CHAPTER 1 "Dad seryoso po ba kayo sa sinasabi nyo? Ipapakasal nyo ako sa isang lalake na hindi ko naman po kilala," inis na sabi ni Ayesha sa kanyang ama. "Anak pasensya ka na talaga pero kailangan natin itong gawin dahil walang ibang makakatulong sa atin ngayon kundi ang pamilya Madrigal lamang. Kaya anak pakiusap pumayag ka na. Para rin naman ito sa pamilya natin," sagot ni Daniel sa kanyang bunsong anak na si Ayesha. "Pero dad ni hindi ko nga po kilala ang lalaki na yun," pagmamaktol pa ni Ayesha. "Dad baka naman po may iba pang paraan para hindi tuluyang bumagsak ang kumpanya natin at hindi ko na po kailanganin pa na magpakasal sa lalaki na yun," pakiusap pa nito sa kanyang ama. "Pasensya ka na anak pero wala ng iba pang paraan dahil nalulugi na ang ating kumpanya.. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong magpakasal sa kaisa isang anak ng pamilya Madrigal para maidalba pa natin ang ating kumpanya," pinalidad na sabi ni Daniel sa anak bago nya tinalikuran si Ayesha at ang
CHAPTER 2"Bakit po ba kasi ayaw magpakita muna ng anak nila sa akin? Panget ba yun? Matanda na ba yun? Takot ba sya sa akin? Maganda naman ako at hindi nangangain ng tao bakit ayaw nyang humarap sa akin?" sunod sunod na tanong ni Ayesha sa kanyang ina ng mapansin nya na kalmado na ito."Hindi ko rin alam ang dahilan nila anak. Kaya wala tayong choice kundi ang sundin na lamang ang gusto nila para sa kapakanan ng ating kumpanya. Kaya please anak pumayag ka nang magpakasal sa unico hijo ng pamilya Madrigal," pakiusap pa ni Rita sa anak.Napabuntong hininga na lamang si Ayesha dahil ano pa nga ba ang magagawa nya e mukhang nakapagdesisyon na ang kanyang mga magulang tungkol dito. Ayaw naman nya na mapahiya ang mga ito ng dahil sa kanya."Ano pa nga ba ang magagawa ko mom kundi ang sumunod na lamang po sa gusto ninyo dahil nakasalalay po rito ang ating kumpanya," sumusukong sagot ni Ayesha sa kanyang ina.Mabait at magalang na anak naman si Ayesha sa kanyang mga magulang dahil mahal na m
CHAPTER 3 Hindi naman mapakali si Ayesha sa kanyang higaan dahil hindi sya makatulog. Naiinis kasi sya sa isipin na ipapakasal sya sa taong hindi naman nya mahal. Ayaw naman nyang suwayin ang kanyang mga magulang dahil ayaw naman nyang madisappoint ang mga ito sa kanya. Isa pang dahilan din ng kinaiinis nya ay hindi man lang nya muna makikilala ang mapapangasawa nya dahil nga ang gusto nito ay sa mismong araw na ng kasal sila magkikita. "Bakit kaya ayaw nilang ipakilala muna ang anak nila? Matanda na kaya iyon? Di kaya sunog ang mukha nya kaya ayaw nyang magpakita muna sa akin?" kausap ni Ayesha sa kanyang sarili habang nakahiga sya at nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto. "Pero okay lang naman sa akin na hindi gwapo basta itrato lamang ako ng maayos ay okay na iyon sa akin," kausap pa nyang muli sa kanyang sarili. Nagulo na lamang nya ang kanyang buhok dahil sa mga iniisip nya. "Hay ano ba yan? Nakakainis naman. Masyado nila akong pinag iisip," kausap pang muli nya sa kanyang sa
CHAPTER 4Mula sa kinauupuan ni Lucas ay blangko nyang tinititigan ang isang babae na pumukaw sa kanyang atensyon kanina pa. Isang babae na todo kung sumayaw sa dance floor kasama ng iba pang mga naroon sa bar."Hey bro. Kanina ka pa tahimik dyan a," sabi ni Gerome sa kaibigan dahil kanina pa ito tahimik na sumisimsim ng alak."Kanina mo pa tinitingnan yung babae na yun a," sabi ni King saka sya lumingon sa babaeng kanina pa tinititigan ni Lucas. "Infairness maganda at makinis bro," dagdag pa nya.Sinamaan naman ng tingin ni Lucas ang kaibigan nya. Nang mapansin naman ni King ang tingin sa kanya ng kaibigan ay dali dali na syang lumayo rito."Hey. Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Pinuri ko lamang ang babae na iyon. Hindi ko naman aagawin sa'yo," sabi pa ni King."Tsk. Manahimik ka na lamang kasi," sagot ni Lucaw saka nya muling tinitigan ang babae na kanina pa nya tinitingnan.Mula sa pwesto nya ay kitang kita nga nya na napakagandang babae na yon. Bigla tuloy syang napa isip na sa
CHAPTER 5 Hindi naman na namalayan pa nila Ayesha at ng mga kaibigan nya na naparami na pala ang inom nila at talagang tinamaan na rin sila ng espirito ng alak. "G-guys hindi ko na t-talaga kayang umuwi. Nahihilo na ako," nabubulol bulol pa na sabi ni Zoey kila Ayesha at Janna. "Ako rin hindi ko na kaya. Pipikit na talaga ang mata ko," sagot naman ni Ayesha na nakasandal na lamang sa kanyang kinauupuan. "Mabuti pa ay dito na lamang tayo magpalipas ng gabi ang alam ko ay mayroon namang mga room dito na pwedeng pag stayan," sagot naman ni Janna na pipikit pikit na rin. Maya maya ay may lumapit na staff ng naturang bar kila Ayesha at nagtanong kung mag ookupa daw ba sila ng kwarto roon kaya agad naman na umo-o ang tatlo dahil hindi na talaga nila kayang mag drive pauwi dahil baka maaksidente lamang sila. Ilang saglit lamang ang hinintay nila Ayesha at ng mga kaibigan nya ng bumalik ang naturng staff at ibinigay ang susi ng room nila. Isa lamang ang kinuha nilang room doon dahil tin
CHAPTER 6 LUCAS MADRIGAL Bahagya pa na inilapit pa ni Lucas ang kanyang mukha sa babae upang makita nya ng malapitan ang mukha ng babaeng nakayakap sa kanya ngayon at napangiti na lamang sya ng makita nya na ang babaeng kanina pa nya tinitingnan na sumasayaw sa dance floor ay ang babae na nakayakap ngayon sa kanya. "Hhmmmm," rinig pa ni Lucas na ungol ng babae na halata mong lasing din. Dala ng kalasingan at pagnanasa sa babae ay dahan dahan pa nyang inilapit ang kanyang labi sa labi nito saka nya ito hinalikan. At dahil nga sa pareho silang may tama ng alak ng babae na iyon ay agad na tinugon ng babae ang halik nya. Ang banayad na paghalik ni Lucas ay naging mapusok lalo na ng maramdaman nyang tinutugon ng babae ang halik nya at nakikipag espadahan na rin ito ng dila sa kanya kaya lalong nabuhay ang libido sa kanyang katawan. Habang magkahinang ang kanilang mga labi ang kamay naman ni Lucas ay naglulumikot na sa katawan ng babae at isa isa na nyang tinatanggal sa pagkakabu
CHAPTER 7LUCAS MADRIGALMuli ay sinibasib ni Lucas ng halik ang babaeng kasama nya sa silid. Agad din naman syang tinugon ng babae kaya lalo namang nag init ang kanyang katawan at gusto na nya itong maangkin kaagad.Dahan dahan naman na ibinuka ni Lucas ang hita ng babae at saka nya itinutok ang galit na galit na nyang pagkalalake sa perlas ng babae kasama nya.Sa una ay dahan dahan pa ang ginagawa ni Lucas na pagpasok sa kanyang shaft pero napakunot na lamang ang noo nya ng marinig nya ang impit na pagtili ng dalaga na parang nasasaktan."M-masakit. D-dahan dahan lang. Please," pakiusap ng babae kay Lucas habang nakangiwi na ang mukha nito at halata mong nasasaktan talaga ito kaya lalo namang napakunot ang noo nya."First time mo ba ito?" hindi na nya maiwasan na itanong sa babae. Kita naman nya ang pagtango ng dalaga habang nanatiling nakapikit ito."Fuck. I'm sorry pero hindi ko na kayang pigilan pa ito. Nandito na tayo at dadahan dahanin ko na lamang," sagot ni Lucas sa babae da
CHAPTER 8AYESHA SALCEDONagising naman si Ayesha dahil naiihi sya. Pagkabangon nya sa higaan ay napahawak pa sya sa kanyang ulo dahil biglang sumakit iyon dala siguro ng kalasingan nya kagabe.Akmang tatayo na sana sya ng maramdaman nya na parang mahapdi ang kanyang pagkababae kaya naman kinapa nya iyon at ganon na lamang ang gulat nya ng makapa nya sa ilalim ng comforter na wala siyang suot na damit.Sumilip pa sya sa loob ng comforter at nanlaki na lamang ang mata nya ng makita nya na hubo't hubad nga sya. Pilit naman nyang inaalala ang nangyare kagabe pero wala syang matandaan.Kikilos pa sana sya ng maramdaman nya na parang may matigas na bagay sa tabi nya kaya naman dahan dahan syang lumingon dito at napaawang na lamang ang bibig nya ng makita nya na mayroon syang katabi sa kama na lalaki na nakahubad din habang nakadapa.Napaawang na lamang ang bibig nya at biglang dagsa ng reyalisasyon nya kung ano ang nangyare kagabe. Nang makahuma si Ayesha sa pagkabigla nya ay dahan dahan
CHAPTER 154"Mommy napatawag po kayo? Kumusta po ang lakad nyo ni Ayesha?" agad na tanong ni Lucas sa kanyang ina pagkasagot nya sa tawag nito."Lucas anak si Ayesha," sabi ni Shiela sa anak nya at halos hindi nga nya agad masabi rito ang nangyare. Bigla namang natigilan si Lucas sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ng kanyang ina at halata nya nga sa boses nito na kinakabahan nga ito."Bakit mom? Ano po ang nangyare kay Ayesha?" tanong pa muli ni Lucas sa kanyang ina."B-bigla kasing n-nawala si Ayesha anak. H-hindi ko na sya makita. Natatakot na ako anak baka kung anong mangyare kay Ayesha," naiiyak ng sabi ni Shiela sa kanyang anak na nasa kabilang linya."Mom calm down. Pumunta ka na muna sa customer sevice ng mall at ipa page mo ang pangalan ni Ayesha. Dun mo na lamang din ako hintayin pupunta na ako r'yan," sagot ni Lucas sa kanyang ina. At agad na nga nyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadali na nga sya kaagad na makaalis sa kanyang kumpanya."Sige anak. Bi
CHAPTER 153"Sandali lang," sabi pa ng babae at hinarangan pa nga nya si Ayesha. "Ano ka ba naman ang tagal din natin hindi nagkita Ayesha. Ahm. M-may ibibigay ako sa'yo. Parang gift ko na rin kasi matagal tayong hindi nagkita," dagdag pa ng babae at hinawakan pa nga nya sa kamay si Ayesha. "Tara muna saglit. Kunin natin sa table ko yung gift ko sa'yo," sabi pa nito at akmang hihilahin na nga nya sa kamay si Ayesha pero tumigil nga si Ayesha."S-sandali lang. Next time na lang siguro kasi baka hinahanap na ako ni mommy," sagot ni Ayesha at babawiin na nga sana nya ang kanyang kamay ng hilahin nga sya nito."Saglit lang ito," sabi ng babae at saka nya hinila na nga si Ayesha.At dahil nga buntis si Ayesha ay hindi nga sya makapalag ng maigi sa babaeng nay hawak sa kanya kaya naman nagpatianod na lamang sya rito. Pagkalabas pa nga nya ng CR ay natanaw pa nga nya ang mommy Shiela nya na kausap ang waitress na nag seserve ng pagkain kaya hindi sya nito napapansin. Gustuhin man nya na tawa
CHAPTER 152Kinabukasan naman pagkatapos kumain nila Ayesha at Shiela ng lunch ay agad na nga silang nag gayak ng kanilang mga sarili para makapunta na nga sila sa mall.Sinama kasi talaga ni Shiela si Ayesha para maibili nya nga ito ng mga maternity dress lalo na at unti unti na nga na lumalaki ang tyan nito. At isa rin nga sa dahilan nya ay dahil hindi na nga ito nakakalabas labas pa ng mansyon.Pagkarating nga nila sa mall ay agad naman na silang dumiretso sa pamimili ng nga maternity dress ni Ayesha at parehas pa nga silang tuwang tuwa na magshopping ng nga gamit ni Ayesha. Napapatingin pa nga sila sa mga baby dress na naroon kaso ay hindi pa nga sila maaaring bumili non dahil hindi pa nga nila alam kung ano ba ang gender ng ipinagbubuntis ni Ayesha at isa pa ay masyado pa ngang maaga para mamili non dahil apat na buwan pa lang naman ang tyan ni Ayesha."Mommy tama na po siguro ito. Masyado na po yatang naparami ang nabili natin na damit ko," awat na ni Ayesha s aina ni Lucas dah
CHAPTER 151Agad naman na napangiti si Lucas sa sinabi ng isang bumibili doon. Napabaling naman ang tingin nya sa tindera at may hawak na nga itong kutsilyo para hiwain ang pakwan."Manang wag nyo na pong hiwain. Okay na po iyan. Bibilhin ko na po ang pakwan na iyan. Kung saan saan na po ako nakarating sa paghahanap ng pulang pakwan kaya kukunin ko na po iyan," sabi ni Lucas sa tindera at saka sya kumuha ng isang libo sa kanyang wallet at iniabot sa tindera.Ibinalot naman na ng tindera ang pakwan at akmang kukuha na nga ito ng panukli nya ay nagsalita naman si Lucas."Sa inyo na po ang sukli. Sa susunod po na may gustong kainin na prutas ang asawa ko ay dito na lamang po ako bibili. Maraming salamat po," sabi ni Lucas at kinuha na nga nya ang pakwan at saka dali dali ng umalis doon at agad na umuwi sa kanilang bahay.Pagkarating naman ni Lucas sa kanilang mansyon ay nadatnan naman nya si Ayesha na nasa sala kasama ang kanyang ina.Nagulat pa nga si Shiela ng makita nya ang itsura ni
CHAPTER 150 Matulin naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay halos isang buwan na ang nakakalipas simula ng lumabas si Ayesha ng ospital.Sa isang buwan na iyon ay maayos na maayos naman na ang lagay ni Ayesha at apat na buwan na nga sya na buntis ngayon. Pero sa kabila nga noon ay hindi pa nga rin talaga ito nakakaalala. Bumalik na rin naman sila ng ilang beses sa ospital para sa follow up check up ni Ayesha at ang sabi nga ng doktor nito ay okay naman na ang lahat ang resulta ng mga exam na ginawa rito at nirmal na nga ang lahat pero hindi pa rin nga nila masagot ang tanong kung bakit nga ba hindi pa bumabalik ang alaala ni Ayesha.Ngayon nga ay narito sa garden ng mansyon si Ayesha at nakangiti pa nga nyang tinitingnan ang maraming bulaklak na tanim doon ng ina ni Lucas."Anong ginagawa mo r'yan babe?" nakangiti naman na tanong ni Lucas kay Ayesha ng makita nga nya ito roon na nakaupo lamang.Agad naman na napalingon si Ayesha sa gawi ng nagsalit at napangiti na nga lamang
CHAPTER 149"Welcome home Ayesha," sabay sabay pa na sabi ng mga tao na nasa loob ng mansyon nila Lucas at naghihintay sa pagdating nila.Nagulat naman si Ayesha sa biglang pagsigaw ng mga naroon sa loob ng mansyon pero napangiti na nga lang din sya ng mamukhaan nga nya ang mga tao na naroon sa loob na naghihintay sa kanya."Welcome home mommy," sabay pa na sabi ni Brylle at Bryan sa kanilang ina kaya naman napatingin si Ayesha sa mga ito at matamis nya nga itong nginitian at saka nya ito yinakap."M-maraming salamat sa inyo," sabi naman ni Ayesha. "Salamat din mga anak," baling naman ni Ayesha sa kambal.Sa nakalipas kasi na mga araw ay unti unti na lamang nga na kinikilala ni Ayesha ang mga tao sa kanyang paligid at kahit hindi pa rin nga nya naaalala ang kambal nyang anak ay parang nakikilala naman ito ng kanyang puso kaya naman tinatawag na nya nga rin ito na mga anak ngayon."Mabuti naman at nakalabas ka na rin sa wakas sa ospital Ayesha. Mas magandan nga na dito ka na lamang mag
CHAPTER 148Lumipas pa nga ang ilang araw at unti unti na nga na nagiging maayos ang pakiramdam ni Ayesha. Nakakatayo tayo na rin sya at kahit papaano ay nakakakilos kilos na rin sya ng mag isa. Kaya laking tuwa naman ni Lucas dahil doon. Pero sa kabila nga noon ay hindi pa rin nga nakakaalala si Ayesha."Dok kumusta po ang lagay ni Ayesha ngayon? Bakit po kaya hindi pa rin sya nakakaalala?" tanong ni Lucas sa doktor ni Ayesha ng bumisita ito sa silid ni Ayesha. Mahimbing naman na natutulog ngayon si Ayesha kaya naman linapitan na ni Lucas ang doktor at nagtanong na nga sya rito tungkol sa kundisyon ni Ayesha."Ayos naman na ang pasyente at pwede nyo na nga rin syang iuwi kung gusto nyo. Ang tungkol naman sa kanyang amnesia ay hindi ko naman masasagot kung kailan iyon babalik. Iba iba kasi ang kundisyon ng may mga ganyang uri ng amnesia. Merong araw lang ay bumabalik na ang alaala at mero naman na inaabot din ng linggo, buwan o taon. Pero mayroon din na iba na hindi na talaga bumabal
CHAPTER 147Nagulat naman ang kambal sa sinabi ng kanilang ama. Parang hindi sila makapaniwala na hindi sila maalala ng kanilang ina."Po? Pero bakit po?" tanong pa ni Brylle."Dahil sa aksidente at ilang araw na walang malay ang mommy nyo ay nagkaroon nga sya ng amnesia. Pero sabi naman ng doktor ng mommy nyo ay babalik naman daw ang alaala nito. Kaya sa ngayon dapat magbehave muna kayo sa mommy nyo ha. Bawal pa syang mapagod at bawal pa rin syang magsaway sa inyo kaya naman dapat magbabait na muna kayo ha," paliwanag pa ni Lucas sa kambalNapatingin naman ang kambal sa gawi ng kanilang ina na natutulog pa rin at malungkot nga nila itong tiningnan. Kahit kasi mga bata pa lamang ang nga ito ay naiintindihan naman na nila ang nangyayare ngayon sa kanilang ina.Matapos na kausapin at paliwanagan ni Lucas ang kambal ay tahimik lamang naman na nakaupo ang mga ito at inabala na nga lamang ng mga bata ang kanilang sarili sa panonood ng cartoons.Maya maya nga ay nagising naman na si Ayesha
CHAPTER 146"S-salamat. P-pasensya ka na talaga kung hindi kita maalala ha. Pinipilit ko naman kaso wala.talaga akong maalala na kahit na ano," tila nahihiya pa na sabi ni Ayesha kay Lucas.Linapitan naman ni Lucas si Ayesha at saka nya nga ito hinawakan sa kamay at matamis nya nga itong nginitian."Ayos lang yan. Naiintindihan naman kita at isa pa ay wag mong pilitin ang sarili mo na makaalala. Sabi ng iyong doktor ay kusa naman daw iyang babalik kaya wag mo ng pilitin pa ang iyong sarili. Sa ngayon ay magpalakas ka na lamang muna para makauwi na tayo at para rin makasama ka na ng mga bata dahil namimiss ka na nila," nakangiti pa na sabi ni Lucas kay Ayesha."Maraming salamat talaga. Sana lang talaga ay bumalik na ang alaala ko dahil napakahirap ng ganito. Hindi ko malaman kung sino sino ba kayo para akong bavong tao na wala man lang maalala na kahit na ano," sagot ni Ayesha kay Lucas. Tumayo naman na muna si Lucas at kinuha nga nya ang pagkain na inihahanda nya kanina."Ang mabuti