Napatiimbagang na lamang si Diaz sa isinagot ni Arnel sa kanya at nagpaalam kay Marvin na aalis na. Na hinatid naman ni Marvin ng pagtanaw hanggang sa makalayo na si Diaz sa tapat ng bahay niya.Nakapag- iwan naman ng calling card n'ya si Diaz kay Marvin. Naiabot n'ya iyon kanina ng magpakilala s'ya sa kaibigan ni Arnel, kaya hindi na siya nagtagal pa at umalis na rin.Ang magkaibigan na lamang ang naiwan sa may sala at nagkatitigan pa muna bago nagpatuloy si Marvin na lapitan ang kaibigan.Umayos ng upo si Arnel sa mahabang sofa nila Marvin." Naniniwala ka ba sa mga sinabi ni Diaz, kanina?" tanong ni Marvin." Hindi ko alam kung dapat ba siyang pagkatiwalaan, Kung totoo nga ang mga sinabi niya, ang ibig sabihin hindi ako iniputan sa ulo ni Romary, pare! Ang lumalabas ngayon ay ako pa ang naunang nakipagrelasyon sa iba at hindi si Romary." napakuyom ang kamay ni Arnel sa nalaman.Narealize niyang hindi pala siya dapat nagalit ng husto sa asawa, dahil hindi naman pala siya niloko tala
Mabilis na nakarating sa bahay ni Marvin sina Rodjun at Jasper na halos magkapanabay lang na dumating. Wala man isang oras mula ng tawagan ni Marvin ang mga kaibigan ay naroon na agad sa tapat ng bahay n'ya ang dalawa.Sa garden na silang apat pumwesto dahil dumating rin ang mga biyenan ni Marvin kanina habang nananghalian si Arnel.Seryoso na nilang pinag usapan ang kung anong pabor ang hinihingi ni Arnel sa kanilang tatlo.Nauna ng naipaalam ni Marvin sa dalawa ang tungkol kay Romary at ang kinakaharap na problema ngayon ni Arnel.Nasabi na rin ni Arnel na magkakaanak na sila ni Nicka, na buntis si Nicka ng dalawang buwan at naikwento na rin niya sa tatlo ang nangyare sa pag uusap nila ni Romary kanina." Alam kong maaabala ko kayo sa naisip ko pero kailangan ko talaga ang tulong ninyo mga pare. Kailangan kong mailigaw si Diaz, dahil sigurado akong hindi pa siya titigil sa pagpapasubaybay sa akin." aniya sa tatlong kaibigan na nasa harapan niya." You mean, kami na muna ang magsasal
Kinabukasan ay si Marvin ang umalalay kay Romary sa doctor kasama si Hilda.Inabot sila ng maghapon dahil sa maraming pagsusuri kay Romary." Doc, ano pong resulta ng test n'yo?" tanong ni Marvin ng pumasok si Doctora Lovely Altamonte sa silid kung saan naghihintay sina Marvin at Romary." Maupo ka muna Mr. Almeda." utos ng doktora na sinunod naman agad ni Marvin.Naupo siya sa upuan malapit sa desk table ng doctor.Nasa mahabang couch naman nakaupo sina Hilda at Romary." Base on the test Mr. Almeda, Im thinking na nagkaroon ng Isolated Retrograde Amnesia si Mrs. Dela Cerna. Ang kanyang loss of memory ay nakasentro mula ng iwanan niya ang asawa niya hanggang sa nangyari ang insidente sa kanya. Maaring nagkabrain trauma si Mrs. Dela Cerna dahil ang sabi ni ma'am Hilda kanina ay ng makita nila si Mrs. Dela Cerna sa dalampasigan ng isla ay may sugat ang ulo niya na maaring tumama sa malaking bato o matigas na bagay tulad ng bakal." litanyang pahayag ni Doctora Altamonte.Nagkatinginan s
Mabilis na lumipas ang mga araw, mahigit isang buwan na rin magmula ng tumira si Nicka sa bahay ni Arnel sa Antipolo.Naging maayos naman ang paninirahan ni Nicka sa lugar kung saan kasama niya ang kasambahay na nakuha ni Arnel at ang care taker ng bahay.Nag online review study na lang si Nicka para sa darating na board exam. Dahil iyon ang gusto ni Arnel na hindi na niya kinontra pa.Tuwing friday pagkatapos ng trabaho sa kumpanya ay kay Nicka dumidiretso si Arnel at mananatili sa Antipolo hanggang lunes ng umaga.Tatlong buwan na ang pinagbubuntis ni Nicka bagama't hindi pa halata ang tiyan niya ay may maliit na ring umbok ang tummy ni Nicka.Kailan lang niya naexperience ang pagduduwal at pagsusuka ganoon na rin ang paglilihi kaya minsan ay napapasugod si Arnel sa Antipolo para lang dalhin ang mga gustong kainin ni Nicka na kahit ang weird ng mga nais kainin ng babae ay ibinibigay pa rin niya.Tulad na lamang ngayon na araw pa lang ng miyerkules ay tinawagan siya ni Nicka para lan
Nagdaan pa ang mga araw at may planong nabuo sa isipan si Romary.Dahil si Lolo Lando ay naging janitor sa kumpanya nila Arnel ay nalalaman ni Romary kung pumapasok ba si Arnel sa trabaho o hindi.Naisip ni Romary na pasundan si Arnel kay Lolo Lando upang alamin kung tama ang hinala niya na may ibang babae na nga ang asawa niya kaya nakakayanan nitong hindi siya puntahan kahit alam naman ng lalaki kung nasaan siya.Nagawa naman ni Lolo Lando ang utos ni Romary sa kanya. Nasundan ng matanda si Arnel sa bahay nito sa Antipolo at nakita ang pagsalubong ng isang babaeng yumakap kay Arnel at hinagkan ng lalaki ang babae sa labi at masayang hinimas ang baby bump ng tiyan ng babae.Isinulat ni Lolo Lando ang address ng bahay at nagpahatid na sa maynila sa taxi driver na sinakyan nito ng sundan ang boss niya.Pagkauwi ni Lolo Lando ay agad iniabot kay Romary ang address ng bahay na isinulat niya sa isang papel kung saan ibinabahay ng asawa ni Romary Gail ang kabet nito." Sure po ba kayo Lolo
" Salamat manong guard, andiyan ba sa loob ang sir Arnel mo?" pakunwaring tanong ni Romary dahil alam naman talaga niyang wala si Arnel sa loob ng mansyon." Sabado ngayon ma'am Romary, madalas kapag ganitong araw ay hindi umuuwi rito si sir Arnel." pagdaldal ng guwardiya kay Romary na tinanguan naman ni Romary." Sino ang nasa loob ngayon?" pa safe question na saad ni Romary Gail." Mga kasambahay lang po ma'am ang nasa loob, sina Tinay." maagap na sagot ng guwardya.Tumango si Romary. " Pakitawag si Tinay, pakisabi na kailangan ko ng tulong n'ya." utos ni Romary." S-sige po ma'am Romary." gamit ang intercom na nakaconnect sa kusina ay nakontak nito sina Manang Tinay.Ilang segundo lang ay nakita na ni Romary na humahangos palabas ang dalawang kasambahay.Nagkatinginan si Romary at Hilda, tahimik na nagtatanong si Hilda kay Romary na naunawaan naman ni Romary ang nasa isipan ng babae." Hindi ko sila nakikilala, wala akong matandaan kahit sino sa kanila." pabulong na wika ni Romary
" Sir Arnel, nagkamalay na po si Romary." turan ni Hilda ng sa paglabas niya ng silid ng guest room ay naroon lang sa malapit ang lalaki, nakatayo at narinig niyang kakatapos lang din nitong makipag usap sa katawagan nito sa cellphone." Okay, thanks Hilda. Dito ka na muna sa labas at mag uusap.lang kami ni Romary." seryosong wika ni Arnel." Sige po sir, doon na po muna ako sa kusina." aning pamaalam ni Hilda na tinanguan ng lalaki at binuksan na ang pinto ng silid kung saan naroon si Romary Gail." Kumusta na ang pakiramdam mo?" mahinahong tanong ni Arnel." Okay na ako!" sagot ng babae kay Arnel na nakipagtitigan pa sa mata ng lalaki.Umiwas naman ng tingin si Arnel dahil hindi siya komportable sa pagtitig ni Romary sa kanya." Madalas bang mangyari sayo ang ganito?!" muling tanong ni Arnel na mababakas ang pag aalala sa boses nito." Ngayon lang ako nawalan ng malay sa sobrang sakit ng ulo ko. Nung nakaraan sumasakit talaga s'ya pero hindi katulad kanina." pagpapabatid ng babae ka
Sa inis ni Arnel ay nag drive siya paalis ng bahay na hindi alam kung saan tutungo. Tinawagan niya sina Marvin sa group chat nila at sinagot naman ng tatlo agad ang tawag n'ya." May problema ako." bungad niyang saad." Si Nicka o si Romary?" ang tanong naman agad ni Rodjun." Problema ko ngayon si Romary, pero pinuproblema ko rin si Nicka." aniyang sagot." Nandito si Rodjun sa bahay, dumiretso ka na lang dito at dito natin pag usap yan. Magpapaluto na rin ako ng pulutan." wika ni Jasper na itinapat pa ang camera ng phone niya kay Rodjun." Ikaw Marvin, pupunta ka ba?" tanong ni Arnel." Susunod ako, magpapaalam lang ako kay Candice." saad ni Marvin." Okay sige!" aniya sa kaibigan.Ilang minuto lang ay nakarating na si Arnel sa bahay nila Jasper." Parang ang laki talaga ng problema mo ah! anong ginawa ni Romary at halata ang inis d'yan sa pagmumukha mo pare?" wika ni Jasper ng pumasok si Arnel sa may sala ng bahay ng kaibigan." Umiral na naman ba ang pagiging pasaway ng asawa mo?
Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty
Lumipas ang maraming buwan, malaki na ang tiyan ni Nicka at ilang linggo na lang ay maaari na siyang manganak.Nasa bahay pa rin siya nila Mike at tutor pa rin siya ni Alessia. Nakakalabas lang siya ng bahay ni Mike kapag kailangan niyang magpacheck up sa kanyang OB-GYNE na palaging kasama si Mike na napagkakamalan palagi na asawa niya.Nung una ay nahihiya siya kapag tinatanong si Mike kung asawa siya nito, pero kalaunan ay pinagtatawanan na lamang nila at sinasakyan ang mga akala ng ibang tao. Nagpapanggap na lang silang mag asawa sa harap ng iba, lalo na kay Cielo na ipinipilit noon ang sarili kay Mike na ilang beses din siyang pinagbantaan at sinaktan ng babae pero hindi siya nagpatinag hanggang sa ipinagbawal na ni Mike ang pagpasok ni Cielo sa kanyang pamamahay. Nagpahain sila ng restraining order para kay Cielo dahil sa ginawang pananakit nito kay Nicka.Nalaman na rin nila ang kasarian ng kambal ni Nicka, na marami ang natuwa dahil magkaiba ng gender ang twins. Isang lalaki at
Kasalukuyang nasa byahe na papuntang maynila sina Mike at Nicka, Ipinahatid sila kay Darwin na dtiver ng lolo Miguel ng lalaki kaya pareho silang nasa likuran ng driver nakaupo.Ilang oras na rin ang itinakbo ng sasakyan ay tahimik lang sila kaya binasag na ni Nicka ang katahimikan." Mike, pwede magtanong?" wika ni Nicka." Sure, anong itatanong mo?" sagot ng lalaki na umayos ng pagkakaupo dahil humarap ito sa kanya." Ano kase eh! kanina pa tayo magkasama rito sa sasakyan wala ka pang ibinibigay sa akin na impormasyon man lang tungkol kay Alessia. Tulad ng kung ilan taon na ba siya at kung anong mga hobbies niya." aniya kay Mike." Alessia is my niece, Anak siya ng bunso kong kapatid na si Rafael. I'm her guardian, magmula ng mamatay sa car accident ang kapatid ko. She is 7 years old at mahilig siyang mag drawing. Pumapasok na siya sa school, grade 1. Mabait na bata si Alessia kaya, for sure magugustuhan mo siya." litanya ni Mike na ikinatango ni Nicka." Ang sabi mo ikaw ang guardi
Sa sunflower farm nila Mike ay naratnan siya nila aling Romina, Judy Ann at Nicka na kinakausap ang ilan sa mga tauhan nila." Magandang umaga po senyorito Mike." bati ni aling Romina na katabi ang anak at si Nicka ng lumapit sila sa lalaki ng maiwan na itong mag isa sa kinatatayuan nito." Magandang umaga rin ho sa inyo aling Romina, kasama n'yo pala si Judy Ann at si Nicka. Si Mang Julian po?" malawak ang ngiting binalingan ng bati ang ginang." Nagtungo na sa hacienda, nagpahatid lang kami rito sa kanya senyorito. Abala ho kayo kanina kaya hindi na niya kayo inabala pa." maagap na sagot ni aling Romina sa lalaki." Buti at nakarating kayo rito sa sunflower farm at naabutan n'yo pa akong narito, Nicka, Judy Ann. Pabalik kase ako mamaya ng maynila at matatagalan siguro na makita ko kayong muli." saad ng lalaki sa kanila." Kumusta ka na, Nicka?" dugtong pang tanong ni Mike.Matipid ang ngiting sagot ni Nicka sa tanong ng lalaki. Tumango tango si Mike at nagpamulsa." Senyorito Mike,