Kung gusto niya talaga ako, Reiz, bakit niya ako sinubukan pahiyain sa harap ng mga tao noon sa job fair? Ghad, ang daming malalaking tao doon, not to mention na pina-hiya pa ako sa mga choir members at ibang estudyante ng university namin.""Hmm. May point ka naman. Pero infairness, hindi siya takot sa kuya mo, ha? Nakatanggap na ng suntok kay Ariston ay hindi pa rin tumitigil. Malay mo sa suntok ni Leonariz, magising 'yong si Kade?"Namilog naman ang mga mata ko sa s