Tinawag ni Nicka si Mang Jose para pagbuksan ng gate ang asawa ni Arnel at ang kasamang babae nito, na sa tingin niya ay alalay ni Romary Gail, napansin niya kase na nakasaklay ang babae." Hindi mo kailangan mag iskandalo, dahil wala naman na ang asawa mo rito. Kung siya ang ipinunta mo rito, nakaalis na siya." matapang na sagot ni Nicka.Napangiting peke naman si Romary. " Hindi ko naman hinahanap ang mister ko, alam kong nasa kumpanya na s'ya. Actually kakatawag ko nga lang sa kanya." mapang- uyam na wika nito kay Nicka." Anong kailangan mo at naparito ka?" aning tanong ni Nicka kay Romary.Nasa loob na sila ng gate, sa beranda ng bahay dahil hindi naman inalok ni Nicka na pumasok sina Romary sa loob ng bahay." Matapang ka pa lang kabit, pero halata naman sa'yo na nagtatapang- tapangan ka lang. Huwag kang mag alala hindi kita sasaktan dahil sa kalagayan mo at nakikita mo rin naman na wala akong kakayahan ngayon na manakit ng katulad mo di ba. I'm just here to say na alam ko ang r
Nag iiyak si Nicka sa mga nalaman na plano ni Arnel sa kanila ng magiging anak n'ya. Alam niyang minahal talaga ni Arnel si Romary dahil sa mga kwento na rin sa kanya noon nila Jane at pati na rin ng ibang tao.Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi sa kanya ni Romary dahil ramdam n'ya na minahal siyang talaga ni Arnel, pero ng mapanood niya ang video ay naglaho ang lahat ng tiwalang ibinigay n'ya kay Arnel.Malaking factor na ang ginawang pagsisinungaling sa kanya ng lalaki at napatunayan sa kanya iyon ni Romary, na totoong may komunikasyon na ang dalawa at mas matindi pa ay nagkaayos na pala ang mga ito bilang mag asawa.Pinaasa siya ni Arnel na magiging legal din ang relasyon nila para hindi niya iwan ito at may balak pa palang ihiwalay sa kanya ang pinagbubuntis niya kapag naipanganak na niya." Ang tanga mo Nicka, naniwala ka na may forever sa inyong dalawa, naniniwala ka sa pantasya na pwedeng maging legal ang isang kabet na kagaya mo. Ang gaga mo.., ang tanga- tanga mo..!!" na
" May hinihintay ka rin bang sundo?" nang hindi makatiis ang lalaking hindi siya nito kausapin.Tumango naman siya bilang sagot sa tanong nito. Para lang hindi isipin ng lalaki na bastos siya. Maayos naman siyang tinatanong kaya kahit wala siya sa mood na makipaghuntahan ay sinasagot na rin niya ang tanong sa kanya.Nag chat siya kay Judy Ann na naroon na siya sa terminal ng bus.Nagreply naman sa kanya ang kaibigan na nasa tricycle na ito at papunta na.Ilang minuto lang ay dumating na rin si Judy Ann na yumakap pa sa kanya ng makita s'ya. Nang mapansin nito ang katabi niyang lalaki ay yumukod ito sa harapan ni Mike. Bigla siyang nacurious sa iginawi ni Judy Ann." Magkakilala kayo?!" tanong ni Nicka sa kaibigan." Si senyorito Mike, sila ang may ari ng Bermudez sun flower farm. Sila rin ang may ari ng hacienda kung saan nagtatrabaho ang mga magulang ko." pagpapakilala ni Judy Ann sa lalaki." Kakilala mo rin ba si senyorito Mike?" tanong ni Judy Ann kay Nicka na ang lalaki na ang su
Nakabalik na ng mansyon sina Romary at Hilda, nasa poolside sila at nagmemeryenda." Sapalagay mo Romary, magsusumbong yung kabet ng asawa mo kay sir Arnel?" tanong ni Hilda." Magsumbong man siya o hindi, wala akong pakialam. Alam kong tama lang ang ginawa ko para layuan niya na si Arnel. Karapatan kong ipaglaban kung ano ang akin, asawa ako at kabet lang siya." aniya kay Hilda." Pero kapag nalaman ng asawa mo ang ginawa mo, sigurado na magagalit yun sa'yo. Lalo ka lang lalayuan ni sir Arnel." komento ni Hilda." Kanino ka ba talaga kampi?! hindi ba't ikaw pa nga ang nag suggest na ipaedit ang nakuhanang video dahil hindi nangyari ang buong plano ko." singhal ni Romary sa babae." Nagsuhestiyon lang naman ako, di ko naman akalain na gagawin mo nga. Yun kase ang mga napapanood ko sa mga teleserye sa tv. Sana pala hindi na ko nagsalita, naawa tuloy ako kanina dun sa babae." pagsisising turan ni Hilda." Hilda, iwanan mo na muna ako rito. Balikan mo na lang ako dito mamaya. Si Nene mun
" Sir Arnel, gising na po si ma'am Romary." pahayag ni Jane ng pumasok ito ng library room.Tinanguan ni Arnel si Jane at nagpasalamat at inutusang balikan si Romary sa silid. Hindi na pinagbantay ni Arnel si Hilda kay Romary dahil habang walang malay si Romary ay kinausap nila ni Marvin ang babae at si Jane na muna ang pumalit sa pwesto ni Hilda.Nasa library sila at katatapos lang din nilang kausapin si Hilda. Tinanong nila ang babae kanina tungkol sa mga pinaggagawa ni Romary Gail.Ipinagtapat naman ni Hilda ang lahat at humingi ng tawad kay Arnel.Nagdesisyon si Arnel na hindi na magtatrabaho si Hilda bilang alalay ni Romary at dahil tumatanaw pa rin sila ng utang na loob sa pamilya ni Hilda ay binigyan na lamang nila ito ng maayos na trabaho sa ibang negosyo nila Jasper na si Sandra ang namamahala, na kasosyo rin naman si Arnel.Pumayag naman si Jasper sa naging plano niya kina Hilda at Lolo Lando, na napilitang sundin ang utos ni Romary at dahil ayaw na nga ni Arnel na makita pa
" Teka lang sandali, Arnel. Bakit ako sasama sa kanya eh hindi ko nga kilala ang lalaking yan?!" angal ni Romary ng iutos ni Arnel kay Gabriel Joaquin na isama na nito si Romary Gail." You know him very well, Romary. Someday maaalala mo rin s'ya at sa desisyon ko ngayon, balang araw ay papasalamatan mo pa 'ko dahil pinapalaya na rin kita, tulad ng ginawa mong pagpapalaya sa akin." saad ni Arnel kay Romary na panay ang tanggi na sumama sa lalaking hindi niya naman natatandaan talaga." Anong pinagsasabi mong pinalaya na kita? i don't get it, hindi kita maunawaan!" naguguluhang tanong ni Romary Gail." Diaz, ikaw na ang bahala sa kanya. Yung ipinangako mo sa akin na hindi mo siya pababayaan at bibigyan mo ng hustisya ang nangyari kay Romary ay aasahan ko." baling na turan ni Arnel kay Diaz na hindi pinansin ang tanong ni Romary Gail." Makakaasa ka Dela Cerna, na tutupad ako sa ipinangako ko. Sinaktan nila ang babaeng mahal ko, kaya hindi na ako magsasawalang kibo na lang sa isang tabi
" Papaano yan hindi ako magtatagal dito dahil kapag pumasa na ako sa board exam ay nakaplano na ang pag alis ko papuntang Canada at ilang months na lang. Ikaw ba wala ka bang balak na mag exam na? sayang din ang pagkakataon. Kailangan natin magkaroon ng license para sa magandang opportunity." aning turan ni Judy Ann." Mag iexam na din ako, sasabay na 'ko sayo. Kailangan ko ring makahanap ng magandang trabaho para sa magiging anak ko. Hindi naman malaki ang naipon ko, kaya sana bago maubos ay makahanap ako ng pagkakakitaan." aniya na ikinasang ayon ni Judy Ann sa ainabi niya." Sige magtatanong ako kina inay kung may alam sila na pwede mong mapasukang trabaho habang maliit pa ang tiyan mo. Pero teka hindi ba maselan ang pagbubuntis mo? baka mahirapan ka naman kung magtatrabaho ka? kambal pa man din ang dinadala mo." " Nalagpasan ko naman na ang first trimester ng pagbubuntis ko, kaya sa tingin ko ay hindi naman delikado kung magtatrabaho ako at kung hindi naman mabigat o nakakapagod
Ala singko pa lamang ng madaling araw ay nagising na si Nicka. Hindi siya maayos na nakatulog dahil sa palagay niya ay namamahay siya. Kahit na may electricfan namang nakatutok na umaandar buong gabi sa silid nila ni Judy Ann ay maalinsangan pa rin ang pakiramdam ni Nicka habang si Judy Ann ay mahimbing pa rin na natutulog.Bumangon siya para kumuha ng inuming tubig sa kusina nila Judy Ann at magbanyo na rin dahil sa naiihi na rin kase siya.Tahimik at dahan dahan ang pagkilos niya papunta sa kusina kung saan naroon din ang banyo upang hindi siya makaistorbo ng tulog pa.Pagkalabas naman niya ng banyo ay naroon na sa kusina ang ina ni Judy Ann. Binati niya ng magandang umaga si aling Romina at inalok naman siya nito ng kape na tinanggap niya naman. Kahit na nahihiya siya ay sinubukan niyang magpakakomportable sa ina ng kanyang kaibigan." Bakit ang aga mong bumangon, namamahay ka ba? Hindi ka ba sanay sa kung saan- saang lugar natutulog?" tanong sa kanya ni aling Romina.Bahagya siyan
Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty
Lumipas ang maraming buwan, malaki na ang tiyan ni Nicka at ilang linggo na lang ay maaari na siyang manganak.Nasa bahay pa rin siya nila Mike at tutor pa rin siya ni Alessia. Nakakalabas lang siya ng bahay ni Mike kapag kailangan niyang magpacheck up sa kanyang OB-GYNE na palaging kasama si Mike na napagkakamalan palagi na asawa niya.Nung una ay nahihiya siya kapag tinatanong si Mike kung asawa siya nito, pero kalaunan ay pinagtatawanan na lamang nila at sinasakyan ang mga akala ng ibang tao. Nagpapanggap na lang silang mag asawa sa harap ng iba, lalo na kay Cielo na ipinipilit noon ang sarili kay Mike na ilang beses din siyang pinagbantaan at sinaktan ng babae pero hindi siya nagpatinag hanggang sa ipinagbawal na ni Mike ang pagpasok ni Cielo sa kanyang pamamahay. Nagpahain sila ng restraining order para kay Cielo dahil sa ginawang pananakit nito kay Nicka.Nalaman na rin nila ang kasarian ng kambal ni Nicka, na marami ang natuwa dahil magkaiba ng gender ang twins. Isang lalaki at
Kasalukuyang nasa byahe na papuntang maynila sina Mike at Nicka, Ipinahatid sila kay Darwin na dtiver ng lolo Miguel ng lalaki kaya pareho silang nasa likuran ng driver nakaupo.Ilang oras na rin ang itinakbo ng sasakyan ay tahimik lang sila kaya binasag na ni Nicka ang katahimikan." Mike, pwede magtanong?" wika ni Nicka." Sure, anong itatanong mo?" sagot ng lalaki na umayos ng pagkakaupo dahil humarap ito sa kanya." Ano kase eh! kanina pa tayo magkasama rito sa sasakyan wala ka pang ibinibigay sa akin na impormasyon man lang tungkol kay Alessia. Tulad ng kung ilan taon na ba siya at kung anong mga hobbies niya." aniya kay Mike." Alessia is my niece, Anak siya ng bunso kong kapatid na si Rafael. I'm her guardian, magmula ng mamatay sa car accident ang kapatid ko. She is 7 years old at mahilig siyang mag drawing. Pumapasok na siya sa school, grade 1. Mabait na bata si Alessia kaya, for sure magugustuhan mo siya." litanya ni Mike na ikinatango ni Nicka." Ang sabi mo ikaw ang guardi
Sa sunflower farm nila Mike ay naratnan siya nila aling Romina, Judy Ann at Nicka na kinakausap ang ilan sa mga tauhan nila." Magandang umaga po senyorito Mike." bati ni aling Romina na katabi ang anak at si Nicka ng lumapit sila sa lalaki ng maiwan na itong mag isa sa kinatatayuan nito." Magandang umaga rin ho sa inyo aling Romina, kasama n'yo pala si Judy Ann at si Nicka. Si Mang Julian po?" malawak ang ngiting binalingan ng bati ang ginang." Nagtungo na sa hacienda, nagpahatid lang kami rito sa kanya senyorito. Abala ho kayo kanina kaya hindi na niya kayo inabala pa." maagap na sagot ni aling Romina sa lalaki." Buti at nakarating kayo rito sa sunflower farm at naabutan n'yo pa akong narito, Nicka, Judy Ann. Pabalik kase ako mamaya ng maynila at matatagalan siguro na makita ko kayong muli." saad ng lalaki sa kanila." Kumusta ka na, Nicka?" dugtong pang tanong ni Mike.Matipid ang ngiting sagot ni Nicka sa tanong ng lalaki. Tumango tango si Mike at nagpamulsa." Senyorito Mike,