CHAPTER 36: LILAC Oh God, please save us! Napahawak ako sa tiyan ko nang tumigas at kumirot iyon matapos kong makaamoy ng nasusunog. Dali-dali kong kinuha ang comforter ng kama at binasa iyon ng tubig mula sa bathroom. Isiniksik ko iyon sa ilalim ng pinto at muling nagbasa ng kumot para ibalot sa sarili. I let the water flow freely on both shower and sink. Bahala na kung bumaha iyon! I need to survive! Binuksan ko ang bintana ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga taong nagsisitakbuhan palabas. "Help! Please! Tulong!" sigaw ko. Mas lalo akong nataranta nang makarinig ng pagsabog sa kung saan at napaupo ako dahil sa takot. Niyakap ko ang sarili ko at napatingin sa phone nang tumunog iyon. Ate Myrna is calling... Kaagad ko iyong sinagot. "Hija, nasaan ka?!" halata ang pag-aalala at takot sa boses niya. "Sa kwarto ko po!" malakas na sagot ko dahil sa takot nang maramdamang mas umiinit ang paligid ko at nawawalan na ako ng hangin dahil sa kapal ng usok. Tinakpan ko n
CHAPTER 37: STRONG "Bayad na po ang bills ng pasyente, ma'am." Umurong ang luha ko sa kakahagulgol dahil namo-mroblema ako kung saan kukuha ng ipangbabayad. Giving birth through cesarean section is more expensive than a normal delivery. Hindi rin sapat ang ipon namin nina Ate Myrna at Rafael. I need to withdraw my money from the bank! That is my only resort to pay for my hospital bills and future expenses. Pero ano itong sinasabi ng nurse sa amin ngayon? "Sino ang nagbayad?" kuryosong tanong ni Rafael habang nakakunot ang noo. Lumapit naman si Ate Myrna. "Totoo ba ang sinasabi mo, nars?" hindi makapaniwalang tanong nito habang hawak ang kamay nito. That is my reaction too! I looked at my sleeping daughter on my arms. "Could it be your daddy, Lilac?" mahinang tanong ko. Napalunok ako ng mariin at umiling. No, paano niya naman nalaman na nandito kami? "Hindi ko po alam, ma'am. Pero bayad na no'ng pumunta ako sa Cashier. Heto po ang resibo," paliwanag nito at may inabot na papel
CHAPTER 38: LATE EX-WIFE Instead of moving to another place, we stayed in Rafael's late father's house here at Cagayan Valley. Sayang din kasi iyon, naipa-ayos na namin kaya mas komportable na lalo na kapag umuulan dahil may kisame na iyon. Natatakot kasi talaga ako kapag malakas ang ulan at rinig na rinig iyon sa yero. "Ganda, limang order ng sisig at pakbet combo. Paki-doble na rin ng rice!" Ngumiti ako sa suking customer na construction worker. He always order for five set here in Ate Myrna's Eatery. Yes! After 5 months, it was renovated and no longer a lomihan only! Nagbebenta na rin kami ng mga ulam na pananghalian at meryenda tulad ng palitaw, tupig at mais con yelo dahil tag-init na. Tuwing umaga ay si Ate Myrna ang nandito kasama ni Rafael at Ate Baby na siyang katulong ni Ate Myrna sa pagluluto. Pag tanghali na ay nagpapalit kami sa pag-aalaga kay Lilac kaya ako ang nagtitinda rito. Gamay na gamay ko ang math kaya mabilis lang akong makakuha at makapagbigay ng sukli p
CHAPTER 39: GIRLFRIEND "Here are your cards, Sir Frank and Blaze," paliwanag ko sa dalawang bababa na sa 10th floor. Sa 20th floor pa kasi ang couple. "Do you want me to assist you to your rooms?" alok ko pa. "No, I'm good," mabilis mamang sagot ni Frank kaya napangiti ako. "Just press 3 on the telephone when you need me," paalala ko pa. "Sure, thanks, Ria!" malawak ang ngiti niya nang magpaalam siya. "I need an assistant," sagot naman ni Blaze. Umangat ang kilay ko. Ano namang kailangan nito? "Sure, sir," maagap na sambit ko at hinarap si Blake at iyong kasama niya. "Here is your card for Room 206 at 20th floor, ma'am, sir. Do you need my assistant with your luggage?" "We're good," sagot ni Blake kaya napatingin ako sa kanya. "Oki doki, just call me when you me!" masigla pa ring paalam ko bago bumaba ng elevator para samahan si Blaze. "Thank you, miss!" paalam pa ng girlfriend ni Blake kaya kumaway pa ako bago tuluyang sumara ang elevator na sinasakyan nila. "Sorry to
CHAPTER 40: DRUNK "Kuya, nandito ka pala!" Tumawa pa si Blaze. Hindi ko naman alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. I feel guilty because I'm with Blaze. I feel like I'm cheating on him. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa naisip. I am Ria! Not Dahlia! I should act like one. "Uh, galit ka pa rin sa akin, sir?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Pero mas lalo lang nanliit ang mga mata niya. I'm smirking in my mind right now. He looks hotter when he's mad. Mas nagiging depinido kasi ang panga niya at mas lumalakas ang dating. "Ano? Bakit nagalit si kuya sa 'yo?" interesdong tanong ni Blaze sa kanya. "None of your business, Blaze! Why did you even bring her with you?!" he sounded like he's disgusted over me. Nawala tuloy ang pilyang iniisip ko tuloy sa kanya. Natabunan iyon ng galit kaya hindi ko mapigilang magtaray din sa kanya. "Excuse me, sir? Hindi ko naman ginustong isama niya ako rito. It's his request. If you don't want my presence then just drop me off. No need
CHAPTER 41: STAY "Naalala mo si Dahlia sa kanya, kuya?" Nakahiga ako sa kama ni Blaze nang marinig iyon galing sa kanya. So Blake is inside this room too? Sumama talaga siya sa amin! "Who's Dahlia?" boses iyon ni Blake. Bumilis ang tibok ng puso ko nang banggitin niya ulit ang pangalan ko. It's been so long! But what does it mean? He forgot about me? "'Di mo rin siya maalala? Basta... kalimutan mo na lang 'yong sinabi ko." Mas lalo akong naguluhan. What are they talking about? Hindi ako maalala ni Blake bilang Dahlia Silvestre? Why? What happened? "Who is Dahlia, Blaze?" nahimigan ko ang pagbabanta sa boses ni Blake nang tanungin ulit niya ang kapatid. "My ex wife," tangging sagot ni Blaze. Silence filled the room after that. Dahil doon ay unti unti nang na-relax ang katawan ko at bumagal ang paghinga dahil dinadala na ako sa mahimbing na pagtulog. Naalimpungatan ako na madilim na ang buong kwarto at tanging ilaw na nagmumula sa lampshade lang na nakabukas sa gi
CHAPTER 42: BOYFRIEND "Good morning, ma'am," pormal na bati ni Blake kay Ate Myrna nang papasukin ko siya sa bahay namin. I suddenly remember the first time they met at my Apartment in Batangas. Akala ni Blake ay mommy niya si Ate Myrna. They somehow have a connection because of Beatrice. Tita Beatrice is Blake's stepmother and she also made Ate Myrna suffer from the past. "Magandang umaga rin, hijo," sagot ni Ate Myrna at nakita kong nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin. "Kaibigan ka ng anak ko?" tanong niya kay Blake. I love how she maintained being in character with our new set up! Akala ko ay aakto siyang kakilala niya na si Blake dahil nagkita naman na sila dati pa. "I'm one of their Hotel's VIP guest. We just met a while ago," seryosong paliwanag ni Blake. It sounded surreal how we just met and now, makikitulog siya rito sa amin! "Mahabang kwento, ma! Pero hinatid niya ako rito kahit madaling araw na. Kaso takot yata siya sa mga aso..." dagdag ko at humalakhak p
CHAPTER 43: SORRY "Hi, what's your order, sir?" tanong ko kay Blake nang siya na ang sunod sa pila. He really did fell in line and waited patiently! "The best seller please," sagot niya. "I think it's the Pinakbet?" hindi siguradong tanong ko kay Rafael. "Si Ria talaga ang best selling dito, sir! Pwede mo rin siyang i-take out!" nang-aasar na sagot niya. What the hell?! He's really pushing me to Blake? Bigla ay gusto ko siyang sampalin! "Sorry, sir! Don't mind him," pilit kong nginitian si Blake at sinulat na ang order niya at pabalang na ibinigay iyon kay Rafael. "Take out or dine in, sir?" dagdag ko. "Dine in," sagot ni Blake sa mababang boses kaya tumango ako. "Copy! Pahintay na lang ng order, sir," paliwanag ko at tinignan na ang lalakeng nasa likuran niya. Pero hindi gumalaw si Blake. Umarko tuloy ang kilay ko. "Anything else po?" "I want an empanada too," dagdag niya kaya mabilis akong inihanda ng maliit na paper bag at thong para kunin ang order niya. Nila