REESE' POV
Sabado ngayon at natapos na ang isang linggo kong klase sa YGA. Hindi ko masabing mapayapa o kung ligtas pa ba ako sa kalagayan ko ngayon dahil palagi ko na lang napapansin na nakatitig sa akin si Sky.Nakakatakot siyang tumitig dahil parang may ipinapahiwatig siya doon. Maging si Ryu at ang iba ko pang mga kaklase ay napapansin na ang madalas na pagtitig niya sa akin.Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Napakahirap paniwalaan nun lalo pa't bago pa lang ako sa YGA at sigurado akong marami pang mas magagandang babae ang nagkakagusto sa kanya.Ang isang almost perfect at ang tahimik na si Sky ay magugustuhan ang isang katulad ko? Baka sinabi niya lang iyon para magkalapit kami at magawa niya ulit ang ginawa niya sa akin noon. Idagdag pa ang pagtatangka niya sa buhay ni Ryu. Kahit biro lang iyon ay hindi pa rin maganda ang ginawa niya.Napakamisteryoso ni Sky, hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o kung tunay ba ang ipinapakita niya sa akin o hindi. Tahimik lang siya at halos wala man lang na kinakausap na mga kaklase namin. Maraming nakikipagkaibigan sa kanya pero siya ay wala lang pakialam doon at dinededma lang sila. Parang ako nga lang yata ang kinakausap nun.Kasama ko si Ryu sa living room ng bahay namin habang nanonood kami ng Jackie Chan Movie Marathon. Noong mga bata pa lang kami ay mahilig na kaming manood nito. When it comes to action movies at lalo na kay Jackie Chan pa na idol naming pareho ay nagkakasundo kami ni Ryu."Kare ga shinu yō ni shi nasai. Baka!" [Let him die. Idiot!] Nanggigigil na sabi ni Ryu habang nanonood kami sa part na tatalon na sa building ang kalaban ni Jackie Chan.Natawa na lang ako. Nagni-nihonggo language na naman ang bestfriend ko kapag naiinis na siya."Relax Ryu, kalma lang. Baka maaga kang madeads niyan!" Natatawa kong sabi habang nakafocus pa rin siya sa pinapanood namin.Nagpout lang siya at inis na tumingin sa akin. "Arigatō, watashi wa anata o aishiteimasu." [Pasalamat ka at mahal kita.] Sabi niya nang halos pabulong saka ito tumingin ulit sa pinapanood namin."Ha? Anong sabi mo?"Anong sinasabi niya? Hindi ko naman maintindihan ang sinabi niya."Tsk. Wala!" Sabi niya at nagpahalumbaba na lang na nanood.Hindi ko na lang siya pinansin at nanood na lang ulit. Ang weird talaga ni Ryu kahit kailan. Magsasalita ng Japanese na hindi ko naman maintindihan. Baka mamaya ay minumura na pala ako nito, e.Nang matapos na kaming magmovie marathon ni Ryu ay humiga ako sa mga hita niya habang siya naman ay hinahaplos ang buhok ko. I feel secure and safe kapag kasama ko ang bestfriend ko. Siya lang kasi ang nag-iisang kaibigan ko na masasabi kong totoo at laging nandiyan para sa akin.Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko siya magustuhan as a lover dahil ubod naman siya ng sobrang bait pero hanggang brother-sister lang talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Hindi rin naman niya sinasabi sa akin na gusto niya ako kaya baka ganon lang rin ang turing niya sa akin."Ahm.. Ryu,"Napatingin siya sa akin at nginitian ako. "Ano 'yon, Reese?""Kapag nagkaboyfriend ba ako, papayag ka?" Tila natigilan siya sa tanong ko at umiwas ito ng tingin sa akin.Umupo naman ako mula sa pagkakahiga ko sa mga hita niya at hinarap siya. "Ryu.." Sabi ko.He faced me pero nagulat ako sa naging ekspresyon ng mukha niya. Nakatiim-bagang na siya at nakakunot ang noo."Sa tingin mo ba ay papayag ako? Siyempre, hindi. Maraming mga manlolokong lalake diyan at sasaktan ka lang kaya ayokong magkaboyfriend ka. Bakit, may nagugustuhan ka na bang iba?" May bahid ng pagkainis na sabi niya sa akin at sumama pa lalo ang tingin."Wala. Tinatanong ko lang naman." I heard him cussed kahit mahina lang.Napataas naman ako ng kilay. "Bakit nagmumura ka diyan?"He suddenly held my hand. "Kung gusto mo lang rin naman magkaboyfriend. Bakit hindi na lang ako?"Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya.S-Si Ryu ba talaga ang nagsabi nun?I sighed. "Ryu, magbestfriend tayo 'di ba? And bestfriends are bestfriends forever at wala nang magbabago doon." Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko at binitawan na ang kamay ko.Nakita ko na naglalakad papasok dito sa loob ng bahay ang mga kuya kong sina Kuya Red at Kuya Reevo na mukhang kakauwi lang nila galing sa mga trabaho nila. Naka suit attire pa rin kasi si Kuya Red at si Kuya Reevo naman ay naka white shirt at pants na lang.Xyred Santillan is my second brother. 22 years old na ito at nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya namin. Demitreevo Santillan is our eldest brother. 27 years old na siya at isa nang Doctor.My brothers are really handsome and nice too at hindi na maipagkakaila iyon. Si Kuya Red ay tahimik lang habang si Kuya Reevo naman ay palaging nakangiti at magiliw.When I saw them coming ay lumapit ako sa kanila at nagbeso."Welcome, my kuyas! I miss you both!" Sabi ko habang nakangiti.Kuya Red smiled at me habang si Kuya Reevo naman ay pininch ng mahina ang pisngi ko. "We missed you too, baby girl. May iba ka pa bang kas-"Napahinto naman si Kuya Reevo sa pagsasalita nang makita niya si Ryu na busy na sa paggamit cellphone niya. Ganyan si Ryu, alam niya kasing hindi siya gusto ng mga kuya ko kaya hindi na lang rin siya namamansin sa kanila."Oh? May kasama ka pa lang mapagpanggap at sinungaling. Makaalis na nga at baka masuffocate pa ako sa hangin dito sa paligid." Sarkastikong sabi ni Kuya Red saka na ito nagmadaling umalis.Umiling lang si Kuya Reevo doon at bumaling naman sa akin. "I'll go ahead. I need to take some rest. See you later na lang, baby girl." Kuya Reevo smiled. Ngumiti na lang rin ako pagkatapos nun ay umalis na siya at hindi pinansin si Ryu.Nang makaalis na ang mga kuya ko ay nilapitan ko si Ryu na nakasimangot at nakatiim ang bagang."Ryu, I'm sorry dahil sa inasal ng mga kuya ko sa'yo." I apologized. Tumango lang siya doon."Okay lang. Sanay na ako. Alam ko namang ayaw nila sa akin dahil iniisip nila na inaagaw ko ang atensyon na dapat ay ibinibigay mo sa kanila."Hindi ko alam kung dahil nga ba doon kung bakit ayaw ng mga kuya ko kay Ryu. Hindi rin naman nila sinasabi sa akin ang dahilan kahit ilang beses ko na silang kinukulit doon."Sorry talaga." Paumanhin ko na lang.Ngumiti lang si Ryu hanggang sa bumaba ang tingin niya at napatitig siya sa labi ko.And I didn't expect what he did next.He kissed me.My bestfriend kiss me on my lips!REESE' POVAnd I didn't expect what he did next.He kissed me.My bestfriend kiss me on my lips!Halos hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya. Mulat na mulat ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.B-bakit niya ako hinalikan? I didn't response on his kisses at nang matauhan ako ay itinulak ko siya na ikinabigla niya."W-Why did you k-kissed me?" Nauutal kong tanong.Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Sorry. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." he said and combs his hair. Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya."Hindi mo napigilan ang sarili mo? Ryusuke, we're bestfriends! and bestfriends don't kissed each other! Alam mo naman na bestfriend lang ang turing ko sa'yo 'di ba?" I said.Biglang natigilan si Ryu sa sinabi ko at tumayo ito saka pumalakpak.What the?"Bestfriend? Oh yeah, a bestfriend only. Bestfriend lang ba talaga tayo, Reese? We've been together for almost 13 years tapos hanggang ngayon ay bestfriend pa rin ang tingin mo sa akin?" Mapait niyang sabi. Ako naman
SKY'S POV"What brought you here, Sky? Parang ngayon ka lang yata napadpad ulit dito sa bar ko, ha?" Pambungad na tanong ng nag-iisang kaibigan ko na si Vince. Ang may-ari ng bar na pinuntahan ko.Vince Steffano is 2 years older than me at graduated na siya sa YGA. Naging magkaibigan kami dahil sa pareho naming hilig na sports which is car racing.Vince and I are always competing on that game pero sa huli ay ako pa rin ang nananalo. Hindi naman siya nagagalit na natatalo ko siya at namamangha pa nga ito dahil natatalo ko ang isang katulad niyang Professional race car driver. He's good in car racing pero mas magaling lang talaga ako sa kanya.I ignore him instead at umupo na lang ako sa counter at umorder ng drinks. Napailing na lang siya at umupo sa tabi ko."Sanay na sanay na talaga ako sa'yo, bro!" He laughed.Napailing na lang ako at diretsong ininom ang inorder kong drinks. I'm pissed right now. I confessed my feelings to that transferee and I offered a friendship too pero binaliw
REESE' POVHindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang lalakeng nakilala ko lang sa parke at ngayon naman ay magiging kaklase ko pa."Omg! May gwapo na naman tayong classmate, girl!""Oo nga. Ang daming blessings na dumadating sa atin this year!""Para siyang model. He's really handsome and tall, too!"Pati ang mga kaklase kong babae ay manghang-mangha sa kagwapuhan ng Austin na 'to.Oo na, gwapo naman talaga siya pero ang yabang kasi ng dating niya at sa dinami-rami ng school sa Pilipinas ay sa YGA pa talaga siya nagtransfer? Ayoko man mag-assume pero parang sinusundan niya yata ako para lang sirain ang araw ko.Pagkatapos ng pagpapakilala ni Austin sa amin ay pinaupo na siya ni Prof Pablo sa magiging seat niya at sa kamalas-malasan pa ay nasa likod ko lang siya malapit sa upuan ni Sky.Nang madaanan niya ako ay nginitian niya ako."Hi, Reese! Dito ka rin pala nag-aaral? Sorry, hindi ko alam, e." Napairap na lang ako."Magkakilala pala sila ni Reese?""Maybe? Nakita mo na ng
REESE' POVNang makita kong akmang susugurin na ni Ryu si Austin ay humarang na ako sa harapan niya at tinignan siya nang may pagsusumamo."Ryu, 'wag mo na siyang patulan. Mas lalo lang lalaki ang gulo kapag nag-away pa kayo dito." Nagmamakaawa kong sabi.Ryu laugh sarcastically dahil sa sinabi ko. "Pinagtatanggol mo pa siya kaysa sa akin na bestfriend mo? 'Di ba dapat ako ang kinakampihan mo?"Napapikit na lang ako. He didn't get my point. Ayoko lang na magkasakitan pa silang dalawa nang dahil sa akin."Hindi naman sa ganon pero-" Bigla namang sumabat sa usapan namin si Austin."Bestfriend mo ba talaga siya, Reese? Bakit parang ayaw ka niyang palapitin sa mga lalake especially sa akin? Kanina lang kasi ay napapansin ko na kung todo siya makabantay sa'yo. Dinaig pa niya ang Knight in Shining Armor na boyfriend." At tumawa pa ito ng mapang-asar.Hindi na nakapagpigil pa si Ryu at sinuntok na nito si Austin sa mukha. Napaupo naman si Austin sa sahig at hinawakan ang nagdudugo niyang lab
AUSTIN'S POVAkalain mo nga naman, sakto pa na sa YGA rin nag-aaral si Reese. Ngayon lang ako nagpasalamat sa maingay at bungangera kong nanay na inilipat niya ako sa school na iyon.That girl, when I first saw her, she got my attention. I like her innocence and beauty.Reese's half-Japanese guy bestfriend obviously likes her.Nakakatuwa lang dahil magbestfriend lang sila pero kung makabakod siya kay Reese ay parang sila na. Sinuntok pa niya ang gwapo kong mukha dahil sa naasar siya sa sinabi ko na totoo naman. Hindi naman ako ganito na parang nagseselos.I'm a playboy and all girls are drooling in front of me pero simula nang makilala ko si Reese ay parang may nagbabago na sa akin. Ano ba kasing ginawa ng babaeng iyon sa akin at bakit nagkakaganito ako? Na kahit masungit siya at mataray ay nilalapitan ko pa rin siya para maging kaclose ko lang? Halata namang ayaw niya sa akin pero kinukulit ko pa rin siya. Tsk!2nd day ko na ngayon sa YGA. I gained a lot of friends or should I say "
RYU'S POVHalos maubos ko na ang mga gamit ko sa loob ng condo ko dahil sa matinding pagwawala ko. Sino ba ang Austin na iyon at nanghihimasok pa siya sa buhay namin ni Reese? Alam ko naman na interesado siya kay Reese pero nakakabastos lang na harap-harapan ay ipinapamukha niya sa akin na isang dakilang bestfriend lang ako ni Reese.Hindi ba niya alam na malapit na kaming ikasal ni Reese? Oo nga't nasabi ko kay Reese na okay lang na maging bestfriend niya ako pero wala naman siyang magagawa dahil ipagpipilitan pa rin kami ng parents namin na ipakasal kami.Ano namang magagawa ko kung gusto ko rin ang ideya na ganon? Call me selfish or what pero talagang mahal ko lang si Reese at ayoko na mapunta siya sa ibang lalake.Patuloy pa rin ako sa pagwawala at nagkalat na sa loob ng condo ko ang mga basag at sirang mga gamit ko. Narinig ko mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko ang pagkatok ng ilang beses ni mama sa nagpapanic niyang boses."Musuko,-dōshita no? Doa o akete kudasai!" [Son, what
REESE' POVNang makarating na kami ni Ryu sa classroom namin ay basta na lang akong hinila ni Ailah papalabas at ang sabi niya ay ipapakilala niya ako ngayon sa mga kaibigan niya.Nagpaiwan na lang muna si Ryu sa classroom namin dahil matutulog pa raw siya. Kulang yata sa tulog ang lalakeng iyon. Malamang ay nagpuyat na naman iyon sa kakalaro ng mga online at video games. Napansin ko nga na may iilang sugat siya sa mukha at kamay niya pero ang sabi niya naman ay nasugatan lang siya ng nabasag niyang flower vase. Medyo hindi convincing ang dinahilan niya pero hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon at baka magalit na naman siya.Mababait kaya ang mga kaibigan ni Ailah? Sigurado ako na puro mga babae ang friends niya. Medyo excited akong makilala sila dahil lumaki akong puro mga lalake ang nasa paligid ko na wala man lang ni isang makarelate sa mga gusto at hilig ko. Syempre, babae ako at magkaiba naman ang hilig ng babae sa mga lalake, 'di ba?"Ipapakilala ko sa'yo ang love of my lif
REESE' POVHalos hindi ako makapagsalita nang tumabi sa akin si Sky. Oo nga pala at siya ang Captain ng Basketball Team ng YGA at ang sinabi ni Ailah sa akin ay Varsity Players itong mga kaibigan niya.Kumakabog ang dibdib ko dahil sa presensya ngayon ni Sky. Siguro ay dahil rin ito sa ginawa niya sa akin noon. Sa maamo niyang mukha ay hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na iyon sa akin. His sorry was not enough to make me feel better. Natrauma na ako sa ginawa niya at hinding-hindi ko na iyon malilimutan. I don't know what's on his mind or thinking right now but I need to be careful this time.Sky is not an ordinary person. He's cold, dangerous and mysterious guy."Oh? Kilala mo na pala si Reese?" Tanong ni Carlo na mukhang nagulat pa sa sinabi ni Sky.Sky nodded at tumingin ito sa akin. "Of course, she's my classmate together with Ailah."His stares is so different. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya na kadalasan ay nakikita ko sa mga mata ng ibang tao.Kakaiba nga talaga s
EIRIE'S POV8 years ago"I-I'm pregnant..." Naluluha kong sabi habang nakatingin kay Yuri na nagulat sa sinabi ko.Ipinakita ko sa kanya ang tatlong pregnancy kit na ginamit ko. Natahimik siya nang makita iyon sabay na sinipa niya ang pader na nasa likod niya."Fuck that guy! Why he did this to you?" Humarap sa akin si Yuri at nilapitan ako. Hindi ko na mapigilang mapaluha ulit nang makita ko siyang umiiyak na rin.He doesn't deserve this. Nagbunga ang kahayupan na ginawa sa akin ni Leona. Pati ang sarili niyang kapatid ay pinatay rin niya. Zane is dead at ang pagkamuhi ko sa kanya ay mas lalo pang tumindi. Hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sa akin at maging pati na rin kay Zane."I'm so sorry if I disappoint you, Yuri. H-Hindi ko ginusto 'to." Humihikbi kong sabi. Niyakap naman ako ni Yuri at pilit na pinapatahan."It's not your fault, baby. Kung may pwede man sisihin dito walang iba kundi ang gagong si Leona 'yon." He said na ikinatango ko nalang.Sandali ko siy
"Kuya Leona, okay lang ba sa'yong sinasaktan ka ni Dad? Hindi ka ba nagagalit sa ginagawa niya sa'yo?""Gusto ko sanang magalit kay Dad pero hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya. He's still our father at kahit sinasaktan niya ako ay mahal ko pa rin siya.""Hindi ka po ba magre-revenge, Kuya? Kapag may inaapi hindi ba dapat pong lumaban ka lang?""I will never do that, Zane. If you love someone you need to understand him or her. Walang magagawa ang revenge at galit sa puso mo. Don't hate someone or kill para lang makuha mo ang satisfaction na gusto mo."THIRD PERSON'S POVMahigit isang araw rin ang ginugol nila Yuri, Zane at Rafael bago sila makarating sa Palawan. Hindi alintana ang pagod at puyat nila sa biyahe makarating lang sa lugar na kung saan ay dito nilang pinaghihinalaang dinala ni Leona si Eirie.Hindi na nakapagtatakang magagawa iyon ni Leona dahil alam ni Zane sa sarili niya na lihim na pinagpapantasyahan ni Leona si Eirie. Hindi niya naman gaanong napapansin iyon da
YURI'S POVI'm so worried right now. Kanina ko pa hindi macontact si Eirie kaya nagpunta na ako sa bahay nila. I think na mababaliw talaga ako kung ilang oras ko lang siyang hindi makausap man lang o makasama. I'm already depending my life on her and I have no regrets about that.Nasa labas pa lang ako ng bahay nila Eirie ay nakita ko na kaagad sina Zane at Rafael na mukhang kakarating lang din dito."What are you two doing here?" I asked.Tumawa naman si Zane ng mahina at nagpamulsa ito. "Well, hindi lang naman ikaw ang may karapatang puntahan dito si Eirie kundi kami rin. We just want to see her so what's the problem with that? We're all four together, right?" He smirk.I just closed my fist at tinignan naman si Rafael na nakangisi rin.Ilang saglit pa ay bigla nalang bumukas ang gate nila Eirie at lumabas mula doon ang dalawang lalake na sa pagkakaalam ko ay ang mga kapatid niya. Nagulat naman sila nang makita kaming tatlo."Zane? Bakit ka nandito? Saka bakit kasama mo ang baliw na
THIRD PERSON'S POV10 years agoTahimik lamang na umiiyak si Leona habang nakaupo siya sa isang bench malapit sa paaralan nila at iniinda nito ang mga sugat at pasa dala ng pananakit sa kanya ng ama niya. His father Alfred forcing him to take Business Administration pero hindi iyon ang nais kunin na kurso ni Leona dahil gusto niyang maging doktor balang araw upang matulungan niyang mapagamot ang kanyang Lola Sonia na pinakamamahal niya at ang tanging nag-alaga sa kanya noong bata pa lang siya.Sa buong 18 years na nabuhay si Leona ay puro pandidikta lang ng ama niyang si Alfred ang naririnig at sinusumbat nito sa kanya. Pinipilit siya nito sa mga bagay na ayaw niya at kapag kinontra niya ito ay palagi nalang siya nitong sinasaktan. Dahil sunud-sunuran naman ang kanyang inang si Asra sa ginagawa ng ama niya ay wala itong magawa kahit binubugbog at sinasaktan na siya nito.Leona doesn't want to hate his father dahil kahit anong gawin niya ay ama niya pa rin ito pero masyado na itong sum
EIRIE'S POVNgayon ay nandito ako sa bahay nila Sarah at ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga kaganapan na nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang linggo. Habang nagkukwento ako ay tahimik lang siyang nakikinig sa akin at nang matapos na akong magkwento ay tumango lang siya."So, na fall out of love ka na kay Zane? I think you loved him naman pero mas matindi na nga lang 'yung nararamdaman mo para kay Yuri." Sabi niya."Ayon nga e, tapos ngayon pumayag pa ako sa polyamory set-up naming apat. Alam ko na isa lang ang dapat pipiliin ko sa kanila at si Yuri 'yon pero alam ko rin na masasaktan sina Zane at Rafael." Malungkot ko namang sabi.Sarah tapped my shoulder. "Alam mo girl, hindi naman kita masisisi kung bakit ka nakipag-deal sa dalawang lalakeng 'yon pero sa tingin mo ba ay okay lang talaga sa kanila na naghahati sila sa pagmamahal at atensyon mo? Base sa mga ikwinento mo sa akin ay mukhang obsess na sila sa'yo. Hindi talaga maganda na kasama mo sila dahil alam kong in the end
THIRD PERSON'S POVMinsan talaga ay hindi rin maintindihan ni Eirie ang sarili niya dahil pumasok siya sa isang relasyon na hindi pangkaraniwan o 'weird' man sa paningin ng ibang tao.Magkakaibigan pa ang 'napuntirya' niya at naging boyfriend na niya ang dalawa dito na ang isa sana ay pakakasalan na niya. She can't imagine to have a situation like this. Alam niyang hindi basta-basta ang mga ito at alam rin niyang hindi talaga normal ang takbo ng mga utak nila.She was so scared of Rafael dahil may ginawa itong kahayupan noon sa naging ex-girlfriend ni Zane na may gusto pala kay Yuri. Alam niyang hindi siya titigilan ng binata dahil nakita niya kung paano ito magwala at magalit na katulad rin ni Zane.Minahal niya si Zane at totoo iyon pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila nabago ang nararamdaman niya at ngayon ay si Yuri na bestfriend nito ang mahal niya. She knows that Zane was also a dangerous guy at naisipan pa nga nitong tangkang patayin si Yuri kahit kaibigan pa niya ito.
YURI'S POVHindi ako makapaniwala na pumayag si Eirie sa kondisyon nina Zane at Rafael. Hindi pa ba ako sapat sa kanya? Bakit kailangan pang makisali ng dalawang lalakeng iyon sa relasyon namin?Naiintindihan ko naman kung bakit pumayag si Eirie, ayaw niya lang na masira ang pagkakaibigan namin nina Zane at Rafael at alam ko rin na sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagkagusto kami sa kanya. Wala siyang kasalanan dahil kung mayroon man na ibang sisisihin iyon ay kundi kami dahil kaming tatlong magkakaibigan ay may gusto sa kanya.I know there's something wrong with those two guys. Alam kong hindi nila basta-basta isusuko si Eirie. Kilala ko sina Zane at Rafael at makasarili sila. Pero kung laro ang gusto nila ay ibibigay ko iyon.I can't believe na tinawagan ko ang pinaka-kinaiinisan kong tao sa buong buhay ko. It's none other than my brother Rise. Dahil wala akong ibang makausap at wala naman akong ibang kaibigan ay siya na lang ang tinawagan ko. Hindi ko na rin alam ang iisipi
EIRIE'S POVNandito ako sa condo ni Yuri at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagpunta ni Rafael sa bahay namin nang lasing habang nagwawala siya at hinahanap ako.Habang nagkukwento ako ay kitang-kita ko sa mga mata ni Yuri ang pagpipigil niya nang galit sa mga nalaman niya."Yuri?" Tawag ko sa kanya dahil kanina pa siya hindi umiimik.Bigla ay hinila niya nalang ako papalabas ng condo unit niya. Nang makapasok na kami sa elevator at bumaba na ito ay hinila niya ako ulit hanggang sa makalabas na kami ng building at nasa parking lot na kami."Saan tayo pupunta?" Tanong ko.Humarap naman siya sa akin. "I want to punch that bastard very hard." Gigil niyang sabi hanggang sa makarating na kami sa nakaparada niyang kotse.Magsasalita na sana ulit ako nang nagulat ako sa taong paparating.Si Rafael at may hawak itong baril na ikinatakot ko. Bigla naman akong itinago ni Yuri sa likuran niya nang makita niya rin si Rafael na sobrang sama ng titig sa kanya."I'm glad you went here. Dapat nga a
EIRIE'S POVNang makaalis na si Rafael sa bahay at natigil na ako sa pag-iyak ay pumasok na kami sa loob ng bahay nila Kuya Eros at Dylan. Alam ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila naiintindihan kung bakit mas pinili ko si Yuri kaysa kay Zane dahil hindi ko pa sila kinakausap tungkol don at hindi rin naman sila humihingi ng explanation sa akin.Ngayon ay mas mabuti sigurong ikuwento at sabihin ko na sa kanila ang lahat dahil may karapatan naman silang malaman iyon.Umupo kami sa couch habang inaalalayan ako ng mga kapatid ko. Wala ni isang nagsasalita sa amin hanggang sa binasag na ni Kuya Eros ang katahimikan."Eirie, who's that guy? Bakit ka niya ginugulo?" He asked.Napayuko naman ako. "He's Rafael. Zane and Yuri's friend.""He likes you, too?"I nodded.I heard Kuya Eros sighed. "Sinasabi ko na nga ba. Simula nang makilala mo 'yang mga kaibigan ni Zane ay hindi ka na nila pinapatahimik. I'm so scared because I saw how that guy really wants you. I smell danger kapag mas napal