Morris."Don't tell her that you're still here, Mors," Linus advises."And why is that?" My brows met halfway."Because that's not you. You don't give your location to anyone, lunatic."I laughed a little bit and shook my head. Linus was right. I don't easily give my location unless it's them, my cousins, asking for it. But Brielle is not just anyone. . . I like her."It seems like you like her. How serious?"I stared at Linus on the big screen. He's not even looking at me. He was busy sorting something. I did not answer and just rested my back on my chair.I'm not sure about it, but one thing is sure… I miss her."Hey, Mors. Don't you know that Cappytano is after you?" He changes the subject.Napatingin na siya sa akin ngayon na seryoso. Nawalang bigla ang tanong niya kanina tungkol kay Brielle.It wasn't important anyway. Linus knows that, and he doesn't care much about it. He is more concerned about the enemies around us."And what does he want? Cappytano was off the hook a long t
Brielle."We need to leave, tiya."Hindi umimik si tiya. Alam ko na pagod na siya sa kakatakbo. Medyo matagal na rin kami sa isla. Mag tatatlong taon na. Ito yata ang pinakamahaba na nanatili kami sa isang lugar. Madalas naman kasi noon ay palipat-lipat kami ng tirahan dahil sa mga taong humahabol sa amin."Pagod na ako sa kakatakbo, Breille… Matanda na ako."I press my lips together and look at her.Naipasok ko na ang iilang gamit na kailangan ko. Sa syudad na muna kami. Mas mabuti roon, dahil maraming tao at madali kaming gumalaw.Iniwan ko na ang susi sa bahay ni Morris kay Manong Paeng. Siya na muna pansamantala ang magmamatyag sa paligid. Sa kanya ko na rin iniwan ang susi ng bahay at ng tindahan."Tiya, we have to go, or else…" my lips trembled."Kilala ko ang mexicanong mafia na 'yon, tiya. Mas halang ang kaluluwa nu'n kaysa kay Alfred. Si Cappytano ang nagpapatay sa halos lahat ng mga tauhan ni Alfred, tiya. Kailangan natin na umalis!""Pero bakit ikaw ang hinahanap, Brielle?
Brielle.Tatlong katao agad ang sumalubong sa amin. Tinitigan ako mula ulo hanggang dibdib. Nagtagal ang tingin nila rito sa dibdib ko at napangiwi ako."Hindi ko alam kung anong pinasok mo, Alfred. Nananahimik ako ng iilang taon.""It’s not my fault, Brielle. I was lucky that I was alive… Akala ko nga pinatay ka nila noon. Kaya noong nalaman ko na buhay ka, ay inisip ko na sa mga tagong Isla ng Pilipinas ka nagtatago. Wala ka namang record na lumabas ng bansa." Pabulong niya.Napabuntonghininga ako at nahintong saglit. "At talagang hinanap mo ako ano? Kasalanan mo rin pala 'to!"Nawala agad ang ngiti niya. "Nagbabakasakali lang naman…"Nagtagpo ang kilay ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at nilampasan ako. I slightly scoffed at his back, annoyed at him.Noon paman ay talagang balakid na si Alfred sa buhay ko. Para siyang linta na ang hirap alisin sa balat ko. Sumisipsip sa dugo ko. Paunti-unti hanggang wala nang matira sa akin. Saka lang din bibitaw kapag wala na siyang nakukuha."
Brielle.Nanginig ang tuhod ko nang tuluyan na akong nakalabas. Nagmaneho ang isa sa mga tauhan ni Cappytano para makabalik na ako sa lugar nila Clara.Ibibigay raw sa akin bukas ang kaisa-isang misyon ko at pera. Isa lang ang pinapagawa sa akin ni Cappytano. At kung matagumpay ko itong magampanan, ay pinangako niya na hindi na niya kailanman kami gugulohin ni tiya."Don't trust Cappytano, Brielle. Halang ang bituka niya. Wala akong tiwala sa kanya."At nakuha pa talaga ni Alfred na mag komento tungkol sa bagay na ito. Eh, siya nga itong nagpahamak sa akin!Nakabalik na kami at wala na ang mga tauhan ni Cappytano sa paligid ko. Pero alam kong meron nagmamanman sa akin ng sekreto. Maraming mga mata na sa paligid, kaya dapat ay mag iingat na ako sa bawat galaw ko."Get the hell out of here, Alfred! I don't need you. You better save yourself and run away from here." My eyes cut sharp on him."Kung ayaw mo na matuluyan ka, ay umalis ka na! Bumalik ka sa lungga mo!" Galit ko siyang tinali
Brielle.Ba't hindi ko ito alam. Bakit wala akong alam sa pagkatao niya? Napaupo akong wala sa sarili at tulalang nakatitig sa kawalan.Si Morris ba talaga ang gusto ni Cappytano? Bakit? Pero nasa Italya na siya. Sigurado ako rito. Tinawagan niya ako noong nakaraang araw. Nasa Italya na si Morris!Pero. . . Ano 'to? Ba't may isang katulad niya? O, baka may kakambal siya?Kalokohan talaga!Ginulo ko ang buhok. Sumakit ang ulo ko, at ayaw ko ng basahin pa ang lahat ng tungkol sa kanya.Ibang Morris yata 'to eh? Kakambal niya? Ganoon lang siguro. Pero impossible talaga! Hindi maari ito.Binuklat ko ulit at tuluyan nang binasa ang lahat. Huminga ako nang malalim, at saka bahagyang natawa na sa sarili. Napatingin na tuloy ang iilang matanda na malapit lang sa kinauupuan ko. Siguro naisip nila na baliw na ako.Oo! Magiging baliw na yata ako sa mga sandaling ito!Dalawang basong tubig na malamig ang naubos ko. Malayo ang nilakad ko. Hindi ako sumakay ng taxi, at sinadya ko talaga na maglaka
Morris.We have our plan. Bryce is here for that and Glenn is making himself the sidekick.My brother does not belong into this type of business. Malinis siya at iba ang linya ng mundo sa mundo ko, pero sadyang matigas ang ulo niya. Ito yata ang ugali namin na magkapareho.Renzo and the other boys remained extremely vigilant. Cappytano was making a move, trying to get a lot of bad people onto his side to put me down. But it was too bad, and he still couldn't bring me down that way. An ominous black sheep like me is hard to tame. I will kill him first before he can make his moves."We have a spy on our side, Mors. We need to find out who it is." Bryce furrowed his brow while working on the gadgets.Magaling siya, at katulad ni Xavion ay mabilis nilang nakukuha ang signal ng kalaban at napasok ang sistema nila.It must be because Bryce, Xavion, and Hendrix used to work in the same gang before. Of course, they all have the line that was given by their parents. Bryce may not have the sam
Morris.We found ourselves at Bryce's hideout, the nearest place to our location. It's well-positioned. The securities remain secure, and Cappytano has likely not tracked us yet. Bleu and Reeve, along with their team, are at Cappytano's site. If they find him, it will be a nightmare for Cappytano... this will be his end. "Sa labas muna kami ni Glenn, Mors. I will update you soon. Reeve and Bleu are on it now.""Okay. . ." Napaigting ang panga ko nang maisaradoni Bryce ang pinto ng kwartong ito.I inhaled deeply and turned halfway to look at Brielle. My brows knitted together as she averted her eyes, evading my piercing stare."What the hell are you doing there, Bree?" I already know the answers to that, but I still want to listen to her.I step closer towards her and she looks at me shyly. We stared."Come on, talk…" I placed my hands on my hips, preparing to listen.She blinked and swallowed hard. "C-Cappytano gave me the mission… Hindi ko naman alam na ikaw iyon!"I chuckled, sha
Brielle.I twisted my lips as I looked at myself in front of the mirror.Nakakatawa ang t-shirt na suot ko at shorts. I'm sure kay Glenn ito. Mahilig nga naman siya sa mga ternong kulay. Magkaibang magkaiba sila ni Morris.Glenn is tidy at his stuff. Lahat nakaayos, at naka-plansa pa. Pero si Morris? Huh, kahit na habulin pa siya nito ay wala siyang pakialam.Ginulo ko ang buhok. Wala akong suklay. Tinapon yata lahat ni Morris ang gamit ko. Sana nga lang hindi niya tinapon ang ID ko at passaporte. Nandoon iyon sa bagpack. Binigay niya iyon kay Glenn.I feel so airy underneath. Wala akong panty. Basa iyon! Alanggan naman suotin ko eh basa pa nga!Huminga ako nang malalim at saka lumabas na. Wala si Morris sa kwarto. Siguro lumabas na. I grabbed some candy mint on the silver round bowl. May tsokolate naman, pero hindi ko gusto. Naiinis pa ako, at gusto kong kumalma muna.Aalis kaya ako? Pero saan naman ako pupunta? Wala rin akong pera! Kinuha lahat ni Morris 'yon. Walang cell phone. Ku
New BeginningAnastacia.Note: This is seven years later. The twins are now six years old.Binalot ko ang makapal na jacket sa katawan. Tumigil na ang ulan. Kailangan kong umakyat sa bubong kahit na hindi mabuti ang pakiramdam ko. Wala kong choice at kailangan ko ng gawin ito. Baka kasi mamaya ulit ay uulan na naman. Mas mabuting maagapan ko na ngayon.I need to climb up the roof to check the leak. The rainwater drips in Zev's bedroom. It's not that bad, but it really annoys me every time I hear the drip sound inside his room. It sounds frustrating, and my poor boy can't even complain. It hurts to the bones to see my children struggle along with me.Hindi man nila sinasabi sa akin ito, ay ramdam ko ito bilang isang ina. Naiinis ako at galit ako sa kung ano man ang sitwasyon meron ako ngayon. Wala akong ibang masisisi kung 'di ang sarili mismo."Mama? Aakyat ka?" Celestine Skye looked innocently at me, my sweet, beautiful baby."Yes, Skye. Get back inside. You will get wet, anak."Kin
Anastacia.Mama accepted it without knowing the entire truth about my secret. Only Tessie knows everything, and she promised me that she would never tell anyone about it.Bumalik na si Mama sa probinsya. Marami siyang ginawa para mapagaan ang lahat sa akin dito sa loob ng bahay. Babalik siya sa kabuwanan ko, at mananatili ng iilang linggo.May isang anak si Mama sa bago niya, pero malaki na ito. Nasa high school na si Neri. Mabait na bata at magalang. Malapit siya sa ama niya at nakakaingit ang closeness nila.I have no memories of my father. He left us when I was only five years old. Mama and he were never married. Since then, I haven’t seen him. The last I heard, he was doing well and living in Baguio with his five kids."Okay ka lang ba, Anastacia?"“Oo, okay lang.”Abala kaming pareho ni Kagawad Camilla. Siya ang kasama ko ngayon sa convention ng lungsod. Nasa Cagayan de Oro kami, at dalawang araw kaming mananatili rito dahil sa convention. Parte ito ng bagong proyekto na iniluns
Anastacia."Ano? Dalawang buwan!? Anong klaseng lalaki ba siya? Hindi pwede 'to, Anastacia! Babalik tayo doon. Kakalbuhin ko ang lalaking 'yon!""Ang galing naman niya! Pagkatapos siyang magpakasarap sa 'yo ay ganun na lang ba? Wala lang sa kanya ang lahat? Anong klaseng lalaki ba siya!? Pesti! Halika! Babalik tayo! Bilis!"Hinila niya ang paa ko at pinadyakan ko siya. Bumitaw siya at mabilis kong binalot ang kumot sa katawan. Umiiyak ako. Hindi hihinto ang luha sa mga mata ko dahil nasasaktan ako ngayon. Pinipilit kong magpakatatag, pero bakit ang hirap? Sinusubok ako ng tadhana at pakiramdam ko ay wala na akong pag asa sa lahat.I have no work, and I'm running out of money. What will I do next?"Anastacia…"Ramdam ko ang pag upo ni Tessie sa paanan. Minasahe niya ang paa ko, at tahimik siyang nakikinig sa hikbi ko.Promise, huli na ito. Bukas at sa mga susunod na araw ay ayaw ko ng umiyak. Nakakapagod umiyak. Nakakawalang gana sa buhay. Pero ganito naman talaga 'di ba? Kasalanan ko
Diezel.My eyebrow raised while listening to John. He's got less than twenty seconds before he fuck up. How the hell will he bring an investor to this project if he can't deliver his report properly? He can't even justify some of this. I'm not listening to him while I read his report. It's full of nonsense."Next!""B-But, Sir. I'm not yet done.""You're fired. Next!" I blurted out, fixing them with a hawk-like stare. When I locked eyes with them, they all averted their gaze."Damn it! Wala bang maayos na proposal sa inyong lahat? These reports are all boring! How will you bring a golden egg to the table if all your proposals are as boring and useless as shit!Tumayo ako at saka napabuntonghininga sa sarili. I need some air, or I could end up dismissing the entire team.Lumapit si Joel sa akin at bumulong."Your secretary is on the line. It's important, she said."I rolled my tongue, and Joel handed me the phone."Yes, Sharon?" I raised my eyebrows. "I'm not in a good mood already, S
Anastacia.Bago na ang lahat. Pinalitan niya ang lahat ng staff rito at hindi ko na kilala ang mga ito. Kahit pa ang gwardiya ng gusali ay bago.What the heck? Talaga bang ginawa niya ito dahil ayaw na niya akong makitang muli?Shit.Hindi ko na tuloy alam kung tama pa ba itong ginagawa ko ngayon. Nanginig tuloy ang tuhod ko, at peke akong ngumiti sa babae rito sa front desk. Nasa likod ko naman si Tessie."Yes, Ma'am. How can I help you?" She smiled, but it was obviously a fake smile. She looked at me from head to toe and back again."Uhm, I would like to see Mr. Dennis Ezequil Mondragon?" Kumurap kurap ako. Nilakasan ko na ang loob."Oh? Do you happen to have an appointment with him, Ma'am?""A-Appointment? Wala, Miss."Nawala ang ngiti ko. Inaasahan ko na ito. Kilala ko si Diezel, at kahit noon pa ay hindi siya basta-basta tumatangap ng bisita.Ang buong akala ko ay nandito pa sina Kimmy at Dora. Pero wala na. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Nilipat din ba sila ni Diezel?"Sorry
Anastacia."Ano!? Buntis ka? At dalawa pa talaga? Shit!"Parang putok ang boses ni Tessie sa tainga ko. Sinabi ko na sa kanya. Wala akong ibang mapagsasabihan at siya lang din."At ano ang plano mo, aber?"Namaywang siya at seryoso akong tinitigan. Umiwas ako at nagpabalik-balik ang lakad ko sa harapan niya."Hindi ko alam. Nalilito ako, Tessie." Kinagat ko na ang pang-ibabang labi."No, Anastacia. I know what you're thinking. Hindi puwede 'to! Kailangan mong sabihin sa kanya! Sasabihin mo at sasamahan kita!"I paused and inhaled deeply."Paano kung ayaw niya? Paano kung ipagtabuyan niya ako, Tessie?"Takot ako, at hindi ako handa kung sakaling magkikita kami ulit. Hindi na kailanman sumagi sa isip ko na makipagkita sa kanya.After he abandoned me, I erased his existence. I hated him so much! I want to forget him. At kung kailan ay okay na ako at handa na ang puso kong makalimot sa lahat, ay saka naman dumating ang problemang ito.Talagang hindi ko na makakalimutan si Diezel dahil bu
Diezel.What are the odds? I'm so effing bored. I raked my hair in exasperation, feeling so frustrated.I'm back here in the business after Italy. I went to Italy to forget Anastacia, but damn it. I couldn't get over with her. I couldn't forget her. Every time I shut my eyes I always see her face, crying, pleading and I feel effing guilty about it.Kung hindi ako pinigilan ni Joel ng gabing iyon, ay tiyak kasama ko na si Anastacia ngayon.I was determined to leave because it was the right thing to do, even if my heart said no. I hesitated and briefly considered going back to Anastacia, but Joel stopped me. He told me there was no hope for me and Anastacia. If I chose her, it would only complicate everything.Damn him! Damn them!They think my life is a game, right? Eff them all.Yes, I have set my goals. I want to build a perfect family with an Italian heritage. That's the ideal gift I could give to my mother and to the whole clan. The Elders are hoping that I will produce an Italian
Anastacia.I was crying the entire time I was inside my bedroom. After he dropped me off yesterday morning, I never went out. I have no work anymore. I've finished all my work at Diezel's company, and I have no plans to look for other work at the moment. Ang buong akala ko pagkatapos ng masasarap na gabi namin ay iisa na kami. Nagkamali ako, dahil heto umiiyak ako ng wala sa sarili.I was hoping that he would come back. I never went to bed last night. I was waiting for him the entire time. My cell phone was not even turned off. I was waiting for Diezel to call me, but it never happened.Siguro nalilito siya at nag iisip? Iyan lang ang iniisip ko, na baka hindi siya nakatawag agad dahil nag iisip pa siya. Pero mukhang wala na yata, dahil dalawang araw na ngayon simula nang huli ko siyang nakita, at wala pa rin akong balita sa kanya.The two days have suddenly passed into seven days, and still, Diezel has not even contacted me.Mataas ang pride ko, pero sobra na ito. Ganun na lang ba
Anastacia.Naimulat ko ang mga mata at wala na si Diezel sa tabi ko. Bahagyang nakabukas ang bintana. Maliwanag na, pero maaga pa naman. Humikab ako at saka napangiti nang maalala ang ginawa namin. Nakakataba ng puso iyon, dahil ramdam ko na mahal ako ni Diezel sa kabila ng lahat. Gusto niya ako!Tumayo ako para hanapin siya. Lumabas ako ng kwarto niya at bumaba ng hagdanan."Diezel?" I called him, and my eyes surveyed his place as I descended the stairs.This place is massive. This is one of Diezel's place in town. "I'm here, Anastacia." He calls back.Binilisan ko ang hakbang. Nasa kabilang banda siya, sa baba, sa mismong opisina niya.Ang bahay na ito ni Diezel ay malapit lang sa opisina ng kompanya. Madalas na ako rito dahil na rin sa trabaho. Alam ko na ang lahat sa kanya, at pinagkakatiwalaan niya ako sa lahat ng bagay.Nakabukas nga naman ang pinto ng opisina niya rito, at nakaupo siya nang pumasok ako. Parang tinatapos lang ang ginagawa."Nagtatrabaho ka?" Nangunot ang noo