BELLA POV"Gusto niyo raw po akong makausap Senyora?" tanong ko sa kanya.Marahan siyang lumingon sa akin at nagulat ako ng nginitian niya ako."I don't want to give you a wrong impressions about me, hija. Hindi naman ako tutol sa inyong dalawa ng apo ko dahil alam ko naman talaga na nagmamahalan kayo. And I'm happy about it," panimula niya at dahan-dahan siyang naglakad sa pasilyo patungo sa terrace.Nakasunod lamang ako sa kanya at nang nasa teresa na kami ay nakita ko nang mas mabuti ang buong lupain nila."Bata pa lang si Zackeriel ay dito na siya lumaki sa akin. Abala ang mga magulang niya sa negosyo nila sa Manila ngunit malawak na ang pang-unawa niya tungkol sa mga bagay-bagay na nasa paligid niya. Sa murang edad niya ay maayos na niyang napapalakad at napapamunuan ang lupain at mga tauhan namin dito sa El fuego. At habang lumalaki siya ay nasubaybayan ko ang pagpupursige niya," sabi niya habang malayo ang tanaw sa lupaing nasa harapan namin ngayon.Nilingon niya ako."Isang be
BELLA POV"Mukhang close na agad kayo ni Lola ahh. Did I miss something?" tanong niya habang nagsusuot ng bagong damit.Nandito kami ngayon sa kwarto naming dalawa. Nakaupo ako sa kama habang siya naman ay abala sa pagbibihis."Hmm, ang akala ko ay nakakatakot ang Lola mo. Iyon pala ay mabait naman pala siya. Nagkausap kami kanina habang wala ka," sagot ko sa kanya habang pinapanood ko siya."Talaga? Ano namang mga pinag-usapan niyo?" He asked while walking towards me.Umupo siya sa tabi ko tsaka niya inabot ang aking dalawang kamay at marahang hinalikan. Namula ako sa ginawa niyang iyon pero hinayaan ko lamang siya na magpatuloy."I love you," mahinang sabi pa niya at marahang yumuko para mahalikan ako.Napapikit ako sa halik niya."I said i love you, baby," ulit niya sa mukha ko.Napasinghap ako at tsaka siya marahang hinawakan sa kanyang mukha. Pinakatitigan ko siya ng mabuti sa kanyang mga mata.Sobrang swerte ko talaga sa kanya. Sobrang swerte ko at mayroon akong Zackeriel sa buh
BELLA POVKinabukasan ay maaga pa lamang ay nasa kwadra na kami ni Zackeriel. Ang sabi kasi niya sa akin kagabi ay ililibot niya raw ako ulit sa buong lupain nila. Kaya naman ay nakasuot ako ngayon ng isang itim na maong na pantalon na hapit na hapit sa aking katawan at isang puting polong long sleeves na itinuck-in ko sa pantalon na suot. Isang pares ng itim na botas at isang lumang sumbrero na katulad sa mga magsasaka. Habang ang aking mahabang buhok naman ay maayos na nakabraid sa aking likuran.Napaatras ako nang makita ko si Zackeriel na kalalabas lang sa loob mismo ng kwadra. Hawak niya sa kanyang isang kamay ang tali ng isang pamilyar na kabayo."You remember Charlie?" sabi niya nang nasa harapan ko na siya.Marahan lamang akong tumango sa kanya. Paano ko makakalimutan ang kabayong ito? Ehh, ito nga naman kasi ang kabayong sinakyan namin noon ng inilibot niya ako sa buong manggahan at niyogan nila."Zack! Naipaalam ko na kina Martha ang lahat. Maghihintay na lamang sila sa pagd
BELLA POVUmiwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ko na lang sa daan ang aking mga mata.I can't even believe that he has this still the same effect on me. Kahit na magiging asawa ko na siya ay walang nagbago para don.Hindi kalaunan ay pumasok kami sa isang kakahuyan at tanging huni ng mga ibon at lagaslas lamang ng tubig ang aking naririnig sa paligid. May iilan ring tunog ng mga sanga ng punongkahoy na mas lalo lang nagbibigay nang kakaibang atmosphere sa buong paligid. At habang patuloy kami sa paglalakad ay unti-unti ring lumakas ang lagaslas ng tubig."Wow," mahinang bulong ko nang sa ikalawang pagkakataon ay muli kong nasilayan ang kanilang napakagandang tinago.Ibinaling ko ang aking paningin sa itaas na nasa kaliwang bahagi ng talon at doon ko nakita ang pamilyar na lugar kung saan ako itinulak nila Amanda noon. Napansin ko rin sa paligid na mas naging maganda pa itong tinago kumpara sa dati. Kung noon ay walang mga cottages sa bawat gilid ngayon naman ay meron na. May mga b
BELLA POVMarahan akong lumusong sa tubig gamit ang sementadong hagdan na nasa paanan ko lamang. At nang makababa ako sa hagdan ay nagulat pa ako na sobrang lalim na pala agad ng tubig.Napasinghap ako at mabuti na lamang ay agad na dumalo sa akin si Zackeriel. Mariing niyang hinawakan ang kamay ko kaya nakuha ko kaagad ang balansi ko.Ikinalma ko ang aking sarili bago ako tuluyang lumangoy palayo sa kanya. At nang nasa ilalim na ako ng tubig ay napangiti ako sa aking nakita.Grabe! Sobrang linaw ng tubig na kahit wala akong suot ng goggles ay nakikita ko pa rin nang maayos ang nasa ilalim. Sumisid pa ako sa ilalim at nang lingunin ko ang aking likuran ay nakita ko si Zackeriel na nakasunod lang pala sa akin.Mabilis akong umahon at halos habol ko na ang aking hininga nang nasa ibabaw na ako."Kyaaahhhhh!!" tili ko nang maramdaman ko ang kamay ni Zackeriel sa mga binti ko mula sa ilalim ng tubig.Umahon siya sa aking harapan kaya naman ay agad ko siyang tinapunan ng tubig sa kanyang
Disclaimer: This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional.BELLA POV Pagkatapos nang pagpunta ko sa kompanya ni Daddy kanina ay hindi na ako lumabas pa ng bahay. Nagmukmok ako sa loob ng kwarto ko at buong araw lang na natulog. Panay pa nga ang tawag sa akin ni Dominic pero sa halip na sagutin ang mga tawag niya ay inoff ko na lang ang aking selpon. Mga alas 11 na ng gabi ng maisipan kong lumabas. Halos patay na ang lahat ng ilaw sa labas kaya parang pusa akong dahan-dahan na bumaba sa engrandeng hagdanan. At upang hindi ako makalikha ng ingay ay binitbit ko na lang din ang aking silver high heels. Deretso akong pumasok sa aking pulang ashton martini. At lumabas ng subdivision. Greet! Now this is called a night out! Habang nagmamaneho ay panay ang sulyap ko sa salamin upang ti
ZACKERIEL POV Napapakurap akong nakatitig sa kanya at halos wala na akong pakialam sa selpon kong kanina pa tumutunog. Nakatuon lang ang mga mata ko sa babaeng namumungay ang mga mata habang papalapit sa akin. "Zackeriel.... haaa! I-ikaw nga," bulong niya na dinig na dinig ko naman. Hinaplos niya nang marahan ang mukha ko dahilan para mas lalo lang akong matigilan. Siya nga! Siya nga ito! Siya nga itong nasa harapan ko ngayon. Bigla siyang ngumiti ng marahan sa akin bago nawalan ng malay. Agad ko naman siyang nasalo. Fuck! Fuck! Fuck! Is this even true? Bella is alive and she is now in my arms for crying out loud! Damn! If I am dreaming right now ayoko nang magising pa sa panaginip na ito. Marahan ko siyang binuhat at mabilis na isinakay sa sasakyan. Halos walang kasing rahan ko siyang inihiga sa passenger seat, takot na bigla na lamang siyang maglaho na parang isang bula sa mga bisig ko. Matapos ko siyang mailapag ay nagmamadali akong umikot sa driver seat at pinaan
BELLA POV Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita ko kung paano natigil ang mga mata niya sa mismong mga paa ko. Hindi ako conscious sa sariling pangangatawan dahil malaki ang tiwala ko sa sariling maganda talaga ang pangangatawan ko. Pero ngayon, sa harapan mismo ni Zackeriel ay hindi ko mapigilang mahiya at mailang sa paraan nang paninitig niya. He is Zackeriel Bennedict Buenaventura for goodness sake! Ang lalaking minsan ko nang minahal. Umayos siya ng tayo at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Dahil sa gulat ay agad akong napaatras ng dalawang hakbang. Natigilan siya nang mapansin niya iyon. Bigla siyang pumikit nang mariin at hinubad ang apron na suot. "Fuck! Why are you stripping?!" sigaw ko at mabilis ang ginawang pagtalikod. What the hell is he doing?!! At bakit ako naririto? Bahay niya ba ito? Haaysss! "Sorry akala ko kasi mamaya ka pa magigising kaya hindi na ako nagsuot pa nang t-shirt habang nagluluto. It's ok I'm all covered now, you