CHLOE POVAFTER 5 MONTHSMakalipas ang limang buwan matapos ang aking panganganak ay hindi pa rin kumpleto ang kaligayahang nadarama ko sa aking puso. Akala ko ay makakalimutan ko kaagad ang panget na ngyari sa buhay ko nang araw na isilang ko ang triplets pero nagkamali ako ng akala. Pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa aking pagkatao na kailangan kong bunuin. Alam kong hindi sapat na hindi makita o makasama ng triplets ang kanilang ama. Alam kong unfair ito para kay Senyora pero kailangan kong magpaalam na sa kaniya para buuin ang aking pamilya. "Luisa ikaw munang bahala sa triplets, pupuntahan ko lang si Senyora?!" pakiusap ko sa katuwang kong mag-alaga sa mga bata."Walang problema Mam Chloe!" sabi niya sa akin. Humalik muna ako sa tatlong bata at humugot ng lakas ng loob sa mga ito. Habang nasa hallway ako ay nag-iisip na ako ng maaring kong idahilan kay Senyora kung bakit ako babalik kay RIley. Ayokong patagalin pa ang bumabagabag sa aking isipan.Tatlong katok ang aking ginaw
Binalibag ko ang pinto kung saan naruruon ang triplets. Galit na galit ako ng makabalik ako sa silid nito."Ihanda mo ang gamit ng triplets. Babalik na ako kay Riley" matapang kong utos kay Luisa. Dahil sa ingay kong kumilos ay nagising ang mga bata. Natakot ang mga ito sa mga tunog na nililikha ko dahil sa pagbabalibag ko ng gamit."UNGaaa! UNgaaa!""WAHHHHHHH" malalakas na palahaw ng sanggol ang salitang maririnig , natataranta din si Luisa habang nag-lalagay sa maleta ng gamit ng triplets.Lumapit ako sa mga crib ng mga ito at isa isa ko silang pinatahan, nag-uunahang pumatak ang aking mga luha habang pinapatahan ko ang triplets, "SHHHHH SORRY NA BABY!, HINDI GALIT SI MOMMY SA INYO!, (tuloy tuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha ko kahit anong piit ang gawin ko, hindi ko matanggap na kaya ako naghirap sa piling nila Mama dahil pala iyon sa hindi ko sila tunay na magulang at sa kamay ng sarili kong magulang ay pinagkait sa akin ang katotohanang wagas at tapat ang pagmamahal na inaala
RILEY POVTHE DAY AFTERNapabalikwas ako ng gising ng maalala ko ang eksenang hinintay kong mangyari for more than 1 year ago. "Panaginip lang pal ang lahat anas ko sa aking sarili". Laking pagkadismaya ko ng hindi ko makita si Chloe sa aking tabi. Akala ko kagabi ay katabi ko na itong matulog. Marahil ay sa sobrang pagkalasing ko iyon. Napakapit ako sa aking ulo at tinawagan kong pabalik si Olivia dahil nakakailang misscall na ito sa akin. Ring lang ng ring ang telepono nito. Minemessage ko ay hindi naman sumagot, tumayo ako sa aking higaan at pumunta na ng CR. “D*MN nag uwi ba ako ng babae kagabi?! SH*T nagtaksil ako kay Chloe” mga salitang nabulalas ko sa aking sarili ng makakita ako ng damit ng babae sa aming laundry basket. Nagmadali na akong maligo. Habang nagbibihis ay inaalala ko ang aking panaginip, napasaplo ako sa aking ulo. Sumasakit ito sa kakaisip at dahil na din sa hang over ko ito. Nagulat ako sa aking naririnig. Nahihibang na ba ako?! Ano to minumulto na ako ng anak k
CHLOE POVNaglihim ako kay Riley ng tanungin niya ako kung sino at saan ako nagtago ng ganuon katagal , siguro natakot akong malaman ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Hindi ko din alam anong pumasok sa isip ko at hindi ko kagad sinabi kay Riley ang tungkol kay Senyora Carolina na tunay kong ina. Kung tutuusin wala namang masama kung malaman ni Riley na nagmula talaga ako sa mayamang pamilya. Ito ang parte ng ngyari sa aking pagtatago na hindi ko kinuwento kay Riley. Isa rin sa kinatatakot ko ang malaman ni Riley na ang tunay kong ina ang dahilan kung bakit hindi ko kaagad naisipang makabalik. Siguro nga ay mali ang aking ginawa pero gusto ko lang alamin din ang katotohanan mula sa aking mga bibig. Habang kami ay nagkukwentuhan ay siya namang pag tunog ng malakas ng doorbell. Nagmamadali itong tinakbo palabas ni Riley dahil magigising ang triplets sa ingay nito. Ang hirap pa naman patulugin ng mga ito kapag nagising na. Mahilig na kasi silang maglaro ngayon.Humahangos ng tak
CHLOE POV Sa wakas makalipas ang isang linggong panunuyo ko kay Luisa ay napapayag ko din siyang maging katuwang kong mag alaga sa triplets. Nangako si Riley na pasasahurin niya ang mga ito ng parehas na halaga ng kanilang sahod kay Senyora. Sa araw na pagdating nila Luisa ay araw naman ng byahe ni Riley para sa kaniyang business meeting sa Spain. Kaya naman ako lang ang mag-isa ngayon sa bahay. Nang tumuntong ng alas siyete ng umaga ay biglang dating nila Luisa at ng asawa niya. "Chloe!" masayang bati sakin ni Luisa, yumakap kaagad siya sa akin pagkababang pagkababa niya sa sasakyan. Bumati din sakin ang asawa ni Luisa na sa mga pagkakataong ito ay pabalik din sa mansyon dahil hindi pa siya pwedeng umalis kay Senyora dahil siya lang mapapagkatiwalaan ni Senyora pagdating sa pagmamaneho para sa kaniya. "kumain na muna tayo bago ka bumalik!. mahirap gutom sa byahe." pag-aaya ko sa asawa ni Luisa. "oo nga namiss ko din ang luto mo. Okay lang nagpaalam naman ako kay Senyora kay
CHLOE POV Makalipas ang tatlong araw na pag alis ni Riley ay masaya ko itong sinalubong sa airport sa kaniyang pagbabalik. Kasama ko si Luisa at ang triplets sa aming pag pagsundo. Yumakap ako kay Riley . Namiss ko ito kahit ilang araw lang ang naging pag alis nito. Nang gabing iyon habang nakahiga kami ni RIley ay parang nababalisa din ako sa sinabi ni Luisa sa akin tungkol sa kundisyon ni Senyora. Alam kong hindi naman masamang tao si Senyora isa pa ay ayoko ng maglihim ng matagal kay Riley. "Love mayroon sana akong gustong sabihin sayo!" nakatingin ako nag-aalangan man ay nilakasan ko ang aking loob. "mukhang seryoso ang sasabihin mo aah." nagtatakang tanong niya sa akin. "mmm pano ko ba sisimulan, ganito kasi Love, hindi ba tinanong mo ako noon kung saan ako nagtago nung mga panahong nawala ako?! hindi ako sumagot sayo kasi hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Si Luisa ang saksi sa lahat. Noong panahong umalis ako, tatalon sana talaga ako sa tulay sa may batuhan kung saan
SA MANSYON MAKAPALIPAS ANG ISANG LINGO CHLOE POV Ilang oras din nagtagal ang aming byahe patungo sa mansyon kagaya ng napag-usapan namin nila Luisa at Manang ang pagbabalik ko sa mansyon ay gagawin naming isang malaking sorpresa para kay Senyora Carolina. Hinanda ko na ang triplets , humingi na kami ng senyales kay Manang ng tamang pagkakataon ng aming pagpasok sa mansyon. Kasama namin si Riley at sa aking pagtataka ay tila kabisado nito ang pasikot sikot ng Mansyon, hindi ko na lang ito masyadong binigyan ng pansin. Makalipas ang ilang minutong paghahanap ng tiyempo ay hinudyatan na kami ni Manang. Habang abala si Senyora na mag-ayos ng mga bulaklak sa kaniyang garden ay dahan dahan kaming naglakad sa kaniyang likuran. Nasira lang ito ng biglang umiyak si Cassandra. Laking tuwa nito ng makita niya kami. "bakit hindi ka nagpasabing darating kayo?" tanong niya sa akin. "Kilala niyo naman na si Riley diba?!" tanong ko sa kaniya "ofcourse i know him, VERY WELL!" makahulugan
“Ayoko ng magpaligoy ligoy pa Riley hindi kita gusto para kay Chloe. Layuan mo siya, ayokong mangyari kay Chloe ang ginawa mong pang iiwan sa ere kay Amanda” tahasang sabi ni Mrs.Carolina .Ramdam ko ang bigat sa kaniyang mga binibitawang salita. Inaasahan ko naman na din ito. Hindi pa rin niya ako napapatawad sa kasalanang hindi ko naman ginawa. “Mrs. Carolina naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit niyo sakin. Beleive me or not kahit ako sinisisi ko ang sarili ko sa ngyari kay Amanda. Dapat ay sinamahan ko siya hanggang maging maayos siya pero naduwag ako. Hindi ko naman inaasahang lahat pala ng magandang pakikitungo ko sa kaniya ay binagyan niya ng iabng kahulugan, pasensya na po sa work pero ayun ang katotohanan. Hindi ko siya gustong saktan, mahal ko siya bilang kaibigan pero hanggang duon lang yun . Alam kong ako lang ang tinuturing niyang kaibigan pero pati iyon ay pinagkait ko sa kaniya.Pero patawarin niyo ako kung hanggang ngayon iniisip niyong isa sa kinasama ng loob
5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n
CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n
CASSANDRA POV Tumindig ang hukom mula sa kanyang upuan. “The court will now deliberate on the presented evidence,” aniya, at iniwan kami sa isang nakakabinging katahimikan. Tumigil ang oras para sa amin ni Charlie. Naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel at ang mga buntong-hininga ng iba pang tao sa loob ng korte, ngunit para sa akin, tila nasa ilalim kami ng tubig, malabo at mabagal ang lahat. Nakaupo lang si Charlie, nakatitig sa harap, pero alam kong halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Ako naman, nakaayos ang pagkakaupo, pinipilit magpakita ng lakas. Hindi ko siya maaaring saluhin kung makita niyang ako mismo ay basag. Ilang minuto pa ang lumipas na parang isang mahabang siglo bago bumalik ang hukom sa kanyang pwesto. Umupo siya at tumingin sa amin ng may bigat. “After reviewing the evidence presented,” aniya, “the court finds that there is substantial proof to merit the granting of the petition for annulment.” Hindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko—kal
CHARLIE POV Ilang linggo pa ang lumipas, at dumating ang araw ng preliminary hearing para sa kaso. Pormal na pumasok sa courtroom si Sharmaine, kasama ang kanyang abogado. Napansin ko ang pagbabago sa aura niya - tila wala na siyang kumpiyansa tulad ng dati. Marahil alam niyang wala na siyang ligtas. Habang nagsasalita ang abogado ni Sharmaine, ipinakita nila ang argumento na hindi raw sapat ang ebidensya para makakuha ng annulment. Pero nang magsalita si Atty. Janela, dala niya ang lahat ng dokumento, testimonya, at pati ang leaked video na nagpapatunay ng pagtataksil sa akin ng aking asawa. Nang ipakita ang video, nakita kong napayuko si Sharmaine, habang ako naman ay nanatiling matatag. Tila sa mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik ang dignidad na matagal na nawala sa akin. “Your Honor,” sabi ni Atty Janela, “this video is not just a breach of trust in a marriage. It is a public humiliation caused by the respondent’s actions. My client has suffered enough, and we believe th
Ilang linggo matapos magsimula ang proseso ng annulment, isang tawag mula kay Atty. Janela ang nagbigay ng bagong hamon para kay Charlie. Kinakailangan nilang magkita ng kanyang dating asawa na si Sharmaine upang mag-usap ng ilang legal na aspeto ng kanilang kasal. Hindi ito maiiwasan, lalo na’t may mga dokumentong kailangang pag-usapan nang harapan. Sa araw na iyon, sinamahan ko si Charlie sa meeting place—isang neutral na opisina na pinili ni Atty. Janela. Tahimik si Charlie habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya, lalo na’t matagal na niyang iniwasan ang ex-wife niya mula noong nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil. Hindi ko naman siya masisisi dahil magmula naman nuon ay wala na siyang ibang nakarelasyonbukod sa kaniyang napang asawa. Nerd kasi itong si Charlie, although gwapo siya ay masyado siyang tahimik unlike Christopher na super walwal. HIndi ko kasi maintidihan sa kapatid kong to. Hindi mahilig pumorma, pati ang kaniyang buhok ay gusto niya yung mga