REESE' POV
Bago pa ulit masaktan ni Sky si Jayden ay pinigilan ko na siya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Sky nang makita niyang niyayakap ako ni Jayden. He's jealous and I knew it. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa akong puntahan ni Jayden dito sa bahay namin at aminin sa akin na gusto niya ako. Hindi ba niya naisip na kasama ko sa bahay si Sky at higit sa lahat ay asawa ko na siya? Hindi ba niya alam na sa pag-amin niya nang nararamdaman niya para sa akin ay magkakagulo lang? Hindi ko alam ang iniisip ni Jayden. He looks so cold and mysterious. Hindi ko nga akalain na sa tipo niya ay magugustuhan niya ako na may asawa na."Sky, tama na please." Pagmamakaawa ko at niyakap na lang siya.Huminga naman ito ng malalim bago ulit bumaling kay Jayden. "You confess that you love my wife? Are you nuts? At nagtapat ka pa talaga ng nararamdaman mo dito mismo sa bahay namin? Wala kang kahihiyan e, no?" He said sarcastically.THIRD PERSON'S POVNakangiti ang batang si Austin habang pinagmamasdan niyang naglalaro ng manika ang kaibigan niyang si Riri. Nakukuntento na siyang pagmasdan ang maganda at maamong mukha nito. Nagkakilala sila sa parke kung saan mismo naglalaro ang magandang bata. Mag-isa itong naglalaro at ayaw nitong maglaro sa loob ng bahay nila dahil hindi ito makasabay sa mga kapatid niyang lalake na iba ang hilig at gusto. Ang batang babae ay limang taong gulang pa lamang samantalang siya naman ay nasa siyam taong gulang na. Gayunpaman ay kahit kuya lang ang turing sa kanya nito ay hindi niya maiwasang humanga at magkagusto sa batang babae. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman pero sigurado siya na sa murang edad nila ay mahal na niya ito.Bigla namang lumungkot ang mukha ni Riri at napatingin sa kanya. Parang maiiyak na ito na ipinagtaka niya."Bakit Riri? May problema ba?" Tanong ng batang si Austin.Tumango si Riri at pinunasan ang mga luha
REESE' POVNandito ang mga kaibigan namin ni Sky sa bahay namin dahil binisita nila kami. Ang mas nakakagulat pa ay nang malaman ko na may relasyon na sila Raven at Serene at pati na rin sina Ivo at Cyndi. Hindi na ako magtataka kung paano naging sina Serene at Raven dahil alam ko namang mahal nila ang isa't-isa pero sina Ivo at Cyndi? Ivo is a gay and Cyndi likes my husband pero paano naging sila? Mas minabuti ko na lang na hindi magtanong at natutuwa pa nga ako dahil isang ganap na lalake pa rin naman pala si Ivo at si Cyndi naman ay kay Ivo na ibinabaling ang atensiyon niya at hindi na kay Sky. Cyndi and I are in good terms naman. Nagsorry na siya sa kasalanang ginawa niya sa amin ni Sky at okay na sa amin iyon."Talaga? Nagpunta pa talaga 'yung Jayden na 'yon dito sa bahay niyo para lang umamin ng nararamdaman niya para kay Reese?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ailah nang ikwinento ni Sky sa kanila ang pagpunta ni Jayden sa bahay namin at ang pag-amin nito ng
CYNDI'S POV"Cyndi, pwede ba tayong mag-usap nang tayong dalawa lang?"Napaangat ako ng tingin pagkatapos kong ilagay sa lababo ang mga pinagkainan namin ni Ivo at nagulat ako nang si Sky ang makita ko.Gusto ko si Ivo pero mas lamang pa rin ang pagkagusto ko kay Sky. Pero alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan at si Reese lang talaga ang babaeng mahal niya. Binabaling ko na lang ang atensyon ko kay Ivo para makalimutan si Sky pero sa ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove-on sa nararamdaman ko. Si Sky kasi ang unang lalakeng minahal ko but I don't want to ruin again his relationship with Reese dahil alam kong hindi tama iyon."A-ah, sige. Ano bang pag-uusapan natin?" Sabi ko nang hindi makatingin ng diretso sa kanya.Napagitla ako nang bigla niya akong iniharap sa kanya at tinitigan sa mga mata. Siya na yata ang pinakagwapong lalakeng nakita ko sa buong buhay ko. Ang akala ko ay wala nang mas lalamang pa sa itsura ni Austin pero nal
SERENE'S POVNandito ako sa bahay nila Ivo at siyempre nandito rin ang girlfriend niyang si Cyndi. Ininvite kasi ako ni Cyndi na pumunta rito para maturuan niya ako kung paano magpaganda at mag-ayos ng sarili ko. Wala daw kasi akong pakialam sa kung anong ayos ko kahit maganda ako at baka ipagpalit daw ako ni Raven sa iba kapag hindi ako maganda palagi sa paningin niya. Alam ko namang hindi ako magagawang ipagpalit ni Raven sa ibang babae pero siyempre ay gusto ko namang palagi akong maganda sa paningin niya kaya pumayag na ako sa inalok ni Cyndi sa akin. We're now friends at nagsorry na siya sa ginawa niyang pagsira sa relasyon nila Sky at Reese. I said sorry to her too dahil naman sa ginawa naming pagsugod sa bahay nila Austin at sinaktan siya physically. Ayos lang naman daw iyon dahil kasalanan niya ang lahat. Mabait naman pala si Cyndi, siguro ay nabrainwash lang talaga siya ni Austin noon para gawin nila ang bagay na ikasisira sa relasyon nila Sky at Reese. Busy naman
RED'S POVKakagaling ko lang sa opisina ko at nagpapahinga na ngayon dito sa sala. Ilang beses ko nang tinitignan ang cellphone ko kung nagtext na ba si Tina pero wala pa rin. Bumuntonghininga ako at saka hinilot ang sentido ko.Tina's plan is to broke up with Kuya Reevo. Hindi naman raw kasi talaga niya mahal si kuya at ako pa rin hanggang ngayon ang mahal niya. We're dating now pero naudlot nga lang iyon nang sinabi ni Tina sa akin na nalaman na ni Kuya Reevo na may nangyari na sa amin at nagkikita pa ng palihim. Ayaw pa makipag-break sa kanya ni kuya at alam ko na nauulit na naman ang pagiging isang martyr niya nang dahil lang sa isang babae. I know its wrong to get back my brother's girlfriend pero mahal ko si Tina at mahal niya rin ako. Sana nga lang at matanggap na ni Kuya Reevo ang katotohanang hindi siya mahal ni Tina at ginawa lang siyang panakip-butas."May plano ka pa palang umuwi dito. Sana hindi ka na lang bumalik at doon ka na tumira sa condo mo." Napaangat ako ng tingin
JAYDEN'S POVUmiling ako habang inaalala ko kung paano ko ipilit ang sarili ko kay Reese. What I have done? Bakit ko ba nagawa ang mga bagay na iyon? Alam ko namang biro lang ang sinabi sa akin ni Kuya Warren noon bago siya namatay. I just suddenly obsessed with Reese to the point na pinuntahan ko na siya sa bahay nila ng asawa niya. Inamin ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya kahit alam kong magiging problema sa kanila iyon ng asawa niyang si Sky. Ito kasi ang unang beses na magkagusto ako sa isang babae at nabigo pa ako kaya kung anu-ano na lang ang mga desperadong galaw ang ginawa ko para lang makuha ang atensiyon ni Reese.Hindi naman ako ganito pero tuluyan na akong nagbabago dahil sa isang babae. Ano ba kasing meron si Reese Santillan-Avenido at bakit ako nagkakaganito sa kanya? Pati ang sikretong itinatago ni Oliver kay Wesley ay nasabi ko na pero mas mabuti na lang at nasabi ko na iyon para naman mag-usap silang dalawa ni Wesley tungkol do'n."Natauhan ka na rin sa wakas,
SKY'S POVNapapikit ako habang hinihilot ang sentido ko. Marami akong iniisip at sa tingin ko ay sasabog na ang utak ko sa dami ng pinoproblema ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, masyado na akong namanhid at nahihirapan sa sitwasyon. Idagdag pa 'tong lecheng puso ko. Napailing na lang ako habang iniisip ang nangyari kina Reese at Zeke sa loob ng isang condo. I suddenly clenched my fist and jaw. I saw the pictures of them that we're almost going to make out. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala ng mga pictures na iyon but thanks to him/her dahil kung hindi ko pa nakita 'yon ay hindi pa aaminin sa akin ni Reese na muntik nang may mangyari sa kanilang dalawa ni Zeke. Hindi man lang ba niya ako kayang pagkatiwalaan at sabihin ang bagay na 'yon sa akin? Maiintindihan ko naman siya kung anuman ang magiging dahilan niya kung bakit nangyari sa kanila iyon ni Zeke pero hindi pa rin. At dahil sa pagiging tanga ko na sa pag-ibig ay pilit ko na iyong kinakalimutan. Iniisip ko na lang na nadala
REESE' POVHabang kumakain kami ng lunch ni Sky ay nagulat na lang ako nang makita namin si Jayden sa harapan namin. Mukha siyang malungkot at hindi makatingin ng diretso sa amin. Bigla namang napatayo si Sky mula sa pagkakaupo namin at tinitigan ng masama si Jayden. Hindi ko alam kung ano ang rason niya para pumunta pa ulit dito sa bahay pagkatapos ng pag-amin niya ng nararamdaman niya para sa akin at pati na rin sa pag-aaway nila ni Sky nang dahil lang doon pero sana ay huwag na siyang mag-eskandalo pa ulit dahil paniguradong gulo na naman ang mangyayari ngayon."What are you doing here? Guguluhin mo na naman ba kami ni Reese? Sasabihin mo na naman ba ulit sa amin na mahal mo siya?" Sarkastikong tanong ni Sky. Lumapit naman ako sa kanya saka siya hinawakan sa balikat.Napayuko naman si Jayden saka ulit tumingin sa amin ni Sky. "A-Alam kong mali ang ginawa kong pag-amin ng nararamdaman ko para kay Reese kahit alam kong kasal na siya sayo, Sky. I realized na mali ang ginawa ko kaya na