Nayien
NAPAPIKIT AKO dahil sa takot. Alam kong baril itong nakatutok sa aming batok ngayon. Tumingin ako kay Sam at walang emosyon yung mukha niya. Nakatingin lang siya sa harap pero hindi niya binitawan ang kamay ko.
"Kamay sa likod!" Matigas na sabi ng taong nakatutok ng baril sa akin. Dahan dahan kong binitawan ang kamay ni Sam pero ayaw niyang bumitaw sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya at sumenyas siyang huwag akong bumitaw. Tumingin ako sa kanya na bitawan ang kamay ko para maagaw namin yung baril na hawak ng kung sino mang poncio pilato ang mga ito.
"Kamay sa likod sabi!" sigaw ulit ng tao na tumututok ng baril sa akin.
Nasaan ba yung CCTV ng convenient store na ito at hindi nila nakita na may mga taong may dalang baril rito.
Bumitaw ako sa kamay ni Sam at nilagay yung kamay ko sa likod ko. Humanda ka talaga sa'kin mamaya. Nakita ko sa peripheral vision ko na tatlong tao lang sila.
Tumingin ako kay Sam na
Nayien NATAGPUAN ko siya sa may veranda. Naglakad ako palapit roon at lumapit sa glass door pero naka lock pala iyon sa labas. Hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila dahil may glass na nakaharang. Nakatalikod siya sa gawi ko at nakahawak siya sa may railing ng veranda at seryosong nakipag-usap sa kung sino mang kausap niya mula sa kabilang linya. Dahan dahan kong tinulak iyong pinto baka sakaling mabuksan pero wala talaga. Inis akong bumalik sa kusina at doon siya hinintay na makabalik. Tatanongin ko nalang siya mamaya. Tinusok tusok ko yung hotdog dahil naiinis ako. Bakit ba ayaw niyang ipa-alam sa'kin ang mga nangyayari? Asawa niya ako! Napatingin ako sa may pinto ng kusina ng may marinig akong mga yapak na papalapit. Tapos na pala siya sa pakikipag -usap. "Sorry, yung kliyente kasi ng kompanya. May mali daw sa service." Sabi niya ng maka-upo siya. Tumingin muna ako sa kanya bago ako tumango. May doubt ako na hi
NayienNAKA-ALIS NA si Sam at binilinan niya akong kapag may kailangan ako ay tumawag lang ako sa kanya. Tumango lang ako. Nagbihis ako ng panlakad at nagsuot rin ako ng cap baka makilala ako. Bumaba ako at nagpara ng taxi. Magko-commute lang ako. Kilala ni Sam ang kotse ko kaya magta-taxi nalang ako. May taxi na huminto sa harap ko at sumakay agad ako."Saan tayo Ma'am?" Tanong ng driver."Alam niyo po ba yung restaurant Z? Doon po yung punta ko ngayon." Sabi ko habang kinakalikot ang bag ko kasi yung phone ko, napa-ilalim yata eh."Opo alam ko po iyon." Sagot niya at pina-andar na yung kotse niya. Naabutan kami ng traffic dahil saktong labasan na ng mga tao na nagta-trabaho.Ilang minuto kaming naghintay bago umusad ang traffic. Trenta minutos na ang nakalipas at baka hindi ko na sila maabutan. Panay yung tingin ko sa harap habang nagba-byahe ka
Nayien LUMULUTANG ang pakiramdam ko at may naamoy akong pamilyar na amoy. Ang amoy na nano-nuot sa ilong ko ay pinaghalong amoy alak at ang panlalaking amoy na hula ko ay yung amoy alak ay sa akin iyon. Napangiti ako ng maalala ang may-ari ng amoy na iyon. Bakit kaya pareho sila ng amoy ng asawa ko. Sino ba ito? May narinig akong tunog ng elevator at tsaka lang ako nagmulat ng mata. Half open iyong mga mata ko at naaninag ko ang blurred na mukha pero may kahawig siya ng asawa ko. Kamukha niya si Sam. Yumuko siya at tumingin sa akin pero hindi ko makita ng klaro ang mukha niya. Namumungay ang mata ko habang nakatingin sa kanya. "Why are you so drunk?" Seryoso at matigas niyang tanong. Pati boses niya ay ka-tunog rin ng asawa ko. Ngumiti ako at ipinikit ulit ang mata ko. "Bakit? May magagalit ba? Wala naman kasi yung asawa ko ay hayun sa iba. " Mapait kong sabi. Naramdaman kong hinigpitan niy
Nayien SAM! Si Sam ang may ari ng mga kamay na yumakap sa akin. Katulad ko ay wala rin siyang damit sa pang-itaas. Hinila ko yung kumot pa-itaas para ipantakip sa kahubaran ko. Mahimbing na natutulog si Sam sa tabi ko. Did I just surrender my v-card to him? How stupid! Paano nangyari ang ganun eh ang huling naalala ko ay nasa bar pa ako at nakasubsob sa bar counter sa sobrang kalasingan. My eyes became wide when the memories from last night came rushing to my mind. O my God! Did we just— My God! I can't even say it even in my mind. Tiningnan ko ang pang-ibaba ko at nakita kong wala akong suot na kahit ano at aksidente kong nakita ang hita ni Sam na walang ring saplot. At kung ipagpapatuloy ko pa ito ay talagang magkakasala na ang mga mata ko. Gumalaw ako para sana bumaba ng kama kasi naiihi na ako nang bigla nalang sumakit ang pang-ibaba ko na parang pinupunit at mahapdi rin. Kinagat ko ang labi ko para pigila
Nayien BINILI NI Sam ang mga naka-resitang mga gamot at naiwan naman ako sa rito. Naglinis ako ng unit at nagluto narin. I tried something new today. I tried cooking an adobong manok today and I was kinda scared about it's taste. I pick up the ladle and scoop a small amount of its soup and taste it. When the taste of the soup scattered in my mouth my eyes became wide kasi hindi ko inaasahan na makukuha ko ang lasa. The last time na nagluto ako ay yung nasa Netherlands pa kami at nagha-honeymoon kami roon at kung hindi pa ako tinulungan ng kasambahay nila ni Sam ay hindi pa magiging maayos ang lasa ng niluto namin.Pagkatapos ng niluto ko ay nag-saing narin ako. Para sa tanghalian namin. Hindi na naman siya masakit. Sumasakit lang at nagiging mahapdi siya kapag umiihi ako. Hinintay ko nalang si Sam na makarating. Sa sala muna ako nag-stay. Nanood ng movie at nong matapos na ang movie ay nag-scroll scroll muna ako sa
Nayien NAG-IIMPAKE na ako ng damit. Isang maleta lang iyong dala ko at ganun rin si Sam. Isang linggo lang naman daw kami roon sa Negros kasi may out of the country meeting sila sa susunod pa na linggo. Susunduin ko nalang si Sam sa opisina niya at dederetso na kami sa airport. Ako nalang iyong magdadala ng mga bagahe namin. Marami kasi naman akong katulong dahil pinabalik na ni Sam ang mga bodyguards ko kasi hindi ko siya kasama. Nasa labas ng unit ko ang mga bodyguards ko. Para tuloy akong VIP na tao. Pagkatapos kong mag-impake ay nagbihis na ako. Nagbihis ako ng maong jumpsuit at snickers. Tumawag ako ng bodyguards para ipabuhat ang dalawang maleta at ying isang duffel bag na may lamang mga toiletries namin ni Sam at yung mga underwear namin. Nakangiti ako habang papasok kami sa elevator kasunod ang mga bodyguards ko. Bitbit nila ang mga gamit na dala namin ni Sam papunta ng Negros at ang tanging dala ko lang ay isang sling bag at yung digital camera ni Sam.
Nayien NANLAMIG AKO NONG hinawakan niya ako sa siko. Who is this man? "Who are you?" Tanong ko at pilit na lumingon sa kanya pero hindi ko magawa dahil sumasakit ang leeg ko. Napapikit ako nong inangat niya ang ulo ko at piniringan ako. Nagpumiglas ako at pilit na iniiwas ang ulo ko pero malakas siya at dulot na rin ng posisyon ko ngayon ay hindi ako masyadong maka-galaw. Pagkatapos niya akong piringan ay binuhat niya ang upuan at ibinalik sa dating posisyon. Inayos niya rin ako sa pagkaka-upo at naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa mukha ko. Sino ba siya! Bakit hindi siya nagsasalita? Naramdaman kong inayos niya ang buhok na dumikit sa leeg at sa mukha ko. Napakalamig ng kamay niya na para bang nakahawak siya ng yelo bago niya ako hinawakan. Pagkatapos niyang ayusin ang buhok ko ay nakaramdam ako ng malambot na bagay na dumapi sa pisngi ko. Panyo. Pinunasan niya ako sa leeg at sa mukha pati narin sa braso at sa kamay ko. Ramdam ko an
Nayien ISANG LINGGO NA ako rito sa hospital at sabi ng doctor ay makakalabas na raw ako dahil naghilom na naman daw yung mg sugat at pasa sa mukha at katawan ko. Isang linggo ko na ring hindi kinakausap si Sam. Hindi ko siya pinapansin kahit na nagpapansin siya. Tinutulungan niya akong makakain pero tinatabig ko lang ang kamay niya. Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kanya. Matiyaga lang siyang nagbabantay sa akin. Kapag pupunta ako sa CR ay tutulungan niya sana ako pero tumawag ako ng nurse na babae at sa kanya ako nagpatulong. Tumabi nalang siya para makadaan kami. Hindi ko siya tinapunan ng tingin o kung ano pa man. One time ay narinig ko siyang humagulhol ng iyak sa CR. Bakit naman siya iiyak? Pinilit kong huwag masaktan sa mga hagulhol niya. Nang marinig kong bumukas ang pinto ng CR kaya pinikit ko agad ang mata ko at nagpanggap na tulog ako. Narinig ko na naglakad siya palapit sa kama na kinahihigaan ko at hinawakan niya ang kamay k
His POV Samier Hieze I WAS IN a hurry for my flight to France when someone bumped me. Inis akong tumingin sa bumangga sa akin. I was about to confront her but I was amazed by her beauty. Parang tumigil ang mundo ko ng magkasalubong ang mga tingin namin. "Oh! I'm sorry Sir!" She said and then handed me my backpack which was on the floor because of her. Wala sa sarili kong tinanggap ang backpack ko at sinundan siya ng tingin na bigla nalang nawala sa dagat ng mga tao. I put my hand on my chest where my heart is, that was beating so fast. I glanced again where she was earlier before she disappeared in the sea of people in the airport. That was the first time I felt of what they called love at first sight. Years had passed and my feelings for that beautiful girl became worst. I fell inlove hard for her. I
Nayien AGAD KAMING pumunta sa sinasabi ng police. Ayaw sana akong isama ni Sam pero nagpumilit ako na sumama. Nakarating kami sa isang maliit at liblib na isla na malayo sa kabihasnan. At kung titingnan ito sa ibabaw ay parang walang kahit na ano na nakatira rito. Bumaba ang chopper sa isang malapad na damuhan. May mga nauna ng mga police kaysa sa amin kanina. Pagkababa namin sa chopper ay may narinig kaming mga putok na hula ko ay mga putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko na tumingin kay Sam. Namilog rin ang mga mata niya at halatang halata na kinabahan din siya pero pilit niyang itinago iyon. "Sam..." Humawak ako sa kamay niya na nanlalamig. "Let's calm down first. Hindi nakakatulong ang pagpa-panick." Sabi niya at pinisil ang kamay ko. Hawak kamay kami na sumunod sa mga police na kasama naming pumunta rito. Parami ng parami ang putok ng baril na naririnig namin habang papalapit kami sa area. 'Lord ili
Nayien NAGISING AKO na maputi ang paligid ko.Bumangon agad ako at tinanggal ang dextrose ko. Kahit masakit ay ininda ko iyon at nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Wala akong suot sa paa at kahit malamig ang sahig ay tinakbo ko ang emergency pero wala na daw roon ang anak ko kaya nagtanong ako sa nurse na nakita ko. Sabi niya ay nasa ICU daw ang anak ko tsaka niya ako pinilit na bumalik sa kwarto ko pero iniwan ko siya roon na tinatawag ako. Tumakbo ako papunta sa ICU. Nang makarating ako roon ay nakita ko si Daddy at si Sam at si Yaya. Nang makita nila ako ay nanlaki ang mata nila. Sinalubong ako ni Sam. "Why are you here? You should be resting your body!" Sabi niya pero wala akong paki-alam sa tanong niya. "Ang anak ko? Nasaan ang anak ko?" Tanong ko habang pilit na kinakalma ang sarili dahil ang huling naalala ko ay nasa bingit na ng kamatayan ang anak ko. Lumapit ako sa glass window at nakita ko roon ang
Nayien ISANG LINGGO AKONG busy sa trabaho at isang hapon ay tumawag ang yaya ni Inah habang papunta ako sa isang restaurant para i-meet ang isang writer na nagpa-set up pa talaga ng afternoon meeting. "Hello? Yaya? What is it?" Sagot ko at sumakay sa kotse. Matagal bago sumagot ang babae kaya nagsalita ako agad. "Hello yaya? Are you there? Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong ko ulit habang nagda-drive na ako. Narinig kong humikbi siya. Kinabahan agad ako. "Yaya? Bakit? Anong nangyari?" Pinilit kong huminahon kahit may nararamdaman akong kaba but I disregard the feeling. "M-ma'am.... S-sorry p-po ta-talaga..." Humihikbi niyang sabi. Naguguluhan ako. "Yaya? Ano bang meron? Bakit ka umiiyak? Nasaan ka ba? Ang anak ko nasaan?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya kasi sa mga oras na ito ay nasa school pa si Inah. "M-ma'am s-si Inah p-po ka-kasi..." Kinabahan agad ako ng todo!&n
Nayien GABI NA NG MAKARATING ako sa Pilipinas. Nag-taxi ako pauwi. Pagkarating ko sa harap ng bahay ay ibinaba ng driver ang mga bagahe ko at nagbayad ako ng pamasahe. Pumasok ako sa bahay at tinawag ko ang kasambahay na nasa hardin. May katawag sa phone niya at ng makita ako ay nagpa-alam agad ito sa kausap. "Magandang gabi Ma'am Nayien. Nakauwi na pala kayo." Sabi niya at tumango naman ako. "Magtawag ka ng kasama. Pakipasok yung mga gamit ko sa labas, please." Sabi ko at tumuloy na sa front door. Ngumiti ako ng marinig ko ang tawa ng anak ko. Ah, how I miss her voice. Kahit pa tatlong araw lang naman ang inilagi ko roon sa Amsterdam pero miss na miss ko parin siya. Nakangiti ako ng binuksan ko ang front door pero nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang naka-upo sa sala namin. Lumingon sila sa akin at ng makita ako ng anak ko ay mabilis siyang tumakbo papunta sa akin. "Mama!"
Nayien HINDI AKO MAKAPAG-CONCENTRATE dahil sa pinag-usapan namin ni Sam kahapon. Nag-alala ako baka sinabi ni Sam na siya ang Ama ni Inah. Sinubukan kong tawagan si Daddy pero hindi ko siya makontak. Impossible namang walang signal sa amin. Nasa meeting kami ngayon pero wala sa meeting ang utak ko. "Harry, excuse me." Bulong ko sa kanya. Tumango siya at nakinig ulit sa nagpe-present. Lumabas ako sa meeting room at huminga ng malalim bago ako nag-dial ulit sa numero ni Daddy. Nasaanba sila? Bakit ang tagal sagutin? Nag-alala na ako! Nagri-ring lang ang phone ni Daddy. Sagutin mo Dad! Please! Naka-tatlong dial ako bago sinagot ni Daddy. Maingay ang paligid parang may nagkakantahan. "Hello Daddy? Nasaan kayo?" Tanong ko agad. Maingay talaga ang background ni Daddy. "Hello Nayien? Ikaw ba ito?" boses na galing sa kabilang linya. "Sam? Saan si Daddy?" Tanong ko pero hindi ko na marinig ang sagot
Nayien ALIGAGA AKONG NAGISING nang sumapit ang lunes dahil unang araw na papasok sa skwela si Inah at ngayon din ang balik ko sa Amsterdam. May kailangan pa akong i-process doon para ma-transfer na ako dito sa branch company ni Harry. Tulog pa si Inah ng nagising ako. Mahina kong ginising si Inah pero umingos lang siya. "What is it, Mama?" Nakapikit mata niyang tanong. "Baby, it's Monday already. Get up now." Sabi ko at inalis ang kumot niya. Napamulat ang mata niya at mabilis siyang umalis sa kama. Tumakbo siya papunta sa banyo. Natawa tuloy ako. "Mama! Why you didn't tell me!" Sigaw niya mula sa loob ng banyo. Humalakhak ako. "Kaya nga ginising na kita diba?" Sagot ko habang nagtutupi ng kumot. Hindi na siya sumagot at ang tanging maririnig nalang ay ang aligasgas ng tubig sa shower. Pagkatapos kong magtupi ng kumot ay nagpa-alam ako sa kanya na sa baba lang ako. Pagkakaba
Nayien PAGKARATING NAMIN sa bahay ay hindi ko na siya na pinapasok sa bahay. Hindi naman siya nagpumilit at hindi pa nga kami nakapasok sa bahay ay umalis na siya. I just sighed. If only you didn't hurt me that most we will never end up this way. I continued walking towards the front door at dumiretso na ako papunta sa kwarto para makapag-pahinga na ng maayos si Inah. Nilapag ng kasambahay ang backpack sa couch at pagkatapos ay nagpa-alam na siya. Tinanggal ko ang sapatos ni Inah at pinalitan ang damit niya pagkatapos ay kinumutan ko na siya. Ako na naman ang nagpalit ng damit at nag-half bath ng mabilisan. Nang matapos ay nagbukas ako ng e mail. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa dalawin na ako ng antok. Nakatulog nalang ako sa couch sa paghihintay. Nagising ako mula sa magandang tulog ko. Nakangiti ako habang pikit ko parin ang mga mata ko nang nag-inat ako. Natigil ako sa pag-iinat
NAYIEN NANG MATAPOS kami na kumain sa mala-kalbaryong restaurant na iyon ay tsaka palang ako nakahinga. Akala ko matatapos na pero ang gagong Sam ay hindi parin tumigil. He was chatting bubbly with my daughter! At tuwang tuwa naman si Inah. Naglalakad kami palabas at si Harry ay nag-rest room muna habang si Francheska naman ay may pinuntahan daw na ewan ko. Wala akong paki! Punta pa siya sa empyerno! Nakasunod ako sa kanilang dalawa habang namimili sila ng mga soda drinks. Sinubukan ko naman na ilayo sa kanya si Inah pero wala ring silbi. "Mama? You said you like this drink?" Tanong ni Inah sa akin at pinakita sa akin ang yogurt milk drink. It was my favorite yogurt milk drink but that was a long time ago. I smiled while shaking my head. "No baby." Sagot ko at napatingin naman si Sam sa akin. Inirapan ko siya dahilan na tumawa siya. Binalikan ko siya ng tingin dahil tawang tawa talaga siya pero wala na sa akin ang paningi